Professional Documents
Culture Documents
Site
Site
SINING
NG
PAKIKIPAGTALASTASAN
FIL 101
Taong panuruan:
2st semester Prelim
I Batayang Kaalaman sa Wika at Komunikasyon
Ang Wika
c. Tungkulin ng Wika
d. Uri/Barayti ng Wika
e. Antas ng Wika
2
Pangunahing Diyalektong Filipino
3
KAHULUGAN NG WIKA
Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila nanggaling ang isa pang
katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng
language, tawag sa wika sa Ingles-nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang
lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng
maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang wika-sa malawak nitong kahulugan-ay
anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit
mas kadalasang mayroon.
Genesis 11:1-9 nakasaad dito kung paano lumaganap ang wika pagkatapos ng delubyo o
malaking baha mula sa angkan ni Noah.Dahil sa kanilang mapag-imbot na hangarin dahil sa
iisa ang kanilang wika sila ay nagkakaunawaan. Nangamba ang Diyos na malampasan ang
kanyang kapangyarihan kung kaya binigyan nya ng iba’t ibang wika ang mga tao upang sila ay
di agad magkaunawaan. Sila ay nagkawatak-watak at kumalat sa daigdig.
KAHALAGAHAN NG WIKA
Mahalaga ang wika sapagkat:
ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay masistemang balangkas- Bawat wika ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na
balangkas. May kanya-kanyang palatunugan, palabuuan ng mga salita at istraktura ng mga pangungusap
ang bawat wika.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog- Bawat wika ay may mga makahulugang tunog na kasangkapan sa
komunikasyon. Maraming tunog ang maaaring malikha ng tao subalit hindi lahat ay maituturing na wika
sapagkat hindi ito naisaayos upang maging makabuluhan.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Pinipili ang wikang gagamitin upang maging makabuluhan at higit
na maunawaan ng kausap.
4. Ang wika ay arbitraryo –Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong
magsalita kung paanong ang naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng
4
wika ay panlipunan. (Just the sounds of speech and their correction with entities of experience are
passed on to all members of any community by older members of that community.)
5. Ang wika ay ginagamit- Ang wikang hindi ginagamit ay unti-unting mawawala at tuluyang
mamamatay. Ito ang dahilan kung bakit daynimiko ang wika. Habang ito’y ginagamit, patuloy itong
nagbabago:patuloy na dumarami, nadaragdagan, at umuunlad sa patuloy na pagbabago ng panahon.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura-Nagkakaiba-iba ang wika dahil sa pagkakaiba ng kultura. Natatangi
at malikhain ang bawat wika sapagkat nakabuhol ito sa natatanging kultura kung saan ito ginagamit.
7. Walang Superyor na wika sa ibang wika-Bawat wika ay superyor sa mga taong gumagamit nito
sapagkat sa wikang ito sila nagkakaintindihan. Hanggat ang wika ay nagagamit ng isang pangkat ng tao
upang maipahayag ang kanilang sariling kultura at nagkakaunawaan sila, ang wikang ito ay superyor sa
kanila. Walang mas mataas na wika sa ibang wika at wala ding mas mababang wika sa iba.
A. Biblikal
1. Kwento ng Tore ng Babel-(Tower of Confusion) Mababasa ang kwento sa aklat ng Gen. 11:1-
9. Ito ay tungkol sa kamangha-manghang pagtatayo ng mga tao ng toreng napakataas na abot
hanggang langit. Nagawa ng mga tao ito dahil sila ay nagkakaisa. Di umano di nagustuhan ng
Diyos ang ginawa nilang ito kung kaya pinag-iba-iba niya ang kanilang wika.
1. Bow-wow- Sinasabi ng teoryang ito na ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig
nila sa kalikasan. (Langitngit ng puno ng kawayan, hampas ng alon sa malaking bato, Ungol ng
salita ng mga hayop
2. Ding-dong- Bawat bagay sa daigdig ay may kaugnay na tunog. Panggagaya pa rin sa tunog ang
batayan ng teoryang ito. Naniniwala ang teoryang ito na ang wika ay mula sa panggagaya ng
mga tunog ng bagay sa paligid na naging batayan din ng panawag sa mga ito. Marahil ito ang
nagpapaliwanag sa mga salitang tulad ng ding-dong ng kampana, “bang-bang” ng baril at
“boom” ng granada.(ex. Simbolo- puso(pag-ibig) at mga simbolong pantrapiko at babala
5
3. Yum-yum- Sa teoryang ito pinaniniwalaang naunang sumensyas ang tao kaysa magsalita.
Subalit dumating ang panahong kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin.
Isang halimbawa dito ang pagtango kasabay ng pagsasabi ng oo at pag-iling kasabay ng
pagsasabi ng hindi.
4. Ta-ta – Kumpas pa rin ang batayan ng teorya ito. Ang ta-ta ay nangangahulugang paalam sa
mga Pranses. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang pagtaas at pagbaba ng kamay ay
nangangahulugang nagpapaalam. Subalit sa panahon ngayon, hindi na lamang sa ganitong kilos
ng kamay naipapakita ang pagpapaalam kundi maaari ding iwagayway upang magpaalam.
6. Yo-he-ho- Sa teoryang ito, ang wika ay nalikha bunga ng pwersang pisikal sa kanyang
ginagawa. Isang halimbawa nito ang salitang nabibigkas ng isang inang nanganganak kapag
umiire. Kasama na rin ang mga salitang nabibigkas ng isang karatista at isang boksingero.
Halimbawa ng Yo-He-Ho
Pagkarate –ya-ya-ya
Pag-ire –hu-hu-e-e-e
8. Pakikisalamuha- Sapagkat ang tao ay likas na sosyal, ang teoryang ito ay naniniwalang ang tao
ay lumikha ng kanyang wika upang magamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Hal. Ta-ra-ra-boom-de-ay
6
Ipaliwang ang mga sumusunod na mga katanungan. 5 puntos bawat isa.