You are on page 1of 1

REI ANTHONY MARK M.

SALES
GR. 7- SPA CREATIVE WRITING

May Iba Na Ba?

Bakit nga ba hindi na pwede maging tayo?


Ang nais mo ay kaibigan na lang ako?
Bakit sa dami ng taong nakilala ko,
Ikaw lang ang sinisigaw at pinipintig ng puso ko?
Binigay ko naman ang lahat ngunit
Bakit ako’y iniwan mo pa rin?
Hindi pa ba sapat ang aking pagmamahal sa’yo?
Hindi pa ba sapat ang isang tulad ko?

CHORUS:

May iba na ba?


May iba ka na bang minamahal?
May iba na bang nilalaman ang puso mo?
Nasaan ang ating sumpaan na ikaw at ako’y lamang?
Nasaan ang iyong pangako na wala ka ng ibang mamahalin kundi ako lamang?
May iba na ba? May iba na bang tinitibok ang iyong puso kaya ako’y iyong iniwan?
Siya na ba ang dahilan ng ngiti ng iyong mga labi ngayon?
Siya na ba ang nagpapatibok ng iyong puso?
Huli na ba ang lahat para sa atin?

REFRAIN:

Puso ko’y patuloy na umaasa na muling maibabalik ang iyong pagmamahal.


Puso ko’y patuloy na mananabik sa iyong pagmamahal
Puso ko’y walang ibang isisigaw kundi ikaw lamang
Ngunit kung para sa’yo ay wala ng ikaw at ako
Ibibigay ko ang iyong kalayaan kahit puso ko ay labis na nasasaktan…

Repeat Chorus

You might also like