Professional Documents
Culture Documents
Fil 119 Mod 4 Dar
Fil 119 Mod 4 Dar
Mapa
Mrs. Miguela S. Rangel
Fil 119 Mod 4
KAHALAGAHAN NG DULA
Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi
ngkasaysayan ng bayan.
Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.
Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
KATANGIAN NG DULA
Ang paksa ay ang kaisipang ipinahihiwatig ng dula. Kung ating nauunawaan ang paksa,madali
nating maiintindihan ang pandaigdig na tuntunin ng banghay. Ang ilang mamumunang
pampanitikan ay gumagamit ng
kilos bilang katumbas ng paksa sapagkat naniniwala sila kay Aristotle na nagsabing
ang isang dula ay isang pagpaparis ng kilos.
Ang banghay ay malimit itumbas sa “salaysay” ngunit malimit ito’y inihahambing sa tanging
pagsasaayos ng dula ng mandudula.
Ang mga dula ay karaniwang nagkakaroon ng pataas at pababang aksyon sa kwento,napapaloob
ito sa banghay.
Sa pamamagitan ng paglalalahad ng aksyon sa banghay, nalalaman ng mga tagasubaybayang
nakaraang kilos ng tauhan sa dula.
Sa paglalahad ng pangyayari at kilos na ginagawa ng mga tauhan, magkakaroon ngdamdamin
ang mga manonood sa kung ano ang nangyayari sa dula.