You are on page 1of 2

I.Isulat ang mga layunin mula sa unang modyul.

A. Pumili ng isa sa mga layunin at ipaliwanag?


-natutukoy nag bahagi ng katawan ng mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog,sa layuning ito ay
natututnan natin kung ano ang mga parteng ito at natututunan din natin ang wastong pagbigkas ng
mga tunog sa bawat salita,sa gayon ay mas napapabuti ang ating pag aaral at mapahusay ang ating
pagbigkas.
B. Iguhit ang bahagi ng katawan na mahalaga sa pagbigkas ng tunog

C. Itala ang mga paksang naibigan.Ipaliwanag.


natalakay ang kasaysayan ng mga unang sumakop sa ating bansa akugnay ng oagbabago sa daang
tinahak ng pagaaral dito ay nalaman natin na ang Wikang Kastila ay ang opisyal na wika ng Pilipinas
noong simula ng pamumuno ng mga Kastila noong mga huling bahagi ng ika-16 na siglo, hanggang sa
pagtatapos ng Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898. Nanatili ito, kasama ng Ingles, bilang de facto
at opisyal na wika hanggang sa inalis ito noong 1973 sa pamamagitan ng pagbabago sa saligang-batas.
Matapos ang ilang buwan, muli itong itinalaga bilang opisyal na wika sa pamamagitan ng isang atas ng
pangulo at nanatiling opisyal hanggang 1987, nang inalis ng kasalukuyang saligang-batas ang opisyal
nitong katayuan, at itinalaga na lamang ito bilang isang opsiyonal o hindi sapilitang wika

D. Ano ang natutunan mo sa modyul ma ito? Natutunan natin ang ibat ibang kasaysayan ng wika na
dumating sa ating bansa at kung paano ito nabago sa pagdaan ng mga lumipas na panahon. Ibat iang
dayuhang lingwahe rin ang naihalo sa ating wikang ginagamit sa bansa.

II.ibigay ang mga layunin smula sa ikalawang modyul


A.sa mga layunin pumili ng isa at ipaliwanag?
Napagaaralan ang paraan kung paano ang pag papantig ng isang salita. Dito ay natututhan natin ang
tamang pagpapantig kung kayat mababanggit ang tamang pagbigkas ng salita
B. sipiin ang ibat ibag uri ng diin at ang kahulugan nito,at maibigay ng tagsasampung halimbawa sa
bawat uri ng Diin
 Malumay -binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli. Ito ay maaring
magtapos sa katinig o patinig
Halimbawa: babae ,lalaki, paso, aso, bunga, malaya , talino ,katapatan, buhay, malumay

 Maragsa-tuloy tuloy ang huling pantig ng salita ay may impit.ito ay tinutuldikan ng pakupya na
itinatapat sa huling patinig ng salita.
Halimbawa:pakulo, ginawa, salita, bati, bugso, bungo, ngisi, puso, ginawa, humula

 Mabilis -ginagamitan ng tuldik na pahilis,tuloytuloy na ang diin ay nasa huling pantig ngunit
walang impit sa dulo
Halimbawa:pito ,dahon ,bagsik, damo ,ganda, malakas ,saksak,sapin,buwan,bulaklak

 Malumi-laging nagtatapos sa patinig at ang huling letra ay may tuldik na paiwa


Halimbawa:baro ,laso, tasa, bato, labi ,lupa, pagsipi ,mayumi ,lahi, tama

C. Magtala ng mga natalakay na nagustuhan. Ipaliwanang


Ibat ibang uri ng diin at tamang pagbigkas- sa pagtatalakay rito ay natutunan ko ang tamang
pagbigkas ng salita at tono ,napagiiba rin natin ang kahulugan ng salitang naipabatid ayon sa tono ng
ananalita ng mga salitang ito.
D. Isulat ang aral na naghatid ng karunungan sa iyo ?. Patunayan .
Sa pag papantig natutunan ko ang wastong pagpapantig ng salita kung kayat naiiwasan ang hindi
pagkakaintidihan at misinterprasyon ng nabanggit ng salita Halimbawa nalang sa pagbasa opagbigkas
ng “letson” ang tamang hati ng mga pantig nito ay “le” at “tson” ngunitbinabasa ito ng iba sa
pagbigkas ng “let” at “son”. Sa bawat malingpagkakabigkas sa bawat pantig ay maaring maging iba na
ang kahulugan atmagbabadya ng kaguluhan sa isipan ng kausap at sa mga taong nakarinig.

III. Sipiin ang nakapaloob na layunin mula sa ikatlong modyul.


A.Ipaliwanag ang isa sa mga layunin na ibinigay
B. Salliksikin ang Mga aspekto ng pandiwa ,magbigay ng tagsasampung halimbawa sa bawat uri

Pangnagdaan/
Naganap/Perpektibo
Inawit Binasa ibinigay Binilang dinagdagan gumapang gumawa
Hinanap humanga huminga

Pangkasalukuyan/
Nagaganap/Imperpektibo
umaawit binabasa ibinibigay binibilang dinadagdagan
Gumagawa humihinga Humahanga Hinahanap gumagapang

Panghinaharap/
Magaganap/Kontemplatibo
aawitin babasahin Ibibigay bibilangin dadagdagan gagapang
Hihinga hahanapin gagawa hahanga

C. Alin sa napagaralan ang iyong nagustuhan. Ipaliwanang


Ang pagtatalakay sa pangngalan ,natutunan ang ibat ibang uri ng panggalan kung kayat maari natin
matukoy kung ito ay maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian,
kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan.

D.Ibahagi ang mga paksang may natutunan, Patunayan .


Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part of speech), o kauriang panleksiko, ay
isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihing bahaging panleksiko) na
pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng
bahaging panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at
Matandang Balaril, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at
pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng
dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon
bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang
Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma
G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong
pamamaraan:

You might also like