You are on page 1of 11

San Antonio de Padua College

Pila Laguna

S.Y. 2017-2018

Masuring Pananaliksik sa Mga Ilang Batas


ng Pamahalaan na may malaking Epekto sa
Bansa

Miyembro:

Follero, Ma.cristina

Nicol, Vanessa

Penolio, Airene

Sollano, Hyacinth

ABM B
Mrs. Marla Resurrecion

II. LIHAM PAGLILIPAT o MEMORANDUM

Para sa Kagalang-galang na Presidenteng Duterte at Opisyales ng Bansa

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Calauan, Laguna

Petsa: Oktubre 16, 2017

Paksa

Mamulat ang mga opisyal ng gobyerno na siyang namumuno sa Pilipinas

Nais ipabatid ng grupo na magkaroon ng pagpupulong ang mga opisyal na namamahala sa ating
bansa na gaganapin sa Oktubre 24, 2017 upang mapag-usapan ang kabi-kabilang isyung
lumalaganap sa bansa kaakibat ang responsibilidad ng mga namumuno.

Kung mapapansin, iba’t ibang isyung politikal ang umuusbong sa bansa kaalinsunod ang mga
opisyal na namamahala na may maling gawain na siyang kabilang at may pananagutan sa
nasabing isyu kung kaya’t bilang miyembro ng lipunan, ang sanggunian ay naglalayong:

 Maimulat ang mga opisyal sa gobyerno na may maling gawain at corrupt at mabigyang
pansin ang tunay na kahulugan ng kanilang resposibilidad bilang mamumuno
 Maisagawa at maipatupad ang mga batas sa tamang pamamaraan
 Magkaroon ng atensyon ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng ating bansa at sa mga di
kaaya-ayang isyu sa ating ginagalawan
Ang Sangguniang Kabataan ng Calauan Laguna ay inaasahan ang inyong pagdalo at
kooperasyon sa nasabing pagpupulong. Ikatutuwa ng grupo ang inyong konsiderasyon.
Maraming salamat po!

III. TALAAN NG NILALAMAN

I. Mga ilang Batas ng Pamahalaan na may malaking epekto sa Bansa…………………………...1

II. LIHAM PAGLILIPAT o MEMORANDUM………………………………………………….3

IV. EHEKUTIBONG BUOD……………………………………………………………………..4

V. INTRODUKSYON ………………………...………………………………………..……….5

VI. LAYUNIN, SAKLAW AT LIMITASYON………………………….……………..………...6

VII. DISKUSYON….…………………………………………………………………… ………7

Republic Act 10883 – Stricter Anti – carnapping Law

Republic Act 10905 – Mandatory Subtitles

Republic Act 10906 – Stronger measures for the Anti-male-order Bride Law

Republic Act 10909 – Exact Change

Republic Act 10910 – Longer Prescription for crimes of graft and corruption

Republic Act 10913 – Anti Distracted Driving Act

VIII. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON………….…………………………………..9

IX. SANGGUNIAN……………………………………………………………………………..10
IV. EHEKUTIBONG BUOD

Maraming batas sa ating bansa ang naipatupad na may malaking epekto at impak upang
maisayos ang ating bansa at tungo sa kaunalaran nito gayunpaman may mga ilang batas ang
hindi naipatupad na may posibilidad na makatulong sa ating bansa sa panahon ng mga sakuna at
hindi nabigyang pansin.

Bugbog na ang Pilipinas at wala nang nakakapagsabi kung kalian makakaahon sa putikang
kinalulubluban. Malaking kahibangan ang nangyayari sa bansa na ang mga pulitiko ang
nagpapasimuno ng mga kaguluhan. Sila na ang pinagtitiwalaan ng mga mamamayan upang
magsilbi ng tapat para sa ikauunlad ng bansa. Bagsak na ang ekonomiya at naghihirap na ang
bansa dahil sa pamamayagpag ng mga tiwaling opisyal.

Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa listahan ng mga corrupt na bansa sa buong mundo.
Nakadagdag sa alegasyon ni Senator Ping Lacson kay First Gentlemen Mike Arroyo sa money
laundering at illegal activities.

May mga batas na pinalaganap sa bansang Pilipinas na makakatulong upang maisaayos ang
nasabing bansa at isinagawa para sa ikakaunlad ng ating bansa na may kaakibat na parusa sa mga
taong lalabag dito na isinagawa ng mga opisyal ng gobyerno at inaprubahan ng ating president.
V. INTRODUKSYON

Ang ating bansa ay humaharap sa sunud sunod na suliranin na dapat ay bigyang pansin
ng ating gobyerno ngunit sa kasamaang palad ay hindi natutugunan ng pamahalaan ang mga
problema kung kaya’t ang mga suliranin na kinakaharap ng bansa ay lalong nagiging masama sa
mga taong naninirahan sa nasabing bansa at nagkakaroon ng masamang epekto sa mga taong
nakatira dito.

Bukod sa mga problema at suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas ay ang mga


taong naninirahan dito lalo na ang mga taong naka upo sa mataas na posisyon tulad ng mga
namamahala sa gobyerno at ang mga mayayaman na silang nagpapatakbo ng mga buhay ng
mahihirap.

Ang mga suliraning kinakaharap ng bansa ay may kaakibat na mga batas na ipinapatupad
upang bigyang solusyon ang lahat ng kamalian na lumalaganap sa Pilipinas, at ang mga batas na
ito ang makakatulong sa pagsagot ng solusyon na maaring makatulong upang magkaroon ng
magandang bansa ang Pilipinas.

Ang mga batas na ito ay isinagawa ng mga opisyal na namamahala sa gobyerno at


inaprubahan ng presidente. Ito ay isinakatuparan upang mailagay sa ayos ang lahat gawain at
transakyon sa ating bansa at para sa ikauunlad nito ngunit ang mga ito ba kaaya-aya kaalinsunod
ang taong nagsagawa nito? Atin ng tuklasin ang batas na sinusunod ng mga mamamayang
nasasakupan ng bansang Pilipinas.
VI. LAYUNIN, SAKLAW AT LIMITASYON

Layunin ng pag aaral na ito na nigyang kaalaman ang lahat ng mga mamamayan ng
bansang kabilang dito na may mga batas na may mga malalaking epekto pagdating sa kaunlaran
ng bansa. Dag dag pa ditto ay nais ng grupo na ipabatid na ang mga batas na isinasaad sa pag
aaral ay may malaking epekto at labis na makakatulong sa paglunsad ng ekonomiya ng bansa at
maging kaayusan nito.

Ang pag aaral na ito sinasaklaw ang lahat ng mamamayan upang ang lahat ay maging
maalam at mabatid ang mga bagay na makakatulong sa paglunsad ng bansa. Sinasakop ng pag
aaral na ito ang lahat ng mamamayan na nakatira sa bansa espesyal sa mga kabataan na siyang
nagpapalakad ng bansa sa susunod na henerasyon.
VII. DISKUSYON

Base sa lahat ng nalikom na mga impormasyon ng grupo ay ating tuklasin kung ang mga batas
ba ay nararapat ipalaganap sa Pilipinas at kung ang mga batas ba na ito ay magkakaroon ng
malaking tulong sa pagsulong ng bansang Pilipinas at pag unlad nito.

1. Republic Act 10883 – Stricter Anti – carnapping Law

Hindi na maaring mag piyansa ang mga makakasuhan ng Carnapping. Mas mahabang
sintensyang pagkaka-kulong din ang ipapataw sa kanila, mula sa dating 17 taon at 4 na buwan,
aabot na ngayon ng 20 hanggang 30 taon.

2. Republic Act 10905 – Mandatory Subtitles

Ang lahat ng mga franchise holders, operators ng mga TV networks at producers ng mga
TV shows na maglagay ng subtitles sa kanilang mga programa. Ito ay para sa kapakanan ng mga
manonood mula sa deaf community. Hindi sakop ng batas na ito ang mga public service
announcements na hindi tatagal ng sampung minuto at mga programang ipinalalabas sa pagitan
ng ala una hanggang ala sais ng umaga. Ang mga hindi susunod sa batas na ito ay
pagmumultahin ng hindi bababa sa 50, 000 pesos at hindi lalagpas sa 100, 000, at maaring
makulong ng mula anim hanggang 12 buwan. May posibilidad din na mabawi ang kanilang
lisensya para mag operate.

3. Republic Act 10906 – Stronger measures for the Anti-male-order Bride Law

Ang mga mapapatunayang gumagawa at nagnenegosyo ng pagpapadala ng mga


babaeng Pilipino sa ibang bansa para magpakasal sa mga foreign national ay ikukulong ng 15
taon at pagmumultahin ng hindi bababa sa 500,000 pesos ngunit hindi lalagpas ng isang milyon.
Mas mataas na multa at mas mahigpit na parusa pa para sa mga nakapag paalis ng mahigit sa
dalawang tao. Sakop din ng batas pati ang mga taong nakipagsabwatan sa mga ganitong gawain.
Kung ang nagpapatakbo ng male-order bride business ay dayuhan, sila ay ipapa deport pabalik sa
kanilang bansa.

4. Republic Act 10909 – Exact Change

Hindi na maaring magbigay ng candy o mag “thank you” sa mamimili dahil walang
panukli. Maari nang ireklamo ang mga establisyimento na gumagawa ng ganito. Kailangan na
riin maglagay ng price tag sa mga paninda para Makita agad ng mamimili kung magkano ang
dapat niyang bayaran. Narito ang mga multa na mahuhuling lalabag sa batas na ito:

500 o 3% ng gross sales para sa unang paglabag

5000 o 5% ng gross sales para sa pangalawang paglabag

15 000 o 7% ng gross sales at talong buwan ng suspension ng negosyo sa pangatlong paglabag

25 000 na multa at pagpapasara ng negosyo para sa pang apat na paglabag.

5. Republic Act 10910 – Longer Prescription for crimes of graft and corruption
Mas pinahaba na ang panahon para mapatawan ng sintensya ang makakasuhan ng graft at
corruption and dating 15 taon ay ginawa nang 20 taon.

6. Republic Act 10913 – Anti Distracted Driving Act

Bawal nang magtext, tumawag o magsearch sa internet gamit ang mobile phne o ano pa
mang electronic device habang nagmamaneho ng sasakyan. Pagmumultahin ng 5, 000 hanggang
15, 000 angmga lalabag sa batas na ito; sa pangatlong pagkakataon na mahuli ang driver,
masususpinde ang kanyang drivers license sa loob ng tatlong buwan. Sakop ng batas na ito ang
lahat ng uri ng sasakyan mula bisikleta, motorsiklo, tricycle, pati mga diplomatic at government
owned vehicles.

VIII. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang mga batas na nasabi ay marapat lamang na bigyang pansin ng gobyerno dahil ang
mga batas na ito ay maaaring magdulot ng malaking epekto upang matulungan ang bansa sa pag
unlad. Ngunit ang mga batas na ito ay masusunod lamang kung ang lahat ay magbibigay ng
suporta at ang mga tao ay susunod dito.

Nais ng grupo na bigyang kaalaman ang bawat mamamayan na ang mga panukalang
batas na hindi naipatupad ay may malaking posibilidad na makatulong sa mga tao upang ang
mga tao ay maging isang produktibong miyembro ng lipunan. Dagdag pa dito ay may malaking
tulong ito sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaunlaran sa nasabing bansa.

Ang bawat miyembro ng lipunan ay nararapat lamang na sumunod sa batas na


ipinapatupad ng pamahalaan upang maging maayos ang kalalabasan ng isinatupad na batas.
Para sa mga namumuno at nagpapatakbo ng bansang Pilipinas, maging ehemplo ng isang
kabataan ang lahat ng mga lider na namumuno sa Pilipinas upang ang mga susunod na
henerasyon ay maging maganda ang resulta ng kaayusan at ang hinaharap ay magiging
mapayapa.

IX. SANGGUNIAN

www.philstar.com/opinyon/218289/apektado-ang-bansa-sa-kaguluhan-ng-mga-pulitiko

http://news.abs-cbn.com/focus/08/04/16/look-8-new-interesting-laws-in-the-Philippines

You might also like