You are on page 1of 3

Lesson 1: ANG SUSI SA TUNAY AT PANGMATAGALANG KALIGAYAHAN.

WALANG TOTOONG KALIGAYAHAN KUNG HIWALAY KA SA DIYOS. Kailan kaya


malalaman ng tao na ang Diyos ang sanhi at pinagmumulan ng lahat ng totoong kaligayahan? Alam
naman natin na pinaghihiwalay ng kasalanan ang tao mula sa Diyos at nagdadala ito sa mundo ng
kasamaan at labis na kalungkutan sa lahat. “Ngunit pinaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at
ang inyong Diyos,
at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo, anupa't siya'y hindi
nakikinig.” (Isaias 59:2, ABTAG01). Ang kasalanan ay nagdudulot sa isang tao ng puwang,
kalungkutan, kabagabagana at ng pagkakasala. Ito ay totoo at mananatiling totoo, “…ang lakad ng
mananalangsang ay mahirap.” (Mga Kawikaan 13:15, TLAB). Ang bayad sa kasalanan ay palaging
pagdurusa.

Mayroong mga panandaliang kaligayahan sa buhay ng mga nasa ilalim ng kontrol ni Satanas ngunit ang
mga kagalakan na ito ay hindi nagtatagal. Walang kagalakang tumatagal o nagbibigay-kasiyahan bukod
sa Diyos. “Sapagkat sa kanya tayo'y nabubuhay, at kumikilos, at nasa kanya ang ating pagkatao;
tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Sapagkat tayo rin ay kanyang supling.’” ( Mga
Gawa 17:28, ABTAG01). Mayroong puwang sa ating kalooban na mapupunuan lamang ng Diyos. “Ang
aking kaluluwa ay nauuhaw sa Diyos, sa buháy na Diyos, kailan ako makakarating at makikita ang
mukha ng Diyos?” (Mga Awit 42:2, ABTAG01). Ang mabuhay at mamatay na walang Diyos ay
trahedya ng lahat ng mga trahedya. “Na nang panahong iyon, kayo ay walang Cristo, hiwalay sa
pagiging mamamayan ng Israel, at mga dayuhan sa mga tipan ng pangako, walang pag-asa at
walang Diyos sa sanlibutan.” (Efeso 2:12, ABTAG01).

SUMMARY

1. Ang Diyos ang dahilan at pinagmumulan ng lahat ng totoong kaligayahan.


2. Sinira ng kasalanan ang aking koneksyon sa kaligayahang mula sa Diyos.
3. Ang kasalanan ang nagdadala sa akin ng labis na kalungkutan.
4. Ako ay nalulumbay at may puwang sa aking puso hanggang sa makita ko ang kaligayahan sa
Diyos.
5. Ang aking kasalanan ay ang sumisira sa aking totoong kaligayahan.
6. Walang kagalakang tumatagal o nagbibigay-kasiyahan kung hiwalay sa Diyos.
7. Pinupuno ng kaligayahan ng Diyos ang aking malalim na pangangailangan.

MAYROONG DIYOS SA LANGIT NA NAGMAMAHAL SA ATIN AT NAGHAHANGAD NA


TAYO’Y MAGING MASAYA. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa
sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
(Juan 3:16, MBBTAG12). Makikita ang pag-ibig ng Diyos sa kaloob ng Kanyang Anak sa krus. Ipinakita
rin ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin sa pagbibigay sa atin ng Bibliya upang malaman natin ang
Kanyang kalooban. Ang pag-ibig ng Diyos ay nakikita rin sa pagbibigay Niya sa atin ng pribilehiyo na
maging isang mamamayan sa Kanyang kaharian, ang iglesya.
Ang pakikisama sa Diyos ay nagdudulot ng kaligayahan at kagalakan. Sinabi ni Jesus, “Ako'y naparito
upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.” (Juan 10:10, TLAB). Ang
mga nakakakilala sa Diyos ay mayroong tunay na kaligayahan sa buhay na ito at sa darating, sa langit.

Isang kamangha-manghang katotohanan na maintindihan ang pag-ibig at pagnanasa ng Diyos para sa


ating ikabubuti at kaligayahan. “Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang
mamatay si Cristo para sa atin…” (Roma 5:8, MBBTAG12). Talagang mahal tayo ng Diyos. Nais
Niyang tayo’y makapunta sa langit. “Ano nga ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang
Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” (Roma 8:31, ABTAG01). Ang Diyos ay
makapagdadala ng matamis na kapayapaan sa ating mga puso sa lahat ng mga pangyayaring maaaring
taglayin ng buhay. “At nalalaman natin na sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa
ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.”
(Roma 8:28, ABTAG01).

SUMMARY

1. Nais ng Diyos na magkaroon ako ng relasyon sa kanya.


2. Hindi ko mahahanap ang tunay na kaligayahan sa ibang mga bagay.
3. Ang pakikipagkaisa sa Diyos ay nagdudulot ng buo at malalim na kagalakan.
4. Ang pagkakilala sa Diyos ay ang totoong kaligayahan ngayon at sa hinaharap.
5. Ang pag-ibig ng Diyos ay naghahangad ng aking ikabubuti at ng aking kaligayahan.
6. Alam ng Diyos na ang kasalanan ay lason sa tunay na kagalakan.
7. Maaring gawin ng Diyos ang lahat ng mga bagay para sa aking kaligayahan.

MAYROONG PARAAN UPANG MAKAMIT ANG TOTOO AT PANGMATAGALANG


KALIGAYAHAN. God’s happiness is Spiritual, not material. Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula
sa pagbibigay sa Diyos at sa Kanyang kaharian ng tamang lugar sa ating buhay. “But seek first the
kingdom of God and His righteousness, and all these things shall be added to you.” (Matthew 6:33,
NKJV). Ang mga materyal na bagay ay hindi nagdadala ng pangmatagalang kasiyahan. The more one
gets the more one wants. “At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa
lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na
tinatangkilik niya.” (Lucas 12:15, TLAB).

Ang totoong kayamanan at totoong kaligayahan ay hindi dumarating sa “…sinumang nag-iipon ng


kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.” (Lucas 12:21, RTPV05). Ang
pag-ibig sa pera o materyal na bagay ay laging humahantong sa kasamaan at hindi sa kabutihan.
“Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na
yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”
(1 Timoteo 6:10, MBBTAG12).

Ang mga taong may Jesus sa kanilang buhay ay may kapayapaan na hindi maibibigay ng mundo at hindi
maaring alisin ninuman. Dapat mong malaman na ang susi sa tunay na kagalakan ay ang pamamahala ng
Diyos sa iyong buhay.

SUMMARY

1. Ang mga materyal na bagay ay hindi nagbibigay ng pangmatagalang kasiyahan.


2. Ang totoong kayamanan at totoong kaligayahan ay nagmumula lamang sa Diyos.
3. Ang susi sa tunay na kagalakan ay ang pamumuno ng Diyos sa aking buhay.
4. Ang aking pinakamalalim na pangangailangan ay hindi sa panlabas ngunit sa panloob.
5. Ang aking kaluluwa ay dapat naaayon sa kalooban ng Diyos upang ako ay maging masaya.

MAYROONG ISANG PANIMULANG HAKBANG KUNG NAIS NINUMAN ANG TUNAY NA


KALIGAYAHAN. Ang tunay na kaligayahan ay nagsisimula sa pag-aaral ng Bibliya. Ang mga
nagnanais makilala ang Diyos ay dapat mag-aral ng Bibliya. “Kaya ang pananampalataya ay
nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.” (Roma 10:17,
MBBTAG12). Ang unang hakbang sa pagkakilala sa Diyos ay ang pag-aaral sa Bibliya. Isinulat ng Diyos
ang Kanyang mensahe upang mabasa natin, paniwalaan at sundin. “Nguni't ang mga ito ay nangasulat,
upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong
pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.” (Juan 20:31, ABTAG).

Ang aking pagnanais na mag-aral ng Biblia ay nagpapakita ng aking pagnanais na makilala ang Diyos.
Dapat malakas ang pagnanasang ito. “Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang
gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa
ikaliligtas.” (1 Pedro 2:2, ABTAG). Inutusan ako na mag-aral upang masiyahan ang Diyos. “Sikapin
mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at
tama ang paggamit sa salita ng katotohanan.” (2 Timoteo 2:15, MBBTAG12).

Maaaring matutunan ng isang tao ang lahat ng bagay sa mundong ito ngunit hindi niya makikilala ang
Diyos nang walang pag-aaral sa Bibliya. Nagbibigay-daan sa atin ang pag-aaral sa Bibliya na makilala at
maglingkod sa Diyos. “Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo
ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng
Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa
maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na
pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng
mabubuting gawain.” (2 Timoteo 3:15-17, RTPV05).

Ang susi sa tunay na kagalakan ay ang mamuno ang Diyos sa iyong buhay. Saliksikin ang Banal na
Kasulatan araw-araw!

SUMMARY

1. Ang unang hakbang patungo sa pagkakilala sa Diyos ay ang pag-aaral sa Bibliya.


2. Ang aking pananampalataya ay magmumula lamang sa pag-unawa sa salita ng Diyos.
3. Ang mensahe ng Diyos para sa aking kaligayahan ay nakasulat at dapat basahin.
4. Ang aking pagnanais na mag-aral sa Banal na Kasulatan ay nagpapakita ng aking pagnanais na
makilala ang Diyos.
5. Utos na pagsikapang pag-aralan ang Biblia upang masiyahan ang Diyos.
6. Ang pag-aaral ng Bibliya ay mas mahalaga kaysa sa lahat ng iba pang mga uri ng pag-aaral.
7. Nagbibigay-daan sa akin ang pag-aaral ng Bibliya na makilala at maglingkod sa Diyos na
kalugod-lugod.

You might also like