You are on page 1of 4

BanghayAralinsaAralingPanlipunan 8

Kasaysayan ng Daigdig
ARALIN 1: ANG HEOGRAPIYA NG DAIGDIG AT ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (SPECIFIC OBJECTIVES)

1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.


2. Naipaliliwanag ang mgakatangiang pisikal ng daigdig.
3. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mgarehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi,
pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig)
4. Nasusuri ang kondisyong heograpiko sa panahon ng mga unang tao sa daigdig
5. Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
6. Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.
7. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
8. Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig: pinagmulan, batayan at katangian
9. Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala, at lipunan.
10. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

PAKSANG ARALIN (SUBJECT MATTER):


Topic: Aralin III: ANG HEOGRAPIYA SA PAGBUO AT PAG-UNLAD NG MGA SINAUNANG
KABIHASNAN SA DAIGDIG.
Reference: Aklat sa Araling Panlipunan - KAYAMAN: Kasaysay ng Daigdig
Mga May-akda: Celia D. Soriano, Elanor D. Antonio, Evalenin M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria
Carmelita B. Samson
Materials: Libro, Laptop, Projector (TV), Marker
Strategy: Dora the explorer, Pangkatang gawain

Araw 1-3: July 22, 23, 25, 2019


1. Maipaliliwanag mo ang impluwensiya ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan.

EXPLORE:
Note: Ibigay at ipaliwanag sa mga mag-aaral kanilang magiging huling Gawain para sa unang kwarter.
 DORA THE EXPLORER
- Ipasuri ang mapa sa SUBUKIN sa nahan ng aralin (pg 54)
- Ipasagot sa tulong ng mapa ang mga katanungan sa SUBUKIN (pg 54)

FIRM UP:
 PANGKATANG GAWAING
- Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang abwat pangkat ay bibvigyan ng tatalakaying bansa. Bigyan
ng pagkakataon ang bawat pangkat na mangalap ng mga impormasyon upang magbigay liwanag sa
papel ng heograpiyang sa paghubog ng sinaunang kabihasnan.
- Maaring gamitin ang bawat pangkat ang sumsunod na mga gawain sa ibaba.

GAWAIN 1 GAWAIN 2
Bumubuo ng isang Talk Show na nagpapakita sa naging papel ng Bumuo ng isang PowerPoint
heograpiya ng Fertile Cresent/Mesopotamia sa paghubog ng presentation na naglalarawan sa
kabihasnan. Sagutan ang sumusunod na mga tanong: heograpiya ng Ehipto. Bigyang-
1. Ano ang katangian ng pisikal na kapaligiran ng Mesopotamia pokus ang sumusunod na mga
na nagbigay ng malaking bahagi sap ag-usbong ng tanong:
kabihasnan? 1. Tukuyin ang mga katangian
2. Anu-ano ang hamon ng pisikal na kapaligiran ng ng kapaligirang likas ng
Mesopotamia? Ehipto?
3. Paano hinarap ng Mesopotamia ang hamon dulot ng kanilang 2. Patunayan ang pahayag ng
kapaligiran? mga eksperto na “wala ang
Ehipto kung walang Ilog
Nile”
GAWAIN 3 GAWAIN 4
Double-entry Journal – pasagutan sa mga mag-aaral Bumuo ng Story Web na nagpapakita sa
ang dayagram patungkol sa heograpiya ng India. naging papel ng heograpiya ng Tsina sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan. Maaring
Pangunahing Detalye Dahilan at itanong ang sumusunod:
Ideya Epekto 1. Anu-ano ang katangiang pisikal ng
Kinaroroonan Tsina?
2. Bakit sa lamba ng ilog Huang ang
kabihasnan?
LIkas na Yaman 3. Paano tinugunan ng mga Tsino ang
hamon dulot ng kanilang kapaligiran?

Mga Hamon ng
Kalikasan

DEEPEN:
 TANONG MO-SAGOT NILA-GABAY KO (TSG)
- Atasan ang bawat pangkat na makinig sa presentasyon ng bawat pangkat at gumawa ng tatlo
hanggang limang tanong upang subukin ang mga pangkat kung gaano sila kalam sa kanilang
presentasyon.
- Hayaan ang pangkat na makapag-usap usap sa kanilang magiging kasagutan nila.
- Sa bawat sagot ng mga mag-aaral ay bigyan ito ng suporta o pagtatama ang bawat kasagutan.

TRANSFER
 POSTER
- Mula sa mga nakaraang aralin,atasan ang mga mag aaral na gumuhit ng isang poster na nagtatampok
sa mga ambag ng mga sinaunang tao sa daigdig at paano binago ng heograpiya ang sinaunang
mundo.
- Maglaan ng sapat na oras para gawin ito ng mga mag-aaral bago matapos ang oras ng klase.
- Hayaan ang mga mag-aaral na ituloy ang gawaing ito sa mga susunod na raw hanggang sa matapos
nila sa nakatakdang araw. Huwag ipapauwi sa mga mag-aaral ang kanilang poster.

______

Araw 4-9: July 29, 30, August 1,5,6, 8, 2019


1. Mailalarawan mo kung paano umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
2. Mailalarawan mo ang mga sinaunang kabihasnang nalinang sa daigdig.

EXPLORE:
 TANAWIN ANG NAKARAAN (PAGBABALIK ARAL)
- Magtawag ng mga mag-aaral para magbigay ng kanilang natutunan sa nakaraang talakayan tungkol
sa impluwensiya ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.
- Magbigay ng buod sa nakaraang talakayan.

FIRM UP:
 PANGKATANG GAWAING: MGA BATANG HISTORIAN
- Hatiin ang klase sa walong pangkat.
- Pabunutin ang mga pangkat ng bansang irerepresenta nila. Ang bansang mabubunot nila ng
magsisilbing pangalan ng kanilang pangkat.
- Atasan ang bawat bansa na mangalap at magsaliksik ng mga impormasyon patungkol sa kabihasnan
na nahubog sa mga bansang naiatas sa kanila.
 ROTATIONAL LEARNING
- Atasan ang bawat pangkat na mag talaga ng isang kitawan na siyang mag uulat ng kanilang nagawa.
- Ang kinatawan ng bawat pangkat ay aatsang mag hanap ng kanilang sariling pook o pwesto kung
saan sila mag uulat ng nagawa ng kanilang pangkat.
 RETRIEVAL CHART
- Gamit ang retrieval chart, isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga matutunan sa bawat
kinatawan ng pangkat na mag-uulat tungkol sa bansang nirerepresenta nila.
- Bibigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat na makalikom ng sapat na impormasyon sa bawat
kinatawan ng pangkat na nag uulat.
- Ang pagtatanong ay maaring gawin upang masubukan din ang lawak ng kaalaman ng nag-uulat.
- Pagkatapos maikot ng lahat ng pangkat ang walong bansa na may kanya kanyang kinatawan ay
kinakailangang magsama sama ulit ng mga magkakagrupo upang pagsama samahin ang kanilang
mga impormasyong nakalap.
- Ito ang halimbawa ng Retrieval Chart na gagamitin ng mga mag-aaral.

KAHARIAN LIPUNAN PAMAHALAAN


Sumeria
Akkadian
Babylonian
Assyrian
Chaldean
Hittites
Persiano
Phoenician

DEEPEN:
 LET’S ROCK THE BOAT (Q AND A)
- Pagkatapos mag-ulat ng mga kinatawan ng bawat pangkat, atasan itong tumayo sa harap kasama ang
mga kagrupo nito.
- Maghanda ng limang katanungan na mas maglilinang pa sa impormasyong nakalap ng mga mag-
aaral.
- Hayaan din ang pangkat na nakatayo na magtanong sa mga pangkat na nakaupo o nakinig sa
kanilang pag uulat.
- Ang pangkat na may mababang puntos o maisasagot ay ang maaatasang maging Tagapaglinis ng
Silid Aralan sa susunod na lingo.

Araw 10-12: August 12, 13, 15, 2019


1. Maiisa isa mo ang mga kontribusyo ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
2. Maipapaliwanag mo kung paano nakatulong ang mga kontribusyong ito sa paghubog ng kasalukuyang
kabihasnan.

EXPLORE:
 PICTURE ANALYSIS
- Magpakita ng mga larawan ng kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa daigdig sa klase.
- Hingin ang ideya ng mga mag-aaral sa mga larawang nakikita nila.
- Sa gabay ng guro ay ipaliwanag kaugnayan ng mga larawan sa susunod na talakayan.

FIRM UP:
 POWER POINT PRESENTATION
1. Bumuo ng isang powerpoint presentation ng mga naging ambag ng mga sinaung kabihasnan.
2. Pagkatapos ipakita sa klase , iproseso ang paksa sa tulong ng guro. Maaring itanong ang
sumusunod:
a. Paano nabuo ang mga material na ambag ng mga sinaunang tao?
b. Paano nakatulong ang mga natukoy na ambag sa pagsulong ng makabagong panahon? Sang-
ayon ka ban a dakila ang mga nasabing ambag?
c. Anu-ano ang katumbas ng mga natukoy na ambag sa kasalukuyang panahon?
DEEPEN:
 PAGLALAPAT
- Bumuo ng isang aral na natutuhan sa naging kakayahan ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang
kabishan.
 PAGTATAYA
- Ipasagot ang Tiyakin

TRANSFER
 POSTER EXHIBIT
- Mula sa kanilang mga natapos na poster, kolektahin ang mga ito at simulang idikit sa loob ng silid
aralan.
- Atasan ang mga mag-aaral na tapatan ang mga poster na kanilang nagawa.
- Umikot upang pakinggan ang kanilang paliwanag sa kanilang nagawang poster.
- Ito ay susukatin sa mga sumusunod na kraytirya: Interpretasyon, Estilo, Pagkamasining, Pagkagawa
at Kawastuhan.

Inihanda ni:
Harold C. Tagal, LPT
Guro

Iwinasto ni:
Lucila B. Agarri, Ph.D.
Punong Guro

You might also like