You are on page 1of 2

1.

Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na
babaeng  estudyante, nais naming ipakita ang mga iba’t-ibang teknik at
metolohiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa  Pilipinas upang makapag-aral ng
husto. Ang aming pagsasaliksik ay tumagal ng isang buwan. Kami ay gumamit
ng software gaya ng SPSS upang masuri at maintindihan ng maigi ang mga
datos na nakalap. Base sa ang aming mga nakalap na datos karamihan sa mga
estudyanteng mas nagtatagumpay sa sekondaryang  edukasyon ay hindi
gumagamit ng teknik na kung tawagin ay “rote learning”. Karamihan sa kanila ay
gumagamit ng kanya-kanyang proseso upang makalap ng impormasyon at
matandaan ang mga aralin.
Sa pagsulat ng isang abstrak, kailangan ay (1) may malinaw na pakay o
layunin ang isang manunulat. Kinakailiangan ding magkaroon ng (2) malinaw na
katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan. Nararapat na ito ay
(3) magtaglay or magkaroon ng presensiya ng metodolohiya sa buod ng isang
abstrak at (4) kailangang mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak.
Kinakailiangan ding (5) magkaroon ito ng implikasyon na makikita at magagamit
ng bumasa ng abstrak. Ito ay mga aral na magagamit nila balang araw. Ayon sa
mga nasabing elemento ng abstrak, ang aking inilahad na halimbawa, ito ay
nagtataglay ng una, ikatatlo, at ika-apat na elemnto. Ang kahinaan ng nasabing
halimbawa ay una, ito ay nagtataglay ng ikalawang elemento kung saan wala
itong malinaw na katanungan at hindi nabigyan ng konkretong kasagutan ayon
sa katanungan at ang pangalawa ito ay may kakulangan sa impormasyon sa
kadahilanang hindi ito nagtataglay ng implikasyon na magagamit ng mga
mambabasa sa susunod nap ag-aaral. Ang nilalaman lamang ng abstrak ay ang
layunin nito, metodolohiya, at resulta ng pag-aaral.

2.

Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-
isip at kumilos ang isang tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal
na mga problema kung hindi pati na rin sa emosyonal at sosyal na aspeto.

Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang
nagdaranas ng depresyon. Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25
taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking potensyal na magkaroon
nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay
ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.

Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na
“seasonal depression”. Ang depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa
madaling salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng pagbabago ng
panahon.

Ang isa pang uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay


karaniwan sa mga kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran
sa kanilang panganganak na nagbubunga ng hindi maayos na pag-aalaga sa
kanilang mga sanggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang
nagdaranas nito.

Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin.


Ito ay lubos na nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na
atensyon sapagkat buhay na ang nakasalalay dito.

You might also like