You are on page 1of 3

Ericka Padero De Guzman BSBA – FM 2 – 5

1.Do you think that the passage of the Rizal bills into a law warranted the
objectives that the sponsors conceived in 1956? Explain your answer.

Noong taong 1950’s sa bansang Pilipinas maraming senador ang nag-udyok na


ipasa bilang batas ang Rizal Law. Isa sa orihinal na lumikha ng nasabing panukala ay
ang dating senador na si Claro M. Recto. At isa sa mga isponsor ng likha ni Sen. Recto
ay ang dating senador Jose P. Laurel. Abril 17 ng taong 1956 nagbigay ng mungkahi at
tinalakay ito ni Sen. Recto. Nagbitaw ng mga pahayag ng pagbibigay respeto sa mga
nagbuwis buhay na mga bayani para sa bansa. Partikular na si Jose P. Rizal, binigyang
diin nya ang kagalingan at marubdob na pagmamahal sa bansa di lamang masasalamin
sa mga gawa at salita bagkus masasalamin din sa mga obra at likha nito gaya na
lamang ng kanyang mga nobela.

Naniniwala ang isponsor na sa pamamagitan ng pagpapakilala at pag – aaral ng


mga likha ni Rizal ay magkakaroon ng ideya ang mga Pilipino sa kung ano ang hirap at
pagkawalang hustiya ang natamo ng buong bansa noong panahon ng mga mananakop.
Maiintindihan nila ang marubdob na pagmamahal ng bayani sa bansa. Binigyang diin
din nito na mamumulat ang mga kabataan sa kung anong epekto at gaano kalupit ang
mga mananakop. Ayon nga kay Rizal, nakasalalay sa mga kabataan ang pag asa ng
bayan. Na makikitang nasa layunin din ng mga isponsor na ipakita kung paano ang
pamumuhay ni Rizal nang sa gayon ay maging inspirasyon para sa mga kabataan kung
paano mahalin at ipaglaban ang ating bansa.

Hunyo 12 taong 1956 naging isang ganap na batas na nga ang Rizal Law. Ang
mga nabanggit sa itaas ay mga layunin na mga sponsor na hindi ginagarantiyahan na
maisagawa noong taong nabanggit. Sa mga kabataan ilalahad at ipapakita ang buhay
ni Rizal. Nakasalalay ang katuparan ng mga layuning nabanggit sakanila. Kung paano
nila isasabuhay at gagawing inspirasyon ang pamumuhay ni Rizal. Hindi isang daang
porsyentong makakamit ang mga layunin dahil noon hindi naman lahat ng kabataan ay
may kakayahang mag – aral. Ang iba ay hindi abot ng pag – aaral at ang iba ay hikahos
sa buhay. Kung garantiya ang layunin ng mga sponsor sa Rizal Law hindi sana tayo
sakop pa rin ng kolonyal na mentalidad at pamumuhay hanggang sa kasalukuyang
panahon.

2.Do you think that the objectives were attained thereafter and that their
attainment resonated until the present? Expound your answer.

Noong henarasyon na naisabatas na ito ay marami na ang nagbago sa


pamumuhay at kaisipan ng mga tao lalo sa mga pag – asa ng bayan at patuloy ang
pagbabago hanggang sa mga oras na ito. Ngunit nakasalalay pa rin sa mga
estudyanteng nag – aaral tungkol kay Rizal kung paano nila ito isasabuhay. Kung
gaano sila nabigyang inspirasyon ng mga pamumuhay at likha ng bayani. Ilang dekana
na ang lumipas matapos maisabatas ito at pamilyar na ang mga kabataan mula noon
hanggang ngayun sa pamumuhay ni Rizal. Hindi maikakaila na mahirap ilapat ang
layunin ng batas sa mga estudyante sa panahon noon at ngayun.

Kinakailangan ng tutok na pagbahagi ng batas, interes at pagmamahal sa bansa


bago maisabuhay at maisagawa ang mga layunin ng mga isponsor ng batas noong
taong 1956. Kung nakamit ang mga layunin ng mga sponsor ay hindi siguro tayo
pinanghaharian ng mga ibat - ibang lahi. Buhay na buhay sana ang Pagka - Pilipino
mula Batanes hanggang Jolo. Napaglinang at patuloy na nagagamit ang kultura,
tradisyon at wika ng bansa hanggang sa kasalukuyang panahon. Wala sanang mga
anumalya sa pamahalaan kung may paggalang at pagmamahal sa sariling bansa.

Kahit pinaglalayo ang buong bansa ng katubigan ay buo parin sana ang diwa ng
pagmamahal sa bawat isa at sa sarili nating bansa. Maunlad sana ang Pilipinas sa
kasalukuyan kung nakamit lamang ang mga layunin na syang sanhi sa maunlad,
tahimik at masaganang bansa. Wala sana sa tugatog ang pamumuhay at pag – iisip ng
kolonyal. Hindi sana alilla ng ibang bansa at sunod sunuran ang demokratikong bansa
ito kung nakamit lamang ang mga layunin at naisabuhay.

Reference:
Agustin et al. (n.d.). INSTRUCTIONAL MATERIALS FOR GEED 10013: Life and Works
of Rizal.

https://pupedumy.sharepoint.com/personal/ejlmarayan_pup_edu_ph/_layouts/15/
onedrive.aspx?id=%2Fpersonal%2Fejlmarayan%5Fpup%5Fedu%5Fph%2FDocuments
%2FAY%202020%2D2021%2FRIZAL%20Module%2FUNIT%2DONE%5FGEED
%2D10013%2DLIFE%2DAND%2DWORKS%2DOF%2DRIZAL
%2D2%281%29%2Epdf&parent=%2Fpersonal%2Fejlmarayan%5Fpup%5Fedu%5Fph
%2FDocuments%2FAY%202020%2D2021%2FRIZAL
%20Module&originalPath=aHR0cHM6Ly9wdXBlZHUtbXkuc2hhcmVwb2ludC5jb20vOm
I6L2cvcGVyc29uYWwvZWpsbWFyYXlhbl9wdXBfZWR1X3BoL0VVeHFFUExhZnlwT25
ZVHVDUDNpYjZNQkJYZ0xFTFJIbGJDVkhRcXdMdXNHQ1E_cnRpbWU9dkJmZTU0U
noyRWc

You might also like