You are on page 1of 2

BSA-1A October 4, 2020

Kasaysayan ng Mabalacat: Isang Reaksyon

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng asignatura patungkol sa kasaysayan ng


Mabalacat. Halos lahat ng aming pinag-aralan nitong nakaraang mga taon ay patungkol lamang
sa mga kilalang lugar dito sa Pilipinas. Ako ay nakaramdam ng tuwa dahil madaragdagan ang
aking kaalaman sa pagkakakilanlan ng lugar na ito. Mayroon lamang akong kaunting nalalaman
sa Mabalacat dahil ako ay ipinanganak at lumaki sa bayan ng Laguna. Sa pinanood naming bidyo
patungkol sa ilang impormasyon ng pinagmulan, kasaysayan at kultura ng Mabalacat ay nasagot
ang ilang katanungan ko sa asignaturang ito. Ang una na rito ay, ano-ano ang pangunahing mga
impormasyon na kailangan kong malaman sa lugar na ito? May impormasyon kaya akong
matututunan na kapansin-pansin? Nakatulong ba ang mga impormasyon na ito upang
maunawaan ko ang kasaysayan ng lugar na ito? Ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral ng
kasaysayan ng Mabalacat?

Ayon sa tinalakay sa bidyo na aming pinanood ay may iba’t ibang uri ng dokumento na
maaaring mapagkunan ng mga impormasyon. Ito ay ang cronicas, cartas relaciones y relatos,
actas, catalogos at libros. Ito ay mga dokumento ng mga prayle na naglalaman ng mga detalye
patungkol sa mahahalagang impormasyon katulad ng mga nagawang matagumpay na misyon ng
mga miyembro ng congregation, listahan ng mga misyonero o pari na itinalaga sa isang misyon,
mga sulatin ng mga nagawa ng isang pari at iba pang mga detalye. Ang impormasyon na tumatak
sa aking isipan ay ang mga Aeta o tinatawag din ng mga kastila na “negritos” na nabibilang sa
Negroid race. Isa pang grupo ng mga katutubo na nakatira sa mga bundok ay ang mga Zambals.
Kapansin-pansin para sa akin ito sapagkat sila ay kilala bilang mga agresibo at mapanganib na
grupo ng mga katutubo. Sila ay naninirahan sa mga bundok ng Mabalacat kung saan ay
pumapatay sila ng mga tao na pumapasok sa kanilang teritoryo gamit ang pana, kanilang
pinupugatan ito ng ulo upang gawin ang Magnatos at mga pagdiriwang, ginagamit din nila ang
bungo upang gawing inuman o iba pang bagay na sadyang nakakakilabot.

Sa ilang impormasyon na mga nabanggit ko ay nakatulong ito upang maunawaan ko ang


kasaysayan at sinaunang kultura ng mga naninirahan sa lugar ng Mabalacat. Naunawaan ko rin
ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ng lugar na ito sapagkat maaari itong maging
simbolo ng iyong pagmamahal sa iyong sariling bansa. Nakatutulong ito upang maging bihasa
tayo sa pagsusuri at pagtataya sa mga bagay-bagay sa ating kapaligiran at lipunan. Natututunan
nating pahalagahan ang ating kultura, at mahalin at igalang ang ating kapwa at iba pang tao sa
mundo. Kahit ilan pa lamang ito sa mga dapat kong malaman sa asignaturang ito ay napukaw na
agad ang aking atensyon na mas lalo pang magsaliksik. Aking inaasahan na sa mga susunod na
aming tatalakayin ay marami pang karagdagang kaalaman ang aking makukuha sa asignaturang
ito.

You might also like