You are on page 1of 21

Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay- pampamilya.

Sa paglipas ng panahon, ang

mga kasapi ng pamilya, lalo na ang mga magulang, ay labis ang pagiging abala sa pagtatrabaho para sa
pagtataguyod ng pangangailangan ng pamilya. Ang hirap ng buhay ang nagdidikta sa mga magulang na
magsikap para gawing sapat ang kinikita para sa pangangailangan ng pamilya. Ngunit may mga
pagkakataon na wari ay ito na ang nailalagay sa gitna ng buhay-pampamilya, pangangailangang kumita
ng pera para sa katiwasayan ng pamilya. Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya
na ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kanya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya
at sa ugnayan ng mga kasapi nito. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang ano mang
pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensya ng Diyos sa gitna nito.

ltuon ang pansin sa pag-unawa. Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya (hal. Qu'ran sa mga Muslim at Bibliya sa mga Kristiyano) ay hindi sapat kahit pa ang
pagmemorya sa nilalaman nito. Ang mahalaga ay tunay na ipaunawa sa anak ang halaga ng pagkakaroon
ng kaalaman at pag-unawa sa nilalaman nito para sa kanyang buhay at kung paano ito mailalapat sa
kanyang araw-araw na pamumuhay. Marahil kaya walang interes ang mas maraming kabataan sa
pagbabasa ng mga ganitong aklat ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan kung saan nila ito magagamit.
Ito ang madalas na maririnig sa mga mag-aaral kung bakit ayaw nila ng Mathematics, dahil sa abot ng
kanilang pag-unawa ay hindi naman nila alam kung paano ito magagamit sa buhay, tulad ng mag-aaral
na gustong kumuha ng kursong Mass Communications o Social Work sa kolehiyo. Marahil tulad ng
pagkukulang ng isang mahusay na guro sa Mathematics, ay gayon din ang pagkukulang ng ilang
magulang na hindi nabibigyang-tuon ang pagpapaunawa ng praktikal na paglalapat ng pagbabasa ng
nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga
karanasan na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao. Mas magiging malalim ang mensaheng
maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-araw-araw na buhay.
Halimbawa, kung ang nais ipaunawa sa mga kasapi ng pamilya ay tungkol sa pasasalamat na turo ng
Diyos, mahalagang isama ang buong pamilya sa pagbibigay na hindi naghihintay ng ano mang kapalit
tulad ng pagbibigay sa mga nangangailangan. Maaari din namang ituro sa mga kasapi ng pamilya ang
kabutihan sa pamamagitan ng pagsasanay

Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya. Mabilis makalimot ang tao. Kaya sa pagtuturo tungkol sa mahahalagang aral tungkol
sa pananampalataya,mahalagang maisagawa ito nang paulit-ulit upang ito ay tumanim nang malalim sa
kanilang puso at isipan. Ayon sa isang artikulo sa internet, kung ang impormasyon ay ibibigay sa isang
tao ng isang beses lamang, mababa sa 10% bahagdan lamang nito ang matatandaan paglipas ng 30
araw. Ngunit kung maibibigay ang impormasyon sa 6 na pagkakataon, 90% ng impormasyon ay
mananatili sa isipan sa loob ng 30 araw. Kung ang nais ay maipaunawa ang Diyos at ang
pananampalataya sa mga kasapi ng pamilya, ulitin nang mas madalas ang mabuting mensahe ng Diyos sa
kanila. Halimbawa, ang pagtuturo ng pag-asa ay maaaring gawin sa panahon ng pagbisita sa isang
kakilalang maysakit ngunit patuloy na lumalaban o sa isang lugar na sinalanta ng bagyo ngunit patuloy
na bumabangon ang mga tao. Hindi rin matatawaran ang aral tungkol sa pag-asa sa tuwing makakakita
ng isang taong may kapansanan ngunit patuloy na namumuhay nang normal.

6. Iwasan ang pag-aalok ng "suhol." "Sige, kapag sumama ka sa akin magsimba kakain tayo sa labas."
Pamilyar ba sa iyo ang motibasyon na ito? Ito rin ba ang mekanismo na nagpapatakbo sa iyo para sa
pagsama sa pamilya sa pagsimba? Hindi naman siguro ito masama ngunit mahalagang maiwasan na
hindi dapat malito ang tao sa tunay na layunin ng pagsasagawa ng mga gawain para sa
pananampalataya. Mas mahalaga pa rin na matulungan ang mga kasapi ng pamilya na gawin ito nang
kusang loob at buong-puso. Sa ganitong pagkakataon lamang ito magkakaroon ng lalim para sa kanila.

7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan. Mas masaya, mas hindi malilimutan. Ito ang
mahalagang tandaan kung magtuturo tungkol sa pananampalataya. Tiyakin na lilikha ng mga
pagkakataon na magiging masaya ang kasapi ng pamilya na matuto. Halimbawa, ang pagsasagawa ng
egg hunt (may nilalaman na mensahe ng Diyos) kahit sa isang pangkaraniwang araw na kumpleto ang
pamilya. Maaari din namang magkuwento ng mga nakatutuwang anekdota at ito ay iugnay sa turo ng
Diyos. (mula sa: Kagawaran ng Edukasyon EsP8 Modyul Unang Edisyon)

Ang Misyon ng Pamilya sa Paghubog ng Pananampalataya

Stephen Covey sa kanyang aklat na 7 Habits of Highly Eftective Families, may mga pag-aaral na ang
pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan
at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao may pagkukusa o bukas
puso. Ito rin ay nakapagpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya. Aniya, kung ang isang pamilya ay
maglalaan ng 10-15 minuto sa tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at
sa Diyos (tulad ng Bibliya para sa mga Kristiyano o Qu'ran para sa mga Muslim), makatitiyak na ang mga
pagpapasyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip, mas magiging mahusay
ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat
na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sd isdng sitwasyon, mas magiging
malapit ang ugnayan sa mga Dagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo, at higit sa lahat, mas magiging
matibay ang ugnayan ng buong pamilya.

Ngunit paano natin masasanay ang ating sarili kasama ang ating pamilya sa pagsasagawa ng mga
ganitong gawain? Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaring makatulong sa iyo at sa iyong
pamilya.

1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay- pampamilya. Sa paglipas ng panahon, ang
mga kasapi ng pamilya, lalo na ang mga magulang, ay labis ang pagiging abala sa pagtatrabaho para sa
pagtataguyod ng pangangailangan ng pamilya. Ang hirap ng buhay ang nagdidikta sa mga magulang na
magsikap para gawing sapat ang kinikita para sa pangangailangan ng pamilya. Ngunit may mga
pagkakataon na wari ay ito na ang nailalagay sa gitna ng buhay-pampamilya, pangangailangang kumita
ng pera para sa katiwasayan ng pamilya. Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya
na ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kanya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya
at sa ugnayan ng mga kasapi nito. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang ano mang
pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensya ng Diyos sa gitna nito.

2. ltuon ang pansin sa pag-unawa. Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya (hal. Qu'ran sa mga Muslim at Bibliya sa mga Kristiyano) ay hindi sapat kahit pa ang
pagmemorya sa nilalaman nito. Ang mahalaga ay tunay na ipaunawa sa anak ang halaga ng pagkakaroon
ng kaalaman at pag-unawa sa nilalaman nito para sa kanyang buhay at kung paano ito mailalapat sa
kanyang araw-araw na pamumuhay. Marahil kaya walang interes ang mas maraming kabataan sa
pagbabasa ng mga ganitong aklat ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan kung saan nila ito magagamit.
Ito ang madalas na maririnig sa mga mag-aaral kung bakit ayaw nila ng Mathematics, dahil sa abot ng
kanilang pag-unawa ay hindi naman nila alam kung paano ito magagamit sa buhay, tulad ng mag-aaral
na gustong kumuha ng kursong Mass Communications o Social Work sa kolehiyo. Marahil tulad ng
pagkukulang ng isang mahusay na guro sa Mathematics, ay gayon din ang pagkukulang ng ilang
magulang na hindi nabibigyang-tuon ang pagpapaunawa ng praktikal na paglalapat ng pagbabasa ng
nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga
karanasan na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao. Mas magiging malalim ang mensaheng
maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-araw-araw na buhay.
Halimbawa, kung ang nais ipaunawa sa mga kasapi ng pamilya ay tungkol sa pasasalamat na turo ng
Diyos, mahalagang isama ang buong pamilya sa pagbibigay na hindi naghihintay ng ano mang kapalit
tulad ng pagbibigay sa mga nangangailangan. Maaari din namang ituro sa mga kasapi ng pamilya ang
kabutihan sa pamamagitan ng pagsasanay sa bawat isa na magsulat ng mensahe ng kabutihan sa bawat
araw at ilagay ito salugar na madalas puntahan ng mga kasapi sa pamilya.

4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto. Ang
paghubog sa tao sa pananampalataya ay hindi dapat ipinipilit. Kapag ginawa ito, lalong lalayo ang loob
ng kasapi ng pamilya. Mahalagang laging gamitin ang mga pagkakataon na dumarating upang mailapat
ang mga mensahe mula sa mga aklat tungkol sa pananampalataya. Halimbawa, sa isang maliit na bata ay
maituturo ang pagdarasal at presensya ng Diyos sa panahon na sila ay natatakot (hal. kapag kumukulog
o kumikidlat). Ang pagtuturo ng pasasalamat ay maituturo sa pagkakataon na nakatanggap ng biyayang
hindi inaasahan lalo na sa panahon ng kagipitan.

5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya. Mabilis makalimot ang tao. Kaya sa pagtuturo tungkol sa mahahalagang aral tungkol
sa pananampalataya,mahalagang maisagawa ito nang paulit-ulit upang ito ay tumanim nang malalim sa
kanilang puso at isipan. Ayon sa isang artikulo sa internet, kung ang impormasyon ay ibibigay sa isang
tao ng isang beses lamang, mababa sa 10% bahagdan lamang nito ang matatandaan paglipas ng 30
araw. Ngunit kung maibibigay ang impormasyon sa 6 na pagkakataon, 90% ng impormasyon ay
mananatili sa isipan sa loob ng 30 araw. Kung ang nais ay maipaunawa ang Diyos at ang
pananampalataya sa mga kasapi ng pamilya, ulitin nang mas madalas ang mabuting mensahe ng Diyos sa
kanila. Halimbawa, ang pagtuturo ng pag-asa ay maaaring gawin sa panahon ng pagbisita sa isang
kakilalang maysakit ngunit patuloy na lumalaban o sa isang lugar na sinalanta ng bagyo ngunit patuloy
na bumabangon ang mga tao. Hindi rin matatawaran ang aral tungkol sa pag-asa sa tuwing makakakita
ng isang taong may kapansanan ngunit patuloy na namumuhay nang normal.

6. Iwasan ang pag-aalok ng "suhol." "Sige, kapag sumama ka sa akin magsimba kakain tayo sa labas."
Pamilyar ba sa iyo ang motibasyon na ito? Ito rin ba ang mekanismo na nagpapatakbo sa iyo para sa
pagsama sa pamilya sa pagsimba? Hindi naman siguro ito masama ngunit mahalagang maiwasan na
hindi dapat malito ang tao sa tunay na layunin ng pagsasagawa ng mga gawain para sa
pananampalataya. Mas mahalaga pa rin na matulungan ang mga kasapi ng pamilya na gawin ito nang
kusang loob at buong-puso. Sa ganitong pagkakataon lamang ito magkakaroon ng lalim para sa kanila.

7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan. Mas masaya, mas hindi malilimutan. Ito ang
mahalagang tandaan kung magtuturo tungkol sa pananampalataya. Tiyakin na lilikha ng mga
pagkakataon na magiging masaya ang kasapi ng pamilya na matuto. Halimbawa, ang pagsasagawa ng
egg hunt (may nilalaman na mensahe ng Diyos) kahit sa isang pangkaraniwang araw na kumpleto ang
pamilya. Maaari din namang magkuwento ng mga nakatutuwang anekdota at ito ay iugnay sa turo ng
Diyos. (mula sa: Kagawaran ng Edukasyon EsP8 Modyul Unang Edisyon)
Tears in Heaven ni Ad Glam

Ako si Mark, may tatlong anak at isang napakabait at magandang may bahay na si Margarette. Dahil ako
ang haligi ng tahanan ako ang kumakayod sa pagtatrabaho. At si Margarette naman ang nasa bahay
upang alagaan ang aming tatlong anak.

Masasabi kong kumpleto na ang aking buhay. Nitong nakaraang buwan ay na-promote ako bilang
executive vice president sa kompanyang aking pinapasukan, dahil na rin sa sipag at pagtitiyaga . At si
Margarette na bumuo sa aking buhay ay laging naka-suporta sa akin. Kundi dahil sa kanya marahil ay
hanggang ngayon ay wala pa din direksyon ang magulong buhay ko noon.

"Nandito na ako!" saad ko habang nagtatanggal ng sapatos sa may harap ng aming pintuan.

"Papa!" salubong ni Matthew sa akin. Ang bunso kong anak, anim na taong gulang na siya. Kinuha niya
agad ang dala kong pasalubong para sa kanila.

"Nasaan si mama mo anak ko" .sagot ko sa kanya habang inaabot ang dala kong mga laruan para sa
kanila.

"Nasa kusina po si mama, nagluluto na po siya ng pagkain natin." saad ng panganay naming anak na si
Marielle na labin-limang taong gulang, habang papalapit sa akin upang abutin ang aking kamay para
mag-mano.

"Direcho na kayo dito sa kitchen, nakahanda na ang hapunan!" pasigaw na saad ng aking may bahay
mula sa kusina.

"Nandiyan na kami mama!" pasigaw na sagot ko sa kanya.

"Marielle, Matthew mauna na kayo sa kusina at ibaba ko muna ang mga gamit ko sa kwarto." wika ko sa
aking panganay at bunsong anak.

"Sige po papa!" sagot sa akin ni Marielle habang akay-akay si Matthew papunta sa kusina.
Madali kong ibinaba ang aking gamit sa aming kwarto at nagpalit ng aking damit. Sa paglabas ko ay bigla
akong napangiti ng madaanan ng aking mata ang family picture ng aking pamilya na nakalagay sa
bedside table.

"Salamat Panginoon dahil binigyan mo ako ng isang masayang pamilya." bulong ko sa aking sarili habang
hawak ang family picture namin at dali-dali na akong pumunta sa kusina.

"Mama!" masayang saad ko kay Margarette sabay halik sa mga labi nito.

"Maupo ka na mahal ko, kumain na tayo." sagot niya sa akin habang ang tatlo naming anak ay nakaupo
na at naghihintay sa amin upang makapagsimula ng kumain."

Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking mag-iina. Si Marielle na habang kumakain ay tinutulungan ang
pangalawa sa magkakapatid na si Maxenne na maghimay ng isda. Samatalang si Margarette naman ay
dahan-dahang sinusuban si Matthew.

Matapos namin kumain ng hapunan ay magkakasama kami sa sala sa panonood ng t.v., sa ganitong
paraan lang kasi kami nagkakaroon ng oras para sa isat-isa dahil na rin sa busy ako sa aking trabaho,
maliban na lang sa araw ng linggo.

"Kamusta mahal ang maghapon mo?" malambing na pagtatanong sa akin ng aking may-bahay habang
magkahawak ng kamay.

"Ok naman, madami pang hindi natatapos sa ilu-launch naming project pero alam ko God is Good,
matatapos namin yun on time." masayang sagot ko sa kanya.

"Ang mga bata kamusta sila sa school?" pagtatanong ko sa kanya sabay tingin sa tatlo naming anak na
nakaupo sa sahig at busy sa panunood.

"Si Marielle ay nag-iisip na ng kukuhanin niyang kurso para sa college niya. Si Maxenne naman ay
kinausap ako ng teacher niya isasali daw siya sa beauty contest ng section nila. At ang makulit na si
Matthew ay puro tulog ang ginawa sa klase niya." masayang pagkukwento ni Margarette.
"Masaya akong marinig lahat tungkol sa kanila mahal ko, kung gusto mo kumuha na tayo ng yaya para
may katulong ka sa pag-aalaga sa kanila?" pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi na mahal, mas gusto ko na tutok ako sa kanila tutal wala naman akong ibang ginagawa dito sa
bahay". Nakangiting sagot niya sa akin sabay yakap sa aking beywang.

"Ikaw talaga! I love you Mama!" kinikilig na saad ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin.

"Tila nakatulog na ang tatlo". Banggit ni Margarette.

"Gabi na rin kasi masyado mahal, una-una ko na silang bubuhatin papunta sa kanilang kwarto." saad ko
habang patayo mula sa sofa na kinauupuan namin.

Isa-isa ko silang binuhat papunta sa kanilang kwarto.

Nakahiga na sila sa kani-kanilang kama. Isa-isa naming mag-asawa hinalikan ang noo ng aming mga anak.
Matapos nito ay direcho na kami sa aming silid upang makapagpahinga na rin.

"Maraming salamat mahal ko." mahinang saad ko kay Margarette habang nakahiga sa aming kama.

"Para saan?" pagtatanong niya sabay harap sa akin.

"Sa lahat-lahat." sagot ko na nakatingin sa itaas.

"Mahal na mahal kita Mark." ang tanging mga salita na nakapagpapahina sakin sa saya.

"Mahal na mahal din kita Margarette higit pa sa buhay ko." sabay harap sa kanya at hinawakan ang
kanyang mukha at inilapit ang akin at dahan-dahan kong hinalikan ang malambot niyang labi........ At
kaming dalawa ay naging isa, sabay pinaghatian ang gabi...........
Ala-sais na ng umaga, pagdilat ng aking mga mata ay wala na siya sa aking tabi. Tumayo na ako at
nagpunta na sa kusina upang makapag-almusal.

"Magandang umaga mahal ko!" masayang pagbati sa akin ni Margarette habang hinahalo ang isang
tasang kape.

"Magandang umaga din mahal, ang aga mo naman nagising ngayon?" saad ko sa kanya at agad na
lumapit upang halikan siya sa kanyang mga labi.

"Maupo ka na at nakahanda na ang iyong almusal." nakangiting sagot niya sa akin.

"Tulog pa din ang mga bata?" pagtatanong ko sa kanya matapos kong higupin ang tasa ng kape.

"Oo mahal, maya-maya ay magigising na din sila" sagot niya sa akin.

"Pupunta dito mamaya si Catherine, papabantayan ko muna saglit ang mga bata, wala naman silang
pasok ngayon. Mamimili muna ako ng gagamitin sa pagdating ni Mama Marieta sa Lunes." dagdag pa
niya.

"Bukas na lang kaya mahal ko, magpapaalam ako na hindi ako makakapasok para masamahan ka sa
pamimili mo." saad ko sa kanya na may pag-aalala dahil mag-isa lamang siya na aalis.

"Huwag na mahal, kaya ko naman magisa magpunta sa supermarket." nakangiting sagot niya sa akin
sabay yakap at halik sa aking pisngi.

"Sige na, maligo ka na at baka mahuli ka pa sa trabaho mo mahal." dagdag pa niya.

"Sige na nga, mag-ingat ka mahal ko ha." saad ko sa kanya habang nakatitig sa mala-anghel niyang
mukha.

Alas-siyeta na ng umaga tila may pumipigil sa akin na huwag umalis..

"Oh papa, may problema ba? Male-late ka na sa office." pagtatanong sa akin ni Margarette habang dala-
dala niya ang aking bag.

"Wala mama, papasok na ako. Mag-ingat ka mamaya ha? Mahal na mahal kita. Ikaw na muna ang bahala
sa mga bata." saad ko sa kanya at direcho na sa kotse..

Sa pag-andar ng aking sasakyan ay hindi ko naiwasan na hindi mapatingin sa side mirror at nakita ko si
Margarette na kumakaway sa akin.

Napangiti ako bigla, masasabi ko na talaga na kumpleto na ang aking buhay marahil wala na akong ibang
mahihiling pa.

"Isa na ata ako sa pinaka masuwerteng lalaki sa buong mundo." bulong ko sa aking sarili habang
naglalakad papunta sa aking opisina.

"Good Morning sir!" pagbati sa akin ng isa sa aking mga katrabaho.

"Good Morning din Ms. Divine! Anong oras nga pala magsisimula ang meeting mamaya?" pagbati at
pagtatanong ko sa kanya.

"1:30 pm sir." sagot niya sa akin.

"Ok, thanks!" saad ko sabay pasok ng pinto sa aking opisina.

Ilang oras na ang nakakalipas at busy pa din ako sa aking trabaho, pirma dito, pirma doon. Harap sa
computer, tinatapos ang bagong ilu-launch na project para sa kompanya.

"Sir, telephone po. Si Catherine daw po sa kabilang linya." banggit sa akin ng aking secretary.

"Hello, Catherine." saad ko sa kabilang linya.

"Kuya!!!!!!" takot na takot na boses niya.

"Anong nangyari? Ang mga bata kamusta sila, si Margarette nandiyan na ba siya!" pag-aalalang tanong
ko sa kanya.

"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko kuya." takot na takot na saad ni Catherine.

"Ano nga iyon! Sabihin mo na!!!"

"Si ate Margarette po, nasa ospital." umiiyak na sagot niya sa akin.

Nang mga sandaling yaon ay na- blanko ang aking isip tila ba tumigil ang pag-ikot ng aking mundo.

"Kuya."

"Kuya."

"Nasaan siya? Saang ospital siya?" tanong ko sa kanya matapos kong malaman kung saan, dali-dali akong
nagpunta sa ibinigay na address ni Catherine.

Mabilis kong pina-andar ang aking kotse patungo sa kinaroroonan ni Margarette.

Nang makarating na ako sa ospital ay dali-dali akong nagtanong kung nasaan si Margarette.

"Nasa I.C.U. po siya ngayon" sagot sa akin ng nurse na pinag-tanungan ko.

"Gusto kong makita ang asawa ko." pasigaw na boses ko sa nurse na aking kausap.

Sinamahan ako ng nurse na nakausap ko sa I.C.U. Nang makarating roon ay hindi ko napigilan na
mapaiyak sa kalagayan ng aking asawa. Wala siyang malay at may tubo na naka-kabit sa kanya.
"Margarette!!! Anong nangyari sa iyo!" umiiyak na wika ko sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang
kamay.

"Pinapasabi po pala ni Ms. Catherine, kapatid daw po ng asawa ninyo, umuwi muna siya. Wala daw po
kasing kasama ang mga bata" saad ng kasama kong nurse.

"Anong nangyari sa kanya, bakit wala siyang malay?" malungkot na pagtatanong ko sa nurse.

"Nandito na po si Dr. Malimit siya na po ang magpapaliwanag." sagot ng nurse.

"Magandang hapon Mr. Madrigal, ikinalulungkot kong sabihin

na malakas ang naging tama sa ulo ni misis, ngayon ay hindi pa natin alam kung kailan siya magigising
tanging ang mechanical ventilator na lang na nakakabit sa kanya tumutulong na madugtungan pa ang
kanyang buhay . Ipagdasal na lang po natin na magising na siya sa lalong madaling panahon." saad ng
doctor sabay tapik sa aking balikat.

Sa aking kinauupuan napayuko ako sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Margarette.

"Sino po ang may gawa sa kanya nito?" pagtatanong ko sa kanya.

"May mga pulis po na nandito kanina, nag-aantay daw siya ng sasakyan galing sa supermarket. may
isang van na nawalan ng preno at tuloy-tuloy na bumangga sa kinatatayuan ng asawa ninyo." sagot niya.

Malakas ang impact ng pagkakabangga sa kanya kaya nasa kritikal na kondisyon siya ngayon.
Nalulungkot ako Mr.Madrigal sa nangyari, maiwan muna kita." dagdag pa niya sabay labas sa kwarto
kasama ang nurse.

"Lumaban ka mahal ko, nag-aantay ako sayo, kami ng mga anak mo. Lumaban ka pls.pls Margarette."

Malungkot na saad ko sa walang malay kong asawa.

Ilang oras na ang lumipas, dumating si Mama Marieta, siya ang nanay ni Margarette.
"Margarette, anong nangyari sayo? Sinong gumawa sayo niyan?"

Saad ni Mama Marieta habang naghahagulgol sa kakaiyak sa anak.

"Mama.." wika ko sa kanya, sabay hawak sa kanyang balikat.

Napayakap sa akin si Mama Marieta sa sobrang kalungkutan sa anak.

"May awa po ang Diyos" mahinang bulong ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin.

"Ang mga bata, alam na ba nila ang nangyari?" pagtatanong niya sabay kuha ng panyo mula sa kanyang
bulsa at ipinunas sa kanyang mga luha.

"Hindi pa mama, si Catherine po ang nasa bahay ngayon. Aantayin ko lang po siyang dumating at uuwi
muna po ako sandali para sa mga bata." malungkot na sagot ko sa kanya.

"Hindi ko pa alam kung papano ipapaliwanag sa kanila ang kalagayan ng kanilang ina." dagdag ko pa sa
kanya.

"Kailangan malaman nila ito Mark." malungkot na saad niya.

"Sige Mark, umuwi ka muna, ako na muna ang bahala dito." dagdag pa niya.

"Sige po, kukuha na rin po ako ng ilang gamit ni Margarette, salamat Mama Marieta."

"Mahal ko, uuwi na muna ako. Iche-check ko muna ang mga bata. Babalik din ako agad ha? " wika ko kay
Margarette habang hawak ang kanyang kamay, sabay halik sa noo nito.

"Mauna muna po ako Mama Marieta." pag-papaalam ko sa kanya.

Sa paglalakad ko sa hallway ng ospital ay naka-agaw pansin sa akin ang liwanag mula sa gitnang silid na
malapit sa hagdan.

Nang makarating ako dito ay nawala ang liwanag na nagmumula dito. Pumasok ako sa loob at lugar
dasalan ito.

Matagal-tagal din na hindi ako nakaka-simba simula ng maging busy ako sa trabaho.

"Lumalapit po ako ngayon sa Iyo Panginoon ko, humihingi po ako ng tulong para sa pinaka-mamahal
kong asawa." mahinang bulong ko habang naglalakad ng paluhod papunta sa altar.

Nang mga sandaling yaon, pakiramdam ko ay napalapit akong muli sa Kanya.

Matapos kong mataimtim na magdasal ay nagpunas ako ng aking mga luha at lumabas na ng silid
direcho sa parking lot ng ospital.

Bawat oras na lumilipas ay hindi maalis sa aking isipan ang kalagayan ng aking pinaka-mamahal. Sobrang
bigat sa pakiramdam, ni hindi ko alam ang gagawin ko para magising siya.

Nang makarating ako sa bahay, ang aming mga anak ay walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanilang
ina. Makita ko pa lang sila ay hindi ko na alam kung papaano sisimulan ipaliwanag ang lahat.

"Papa!!!" masayang wika sa akin ni Marielle, sa pagkakataong yaon marahil ay wala pa din silang alam sa
nangyari.

"Nasaan ang mga kapatid mo Marielle?" malungkot na saad ko sa kanya.

"Sandali lang papa, tatawagin ko sila." masayang saad ni Marielle.

Ilang sandali lang ang lumipas.

"Papa, kamusta po? Si mama po, hindi pa umuuwi?" saad ni Maxenne na kakatapos lang humalik sa
aking pisngi.

"Mga anak ko, may sasabihin ako sa inyo tungkol sa inyong mama." malungkot na saad ko sa kanila.

Habang isinasalaysay ko ang nangyari sa kanilang ina ay unti- unting pumatak ang kanilang mga luha.
Wala akong magawa para mapawi ang kalungkutan sa kanila dahil kahit ako mismo ay punong-puno ng
kalungkutan ang nangingibabaw.

"Mama ko!" umiiyak na saad ni Matthew. Sa murang edad ay naintindihan na niya ang nangyari.

"Halika kayo dito sa akin mga anak ko" malungkot na saad ko sa kanila sabay yakap namin sa isa't-isa.

"Gusto ko pong makita si mama." humihikbing banggit ni Marielle.

"Ako din po papa." saad ni Maxenne habang mahigpit rin ang pagkakayakap sa akin.

"Sige mga anak ko, isasama ko kayo sa ospital. Sige na magbihis na kayo." mahinang sagot ko sa kanila
habang inalis ko ang pagkakayakap sa kanila.

Dali-dali silang nagpalit ng damit. Kitang- kita sa kanilang mga mukha ang kasabikan na makita ang
kanilang ina.

"Tapos na po kami papa." saad ni Maxenne na nakapag-palit na ng damit.

"Papa, maaari ba na dumaan po muna tayo sa simbahan? Ipagdasal po natin si mama." dagdag ni
Marielle.

"Sige anak ko, dadaan muna tayo sa simbahan." sagot ko sa kanya habang buhat-buhat si Matthew
papunta sa garahe ng kotse.
Nang makarating na kami sa simbahan ay hindi ko na napigilan na hindi tumulo ang aking mga luha
ganun din ang mga bata.

Naupo kami sa harap na malapit sa altar. Mata-imtim na nagdarasal ang mga bata.

"Papa Jesus, tulungan ninyo po si mama. Promise ko po mag-papakabait na po ako." mahinang bulong ni
Maxenne habang nakaluhod na nakatingin sa altar.

"Papa Jesus, pagalingin po ninyo si mama ko, please po." saad ni Matthew habang tumutulo ang
kanyang mga luha.

Samantalang si Marielle, ay nasa isang tabi lamang at pinupunasan ang kanyang mga luha.

Mahigit isang oras din kami nasa loob ng simbahan, mataimtim na nagdarasal sa kanya.

Nang papalabas na kami ng simbahan ay may isang matandang lalaki na lumapit sa amin.

"Tutulungan Niya kayo." saad ng matandang lalaki sabay tingin sa harap ng altar.

"Naniniwala po kami, salamat po." sagot ko sa matandang lalaki sabay lakad papalabas ng pintuan ng
simbahan.

Hindi pa man kami nakakalayo ay nilingon kong muli ang matandang lalaki na kumausap sa amin ngunit
nawala na ito.

Dumirecho na agad kami sa ospital. Nang makarating ay pinagpalit agad kami ng nurse ng hospital gown,
papasok sa I.C.U.

"Mahal, nandito na ako, kasama ko ang mga anak mo. Nandito na sila." malungkot na saad ko sa aking
pinakamamahal na nakahiga at wala pa din malay.
"Mama, si Marielle po ito, Gising ka na po." lumuluhang banggit ni Marielle.

"Mama, si Maxenne po. Uwi na po tayo sa bahay."

"Matthew ako mama, Gising ka na."

Nang mga sandaling yaon ay nabalot ng kalungkutan ang buong kwarto. At sa hindi inaasahang
pangyayari ay........

"Papa! Gumalaw ang kamay ni mama" pasigaw na saad ni Maxenne.

"Nurse! Nurse!" malakas na saad ko habang hawak-hawak ang kamay ni Margarette.

Dali-dali namang kinuhanan ng vital signs ng nurse si Margarette at dumating si Dr. Malimit.

"Sa ngayon, nasa coma pa din ang kondisyon niya. Mas makakabuti kung ililipat na natin siya sa private
room para parati ninyo siyang makakausap. Dahil kahit wala siyang malay ay naririnig pa rin niya kayo."
saad ni Dr. Malimit.

"May ipapagawa ako ulit na mga test sa kanya para malaman muli kung meron na siyang brain activity."
dagdag pa nito.

"Nakita po ng anak ko na gumalaw yung kamay ni Margarette." pagtatanong ko.

"Dahil yun sa mga reflexes niya, normal lang yun Mr. Madrigal. Kaya mayroon akong mga laboratory test
na ipapagawa." sagot niya.

"Ini-refer ko na din siya sa ibang espesiyalista. Magtutulong kami para sa kalagayan ni Margarette.
Tinawagan ko na si Dra. Maceda, para siya ang maging Cardiologist nya. At ako naman ang Neurologist
niya."
"Gawin po ninyo lahat para sa asawa ko Dok." malungkot na saad ko.

"Ginagawa ko lahat ng makakaya ko Mr.Madrigal. Ipagdasal na din po natin siya. At sabi ko nga kanina
palagi ninyo siyang kakausapin dahil naririnig niya kayo."

Inilipat na namin si Margarette sa private room, ngunit nasa coma pa din siya. Sa umaga si Mama
Marieta ang nagbabantay sa kanya, dahil ako ay may trabaho din, hindi ko kasi maaaring iwanan ang
trabaho ko lalo na ngayon na malaking pera ang gastos sa ospital. Si Catherine naman ang tumitingin sa
mga bata.

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng maaksidente si Margarette. Trabaho-ospital-bahay-

simbahan ang naging ikot ng pang-araw-araw na buhay ko.

Araw ng linggo yaon, walang pasok ang mga bata kaya isinama ko sila sa ospital.

"Mama, may inihanda po kaming kanta para sayo." saad ni Maxenne sa nakahigang nilang ina. Si
Marielle naman ay nakahawak sa kamay ni Margarette. At buhat ko si Matthew.

*****(kanta ng kanyang mga anak)

"Mahal kong ina, pagmamahal mo aking ina, yakap mo sa akin hinahanap ko. Init ng pag-ibig kumot ng
bunso. Sa gitna ng pag-kakahimbing yakap mo ang gi...gising......." ********

Matapos silang sabay-sabay na kumanta ay tumulo ang mga luha ni Margarette.

"Mahal ko!"

"Mama!" sabay na banggit ng tatlong anak namin.

"Gising na Margarette. Mahal na mahal ka namin. Inaantay na namin ang pagbabalik mo! Idilat mo na
ang mga mata mo." maluha-luhang saad ko habang nakaharap sa kanya.

Ilang sandali pa lamang ay unti-unti na niyang idinilat ang kanyang mga mata.
"Margarette!" masayang banggit ko.

"Mama!" saad nila Marielle sabay yakap sa kanya.

Pinindot ko agad ang buzzer na malapit sa kama ni Margarette upang tawagin ang doctor at nurse.

Agad naman silang nakarating at pinatabi muna ang mga bata sa gilid habang ako ay mahigpit na
nakahawak sa mga kamay ng aking asawa.

"Mrs. Madrigal, nakikita at naririnig mo ba ako?" pagtatanong ni Dr. Malimit.

"Igalaw mo ang kamay mo kung naririnig mo ako Mrs.Madrigal." dagdag pa niya.

At ilang sandali lang ang nakalilipas mula sa pagtatanong ni Dr. Malimit ay dahan-dahan na gumalaw ang
mga kamay nito mula sa aking pagkakahawak .

"Dok, iginalaw niya ang kamay niya." masayang wika ko habang napapaluha sa sobrang kasiyahan.

"Sige po Mr.Madrigal, kami na po muna ang bahala kay misis, iche-check ko siyang muli at tatanggalin ko
na ang tubi na nakakabit sa kanya." saad ni Dr. Malimit.

Habang kinu-kuhanan siya ng vital signs at tina-tanggal ang tubo na naka-kakabit sa kanya ay niyakap ko
ang aking tatlong anak.

"Pinakinggan ng Diyos ang mga panalangin natin sa kanila mga anak ko." saad ko sa mga bata habang
nakayakap sa kanila.

"Ok na Mr.Madrigal. Maari nyo na siyang kausapin. Oobserbahan muna natin siya ng mga ilang araw pa
bago siya makauwi." masayang pagpapaliwanag ni Dr. Malimit.
"Maraming salamat dok." sagot ko sa kanya.

"Dini-nig ng Diyos ang mga panalangin ninyo babalik na lang ulit ako mamayang hapon Mr.Madrigal."
saad niya sabay labas ng kwarto kasama ang mga nurse.

"Mahal ko, salamat sa Diyos at nagising ka na." masayang wika ko sabay halik sa noo nito.

"Mama, kamusta ka po?" masayang banggit ni Marielle.

"Na-miss ka po namin mama!" nakangiting saad ni Maxenne.

"Mama....." saad ni Matthew habang buhat ni Marielle.

"Mahal ko.... mga anak ko!" mahinang saad ni Margarette habang dahan-dahang ngumi-ngiti.

"Anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito?"pagtatanong ni Margarette.

"Saka ko na lang ikukwento sayo mahal ko, ang mahalaga ngayon ay magpagaling ka ng husto."

nakangiting sagot ko sa kanya.

Ilang araw na ang nakalipas, pinayagan ng makalabas si Margarette sa ospital. Bago kami dumiretcho sa
bahay ay dumaan muna kami ng simbahan.

"Panginoon ko, maraming maraming salamat po at nakabalik ng muli sa amin si Margarette."

"Papa Jesus, Thank you po ng madami. Yung promise ko po na mag-papakabait na ako ay tutuparin ko
po yun." mahinang bulong ni Maxenne.

"Ako po ulit si Matthew Papa Jesus. Thank you po!

"Maraming salamat Papa Jesus at hindi ninyo pinabayaan si mama, maraming salamat po at kumpleto
po ang pamilya namin ngayon."- Marielle.

"Panginoon, alam ko pong mabigat ang pinagdaanan ko. Maraming salamat po at hindi mo ako
pinabayaan. Maraming salamat at pinanatili mong matatag si Mark pati na rin ang mga bata. Taos puso
ang paghingi ko sayo ng pasasalamat....."- Margarette.

Nang papalabas na kami na pintuan ng simbahan ay nakita naming muli ang matandang lalaki na
kumausap sa amin noon na may kinakausap na babaeng nakaluhod habang umiiyak.. Nang lingunin ko
itong muli ay naka-ngiti siyang nakatingin sa akin.

You might also like