You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Kasaysayan ng Daigdig

Takdang Araw – 9
Araw 1-3: June 3, 4, 6, 2019
Sa araaling ito, inaasahang:
 Masusuri mo ang heograpiyang pisikal ng daigdig.
 Maipapaliwanag mo ang katangiang pisikal ng daigdig.
 Mabibigyang kahulugan mo ang heograpiyang pantao.
 Mapapahahalagahan mo ang natatanging kultura ng mga rehiyon at ng mga tao sa daigdig.

I. NILALAMAN
1. Paksa: Aralin 1: Ang Heograpiya ng Daigdig
- Katangiang Pisikal ng Daigdig
2. Kagamitan:
3. Sanggunian: KAYAMAN: Kasaysayan ng Daigdig pp 6-18
II. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati sa Guro at Kamag-aral
 Pag-alam kung may lumiban o wala sa klase

2. Paglinang ng Aralin
 Mga Gawain (Activity)
 Rotational Learning Station
- Ipaskil sa loob ng silid aralin ang limang tema at iba pang impormasyon na nauukol dito sa
pagaaral ng heograpiya
- Pangkatin ang klase sa lima
- Bigyan ng gabay ang mga kasapi ng bawat pangkat sa kung ano ang hahanapin sa bawat
learning station.
- Bigyan ang bawat pangkat ng isang tsart o graphic organizer na kung saan itatala nila ang
kanilang mga nabasa. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang maikot ang
lahat ng learning station.
- Pagkatapos maikot ang lahat ng learning stations, bigyan ng sapat na panahon upang lagumin
ang kanilang mga natutunan.
- Iproseso ang Paksa : Heograpiya at Topograpiya

3. Pagtatalakay
 Pagsusuri (Analysis)
 Let’s Set Sail: Picture Analysis
 Hayaan ang mga mag-aaral na manatili sa kanilang mga kagrupo
 Simulan ang paglalayag: Magpakita ng mga larawan ng mga kilalang kalupaan at katubigan
sa klase. Ito ay mga halimbawa ng larawang nagpapakita sa katangiang pisikal ng daigdig.
 Hingin ang ideya ng bawat grupo sa bawat larawang kanilang makikita sa harapan.
 Iproseso ang bawat ideya sa iba’t ibang larawang kanilang makikita at simulan ang
talakayan: Katangiang Pisikal ng Daigdig

4. Pangwakas na Gawain
 Paghahalaw (Abstraction)
1. Paglalahat
- Dugtungan ang sumusunod upang mabuo ang pahayag.
* Natutuhan ko na _____________________.
* Naisisiyahan ako sa ______________________.
* Sisikapin kong ___________________________.
2. Pagpapahalaga
- Base sa natutunan mo, alin sa mga katangiang pisikal ng daigdig ang lubos na nagpahanga
sayo at dapat pahalagahan?
3. Paglapat (Application)
- Paggawa ng isang Slogan patungkol sa pangangalaga sa mga Anyong Lupa at Anyong
Tubig.

III. PAGTATAYA
 Ipasagot ang TIYAKIN, pahina 18 sa inyong libro

IV. KASUNDUAN/TAKDANG ARALIN


a. Humanap ng mga salitang kasingkahuklugan ng LIKAS NA YAMAN.
b. Magdala ng mga larawan, isyu, o balita na may kinalaman sa likas na yaman.
c. Basahin ang teksto ng “YAMANG LIKAS” sa sangguniang aklat.
V. Pangwakas na Gawain
- Pagdarasal
________________________________________________________________________________________
Araw 4-6: June 17, 18, 20, 2019
I. NILALAMAN
1. Paksa: Aralin 1: Ang Heograpiya ng Daigdig
- Yamang Likas
2. Kagamitan:
3. Sanggunian: KAYAMAN: Kasaysayan ng Daigdig pp 18-20
II. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati sa Guro at Kamag-aral
 Pag-alam kung may lumiban o wala sa klase
 Pagbabalik aral

2. Paglinang ng Aralin
 Mga Gawain (Activity)
 Marker Board
 Ipaskil sa pisara ang mga larawan, balita o isyu na nakalap na may kinalaman sa mga likas na
yaman.
 Pakuhanin ang mga mag-aaral ng blangko papel na maari nilang sulatan.
 Ipasagot ang mga tanong ayon sa kanilang pagkakaunawa;
a. Ano ang mga nakikita sa mga larawan, balita, o siyu na nasa pisara?
b. Ano ang iyong pakiramdam ditto?
c. Ano ang maari mong gawin sa mga ito?

3. Pagtatalakay
 Pagsusuri (Analysis)
 Hahatiin ang klase sa tatlong grupo na may kanya kanyang Gawain:
a. Radial Cluster
 Iatala ang mga salita na maaring maglarawan sa likas na yamn.
b. Venn Diagram
 Paghambingin ang dalawang uri ng yamang likas.
c. Itala ang kahalagahan o gamit ng likas na yaman
 Hingin ang ideya ng mga mag-aaral sa mga ang kahalagahan o gamit ng likas na yaman
d. Pagkatapos ng presentasyon o pag uulat ng mga pangkat isasagawa ang patnubayang
talakayan.
4. Pangwakas na Gawain
 Paghahalaw (Abstraction)
1. Paglalahat
- Dugtungan ang sumusunod upang mabuo ang pahayag.
* Natutuhan ko na _____________________.
* Naisisiyahan ako sa ______________________.
* Sisikapin kong ___________________________.
2. Pagpapahalaga
- Paano ko papaunlarin o pagyayamanin pa ang mga Yamang Likas sa paligid ko?
3. Paglapat (Application)
- Magsulat ng isang simpleng panawagan na nagpapakita ng pagmamalasakit mo sa mga
likas na yaman ng bansa.

III. PAGTATAYA
 Magkaroon ng isang maikling pagsusulit.

IV. KASUNDUAN/TAKDANG ARALIN


 Gamit ang Facebook, ilathala o ipost ginawang panawagan.
 Pangwakas na Gawain
 Pagdarasal
V. Pangwakas na Gawain
- Pagdarasal
________________________________________________________________________________________
Araw 7-9: June 24, 25, 27, 2019
I. NILALAMAN
1. Paksa: Aralin 1: Ang Heograpiya ng Daigdig
- Heograpiyang Pantao
2. Kagamitan:
3. Sanggunian: KAYAMAN: Kasaysayan ng Daigdig pp 20-32
II. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati sa Guro at Kamag-aral
 Pag-alam kung may lumiban o wala sa klase
 Pagbabalik aral

2. Paglinang ng Aralin
 Mga Gawain (Activity)
 Slide Presentation o Picture Parade
- Ipakita sa mga mag-aaral ang mga slides o mga larawan na kumakatawan sa mga kultura.
- Tumawag ng ilang mag-aaral na magbigay kahulugan o mensahe sa mga nakitang slides o
larawan.
3. Pagtatalakay
 Pagsusuri (Analysis)
 Fryer Model (Araw 7)
Ihayag ang mga
Bigyang kahulugan ang kahinaan at kalaksan ng
sumusunod na mga salita; mga estrukturang
Wika, relihiyon, sining, panlipunan, pagkakaiba-iba
panitikan, estrukturang ng relihiyon at
panlipunan pagkakaroon ng maraming
HEOGRAPIYANG wika
PANTAO
Paano nakakaapekto ang
Ihayag ang lahat ng mga heograpiyang pantao sa
nalalaman ukol sa ksaysayang pantao sa
heograpiyang pantao ksaysayan?

 Pinag-iba-ibang Gawain (Araw 8)


- Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat. Ipatalakay sa bawat pangkat ang kultura
ng iba’t ibang rehiyon sa daigdig. Maaring gamitin ang mga sumusunod:
Gawain 1: Gawain 2: Gawain 3:
Isagawa ang Three-step Ipatalakay ang nahubog na Ipakita sa tulong ng Spider
interview ukol sa nalinang kultura sa silangang Europa Web ang kultura ng Timog
na kultura sa Kanlurang sa pamamagitan ng Round Aprika at ng Gitnang
Europa. robin Strategy. Silangan.
Gawain 4: Gawain 5: Gawain 6:
Sa tulong ng PowerPoint Ikumpara ang kultura ng Sa pamamagitan ng
Presentation ilalarawan ang mga rehiyo sa Timog Asya- Picture/Fact Gallery
kulturag nahubog sa Latin Timog Silangang Asya, at ipakikita ang Kultura ng
Amerika at ng mga isla sa Silangang Asya sa tulong ng rehiyon ng Antartika,
Caribbean. isang Retrieval Chart. Australia at nga isla sa
Pasipiko.
- Pagkatapos ng bawat presentasyon ng bawat pangkat iproseso ang mga inulat sa tulong ng
guro.
4. Pangwakas na Gawain (Araw 9)
 Paghahalaw (Abstraction)
1. Paglalahat
- Dugtungan ang sumusunod upang mabuo ang pahayag.
* Natutuhan ko na _____________________.
* Naisisiyahan ako sa ______________________.
* Sisikapin kong ___________________________.
2. Pagpapahalaga
- Paano ko maipapakita ang pagrespeto ko sa iba’t ibang kultura sa daigdig?
3. Paglapat (Application)
- Paggawa ng isang essay o Open Letter na naglalaman ng pagnanais mo bilang mag-aaral na
maintindihan ng iba ang kinagisnang mong kultura.

III. PAGTATAYA
- Sukatin ang isinagawang pag-uulat sa tulong ng Rubric sa pangkatang Gawain.
- Pasagutin ang TIYAKIN, pahina 33

IV. KASUNDUAN/TAKDANG ARALIN


- Maghanda ng isang Exit Card, patungkol sa kanilang natutunan sa buong Aralin 1.Ito ay
kokolektahin sa susunod na pagkikita.
V. Pangwakas na Gawain
- Pagdarasal

Inihanda ni:

Harold C. Tagal, LPT


Guro Iwinasto ni:

Lucila B. Aggari, PhD


Punong Guro

You might also like