You are on page 1of 2

BRP Suluan, barko ng Spain ginunita ika-

500 taon ng Magellan voyage


Nagsalubong sa karagatan ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP)
Suluan ng Philippine Coast Guard at ang Spanish Navy Training Ship na
Juan Sebastian Elcano sa Guiuan, Eastern Samar para gunitain ang ika-
500 anibersaryo ng paglalayag ni Ferdinand Magellan paikot sa daigdig.

Kahapon binalita ng National Quincentennial Committee (NQC) ang


pagtatagpo ng dalawang sasakyang pandagat.

“Philippine Navy Ship Tecson and the Spanish ship had a meeting
procedure earlier at 11:30am. The said ship is in the Philippines to join
the Filipino people in commemorating the Philippine part in the first
circumnavigation of the world on 16 March 1521,” ayon sa Facebook post
ng NQC kahapon.

Dagdag nito, “Earlier at 11am, the National Historical Commission of the


Philippines and the National Quincentennial Committee unveiled the
Suluan Quincentennial Historical Marker, the first of the 34 historical
markers along the routes of the first circumnavigation in the
Philippines.”

Lalarga sa dagat ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Apolinario


Mabini ngayong Martes upang salubungin ang barko ng Espanya na
Buque Escuela de la Armada Española Juan Sebastián Elcano para
gunitain ang ika-500 anibersaryo ng paglalayag ni Ferdinand Magellan sa
daigdig.
Ayon sa NQC, ang pagkikita ng dalawang barko ang hudyat ng
pagsisimula ng 2021 Quincentennial Commemoration.

Batay sa mga historyador, Marso 16, 1521 nang unang tumapak ang
explorer sa bansa.

“A significant part of this first circumnavigation of the world happened


in our territory. Some of these events that occurred during this part of
the expedition in the Philippines, underscored the compassion of our
ancestors toward the starving and undernourished crew of Magellan on
meeting them in Homonhon,” pahayag ng NQC.

April 27, 1521 nang mapatay si Megallan ni Lapu-Lapu at mga kasamahan


nito sa ‘Battle of Mactan.’

Magugunitang Pebrero ng nakaraang taon itinalaga ni Pangulong Rodrigo


Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea upang pangunahan
ang mga aktibidad sa 2021 Quincentennial Commemoration. (Vienne
Angeles)

You might also like