Panuto: I-video ang sarili na binabasa ang balita itong na parang isang tunay na newscaster at
basahin at sagutin rin ang kasunod na mga katanungan. Ipakilala ang sarili sa huli ng video.
Community service lang sa lalabag sa
curfew, mungkahi ng DOJ
MANILA, Philippines — Inirerekomenda ng Department of
Justice (DOJ) na patawan na lamang ng community services ang mga naarestong lumalabag sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus bubble. Sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra, ito ang naging rekomendasyon niya nang makipagpulong sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Management of Emerging Infectious Diseases. Magiging magaan daw ang community services dahil sa maraming mga mamamayan ang hirap kumita bunsod ng kawalan ng trabaho kaysa pagbayarin ang mga violators ng multa. Umaasa naman ang kalihim na mapapakinggan ng mga alkalde ang kaniyang rekomendasyon. Mga tanong:
1. Ano ang iminumungkahi ng Department of Justice?
Patawan ng community service ang nahuli lumalabag.
2. Saan-saang lugar nila ito nais ipatupad?
Ang mga lalawigan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite,
Laguna and Rizal o ang tinatawag na NCR Bubbles
3. Kailan ito inirekomenda ni DOJ secretary Menardo
Guevarra?
Abril 7, 2021
4. Bakit mas mainam daw na ang kanyang rekomendasyon
ang gawing parusa sa violators?
Ito daw ay magiging magaan dahil marami ang hirap
kumita dahil sa nawalan ng trabaho kaya kesa magbayad ay mag community service nalang.
5. Ano ang iyong sariling opinyon o reaksyon tungkol sa
nabasang balita o isyu?
Makakabuti na mayroon tayong na batas na may
nakalaan na parusa upang sundin ng tao ang mga inuutos ng gobyerno
Ako po si Edrian P. Espiritu, Grade 6 section MFGA