You are on page 1of 5

Ebidensya ng Pagibig

May tatlong paniniwala ang umiiral patungkol sa mundo natin


ngayon. Una, ang Atheism. Ito ang paniniwala na walang Diyos at
hindi Diyos ang lumikha sa mundo. Pangalawa, ang Deism. Ito ang
paniniwala na may Diyos pero walang pakialam ang Diyos sa mundo.
Pangatlo, ang Theism. Ito ang paniniwala na may Diyos at patuloy na
inaabot ng Diyos ang mundo.

“Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. . . “At sinabi ng Diyos,
‘Magkaroon ng liwanag,’ at nagkaroon ng liwanag.”

— Genesis 1:1, 3

“Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.”

— Mga Awit 33:9

“Ah Panginoong Dios! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa
pamamagitan ng iyong malaking kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong
unat na kamay; walang bagay na totoong napakahirap sa iyo.”

— Jeremias 32:17

Ang Paglalang ay Nagpapakita ng Kapangyarihan ng Diyos.


Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Walang bagay na
mahirap sa Diyos. Sa katunayan, sa pamamagitan ng Kaniyang
“salita”; lumitaw ng kusa ang lahat ng kaniyang nilikha.

Sa pamamagitan ng kaniyang salita, nagkaroon ng


















liwanag (cf. Genesis 1:3);
kalawakan sa gitna ng tubig (cf. Genesis 1:6);
lupa at dagat (cf. Genesis 1:9, 11);
araw, buwan, at bituin (cf. Genesis 1:14)
ibon at mga isda (cf. Genesis 1:20)
lupa at hayop panglupa (cf. Genesis 1:24).

“Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa


pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay mula sa mga
hindi nakikita.”

— Hebreo 11:3

Bagamat hindi mapasusubalian na marami ng pag-aaral ang


ginawa ng tao para maintindihan ang pinagmulan ng mundo.
Marami pa ring bagay na hindi kaya abutin ng isipan ng tao. Dito
papasok ang pananampalataya — sapagkat may mga bagay lang
tayo na maiintinidhan kung tayo muna ay mananampalataya.

1. Sa anong aspeto ng iyong buhay kailangan


mo ng pananampalataya?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
“At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa
ating wangis. . . “

— Genesis 1:26













Ang Paglalang ay Nagpapakita ng Larawan ng Diyos.
Bagama’t makapangyarihan ang “salita” ng Diyos, hindi niya
ginamit ang “salita” upang tayo ay lalangin. Dito makikita natin
ang makaling pagkakaiba natin sa hayop. Ginawa tayo ayon sa
larawan at wangis ng Diyos. Ginawa tayo na may kakayahang
mag-isip at makaranas ng emosyon. Ginawa tayo ng may
kalayaan na pumili. Ginawa tayo para makita ng iba ang
“larawan” at “wangis” ng Diyos saatin. Ang buhay ay hindi
patungkol saatin. Ito ay patungkol sa Diyos.

2. Sa paanong paraan nakikita ang


“larawaran” at “wangis” ng Diyos sa iyong
buhay?
________________________________________
________________________________________
________________________________________

“Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng


kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan.”

— Mga Awit 19:1

“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong


kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong
kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap
mo; at ako'y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at
ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.”

— Exodo 33:18, 19

















“Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang
buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin
siya?”

— Awit 8:4

Ang Paglalang ay Nagpapakita ng Kaluwalhatian ng Diyos.


Ang bawat ginawa ng kamay ng Diyos ay nagpapakita ng
kaniyang kaluwalhatiaan. Pagmasdan mo ang bawa’t gawa ng
Diyos, at impossibleng hindi ka mamangha. Pagmasdan mo ang
kagandahan ng ulap. Ang liwanag ng buwan sa gabi. “Tanungin
mo ang mga hayop, at tuturuan ka nila; ang mga ibon sa
himpapawid, at kanilang sasabihin sa iyo; o ang mga halaman sa
lupa, at tuturuan ka nila; at ang mga isda sa dagat ay
magpapahayag sa iyo. Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga
ito, na ang kamay ng  Panginoon  ang gumawa nito (cf. Job
12:7-9)?” Pagmasdan mo ng maigii, at makikita mo ang
kaluwalhatiaan ng Diyos. Magbulay bulay ka at mapapatanong
ka: “Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?”

3. Pagbuluyan ang kagandahan ng nilikha ng


Diyos, at sagutin ang katananungang ito:
“Ano ang tao upang iyong alalahanin siya ng
Diyos?”
________________________________________
________________________________________












________________________________________

Ang Diyos ay pag-ibig. Nilikha tayo ng Diyos para mahalin tayo


ng Diyos. Ang lahat ng kanyang nilikha ay nagpapakita ng
kabutihan niya. Tumingin ka sa langit, pagmasdam mo ng maiigi
ang iyong paligid, at makikita mo:

Mahal tayo ng Diyos!



You might also like