You are on page 1of 5

BOTICARIO, DAISY ROSE E.

BS BIO 1A
1. Ano ang mass media batay sa binasang artikulo? (5 puntos)
Ang mass media ay ang mga instrumento na ginagamit ng tao
upang magbibigay at makatanggap ng impormasyon kung saan
ang mga nilalaman ay nagrereplekta ng iba’t ibang temang may
kaugnayan sa tao o mundo. Nagsisilbi itong salamin upang
makita ng tao ang kanilang sarili ngunit ayon sa artikulo hindi
lahat ng salamin ay tapat o sa madaling salita ay hindi tunay ang
pinapakit at malayo sa realidad. Bilang resulta ay nakalilikha ng
ilusyon ang mga tao sa pamamagitan ng mass media at
pinapatnubayan rin nito ang karanasan ng tao. Ang mga
halimbawa ng Mass media ay ang radyo, komiks, pelikula at iba
pa na nagpapahayag ng mensahe sa nakakarami. Malawak ang
saklaw nito kung kaya’t talaga namang tinatangkilik ng mga tao
bukod sa nagbibigay libang ay nagbibigay kaalaman. Ayon
naman kay Henry Lefebre, isang sosyologong pranses "mass
media forms and dilutes judgments. It instructs and conditions
minds. It fascinates and debases by saturation with images, with
news' that is accepted even if not news worthy. " Pinapatunayan
lamang nito na ang Mass media ang pinakamalas na pwersa sa
lipunan sapagkat maraming tao ang naniniwala dito at kapag
matibay ang paniniwala napakahirap itong baguhin kahit na ang
paniniwalang ito ay taliwas sa katotohanan. Ngunit sa
pamamagitan rin ng Mass media maaaring baguhin ito at itama.
2. Ano ang papel ng Mass Media sa buhay ng mga tao lalo na sa
usaping kahirapan? (10puntos)
Ang papel ng Mass Media ay gabay at batayan ng tao kung
paano kikilos o tutugon sa mga pagsubok sa buhay. Sapagkat
ang mga nilalaman nito ay nagpapakita ng problema at sa dulo ay
mayroon ding solusyon na kadalasan isinasabuhay ng mga tao.
Nagbibigay inspirasyon din ito sa pagbabago at pagkilos patungo
sa tagumpay. Ang mga taong naghihirap o mahirap ay nagsisilbi
nilang sandalan ang mass media dahil karaniwan ang mga
nababasa, napapanood at napapakinggan ay may pagkakahawig
sa realidad. Kung kaya’t pumapasok sa isip ng mga tao na sila
ang bida o pinaghahambing nila ang kanilang sitwasyon sa
kuwento at makikita nilang may pagkakapareha iyon sa buhay
nila. Ayon nga sa artikulo, salamin ang mass media nagrereplekta
ng mga sitwasyong gagabay sa tao na kadalsang ang bawat
tema ng sitwasyon ay tungkol sa kahirapan. Sa huli, ang mga
ilusyong nabuo sa isipan ng mga tao at maging ang mga aral ay
dadalhin nila sa realidad upang maging makatotohanan. Sa
madaling salita ang Mass media ay nagpapakilos ng tao dahil
nagkakaroon sila ng ideya sa mga suliranin na dapat tugunan
katulad ng kahirapan na itinuturing na pangunahing probelma ng
ating bansa.
3.Magbigay ng tatlong punto o point of view na makikita sa
binasang artikulo ay ipaliwanag ang bawat isa batay sa iyong
pagkakaunawa? (10puntos)
“Ang mass media ay nagsisilbing salamin upang makita ng tao
ang kanilang sarili, ngunit hindi lahat ng salamin ay tapat” ito ay
na ngangahulugan para sakin, na hindi lahat ng nakikita mo ay
totoo at hindi lahat ng alam mong tama ay tunay talagang tama.
Ang mass media ay nagpapakita ng mga pangyayari o
nagrereplekta ng mga imahe na kung ano at sino nga ba dapat
tayo. Ngunit hindi naman lahat ng salamin ay masasabing iyon
nga tayo, na dapat nating gayahin at paniwalaan ang imaheng
iyon dahil minsan taliwas ang mga nakikita natin sa katotohanan.
Sa panahon ngayon mahirap ng maniwala at magtiwala dahil
hindi natin alam na baka nabubuhay na pala tayo sa
kasinungalingan. Ngayong madali na ang pagpapalitan ng
impormasyon napakadami na ring ‘fake news’. Pekeng
impormasyong ipinangalat upang matakluban ang kasamaan.
Mga pangyayaring binago o ginawang tama sa mata ng iba ngunit
sa likod nito may natatagong kasinungalingan. Mga kaalaman na
dapat alam ng tao ngunit pinigilan upang ang gagawing pagkilos
ay hindi maisakatuparan. Kaya naman napakahalagang maging
mapanuri at kilalanin ang tunay na sarili at tunay na mundo at
hindi umaasa lamang sa nakikita sa mass media.
“Hindi mahalaga ang pera sa mundo. Kung sala’t ka sa salapi,
mayroon ka namang ibang bagay”
Ang kahirapan ang pangunahing problema ng bansa, kung
maraming tao ang naghihirap maaapektuhan din ang bayan.
Kung titignan nating mabuti, ang pera ay ginagamit upang ipalit
sa isang produkto o serbisyo na kailangan ng mga tao upang
mabuhay. Ngunit ito’y walang halaga dahil mas mahalaga pa rin
talaga ang mga tao. Sapagkat mula sa likas na yamang likha ng
Maykapal patungo sa gawa ng mga tao ay matutugunan na ang
mga pangangailangan. Kung wala ang ibang tao at pera lamang
ang nandyan wala ring silbi dahil hindi naman ito nakakain. Oo
nga’t nakakabili pero hindi lahat ay nabibili ng pera katulad ng
pag-ibig, tunay na pagmamalasakit at kusang-loob na kadalasang
ang mga ito ay pinapakita o tinatampok sa Mass media. Kaya
naman ang mga aral na ito ay tumatatak sa tao bilang resulta
maraming tao ang kuntento sa buhay nila kahit hindi kayamanan.

“Bukod sa Mass media, ang panitikan ay maaaring gamiting susi


sa pagpapalaya o tanikala sa pang-aalipin”
Ang bagay na ito ay napatunayan na sa ating kasaysayan, isa rin
sa mga dahilan kaya tayo malaya mula sa mga dayuhan ay dahil
sa mga panitikan. Mga akda na nagpamulat sa katotohanan at
nag-udyok upang lumaban para sa kalayaan. Mula noon
hanggang ngayon ito ay nagiging sandata ng mga tao upang
makamit ang mapayapang daigdig. Sa pamamagitan ng paglikha
at pagpapangalat sa sambayanan, ito ay maisasakatuparan lalo
na kung may pagkakaisa. Sa makabagong panahon, mass media
ang isa sa mga instrumento ng tao. Napakalaki ng impluwnesiya
nito sa damdamin, kilos at isip ng napakaraming mamamayan.
Impormasyong nanggaling dito ay tutungo sa maraming tao at
kapag pinagsama sama nagiging isang malakas na pwersa na
napaka hirap tibagin.
4. Sa kabuoan, ano ang nais iparating ng mensahe ng artikulo
para sa mga mambabasa? (10puntos).

Ipinaparating ng artikulo na ang Mass media ay may malaking


impluwensiya sa mga tao. Kung saan ang mga itinatampok dito
ay may malaking epekto sa pamumuhay ng tao. Binigyang diin
din na ang buhay ay parang pelikula o dula na tinatampok sa
Mass media na kinapapalooban ng bida, konta bida at
napakaraming ekstra. Ayon sa artikulo, napakaraming Pilipinong
ekstra, nanagtitiyaga sa kung anong meron sila bilang epekto
maraming mahirap. May mga iba’t ibang dahilan iyon maaaring
dahil sa sarili o dahil mismo paligid na nakakaaepekto sa kanila.
Mayroon ding iba’t ibang mukha ang kahirapan ngunit ganon pa
man kahit maraming naghihirap marami ring nagbibigay lakas
upang malampasan ito. Ang mga nababasa, napapakinggan at
nadidinig natin likha ng magagaling na manunulat ay instrumento
na ginagamit ng mga tao upang sa huli hindi na sila ang ekstra sa
kuwento bagkus tutungo na sila bilang bagong bida. Mga bida na
kahit na magsapit ng mga pagdurusa ang tagumpay rin ay
makakamit nila sa pamamagitan ng pagsisikap.

You might also like