You are on page 1of 2

BanghayAralinsaAralingPanlipunan 8

Kasaysayan ng Daigdig
ANG DAIGDIG SA KLASIKO AT TRANSISYONAL NA PANAHON

1. Nasusuri ang pag-usbong at pagunlad ng mga Klasiko na Lipunan sa Africa, America, at mga Pulo
sa Pacific.
2. Naipapaliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikong kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai).
3. Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasiko ng America.
4. Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng pulo sa Pacific.
5. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan
6. Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europa sa Gitnang Panahon
7. Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa
Gitnang Panahon
8. Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”.
9. Naipapaliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Gitnang Panahon.
10. Nasusuri ang buhay sa Europa noong Gitnang Panahon: Manoryalismo, Piyudalismo, at ang pag-
usbong ng mga bagong bayan at lungsod.
11. Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europa sa
pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.

PAKSANG ARALIN (SUBJECT MATTER):


Topic: Aralin 5 – Ang Kabihasnang Klasikal ng Amerika at Aprika at sa mga Pulo sa Pasipiko
Reference:AklatsaAralingPanlipunan - KAYAMAN: Kasaysay ng Daigdig
Mga May-akda: Celia D. Soriano, Elanor D. Antonio, Evalenin M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria
Carmelita B. Samson
Materials:Libro, Laptop, Projector (TV), Marker
Strategy:

Araw 1: October 28-29, 2019


 Masusuri ko kung paano umusbong at umunlad ang Klasiko na Lipunan ng Africa
 Maipapaliwanag ko ang mga kaganapan sa mga kabihasnang klasiko ng Africa

EXPLORE:

 Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan


- Magtawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng kanilang natutunan sa nakaraang talakayan.
- Suportahan ang kanilang mga ideya o bigyan ng kalinawan.
 TRIBO-TRIBO
- Hatiin ang klase sa Apat na pangkat.
- Bawat pangkat ay kailangang maghanda sa pagtatapos ng klase para sa isang pangkatang pagtataya.
- Sa pagtatapos ng buong talakayan ay may isang pangkat namaatasan na magbigay ng kanilang
natutunan sa natapos na talakayan.
 Picture Analysis
- Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng heograpiya ng Aprika.
- Magtanong sa mga mag-aaral sa kanilang ideya at kaalaman tungkol sa mga sumusunod na larawan.
- Hayaan ang mga bata na magbigay na kanikanyang mga ideya sa bawat larawan.
- Pagkatapos ng limang minute ay ibigay ang ibig sabihin ng mga larawan at simulant itong iugnay sa
magiging bagong talakayan.

FIRM UP:
 WORD EXPLORATION
- Mula sa taltlong pangkat ay pabunutin sila ng salitang kanilang gagamitin sa klase.
- Ito ang mga sumusunod na salita: Kush, Ghana, Mali, Songhai
- Ang bawat pangkat ay aatasang magbigay ng impormasyon sa mga sumusunod na salita.
- Kailangan nilang magsaliksik tungkol sa nabunot nilang salita.
- Makalipas ang ilang minuto ay bibigyan sila ng pagkakataon na ayusin ang mga ideyang kanilang
naipon base sa salitang kanilang nabunot.
DEEPEN:
 WORD EXPOSURE
- Mula sa salitang nabunot ng bawat pangkat, kinakailangan nilang mamili ng isang kinatawan upang
ibahagi sa klase ang kanilang nasaliksik.
- Aatasan din ang iba pang mga pangkat na magsulat sa mga impormasyong kanialng maririnig.
- Ang pangkat na nagbabahagi ay bibigyan ng pagkakataong magtanong sa iba’t ibang pangkat.
- Ang pangkat na hindi makakasagot ay papatawan ng karampatang parusa. Halimbawa ng parusa ay
isang linggong maglilinis sa loob ng silid aralan.

- Salain ang mga sagot ng bawat mag-aaral at dagdagan ito o palawigin pa.

Inihanda ni:
Harold C. Tagal, LPT
Guro

Iwinasto ni:
Lucila B. Agarri, Ph.D.
Punong Guro

You might also like