You are on page 1of 1

1.

Napaka-halaga ng ng tamang kaalaman sa pagsulat lalo na para sa paggawa ng


pananaliksik. Makakatulong ito para masiguradong tama ang ating gramatika.
Makakatulong rin ito para maipahayag natin ng tama at maayos ang nais nating iparating
sa mambabasa. Mahalaga sa isang pananaliksik na maging organisado at maayos ito kaya
napakaimportante ng pagkatuto ng tamang kaalaman sa pagsulat.
2. Masasabing pormal ang ating sinusulat kung ito ay matagal nating pinaghandaan at
pinag-aralan. Dahil sa pormal na pagsulat ay may sinusunod tayong proseso o sistema
para gawin ito kaya kailangan itong paglaanan ng panahon para mas maunawaan natin at
ng ating mambabasa kung ano nga ba ang impormasyong nais nating ipabatid. Ang isang
sulatin naman ay hindi pormal kapag mabilisan lang ang paggawa nito. Ito rin ay
naglalaman ng magagaan na paksa at maaaring ito ay personal kaya medyo malaya ang
pagsulat nito.

You might also like