You are on page 1of 11

KOMPOSISYONG PANGMASA

 Patalastas : uri ng komunikasyon para sa pagmemerkado


a) Ginagamit upang mahikayat ang masa
b) Upang makuha ang atensyon at maimpluwensyahan ang ugali ng taga-konsumo
c) Mula sa wikang Latin na ad vertere(advertising)na ang ibig sabihin ay ibaling
ang ispipan papunta sa ibang bagay.
d) Pagpapakita o pagbebenta o tuwirang pag-aalok ng produkto
e) Bilang komunikasyon ito ay bayad at maaaring palaganapin gamit ang iba’t
ibang malikhaing paraan.
f) Midyang tradisyunal ( midyang nakasanayan)
 Midyang Pangmasa ( pahayagan,magasin,patalastas sa
telebisyon,patalastas sa radio)
 Bagong Midya ( blog,websayt at social media)
 ISLOGAN : kasabihan,motto o tema ng isang kumpanya o ng isang
partikular na tao.
a) Halimbawa : Kuya Kim “ Ang buhay ay weather weather lang “
BDO “ We Find Ways”
 JORNAL : talaan ng mga pansariling gawain,mga repleksyon,mga
obserbasyon at mga naiisip,repository ng mga lihim at karanasan at
tinawag na pangkaraniwang aklat noong ika-16 na siglo.

 Salawikain(Proverb) : maituturing na pilosopiya


a) Malalim ang pagpapakahulugan
b) Sumasalamin sa tradisyon at kultura
c) Tinatawag ding katutubong karunungan
Halimbawa : 1. Kung ano ang puno,siya din ang bunga
2.Kung maikli ang kumot,matutong mamaluktot
3. Ang taong gipit sa patalim kumakapit
 SAWIKAIN : hindi komposisyonal o mahirap matumpak gaya ng Idyoma
Halimbawa : 1. Magdilang-anghel ( magkatotoo)
2. balitang-kutsero(fake news)
3. ilaw ng tahanan(nanay o ina)
 KASABIHAN : paniniwala ng tao na nakaaapekto sa isa
Madaling matumpak ang nais sabihin
Halimbawa : 1.Sa hinaba-haba ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.

TAYUTAY : ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan o damdamin


Sinasadyang gumamit ng talinhaga o di-karaniwang salita
upang mas maging marikit ang isang akda.

MGA URI :

1. Pagtutulad – di-tiyak na paghahambing at ginagamitan ng :


( tulad ng,kaparis,sing,kasing)
Hal. Simputi ng nyebe ang kanyang mga balat

2. Pagwawangis – tiyak ngunit hindi ginagamitan ng pangatnig.

Hal.Mangingisda sa dagat ng buhay

3. Personipikasyon – pinagtataglay ng mga katangiang pantao

Hal. Nagluksa ang daigdig sa kamatayan ng kanilang bayani

4. Pagtawag – isang panawagan o pagtawag sa isang bagay na tila

isang tao.

Hal. Oh ! Inang Kalikasan ! Kaypait nang iyong sinapit sa mga

taong malulupit!

5. Pagmamalabis – pagbibigay eksaherasyon

Hal. Nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata.

6.Pag-uyam – pagbibigay papuri sa simula ngunit ibabagkas sa huli

Hal. Ang ganda naman ng mga kamay mo,pwede nang

ipangkudkod sa semento.

7.Paghimig – kung ano ang tunog sya ang kahulugan

Hal. Dumagundong ang kulog sa kalangitan.

8. Pagpapalit-tawag – pansamantalang pagpapalit ng mga

pangalan ng mga bagay na magkaka-ugnay

Hal.

9. Pagtanggi – kabaligtaran ang ibig sabihin.

Hal. Hindi masarap ang niluto mo ,napadami nga ako ng kinain

10. Pagpapalit-saklaw – pagbanggit sa bahagi bilang katapat ng

kabuuan o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.

2 bahagi : a. Pabahagi Hal.

b. patukoy Hal.

11. Pag-uulit

 Aliterasyon – pag-uulit ng unang ponema,tunog o titik


Hal. Inaamoy,inaayos at inaalaam ng mga ina ang mga inihanda

 Anapora – mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pasimula sa


pinalitang pangngalan sa unahan,

Hal.Sina Raha at Andres ay mga bayani.Sila ay mga dakilang Manileno.

 Katapora – mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa


pinalitang pangngalan

Ito ay isang dakilang lunsod.Ang Maynila ay may makulay na


kasaysayan

 Epipora – pag-uulit sa huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod

Ang Saligang Batas ay para sa mamamayan


Gawa ng mamamayan
At mula sa mamamayan
 Anadiplosis – inuulit ang huling salita sa katatapos pa lamang na
pangungusap at ginagamit bilang panimula sa susunod na mga
pangungusap.

Bulag at Pipi ang langit


Langit na sa bulag at Pipi
Paningin at tinig ay nagkait

 Empanodos – binabaligtad ang ayos ng mga pahayag


Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit.

PANITIKANG PILIPINO

Ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang “ pang-titik-an” na kung saan ang


unlaping ‘pang’ ay ginamit at ang hulaping ‘an’.Ang salitang titik ay nangangahulugang
literatura (literature)at ang literature ay mula sa salitang Latin na littera na
nangangahulugang “ titik”.

Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga kaisipan,mga damdamin,karanasan,hangarin at


diwa ng mga tao.Nagsasalaysay din ito patungkol sa pamahalaan ,lipunan at mga
pananampalataya at mga karanasang may kaugnayansa iba’t-ibang uri ng
damdamin.Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag nakasulat man ito ,
binibigkas o kahit ipinahihiwatig gamit ang kilos subalit may nakatakdang anyo o porma.

Kasaysayan ng Panitikan
 Sinaunang Panahon :
May sarili nang panitikan an gating mga ninuno sa panahong ito

Alibata ang kadalasang ginagamit

Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan,talukap ng bunga o niyog at dahon


at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang
panulat,

Mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon :


- Alamat
- Kwentong-bayan
- Epiko
- a.Bidasari-Moro
- b.Biag-ni-Lam-ang- Iloko
- c.Maragtas- Bisaya
- d.Haraya-Bisaya
- e.Lagda-Bisaya
- f.Kumintang –Tagalog
- g.Hari sa Bukid- Bisaya
- Mga Awiting Bayan
- Karunungang Bayan
- Salawikain- nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninuno
- Sawikain
- Bugtong-maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na
pahuhulaan.

 Pananakop ng Kastila :
- Mga Impluwensya ng Kastila sa ating panitikan
a) Nahalinhan ng alpabetong romano ang alibata
b) Naituro ang doctrina Cristiana
c) Naging bahagi ng wikang Filipino ang maraming salita ng kastila
d) Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng europa at tradisyong
Europeo na naging bahagi ngating panitikan gaya ng
awit,korido,moro-moro at iba pa,
e) Nasinop at naisalinang wikang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
f) Nailathala ang iba’t ibang kalat pambalarila sa wikang Filipino tulad
ng Tagalog.Ilokano, at Bisaya
g) Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda.
- Mga unang aklat :
a. Ang Doctrina Cristiana(1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga
nieva
b.Nuestra Senora Del Rosario(1602)- Padre Blancas de San Jose
c.Ang Barlaan at Josaphat(nobelang tagalog)-Padre Antonio Borja
d.Ang Pasyon –iba’t ibang bersyon sa tagalog(Mariano Pilapil,gaspar Aquino De
Belen,Anecito dela Merced at Luis De Gula)
e.Ang Urbana at Ferliza- Modesto de Castro( Ama ng klasikang tuluyan sa
Tagalog)

Mga Dulang Panlibangan


a.Tibag
b.Lagaylay
c.Senakulo
d,Panubong
e.Karilyo
f.Moro-Moro
g.duplo
h.korido
I.karagatan
j.sarswela
k.saynete

 Panahon ng pagbabagong Isip(Propaganda)l


- Ang diwang makarelihiyon ay naging makabayan at humihingi ng
pagbabago sa sistema ng pamamalakad sa pamahalaan at sa simbahan
- Pagpasok ng diwang liberalism

Mga Propagandista

a.Dr.Jose Rizal ( ElFili at Noli)

b.Marcelo H,DelPilar(Plaridel,Piping Dilat, at Dolores Manapat) – Pag-ibig sa


tinubuang lupa,kaiigat kayo at Tocsohan

c.Graciano Lopez jaena (Fray Botod,Sa mga Pilipino)

d.Antonio Luna(Noche Buena,Por Madrid)

 Panahon ng Amerikano
- Maalab ang diwang makabayan na hindi magawang igupo ng Amerikano
- Pinasok ng mga manunulat na Pilipino at iba’t ibang larangan ng panitikan tulad
ng tula,kwento,dula,sanaysay at iba pa
- Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat
- Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila ,tagalong at wikang
Ingles.
- Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
- Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
- Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate
- Nagkaroon ng pelikula sa Pilipinas
Mga Pahayagan
1.El Nuevo Dia( Bagong Araw) ni Sergio Osmena(1900)
2.El Grito del Pueblo ( ang sigaw ng bayan) itinatag ni Pascual poblete ( 1900)
3.El Renacimiento( Muling Pagsilang)-itinatag ni Rafael Palma(1900)

Mga Dulang Pinatigil


1.Kahapon Ngayon at Bukas- Aurelio Tolentino
2.Tanikalang Ginto – Juan Abad
3. Walang Sugat – Severino Reyes

Ilang Kilalang Manunulat sa Kastila na Sumikat


1/Cecilio Apostol
2.Fernando Ma.Guerero
3.Jesus Balmori

Ilang Kilalang Manunulat sa Wikang Tagalog


1.Lope K.Santos
2.Jose Corazon De Jesus
3.Florentino Collantes
4.Amado V.Hernandez
5.Valeriano Hernandez Pena
6.Inigo Ed Regalado

 Panahon ng Hapon
- Natigil lahat ng panitikan sa Ingles kasabay ng pagpapatigil ng lahat ng
pahayagan
- Gintong panahon para sa lahat ng manunulat sa wikang Tagalog
- Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles
- Ang paksa ay patungkol sa buhay sa lalawigan
- :Pinasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
- Nagkaroon ng krisis sa papel kaya hindi masyadong marami ang naisulat.

Tatlong Uri ng Tula na sumikat


1. Haiku
2.Tanaga
3.Karaniwang Anyo

Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon


1.Panday pira- Jose Ma,Hernandez
2.Sa Pula sa Puti – Francisco Soc.Rodrigo
3. Bulaga – Clodualdo del Mundo
4.”Sino Ba Kayo”? “Dahil sa Anak” at Higanti ng patay ni NVM Gonzales

Ilang mahusay na maikling kwento


a.Lupang Tinubuan
b.Uhaw ang Tigang na Lupa(Liwayway Arceo)
c.Lunsod Nayon at Dagat-dagatan( NVM Gonzales)

 Bagong kalayaan 1945-1972


- Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas
- Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya ,kalupitan ng mga
Hapon,kahirapan ng pamumuhay noon at iba pa
- Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
- Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English literature noong
1950
- Nagkaroon din ng Republic Cultural Award Gawad ni Balagtas at taunang gawad
ng Surian ng wikang pambansa
- Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
- Nagbukas ang palimbagan : Liwayway,Bulaklak,tagumpay at Iba pa

Ilang samahang Naitatag para sa panitikang Filipino


- Taliba ng Inang Wika (TANIW)
- Kapisanan ng Diwa at panitik(KADIPAN)
- Kapisanan ng mga mandudulang Pilipino(KAMPI)

Ilang samahang naitatag para sa panitikang Ingles


- Philippine Writers Association
- Dramatic Philippines
- Philippine Educational Theater Association
- Arena Theater
- Barangay Writer’s Guild

 BATAS MILITAR 1972-1986


- 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Marcos
- Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan
- Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21,1972
- Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan
- Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla”(sumubaybay sa mga
pahayagan aklat at mga iba pang babasahing panlipunan)

 Kasalukuyang Panahon
- Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino
- Namulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng Wikang Pambansa
- Maraming sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling vernakyulyar
- Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat
- Malaki ang impluwensya ng teknolohiya at agham
- Malayo ang naaabot ng media
- Kahit sa telebisyon nagbabago na din ang wikang ginagamit
- Hindi lamang pampanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na
may akda na gumagamit ng pabalbal,kolokyal at lalawiganin.

Mga Uri ng Panitikan

1.Tuluyan o Prosa – nakasulat ng patalata at nagpapahayag ng kaisipan

2. Patula- nagpapahayag ng damdamin.nakasulat ng pasaknong

Mga Akdang Pampanitikan

(Tuluyan O Prosa)

 ALAMAT- nagsasalaysay patungkol sa mga pinagmulan ng bagay-


bagay sa daigdig.Kaugnay nito ang mito at kwentong bayan
 ANEKDOTA – akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayari ng naganap sa buhay ng isang kilala,sikat o tanyag na tao.
 NOBELA – kathambuhay ay isang mahabang kwentong piksyon na
binubuo ng iba’t ibang kabanata.Mayroon itong 60,000-200,000 salita o
300-1300 pahina.noong ika-18 siglo naging istilo nito ang lumang pag-
ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.Ngayon ito ay
kadalasang may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming
istilo.Naglalahad ng mga pangyayari na pinaghabi-habi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay
ang pagpapalabas ng hangarin ng bayani sa dako at hangarin ng
katunggali.Maraming tauhan at pangyayari.
 Pabula- mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay ang
gumaganap na tauhan
 Parabula – talinhaga at may-aral at kalimitang hinahango sa
Bibliya,Isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o
prosana malimit mangaral at magpayo hingil sa isang pangyayari,
 Maikling-kwento – maiksing salaysay na hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang.Isa itong masining na anyo ng
panitikan.Isa din itong pagagad ng realidad
 DULA- itinatanghal sa mga teatro.Nahahati sa ilang yugto na maraming
tagpo.Layuning makapagtanghal sa entablado
 SANAYSAY- isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na kuro-kuro ng may akda
 TALAMBUHAY- nagsasaad ng kasaysayan ng tao hango sa mga tunay
na tala pangyayari o impormasyon
 ISA SA PINAKAMATANDANG EPIKO SA PILIPINAS ANG ALIM

PAGSASALING WIKA
Sa pagsasalingwika kinakailangan na higit ang kaalaman ng tagapagsalin kaysa sa
awtor.Ang mga eksperto sa pagsasalin ay nagkakaisang hindi lahat ng salin ay
perpekto.Maaaring may ibang pahiwatig na nais iparating ang tagapagsalin subalit hindi
dapat mababago ang orihinal na diwa nito.Nagkakaisa ang salin sa pamamagitan ng
diwa at mensaheng nais nitong iparating.Kinakaiilangan ang kapwa sining at agham sa
pagsasalin. Ang tagapagsalin ay dapat may higit na kaalaman sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.Karaniwang paniniwala sa pagsasaling wika na hindi maaaring
pantayan ng tagapagsalin ang orihinal na akda.Ang isang tagapagsalin ay walang
kalayaang pumili ng wikang kanyang isasalin.Magkakatulad ang mga katuturang
ibinibigay ng iba’t ibang awtor sa salitang pagsasaling-wika. Malaki ang naitulong ng
pagsasaling wika sa kaunlaran ng ekonomiya ng Europa.

Kurditan : ang aklat ng Ilocano na naisalin sa Filipino

Pagcocompisal at Paquiquinabang : salin sa ikalawang yugto ng pagsasaling wika sa


Pilipinas.

1200 A.D : nagkaroon ng pagkakataon ag mga taga Toledo na makapagsalin sa wikang


latin

Rehiyon 1 Kultura at Tradisyon :

Cancionan (pangasinan) : debate sa panulaan at musika

Ang lumang Cancionan ay may limang bahagi :

 Pansatabi : pasasalamat sa maykapal at maging sa tagapagtaguyod nito


 Pangangarapan : inaalam ng babae ang kalagayan sa buhay ng
lalaki( interes,tirahan,kabuhayan at pag-uugali
 Pangkabataan : ang lalaki ay maniningalang pugad sa babae : ang babae ay
magtatanong patungkol sa banal na kasulatan at bibigyan ng mahihirap na gawain
ang lalaki
 Cupido : Ang lalaki ay sisikaping kunin ang matamis na oo ng babae gamit ang
matatalinhagang salita at pagtugtog ng pangmusikang instrument
 Balitang : huling bahagi ng Cancionan kung saan ang lalaki ay iimbitahan ng babae
sa tanghalan bilang pagtanggap at kung maiiwan sa ibaba ng tanghalan ibig
sabihin nito ay pagtanggi

Mga kaugalian sa pag-aasawa :

o Kasunduan sa pag-aasawa : (Tarlac Natividad) Ang mga magulang ay


nakikipagkasundo sa paglagay sa tahimik ng mag-aasawa.Kung hindi
nagkakaibigan ang dalawang panig ang magulang na lamang ang
magkakasundo
o Panunuyo : ang lalaki ay maglilingkod sa tahanan ng babaeng nililiyag
(Binmaley Pangasinan)
o Pagkatapos ng Kasal : inihahatid ng banda ang ikakasal upang maitaboy ang
masamang pangitain( Pidid Ilocos Norte)
o Regalo sa magandang kinabukasan : Ang lalake ay mag-aalay ng puso ng baboy
o baka bago ang kasal sa pagpapatunay ng kanyang katapatan sa babae

Mga kaugalian sa burol :


o Pagsasaboy ng bigas o asin upang maitaboy ang masasamang espiritu
o Pagsisiga ng namatayan sa tapat ng bahay ng yumao mula sa araw ng
kamatayan hanggang sa libing

Paniniwala tungkol sa paglilibing sa silong ng bahay

o (Ilocos Norte ) inililibing nila ang patay sa silong ng bahay at madalas


sa may kusina dahil sa paniniwalang ang namatay ay nais maligo ng
malamig

Paniniwala tungkol sa panganganak :


o (La Union) ang hilot ay madalas o karamihan ay isang
lalaki.Gumagamit ito ng dahon-dahon,halamang gamut at sariling
lakas ( sariling lakas sapagkat kapag nahihirapan ang manganganak ay
kinakailangan na pwersahin) ang asawa o lalaki ay maghahanap ng
halamang gamut at dahon-dahon
o (Mapandan,Pangasinan) Ang hilot ay hindi sinusundo sa kanilang
bahay.Ang lalaki ay pupukpukin ang gilid ng pambayo upang
makalikha ng ingay sapat na upang marinig ng hilot.Isa din sa
paniniwala na ang pagpukpok sa gilingan ay nakapagtataboy ng
masamang malign

Upang mapadali ang panganganak :

o (Binmaley Pangasinan) ang lalaki ay mag-aasal unggoy.Uutusan ng


hilot ang lalaki na gumapang pababa ng hagdan ng nauuna ang ulo
o Sa ibang lugar naman ang manganganak ay pahahawakan ng hilaw
na itlog upang mapadulas ang paglabas ng bata
o Buong bahagi ng Pangasinan ang batang bagong silang bago
pagsuootin ng damit ay kinakailangan na ilagay sa basket at
pukpukin ang magkabilang gilid nito dahil pinaniniwalaang
nakakapagpatapang at nakakapagpatibay ito ng kalooban ng bata.
( Sundalo)

Pagpapausok sa ina :

o Pauusukan ang ina sa isang silid na kinurtinahan ng dahon ng


saging saloob ng 23-30 araw upang huwag malamigan o
mahanginan.Ihihiga sa papa gang babae na ang ulunan ay
bahagyang nakaangat ng kalahating metro sa paa. Ang tabi niya
ay may kalan na tinatawag na dagupan.Sisindihan ito buong
araw at gabi upang maibalik sa normal ang sinapupunan ng
nanganak

Kaugalian sa Pagbibinyag

o Karera sa pintuan ( Narvacan Ilocos ) Ang ninong pagkatapos ng


seremonya ng binyag ay itatakbo patungo sa harap ng pintuan
ng simbahan dahil sa paniniwalang ang mauuna ay magkakaroon
ng malusog na pangangatawan,kayaman at habang buhay na
kaligayahan
o Ikalawang binyag ( seremonya: sirok ti latuk) o sa ilalim ng plato
sapagkat pangunahing gamit sa seremonya sa binyag ay plato.
o Sa Ilocos Norte San Nicolas ang batang sakitin ay
pinaniniwalaang may kakayahang magligtas sa tiyak na
kamatayan.
o Sa pangalawang binyag bibigyan ng panibagong ninong o ninang
ang batang sakitin pagkatapos ilalagay sa isang basket tatakpan
at iiwan sa isang ilang na lugar( walang tao) .Hahanapin ng
ninong o ninang at kapag natagpuan ito ay bibihisan ng bagong
damit at ang lumang damit ay gagamiting laso o pantali at
muling ibabalik ang bata sa ina.Ang unang makatagpo sa bata ay
magkakaroon ng kaligtasan sa kamatayan
o Sa San Quintin Pangasinan ang mga kapitbahay ay aanyayahan
sa seremonya ng binyag.Bawat isa ay maaaring magkaroon ng
karapatang bigyan ng pangalan ang bata.Sa harapan nila ay
nakalagay ang lamesa na may itlog sa ibabaw. Sabay-sabay
papadyak ang mga ito at kung sino ang unang nakapagpagalaw
siya ang magbibigay ng pangalan sa bata.

You might also like