You are on page 1of 2

BanghayAralinsaAralingPanlipunan 8

Kasaysayan ng Daigdig
YUNIT II: ANG DAIGDIG SA KLASIKO AT TRANSISYONAL NA PANAHON

1. Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean.


2. Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece.
3. Naipapaliwanag ang mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasiko ng Rome (mula sa sinaunang
Rome hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Romano)

PAKSANG ARALIN (SUBJECT MATTER):


Topic: Aralin 4 - Ang Klasikal na Europa
Reference:AklatsaAralingPanlipunan - KAYAMAN: Kasaysay ng Daigdig
Mga May-akda: Celia D. Soriano, Elanor D. Antonio, Evalenin M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria
Carmelita B. Samson
Materials:Libro, Laptop, Projector (TV), Marker
Strategy: Picture Analysis, the S & 5L, Group & Class Sharing, Isang tanong, isang Sagot

Araw 1-3: October 14, 15, 17, 2019


 Maiisa isa at maipapaliwanag mo ang mga mahahalagang pangyayari sa klasikal na Rome.
 Makikilala mo ang mga hari o emparador na humubog sa Rome.

EXPLORE:
1. PAGBABALIK TANAW SA NAKARAAN
- Pabalikin sa kanya kanyang grupo ang mga mag-aaral.
- Magtanong sa bawat grupo tungkol sa natutunan nila sa nakaraang talakayan.
- Hayaan ang bawat grupo na magkaroon ng isang kinatawan para magbalik tanaw.

2. PICTURE ANALYSIS: ROME


- Magpakita ng mga larawan tungkol sa Rome.
- Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang ideya o kaalaman sa mga sumusunod na
larawan.
- Hayaan ang kanilang napiling kinatawan na magsalita sa ideya ng kanilang grupo.

FIRM UP:
1. THE S & 5L (STOP-LOOK-LISTEN & LEARN-LISTEN-LEARN)
* STOP
- Sa pagsisimula ng talakayan, atasang manatili sa kanya kanya nilang mga kagrupo ang mga mag-
aaral.
* LOOK
- hayaan ang mga mag-aaral na maghanap at maglabas ng mga kagamitan na maari nilang magamit
sa pagtatala ng kanilang mga maririnig na ideya at kaalaman.
* LISTEN &
- umpisahan ang talakayan, atasan ang mga mag-aaral na isulat lahat ng ideya na maririnig at
maiintidihan nila sa talakayan.
*LISTEN
- pagkatapos ng talakayan, atasan ang mga mag-aaral na ibahagi at ipagkumpara ang kanilang mga
naitalang ideya sa kanialng mga kagrupo.
* LEARN
- hayaan ang mga mag-aaral na muling magtala pa ng mga ideya na wala sa kanila sa mga ideyang
binabahagi ng kanilang mga kagrupo.

DEEPEN:
1. DEFEND YOUR SHIP: GROUP QUIZ
- Pagkatapos magbahagi ng mga mag-aaral sa kanilang mga kagrupo ay magkakaroon ng isang
pangkatang pagsusulit.
- Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng isang kinatawaang sasagot sa bawat tanong. Sa bawat
tanong kailangang magkaroon ng iba’t ibang kinatawang sasagot.
- Ang bawat tanong ay may katumbas na puntos.
- Pagkatapos ng pangatlong katanungan, ang pangkat na may pinakamataas na puntos ay
magkakaroon ng pagkakataong bawasan ang puntos ng iba pang mga pangkat.

2. ISANG TANONG, ISANG SAGOT


- Anong pinakatumatak sayo na naitatag ng mga Romano na maari mong maihahalintulad sa buhay
mo bilang isang mag-aaral ng paaralang ito?

Inihanda ni:
Harold C. Tagal, LPT
Guro

Iwinasto ni:
Lucila B. Aggari, Ph.D.
Punong Guro

You might also like