You are on page 1of 2

Introduksyon

Maituturing nang isang kaugaliang ganap at bahagi na ng


pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang pagsasaad ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng komunikasyong maaari sa paraang
berbal o ginagamitan ng pasalitang paglalahad at maging sa di-
berbal o paggamit lamang ng kilos,ekspresyon ng mukha, at senyas
ng bahagi ng katawan ng taong nakikipag-usap. Kung ating
babalikan, malaki na ang naging gamit at ambag ng komunikasyon sa
ating lipunan. Sapagkat hindi lamang ito nagsisilbing simbolo ng
ating pagkakakilanlan bagkus ito ay naglalayong magkaisa at
mapagbuklod ang ideya o saloobing nais ipabatid ng isa sa
kaniyang kausap o maging sa madla. Sa paglipas ng panahon, ang
ating komunikasyong kinasanayan ay patuloy na hinuhulma ang
istruktura at malawakang paggamit gayundin maging ang mga
nagiging sakdal na gumagamit nito.

Habang tumatagal at patuloy ang paggamit ng wika, hindi


maiiwasan ang pag-usbong ng mga gawaing may kinalaman sa
pakikipagkomunikasyon. Ang mga gawaing ito ang siyang
nagpapalawig ng tuwirang pagpapalaganap ng wika at mas mainam na
pagkakaisa ng mamamayang pinagbubuklod nito. Ang umpukan bilang
isa sa mga nasabing gawain ay binubuo ng tatlo o higit pang tao
upang maituring na isang maliit na pangkat na naglalayong
makasagap ng impormasyon. Ito ay sinasabing impormal o di-tuwiran
kung ihahambing sa talakayan sapagkat ito ay nangyayari batay sa
pagkakataon. Sa madaling salita, walang katiyakan ang pagsasagawa
ng gawaing ito malibang kusa itong gawin sa tuwing may
pagkakataon sa pagitan ng taong pinagmumulan ng usapin. Alinsunod
sa nasabing ito ay bugso lamang ng pagkakataon, maaaring ang
umpukan ay isang pagtitipon kung saan ang bawat miyembro nito ay
hindi magkakakilala o walang ugnayan sa isa't isa malibang ang
mga nasabing miyembro ay pagkakaisa sa iisang mithiin o interes
at lawak ng ideya tungkol sa usaping umiiral sa kanila.

Sa gawaing ito, walang maituturing na pinuno o pangunahing


lider sapagkat ang pagtatalakay ay naaayon sa malayang talakayan
ng mga usapin. Ang mga usaping sinasabi rito ay maaaring
patungkol sa buhay ng mga kilala o ordinaryong personalidad sa
lipunan,hayagang interes o nagkakasundong usapin ng mga panig ng
taong bumubuo sa umpukan o kaya nama'y ukol sa mga bagong
pangyayari na laganap sa komunidad o kapaligiran. Kung kaya't
hindi maiiwasang may mga taong kusang lumalapit o hindi kilalang
dumaraan sa pinangyayarihan ng umpukan upang sumagap ng mga
impormasyong makukuha mula rito,sila ay itinuturing na usisero at
usisera ng umpukan. Sa pagkakataong ito, kadalasang nagaganap ang
umpukan sa mga lugar na gaya ng opisina, paaralan,korte suprema,
tambayan sa kanto o di kaya'y mismong sa tabing daan kung saan
talagang ito ang pinakatampok na tagpuan ng mga taong naglalayong
makakuha ng impormasyon. Maaaring sabihin na angkop itong gamitin
bilang moderno o napapanahong modelo ng interaktibong
komunikasyon sa pamamagitan ng daloy ng komunikasyon na
namamagitan sa bawat kasapi ng umpukan.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakuha ng higit na


impormasyong may kinalaman sa bisa o kainaman ng umpukan bilang
isa sa kinasanayang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino
higgil sa pagpapahayag ng saloobin at pagpapalawig ng ating
sariling wika.

Cemena(2019).Mga Gawaing Pangkomunikasyon Ng Mga Pilipino.


Retrieved on April 27, 2020 from
https://www.slideshare.net/mobile/JosephCemena/mga-gawaing-
pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino

Scribd et.al.(2020).Mga Gawaing Pangkomunikasyon Ng Mga Pilipino.


Retrieved on April 27, 2020 from
https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-Gawaing-
Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved.

You might also like