You are on page 1of 2

Modyul 5 (Wika, Agham at Teknolohiya)

Noong aking kabataan ay sa lengguawaheng Ingles na tinuturo ang asignaturang


Matematika hangang sa napatupad ang Mother tounge bilang pamamaraan ng
pagtuturo sa elementarya mula unang grado hanggang ikatlo. Kung kaya’t, kung ako ay
pipili ng asignaturang isasalin sa wikang Filipino ay pipiliin ko ang Matematika sapagkat,
mula sa aking mga karanasan at paggunita ay mahirap maintidihan ang asignaturang
ito sa kadahilanang ito ay nakasalin sa wikang Ingles. Ang mga konseptong pang-
matematika ay malalalim na minsan ay sinasamahan pa ng mga malalalim na mga
salitang Ingles na para ba’ng may sariling dayalekto sa Ingles ang Matematika.

Kung aking itong isasalin ay gagamitin ko ang ideya ni Roemary Seva sa


kanyang babasahin na hindi kailangan na isalin pati ang mga salitang teknikal na Ingles
na nakapaloob sa mga konsetong pangmatematika sapagkat, sa aking palagay, mas
makabubuting mapanatili ang kasanayan ng mga mag-aaral sa mga salitang ito.
Halimbawa ay kung kung kukuha ng mga ideya ang mga mag-aaral mula sa internet
ngunit hindi alam ang mga ankop na salitang Ingles na sa asignaturang matimatika lang
mababasa. Sa ganitong sitwasyon, mas bababa ang tiyansa ng pakatuto ng mga mag-
aaral kung maghahanap o magbabasa sila mula sa mga panlabas na pagkukunan.
Ipinapaghalimbawa ko rito ay ang mga salitang pang-matematika kagaya ng pi,
degrees, at mga salitang hango/mula sa mga kanluranin na bansa kagaya ng epsilon,
delta, alpha, at iba pa.

Isang halimbawa ng aking pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles sa asignaturang


matematika ay tungkol sa depinisyon ng Continuity na mababasa sa baba:

“Ang punsyong f(x) ay diretso at patuly-tuloy sa isang tuldok o value ng x kung ito’y isinasakatuparan ang
sumusunod na mga kondisyon:

1. May halaga ang punsyong f ( x ) sa puntong α.

2. Umiiral ang limit ng punsyong f ( x ) habang papalapit ang halaga ng puntong χ sa puntong α.

3. Magkatumbas ang halaga ng punsyong f ( x ) sa puntong α at ang limit ng f ( x ) habang papalapit ang
halaga ng puntong χ sa puntong α.”
Kung susuriin ay mapapansing hindi lahat na nakapaloob sa pagtuturo ay isinalin
sa Filipino. Isang halimbawa ay ang ekspresyong f(x) na kung isasalin natin sa Filipino
ay ganoon pa rin ang kalalabasan dahil kung iibahin ang ekspresyong f(x) ay mag-iiba
na rin ang ibig-sabihin nito sa asignaturang matematika. Sa aking pagsasalin ay
binigyan diin ko rin ang salitang Ingles na “value” sapagkat, mahirap maintindihan sa
matematika kung salitang Filipino na “halaga” ang gagamitin at para na rin hindi mawala
ang mga estudyante sa tinutukoy ng salita. Sa pagbibigay ng salin sa dalawang wika,
sa Ingles at Filipino, ay mas mapapabilis at mas magiging epektibo ang pagbabagong-
kalagayan ng mag-aaral mula sa nakasanayang paggamit ng Ingles hanggang sa
pagpapayabong ng wikang Filipino.

Ang pagbabagong wika bilang pamamamraan sa pagtuturo ng mga asignatura


ay isang mahirap na programa ilang isang estudyante, para sa mga guro, at para rin sa
mga nagpapatupad. Alam naman ng lahat na nasanay na ang mga Pilipino na gamitin
ang wikang Ingles sa mga pandaigdigang asignatura kagaya ng Matematika at syensya
ngunit sa iba’t ibang epektibong pamamaraan ay hindi gaanong magiging prolema ito.
Katulad ng pagbibigay ng paisa-isang salin ng mga salitang Ingles sa salitang Filipino o
di kaya ay ang sinabi ni Rosemary Seva sa kanyang babasahin na pagsusulat ng mga
babasahin at mga libro sa saling Filipino na pwede magamit ng mag-aaral, sa ganoong
pamamaraan ay unti-unting masasanay ang mga bata sa pagbabagong-kalagayan.

Malking tulong ang pagtuturo ng mga asignatura na nakasalin sa Filipino. Gaya


nga ng sinabi ni Fortunato Sevilla III na ang bansang Japan, Tsina, Korea ay
nangunguna sa larangan ng agham kahit na hindi sila sanay sa paggamit ng wikang
Ingles. Ngunit sa aking palagay ay hindi naman kailangan isalin pa sa wikang Filipino
ang mga aklat at iba pang mga pagkukunan ng kaalaman. Kung ang gusto ng mga
namumuno ay mas mapadali ang pagtuturo, siguro ay hayaang Ingles ang gamitin sa
mga babasahin at Filipino naman ang gamit sa pagtuturo ng mga upang mas
mapayabong hindi lang ang kaalaman sa wikang Filipino o sa wikang Ingles pati na rin
ang pagkatuto ng mga estduyante sa mga paksa. Bilang estudyante ay mas epektibo
para sa akin ang pagiging bilingual ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga
estudyante.

You might also like