You are on page 1of 4

BanghayAralinsaAralingPanlipunan 8

Kasaysayan ng Daigdig
YUNIT II: ANG DAIGDIG SA KLASIKO AT TRANSISYONAL NA PANAHON

1. Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean.


2. Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece.
3. Naipapaliwanag ang mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasiko ng Rome (mula sa sinaunang
Rome hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Romano)
4. Nasusuri ang pag-usbong at pagunlad ng mga Klasiko na Lipunan sa Africa, America, at mga Pulo
sa Pacific.
5. Naipapaliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikong kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai).
6. Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasiko ng America.
7. Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng pulo sa Pacific.
8. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan
9. Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europa sa Gitnang Panahon
10. Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa
Gitnang Panahon
11. Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”.
12. Naipapaliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Gitnang Panahon.
13. Nasusuri ang buhay sa Europa noong Gitnang Panahon: Manoryalismo, Piyudalismo, at ang pag-
usbong ng mga bagong bayan at lungsod.
14. Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europa sa
pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.

PAKSANG ARALIN (SUBJECT MATTER):


Topic: Aralin 4 - Ang Klasikal na Europa
Reference:AklatsaAralingPanlipunan - KAYAMAN: Kasaysay ng Daigdig
Mga May-akda: Celia D. Soriano, Elanor D. Antonio, Evalenin M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria
Carmelita B. Samson
Materials:Libro, Laptop, Projector (TV), Marker
Strategy: Video Analysis, Word War, Pagtalakay sa Klase, Dismiss Slip

Araw 1-4: September 16, 17, 19, 23, 2019


 Masusuri ko ang kabihasnang nabuo sa panahon ng hellenistiko.
 Masusuri ko ang pamamaraan ng pamamahala ni Alexander the Great sa Macedonia.

EXPLORE:

 PARANG ANO

- Ang klase ay mahahati sa tatlong pangkat.


- Magpapakita ng iba’t ibang larawan na makapaglalarawan sa Klasikal na Europa
- Bawat pangkat ay ,ay hawak hawak na mga pangalan ng mga larawang ipapakita sa harapan.
Kailangan nilang hulaan kung anung pangalan ang tugma sa larawang ipapakita.
- Bawat pangkat ay may isang kinatawan na siyang magdadala ng sagot sa harapan.

FIRM UP:
1. PAGPAPALIWANAG
- Ipaliwanag ang mga larawan sa klase at ano ang kinalaman nito sa susunod na talakayan o aralin.
2. VIDEO ANALYSIS: Ang Kabihasnang Crete
- Magpanuod ng isang vidyo tungkol sa Gresya at sa kabihasnang nabuo rito: Ang kabihasnang
Minoan at Kabihasnang Mycenaean.
- Payuhan ang mga mag-aaral na maglabas ng papel o kanilang kwaderno sa Araling Panlipunan at
magsulat ng mga importanteng detalye na maririnig nila at makikita sa kanilang pinapanuod.
- Pagkatapos ng panunuod ay bigyan ng ilang minuto ang mga mag aaral upang basahin ang kanilang
mga sinulat.
- Ulitin ang vidyo at atasan ulit ang mga mag-aaral na magsulat kung meron pa silang nakaligtaang
isulat sa kanilang kwaderno.
- Bigyan ng ilang minute ang mga bata para basahin at isulat pa ang mga detalyeng kanilang
natutunan sa kanilang pinanuod.
DEEPEN:
1. ISANG TANONG, ISANG SAGOT
- Magsimulang magtanong sa klase base sa kanilang mga natutunan sa kanilang napanuod, isang
tanong para sa isang mag-aaral:
a. Ano ang kinabubuhay ng mga griyego noon base sa kanilang heograpiya?
b. Anu-ano ang mga kabihasnang nabuo sa kabihasnang crete?
c. Magbigay ng mga pagkakaiba ng dalawang kabihasnan.
d. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang kabihasnang nabuo.
e. Iplaiwanag ang sanhi at bunga ng Panahon ng Kadiliman o Dark ages of Greece.

- Salain ang mga sagot ng bawat mag-aaral at dagdagan ito o palawigin pa.

TRANSFER:
 ADVOCACY CAMPAIGN: SLOGAN
- Atasan ang mga mag-aaral na maghanda ng isang slogan.
- Ang tema ng kanilang slogan ay tungkol sa pagpapahalaga at pangangalaga sa mga naging pamana
at nagawa ng mga bayang Medyibal sa Europa na lubos na nakatulong sa kasalukuyang panahon.
- Kailangan ding maghanda ang mga mag-aaral ng kanilang pagpapaliwanag sa kanilang Slogan.
-
- Ang Slogan ay iprepresenta bago ang araw ng pagsusulit.
__________________________________________________________________________________________

Araw 2-4: September 24,26, 30, 2019


 Masusuri mo ang kabihasnang klasiko ng Gresya at kung paano ito naging matatag pagkatapos ng Dark
Ages.

EXPLORE:
 PAGBABALIK ARAL
- Muling balikan ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
- Magtawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng kanilang natutunan sa nakarang talakayan.
- Ibigay ang buod ng nakaraang talakayan.

FIRM UP:
1. VIDEO ANALYSIS: Ang Klasikal na Gresya
- Katulad ng naraang talakayan ay magpanuod muli ng isang vidyo.
- Atasan muli ang mga mag aaral na magsulat ng mga ideyang mapupulot nila sa vidyo.
- Ulitin ito ng dalawang beses upang mas maintindihan ng mga mag-aaral.
- Pagkatapos ay hayaan ang mga mag-aaral na basahin at ayusin ang mga ideyang napulot nila.

DEEPEN:
1. ISANG TANONG, ISANG SAGOT
- Magbigay ng mga katanungan sa bawat mag aaral at hayaan itong sagutin nila gamit ang ideyang
kanilang naisulat sa kanilang mga kwaderno:
a. Ano ang tawag ng mga griyego sa kanilang bagong lungsod-estado na nabuo pagkatapos ng
800BCE?
b. Ilarawan ito sa pamamagitan ng tatlong salita at ipaliwanag.
c. Ano ang meron sa Sparta
d. Magbigay ng mga natatanging pagkakakilanlan ng Sparta.
e. Ano ang meron sa Athens
f. Magbigay ng mga natatanging pagkakakilanlan ng Athens.
g. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang lungsod na ito.

- Salain at magbigay ng dagdag na ideya sa mga sagot ng mga mag-aaral.


- Ibigay ang buod ng talakayan.
Araw 5-7: October 1, 3, 7, 2019
 Maiisa isa at masusuri mo ang mga tagumpay at kabiguan sa Kabihasnang Gresya sa iba’t ibang mga
mananakop.

EXPLORE:
 PAGBABALIK ARAL
- Muling balikan ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
- Magtawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng kanilang natutunan sa nakarang talakayan.

FIRM UP:
1. VIDEO ANALYSIS: Mga Tagumpay at Kabiguan sa Kabihasnang Gresya
- Atasan ang mga mag-aaral na makinig at magsulat ng kanilang maririnig at matutunan sa vidyong
kanilang mapapanuod.
- Pagkatapos, pangkatin ang klase sa limang grupo.
- Atasan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang natutunan sa kanilang mga kamag aral.
- Pagkatapos ng limang minuto ay muling ipapanuod ang vidyo sa mga mag-aaral.
- Papiliin ang bawat pangkat ng kanilang magiging kinatawaan.
- Atasan ang bawat grupo na mag-usap usap at pagsamasamahin ang kanilang mga naisulat na ideya.

DEEPEN:
1. TAKBO PARA SA PUNTOS
- Bigyan ang mga mag-aaral ng mga panulat at board kung saan nila isusulat ang kanilang kasagutan.
- Bigyan ang bawat pangkat ng oras sa pagsusulat ng kanilang sagot.
- Sabay-sabay tatakbo ang mga kinatawan ng grupo at ipapakita ang kanilang kasagutan sa mga mag-
aaral.
- Ang pangkat na makapaglalarawan o makapagbibigay pa ng karagdagang ideya sa kanilang sagot ay
mabibigyan ng isa pang puntos.
- Ang pangkat na magkakaroon ng mas madaming puntos o mananalo ay magkakaroon ng
prebeliyong di na dumaan sa darating na maikling pagsasanay o maikling pagsusulit

Araw 8-9: October 8, 10, 2019


 Maiisa isa mo ang mga mahahalagang kontirbusyon ng mga griyego sa daigdig.

EXPLORE:
 PAGBABALIK ARAL
- Muling balikan ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
- Magtawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng kanilang natutunan sa nakarang talakayan.

FIRM UP:
 PHOTO ANALYSIS: Ang Kulturang Griyego
- Magpakita ng mga larawang nagpapakita ng kultura ng mga griyego.
- Magtanung sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang napapansin sa mga larawan.
- Magtawag ng mga mag-aaral para ibahagi ang kanilang ideya o nalalaman sa mga larawan.
- Salain at magbigay ng kalinawan sa mga ideya ng mga mag-aaral.

DEEPEN:
 PIRA-PIRASO
- Pangkatin ang klase sa apat na pangkat.
- Pabunutin ang mga mag-aaral ng mga envelop na naglalaman na mga pira-pirasong larawan.
- Atasan ang bawat pangkat na buuin ang larawan at magsulat ng mga ideya at natuunan nila tungkol
sa mga larawang nabunotnila.
- Bigyan ng sapat na oras ang mga bata upang maisagawa ng maayos ang Gawain.
- Kapag n atapos na ay ipadikit sa harapan ang gawa ng bawat pangkat.
- Mamili ng isang kinatawan upang magbigay ng paliwanag sa larawang nabuo nila.
Inihanda ni:
Harold C. Tagal, LPT
Guro

Iwinasto ni:
Lucila B. Agarri, Ph.D.
Punong Guro

You might also like