You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Pililla, Rizal

COLLEGE OF EDUCATION

Banghay Aralin
sa
Araling

Ipinasa ni:
Angela Mae A. Amarille

Ipinasa kay:
Prof. Jonathan A. Belarmino

I. Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng komunidad
Natutukoy ang mga bumubuo ng isang komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Komunidad
Kagamitan: krayola, papel, manila paper, modyul 1
Integrasyon: pagpapahalaga sa kalikasan, sining

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Awit
B. Pagganyak
Buuin ang jumbled letters.
mukodadni
Saan kayo nakatira? Ang Yook ba ang ay isang komunidad?
C. Paglalahad
Tingnan ang larawan ng isang komunidad. Ilarawan ang
komunidad.
Ano-ano ang makikita sa komunidad? Isulat ang sagot sa pisara.

D. Pagtalakay
Ano ang kahulugan ng komunidad?
Ano-ano ang bumubuo sa isang komunidad?
E. Paglalahat

Tandaan Mo
 Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na
magkatuladGawain
F. Pangkatang ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.
 Ang komunidad ay binubuo ng pamilya, paaralan, pamahalaan, simbahan, sentrong
pangkalusugan, pook libangan at pamilihan.
Pangkatin ang klase sa pito. Gawin ang nakalaang gawain.

Pangkat I – Panuto: Buuin ang larawan.


Tanong: Ano ito na bumubuo sa isang komunidad?
Pangkat II – Panuto: Iguhit ang inyong paaralan. Kulayan ito.
Pangkat III – Panuto: Tingnan ang larawan, buuin ang jumbled letters
upang makabuo ng isang salita.
Pangkat IV – Panuto: Buuin ang jumbled letters. Iguhit ang nabuong
salita.
Pangkat V – Panuto: Tingnan ang larawan. Ibigay ang nawawalang mga
titik upang mabuo ang salita.
S_ntr_ng Pang_alus_ga_
Pangkat VI – Panuto: Kulayan ang larawan. Isulat kung ano ito na
bumubuo sa komunidad.
Pangkat VII – Panuto: I-role play ang sitwasyon. Sagutin ang sumusunod
na tanong.
Araw ng Linggo, isinama ka ng iyong ina upang bumili ng
bigas, isda, gulay at mga sangkap sa pagluluto ng ulam. Marami ang
nagtitinda tulad ng mga damit, pagkain, laruan at iba pa.

Tanong: Saan kayo pumunta ng iyong Nanay? Kabilang ba ito sa


bumubuo sa komunidad?

IV. Pagtataya

Tingnan ang larawan sa Hanay A.Piliin kung ano ito na bumubuo sa isang
komunidad.

Hanay A Hanay B

1. a. pamilya

2. b. paaralan
3. c. simbahan

4. d. pook libangan

5. e. pamilihan

f. health center

V. Takdang Gawain

Iguhit sa inyong kwaderno ang mga bumubuo sa komunidad.

You might also like