You are on page 1of 188

Foreword

Status: Completed (Published under LIB)


Price: Part 1 Php119.75
Story Started: August 20, 2013
Story Ended: December 31, 2013
Author: Thyriza
Title: Vampire City: Not Your Ordinary Vampire Story
Number of Chapters: 59 chapters (including Prologue, Special chapters & Epilogue)
Genre: Vampire, Teen-Fiction, Fantasy, Romance
Ratings: PG-13
Characters: Hansel Kang, Ingrid Sy, Drake Drian, Erina Kang, Cris Veron, Tom Quin,
Maxhene Donagon, Denver Paxton, Eunice Yuchengco
OST: All around me - Flyleaf
Soundtrack: All around me - Flyleaf
Bella's Lullaby (Piano version)
I know what you are - Carter Burwell
Tongue Tide - Faber Drive
Magic - Colbie Cailat
Baby, don't cry - EXO M
Decode - Paramore
Breath - Faith Hill
Again - Flyleaf
Let me go - Avril Lavigne
Don't go - EXO M
Miracles in December - EXO
Wait for me - Theory of a Deadman
When i'm with you - Faber Drive
Book 2 : Vampire City: Definitely Not Your Ordinary Vampire Story (see external
link)
Copyright: All Rights Reserved
Note: Please do not plagiarize this story. This story is free read in wattpad and
i do not give softcopies! Thank you.

Prologue

Vampire City Series


Book 1

~~~~

Prologue
"SABI nang ilayo mo 'yan sa akin!" natatakot na sambit ni Hansel.
"Masarap 'to. Boy bawang. Sige na tikman mo na, please?" Nagpuppy eyes pa ako sa
kanya pero mukhang hindi effective dahil tinignan niya ako nang matalim.
"Are you stupid or what?! Bampira nga ako! Bampira!" Nakita kong nangislap na
naman ang mata niya. From brown naging red bigla. Hala! Ginagalit ko na naman ang
bampira kong boyfriend.
"Hmmm. Oo na, sorry." Inilagay ko na sa aking bulsa ang boy bawang.
"Next time na magdala ka pa ng ano mang anti-Vampire food, talagang kakagatin na
kita!" sabi niya at bumalik na ang kulay brown na mga mata niya.
"Opo, my vampire boy!" Itinaas ko pa ang kanan kong kamay saka sumaludo sa kanya.
"Tsk. Oh, sige, matulog ka na. Babalik ako bukas." pumunta siya sa bintana ng
kuwarto ko.
"Aalis ka na agad? Hindi mo pa nga ako naki-kiss, eh!" I pouted.
"Grr! Do I need to? Baka 'di ko mapigilan sarili ko." sabi niya.
"Si Edward Cullen nga kiniss si Bella pero napigilan niya pa din sarili niya." I
said pouting.
"Tsk! Edward Cullen is a lover boy! He's gay!" Napanganga naman ako sa sinabi
niya.
"You know Edward Cullen?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Uh, yeah. Why? Respetado silang bampira at legend ang pamilya niya. Kung
nagbabasa ka sa History of Vampire sila ang nakatalo sa volturi." He explained.
Napakamot lang ako ng ulo. Totoo palang may Edward Cullen sa mundo ng bampira.
Hindi ko kasi pinag-aksayahan na pag aralan yung V101 na subject sa Scarlett Moon
University.
"Sikat kaya si Edward Cullen sa mundo ng tao," Pag-bibida ko sa kanya.
"It's because Stephenie Meyer is the great, great, great grand daughter of
Edward."
"Talaga?"
"Oo."
"So vampire rin siya?"
"No."
"Eh?"
"Half Vampire-half human ang anak nina Edward at Bella. 'Yong anak nila, nakapag-
asawa ng werewolf. Ang mga naging anak naman no'n, nakapangasawa ng pure human and
the rest gano'n din. So parang nawala na ang genes nila as vampires." napatango
lang ako.
"Ang galing naman."
"Tsk! Dapat kasi nakinig ka sa lesson natin noon." lumapit siya saka niyakap ako
sa balakang ko. Napangiti ako dahil sa ginawa niya.
"Eh, tao po kaya ako kaya 'di ako interesado."
"Sabagay." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
Ayiee! Hahalikan na niya ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko and got ready to meet his lips. Wala pang one second
nang makalapit na ang mga labi niya sa akin pero bigla siyang parang si Flash na
nakalayo kaagad sa akin ay napunta sa bintana. Hinihingal siya at parang
nanghihina.
"Hans?
Kumain ka ng Boy Bawang mo?! Sigaw na naman niya habang nangingislap ang mga mata.
"Oo, kaninang wala ka pa."
"Damn! Tsk. Aalis na nga ako. 'Kainis ka!"Bigla na lang siyang naglaho pagkasabi
niya no'n.
He's Hansel Kang, my Vampire boyfriend.
And I'm Ingrid Sy, destined to be at Vampire City.

Chapter 1 - Escape in my pedestal

Chapter 1
Ingrid's POV
"YAYA, naihanda mo na ba lahat?" bulong ko sa Yaya Adel ko. Tumango siya. "Good."
Kinuha ko lahat ng pera ko sa envelop at nilagay sa pouch bag ko.
Kanina lang, w-in-ithdraw ko ang lahat ng pera ko sa bangko. Pati ang mga mamahalin
kong alahas ay ipinagbili ko sa mga kaibigan ko. Kailangan ko ng maraming-maraming
pera para sa pagtakas ko.
Oo, tatakas ako. Pero hindi ako preso. Bakit preso lang ba may karapatang tumakas?
Kailangan ko kasing maisalba ang sariling happiness ko.
Ipapakasal kasi nila ako sa lalaking 'diko naman mahal at bukas na ang kasal namin.
Ang hirap kasi talaga kapag mayaman ang magulang mo, gusto nila sila yung
nasusunod. Hindi nila magawang I-consider ang feelings ko.
"Hija huwag ka lang 'papahuli mamaya, ha? Aalis na rin ako dito. Wala na kasi akong
rason para manatili pa. At saka, baka magalit ang senyor kapag nalaman niya na
tinulungan kitang tumakas."
"Sige, Yaya." Nakangiti kong sabi sa kanya. Si Yaya Adel ko na halos nagpalaki sa
akin simula yata nang ipinanganak ako. My parents don't have time to baby sit their
only daughter.
They always tell me na lahat ng ginagawa nila is for my own good. But they don't
realize na naghahanap din ako ng kalinga ng magulang at hindi ng katulong.
Kasalukuyang binabasa ko ang mapa ng pupuntahan kong lugar. Na-search ko lang ito
sa internet. Nakalagay kasi doon, "Want to go to the secret City?"
Siyempre na-curios ako kaya I-d-in-ownload ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng liblib na lugar nang mawalan ng signal ang GPS ng kotse
ko.
"Oh, shit!" I cussed.
Ang dilim. Tanging ang headlight lang ng kotse ko ang nagbibigay ng ilaw para
makita ko ang daan. Binaybay ko pa din ang daan kahit bako bako na. Dapat kasi
umaga ako nagpunta. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa mansiyon.
Hay, kaya mo 'to, Ingrid. You are a strong independent young lady.
Napangiwi ako sa "independent" thing. Just like girls who grew up with a gold spoon
in their mouth, hindi ko masasabing isa akong independent na babae. Halos lahat
inaasa ko na sa yaya ko. Which is not good lalo na naglayas ako.
Huminto ako sa intersection. Left or right??
Tiningnan ko ang aking mapa. Hala! Bakit isa lang daan dito? Baka mali itong mapa
ko. Dapat talaga hindi nagtitiwala sa internet!
Woman's instinct! Tama. Woman's instinct ang paganahin.
"Okay, left!"
Kumaliwa ako. Medyo madilim ang daan pero okay lang. Hindi rin nagtagal may mga
bahay-bahay na akong nakita.
Sobra akong namangha sa ganda ng lugar. Ang gaganda ng mga bahay. May nadaanan din
akong Plaza, malls, Park, at mga matataas na building. Masayang nagkukwentuhan ang
mga tao. May nadaanan din akong School. And wait, papasok pa lang ang mga
studyante? Night class ba ito?
Huminto ako sa isang hotel. Pagbaba ko pa lang ramdam ko na ang malamig na klima ng
lugar. Magarbo ang hotel, marami ring lights that made the place more attractive.
Binati ako ng receptionist nang maka-punta akong front desk. Nag check-in ako at
nag fill-up sa registration form. Heto na talaga ito. Dito na magsisimula ang bago
kong buhay, without the help of my parents.
Ibinigay sa akin ng front desk officer ang susi and gave me my room number.
Magpapahinga muna siguro ako bago ko libutin ang lugar.
Nagising ako dahil sa malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko. Umaga na pala.
Hinawi ko ang kurtina sa bintana. Natatanaw ko ang plaza na nadaanan ko kagabi.
Weird thing was, parang isolated ang area. Hindi kagaya kagabi na parang may party.
Dahil gutom na ako naisipan kong tumawag ng room service. Kinuha ko ang phone at
dinial ang 1-0-0 for room service. Ilang beses akong nag-dial pero walang
sumasagot.
Ano ba iyan? Maganda nga ang hotel, ang pangit naman ang service! Nahiga na lang
ulit ako sa kama.
Boring. Bumalik na lang kaya ako sa amin? Napabalikwas ako dahil sa naisip ko. NO!
Ngayon ang kasal ko at sigurado ako na hinahanap na nila ako. Speaking of, bumangon
ako at kinuha ang phone ko sa maleta.
"Whoa!"
42 message recieved and 98 missed calls?
Lahat galing sa taong mga concerned sa kasal ko. I was like, duh! Simula nang ma-
engage ako sa autisthic kong fiancé hindi na nila ako tinigilan about sa wedding
preparations.
Pinagbigyan ko lang silang ma-engage ako sa lalaking iyon. But to marry him? No!
Ayoko pang matali sa edad na disiotso! At lalo na sa taong hindi ko naman mahal.
Bandang ten AM, maligo at nagbihis ako. Maghahanap ako ng boarding house at
puwedeng mapasukan na trabaho para makapag-aral ulit ako.
Paglabas ko ng kuwarto, super clear ng hallway. Ang weird. Dumeretso ako sa
elevator at bumaba sa lobby. Maliwanag dito at pero kaunting tao lang ang nakikita
ko.. Kadalasan ay employees.
Nasa may front desk na ako nang tinawag ako ng babae kagabi.
"Good morning, Ma'am. Lalabas po kayo?" nagtatakang tanong niya.
"Uhh, yeah. Boring sa kuwarto, eh," sabi ko lang.
Ngumiti naman siya.
"Well I suggest that you wear this, Ma'am." Iniabot niya sa akin ang Rayban na
shades. Sosyal, ah.
"Cool. Thanks!"
Lumabas na ako ng hotel at may mga tao na rin naman pala sa labas. Naka-shades din
kagaya ng suot ko.
Naisip ko lang, siguro mga elite at mayayaman ang nakatira dito. Kasi kung titignan
mo ang mga tao, napakasopistikada nila at halatang nasa high class community.
Gusto ko sana magkotse kaso masyadong maganda ang lugar, gusto ko itong libutin.
Nakita ko ulit ang school na nadaanan ko kagabi. Puwede kaya ako mag enroll doon?
May mga studyante na ring pumapasok pero balot ang katawan nila.
Pumasok kaya ako doon para makapag-inquire? Sana lang may course sila ng katulad sa
akin. Pero hind pa ako nakakarating sa entrance, hinarang na ako ng guard.
"No uniform, no entry. No ID, no entry," Sabi ng baritonong boses sa akin.
"Mag-I-inquire lang po ako. Open pa po ba kayo sa mga transferee student?"
nakangiti tanong ko.
"Gano'n ba? Mamaya pang gabi ang office hours. Bumalik ka na lang," sabi niya.
Nabigla naman ako sa sinabi ni manong guard. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa
sinabi niya o pinagti-tripan lang ako.
Office hours, sa gabi?

Chapter 2 - The Vampire City

Chapter 2
NANDITO ako ngayon sa plaza at pinagmamasdan ang mga tao. Sa kabilang banda naman
ay may mga nagde-date. Kahit halos wala pa akong isang araw dito, alam kong masaya
rito. Kailangan ko lang ata talagang masanay na gumising kapag gabi kasi mukhang
seryoso talaga si manong guard sa sinabi niya. Napansin ko kasing nagsilabasan na
ang mga tao nang lumubog na ang araw.
Mamaya pupunta ulit akong school para mag inquire ulit. Siguro naman papapasukin na
ako ni manong guard.
Pero bago 'yon, kailangan ko muna talagang kumain. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko
at wala akong mahanap na bilihan ng pagkain.
May nakita naman ako kaninang mga street foods pero ang weird lang kasi puro red
ang nakikita ko. 'Yong palamig kulay red, siguro strawberry flavor. Do'n naman sa
ihaw-ihaw mga betamax lang ang tinitinda. Sa café naman ng hotel may mga cakes pero
puro red din. Siguro red velvet. Hindi naman halatang mahilig sila sa red, 'no?
Mabuti na lang at may pagkain pa akong naka-stock sa kotse ko kaya nakuntento na
lang muna ako sa pouch juice at cupcake.
Ang gusto ko dito kasi nakakapaglakad ako ng walang nakabuntot sa akin. Dati kasi,
lagi akong may kasamang mga bodyguards kasi paranoid ang parents ko na baka raw may
kumidnap sa akin. Tapos ang sariwa ng hangin dito. Para ka lang natira sa
probinsya.
Pipilitin ko rin na mamuhay ng normal dito para maipakita ko kina Mommy at Daddy na
hind lahat n bagay ay natutumbasan ng pera.
After kong kumain ay bumalik ako sa school. It's already seven-forty-five PM at
siguro naman papapasukin na ako ni manong guard.
Ngayon ko lang napansin ang malaking pangalan ng school.
Scarlet Moon University. Kaya ba gabi lang sila pumapasok dahil sa Moon? Natawa
naman ako sa naisip ko. I always take things literally.
Napansin kong may mga batang pumapasok at 'yong iba ay ka-edad ko lang. Siguro from
from Kinder to College ang mayroon sa school na 'to. Sabagay, mukha ngang ang laki
niya.
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang may bumusina sa likod ko.
Napalingon ako at nakita ko ang yellow Lambourghini sa aking harap. Medyo nasilaw
ako sa headlights ng kotse niya kaya naharang ko ang aking braso sa mga mata ko.
My instinct tell me to move dahil nakaharang ako sa harap ng gate pero napanganga
lang ako nang lumabas ang lalaki sa kotse niya.
"Aren't you going to move?" seryoso nitong sabi. Kahit nakasuot siya ng shades ay
kita ko ang pangungunot ng noo niya. His voice and presence creates a tingling
sensation on my spine.
"A-ah..." I said stammering. Pakiramdam ko may nakaharang sa lalamunan. Ano ba,
Ingrid. Magsalita ka.
Mas lalo akong natulala sa kanya nang dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang
shades. Holly shoes! He has the most tantalizing eyes I have ever seen.
"Miss, tititigan mo na lang ba ako habambuhay o gusto mong sagasaan kita diyan?!"
galit nitong sabi. I don't know if it's just me pero nakita kong nangislap ang
kanyang mga mata. "Retarded," he smirked.
Natauhan naman ako sa sinabi niya at napasimangot.
"Rude." I said.
"You're drooling, retard." Tinuro niya pa ako.
"Ano ba'ng problema mo?" naiinis kong sabi sa kanya. Okay, gwapo siya. Pero ang
sama-sama ng ugali niya.
"Nakaharang ka sa daan, 'yon ang problema ko."
"Ito na nga, oh. Gigilid na. Ang yabang mo." Umiirap kong sabi sa kanya tapos
gumilid.
"And you're a lunatic."
"What did you say?!" sabi ko na may halong paghahamon.
"You heard me, retard!"
"Aba't-sumusobra ka na, ah!" singhal ko sa kanya. Napansin kong napapatingin sa
amin ang ibang estudyante na dumadaan sa amin. Great. Baka isipin pa nila nag-
iiskandalo ako rito.
"You're new here, aren't you?" he said. So what?
"Pakialam mo ba?" I deadpanned. Nagulat na lang ako nang lumapit siya sa akin at
hinigit ang braso ko.
"Come with me," his tight grip was marking on my arm.
"Aray ko! Ano ba!" I whined. Naka long sleeves ako pero ramdam kong sobra ng
namumula ang braso ko.
Itinulak niya ako sa loob ng kanyang kotse. Lalabas na sana uli ako pero nakita ko
siyang nakaupo na agad sa driver's seat. Seriously. Man, he's fast!
"Paanong? Nandito ka lang 'tapos ngayon nandyan ka na? Anong-"
"Shut up!"
With those words, he drove fast papasok sa campus. Ang lamig naman dito sa kotse
niya. He parked his car and turned off the engine. He turned to me and asked me.
"Now tell me, who are you?" nakakunot-noo niyang tanong.
nM⛹*
Chapter 3 - Hansel Kang

Chapter 3
"NOW TELL me, who are you?"
Napaatras ako sa tanong niya. Why am I nervous? Bigla na lang akong pinagpawisan
nang ilapit niya ang kanyang mukha niya sa akin. Alam kong nakabukas ang aircon ng
kotse niya but I'm really sweating here.
"I won't tell you!"
Hindi ko rin kasi maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan. Kanina lang,
nagtatapang-tapangan pa ako. Either naiilang ako sa malapit niyang mukha or I felt
nervous because being near him will make my life complicated. I don't know, my
instinct told me that I should stay away from him.
"Again! Who are you?!" pagalit niyang sabi na mas ikinagulat ko.
"I-I'm Ingrid Sy," nakayuko kong sabi.
"How did you get here?" medyo malumanay na ang kanyang pagsasalita.
"I drove my car," I said while looking down.
"I mean, how did you know about this place? How come you're here? Don't you even
know who lives here?"
Gusto ko sanang iangat ang tingin ko pero natatakot pa rin ako.
"I saw it on the internet. If you're thingking that I am not rich because all
people here are rich, well-"
"People? So you don't know."
"Don't know what?"
Napatingin na ako sa kanya. Nagulat ako sa nakita. Kanina when I looked into his
eyes, medyo brown siya. But now, ewan parang burgundy or something.
"Of course you don't know. Hindi ka pupunta dito kung alam mo." Naguluhan naman
ako sa sinabi niya.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo?"
"Alam mo bang late na ako sa klase ko dahil sa'yo?" masama na ang tingin niya sa
akin.
"Kasalanan ko ba? Ikaw kaya ang namilit na isakay ako sa kotse mo!" Tinarayan ko
na naman siya. Nakakainis kasi, eh!
"Whatever! Kasalanan mo pa rin! Because of that, paparusahan kita." Napataas naman
ako ng kilay.
"Ang feeling mo rin, 'no? Ano ka, batas at paparusahan mo ako? FYI, wala pang
nakukulong sa pagiging late!" Inismiran ko siya.
"If you want to survive this place, you have to obey me. Understand?!" He glared at
me.
Grabe! Ang lakas ng loob niyang I-bully ako.
Umiling naman ko. "Ayoko nga!"
"Kapag hindi ka sumunod sa akin I will make your life mesirable for the rest of
your stay here. Do you want that?" he said threatening me. Pinaningkitan ko naman
siya ng mata.
"Fine! Ano ba'ng parusa ko?" wala-sa-loob na sabi ko.
"Simple. You just have to follow me around,"
"You mean to say, I'm going to be your... alalay?!" I said in disbelief.
"Yes. Whether you like it or not." He said with a smirk.
"And why would I do that?" nakapamewang kong sabi.
"Kasi ako lang ang puwedeng makatulong sa'yo para makapag-enroll dito sa SMU!"
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"What do you mean?"
"My family owns the school," he casually said.
My jaw dropped when I heard him say that.
"You-"
"You're welcome." He said conceitedly while grinning at me.
"Ayoko pa rin," I folded my arms across my chest.
"Gusto mo pa bang mabuhay?!"
Nanlilisik na naman ang mga mata niya. Ano ba ang problema nitong lalaking to!
Paiba-iba ng mood.
"Oo na!" Nakakatakot talaga siya.
"Good."
Bumaba na siya sa kotse. Hindi man lang gentleman! Bumaba na rin ako. Baka
mabulyawan na naman ako, eh.
"Come here!"
I hesistantly walked towards him. Hindi ko alam pero kahit ayaw ko, parang
napapasunod niya ako.
"S-saan tayo pupunta?" Ang lapit na naman niya sa akin.
"This is the first time I've gotten this close to human," I heard him murmured
pero hindi ko gaanong naintindihan.
"Ha? May sinasabi ka ba?" nakakunot-noo kong tanong.
"Wala! Tara na nga!"
Kinuha na naman niya braso ko. Pero this time, hindi na gaanong mahigpit.
Pagpasok namin sa building ay napansin kong napapatingin sa amin ang mga studyante.
'Yong iba ang sama kung makatingin. Ganito ba talaga ang mga tao rito? Kasing sama
nitong kasama ko? Sana naman hindi.
Napansin ko rin, parang ang puputla nila. Sobrang puti na parang hindi man lang
nabilad sa araw.
Sabagay. Sino ba'ng hindi mamumutla kong hindi ka naaarawan? Eh, gabi ang klase
nila. Siguro mga tulog ito kapag umaga. Pero infairness sa school, ang ganda. Kahit
mukhang napaglumaan na ng panahon ay maayos pa rin ang structures.
Sa dami kong iniisip, hindi ko na namalayan na nasa third floor na pala kami. Ang
bilis naman.
"Dito ka lang! Huwag kang aalis o makikipag-usap kahit kanino!"
Napatango lang ako. Why do I have this feeling na parang nahi-hypnotize niya ako
everytime na may iuutos siya sa akin?
Napaupo ako sa waiting are nang pumasok si-uhh, ano nga pangalan niya! Nakalimutan
kong itanong, eh. Basta pumasok siya sa "Office of the president". Sila talaga
siguro ang may-ari ng school.
* * *
"NAKA-enroll na talaga ako? Walang hinihinging papeles or anything of the sort?"
hindi makapaniwalang tanong ko kay, uhhh... Hindi ko pa pala alam pangalan niya.
"Yeah,"
"Ano ba'ng course mo?" tanong ko.
"Kahit ano."
"Wala namang gano'ng course." Nakasimangot kong sabi.
"Wala na ngang madaming tanong. Basta sumunod ka lang sa akin."
"Teka, one last question."
"What?!" he snapped.
"What's your name?"
Natahimik siya. Nag-iba ang expression ng mukha niya.
"Hansel... Hansel Kang." Pagkatapos, umalis na siya.
Hansel Kang. What a cute name. Bagay sa guwapo niyang mukha. Sayang nga lang at may
mood swing.
"Hoy, retard! Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? Tara na!"
Napanguso lang ako sa kanya. Ang sungit talaga.
Pumasok kami sa room sa 2nd floor. And in all fairness, ang lamig sa loob.
Pakiramdam ko biglang nag fast-forward ang buhay ko. Ang bilis ng pangyayari at
heto ako ngayon, nakaupo sa malamig na room. Nakikinig sa lesson na hindi ko
maintindihan kung anong topic. Katabi ko lang si Hansel at super-attentive na
nakikinig sa professor. He was even jotting down notes.
I poked him twice that made him grunt. Inis siyang lumingon.
"What?"
"Ano ba talagang course 'tong pinasukan ko? I was a Fashion Design student
before. Wala bang gano'ng course dito?" bulong ko.
"Wala," matipid niyang sagot.
"Gano'n?"
Kahit hindi ko maintindihan ang lesson, tahimik lang akong nakikinig. Every five
minutes, tumitingin ako sa wrist watch ko. Three thirty AM na. Grabe pala dito.
They take night classes seriously.
Inaantok na ako at sa tuwing hihikab ako ay tinatakpan ni Hansel ang bibig ko.
Nakakairita lang.
Nagulat na lang ako nang mag-announce ng quiz ang prof namin. Panay ang tapik ko
kay Hansel pero hindi niya ako pinapansin. He just gave me a piece of paper and a
pen.
"Okay, number one,"
Nakatulala lang ako sa kawalan habang sinasabi ng prof ang mga questions. Gusto
kong maiyak na lang. Hindi ko maintindihan ang mga tanong. Para tuloy gusto kong
maniwala sa tawag sa akin ni Hansel na isa nga akong retarded.
Zero ako. Confirm na iyan. Huhu. Never pa akong nabokya in my eighteen years of
existence in the universe. Ngayon lang, as in ngayon lang!
"Pass you paper."
Ayoko sanang I-pass pa ang papel ko pero kinuha 'yon ni Hansel at ipinasa na kay
Sir. Nakakainis naman sya! Alam naman niyang wala akong sagot, eh. Buwesit talaga!
Napaka-inconsiderate!
GRRRR!!!
"Ano'ng nangyari sa'yo?"
Tiningnan ko lang siya ng masama. Hindi ba obvious?!
"Wala akong sagot!"
"Tsk. Halika ka na nga para makatulog ka na. You look like a mess."
"I do?" exaggerated kong tanong.
"Ewan ko sa'yo."
Nauna na siyang naglakad. Ako naman mabagal lang na naglalakad dahil feeling ko ano
mang oras ay matutumba na ako sa sobrang antok.
"You look like a zombie."
Tiningnan ko lang siya.
"Are zombies real?" tanong ko sa kanya. Napailing na lang siya sa akin.
"Come here!" hinila niya braso ko. I felt like a doll being dragged by a handsome
man. Nararamdman ko rin na para akong lumulutang sa ere. Hindi ko alam kung dala ba
ito ng aking antok o talagang ang bilis-bilis lang ni Hansel maglakad kaya
nakapasok agad kami sa kotse niya.
"Where are you staying?" he asked.
"Bakit nandito agad tayo?" tanong ko rin sa kanya.
"Damn! Answer my question first!" galit na naman siya. Bakit ba napaka short-
tempered niyang tao? Ang gwapo niya pero ang suplado naman .
"Sa hotel," I uttered before I passed out.
1

Chapter 4 - His stare

Chapter 4
Hansel's POV
I'VE BEEN staring at her for about eight hours already. This is the first time I've
ever seen someone sleep. She's so soundless. Her breath, parang gusto kong
maramdaman ang bawat paghinga niya.
I know she's a human. Ang hindi ko alam ay kung paano siya napadpad sa lugar na
'to. Kanina nang kinompronta ko siya sa may gate ng school, naamoy ko agad ang
dugong nananalaytay sa katawan niya. Hindi pa siya nagtatagal dito kaya hindi pa
siya exposed sa lahat.
Iyon din ang dahilan kung bakit gusto kong sa akin lang siya sumama. As a prince in
this town, I am disciplined when it comes to human blood. Eventhough lahat ng
nakatira dito ay desiplina 'pagdating sa sariwang dugo ng tao, hindi pa rin
maiiwasan na ma-trigger ang senses nila sa fresh blood.
Isa pa sa dahilan kung bakit gusto kong sa akin siya sumama ay dahil alam kong oras
na tumuntong siya dito sa Vampire City naramdaman kong alam na rin ng mga
Sanguinarians na may tao sa lugar namin. Sa katunayan, wala naman akong dapat
pakialam kung makuha siya ng mga Sanguinarians. Pero kanina nang hinawakan ko ang
braso niya, nakaramdam ako ng kakaiba. At first time kong makaramdam ng gano'n.
Nakita kong gumalaw siya nang bahagya sa higaan. Lihim akong napangiti. Ganoon pala
ang taong natutulog.
Kaming mga bampira, hindi kami natutulog. Kaya isa sa mga insecurities namin ang
life. The uncertainly of life. Iyong tipong hindi mo alam kung ano ang mangyayari
sa iyo bukas. Iyong aantukin ka. Sasakit ang katawan mo. Mabubuhay kang hindi
nagtatago sa araw at walang sunglass.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang matutuklasan niya. At natatakot akong sa oras
na malaman niya kung nasaan siya ay matakot siya sa akin.
"Bakit nandito ka pa?" she asked while yawning.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Uhh, I was- uhh." I don't know why I
can't say anything right now. Feeling ko kasi nahuli niya akong nakakatitig sa
kanya, eh.
"Siguro tinititigan mo ako 'no?!" she said teasingly.
"H-hindi, ah! Ayaw lang kitang maiwan dito na mag-isa," palusot ko.
"At bakit?"
"W-wala! Basta! Huwag nang maraming tanong!" Nag-iwas ako ng tingin.
"Anong oras na ba?" tanong niya.
"Alas-dose na ng tanghali." Bigla namang nanlaki ang singkitin niyang mata.
"Waah! Gutom na ako!"
Para naman akong naawa dahil sa sinabi niya.
"Maligo ka na at magbihis," utos ko at saka tumayo.
"Eh?"
"Oh? Retarded ka talaga! Sige na at dadalhin kita sa restaurant." Para namang
nangislap ang mga mata.
"Waah! Talaga? Thank you!" Tumakbo siya palapit sa akin at bigla-bigla na lang
akong niyakap.
"H-hey! A-ano ba?!"
"Pero wait, bakit ang lamig mo? Oh, geez! You're freezing!" Bumitaw siya sa akin
at lumapit siya sa aircon. "Hindi naman malamig, ah." Itinapat niya ang kanyang
kamay sa aircon.
"Pfft! Nagha-hallucinate ka lang. Maligo ka na para mawala 'yang antok mo."
Nagpout lang siya. Damn! Why is she so cute when she does that?
"Sige maliligo na ko. God, I'm famished."
Ingrid's POV
NAGULAT ako nang makita kong bihis ni Hansel. Sinabi niya sa akin na nakatira siya
sa penthouse ng hotel na 'to. Napag-alaman ko rin na ang family niya ang nagmamay-
ari nitong hotel, mall, at 'yong school.
Gumayak naman kami at sabi niya kanina dadalhin niya ako sa isang restaurant. Pero
nagulat ako dahil napansin kong palabas na ng siyudad ang binabaybay namin. Ang
dami niyang dahilan porque't hindi raw masarap ang pagkain sa lugar nila.
Nagulat ako nang lumabas kami sa intersection na pinasukan ko noong nagda-drive
akong mag-isa papunta sa Secret City. May bigla kasing parang kuminang na ewan.
Iyon bang parang nakalabas kami sa isang portal. Parang ganoon.
"Huwag sana tayong pupunta ng Manila."
"Hindi. Pero bakit ayaw mo doon?"
"Basta."
Hindi rin nagtagal tinigil niya ang sasakyan sa isang restaurant. Nag-suot muna
siya ng shades at saka lumabas ng kotse. Pinatungan niya ng leather jacket ang
kanyang three-fourth shirt. Hindi ba siya naiinitan sa porma niya?
Akala ko sasaluhan niya akong kumain pero ako lang ang pina-order niya. Kumain na
raw. Naiilang ako sa kanya dahil pinanuod niya lang ako habang kumakain. Feeling ko
tuloy binibilang niya ang bawat subo ko.
Malapit na akong matapod kumain nang maisipan kong magtanong sa kanya.
"I'm curious. Ano ba'ng pangalan ng City n'yo? Secret City ba talaga tawag doon?
'Yon kasi nakalagay sa internet, eh."
"Secret City nga," matipid niyang sagot.
"Eh, bakit secret?"
"Kasi nga, hindi puwedeng malaman."
"Bakit kasi?"
"Ang kulit mo!"
"Okay."
Natahimik ako at pinagpatuloy ang pagkain. Para siyang babaeng laging may period.
Ang sungit-sungit.
"Paano ka napadpad sa amin?"
Tiningnan ko siya. "Sa internet nga. 'Yong mapa n'yo kasi nakakaintriga."
Kumunot naman ang noo niya. "Mapa?"
"Yeah."
"Paano magkakamapa ang lugar namin sa internet? Eh, wala ngang nakakaalam na..."
he trail off and his face turned grim. "Unless."
"Unless what?"
"Never mind. I suggest na bumalik ka na kung saan ka man nanggaling."
Napasimangot naman ako. "No!"
"Why?!"
"Because I said so!"
Umandar na naman ang pagkatigas ng ulo ko. One thing na ayaw sa akin nina Daddy ay
ang pagiging hard-headed ko.
"I'll make a deal with you," he said.
"Ano?"
"Hindi ka aalis sa city namin in one condition."
"And what is that?"
"Titira ka sa penthouse ko," simple niyang sabi.
"Are you crazy? Close ba tayo? Ano na lang sasabihin ng mga nakakakilala sa'yo na
nagpatira ka ng isang estranghero? Isipin pa nila nagli-live-in tayo."
"My people don't think that way. They're not like you." Seryoso niyang sabi. Hindi
ko maintindihan 'yong sinabi niya. My people? They're not like me? What does he
mean by that?
"Enlighten me," nakahalukipkip kong sabi.
"I don't want you to think that I want to take advantage on you. I just want to
help you." Natahimik naman ako. "And besides, masyadong malaki ang penthouse ko. We
can devide the space. And if it hurts your pride, you can pay me every month."
Napaisip naman ako. Baka mas makatipid ako kung papayag ako. Mauubos din naman ang
pera ko, sooner or later.
"Sige, payag ako."
"Good. Lilipat ka na after ng class natin. Pagkatapos mong kumain, magma-market
tayo sa bayan."
Napatango lang ako.
Pumunta kami sa isang grocery store malapit lang sa kinainan namin. Hinayaan niya
akong pumili ng gusto ko. But the weird thing is, he didn't let me buy garlic,
salt, and lemon.
"Concern ako sa'yo. Ayaw kong magakasakit ka sa bato."
I made a face habang nagsasalita siya.
"Concerned-in mong mukha mo! Para kang aswang!" halos pabulong ko lang na sabi.
"I heard that!"
Ang talas naman ng pandinig niya! Unbelievable.
Magdidilim na nang makabalik kaming City. Umidlip na ako kanina sa biyahe dahil
alam kong magpupuyat na naman kami.
Bago kami pumuntang University ay pinagbihis niya ako sa hotel room ko.
"Here," inabot niya ang isang paper bag kaya nagtatakang binuksan ko 'to.
"Isuot mo 'yan. I'll wait for you outside."
Iniwan niya ako sa kuwarto at tiningnan ko naman binigay niya. Uniform sa
University.
A maroon pleated skirt above the knee and a white long sleeve blouse with maroon
linings on the collar, and a maroon bow.
Ito 'yong suot ng mga college student sa University. Mabuti na lang may close shoes
akong dala.
* * *
SABAY kami ni Hansel na bumaba ng kotse. Kagaya kagabi, napapatingin sa amin ang
ibang estudyante. Hindi ata ako masasanay sa ganito. Feeling ko tuloy celebrity
'tong kasama ko.
"Why is everyone staring?" I asked him.
"Because you're beau- Becuase you're retarded!" napasimangot naman ako sa sinabi
niya.
I'm not retarded! Nakakabuwesit na, ah! Pinapa-low niya ang self-steem ko.
"Stop calling me that!"
"Eh, 'yon ang gusto ko!" He said without looking at me.
"My name is Ingrid! Kay ganda-gandang pangalan ang ibinigay sa akin nina Mommy
kaya huwag mo akong tatawagin ng kung ano-anung pangalan!"
Nag-smirk lang siya sa sinabi ko. Malapit na kami sa room nang may lumapit
sakanyang lalaki na naka black suit.
"Sir, your father is requesting for your presence." Nagbow pa ito.
"Okay, I'll be there." Umalis na rin iyong lalaki at saka humarap sa akin si
Hansel. "Pumasok ka na sa room. At kahit ano'ng mangyari, don't talk to anyone.
Don't let anyone touch you. At huwag kang aalis dito sa room, understand?"
Napatango naman ako kahit gusto kong magprotesta. He's so bossy.
"Huwag mo ng gawin ang binabalak mo!" he said glaring at me. He can read my mind?
"Sige, 'pasok na 'ko."
Nauna akong tumalikod sa kanya at saka pumasok sa room. Umupo ako sa dati naming
inupuan ni Hansel kagabi. Lahat ng babae ang sama ng tingin sa akin.
"Hi."
Tumabi sa akin ang nakangiting babae. She was beautiful with medium length black
hair.
"Hello." Ngumiti din ako sa kanya.
"I'm Erina, and you must be Ingrid," she extended her arms at inabot ko naman
'yon.
"Yeah," halos mamilog ang mga mata ko nang magdapo ang kamay namin. Ang lamig-
lamig.
"Kuya was right. You really smell great," nakangiting sabi niya.
Huh? Smells great? Sino ang nagsabi niyon?
"Sinong Kuya?" nagtatakang tanong ko.
"Si Kuya Hansel. 'Di ba close kayo?" sabi niya.
Napa-nguso lang ako sa sinabi niya. Close bang matatawag kahit ang mean ng trato
niya sa akin?
Tiningnan niya ako tapos tumawa na para bang nababasa niya ang iniisip ko.
"Kuya told me to keep an eye on you," she said.
Nagulat naman ako. Why does she have to keep an eye on me?
"Bakit naman daw?"
"Because-"
"Erina!" sabay kaming napalingon.
Si Hansel, seryosong papalapit sa amin. Ano naman kaya problema niyo at lukot na
naman ang mala porselana niyang mukha.
"You can go now, Erina." Masungit na utos niya rito. Pati ba naman sa kapatid niya
masungit niya?
Mukha namang sanay na si Erina sa kanya dahil hindi siya nito pinansin.
"See you later, Ingrid."Sabay kaway palabas.
Humarap naman ako kay Hansel.
"Ikaw!" dinuro ko siya. Tiningnan niya lang ako at saka ibinalik ang tingin sa
unahan. "Hoy! Pansinin mo nga ako! Tumingin ka sa akin!" Sinundot-sundot ko ang
balikat niya pero hindi man lang siya natitinag.
"Stop being so childish!" He snapped at me.
He narrowed his eyes at me and I saw his eyes shifted to red.
"My sore eyes ka ba?" tanong ko sa kanya. Inilapit ko pa mukha ko sa kanya para
tingnan ang mga mata niya.
"What are you talking about?" his forehead creased.
"Then, why are your eyes are red?" Itinuro ko pa.
Humarap naman siya pero laking gulat ko nang makita kong brown na naman ito.
"Baka ikaw ang may sore eyes? Kung ano-anu na lang nakikita mo. May prolema ka na
sa mata." he said then, he chuckled.
Oh my god!
That was the first time I heard him chuckle. Not a laugh, but at least a chuckle!
"Did you just-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pumasok ang professor namin. Lahat kami
ay umayos ng pagkakaupo. Bigla naman akong kinabahan nang ilabas niya ang mga
papel.
Waah! Iyong quiz kagabi!
Inilapag ni Sir ang papel sa mesa namin ni Hansel. Tiningnan naman ng katabi ko ang
papel namin. Nakakainis naman siya! Alam niya kayang wala akong sagot! Tsk!
"Oh, 'eto." inabot niya sa akin yung papel.
Kinuha ko iyon. Expected ko nang isang malaking F ang nakalagay dito but to my
surprise. Isang malaking...
"A!"
Hindi ako makapaniwala. May sagot ang papel ko. Waah! Naghihimala ang amang Diyos!
Makapagsimba nga nang madalas.
"Pasalamat ka sinagutan ko 'yan kagabi." He smirk.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Oh, God! You answered the quiz for me? Waah! Thank you! Thank you talaga!"
Nayakap ko siya nang wala sa oras kaya napatingin sa amin mga kaklase namin.
"Ehem, ehem." Si sir. Napaayos tuloy ako ng pagkakaupo. Nakakahiya.
34

Chapter 5 - Crazy girl + short-tempered guy = Explosion

Chapter 5
NAKALIPAT na ako sa penthouse ni Hansel. May sarili akong room at ang cute nito.
Color pink. Pinaayos niya raw ang bakanteng kuwarto habang wala siya kanina.
Feeling ko rin naman, kahit masungit siya at ang ikli ng pasensiya ay mabait naman
siya.
"'Eto ang rules and regulation sa loob ng pad ko."
Inilapag niya sa kama ko ang short bond paper na computerized ang print. Umupo siya
sa study table ng kuwarto. Binasa ko iyon out loud.
"General rule number one, bawal pumasok sa kuwarto ko."
Napatango lang ako. Wala naman akong balak pumasok sa kuwarto niya 'no.
"Ayoko kasing may ibang tao sa kuwarto ko," he simply explained. I nodded again.
"Number two. No envasion of privacy." I agree.
"Number three. Don't expect me to cook for you."
Napasimangot kaagad ako. I can't cook!
"Ikaw ang bahala sa kusina." Matipid niyang sabi nang makita niya ang pagsimangot
ko.
"Hindi ako marunong magluto!" angal ko.
"Problema mo na 'yon! Ipinagbili na nga kita ng supplies mo para makakain ka, eh."
I sighed. "Okay." malungkot kong sabi.
"Number four. Follow all my orders? Ano 'to?!"
"Akala ko ba nagkasundo na tayo na sa akin ka lang susunod at susundin mo ang lahat
ng sasabihin ko?"
"But-"
"Just trust me on this, Ingrid." he said.
That was the first time he called me by my name and it gave me goosebumps.
"S-sige." nauutal kong sabi.
"Lastly. Don't talk to anyone except to Erina, Cris and Tom. Who are Cris and
Tom?" malakas kong tanong.
Napatakip naman siya ng tainga!
"Hell! Are you planning on damaging my ear drums?! You talk loud, retard!"
"Explain mo kasi kung bakit hindi ako puwedeng makipag-usap kahit kanino except
dito sa tatlo!"
"Kasi 'yon ang gusto ko! Hindi mo ba 'ko puwedeng pagkatiwalaan?"
"Bakit kita pagkakatiwalaan kung hindi mo nga sa akin sinasabi?"
I heard him sigh. "I want to protect you. Please. Just do as I say," He said in a
low clam voice.
Hindi ako makaimik sa sinabi niya. Why does he wants to protect me? Protect me from
what?
"Just read all the rules. Then you can go to sleep. Wala namang pasok bukas."
Pagkatapos umalis na siya.
Binasa ko ulit ang rules. Nakakainis lang. Bawal daw akong magpalaba sa valet
service at mga kung ano-anu pang nakakainis na rules na ayaw ko nang sabihin pa.
Ang wierdo ng lalaking iyon.
Lumabas na akong kuwarto at nakita ko siya sa living room nagbabasa ng libro habang
nakaupo sa single couch at nakade-kwatro.
"How Humans Think" ang title ng libro.
Bakit niya iyon binasabasa? Hindi ba siya human? Pft. Gusto kong matawa sa ideyang
iyon.
"Matulog ka na," he said without looking. He knows I'm there?
"Hindi ako makatulog. Ang hirap naman kasi ng culture niyo. Para kayong Vampire."
Natigilan siya sa sinabi ko.
"So what if we are?" he said saka tumayo at lumapit sa akin. Sobrang lapit.
"H-ha? Ha-ha-ha. Imposible naman yata 'yon? Hehe."
Nasa likod ko ang aking kamay habang pilit inaabot ang dulo ng buhok ko. Nakaka-
tense kasing kaharap si Hansel.
"Walang imposible sa mundong ito, Ingrid." Kinilabutan uli ako nang banggitin niya
pangalan ko.
"K-kung bampira kayo, eh, 'di sana matagal na akong patay," sabi ko na hindi
makatingin sa kanya.
Naiilang ako. Dapat pala hindi na lang ako lumabas ng kuwarto.
"Pano kung sabihin ko sa'yo na kami ang klase ng bampira na hindi pumapatay ng tao
para makainom lang ng dugo?"
Nanlaki ang mga mata ko kaya hinampas ko siya sa balikat.
"Huwag mo nga akong pinaglololoko! Bampira-hin mong mukha mo! 'Di ako naniniwala
doon!" pag-kasabi ko niyon patakbo akong bumalik sa kuwarto ko.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong kinakabahan na natatakot na ewan! May
deperensya na yata ang puso ko.
* * *
MAGHAPON akong natulog at halos madilim na nang magising ako. Lumabas akong kuwarto
dahil nagugutom na ako. Nagluto lang ako ng instant noodles bago naligo.
Napansin kong wala si Hansel kaya inikot ko ang buong penthouse. May malawas na
balkonahe sa labas at tanaw nito ang buong siyudad. Ngayon ko lang din napansin ang
isang malaking bahay. No, hindi pala bahay. It looks like a castle or a palace. May
mataas itong bakod kaya hindi ito makikita kapag nasa baba ka. May tower ito at
malaking orasan.
Ano kaya ang castle na 'yan? Baka naman isa siya sa attraction sa place na 'to?
Napagdesisyunan kong lumabas ng penthouse tutal wala naman si Hansel. Dahil alam
kong malamig ang klima nila ay nagsuot ako ng black pants, long sleeve shirt, at
pinatungan ko ng cardigan.
Dumeretso akong
Pagdating ko sa plaza, ay may mini concert na naman. Gothic band yata ang
tumutugtog. And many young girls were screaming for their name.
Umupo ako sa bench kung saan natatanaw ko ang banda na nagpe-perform.
"Hi. Puwede tumabi?"
Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Nakangiti siya sa akin.
"Sure." So tumabi siya sa akin pero may malaking space sa pagitan namin.
"I'm Drake, by the way. And you are?" napatingin ako sa kanya. Sobrang talas ng
mga mata niya. His spiky Mohawk hair is black na bagay sa bad boy aura niya.
"I'm Ingrid. It's nice to meet you, Drake."
Nagkamay kami. Nakasuot siya ng gloves at nakapang-rider attire siya.
"Bago ka rito, 'no?" he asked.
"Yeah," tipid kong sagot kahit gusto kong habaan ang sasabihin ko para makagawa ng
conversation. But there was this voice inside of me na nagsasabing huwag akong
makikipag-usap sa kanya. And that annoying voice! Hansel!
At kahit ano'ng mangyari, don't talk to anyone. Don't let anyone touch you.
Iyan ang naririnig ko sa utak ko! Ugh! Hansel, pati ba naman sa isip ko?
"Just trust me on this, Ingrid."
"Waah! Ayoko!" bigla kong napasigaw.
Napatingin tuloy sa akin si Drake. Nagtataka. Hala. Baka iniisip niyang baliw ako.
"Okay ka lang?" concerned niyang tanong.
"He-he-he. Yeah, I'm fine. Just don't mind me," nakangiti kong sabi.
"Okay."
{1

Chapter 6 - His Reason

Chapter 6
MABILIS kong nakapalagayan ng loob si Drake. He looks intimidating dahil sa get-up
niya pero mabait siya. Isinantabi ko na lang ang naririnig kong boses ni Hansel.
"Saan ka ba ngayon nakatira?" he asked.
"Sa hotel."
Sasabihin ko sanang sa penthouse kasama ni Hansel kaso parang nahiya ako. Eh, kasi
pangit tingnan na ang isang babae nakatira sa bahay ng lalaking hindi niya lubos
kilala, 'di ba?
"The Scarlett hotel? You sure are rich," nakangiti niyang sabi.
"Ah, hindi naman." Nahihiya kong sabi. "Hey, do you mind if I asked you
something?"
"Sure. Ano 'yon?"
"Who is Hansel Kang?" medyo nagulat yata siya sa tanong ko.
"I think, hindi ako ang tamang tao para sagutin 'yan." Nakayukong sabi niya.
"Huh? Bakit naman?"
"Wala lang."
"Ang tipid mo namang magsalita. Para kang si Hansel."
"Don't compare me to him!" natakot ako bigla sa boses niya.
"S-sorry."
"Hehe. Natakot ba kita? Pasensya na. 'Di mo kasi dapat talaga ako ikinukumpara kay
Hansel."
"Bakit naman?" curious kong tanong.
"He belongs to a royal family."
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa narinig. "For real? How come? Eh, Pilipinas 'to
'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kay Prince Hansel mo na lang itanong."
Napasimangot naman ako. Ang sungit na lalaki na iyon? Ni wala siyang sinasagot sa
mga tanong ko! Puro "shut up"' o kaya "retard" naman ang itatawag sa akin!
"Ewan ko. 'Di naman ako no'n sasagutin. Palagi kaming magkaaway," I said pouting.
"Close pala kayo," He said.
"Duh! Close kami sa pag-aaway!"
Tumawa naman siya. "Ang ganda mo. At saka ang bango mo."
Tumawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi niya.
"You're the second person to say that. Ano ba'ng ipinagkaiba ng amoy ko sa inyo?"
I said cringing my nose.
"You have no idea." Napapailing niyang sabi.
"Wala talaga akong idea lalo na sa lugar na 'to. Bakit ba mas active ang tao rito
kapag gabi? At hindi naman halata na mahilig kayo sa red, 'no? Lahat 'ata ng
pagkain na nakikita ko ay strawberry flavor," bigla naman siyang tumawa ng malakas.
Ano naman kaya nakakatawa sa sinabi ko?
"You amuse me every second, Ingrid. But I suggest that you ignore whatever unusual
things you see. Matatakot ka lang sa malalaman mo."
"Ano naman ang katatakutan ko dito?"
"Kung ano man 'yon, sana-"
"INGRID!"
Sabay kaming napalingon ni Drake. Halos mamilog ang mga mata ko nang makita ko ang
galit na mukha ni Hansel. Waah! Nakakatakot ang mga mata niya! Nakita ko ang death
glare ni Hansel at Drake sa isa't-isa
Wait! Tama ba ang nakikita ko?! May pangil silang dalawa? Tama yata sabi sa akin ni
Hansel na may deperensiya na ang mgamata ko. Kinusot ko ang mga mata ko para
makasigurado. Eh? Wala na. Sanabi ko na, may problema na talaga ang mga mata ko.
"Sige, Ingrid. See you when I see you." Nag-bow siya sa akin.
"She won't see you anymore!" Hansel said between gritted teeth. Drake just
grinned.
"Hansel, be nice!" pinandilatan ko siya.
Tiningnan lang niya ako nang masama.
"Drake, pasen-" Paglingon ko sa pwesto ni Drake, wala na siya. "Ikaw! Bakit ang
sama mo sa kanya?" Dinuro ko siya.
"You don't know him!" sinigawan na naman niya ako!
"And you do?!"
"I already warned you na huwag makikipag-usap kahit kanino!"
"I'm not your prisoner, Prince Hansel!" I emphasized the word para malaman niya na
alam ko na kung sino talaga siya.
"That man told you, huh?"
"Yes, Drake told me. Mabuti pa siya, mabait! 'Di gaya mo! Masungit! Lagi akong
binubulyawan! Always calling me a retard! 'Yon lang ba mga bagay na nakikita mo sa
akin, ha, Hansel?" Naluluha ko nang sabi. "Umalis ako sa amin kasi gusto kong
isalba ang freedom ko. 'Tapos ikaw, ikukulong mo ako? Anong klase kang tao?"
Bigla na lang pumatak ang luha sa mga mata ko. Natulala lang siya sa harapan ko at
nanlambot ang expression sa mukha niya. Ramdam ko ang guilt sa loob niya. Nagulat
na lang ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
"I-I'm sorry, Ingrid. I only did that to protect you," mahinahon niyang sabi
habang yakap-yakap ako.
"You always say that. To protect me from what?" Inilayo niya ang kanyang katawan
sa akin saka pinunasan ang mga luha ko.
"It's my first time to see a girl cry," he said beaming.
"You're weird," I muttered.
"I know." Natawa lang ako sa sinabi niya.
"You have a lot of explaining to do" I said.
Inakbayan niya ako.
"Yeah. So brace yourself for my revelation."
Napatango lang ako. Nakaakbay siya sa akin habang pabalik kami sa hotel.
* * *
Hansel's POV
I FELT something weird upon seeing Ingrid with another vampire. I wanted to kill
the bastard and rip off his heart out of his chest. I'm not really sure about this
feeling, butI know I shouldn't entertain this. Hindi puwede! Delikado para sa
lahat.
Ngayon, nakatitig lang kami sa isa't-isa at hinihintay niya ang sasabihin ko. Ayaw
ko pang umamin. Not now, not ever! Balak kong iuwi na siya sa pamilya niya. Hindi
ko na hihintayin na mas lumawak pa ang kaalaman niya sa mga 'tulad namin.
"Akala ko ba mag-e-explain ka na?" she said pouting.
How I love seeing her like that. Nakakagigil.
"I can't find my words to tell you everything." I said.
She smiled at me warmly. "Then I'll help you find every letters to fill in your
lost words."
I chuckled. Ingrid is really smart. I regret calling her names.
"Ganito na lang. Ask me about what has been bothering you. And I'll answer it."
"Okay." She paused saka nag-isip. "Are you really a prince?" she asked.
"I am."
"Paano nangyari 'yon?"
"Because my parents are the king and queen in this city."
"The Philippines is a country governed by a republic. Not monarchs."
"Yeah. But like I said before, this is a secret City."
"How come this is a secret City?"
"Because nobody knows this City exists, that's why."
"Why don't you want me to talk to anyone?"
"Because... M-masyado kang maganda..."
* * *
Ingrid's POV
"BECAUSE... M-masyado kang maganda."
"Ha?" Pakiramdam ko may paru-paru sa tiyan ko. "Ano'ng konek n'on?" nagtatakang
tanong ko.
"Hindi ko rin alam. Ayoko nitong nararamdman ko pero gusto talaga kitang ipagdamot
sa iba. Ayokong makilala ka nila nang lubusan kasi baka maagaw ka nila sa akin. You
are an extraordinary girl I've ever known and I want you all for myself."
Nakatingin lang siya sa akin. I tried to suppress my smile but my lips twitch
involountarily. Bakit gusto kong maniwala sa lahat ng sinasabi niya?
"H-Hansel..."
"I already told you many times, Ingrid. Please trust me. Please?" Iyong mga mata
niya, nagmamakaawa.
"Okay, I'll trust you."
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. I feel goosebumps everytime he
holds my hand. Or was it because his skin was cold? I don't know, it's just weird.
"And one thing..."
"Ano 'yon?"
"Stay away from Drake. I have a bad feeling about him."
"Oh, no. Mabait si Drake." Pagtatanggol ko sa kanya.
Hansel sighed. "What did I tell you?" he asked.
"To trust you," nakayukong sabi ko.
"Right. So kapag sinabi kong layuan mo and Drake na 'yon, layuan mo siya, okay?"
Napatango ako kahit labag iyon sa loob ko. "Dito sa lugar na 'to, ako lang ang
puwede mong pagkatiwalaan, Ingrid." He looked at me so seriously, parang gustong
tumambling ng tiyan ko.
Nginitian ko lang siya. Kung ano man ang rason niya sa lahat, naiintindihan ko na
at papaniwalaan ko na lang siya.
* * *
BUMISITA ang kapatid ni Hansel sa penthouse. Hinayaan niya kaming mag-usap sa
kuwarto ko at siya ay nasa living room lang. Masasabi kong kabaliktaran ni Hansel
si Erina. She's so hyper, bubbly, at ang kulit-kulit. Ang dami-dami niyang tanong
at mga kuwento.
"Bakit ka ba kasi umalis sa inyo?"
"My parents want me to marry a guy whom I don't love," I said.
"Oh, marriage for convenience? How bad. Uso pa pala 'yon?"
"Unfortunately, yes." Napangiti lang ako ng mapait.
"When you go back, can I go with you?" pabulong niyang sabi.
Siguro para hindi marinig ni Hansel na nasa living room.
"Kung papayagan ka ng parents niyo." Nakangiti kong sabi. Alam ko ng isang Hari at
Reyna ang magulang nina Hansel at Erina pero hindi ako nagtatanong tungkol sa
pamilya nila.
Umiling siya. "Hindi nila ako papayagan. Lalo na si Kuya," nakanguso niyang sabi.
"Hindi ka pa ba nakapunta sa Manila?" tanong ko.
"Isang beses lang. Pero 'di naman ako nag-enjoy. Takot kasi ako. At saka ito ang
first time na may kausap akong human- I mean taga Manila." She laugh awkwardly.
"Don't worry isasama kita." I said and tapped her shoulder to assure her.
"Yay! Thank you, Ate."
Bigla-bigla niya akong niyakap. Kahit malamig katawan niya dahil siguro sa weather,
niyakap ko rin siya. Nakakatuwang kasama si Erina. Isip bata drin ako pero parang
nagma-matured ako kapag kausap ko siya.
"Ayy, Ate Ing, bukas pala, may archery tournament sa school. Gusto mong sabay na
lang tayo manood?"
Natuwa naman ako sa balita niya. Atleast my activity akong mapupuntahan sa school.
"Really? Wow. Manonood talaga ako. First time kong makanood ng archery kung
sakali."
"Yeah. Si Kuya nga kasali, eh. Defending champion siya at wala pang nakatalo sa
kanya ever since."
I smiled inwardly nang malaman ko na magaling sa archery si Hansel. May talent pala
siya. Kunsabagay, he's a prince.
"Gabi rin ba 'yon gaganapin?" I asked.
"Of course. Atually, hating gabi siya ginaganap. Sa akin ka na lang Ate sumama,
ha? Ayokong mag-isa ka."
Pati si Erina ayaw din akong mag-isa? They're wierd. Pero okay lang. Hindi ba na-
explain na sa akin ni Hansel kung bakit ayaw niya akong mag-isa o may ibang kasama.
"Sino'ng makakalaban niya?" tanong ko.
"'Yong kalabang school ng SMU. The Sanguinarian Academy."
"Never heard of it. But I'll surely cheer for our school."
"Si Kuya dapat ang i-cheer mo nang bongga, ha? Gagawa tayo ng placard para ma-
surprise siya."
"Ako magdo-drawing, ah? Doon ako magaling." tuwang-tuwa kong sabi.
"Talaga, Ate, magaling ka mag-drawing?" amused niyang tanong.
"Oo. Fashion design student ako before, eh."
"Cool. Can you draw me?" she said with puppy eyes. How can I resist a cute girl
like her?
"Ofcourse. Iyon lang pala, eh." Nakangiti kong sabi.

Chapter 7 - Nightmare

Chapter 7
Ingrid's POV
"AKO ANG mag-i-sketch, 'tapos ikaw ang magka-cut, okay?" sabi ko kay Erina.
Nandito pa siya sa penthouse. Gumagawa kami ng pang-cheer para sa tournament bukas
ng madaling araw.
Ako ang nagdodoodle ng name ni Hansel sa red cartolina habang si Erina naglalagay
ng glitters sa paligid ng placard na pagdidikitan ng gugupiting doodles. Kung paano
kami nagkaroon ng school supplies? Ewan ko rin. Basta nagpaalam sa akin si Erina na
lalabas muna at wala pang five minutes nakabalik na siya at may mga dala-dala na.
"Kyaah! Ate, excited na ako."
"Ako nga rin, eh. Hindi ba magagalit ang Kuya mo na gagawa tayo nito?"
"Hay naku, Ate Ing, madaming babae ang gumagawa nito kay para kay Kuya kapag
tournament. Kaya nga gagawa tayo ng colorful para mamukod-tangi, 'di ba?"
"Maraming fans ang Kuya mo?"
"Oo daw. Haha, wala naman akong pakialam sa mga fans ni Kuya eh."
"Hmm, puwede bang magtanong tungkol kay Hansel?"
"Sure, Ate, ano 'yon?"
"Nagka-girlfriend na ba siya?"
Napatingin sa akin si Erina. "Hindi pa, 'no. Kahit marami sakanyang nagkaka-gusto,
ni isa wala man lang pinag tuunan ng pansin. Hindi ko alam kung pihikan lang siya o
wala talaga siyang nagugustuhan sa kanila."
"I can't even imagine Hansel being in a relationship. He's so uptight and moody."
"Haha. You got that right. At saka si Kuya kasi ang successor ng crown kaya hindi
siya puwedeng mag girlfriend lang nang mag girlfriend."
"Gano'n? Pressured pala siya kasi expected na dapat lahat ng decisions niya would
be great."
"Yup. Kaya ganoon siguro ugali niya eh." I nodded. Dapat siguro intindihin ko rin
si Hansel. "Oh, my Kuya is coming." dali-dali naming itinago ang art crafts.
"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko nang mailigpit namin ang lahat.
"I just know." Kibit balikat niya. "Ayan na."
Hinila niya ako paupo sa kama ko. We pretend na nagkukuwentuhan. Hindi ko rin alam
kung bakit, siguro kasi ayaw niyang makita ni Hansel ang ginagawa namin.
"Erina, it's time for Ingrid to sleep. Umuwi ka na muna," sabi ni Hansel pagpasok
niya sa kuwarto.
"Ha? Okay lang naman. 'Di pa ako inaantok," nakangiti kong sabi.
"Kuya naman, eh. Nag-e-enjoy pa kami ni Ate Ing, eh!" Pagmamaktol ni Erina.
"Huwag makulit, Erina! Kailangan na niyang matulog! Tingnan mo nga, oh. Ang groggy
na ng hitsura niya."
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Nang-inis pa talaga, ah.
"Anong groggy pinagsasabi mo? Okay pa ako, hindi pa ako pagod!"
"Sige matulog ka na. Bukas na lang natin tapusin," Erina said with a knowing smile.
"Tapusin ang alin?" tanong ni Hansel.
"'Yong kwentuhan namin ni Ate," palusot ni Erina.
Pagkalabas ng dalawa bigla na lang akong napahikab. He's right. Inaantok na pala
talaga ako. Mukhang nag-enjoy lang ako sa company ni Erina kaya hindi ko naramdaman
ang antok.
It's three AM in the morning and it's time for me to sleep. Medyo sanay na ako sa
ganitong setup. Tulog sa umaga at gising sa gabi.
Nahiga ako sa kama at ramdam ko ang pagod
* * *
I woke up surrounded by a cold mist. Fogs were all around me and I could not see. I
stood up and slowly walked. I can see light dancing in the air like it was guiding
me towards something. I followed it and I felt a twig scratch my arms and legs. I
can feel bruises all over.
Nevertheless, I continued walking. Then the light guided me towards an empty
forest. In the middle of it were ashes. Maybe bonfire was made.
Then suddenly I heard a soft voice calling out my name. That familiar voice that
I've missed so much.
"Ingrid... Baby... Where are you?" I thought I heard the voice behind me, but when
I turned around, there was nothing.
"Is that you mom?" I called while roaming around.
"Baby, please come home..."
A tear fell down my cheeks as I heard my mom plead for me to go home.
"Mommy! I wanna go home! Where are you!" I said while crying.
"I'm here baby. Just follow my voice."
Still crying, I followed Mom's voice. Then I saw her, wearing a white satin long
dress with a hooddie covering her head.
"Mom? Is that you?" We were just one meter away from each other. She extended her
arm without showing her face.
"Baby..." she said in low voice.
"Mom... I've missed-" The moment I held my Mom's hand, it suddenly changed into a
man's hand. A masculine cold hand.
I felt the heavy panting on my chest. It was so loud that I could not even hear the
birds chirp.
"At last. You're mine, Ingrid." The man slowly removed his hooddie. My eyes
widened as I saw a proverbial face. His teeth had fangs that were full of blood.
His red eyes that were so inviting that I only want to look at them.
"H-Hansel." My voice was trembling. He grabbed my left arm and tauten his grip.
"H-hansel... Y-you're hurting me." I said while trying to free myself from his
grip.
"Are you scared of me now, Ingrid?" He said between gritted teeth.
"W-why should I be?" I tried my best to calm down.
"Well, you should. Because I'm your worst nightmare." With those words, he let go
of me. He showed me a lady whose neck was full of blood. Then, the realization hit
me.
"Mom?! Mom!" I sat next to her and saw a bite on her neck. "What did you do to my
mom?!" I shouted angrily at Hansel.
"I did nothing. I just fed my thirst." He calmly said.
"You monster!" I cried.
"I already warned you!"
"Yes! But you didn't have to kill my mom! You bastard monster! I hope you go to
hell for what you did to my mom!"
"I'm already in hell sweetheart. And to correct you, my dear Ingrid, I'm not a
monster." He paused and walked towards me and brought my face close to his. "I'm a
Vampire."
His last words were etched on my mind.
I'm not a monster. I'm a Vampire.
Napabalikwas ako sa kama dahil sa napanaginipan ko. Tumatagaktak ang mga butil ng
pawis sa noo ko at ramdam ko rin ang lalim na paghinga ko. Parang totoo. Mixed
emotions ang nararamdaman ko ngayon.
First, I miss my mom so much and I wanted to hug her tight. Second, there's this
anger inside me. I know it was only a dream, but no one can blame me. I just saw my
mom got killed by a monster, oh scratch that, by a vampire rather, in my dream!
Third, Hansel was the Vampire. A dangerous predator. I don't believe this dream.
Was it a warning for me? I don't understand. Why all of a sudden did I have this
kind of dream? I don't even watch horror movies especialy vampire.
Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. I glanced at the wall clock. It was twelve in the
afternoon and I'm famished.
I jumped out of my bed and wore my bunny slippers. I took a bath first before going
out my room. I wore my plain yellow dress that has ribbon at the back.
Pagkalabas ko ng kuwarto, dumeretso agad ako sa kusina and to my surprise, may
nakahaing pagkain.
Did Hansel cook?'I asked my self. There were hotdogs, sunny-side-up eggs, bacon,
friend rice, cold orange juice and fruits. My eyes sparkled with the view.
"Food!"
Agad akong umupo sa may table na may naka-taob ng pinggan. There's a note when I
flipped the plate. I read it.
Ingrid,
Went to practice. Don't leave the pent without Erina. She'll accompany you to the
tournamet. Enjoy your heavy meal. I bought it. Sorry, can't cook. Take care.
PS: Remember what I told you. Trust me.
Hansel
Napangiti lang ako sa note niya.
Katatapos ko lang kumain nang marinig kong may nag-doorbell.
Sino kaya 'yon? sa loob ko. Patakbo akong lumapit sa pinto at pinagbuksan iyon.
"Ate Ingrid!" hyper na tili ni Erina. Natawa lang ako.
"Oh, gosh, Ate, tapusin na natin 'yong placard. Excited na talaga ako," kinikilig
niyang sabi.
"Sige-sige. Mauna ka na sa kuwarto. Maghuhugas lang ako ng pinagkainan." tumango
siya saka patakbong pumunta sa kuwarto.
Hinugasan ko naman ang plato ko at saka ko ibinalik sa cupboard. Pagkapasok ko sa
kuwarto, tapos nang gupitin ni Erina iyong doodles at idinidikit na niya ito sa
placard.
"Madali na palang matapos, eh," sabi ko saka tumabi sa kanya.
May dinagdag pa akong kaunting drawing para mas visible siya at saka mas
attractive.
Chapter 8 - The Tournament

Chapter 8
Erina's POV
INAAYUSAN ko ngayon si Ate Ing to make her look like a vampirette. But not the
usual vampire girl na maiisip mo na totally scary and everything. Medyo pina-pale
ko ang mukha niya at pinilit ko siyang magsuot ng auburn lens. Ito kasi ang
commonly color ng mata namin. She wore a black dress that could make her more pale.
She naturally had fair skin. Medyo pale na rin ang braso niya kasi ilang araw na
siyang hindi naaarawan.
"Ate, wear this." Ipinakita ko sa kanya ang isang necklace na hugis triangle at
may blue gem sa gitna.
"Ano to?" nagtatakang tanong niya.
"Necklace?"
"Alam ko. What I mean is, bakit mo 'yan pinapasuot sa akin?" ngingiti-ngiti niyang
sabi.
Because Kuya said you have to wear that para 'di ka maamoy ng buong vampire clans.
Protection mo 'yan para hindi nila malaman na tao ka.
Iyan ang gusto kong sabihin kay Ate Ing pero siyempre hindi puwede. Kuya's going to
rip off my head if I do that.
"Gift ko 'yan sa'yo, Ate, for being so nice," sabi ko. Medyo white lie pero part
of it is true. I really like her. And never kong naisip na gawin siyang hapunan.
"Ikaw nga ang nice, eh. But, thanks anyway," nakangiting sabi niya.
Alam kong sincere ang mga ngiting iyon. Sa family namin, active ability ko ang mind
reading at passive strength ko naman ay ang pag-repel ng ano mang bagay na tatama
sa akin. Si Kuya naman ang active strength ay speed and his passive strength is
controlling minds. May kakayanan siyang gawin mo ang pinag-uutus niya kahit ayaw
mo. I wonder if ginamitan niya ng gano'n si Ate Ing?
"Ako na magsusuot sa'yo, Ate."
Tumalikod siya, saka ko isinuot ko sa kanya ang kwintas.
"Ang ganda," she said while holding it.
"Uhh, Ate, don't let anyone see it," sabi ko.
Napakunot-noo naman siya. "Ha? Why? Sayang naman ang ganda niya kung itatago lang?"
"Eh kasi, Ate, mga mayayaman na tao lang ang may ganyan. Kung ipapakita mo 'yan in
public maari kang manakawan. Ikaw din," pananakot ko sa kanya.
Actually, the reason why I didn't want anyone to see it kasi baka may makaalam na
ang necklace niya is amulet for vampire.
"Gano'n ba? Okay." Nakangiting sabi niya.
Alam kong deep inside malungkot siya. I'd better cheer her up para mawala sa utak
niya ang necklace.
* * *
Ingrid's POV
WE'RE on our way to SMU dala-dala ang placard. Nagkotse naman kami kaya okay lang.
Speaking of kotse, kumusta na kaya ang baby ko? Hindi ko na siya nagagamit, eh.
Lagi kasi akong nakikisakay kay Hansel.
Papasok na kami sa main gate. Nakita ko na marami nang tao na papasok din. Maroon
and Black lang ang nakikita kong mga damit na suot nila. Siguro iyon ang color ng
mga teams. Hindi sa harap ng school nag-park si Erina, bagkus, lumiko siya at may
dinaanan kaming makahoy na lugar.
"Nasa school pa ba tayo, Erina?" I asked her.
"Oo naman, Ate. Part pa rin 'to ng school."
Napatango na lang ako. Hindi nagtagal, nakalabas kami sa isang forest-like road at
malawak na space ang tumambad sa akin. Sa gitna ay may malaking stadium. Para
siyang sa soccer field. Nakakalula sa laki.
"Wow." Iyan lang ang nasabi ko.
Marami nang mga tao sa bleachers. Ten minutes na lang kasi, magsisimula na ang
tournament.
"Doon tayo, Ate." Itinuro niya iyong nasa second row ng stadium seats. Pagkaupo
naming sa bleacher ay tumingin siya sa akin. "Gusto mo bang umupo sa royal seats?"
She asked.
Todo iling naman ako. "Ayoko. Nakakahiya. At saka, hindi naman ako royal kagaya
niyo."
"So? At saka magiging royal ka rin kapag napangasawa ka na ni Kuya." Nakangiting
sabi ni Erina na parang nang-aasar.
Nangilabot tuloy ako sa sinabi niya.
"WHAT? No way!"
Okay, crush ko si Hansel. Pero wala akong balak na magkagusto sa kanya to the point
na mapangasawa siya. Ang masungit na 'yon? Naku! Baka mamana pa ng anak namin ang
kasungitan niya!
"Crush mo naman si Kuya, eh."
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Erina. Nasabi ko ba iyong iniisip ko?
WAAAH!
"HAHAHA." Eh? Hala! Nabaliw na si Erina.
"Tumigil ka nga sa kaKAtawa." nakanguso kong sabi.
Nagsimulang maghiyawan ang tao nang biglang nagsilabasan ang dalawang team.
Nagsitayuan kami at nagpalakpakan. Bale square kasi ang stadium, sa left side and
mga nakasuot ng black at sabi ni Erina sila ang Sanguinarians at ang mga naka-
maroon naman ay ang school namin. (SMU).
"Wow, ang cool ni Kuya," sabi ni Erina.
Kaya ako naman, hinanap ko ang cool na pinagsasabi ni Erina. Tsk. Okay, siya na
gwapo! Mas angat kasi ang kaguwapuhan niya sa lahat, eh. Though lahat ay guwapo,
iba pa rin talaga ang standing ni Hansel.
Nagsalita na ang emcee. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi basta ang alam
ko pinakilala isa-isa ang mga kalahok.
"Ate, si Cris 'yong nasa likuran ni Kuya." sabi sa akin ni Erina kahit wala naman
akong itinatanong.
Cris. Saan ko ba iyon narinig?
Ibinaling ko ang tingin ko sa Sanguinarians at napako ang tingin ko sa isang
lalaki.
"Drake?" mahina kong sabi.
"Ano, Ate?" napalingon ako kay Erina.
"Sanguinarians pala si Drake," sabi ko kay Erina.
"Who's Drake, Ate?" nakakunot-noo na tanong niya.
"Siya, oh. 'Yong sabi ni Hansel na layuan ko." Itinuro ko ang pwesto ni Drake.
"Ahh. Well, trust Kuya. 'Di talaga mapagkakatiwalaan ang mga Sanguinarians," she
said.
Napatingin naman ako sa kanya. "How can you say that? Drake is the nicest man I
know here. Actually, he's much nicer than Hansel."
"Ate, you spend almost all your time with Kuya. And as for that Drake, about two
to three hours lang? Malay mo ba kung anong klase siyang vam- I mean lalaki behind
those nice he show you."
Natameme lang ako sa sinabi ni Erina. She's right. Right? Hindi pa ba matatawag na
nice ang patuluyin ka sa penthouse niya? Hindi pa ba nice ang ibili ka ng food?
Pero nice ba na matatawag ang sabihan ako ng retarded? Nice rin ba ang sigaw-
sigawan ako from the very first time we met? But he told me to trust him. At iyon
ang panghahawakan ko. Besides, mabait na rin naman siya sa akin, 'di ba? I just
hope na tuloy-tuloy na ang kabaitan niya.
"Ate sisimula na," untag sa akin ni Erina.
Mayroong anim na member kada team. Mahigpit ang laban. Halos tie ang score kasi
magaling din ang kalaban.
"Kyaah! Si Kuya na titira!" tili ni Erina.
Naglakasan ang hiyawan nang si Hansel na ang nakatayo sa gitna. It was his turn.
And his opponent? He was none other than, Drake. Of course I was rooting for
Hansel. Though gusto ko ring manalo si Drake.
'GO PRINCE HANSEL!'
'WE LOVE YOU, PRINCE HANSEL!'
'AHH! PRINCE HANSEL, YOU'RE SO HOT!'
Iyan ang mga naririnig ko habang hinihintay na tumira si Hansel. Gosh! Nakakakaba
naman ito!
"Ate, it's time," Erina said talking about the placard.
Dahan-dahan kong inilabas ang placard na nakabalot sa paper. Pinunit ko ang balot
nito at saka sabay na itinaas namin ni Erina 'yong sign.
"Hindi naman niya 'to makikita," sabi ko habang hawak yung placard na namumukod-
tangi sa lahat.
"Makikita niya 'yan," pagkasabi no'n ni Erina biglang lumingon sa amin si Hansel
at ngumiti. Sa akin ba siya ngumiti o kay Erina?
"Ahhh! Nginitian ka niya, Ate. Masaya siya sa ginawa mo."
"Talaga?"
"Oo. Bihira lang si Kuya ngumiti, eh."
Napangiti lang ako dahil sa sinabi ni Hansel. Masaya akong napasaya ko siya.
Nang tumingin ulit ako sa field at nakita kong nakatingin din sa amin si Drake.
Hindi ko alam pero parang malungkot siya? Ahh! Baka guni-guni ko lang 'to! Oo tama!
Sabay na nag-aim ang dalawa sa target. Parang slow motion habang sabay nilang
pinakawalan ang arrow sa bow. Lahat ang tahimik habang pinapanuod ang dalawa.
Nakakakaba naman 'to. Para lang akong nanunuod ng final game sa school namin noon.
Lahat nagsigawan nang sa bull's eye tumama ang arrow ni Hansel. Lihim lang akong
napangiti. I really admire him. Ang galing niya. Pero habang nagsasaya naman kaming
mga taga-SMU, katahimikan naman ang namayani sa kabilang team.
Nalungkot ako para kay Drake. Ni hindi tumama sa board and pana niya. Sa lupa ito
dumatay. Nakita kong malungkot siyang tumalikod.
"Ang galing-galing. Panalo na naman tayo," sabi ni Erina.
Ngumiti lang ako nang pilit. Nalulungkot talaga ako para kay Drake. Ewan ko ba kung
ano itong nararamdaman ko. Masaya ako kasi naipanalo ni Hansel ang team. Pero at
the same time, malungkot din kasi natalo sina Drake.
* * *
Hansel's POV
KANINA pa hinahagilap ng mga mata ko sina Erina at Ingrid. Ako ng ang titira pero
hanggang ngayon, hindi ko pa sila nakikita. Hindi ko makita si Ingrid o maamoy man
lang. Malamang pinasuot na sa kanya ni Erina ang kwintas. Good thing though. Nasa
gitna na ako ng field nang maramdaman kong nag-send ng message si Erina using her
mind. Napalingon ako sa right side at nakita ko ang makulay na placard that said:
'GO HANSEL! I TRUST YOU!'
That word. Trust is the only thing I need form her. She trusts me. And I'm happy
with it.
* * *
Ingrid's POV
PABABA na kami sa bleachers. Salubungin daw namin si Hansel. Medyo siksikan kaya
nauna sa akin si Erina hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
"Erina wait." Pero hindi niya ako narinig.
Pababa na ako ng hagdan nang may humila sa akin palabas ng stadium. Hindi ko siya
makita kasi naka-hoody siya.
"Sino ka ba? Bitwan mo 'ko!"
Huminto kami sa gitna ng makahoy na lugar. Tinanggal niya ang hoody niya at
tumambad sa akin ang malungkot na mukha ni Drake.
"Drake, ikaw pala," sabi ko.
"Ingrid," seryosong sabi niya.
"Sayang 'yong laban, 'no? Halos isa lang lamang ng team namin," nakangiting sabi
ko.
"You trust Hansel that much, Ingrid?"
"Huh?"
"What about me? Don't you trust me?"
Nakita ko na nagdilim ang mukha niya. Ang kanyang matatalim na mata ay nakatingin
lang sa akin na animo'y ano mang oras ay gagawa siya ng masama.
"Drake..."
"Ingrid, ang daming bagay na 'di sa'yo sinasabi ng akala mong mabuti sa'yo. Ako,
Ingrid, kaya kong ibigay sa'yo lahat ng katanungan mo. Maniwala ka sa 'kin." His
face soften ang begging.
"Drake, sinabi na sa akin ni Hansel ang lahat at pinaniniwalaan ko siya. I trust
him so much. At kung ano pa mang bagay ang itinatago niya, maghihintay ako hanggang
sa handa na siyang aminin sa akin ang katotohanan."
"Isang malaking kasinungalingan ang pinaniniwalaan mo, Ingrid. You're trusting a
big lie. At sa tingin ko, mas gugustuhin mo pang maniwala sa kasinungalingan na
'yon kaysa malaman ang katotohanan."
"Ano bang kasinungalingan ang pinagsasabi mo, Drake?"
"Wala. It's useless to tell you anyway. You trust him so much na kahit nga ako
ayaw mong pakinggan. Pero ayoko ring pangunahan si Hansel."
"Pangunahan?"
"Kapag nalaman mo na ang katotohanan, ikaw mismo ang tatakbo palayo sa kanya."
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo Drake?" Medyo naiiyak na ako. Nadadala kasi ako sa
lungkot ng boses niya.
"Don't be blind, Ingrid. Minsan nasa harap mo na pero ayaw mo lang paniwalaan.
Life is giving you clues pero binabale-wala mo."
Pagkatapos niyon ay tinalikuran na niya ako. Pero bago siya nakalayo ay may sinabi
siya na ikinagulat ko.
"I like you, Ingrid. From the very first time I saw you. And I envy Hansel dahil
siya ang unang nakakilala sa'yo." He timidly smiled and walked away.
Naiwan lang akong nakatulala sa kawalan. So he likes me. What?
"

Chapter 9 - The Revelation

Chapter 9
Ingrid's POV
NANDITO ako ngayon sa penthouse mag-isa. After nang confrontation namin ni Drake,
hindi na ako bumalik sa stadium. Gusto ko kasi mag-isip. Sa mga sinabi ni Drake,
isa lang ang naintindihan ko. Sabi niya, gusto niya ako.
Gusto ko rin naman siya, as a friend. Kasi nga ang bait niya. Pero hindi na iyon
aabot sa level na magkakagusto rin ako sa kanya. Kasi may ibang gusto ang puso ko,
yata? Hindi rin ako sigurado. Magulo. Sobrang gulo.
Habang nagmumuni-muni dito sa balkonahe, nagulat ako sa isang malakas na kalabog ng
pinto. Hala! Baka si Hansel iyon. Baka nagalit siya kasi humiwalay ako kay Erina.
"Ingrid? Ingrid, where are you?!" malakas na tawag ni Hansel sa akin mula living
room.
Tumayo ako at pinuntahan siya.
"Hansel I'm he-" Bigla na lang niya akong niyakap nang sobrang higpit na parang
ayaw niya akong pakawalan.
"Oh, geez! Thank God you're here!" he said while hugging me.
"H-Hansel... I c-can't breathe."
"Sorry." Pinakawalan niya ako. Hindi ako makapagsalita. Parang na-stuck ang dila
ko sa loob ng bibig ko.
"You made me worried sick! 'Di ba, ang sabi ko, huwag kang hihiwalay kay Erina?
Mabuti at nakita kita dito," He said, full so concern.
"Ano kasi, eh..."
Nag-isip muna ako kung sasabihin ko ba na hinatak ako ni Drake papunta sa may gubat
at sinabing huwag ko siyang pagkatiwalaan at sinabi rin sa akin na gusto niya ko.
No. Di ko iyon puwedeng gawin. I promised Hansel na hindi ko papansinin si Drake.
"One of my right hand men told me, he saw you and Drake talking. Is it true?"
Napa-pout na lang ako. So there's no reason to lie. May nakakita pala.
"I'm sorry. Hinila niya kasi 'ko kaya hindi na ko nakapalag. Sorry talaga. I know
I promised na 'di ako-"
"Okay lang. Wala kang kasalanan." He said beaming.
Nakahinga naman ako ng maluwang. Si Hansel ba talaga ito? Bakit ang bait niya? Luh!
Baka naman na-abduct na ang totoong Hansel?!
"Hansel? Ikaw ba 'yan? Ba't 'di ka galit?" tanong ko.
"Huh? Tsk. Gusto mo ba kong magalit?"
"Ahh? Ayaw." Sabi kong iiling-iling pa.
"Good."
"Congrats pala."
"I won because of you." Pakiramdam ko nahulog ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman dahil sa akin?" I said trying to hide my smile.
"Because you trust me." mas inilapit niya sarili niya sa akin.
"Oh." Was all I could say. Okay this is getting awkward.
"You want to go someplace?" he asked.
"Eh? 'Di ba may victory party kayo?"
"The hell I care about that victory party. All I care about is you."
Nakatitig lang kami sa isa't isa. Ano ba pinagsasasabi niya? Para talaga itong
hindi si Hansel. Nakakapanibago.
"S-saan mo ba ko dadalhin?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"It's a surprise." Then he chuckled.
WAAAAH! Ang cute niya talaga! Ay hindi. Guwapo pala!
"Game!" sabi ko.
* * *
Erina's POV
At the Palace...
"SAAN ka ba umupo kanina?" tanong sa akin ni Mommy.
"Mom, I told you I'm with my friend." Kanina pa ako ine-interrogate ni Mommy.
"Sino ba kasi ang friend na 'yan?" pangungulit sa akin ni Mommy.
"Mommy naman, eh!" I said whining.
Biglang nagseryoso ang mukha ni Mommy.
"Your Dad had a vision."
That got my attention. Minsan lang magkaroon ng vision si Daddy at kadalasan ay
tungkol ito sa kaharian ng vampire city.
"Vision?"
"Yes. May nakapasok daw na human dito."
"Po?" Hala. Lagot na! Alam na ni Daddy!
"Sabi ko nga sa Daddy mo, imposibleng may makapasok na tao dito kasi walang mortal
ang may kakayanan na makapasok sa mundo natin." Nacurious naman ako sa sinabi ni
Mommy.
She's right though. Ang portal kasi ang nagse-serve as barrier para walang tao na
makapasok dito. Kung isa ka lamang na mortal, hindi sa'yo magpapakita ang portal at
hindi ka makakapasok sa dimensiyon ng mundo namin.
Napaisip naman ako. Kung gano'n, bakit si Ate Ing nakapasok?
"Unless siya ang napili."
Napatingin naman ako kay Mommy.
"Napili po saan?" nagtatakang tanong ko.
"Na maging- Ah wala."
Napasimangot naman ako kay Mommy. Dapat ko kayang iyong malaman. Tungkol iyon kay
Ate Ing, eh.
Hmm. Kung ayaw sabihin ni Mommy, puwes, si Cris ang tatanungin ko. Bookworm yata
iyon. Pero nacu-curious talaga ako. Ano ba ito? Si Mommy kasi, bakit hindi na
lang sabihin? Tsk.
* * *
Ingrid's POV
NAPATULALA lang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Hansel. Umakyat kami sa
isang green hill. Nakakatuwa kasi flat ang surface sa tuktuk ng hill at may
namumukod-tanging puno na nakatanim do'n. Malayo siya sa downtown pero natatanaw ko
ang buong siyudad.
Naglabas ng cushion pillow at pang-sapin si Hansel sa dala-dala niyang backpack.
Inilapag niya 'yon sa ilalim ng puno.
"Don't tell me, dito tayo matutulog?" nagbibiro kong sabi.
Tumango naman siya sa akin at umupo sa lapag. Nakakapanibago talaga ang mga
kinkilos ngayon ni Hansel. Pero natutuwa ako at hindi na niya ako inaaway.
Sinabihan niya akong tumabi sa kanya and I willingly obliged. Pareho kaming
nakatingin sa downtown. Hindi ko alam ang iniisip niya dahil blanko lang ang
kanyang mukha.
"I always came here when I want to think," basag niya sa katahimikan.
"Pumunta ba tayo rito para makapag-isip ka?" tanong ko sa kanya.
"Maraming gumugulo sa akin. So, yes. I came here to think things." Seryoso niyang
sabi.
"Kung gano'n, bakit mo ako isinama rito? Baka naman maka-istorbo ako sa pag-iisip
mo," sabi ko sa kanya.
Lumingon naman siya sa akin at mataman akong tiningnan. Gusto kong umiwas ng tingin
pero para akong nahi-hypnotize sa mga titig niya.
"M-may sasabihin ako sa'yo."
"Huh? Ano 'yon?"
"Mamayang sunrise. Saka ko sa'yo sasabihin ang lahat."
"May iba ka pa bang tinatago sa akin Hansel?" Natatakot akong malaman na mayroon
pa. Kasi pinagkakatiwalaan ko siya.
"Meron ka pang 'di alam," sabi niya.
So tama ako. At tama si Drake. Pero iyon nga ang point 'di ba? Aamin na siya.
Sasabihin niya mamayang sunrise.
"Handa akong makinig Hansel." Sabi ko.
Ngumiti naman siya sa akin.
"Ingrid, kapag nasabi ko na sa'yo lahat, mapipilitan akong paalisin ka dito sa
lugar namin."
Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ako kailangang umalis?
"Hansel naman. Kung makapagbiro ka."
Inisip ko na lang na isang joke lang ang sinabi niya. Wala akong ideya sa sasabihin
niya at kung bakit kailangan ko umalis. Pero sana, magtiwala naman siya sa akin na
kung ano man ang malalaman ko ay pipilitin kong intindihin 'yon. Newsflash, I trust
him. But he doesn't trust me.
* * *
Third Person POV
"CRIS!" tawag ni Erina kay Cris habang nagsasalin ng blood wine sa chalice niya.
"Oh, Erina," casual nitong tugon.
"Cris, Dad had a vision." Seryosong balita ng Prinsesa sa kaibigan na ikinagulat
naman ng huli.
"What vision?" tanong nito.
"Alam na ni Daddy na may nakapasok na tao sa city."
"What?!"
"I know! And Mommy said something about "napili thing.""
Napakunot-noo si Cris. "What do you mean?"
"Sabi ni Mommy, wala raw makakapasok na tao sa portal. Unless, siya ang napili.
Ano ba'ng ibig sabihin no'n Cris?"
Napaisip din siya sa sinabi ni Erina. Hindi alam ni Cris ang tungkol sa sinabi
nito. Pero alam niyang masasagot ang katanungan nito kung papasok sila sa royal
library.
"'Di ba isa ka sa may acces sa royal library? Baka naroon ang sagot."
Napatango naman si Erina.
"Oo nga, 'no? Bakit ba hindi ko 'yon naisip." Napapailing na wika ng Prinsesa.
Hinila ni Erina si Cris palabas sa bahay nito at pumunta sa palasyo. Ang royal
library ay matatagpuan sa south wing ng kaharian. Hindi ka puwedeng pumasok maliban
sa royal family o kung may kasama kang isa sa kanila.
Ang mga libro sa royal library ay naglalaman ng iba't-ibang history ng kanilang
lahi. Dito nakatago ang mga libro na matatawag mong "restricted" dahil hindi
puwedeng mabasa ng isang ordinaryong bampira lamang.
Napasimangot ang Prinsesa nang makapasok siya sa loob ng library. Kahit kailan
talaga hindi siya nahilig sa libro kaya unang tingin niya pa lang sa loob ay halos
malula na siya. Kung gaano kalawak ang loob ng library ay gano'n din 'to kataas.
Pakiramdam niya mawawala siya sa loob. Ni hindi niya alam kung saan sila unang
maghahanap.
Naghiwalay sila ni Cris sa loob para mas mapabilis ang paghahanap niya. Hindi pa
siya nakakalayo nang tawagin siya ni Cris. Agad naman niya 'tong pinuntahan at nasa
pinakadulo sila ng library kung saan ang ilan sa mga libro ay nakalagay pa sa isang
stand.
Binuksan ni Erina ang unang libro na nakita niya at pakiramdam niya mauubo siya
dahil sa alikabok na lumabas dito.
"I think, this is the book we're looking for." Wika ni Cris kaya napatingin sa
kanya si Erina. He was holding an ancient book that was written in different
language. No, more like a symbols.
"Each symbols corresponds to a letter so we only have to decipher each symbols." He
said.
"What? That would take time!" pagrereklamo ni Erina. "At paano ka nakakasigurado na
'yan nga ang libro na kailangan natin?"
"Kung may ganitong libro na isinulat na puro symbols, for sure, may dictionary
version din 'to." he said at hindi mapigilan ng Prinsesa na humanga.
"Ang talino mo talaga!" natutuwa niyang sabi pero napailing lamang sa kanya ito.
Sunod nilang hinanap ay ang dictionary na sinasabi ni Cris. Nakahanap nila ito sa
gitna ng library at nakahanay sa mga iba't-ibang klase ng dictionaries.
Naupo sila sa sahig at napapaligiran ng bookshelves. Hinayaan lang ni Erina na si
Cris ang mag translate ng mga symbols dahil alam naman niyang wala siyang
maitutulong.
"The title says "The Damphyr"." Simula ni Cris.
"You mean, half vampire, half human?" she said.
Binuklat ni Cris ang libro at ikinukumpara niya ito sa dictionary.
"A damphyr is a special hybrid of a vampire and a female mortal. Its kind is rare
and very difficult to conceive because a woman's body is genetically not designed
to carry a vampire's offspring. Thus, the mortal is bound to die."
Natahimik lang si Erina habang nakikinig sa binabasa ni Cris. Alam niya ang tungkol
doon. May ilang mga ordinary vampires na nagkakaroon ng anak sa mortal pero
ikinamamatay ito ng mga babae. But, thousand years ago, sa history ng kanilang lahi
sa buong mundo, may isang kaharian at nakapangasawa ang kanilang Hari ng isang
mortal at nagkaroon ng damphyr na anak pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay
nabuhay ang mortal.
"Every thousand years, a prophecy is being fulfilled. The chosen one is a young
female who has the ability to enter a portal. Her inevitable fate will be sealed
and is bound to marry a crown prince to conceive a Damphyr."
Marami pa ang nakasulat sa libro pero sapat na 'yon para makuha nila ang
impormasyon na hinahanap nila.
"Nang tinanong daw ni Hansel si Ingrid kung paano niya nahanap ang lugar na 'to,
ang sabi niya raw ay dahil sa internet. Do you think it was fate that brought her
here?" sabi ni Cris.
"Siguro. Lalo na sa past niya. She's about to marry someone pero tinakasan niya
'yon at dito siya napadpad. Because if she's the chosen one, she's not meant to
marry a mortal, but a vampire. A vampire prince." Sabi rin ni Erina.
"Do you think we should tell this to Hansel?" tanong ni Cris.
"Of course!" Erina answered abruptly.
"But, Hansel has to love her. And she has to love him, too. They can't marry just
because the prophecy say so." Cris said.
"Oh, that's not a problem, believe me. I can read mind, Cris." Then she gave him a
meaningful smile.
* * *
Hansel's POV
SHE was sleeping soundless on my lap while I was staring at her. Malapit na.
Sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Dalawang bagay na itinago ko sa kanya simula
nang makilala ko siya. At ngayon handa na akong umamin sa kanya. Keeping a secret
from her is a very bad idea. Lalo na kung malalaman niya ito sa iba.
And that Drake! Ako ang nakakita sakanila kagabi at rinig ko ang usapan nila. Oo,
nagsinungaling na naman ako kay Ingrid kasi sinabi ko sakanyang iba ang nakakita sa
kanila where in fact, ako lang iyon. This decision was made nang marinig kong nag-
confess ng feelings si Drake kay Ingrid.
Gusto ko siyang patayin! Gusto ko siyang pugutan ng ulo at itapon sa nagbabagang
apoy! Pero hindi ko iyon puwedeng gawin kasi kaibigan ang turing sa kanya ni
Ingrid.
Napatingin ako sa kanya. Kapag nalaman na niya ang lahat, aayawan niya na ako. Baka
nga siya pa mismo ang umalis sa dito.
"H-Hansel?" she said in a sleepy voice.
"Good morning, sunshine," Nakangiti kong bungad sa kanya. Dahan-dahan siyang
bumangon.
"Hindi ka ba natulog? Sorry dahil sa akin-"
"Sshh. That's nothing." Idinikit ko ang dalawa kong daliri sa lips niya.
"Are you cold? Ang lamig ng kamay mo."
Hinawakan niya ang kamay ko at saka parang hinilot.
"Look, the sun is about to rise." Itinuro ko 'yong araw na papasikat na.
"Ayy, oo nga." Sabay kaming tumayo. Hinarap naman niya iyong sunrise.
"Ingrid, tungkol pala do'n sa sasabihin ko." panimula ko at humarap naman siya sa
akin.
"Ano ba 'yon?"
"Makinig ka sa akin. Sana sa sasabihin ko, huwag kang magbabago o kung hindi mo
man matanggap, as I've said kanina, aalis ka sa city namin."
Napatango lang siya. Tumingin muna ko sa araw na halos kalahati na ang taas.
"'Di ba ang sabi ko sa'yo, pagkatiwalaan mo ako? Sorry kung pinaniwala kita sa
kasinungalingan. Ang totoo niyan, takot akong mag-freak out ka kapag nalaman mo
kung anong klaseng nilalang ako. Kami."
Napakunot-noo siya. "A-ano'ng ibig mong sabihin, Hansel?" naguguluhan niyang
tanong.
"No'ng una kitang nakita wala akong balak na sigawan ka. Nakatalikod ka no'n eh.
Wala rin akong balak businahan ka ng malakas. Sasagasaan na sana talaga dapat kita
kasi nakaharang ka sa gate, eh."
Nanlaki naman ang mga mata niya at saka nag-pout. Siguro iniisip na naman nito na
ang sama-sama ng ugali ko.
"Pero hindi ko alam kung anong mabuting espiritu ang sumanib sa akin dahil hindi
ko iyon ginawa."
Napangiti lang siya. Siguro kasi naalala niya iyong tagpong 'yon.
"Pero no'ng humarap ka, napatulala na lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero
gandang-ganda ako sa'yo. Akala ko isa ka sa mga bagong exchange student."
"H-Hansel, why are you saying all of these?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot
dahil marami pa akong gustong sabihin sa kanya.
"Bumaba ako no'n tapos sinigawan kita. No'ng nagtanong ako, sa'yo wala kang alam.
Kaya nalaman kong galing ka sa mundo ng tao. Malakas kasi pang-amoy ko sa inyo eh."
"H-Hansel ano bang pinagsasabi mo?" nagpa-panic na ang mukha niya at tinitingnan
ako na parang nababaliw na ako.
"No'ng kinaladkad kita papasok sa kotse ko, inutusan agad kita na ako lang
susundin mo. Napakatigas ng ulo mo pero napapayag din kita. Gusto kitang gamitan ng
kapangyarihan ko para mapasunod ka pero hindi ko magawa. Iniisip ko pa lang
nakokonsensya na ako."
"Please get straight to the point, Hansel. Wala akong maintindihan sa mga
pinagsasabi mo." She scowled. Napatawa lang ako.
"Gusto mo bang malaman kung bakit ang dami kong dahilan sa'yo para lang hindi kita
masaluhan sa pagkain?"
"Yes. Why?" agad niyang sagot.
"Because I'm different. We are different. That's why you can't find usual foods
here."
"What kind of different Hansel? Please tell me, promise I won't freak out."
"We are in night class. We don't like salt, lemon and garlic. We never show
ourselves in sunlight unless we wear protection like shades and sunglasses."
"Y-you're not h-human?" Her voice was trembling.
"We're not," sagot ko sa tanong niya.
"Then what are you?"
Nararamdaman ko ang takot sa boses niya. Parang may bumabara sa lalamunan ko habang
iniisip ko ang sasabihin ko sa kanya. Pero sigurado na ako at pinag-isipan ko 'to.
Sasabihin ko na sa kanya ang totoo.
"We're... We're Vampires."
* * *
Ingrid's POV
"WE'RE... We're Vampires ."
Hindi ako makagalaw. Nanlalamig ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"Hahaha. V-Vampires ka diyan! Joke ba 'to, Hansel? Kasi kung oo. 'Di siya benta sa
'kin." Sabi ko habang pinipilit na tumawa kahit ang totoo nangangatal na ang mga
tuhod ko.
"I'm not joking, Ingrid. Kailan ba ako nagbiro sa'yo?" Seryoso niyang sabi.
Nasilaw ako sa araw kaya itinaas ko ang aking braso para itakip sa mga mata ko.
"M-mainit na dito, Hansel, tara na?" Sabi kong nakatakip ang mga mata.
"Tingnan mo muna ko." sabi niya.
Tinanggal ko ang aking braso sa mga mata ko at laking gulat ko sa nakita.
"You're... You're..."
"Flaming?" he answered for me.
Hindi ko alam kung bakit lumiliyab ang mga mata niya. Hindi naman siya nakangiti
pero may lumalabas ng ngipin sa gilid ng labi niya. Parang... fangs?
"Why?" naguguluhan kong sabi.
"Because I'm a vampire."
"Totoo ba talaga?"
Nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang malamig niyang mukha. Iyong mga pupil niya pala
ang parang nagliliyab.
"Aren't you afraid?" He asked.
Ngumiti lang ako. Bakit naman ako matatakot? I trust him enough na hindi niya ako
sasaktan. Siya pa nga ang may gustong protektahan ako, 'di ba?
"I'm not afraid of you," deretso kong sabi sa kanya.
"Ingrid, dahil alam mo na ang tungkol sa amin, kailangan mo nang umalis sa siyudad
namin."
Napakunot naman ako ng noo. "Bakit? Dahil alam ko na?"
"Natatakot ako na kapag nalaman nila na tao ka..."
"Iinumin ba nila dugo ko?" tanong ko.
"No. I won't let that happen."
Na-flattered naman ako.
"Hansel, please let me stay here. Ayokong bumalik sa amin. Hindi pa ako ready."
nagmamakaawa kong sabi.
"Hindi ka ligtas dito, Ingrid." He touched my cheeks with his cold hands.
"Nand'yan ka naman. You'll protect me, right?" sabi ko.
Tawagin na akong "assuming" pero alam kong poprotektahan ako ni Hansel.
"I'll protect you no matter what." Nagkatitigan lang kami.
Nararamdmaan kong parang nagwawala ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog niyon.
Bakit ba ang lakas ng heartbeat ko? At saka, kinikilig ako! Waahh! Heto na ba 'yon?

"You're blushing, Ingrid." amused niyang sabi.


Napahawak naman ako sa pisngi ko.
"May isa pa akong aaminin sa'yo Ingrid."
Isinuot niya ang shades niya at hinila niya ako papunta sa ilalim ng puno.
"Ano pa 'yon?"
"Ingrid... I... I... I feel something for you."
"Huh?"
"Kasi ano-"
Hinintay ko siyang magsalita. He looks like he was choking. It seemed like he
wanted to say something pero hindi niya masabi.
"Ingrid, sa palagay ko, mahal na kita."
#

Chapter 10 - He Loves me. He's a vampire

Chapter 10
HE'S a vampire. He's a freaking vampire and he loves me. Malinaw na malinaw kong
narinig mula sa kanya. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ko ang mga sinabi niya.
Unang-una, I never thought that vampires exist. Akala ko sa libro ko lang ito
nababasa. At pangalawa, may gusto siya sa akin. Sa dinami-rami ng lalaking
magkakagusto sa akin, isa pang bampira.
Kaya pala ang weird ng mga pagkain na nakikita ko dito sa city nila. Akala ko pa
naman mahilig sila sa strawberry flavor. Iyon pala kasi blood flavored ang mga
drinks nila at food. Mabuti na lang at hindi ako bumili.
Ang sabi niya ay mabubuting bampira raw sila. Desiplinado raw ang mga nasasakupan
niya at hindi ito pumapatay ng tao para lang makainom ng dugo.
Kaya pala gabi lang sila lumalabas. Kaya pala ang lamig niya, pati ng lugar nila.
It also gives me creeps kapag naalala ko na pagala-gala lang ako sa lugar nila na
vampire's den pala. Paano na lang pala kung nabisto nila ako? Naku, baka matrigger
ko ang human blood diet nila.
Mabuti na lang at si Hansel at Erina lang ang nakaalam na tao ako. Ah, pati pala
sina Cris at Tom na hindi ko pa nakikilala. Iyon din pala ang rason kaya pinasuot
sa akin ni Erina ang kuwintas.
"So how old are you?" I asked him.
Nandito kami ngayon sa balkonahe ng penthouse, magkatabing nakaupo sa swing.
"Hundred and fifthy?" Parang hindi sure na sabi niya.
"Whoa! Child abuse ka pala sa akin. You're a hundred and thirty two older that
me." I said joking.
Ngumiti lang siya sa akin.
"Grabe, ang tagal-tagal mo ng nabubuhay sa mundo. Hindi ba kayo tuma-tanda?" tanong
ko pa sa kanya. Sobra kasi akong nacu-curious sa lahi nila.
"We can live a thousand years or more than that. But our body is ageless. Ang
pinakamatandang appearance na kaya naming ma-attain ay kagaya ng mga thirty year
old mortal, hanggang doon lang 'yon. Just like me, I look like a twenty-one year
old man at matagal pa bago ko maabot ang maturity ng aking appearance."
Napanganga lang ako sa sinabi niya. Wow. Ang unfair para sa mga kagaya namin na
ayaw tumanda. Ang dami kong kilala na takot tumanda dahil ayaw magkaro'n ng
wrinkles. Kaya pala ang gaganda ng mga tao-I mean bampira rito.
Kung ganoon, hindi ko hallucination no'ng nakita kong may pangil si Hansel at
Drake. Ibig sabihin bampira rin si Drake. Kaya pala ipinapalayo niya ako sa kanya
dahil gusto niya lang talaga akong protektahan.
* * *
Hansel's POV
"KUYA." tawag sa akin ni Erina.
Nandito ko sa living room nagbabasa ng libro kung paano manligaw sa babae. Ang
hirap pala ng ganito. Ang daming do's and don'ts
"Why are you here Erina?" I asked without looking. Mayado akong hooked dito sa
binabasa ko.
"May kailangan kang malaman, Kuya. About Ate Ingrid," she said in such a serious
tone so I closed the book and stared at her.
"What about her?" curious kong tanong.
"Ate Ingrid is the chosen one. Napunta siya sa dito sa Vampire City because she
has a purpose. Hindi lang siya aksidenteng napadpad dito dahil siya ay ang
nakatakda. She's bound to conceive a damphyr."
Napatulala lang ako sa sinabi ni Erina. Ang bilis niyang magsalita. Para ngang
hindi ko nasundan iyong mga sinabi niya.
"Damphyr," sabi ko.
"Yes," she said.
"So tama ang hinala ko." I once asked her kung bakit siya napadpad sa Vampire City
and she said through a map she downloaded on the internet. I have this feeling na
tadhana ang naghatid sa kanya dito. Because no mortal can enter our City. As in, no
one.
"Alam mo rin ang tungkol dito, Kuya?" she asked.
"Yes. It was the legend of our kind. Damphyr should be a Son of a King and a
female mortal. Iyan ang alam ko."
Napatakip ng bibig si Erina.
"And it has to be you. You are the crown prince that the prophecy is talking about.
Kyaah! Nakakakilig naman. Pinagtagpo talaga kayo ni Ate Ingrid," sabi pa nito.
"Yes." Nakangiti kong sabi.
"Ano'ng ang ngini-ngiti-ngiti mo diyan, Kuya?" nagtatakang tanong niya.
I just grinned. Mukhang nabasa naman niya ang iniisip ko that's why she gasped.
"Oh, God. You love her?!" hindii niya makapaniwalang sabi.
"What's wrong with loving her?" I asked.
"Wala naman. Eh, kasi lagi mo siyang kaaway kaya akala ko mahihirapan ako na
kumbinsihan kang siya dapat pakasalan mo kasi siya nakatadhana sa'yo. Eh, wala na
pa lang problema. Ang kailangan na lang ay ang magtapat ka sa kanya na mahal mo
siya at kung anong klaseng nilalang ka." Sabi niya kaya napangiti na naman ako.
"Waah! Sinabi mo na rin sa kanya? Kuya, ako 'ata ang nasusurpresa sa'yo, eh!" Sabi
niyang nagtatampo.
"Ikaw talaga."
"Eh, Kuya, kailangang sabihin na natin kina Daddy lalo na't nagkaroon siya ng
vision," sabi niya sa akin.
"Oo. 'Yon talaga ang balak ko. Bago mag-eclipse, sasabihin ko kay Mommy at Daddy."
Sa Saturday na ang eclipse kaya bale may limang araw pa ako para ipakilala siya sa
pamilya ko.
* * *
Ingrid's POV
NASA classroom kami ni Hansel nagkukuwentuhan nang pumasok ang professor. Ngayon na
alam ko na kung anong klaseng nilalalang ang mga kasama ko, medyo natatakot ako.
Aba, malay ko ba kung mawalan ng bisa itong kwintas ko tapos biglang- ugh! Hindi
dapat ako nag-iisip ng mga bad thoughts.
"Bakit namumutla ka?" bulong sa akin ni Hansel.
"H-ha? W-wala 'to," sabi ko lang.
"Huwag kang mag-alala. Ako'ng bahala sa'yo."
He gave me his ever-loving smile at hinawakan ang kamay ko saka niya ito pinisil. I
smiled back at him. He's giving me weird feelings inside me. Para bang nagpa-
palpitate ang puso ko. Hindi naman siguro ako magkakasakit ng puso, 'no?
Nasa kalagitnaan ng lesson ang professor namin nang ipinatawag siya kasi raw may
emergency meeting. Kaya kami naman-well sila pala ay nag-iingay. Ako, tahimik lang.
Lumabas kasi sandali si Hansel.
Make friends. Iyan ang nasa isip ko. Pero nahihiya ako. Knowing na hindi ko sila
kauri, 'di ba? Parang feeling ko ano mang oras ay mabubuko nila ako. Sana kasi
classmate ko na lang si Erina para atleast may ka-close ako dito bukod kay Hansel.
Speaking of her, hindi ko pa siya nakikita ever since no'ng tournament. Feeling ko
naman, alam na niyang alam ko na ang tungkol sakanila.
"Are you alright?" Hindi ko napansin na nakabalik na pala si Hansel.
"Ah. Yeah." Ngumiti ako nang pilit.
"Busy ngayon ang mga prof, eh. Malapit na kasi ang eclipse," paliwanag niya sa
akin.
"Ano ang ibig sabihin no'n?" tanong ko sa kanya.
"'Yon ang time na nag-iipon kami ng lakas at nagbibigay ng offering." Sabi niya.
Napalunok naman ako. Ano kaya ino-offer nila? Tao kaya? Oh, my! Baka ako ang io-
offer nila!
"A-ano ba'ng ino-offer sa Eclipse?" tanong ko.
"You wouldn't want to know, babe." He said.
Oo nga naman. Ignorance is a bliss, right?
* * *
"SAAN ba tayo pupunta Hansel?" tanong ko sa kanya.
After n klase ay pinasakay niya ako sa kotse niya at ngayon ay nagda-drive siya at
parang palabas na kami ng City.
"To your parents," tipid niyang sagot dahilan para mamilog ang mga mata ko.
"H-hoy! Ibabalik mo na ba ako? At saka anong oras na ba? Alas-kuwatro pa lang ng
umaga, oh. Malamang tulog pa 'yon!" I said rattling. Pakiramdam ko lalabas na ang
puso ko sa sobrang kaba.
"Relax. Hindi naman tayo magpapakita." Ginagap niya ang kamay ko na nasa lap ko.
"I'm nervous," pag-amin ko.
"I know."
Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Kumusta na kaya sila Mommy
at Daddy? Baka itinakwil na nila ko. Baka kinalimutan na nila ako bilang anak. O
baka naman, sobra silang nasusuklam sa akin at isang suwail na anak ang tingin nila
sa akin.
Nanibago ako nang makita ko ang siyudad namin. Ang daming ilaw kahit madaling araw.
May mga tao na sa ganitong oras.
"Saan ka ba nakatira?" tanong niya.
Medyo tumataas na ang araw. It was almost five AM na kasi.
"Malapit na rin naman. Ituturo ko na lang," sabi ko. Tumango siya. Mga ilang
minuto pa. "Pasok ka diyan sa malaking gate, diyan ang subdivision namin."
Liliko na sana siya nang makita naming may mga naka-paskil na papel sa poste.
Ingrid Marie Sy. Missing.
"Hinahanap ka pala ng parents mo, eh."
"Yeah. At may reward pang two million kung sino ang makakahanap sa akin. They're
very much desperate."
Siguro desperado silang mahanap ako para maipakasal na ako sa Boris na iyon. No
way!
"Bumalik na tayo. At saka, maliwanag na. Makikita nila tayo," pakiusap ko kay
Hansel.
"Nandito na tayo. Huwag kang matakot. Ako'ng bakala sa'yo."
Papasok na kami sa loob ng subdivision nang ma-realize kong sobrang strict pala ang
mga guwardiya dito. Hindi ka makakapasok kung wala kang pahintulot sa resident.
"Ah, Hansel-" nagulat na lang ako nang derederetso kaming pumasok sa loob at hindi
man lang kami sinita ng mga guwardiya.
Nagtatakang hinarap ko siya.
"What did you do?" I asked.
"Nothing. I just controlled their mind and-"
"You can do that?!" hindi ko makapaniwalang sabi.
"Yeah. Well, it's just my passive ability so bihira ko lang siya gamitin." Kibit
balita niya.
"Ginamitan mo ba ako niyan?" I said narrowing my eyes at him.
"Of course not. Almost, but I didn't do it." Nakangiti niyang sabi.
I can't believe na may kakayanan siyang gano'n. I wonder kung ano pa ang kaya
niyang gawin.
"Alin ang bahay niyo dito?" tanong niya.
"'Yon!" Itinuro ko ang may pinakamataas na bakod at gate.
"Whoa! That was like a mansion to me," he said.
"Yeah. A prison," sabi ko lang.
"Come."
"Ha? Saan? Baka makita nila tayo," I said nervously.
"Don't worry, they won't."
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Inabot ko naman 'yon. Bigla na lang na
para akong dinala ng hangin papunta sa kung saan at nakita ko na lang sarili ko
wala na sa kotse kundi nasa isang mataas na puno sa harap ng bahay namin.
"Waah! Paano ako nakapunta dito?" Nagpapanic kong sabi. Isa rin ba 'to sa mga
abilities niya?
"Sshh! Huwag ka ngang sumigaw. Maririnig tayo sa baba."
Itinuro niya sa baba ng puno ang mga bodyguard nina Daddy.
"Ikaw naman kasi, eh! Pero in all fairness, ah. Ang galing parang nag-teleport
lang tayo."
"Vampires can teleport. And my active strength is speed." Sabi niya.
"Okay."
Nagtago lang kami ni Hansel sa mataas na puno. Nakikita namin sa loob ng mansion
namin kasi seventy-five percent glass iyon.
"Look! Daddy is already up."
Itinuro ko ang Daddy ko na nasa sala at halatang bagong gising. Naka pantulog pa
siyang damit. Nakita ko naman na nilapitan siya ng maid, tapos umalis din.
"Ang lungkot ng Daddy mo," sabi ni Hansel.
Napatingin naman ako kay Hansel. Nakokonsiyensiya tuloy ako. Kita ko naman sa mukha
ni Daddy ang pagiging authority figure niya. But his eyes were so sad.
"Daddy, I miss you." bulong ko.
Hindi nagtagal nakita kong lumabas si Mommy. Hindi kagaya kay Dad, nakapang-alis na
damit si Mommy.
"Gusto mo bang marinig ang pinag-uusapan nila?" tanong ni Hansel. Napatango lang
ako sa kanya bilang tugon.
"Just hold my hand and you will hear their conversation." napatango naman ako. Ang
before I knew it, naririnig ko na ang boses nina Mommy at Daddy.
"Why are you dressed like that? It's too early to go to your shop," I heard Dad
told my Mom in a cold voice.
"I'm going to find my daughter, Ington." Mommy said.
"'Di ba pinag-usapan na natin 'to, Rida? Naglabas ako ng pera para ang awtoridad
na ang maghanap sa anak mong suwail!" Daddy said without any emotions.
"Anak natin, Ington! Anak natin!" Sigaw ni Mommy.
"She stopped being my daughter the moment she didn't show up at that wedding!"
Galit din na sabi ni Daddy.
"How could you, Ington? You're the one to blame! You forced your only daughter to
marry Boris! We both know he's just after our fortune!"
Dinuro ni Mommy si Daddy. Wala akong ibang nagawa kundi ang maluha. They were
quarelling because of me.
"Wala akong pakialam! 'Yong ginawa ko, it's for her own good. Para kapag wala na
tayo at ease ako na nasa mabuting kalagayan siya. Boris loves her! Sisihin mo ang
suwail mong anak! Sarili lang ang iniisip!"
"All her life sinunod ka niya, Ington! Kahit alam kong 'di siya masaya sinunod ka
niya. Lumayas siya at hind sumipot sa kasal kasi siguro na-realize niya na the
moment na matali siya kay Boris, her life will be over!"
Nabitawan ko ang kamay ni Hansel. Hindi ko na kinaya ang mga narinig ko. Masakit.
Nasasaktan akong malaman na tama iyong iniisip kong suwail na anak ang turing sa
akin ni Daddy.
Hindi umimik si Hansel at hinayaan niya akong umiyak habang nakasubsob sa dibdib
niya.
"H-hansel.. Ang.. Ang sak-kit! 'D-di a-ko m-mahal ni Daddy!" Umiiyak ako habang
nakayakap siya sa akin.
"Shh. It's okay. Nasasabi lang 'yan ng Daddy mo dahil galit pa siya sa'yo. He'll
forgive you in his own time. Huwag ka nang umiyak."
Gumaan naman ang pakiramadam ko dahil sa sinabi niya. He's right, galit pa si Daddy
sa akin kaya niya 'yon nasabi. And I can't blame him dahil alam kong napahiya siya
sa mga kaibigan niya. Alam kong darating din ang panahon na mapapatawad niya ako.
Masaya na akong makita sila ni Mommy at Daddy.
"I'm such a cry baby." Sabi ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.
"I don't want to see you crying," Pinunasan niya pisnge ko.
"I'm okay. I'm just sad because I know they are arguing because of me." sabi ko.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinilit na ngumiti.
"You are now my strength at the same time my weakness, Ingrid. And it pains me to
see you crying," seryoso niyang sabi sa akin. I can feel my heart beating
erratically. Hansel has the power to make my internal organs somersault.
"Promise, I won't cry again." I said smiling.
"Good."

Chapter 11 - Her warmth

Chapter 11
Hansel's POV
I CAN'T bear to see her cry. Pakiramdam ko nanghihina ako, physically and
emotionally. This was entirely my fault. Hindi ko na dapat siya pinilit na makita
ang parents niya. Nasasaktan tuloy siya.
Umalis kami sa subdivision nila at napagdesisyunan kong mamasyal muna kami bago
kami bumalik sa vampire city. Una naming pinuntahan at ang simbahan. Mag-isa siyang
pumasok sa loob dahil hindi naman ako puwedeng do'n. It was one of our weaknesses.
Our immortality and power will be gone if we enter a church. May mga ibang vampira
nagpapabasbas sa pari para maging tao.
I have waited for her outside the church. Sa harap ng simbahan ay isang park at may
mangilan-ilan na namamasyal. Karamihan ay pamilya.
I envy these people. They have experienced a normal happy life. My family raised me
to be a strong and cold. When my grandfather was still alive, he always told me to
set aside emotions because it will be our downfall. I am the future King of our
kind and this burden inside me keeps on growing. I don't have doubts about myself,
it's just sad that I didn't experience a happy life. But I know a lot has change
when I welcomed Ingrid in my life. She has now the big part of me and I am not
afraid to give everything away just to be with her.
A man selling a balloons walked passed me and I called him to buy the entire
balloon. I don't know how to court but I hope Ingrid would appreciate this.
Lumabas siyang simbahan with a smile on her face. Her warm smile makes my heart
melt. Prophecy or not, I know she's only for me.
"Para sa akin na 'yan?" masaya niyang sabi nang makita niya ang mga hawak kong
balloon.
"Yes. Do you like it?"
"I love it!" she exclaimed and I've never been so happy. Itinali ko sa pulupulsuhan
niya ang string ng balloons at nagsimula kaming maglakad.
Tumakbo naman siya at hinila niya ako pumunta sa isang vendor na nagtitinda ng
parang sapot. It has different varieties of color and it was weaved in a stick.
"Cotton candy ang tawag dito," she said to me. Inabot sa kanya ng lalaki ang cotton
candy na sinasabi niya. She fished her hands on her pocket when her eyes widened.
"May problema ba?" nag-aalala kong tanon sa kanya.
"Nakalimutan kong magdala ng pera," she said pouting and her face was flushed with
embarrassment. Halos matawa ako sa mukha niya. God, she's cute.
"Don't worry about it," binigyan ko ng pera ang tindero.
"Thank you," then she giggled.
Nauna siyang naglakad sa akin at tiningnan ko lang siya. Wala sa sarili na
napahawak ako sa dibdib ko. Malala na ako. I've never thought that I am capable to
love a girl like this.
Naupo siya sa bench na nalililiman ng kahoy. Tumabi ako sa kanya habang siya ay
nag-e-enjoy sa cotton candy niya.
"Ate, Kuya, PDA po kayo!" Sabay kaming napalingon sa nagsalitang bata. Nak ng!
Kailan pa 'yan diyan?
"Magkasama lang kami. Hindi 'yon PDA," sabi ni Ingrid.
"PDA 'yon! Bad kayo!" Nanduro pa siya na parang nambibintang.
"Hoy! Tumigil kang bata ka!" pagalit kong sabi sa kanya.
"Hansel, huwag mong patulan ang bata," mahinang sabi ni Ingrid. I hissed.
"Boypren mo ba siya, Ate? Napakawalang-kuwenta naman niya!" Walang kagatol-gatol
na sabi ng bata.
"Anong-"
"Mabait 'yan. Ibinili niya nga ako ng balloon, eh," nakangiting sabi ni Ingrid at
saka ibinida ang mga balloon na nakatali sa braso niya.
"'Di siya sweet na boypren! Balloon lang? Ang cheap mo, Kuya, ah!"
GRR! Sino ba'ng bata na 'to at kung makapagsalita akala mo kung sino. Nakakaubos ng
pasensiya.
"Ano ka ba, bata. Hindi ko siya boyfriend. Nanliligaw pa lang," nakangiting
paliwanag niya sa bata.
Tsk. Bakit niya ba kinakausap 'yan? Napaka walang-modo.
"Nanliligaw ka pala bakit hindi mo man lang bigyan ng bulaklak si Ate?"
"Ha?
"Oh, 'eto! Tatlo-isandaan! Bilhin mo na para sagutin ka na ni Ate!"
Inabot niya ang tatlong pulang rosas sa akin. Wala naman akong nagawa kundi kumuha
ng pera saka iniabot sa bata. Mandurugas, eh! Buwisit! Ngingiti-ngiting umalis ito
habang nagbibilang ng benta niya. Ilan kaya ang nauto ng batang 'yon? Kaasar!
"Ang kulit ng batang 'yon," tumatawang sabi ni Ingrid.
"Uhh, 'eto pala para sa'yo," nahihiyang sabi ko.
Tumawa naman siya nang malakas.
"Ang isang masungit na bampira, binibigyan ako ng bulaklak," she said smiling
mischievously.
"'Di ba gano'n ang ginagawa ng manliligaw?" naiilang na sabi ko. Ang mga ngiti
niya parang nang-aasar.
"Nanliligaw ka pala?" pang-aasar niya.
"Hindi ba?"
What the hell? Ako lang ba ang aware na nanliligaw ako? Tsk!
"Akala ko kasi mahal mo lang ako pero hindi ka naman nanliligaw," sabi niya.
Napasimangot naman ako.
"Kapag mahal mo ang tao, 'di ba dapat nililigawan mo?"
Parang tanga pala ako! Hindi niya pala alam na nanliligaw na ako!
How stupid Hansel!
"Oo." Hindi maalis-alis ang mapanglarong ngiti sa mga labi niya.
"'Yon naman pala, eh, kaya nanliligaw ako! Akala ko ba alam mo? 'Di ba, nagpaalam
ako sa'yo? Pumayag ka nga eh!" naiinis kong sabi.
"Hahaha. Joke lang. Inaasar lang naman kita, eh. Ikaw naman."
Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwang.
"Tsk. Pasalamat ka, mahal kita.," bulong ko.
"Ha? Ano 'yon?"
"Wala!"
* * *
Ingrid's POV
HAPON na nang makabalik kami ni Hansel sa vampire city. Hinatid niya ako dito sa
penthouse at siya naman ay pumunta sa palasyo. Nasa kuwarto lang ako nang marinig
ko ang boses ni Erina. Agad akog bumangon dahil ilang araw ko rin siyang hindi
nakita. Nami-miss ko na ang kakulitan niya.
"Kumusta ka na, Ate?"
Natigilan naman ako sa tanong niya. Parang ang daming laman ng tanong niya. Kumusta
na ako after ng mga natuklasan ko o kumusta na ang nararamdaman ko kay Hansel.
"Okay lang naman ako," Sabi ko na lang,
"Masyadong pinag-isipan ang sagot, ah." Nakangiti siya ng makahulugan.
"Mabuti naman at nandito ka. May itatanong sana ako sa'yo," sabi ko sa kanya.
"Ano ba 'yon?" sumampa siya sa kama ko at nagtabi kaming nahiga.
"P-paano mo ba malalaman kung in love ka na?" nahihiya kong tanong.
Napabangon naman siya at tiningnan ako.
"Oh gosh. In love ka na ba kay Kuya?" gulat na gulat niyang sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Paano naman napunta doon ang usapan?
"Nagtatanong ako kung paano mo malalaman na in love ka. Wala akong sinasabing in
love ako kay Hansel," defensive kong sabi.
"Hahaha. Iba ang nababasa ko sa isip mo, eh," Pang-aasar niya. Napasimangot ako.
Oo nga pala at nabanggit sa akin ni Hansel na may kakayanan si Erina na magbasa ng
iniisip ng tao at ng bampira.
"Huwag mo ngang babasahin kung ano ang iniisip ko," kunwaring pagalit na sabi ko.
"Joke lang naman, Ate. Ikaw talaga."
"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko."
"Hindi ko alam, eh. Hindi pa naman kasi ako na in love."
"Gano'n?" malungkot kong sabi.
"Pero, nakakita na ako ng mga vampires na tulad namin ang na in love. Kaya
masasabi ko na may alam ako nang kaunti."
"Talaga? So ano 'yon?" masaya kong tanong.
"Una, kapag magkasama kayo, you feel a something spark. Not a literall spark, ah.
'Yon bang kapag kasama mo siya, feeling mo perfect chemistry kayo. Nagkakasundo
kayo sa lahat ng bagay."
Napaisip naman ako. Spark? Meron ba kami niyon? Parang wala. Pero lately parang
nafi-feel ko 'yon lalo na't nililigawan niya ako. Kahit naman ang sama-sama ng
trato niya sa akin noon, nagbago naman siya, 'di ba?
"Second, when you trust him enough. You accept him for who he is."
Of course I accept him for who he is. He's not human. But I trust him. Sobra ang
tiwala ko sa kanya. At tanggap ko siya. I'm not even scared even though I know for
a fact that he's a vampire.
"Third, you're jealous when someone is so close to him. You feel like you want rip
the head of that bitch and send her to hell where she belongs."
Oh. I'm not jealous. There's nothing to be jealous about. 'Di ba?
"Fourth, kapag kinikilig ka. Kapag kinakabahan ka kapag malapit siya sa'yo. 'Yon
bang hindi nawawala ang drums and hammers sa puso mo."
Drums and hammers? 'Yon ang lagi kong nararamdaman 'pag kasama ko siya. Para bang
may mga butterflies sa tiyan ko. Tapos feeling ko anytime mada-diagnose na ako ng
may sakit sa puso. Lagi na lang kasing ang lakas ng heartbeat ko.
"Fifth, and last. Isang tao o vampire lang ang naiisip mo sa mga apat na sinabi ko
sa'yo," sabi niya at nakangiti ng makahulgan.
Isang tao o vampire ang naiisip. Si Hansel lang ang naiisip ko sa lahat ng
nabanggit niya. Ibig sabihin ba niyon...
"I guess it answers your questions, Ate?" Erina smile mischievously.
"I'm inlove?"
My heart suddenly stopped. I feel like may butterflies na lumilipad lipad sa tiyan
ko at may tumatakbong daga sa dibdib ko.
"I guess you are, Ate," Masaya niyang sabi.
"I guess I am in love..." I sigh heavily. "With Hansel."
d

Chapter 12 - The Sanguinarians

Chapter 12
Third Person POV
NAPATIIMBANAG ang pinuno ng mga Sanguinarian nang makumpirma ang hinala niya.
Matagal na niyang nararamdaman na may mortal na nakapasok sa vampire city pero
bigla na lamang nawala ang bango nito.
Hindi siya tanga para hindi malaman na ang mortal ay ang nakasulat sa propesiya.
Alam niya ang tungkol do'n. At hindi siya papayag na matupad 'yon. Ang pagkakaroon
ng isang damphyr sa isang kaharian, ibig sabihin ay mas lalakas ang kapangyarihan
nito. At 'yon ang dapat niyang pigilan. Hindi na siya papayag na isang Kang na
naman ang mamuno sa mundo nila. Oras na para ang mga Sanguinarian naman ang mamuno.
"Maghanda kayo. Kukunin natin ang babae sa eclipse." Wika ni Devant Drian sa
kanyang mga tagasunod.
"Masusunod, Master Devant."
"Na saan ang anak ko?" tanong nito habang nakatanaw sa labas ng kanyang
nasasakupan.
"Nasa West po, Master." Nakayukong sagot ng isa.
"Mabuti. Alam ko naman na hindi niya ako bibiguin."
* * *
Ingrid's POV
WALA si Hansel sa penthouse pero iniwan niya ako ng mga babasahin. Sinabi ko kasi
sa kanya noong isang na gusto kong pag-aralan ang history nila kaya may mga binigay
siyang libro sa akin. Maghapon daw siyang mawawala dahil busy siya sa preparations
para sa eclipse.
I started reading the books. Feeling ko nagbabasa ako ng fictions.
Vampire City is a monarch ruled by a King and Queen. The kingdom is located at the
West part of the City. However, the city is devided into four. The West or downtown
where most of the vampire resides. North, which is also known as the vampire
province. It was ruled by a Priminister, commonly a family member of the royal
family. The East part is part of West where most of Elites and Aristocrat vampire
resides. And lastly, the South part, where the Sanguinarian resides.
Natigil ako sa pagbabasa nang mabasa ko ang Sanguinarian. Saan ko ba narinig ang
salitang 'yon? Ah! Minsan na 'yon nabanggit ni Erina, eh. I wish Hansel was here so
he could explain it to me.
It was seven in the evening when I went to Plaza. Sobra na kasing nakakabagot sa
penthouse lalo na't wala naman akong makausap. Nadatnan kong may mini concert na
naman sa plaza. Naalala ko tuloy si Drake. Saan na kaya 'yon?
Last ko siyang nakita noong tournament. Minsan naiisip ko kung nagbibiro lang ba
siya doon sa sinabi niya. Sana nga joke lang 'yon.
"Ingrid..."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Speaking of Drake. Heto siya ngayon sa harap ko.
Wearing his rider attire-black leather jacket, skinny jeans and black boots.
"Drake! Long time no see," nakangiti kong salubong sa kanya. Ngumiti rin siya pero
ramdam kong pilit lamang ito.
"Napadaan lang ako. Hindi ko nga alam na nandito ka."
Tumabi siya sa akin. Pareho kaming nanonood ng concert. Ito rin ang dating puwesto
namin no'ng una kaming nagkita.
"Kumusta ka na pala?" tanong ko.
"Okay lang naman ako," matipid niyang sabi.
Ni hindi man lang siya tumingin sa akin. Nakangiti nga siya pero parang hindi naman
genuine. Parang pinipilit lang niya.
"Galit ka ba sa akin, Drake?" Tumingin ako sa mukha niya.
"Of couse not. Why would I?" He said with a fake smile.
"Eh kasi..." Eh kasi, 'di kita no'n pinaniwalaan no'n. "Wala. Ikaw kasi
napakaseryoso mo," sabi ko na lang.
"'Eto ba ang seryoso?" ngumiti siya nang pilit.
"Bakit pilit?"
"'Di 'to pilit, 'no. Masaya nga ako at nakita kita dito."
"Talaga? Ako rin," pag-amin ko sa kanya.
"So, nakatira ka pa ba sa Prinsipe?" tanong niya.
"Oo. At saka alam mo ba..."
Napaisip ako. Kailangan ko bang sabihin sa kanya na alam ko na kung anong klaseng
nilalang sila?
"Ano 'yon?"
"Drake, alam ko nang isa kayong bampira," I whispered to him.
"Sinabi na pala sa'yo ni Hansel. Tanggap mo ba kami?"
"Siyempre naman." Napangiti si Drake sa sinabi ko.
"Mabuti kung gano'n," Tipid na naman niyang sabi.
"Nililigawan din ako ni Hansel," kuwento ko sa kanya.
Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha niya. His face darkened and his jaw
tightens. Tapos bigla na lang siyang ngumiti sa akin.
"T-talaga? M-masaya ko para sa inyo."
* * *
Drake's POV
HINDI ko alam ang mararamdaman ko nang sabihin niyang nililigawan siya ni Hansel.
Pakiramdam ko may bombang sumabog sa harapan ko.
Hindi coincidence ang pagkikita namin. Kanina ko pa talaga siya hinahanap sa Plaza
at suwerte lang ako dahil hindi niya kasama si Hansel.
I was so eager to tell her how I feel before she dropped the news. Unang pagkikita
pa lang namin ay nagustuhan ko na siya. I thought it was just an ordinary crush
pero nang makita kong sobra niyang pinagkakatiwalaan si Hansel, alam kong higit pa
sa crush ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pero bakit ang bilis naman 'ata? Dati halos isumpa niya si Hansel tapos ngayon
nanliligaw na sa kanya? I should have made my move before. Pero hindi ko rin
masisisi si Hansel kung nagustuhan niya si Ingrid. Kasi kung ano man ang rason
niya, ay pareho lang kami.
"M-mahal mo ba siya?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
Halata naman sa mga mata niya. Nangingislap ang mga mata niya habang ikinukuwento
niya na nililigawan siya ni Hansel.
"No'ng una, crush ko siya. Akala ko hanggang doon lang 'yon. Pero na-realize ko
rin na mahal ko na siya. Hindi ko ma-explain. Basta nararamdaman ko na lang, eh."
Para akong masokista. I expected that answer pero nagawa ko pa ring itanong.
Masakit kaya. Parang may karayom na dahan-dahang tumutusok sa dibdib mo. Kahit
gusto mong bunutin ay hindi mo magawa. Mas lalo lang na lumalalim ang sugat.
"So kuwentuhan mo naman ako tungkol sa lahi niyo," sabi niya.
"Ano ba'ng ikukuwento ko sa'yo na 'di pa nasasabi ni Hansel?" Biro ko pero may
halong sarcasm 'yon.
"Eh? Hindi naman tungkol kay Hansel itatanong ko, eh. Tungkol sa'yo. I want to
know you more since we're friends." She said.
Oo nga naman. Tsk. Friends nga kayo 'di ba?
"Well, I'm hundred and fifty years old," panimula ko.
"Woah! Same as Hansel," amaze niyang sabi. Hansel na naman!
"And I'm a Damphyr." Nakita ko naman na napakunot-noo siya
"What's a Damphyr, Drake?"
"Half vampire-half human."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Really? Puwede pala 'yon?"
"Yup! My father hooked up with a mortal and my mother never knew that my father was
a vampire. She died after giving a birth."
Her face soften at parang naawa sa akin. Alam ko ang iniisip niya. Na kawawa ako
kasi hindi ko man lang nakita ang mother ko. It was kind very irresponsible for my
Dad kasi inanakan niya ang isang tao na alam niyang mamamatay.
"Ano naman pagkakaiba ng isang damphyr sa isang pure-blooded vampire?" tanong niya
pa.
"Well, unlike them, I can control my hunger for blood. I can eat human's food at
natutulog ako. Hindi rin ako takot sa araw.,"
"Wow! Ang galing naman," namamangha niyang sabi.
Ang dami-daming tanong sa akin ni Ingrid na agad ko namang sinasagot. Para bang
tuwang-tuwa siyang malaman ang mga tungkol sa amin. Kahit nga nakakainis kasi sa
bawat tanong niya, at sa bawat sagot ko, lagi niyang naco-compare si Hansel.
Habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Gusto ko man siyang agawin
kay Hansel ay hindi ko magawa. Hansel can protect her. At sa ngayon, ang kaligtasan
lang ni Ingrid ang gusto ko.
"Ingrid!"
Sabay kaming napalingon ni Ingrid sa tumawag sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa
akin. Parang ano mang oras pupugutan niya ako ng ulo.
She gasped. "Hansel..."

Chapter 13 - Jealous Prince

Chapter 13
Hansel's POV
KASAMA ko kanina sina Dad at Mom na nagpe-prepare para sa nalalapit na eclipse.
Inamin ko na rin sa kanila ang tungkol kay Ingrid. No'ng una ay nagulat sila kasi
totoo raw ang visions ni Daddy. At sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa prophecy.
Masaya sila na ako ang nakahanap kay Ingrid.
Nagpatulong din ako kina Erina, Cris, at Tom dahil gusto ko sanang mag-date kami ni
Ingrid. Handa na ang lahat kaya pumunta akong penthouse para sunduin siya. Pero
nagtaka ako kasi madilim sa loob. Wala ring ingay sa kuwarto niya.
"Saan kaya 'yon nagpunta?" I asked myself.
Lumabas akong penthouse at dumeretso ako sa front desk. Tinatanong ko ang
receptionist kung nakita niya si Ingrid.
"Lumabas po siya one hour ago, Prince Hansel." Sabi nito.
Baka pumunta siyang plaza. Wala naman siyang ibang pupuntahan dahil alam naman
niyang walang pasok.
Lumabas akong hotel at pinilit kong iniwasan ang mga vampirette na makakakita sa
akin. The last thing I wanted to happen ay paligiran ng mga vampirette. Ang
importante ay mahanap ko si Ingrid.
Lakad-takbo akong naghahanap sa kanya. Nasa dulo na ako ng plaza nang bilang
kumirot ang puso ko. Para akong tinusok sa dibdib sa nakita ko.
I saw Drake looking intently at Ingrid, while she was happily singing along with
the band. Nararamdaman kong may pagtingin din si Drake kay Ingrid. Biglang kong
naramdaman na gusto kong pumatay ng isang sanguinarian. Nakumos ko ang dalawa kong
kamay sa sobrang galit.
"Ingrid!" Malakas na tawag ko sa pangalan niya. Sabay pa silang napalingon.
Nakita kong namutla si Ingrid pagkakita niya sa akin. Si Drake naman ay napa-ismid
lang. Gago 'to. May panahon ka rin sa akin!
"Hansel..." Sabi niya na parang nakakita ng multo.
Tinalikuran ko siya. Hindi naman dapat ako magalit kay Ingrid, 'di ba? Hindi naman
siguro sinasadya ni Ingrid na kasama niya si Drake, 'di ba? Baka nagkataon lang na
magkasama sila.
"Hansel, wait!" I heard her call out my name pero dere-deretso lang ako.
"Uyy. H-Hansel wait la- AYYY!"
Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang sumigaw.
Nakita ko na lang na nakadapa siya sa lupa. Napatakbo ako sa kanya pero naunahan
ako ni Drake.
"Ingrid, are you okay?"
Itinayo niya si Ingrid at sabay kaming napatingin sa tuhod niya at may sugat sa
tuhod niya.
Shit. Blood!
Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.
"H-hansel.. A-anong g-ginagawa mo?" gulat niyang tanong/
"Hindi ka puwedeng magtagal dito," bulong ko.
Tinigtan ko muna nang masama si Drake at saka nag-teleport paalis sa lugar na 'yon.
Mabilis kaming nakapunta sa kuwarto niya sa penthouse.
"Ang bilis. Nandito agad tayo." Umupo siya sa kama.
Dinala ko agad siya dito kasi nakita ko ang mga kapwa kong nakakaamoy na ng dugo.
Immune ako sa dugo kaya ayos lang sa akin.
"Bakit ka ba kasi tumakbo?! 'Ayan tuloy, nagkasugat ka! Alam mo naman na 'di ka
puwedeng magkasugat dito. Maamoy ka nila!" Pagalit kong sabi sa kanya.
I saw her bite her lower lip. Naawa naman ako nang makita ko ang hitsura niya.
Mukha siyang nasasaktan dahil sa sugat niya.
"S-sorry Hansel. Hindi ko sinasadyang madapa kanina. Natisod kasi ako ng bato.
Pasensya na," Sabi niyang nakayuko.
Nilapitan ko siya at lumuhod sa harap niya at tiningnan ang sugat niya sa tuhod.
Medyo natuyo ang dugo sa gilid niyon.
"Lilinisan ko sugat mo."
Tumayo ako at lumabas sa kuwarto niya. Bumalik ako at may dala nang first aid kit.

* * *
Ingrid's POV
GINAGAMOT ngayon ni Hansel ang sugat ko sa tuhod. Nakakagat ko lang pang-ibabang
labi ko kapag medyo masakit na ang pagdampi ng cotton. Pero kanina nang makita ko
siya, sobra talaga akong natakot. Iyong kaba ko parang sasabog na. Alam niyo iyong
feeling na nahuli kayong nagloloko? Ganoon ang feeling ko nang mga oras na iyon.
Though alam ko naman sa sarili ko na 'di ako nanloloko. Nag-usap lang kami ni Drake
at masyado kong na-enjoy ang company niya. Pero siyempre, medyo guilty din ako kasi
ilang beses akong nangako kay Hansel na 'di ko na kakausapin si Drake.
"'Ayan. Okay na ba pakiramdam mo?" tanong niya.
May band aid na ang tuhod ko.
"Okay na. Salamat," Nakangiti kong sabi pero siya napakaseryoso niya.
"Just don't wear dress para 'di makita ang wound mo. Magtataka sila kapag
nakitang may sugat ka," He said in a very cold voice.
"Uhh, Hansel. 'Yong nakita mo kanina-"
"Magpahinga ka na. Alam ko pagod ka."
Tumalikod na siya at lumabas ng kuwarto ko.
Galit ba siya? Bakit 'di niya ipinapakita? Bakit biglang nanlamig siya sa akin?
Bakit gano'n niya ako pakitunguan?
Nalungkot lang ako sa mga iniisip ko. Baka nagbago na nararamdaman niya sa akin
kasi nakita niya akong kasama si Drake. Baka iniisip niya na taksil ako. Baka
iniisip niya na hindi pa nga niya ako girlfriend, nagagawa ko ng magtaksil sa
kanya.
Nahiga na lang ako sa kama ko. Noong kasama ko si Drake, masaya ako. Hindi siya
boring kausap at lahat ng tanong ko siasagot niya. Harmless naman siya kaya hindi
dapat ako ilayo ni Hansel kay Drake.
Tama! Iyon ang sasabihin ko kay Hansel. Mabait si Drake kaya walang dahilan para
ilayo niya ko sa kanya.
Dali-dali akong bumangon sa kama at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko si Hansel sa
living room at nag-i-scan ng mga channel sa TV.
"Hansel..." tawag ko sa kanya.
"I told you to get some rest," he said without looking at me.
"I just want to ask something." I said.
"What is it?"
"Uhh, bakit ayaw mong maging malapit ako kay Drake?" Napatingin siya sa akin dahil
sa tanong ko.
"What are you talking about? Has your wound affected your head? You're asking
nonsense," he said.
He was very irritated.
"Nagtatanong lang naman ako. Just answer my qeustion." I folded my arms over my
chest.
"Because I don't like him."
"'Yon lang?"
"Yeah."
"So I can be friends with him."
"NO!"
"Why?"
"Because I said so!"
"Di ako kontento sa sagot mo kaya 'di kita susundin! Unless you give me a valid
answer saka ko lang lalayuan si Drake!" Pagkasabi ko niyon ay umalis na ako sa
living room at pumasok na uli sa kuwarto ko.
"Ingrid, open the door!"
He was banging on my door.
"No!" sigaw ko.
"Open it or I will be the one to open it for you and you will not like it!" galit
niyang sabi sa kabilang pinto.
"I don't care! It's your door anyway! Nakikitira lang naman ako dito, 'di ba?!"
Biglang tumahimik sa labas. Medyo nakahinga ako nang maluwang. Naku! Subukan niya
lang na sirain ang pinto at aalis ako dito sa penthouse niya!
"Ingrid..."
"Ayy bampirang kabayo!!!" Nagulat na lang ako kay Hansel nang makita ko siya sa
bintana ng kuwarto ko. "Ano ba, Hansel! Papatayin mo ba ko sa gulat?!" galit kong
sabi.
"That was not my intention." Nagkibit balikat siya.
"Yeah, right!" Inirapan ko siya.
"I came here to tell you my reason I dont want you to be friends with with Drake."
"Yeah? So?"
"Uhh. Kasi... Kasi 'di ko siya gusto para sa'yo!" Napataas naman ang kilay ko sa
dahilan niya.
"'Yon lang? At sino ang gusto mo para sa 'kin?"
"Damn! Of course me! May iba pa ba? Gusto ko akin ka lang! Gusto ko ako lang
titingnan mo! Gusto ko, sa akin ka lang masaya! Gusto ko, ako lang, Ingrid! Ako
lang!"
Hindi ako nakapagsalita. Did I just sense some jealousy?
"You're jealous?!" Hindi ko makapaniwalang sabi.
Lihim lang akong napangiti. Sa maikling panahon kong nakasama si Hansel, ang dami
ko agad na nalalaman tungkol sa kanya. Alam ko kung paano siya magalit, mainis,
matawa, at ngayon magselos.
"No!"
"Yes, you are!"
"No, I'm not!"
"Yes, you're jealous!"
"How do you know?"
"Pft! It's obvious, Prince Hansel." I said teasingly.
"Don't tease me!"
"Hahaha. Jealous Prince!"
"You insolent girl. I should teach you a lesson!"
Bigla bigla na lang niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Sobrang lapit ng
katawan ko sa kanya at grabe lang! Bakit feeling ko, nasusunog katawan ko?
He was looking at me intently. Ang lapit ng mukha niya. Nakakaduling.
"Uhh, H-Hansel..." mahina kong sabi. Pilit kong inaalis sarili ko sa pagkakayapos
niya pero sobrang lakas niya.
"You're stuttering, sweetheart," he whispered near my ear, giving me millions of
goosebumps.
"Sweetheart-in mong mukha mo! Let go of me!"
"Hahaha. You're amusing." Bigla niya kong niyakap nang mahigpit at bumulong sa
tainga ko. "I love you."
"H-Hansel.."
"You know what? We should be on a date right now. But hugging you like this is way
better than dinner date."
Napatingin ako sa kanya. "Dinner date?" nagtatakang tanong ko.
"Yeah. So I think 'di na 'yon tuloy at mas pipiliin ko na lang na yakapin ka nang
ganito."
Hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin. Parang sasabog ang dibdib ko sa
nararamdaman ko. Mukhang ito ata ang ikakamatay ko, eh.

Chapter 14 - The Royal Family

Chapter 14
Drake's POV
NAKATINGIN ako sa kawalan nang biglang lumitaw ang aking ama.
"Ano'ng kailangan niyo?" sabi ko nang hindi man lang siya tinitingnan.
"Alam ko na ang secreto mo."
I saw him grinning.
"Anong secreto?!" kinakabahan kong tanong.
"Mahal mo ang babaeng 'yon!"
Nagulat ako. Hindi ko akalain na malalaman ng ama ko. Pero paano?
"I followed you. And I saw with my own eyes kung paano ka masaktan nang mas pinili
ng babae ang prinsipe." Napatiim-bagang ako nang maalala ko ang nangyari.
"Mahal niya ang prinsipe. Wala na akong magagawa do'n."
"Meron pa."
Napalingon ako sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"May plano ako."
* * *
Ingrid's POV
PAPUNTA kami ngayon sa palasyo nina Hansel. Grabe nakakakaba! Nanlalamig ang mga
kamay ko. Magustuhan kaya nila 'ko? Paano kung ayaw nila sa akin kasi tao ako? "Me
and Hansel against the vampire world" ang peg namin niyan. At hindi ko pinangarap
na magkaroon ng madramang love life.
"Ready?" tanong ni Hansel sa akin.
Nasa living room ako ng penthouse at kanina pa pabalik-balik naglalakad. Hindi ako
mapakali, eh. Kanina lang nang bigla niyang sabihin na ipapakilala niya ako sa
pamilya niya.
"I think so?" hindi sure na sabi ko.
"Don't worry, they will love you."
Napatingala ako pagpasok namin sa palasyo nila. Marami na akong napuntahan na
magagandang lugar pero ito na ang pinakamagara. Wala akong masabi. Iba ang
imagination ko tungkol sa palasyo nila. Iyon bang makaluma na at madilim. Pero iba
ito. Maliwanag siya at maraming antique vases at paintings.
"Ang ganda dito," bulong ko sa kanya.
"Wait until I tour you around," he said.
Napatango lang ako. Sabi niya ay ito ang bulwagan. Nakita kong may apat na upuan sa
pinakadulo nitong hall. Iyon ata ang trono nila. Bakit kaya nakahiwalay ng tirahan
si Hansel sa kanila? Ayaw niya ba dito?
Nakita ko si Erina na lumabas at may kasama siyang isang mestisa na babae. Nakasuot
ito ng mahabang gold like gown at may maliit na tiara sa ulo. Sa tabi naman niya ay
mestisong lalaki na kamukha ni Hansel. Sobrang kisig at halata sa mukha niya ang
pagiging makapangyarihan. Grabe ang babata nilang tignan. Kung titingnan, para
silang mga 30 years old lang.
"You must be Ingrid. What a beautiful girl." Niyakap ako ng babae at alam kong
siya ang Nanay nila Hansel. Nakaka-intimidate ang ganda niya.
"Nice to meet you po." Nagbow ako nang bahagya for respect.
"Ako ang Mommy ni Hansel. Queen Veruca. But you can call me 'mommy' since magiging
asawa ka na ng anak ko."
Natawa lang ako sa sinabi ng Mommy ni Hansel. Bakit ang advance nila mag-isip?
"Kayo po siguro ang daddy ni Hansel." Nagbow din ako.
"Yes. Don't call me 'king' hija. Tito Vladimir na lang. Or 'dad' for short."
Napapangiti lang ako sa kanila. Hindi mo aakalain na mga bampira ang kaharap mo. At
hindi ko rin lubos maisip na ang kaharap ko ay isang Hari at Reyna.
"And these are Cris and TOM. Sila 'yong ikinukuwento ko sa'yo before." Sabi ni
Hansel.
"Hi." I wave at them at ngumiti lang sila. Parehong matangkad ang dalawa. Medyo
may pagka pilyo-vibe si Cris at pormal naman si Tom. So ito ang mga bestfriends ni
Hansel.
Ramdam ko talaga na welcome ako sa pamilya ni Hansel kahit hindi nila ako ka-uri.
Sobrang dami nilang ikinukuwento sa akin at kadalasan ay tungkol kay Hansel. Sinabi
ko rin sa kanila kung paano ako napadpad dito at ang tungkol sa pamilya ko.
Ipinaghanda pa nila ako ng pagkain at sinaluhan ako kahit hindi sila kumakain.
After ng dinner ay sinimulan akong i-tour ni Hansel sa loob ng palasyo.
"This is the south wing. Nandito ang royal library." Pinasilip niya ako sa loob ng
library at sobra akong namangha. Sobra niyang laki at sobrang taas. First time kong
makakita ng ganito kalaking library.
Sunod naming pinuntahan ay ang portrait room. Ang daming paintings doon ng mga
dating Hari at Reyna na namuno. Mga ninuno nila.
"This is my grand-father," Itinuro niya sa painting na katabi lang ng family
portrait nila. Compared kay Hansel at kay King Vladimir, medyo nakakatakot ang
hitsura nito. Para bang napaka-istrikto
"Is he still alive?"
"Nope. Namatay siya sa Italy. Foul play of course. Hindi naman kami namamatay ng
basta-basta."
"Sino ang pumatay sa kanya?" pagtatanong ko pa.
"Hindi ko alam. Pero may rumor daw na baka pinatay ng dating Hari ang sarili niya
kasi pagod na ito."
"Pagod?" curious kong tanong.
"Oo. Minsan kasi, kapag nararamdaman na ng mga vampire na matagal na silang
nabubuhay at masyado nang mahaba ang pananatili nila dito sa mundo, ginugusto din
nilang mamahinga."
"Ikaw ba? Hindi ka pa ba napapagod? Matagal kana sa mundo, ah."
"No. My life is just about to start. And I will spend my forever with you."
Forever. Mabubuhay siya nang walang hanggan. Eh, ako? May limit ang buhay ko. Plus,
tatanda pa ko at mangungulobot ang balat ko. Papangit ako!
"Mamamatay ako Hansel. Kasi tao ako. Tatanda ako. Papangit ako kapag matanda na
ako. Kaya hindi mangyayari ang sinasabi mong forever," malungkot kong sabi.
"Bakit ba kasi iniisip mo ang hinaharap? Isipin mo ang ngayon. Let's enjoy every
moment." Hinaplos niya pisngi ko gamit ang dalawang daliri niya. Napatango naman
ako.
"Bakit ba kasi ako na-in love sa vampire?"
Agad na napatakip ako sa bibig. Huli na nang malaman ko kung ano ang nasabi ko sa
harap ni Hansel.
"Ano'ng sabi mo?" Sabi niyang nakangiti.
Halata sa ngiti niya ang sobrang amusement.
"Hehehe. Wala. Ikaw talaga." Tumalikod ako sa kanya para itago ang pamumula ng
mukha.
"Narinig ko, eh."
"Narinig mo pala. Bakit mo pa pinapaulit?" kunwaring naiinis na sabi ko.
"Gusto ko lang marinig ulit."
"Ayoko nga."
"Umamin ka na. Mahal mo na rin ako." pang-aasar niya.
"'Di ko na uulitin! Tutal alam mo na naman!"
"Bakit ka ba nagagalit? Kasi buking ka na?"
"H-hindi ah!"
"Hahaha. You're blushing, cupcake."
"Hmp!"
"Hahaha."
Nilibot pa namin ang palace kahit asar na ako. Kainis siya! Narinig naman pala, eh.
Bakit ba kasi nasabi ko 'iyon bigla? Eee! Ang bibig ko talaga!
N

Chapter 15 - Eclipse

Chapter 15
Ingrid's POV
NAIWAN ako dito sa kuwarto. Kanina ay nagpaalam sa akin si Hansel na aalis in
preparation daw para sa eclipse. At siyempre, hindi mawawala ang mga makukilit
niyang bilin.
Huwag daw akong lalabas ng penthouse. Huwag ko daw bubuksan ang pinto kapag may
kumatok kasi kung siya daw iyon, may sarili siyang susi. Kung puwede daw, manuod
lang ako ng TV.
I sulked on the couch while browsing the channel nang makita ko ang pagmumukha ni
Boris sa TV.
"Oh gosh. Boris is married?!" bulalas ko nang makita ko ang headline ng balita.
Ayon sa balita, kinasuhan ni Silvia Montez ang asawa na si Boris Montez dahil sa
pambababae nito at pamemeke ng lalaki ng kanyang civil status. Isa daw itong crook
na mahilig maghanap ng mayaman na maliligawan na magpapakilalang binata at
sasabihin na makikisosyo sa business at bago ang kasal, itatakas nito ang pera ng
nabiktima.
Pinakita naman si Daddy sa camera kaya kinabahan ako.
"My daughter Ingrid, I know Papa has been very hard on you since you were born. I
even force you to marry a man who's actually a crook and I am sorry for that.
Please forgive me and come home. Your mom and I misses you so much. Wherever you
are, I hope you are fine and safe. I love you, my daughter."
Pinatay ko ang TV at nakatulala lang sa screen. Totoo ba yung napanood ko? Hindi
kaya isang drama lamang iyon sa TV at pinagbibidahan ni Daddy?
Pero business man si Daddy, not an actor. Kung totoo ang napanood ko, then he
really misses me and wants me home. Oh shucks! What will I do? If I go back home,
what about Hansel? I love him and I don't want to stay away from him.
Papayag ba si Hansel na umuwi ako? ARGH! I'm torned! I can't decide! It's a choice
between your parents and the man you love. Susuwayin ko na naman ba sila?
Habang nag-iisip, bigla na lang humangin nang malakas sa living room. Huh?! Wala
namang bintana eh! Napapikit ako kasi iyong hangin ay parang may kasamang buhangin.
Nang humupa ang hangin, iminulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko nang
tumambad sa akin ang mga lalaking nakasuot ng black hoodie. Waah! What is
happening?!
"S-sino kayo?!" Nauutal kong sabi.
Natatakot na talaga ako. Parang pinagpapawisan nang malamig ang katawan ko.
"Nagkita rin tayo sa wakas, Ingrid." sabi ng baritonong boses. Swear! Nakakatakot
ang boses niya!
"A-ano'ng kailangan niyo sa akin?!" Napapikit ako nang mariin nang lumapit ang
lalaki at inamoy ang buhok ko.
Hansel, where are you? Piping dasal ko. Hansel, I need you!
"Marami. Marami akong kailangan sa'yo. Gusto mo bang isa-isahin ko para malaman
mo?" nanunuya pa nitong sabi sa akin. Kahit natatakot ako, nagawa ko pa ring
tumango.
Bigla na lang na hinawakan ako ng lalaki at sa isang iglap nasa ibang lugar na
kami.
* * *
Hansel's POV
MAGHAHATING gabi na at hinihintay na namin ang eclipse. Ilang minuto na lang at
tatanggap na naman kaming royal family ng malakas na kapangyarihan na may basbas ng
buong angkan. Magiging malakas na naman kami. Nakita kong nagbabasa ng ritual ang
mga elders. Naging isa na lang ang araw at buwan habang binibigkas nila ang ritual.
Ramdam ko ang lakas na sumasanib sa akin. Mas nararamdaman ko ang kapangyarihan na
taglay ng araw at buwan. Sabay-sabay kaming nagpugay sa nakatataas ng matapos ang
ritual. Dahil sa nag-uumapaw na kapangyarihan, pinagpahinga muna kami sa kanya-
kanyang silid sa palasyo.
Nakahiga na ako sa kama nang may marinig ako ang malakas na pagkatok sa pinto.
Binuksan ko ito at tumambad sa akin si Erina na puno ng pag-aalala ang mukha.
"Kuya! May nangyaring masama kay Ate Ingrid!"
* * *
Ingrid's POV
NASA lumang lugar kami at sa totoo lang, malayo ito kung ikukumpara sa palasyo nina
Hansel. Parang isang dungeon ang place. Malamig at madilim.
Kasalukuyang nkatali ang dalawa kong kamay sa isang upuan.
"Ano ba'ng kailangan n'yo sa 'kin?! Pakawalan n'yo 'ko!"
Nagpumiglas ako. Halos lumabas na ang esophagus ko kakasigaw.
Napapaligiran din ako ng maraming unidentified creature na nakasuot ng hoodie. May
pumasok naman na dalawang lalaki kaya kinabahan ako.
"Alam mo bang malayo pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang dugo mo?" nagtaasan
lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.
Shit! Kanina noong naligo ako, nakalimutan kong suotin uli ang kuwintas. How
reckless of me!
Kaya ba nila ko nahanap? Dahil sa amoy ko? Heto ba iyong sinasabi ni Hansel na
masasamang bampira?!
Ahhh! Help me, Hansel!
"Who are you? Pakawalan n'yo 'ko!"
Gasgas man pero uulitin ko pa rin ang linyang iyan hanggang sa pakawalan na nila
ako!
"Dad, hindi mo ito kailangang gawin!" narinig kong sabi ng isang pamiliar na
boses.
"Tumigil ka! 'Di ba, ito ang gusto mo? Ang makasama ang taong mahal mo?!" galit na
sabi ng k-um-idnap sa akin.
"Pero mali ito, Dad. Hindi sa ganitong paraan. Mas lalong 'di niya ako mamahalin!"

"Kahit kailan talaga, Drake! Utak-munggo ka!"


Natigilan ako at nagprocess pa sa utak ko nang marinig ko ang pangalan niya.
"Drake..." bulong ko.
Hindi ako makapaiwala. Bakit siya pa? Akala ko ba magkaibigan kami? Bigla na lang
tumulo ang mga luha ko. Si Drake na sobra kong pinagkakatiwalaan. Si Drake na
dahilan ng pag-aaway namin ni Hansel. Si Drake na ipinagtatanggol ko kay Hansel. Si
Drake na itinuring kong kaibigan kahit sa maiksing panahon ko pa lang nakilala.
"Drake, tulungan mo 'ko. Pakawalan mo 'ko dito. Please," naiiyak kong sabi.
Tuloy-tuloy na dumadaloy ang mga luha sa pisngi ko. Tumingin muna siya sa ama niya
at saka tumingin uli sa akin.
"I'm sorry, Ingrid."
Lumabas siya nang hindi man lang lumilingon. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
'Di ba, kaibigan ko siya? Bakit niya ginawa ito? Mas naluluha ako sa sitwasyon ko.
Nasasaktan ako sa ginawa ni Drake. Ito na ba ang katapusan ko? Mamamatay ba akong
hindi man lang nakakahingi ng tawad sa mga magulang ko?
"Bakit niyo ko k-in-idnap? Iinumin n'yo ba ang dugo ko?" natatakot kong sabi.
I feel so betrayed. Narinig ko naman na humalakhak ang ama ni Drake.
"Dugo mo?" tapos tumawa ito ng malakas "Sa totoo lang, no'ng una ay 'yon lang
talaga ang habol ko sa'yo. Pero nang malaman kong mahal ka ng anak ko, naisip kong
marami pala akong paggagamitan sa'yo."
Tumawa siya ulit. Hindi ako kumikibo. Tinignan ko lang siya nang masama. He is
crazy!
"Kapag mag-asawa na kayo ng anak ko at nagkaroon kayo damphyr, ako na ang magiging
makapangyarihang bampira! Matatalo ko na ang Kang family at ang Drians na ang
maghahari."
"At sa tingin niyo papayag akong mapangasawa si Drake? Hindi ko siya mahal! Si
Hansel ang mahal ko! At alam kong ililigtas niya ako sa inyo!" Sigaw ko kaya bigla
na lang niya akong sinampal.
Tumama ang singsing niya sa labi ko kaya dumugo ito ng bahagya. Narinig ko namang
napasinghap ang mga bampirang nakapaligid sa amin.
"Master. Dugo." Sabi ng isa na parang 'di makapagpigil at gusto ng sipsipn ang
dugo ko.
"Magtigil kayo! Hindi ang dugo niya ang habol natin kundi kung ano ang nasa
propesiya!" Galit na sabi nito.
Mas lalo akong naguluhan. Anong propesiya? Sa panahon ngayon naniniwala pa sila sa
gano'n? God! These vampires are making me sick!
"Pero, Master, ang itinakda ay kailangan Prinsipe ang makatuluyan para mabuhay pa
ang babae. Alam niyo 'yan. Kaya nga namatay ang dati niyong asawa dahil sa
pagsilang kay Master Drake." Sabi ng medyo matandang bampira.
"Wala akong pakialam! Ang gusto ko lang sa kanya ay ang anak niya! Wala na kong
pakialam kung ikamatay niya pa 'yon!"
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. They're talking about death like it's a
normal thing to do. They're monster! Sanguinarians are monster!
"Pero mahal siya ng anak niyo."
"Sabi nang wala akong pakialam!" Natahimik silang lahat dahil sa pagsigaw ng
master nila.
Help me, Hansel. Please save me, piping dasal ko.
* * *
Erina's POV
"ARRHHGG!"
Halos masira ang gamit sa loob ng penthouse ni Kuya. Kanina no'ng sinabi kong nasa
panganib si Ate Ingrid, agad kaming nagpunta dito dahil dito ko siya huling
naaamoy. Hindi na rin maabot ng mind reading power ko ang kinaroroonan ni Ate.
"They took her! The Sanguianarians have her and I swear I'm going to kill them
all!" galit na galit niyang sigaw.
Sinusubukan ko siyang kontrolin dahil sobra siyang makapangyarihan dahil na rin sa
eclipse kanina. Pero hindi niya ako pinapakinggan. Like his anger has consumed him.

"Kuya, calm down. Hindi makakatulong ang galit mo." Sabi ko.
"HOW CAN I CALM DOWN, ERINA?! INGRID HAS BEEN KIDNAPPED AND AT WALA AKONG NAGAWA
PARA PROTEKTAHAN SIYA!"
"Ano ba, Kuya! Will you please tone down your voice? Naiintindihan kita! Nag-
aalala din ako para kay Ate Ingrid. Pero hindi ito ang tamang oras para pairalin
ang galit! This is the time to use our power and think of a plan on how to find Ate
Ing."
Natahimik naman si Kuya sa sinabi ko.
"What is your plan?" He asked.
"Actually, wala pa." Tinignan naman niya ko nang masama. Bigla namang dumating
sina Cris at Tom.
"Hansel, wala sila sa kuta nila. Sinamahan pa ako ni Cris pero wala na sila doon.
Alam ata nila na do'n natin sila unang hahanapin," sabi ni Tom.
"Shit! Damn!" Kuya cussed. Napailing na lang ako.
"Are we sure na Sanguinarians ang kumuha kay Ate?" I asked. Napatingin naman sila
sa akin.
"Sino pa ba? Wala namang iba, 'di ba?!" singhal niya sa akin. Tsk.
"Sabi ko nga."
Inikot ko ang tingin ko sa living room. Lahat sira. Lahat basag. Nahati sa dalawa
ang couch. Except sa isa-TV.
"Uhh, Kuya. May naiwan ka pang sirain."
"Huh?!"
"That." Itinuro ko ang TV.
"That's hers. Binili ko 'yan para sa kanya. 'Di siya matutuwa kapag bumalik siya
at makitang sira na ang TV," he said. Parang gusto kong batukan ngayon si Kuya.
"And you think hindi siya malulungkot sa sinapit ng living room niyo? Gaya ng TV,
mas matutuwa siya kapag pagbalik niya, eh, maayos pa rin ang sala."
Tumingin naman siya sa akin saka nag-smirk.
"Aayusin mo naman, 'di ba- Ugh! What am I thinking? Nagagawa ko pang magbiro! For
blood sake, nawawala ang babaeng mahal ko!"
Lumabas naman si Cris galing kuwarto ni Ate Ing at may dala itong kuwintas. Ang
kuwintas na ibinigay ko sa kanya bago kami manood ng archery tournament.
"Kay Ate 'yan!" sabi ko.
"I know," Sagot ni Cris.
"Now I know why the Sanguinarians found her." I exclaimed. Siguro nakalimutan niya
itong isuot uli.
Tiningnan ko si Kuya na seryoso lang na nakatingin sa kuwintas. Ramdam na ramdam ko
ang galit niya. His thought floods with anger and blood lust.
* * *
Ingrid's POV
INILIPAT ako nina Devant sa isang palasyo na luma. Ito raw ang dating kaharian ng
mga Sanguinarians noon. Malayo siya sa downtown. Pero kahit gano'n, hindi ako
nawawalan ng pag-asa na ililigtas ako ni Hansel. He will come, I know he will.
Ikinulong nila ako sa isang silid sa tuktuk ng tower. It was an old bedroom. May
isang bintana pero hindi ko naman magawang makatakas dahil ang taas-taas ng
babagsakan ko. Hindi na ako nakatali pero nakakulong naman ako.
I curled myself to bed and cried. I missed Hansel. And the thought of being away
from him made my heart ache. I agreed to marry Drake in exchange for Hansel's
safety. Alam kong malakas siya at maaring isipin niyang mahina siya kasi ginawa ko
'to. Iisipin din niyang hindi niya 'ko kayang protektahan. Maari ding magalit siya.
Pero ayos lang na kamuhian niya ako kung ang kapalit naman ay ang kaligtasan niya.
Masayado kong mahal si Hansel. To the point kahit own happiness ko ay kaya kong i-
sacrifice.
May narinig akong kumakatok sa pinto. Hindi ko 'yon pinansin at pinalis ko ang mga
luha sa mata ko.
"Ingrid..."
Napalingon ako. Si Drake pala. What is he doing here?!
"What do you want?!" malamig kong sabi.
"Ingrid, I hope you forgive me. Hindi ko rin gusto ang ganitong set up. But this
is the only way for you to love me."
I glared at him. Galit ako sa kanya. Gusto ko siyang sigawan but I know it wouldn't
help.
"Love you? Nagbibiro ka ba? Mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para
kamuhian ka. Maaring makasal tayo, Drake. Pero hinding-hindi kita mamahalin."
"Bakit ba kasi si Hansel ang mahal mo? Bakit hindi ako? Mas mahal kita sa kanya.
Mas kaya kong maibigay ang pagmamahal na gusto mo at hihigitan ko pa 'yon."
Gusto kong maawa kay Drake dahil sa pamamalimos niya ng pag-ibig, pero mas
nangingibabaw ngayon ang galit sa puso ko. Hindi ko matanggap na ang isang tulad
niya na akala ko ay isang kaibigan ay siya pang magiging dahilan para mapahamak
ako.
"Hindi natuturuan ang puso magmahal, Drake! Kusa itong nararamdaman! Hindi mo ko
mapipilit na mahalin ka! Makasal man ako sa'yo, hindi pa rin tayo magiging masaya
dahil ikaw lang ang nagmamahal!"
"Then I won't give up. Alam kong matututunan mo rin akong mahalin. I have all the
time in the world to wait for you to love me. Maghihintay ako Ingrid." determinado
niyang sabi.
Lumabas siya sa kuwarto at naiwan akong nakatulala. I wanted to slap myself kung
totoo ba talaga 'tong nangyayari sa buhay ko. Naglayas ako sa amin para takasan ang
isang kasal pero heto ako ngayon, magpapakasal sa hindi ko naman mahal dahil sa
gusto kong iligtas ang mahal ko. How ironic.
"

Chapter 16 - The Antagonist love

Chapter 16
Ingrid's POV
IYAK ako nang iyak kanina habang sinusukatan ako ng wedding gown ng matandang
bampira. Hindi ko matanggap na ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal at ang
masaklap doon, wala akong magagawa para pigilan iyon.
"Ingrid..."
Nilingon ko si Drake. Nandito na naman siya sa kuwarto ko at pinapatahan ako.
Napaka-abnormal niya. Did it even occur to him na kaya ako umiiyak ay dahil sa
ginagawa niya?
"Puwede ba! Umalis ka dito! I don't want to see your face! We may get married but I
will never treat you the way I should treat a husband!" sigaw ko sa kanya.
"Ingrid naman, oh. Bakit ba kasi 'di mo ko bigyan ng chance na mahalin ka? Para
maiparamdam ko din sa'yo ang pagmamahal na gusto mo." Tiningnan ko siya ng matalim.
Ang lakas ng loob niyang pilitin akong gustuhin siya. Hindi man lang ba niya
naiisip na habang nakakulong ako dito sa tore na 'to ay mas lalong nadagdagan ang
pagkamuhi ko sa kanya lalo na sa Ama niya.
"The only chance I will give you is the chance to let me go!" I snapped and I can
see his hurt expression. Wow! Siya pa ngayon ang nasasaktan!
"Why are you doing this to me, Ingrid? Pinapahirapan mo ako. Simple lang naman ang
gusto ko, ang mahalin mo din."
Natawa naman ako sa kanya.
"Ano kaya kung ibalik ko 'yang tanong mo? Why are you doing this to me, Drake!
Because, as far as I can remember, naging mabait ako sa'yo!" Sumbat ko sa kanya.
Natahimik lang siya sa sinabi ko.
"Ang tanging mali ko lang, Ingrid, ay ang mahalin ka."
"Hindi! Hindi isang pagkakamali ang magmahal kung sana hindi mo pinairal ang
pagiging makasarili mo! Hindi love ang tawag diyan, Drake! It's selfishness" mariin
kong sabi sa kanya.
Tinignan lang niya ako. I saw pain on his face. Bigla na lang siyang lumapit sa
akin ng dahan-dahan. Nakaramdam ako ng kaba sa mga kilos niya.
"A-anong gagawin mo?!"
Habang papalapit siya sa akin ay siya namang pag-atras ko.
"Mahal kita, Ingrid," he said walking slowly towards me. Paatras ako nang paatras
nang mabangga ako sa isang pader.
"L-lumayo ka nga sa akin!" I pretended I wasn't affected by his look. Nai-
intimidate ako sa titig niya.
"No. Hindi kita kayang layuan. Hindi ko kayang makita ka na masaya sa piling ng
iba. I want you here, with me. Only with me, Ingrid." Nagsusumamo ang mga mata
niya.
"H-hindi puwede, Drake. Alam mong si Hansel lang ang mahal ko."
Puno ng emosyon ang kuwartong ginagalawan namin ngayon. Pag-susumamo-iyan ang
nakapaligid sa amin. Nagsusumamo siya na mahalin ko, samantalang ako ay nagsusumamo
na pakawalan niya.
Hindi siya umimik sa sinabi ko bagkus, mas lumapit pa siya sa akin at nagulat ako
nang niyakap ako ng mahigpit. Natigilan ako bigla.
"D-Drake..."
"I wish I could turn back time. And if I could, I'll make sure na ako ang una mong
nakilala. Sana ako na lang una mong nakita para ako rin sana ang mahal mo ngayon.
Sana ako na lang, ako na lang, Ingrid."
Yakap-yakap niya ko at hindi ko kita mukha niya pero ramdam kong umiiyak siya. I
heard him sobbing.
Inilayo ko nang bahagya ang katawan ko sa kanya. Tinitigan ko mukha niya. Sa totoo
lang guwapo si Drake. Sayang lang kasi sa akin pa siya nagkagusto.
"I love him. And I think it's not because I met him first. Hansel is different. He
may seem to annoy me but he never fails to make me feel loved. 'Yon si Hansel,
Drake."
Lumayo naman siya dahil sa sinabi ko. Maybe what I said hurt him. Pero kung iyon
ang magiging dahilan para layuan niya ko, then so be it.
"Hindi pa rin ako susuko sa'yo, Ingrid. Alam kong matututunan mo rin akong
mahalin." Sabi niya at saka lumabas ng kuwarto.
* * *
HATINGGABI na nang makaramdam ako ng gutom. Bumangon ako sa kama at inilibot ang
paningin. Oo nga pala. Wala ako sa penthouse. Kinatok ko ang pinto para pagbuksan
ng guwardiya ang pinto.
"Bakit po, Miss Ingrid?" sabi ng gwardiya nang pagbuksan niya ng pinto.
"I'm hungry. My kitchen ba kayo dito?" pabulong kong sabi.
"Mahigpit po kasing ipinag-utos ng master na huwag kayong palalabasin, Miss."
Napakunot ako. "Eh, nagugutom ako! Bakit? Pinadalhan niyo ba ako ng pagkain dito?!
Hindi, 'di ba?!" inis kong sabi.
Hindi nga nila ako papatayin pero papatayin nila ako sa gutom!
"Sumusunod lang po ako sa utos, Miss."
"Utos na patayin ako sa gutom?" I said with sarcasm.
"Sorry po talaga, Mi-"
"Okay lang. She can go out of her room."
Napatingin ako sa nagsalita.
"Master Drake." Nag-bow ang guwardiya.
"Palabasin mo na siya. Nagugutom ang mahal ko," sabi niya. Medyo na-touch ako sa
sinabi niya. Pero hindi. Galit pala ako sa kanya.
"Pero Master-"
"Ako'ng bahala sa kanya. Sige na."
Niluwangan ng guwardiya ang pagbukas ng pinto. Nakalabas naman ako at napatingin
kay Drake.
"Bakit mo 'to ginawa? Bakit mo ako pinayagang lumabas?" nagtatakang tanong ko.
"Nagugutom ka, 'di ba? Tara na sa kitchen."
Sumunod ako sa kanya. Nasa likuran niya lang ako. Hindi ba siya natatakot na
tumakas ako?
"Ano'ng gusto mong kainin?" tanong niya nang makarating kami sa kitchen. In all
fairness, maganda siya. Old-fashion pero malinis.
"Hindi ako marunong magluto," sabi ko lang.
"I'll cook for you. Ano'ng gusto mo?"
"What? You can cook? I thought vampires can't cook?" I asked in surprise.
"Nakalimutan mo na yatang Damphyr ako. I can eat human's food." Napatango ako. Oo
nga pala. "So? Ano'ng gusto mo?"
Si Hansel. Siya ang gusto ko! Ibalik mo na ako.
Iyan sana ang gusto kong sabihin pero baka mamaya ibalik na lang ako nito sa silid
na hindi pinapakain. Magpapakabait muna ako sa ngalan ng aking nagugutom na tiyan.
"Kahit ano," simple kong tugon.
"Okay."
Dumeretso siya sa kitchen at ako naman ay naupo sa mataas na stool ng bar counter.
Pinanuod ko siyang magluto. Halata sa kanya na gamay niya ang kusina. Parang ang
saya niya. Kung sana nakakapagluto din si Hansel. Mas masaya siguro siyang
panuoring magluto.
Lumapit ako sa kanya. "Ano'ng niluluto mo?" I asked.
Saglit niya akong tiningnan at saka siya ngumiti.
"Gravy pa lang 'to. Iyong chicken fillet kasi nagma-marinate pa." masaya niyang
pahayag. Parang nakakahawa ang ngiti niya. Kaya napapangiti na rin ako.
"Can I help?" sabi ko kahit wala naman akong alam sa ginagawa niya.
"Oh, sure. You can dredge the chicken to the flour, dip it in the egg mixture and
then roll it breadcrumbs," he said while mixing the gravy.
"Okay."
Ginawa ko ang sinabi niya. Ang messy tingnan dahil naghahalo ang flour, eggs, at
breadcrumbs sa daliri ko.
"Marunong ka na pala, eh." Isinalin niya ang gravy sa bowl saka inilagay ang
frying pan sa stove.
"'Di ba to tatalsik ang mantika?" Tanong ko nang inilagay niya ang chicken sa pan.
"Medyo. Pero sanay na 'ko."
"Palagi ka bang nagluluto?"
"Yeah. Para sa 'kin. Kapag nasa bahay ako."
"Really?" He flipped the chicken nang biglang tumalsik ang ibang mantika sa braso
ko.
"Ouch! Waaah! Ang sakit!" Hinipan ko ang natalsikan pero mahapdi pa rin.
"Oh, shit! Sorry. Hindi ko sinasadya." Dali-dali niyang hinugasan ng tubig ang
natalsikan sa braso ko.
"Okay na ba?" nag-aalala niyang tanong.
"Wala 'to," sabi ko kahit may konting hapdi pa rin.
"Sorry talaga."
Napatingin ako sa niluluto niya.
"Oh, baka masunog."
Itinuro ko iyong piniprito. Lumapit siya agad sa stove at ako naman bumalik na lang
sa stool.
Hindi nagtagal sinabihan niya akong umupo sa dining table para ma-serve na niya ang
food. Siya halos nagsisilbi sa akin. Pinagsandok niya pa ako ng kanin.
"Masarap ba 'yan?" I asked him.
"Oo naman. Masarap akong magluto. At since kasama kita, mas sasarap pa 'to."
Napakalawak ng ngiti niya kaya napangiti na rin ako.
"Okay. Let's eat." Sabay kaming kumain.
Tahimik lang kami pero walang awkward feeling. Matapos kumain ay naghugas siya ng
pinggan. Pumunta kaming lobby ng palasyo nang biglang humangin.
"Do you want to take a walk outside?" pagyaya ko. Hindi siya umimik. Seryoso lang
siya. "Don't worry. Hindi ako tatakas," pagkasabi ko niyon ay ngumiti siya.
Sabay kaming lumabas sa lumang palasyo. Sa likod kami dumeretso kung nasaan may
garden na lanta na ang mga halaman, sa gitna noon ay may isang lumang fountain.
Wala siya tubig pero kung maayos sana 'to, mas maganda. Sa dulong part naman my
wishing well. May mga nagkalat din na tuyong dahon.
"Ang daming stars," sabi ko nang mapatingala ako.
"Oo nga, eh. Ibig sabihin ay mainit ang panahon bukas," sabi niya kaya natawa lang
ako.
"Naniniwala ka rin sa gano'n? Haha. Para ka talagang tao, 'no?" sabi ko saka siya
tumango.
"Kuwento kasi sa akin ng yaya ko dati. At saka sabi niya naniniwala rin sa gano'n
si Mama." Napatingin ako sa kanya.
"Tao rin ba ang yaya mo?"
"Yeah. Pero patay na siya."
"Bakit?"
"Kasi matanda na,"
Napatango lang ako.
"Masaya ka bang naging damphyr? Do you wish to become purely human?"
"No. If I had a chance, I will choose to be human. Because the one I love is also
human."
Nag-iwas ako ng tingin ko nang tumingin siya sa akin.
"Drake, can you at least forget your feelings about me? Kahit ngayon lang? Let's
just enjoy this night and remain friends," pakiusap ko. Ngumiti siya sa akin.
"Sure. Just like before."
I nodded. "Yeah. Just like before."

Chapter 17 - His strength is his weakness

Chapter 17
Third Person POV
"PAPUNTA na ang inutusan ko, Master, para magpadala ng mensahe sa prinsipe," sabi
ng kanang kamay ni Devant.
"Mabuti. Siguraduhin mo lang na makakarating 'yon sa Prinsipe kundi ikaw ang
malilintikan sa akin." Pananakot ni Devant pero 'di naman natinag ang isa dahil
marahil sa sanay na ito sa huli.
"Nakakasiguro po akong makakarating 'yon kay Prinsipe Hansel." paninigurado ng
isa.
"Puwede ka ng umalis." agad namang umalis ang isa.
Naupo si Devant sa kanyang cathedra at ngumisi. Tiyak niyang ang kahinaan ng
Prinsipe ay ang mortal kaya gagamitin niya ito para mawala sa landas niya ito.
Naisip niya na kapag wala na ang Prinsipe, magkakagulo sa kanilang palasyo at doon
na niya matatalo si Vladimir.
"Magkikita rin tayo sa wakas, Veruca, mahal ko. Mababawi na kita kay Vladimir."
Puno ng hinagpis na sambit ni Devant.
Si Veruca na Reyna ng Vampire City ay dating matalik na kaibigan ni Devant sa
Italy. Nang mamasyal sila sa Pilipinas, nakilala nito si Vladimir na kasalukuyang
isang Prinsipe pa lamang noon. Nahulog ang loob ng dalagang bampira na siyang
ikinaselos ni Devant.
Nang magtapat si Devant sa pagmamahal niya kay Veruca, sinabi ng huli na kaibigan
lang ang tingin niya rito at mahal niya si Vladimir. Doon nagsimula ang hinanakit
at galit ni Devant. Nakipagsanib puwersa siya sa dating pinuno ng Sanguinarians at
hindi naglaon ay ipinasa sa kanya ang pagiging pinuno ng Sanguinarians.
Sa kasagsagan ng kanyang pamumuno, nakilala niya ang isang babae, ang Ina ni Drake.
Wala itong gusto sa kanya pero pinilit niya ito dahil sa kagustuhang magkaroon ng
anak. Nang mamatay ito dahil sa panganganak, bumalik ang nararamdaman niya sa
Reyna.
Hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin siya sa dating matalik na kaibigan. Iyon
din ang dahilan kung bakit labis-labis ang pagkamuhi niya sa pamilya Kang.
* * *
Sa palasyo...
NAKUMOS ni Hansel ang papel nang mabasa niya ang sulat na natanggap.
'Pumunta ka sa South Barn kung gusto mo pang makita ang mortal. Huwag kang mag-
sasama nang kahit na sino.'
His eyes shifted from brown to red and he can feel his anger bursting inside him.
He wanted to kill the Drians. At hindi niya mapapatawad ang mga Sanguinarian kung
may mangyayaring masama kay Ingrid.
Inagaw naman ni Erina ang papel na kumos ni Hansel at binasa niya 'to. Agad na
napakunot-noo ang prinsesa nang mabasa niya ang sulat.
"Hindi ka pupuntang mag-isa, Kuya! Hindi mo alam kung ano ang pina-plano ng mga
Sanguinarians. Mas mabuti siguro kung humingi na tayo ng tulong kina Daddy," nag-
aalalang sambit ng kanyang kapatid na babae.
"Minsan ko nang natalo si Devant. Bakit hindi ko siya magagawa uli? I will save
Ingrid without the help of Daddy!"
"Pero Kuya-"
"I can handle it, Erina!" he snapped at her kaya natahimik lamang ito.
"Fine. Hindi kami sasama sa'yo." Nasabi na lamang nito kahit labag ito sa
kagustuhan niya.
* * *
Ingrid's POV
NANDITO ako sa kuwarto at naghihintay na may pumasok. Naalala ko iyong kagabi.
Masaya akong nakipag-kuwentuhan kay Drake animo'y wala siyang atraso sa akin. Pero
agad ko rin naman itong pinagsisihan kaya habang nag-uusap kami ay bigla ko siyang
tinulak at tumakbo pabalik sa kuwarto.
Oo, dapat tumakbo ako palabas ng palasyo para makatakas na pero hindi rin naman
iyon mangyayari dahil puno ng bantay sa entrance.
"Miss Ingrid, sumama po kayo sa akin," Sabi ng guwardiya.
Wala akong magagawa kundi ang sumunod. Giniya niya ako papunta sa silid ng Master
nila. Nakita ko si Devant na nakaupo sa trono nito. Iniwan ako ng guwardiya sa
harap nito.
"What do you want from me?" I said coldly.
"I have good news for you, my dear Ingrid." He put his finger on his chin. Hindi
ako umimik.
"Your dear Prince is coming to rescue you. Damsel in distress, eh?"
Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"You promised me you won't hurt him! Papakasalan ko naman ang anak mo, 'di ba?!"
galit kong sabi.
I can't believe him! I know he's a monster and I thought that maybe kahit kaunti ay
tutuparin niya ang pinag-usapan namin.
"Did I? Oh, sorry. You're talking to a monster who can't keep his promise!"
I saw him grinned! Lumapit siya sa akin.
"How dare you! You're really are a monster!"
Pinagpapalo ko siya gamit kamay ko pero hindi siya natitinag. Instead, he wrapped
his hands around my neck.
"Huwag na huwag mo akong gagalitin, Ingrid. A monster like me can't hold a temper
and I might drink your blood in an instant!" he growled at my face while I am
choking to death.
Pabalibag niya akong binitawan. Ang sakit ng leeg ko. Parang nag-mark ang kamay
niya sa leeg ko!
"Hindi kita papatayin dahil mahal ka ng anak ko. Pero kapag napuno ako sa'yo,
hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!"
Hindi ako makakibo dahil sa sakit ng lalamunan ko.
Shit! I want kill you if I get the chance!
Lumabas siya ng silid at naiwan lang ako doon na nakaupo sa sahig. Ano kayang
binabalak niya?
Hansel, please be careful. You don't have to save me. Knowing you are safe is more
important to me.
* * *
Hansel's POV
Tahimik kong pinagmasdan ang buong barn habang nasa taas ng puno. May mga
Sanguinarians sa labas nito at nagbabantay.
"Sino ka?!" they are ready to attack nang makita nila 'kong bigla na lang na
sumulpot sa harap nila.
"Prince Hansel." I answered calmly.
Nagtinginan sila at saka tumango. Pumasok ako at nakita kong madaming Sanguinarians
sa loob. They've been expecting me.
"Nasaan ang pinuno niyo?!" I said.
Hindi sila umimik. Bigla na lang na bumukas ang pinto sa kabilang dulo and my eyes
abruptly shift into red one.
Una kong nakita si Devant na lumabas sunod at si Drake. May isa pang Sanguinarian
na kasunod nila at hawak-hawak nito si Ingrid. I felt my fangs gritting with anger.
I swear I will rip out their hearts!
"Hansel!" She called out to me.
She looks so pale and she has bruises on her lips. I tried to calm my anger dahil
sa ginawa nila sa kanya.
"You're on time, Prince Hansel." Devant said with an evil grin.
"Let her go!" I commanded but he just smirked at me.
The last thing I want to happen is to let Ingrid see what I'm going to do with
these low-life creatures. I don't want her to see me killing them. Marami na siyang
pinagdaanan at ayaw ko siyang mas lalong ma-trauma.
"She's not going anywhere because she will marry my son," sabi nito. Pakiramdam ko
sasabog na ako sa galit.
"I don't believe you!" I growl.
"Tell him, Ingrid. Tell him you're going to marry my son."
He said while looking at Ingrid. Napatingin ako sa kanya at sinalubong niya ang mga
titig ko. Naghintay ako ng sagot niya.
"I-I'm sorry, Hansel. But I'm going to m-marry Drake." Sabi niya at nag-iba ng
tingin. Parang may biglang tumambol sa dibdib ko.
"That's not true," pinilit kong huwag maniwala at huwag magpa-apekto. Marahil ay
pinipilit nila si Ingrid na sabihin 'yon para sakantan ako. Alam nilang siya ang
kahinaan ko.
"P-pakakasalan ko si Drake." Pag-uulit niya at napapikit ako nang mariin.
"You're lying! I know you are! Come on, Ingrid! Bawiin mo ang sinabi mo!" Hindi pa
rin siya tumitingin at mas lalo niyang iniyuko ang ulo niya.
"Look at me and tell me you're lying!" I shout.
Nakita kong may umalpas na luha sa mga mata niya. I knew it. They're forcing her to
lie to get on me. Pero hindi ko sila hahayaan na manalo.
She may be my weakness. But she's my strength as well.
Don't worry, Ingrid. That's why I'm here, to fight for us.Babawiin kita sa kanila.
Nakita kong nagbigay ng signal si Devant sa mga kasama niya at bigla na lang nila
akong inatake.
* * *
Ingrid's POV
NASASAKTAN ako habang nagsisinungaling kay Hansel. Ayaw ko siyang saktan pero
natatakot ako sa gagawin ni Devant kapag hindi ko siya sinunod. Lihim na lang akong
nagdadasal na sana ay pagkatiwalaan ako ni Hansel na hindi 'yon totoo.
Alam kong gagawin niya ang lahat para mabawi ako at hindi niya ako hahayaan na
maikasal kay Drake.
Nagulat na lang ako nang utusan ni Devant ang mga taga-sunod niya na sugurin si
Hansel. Nakita ko na lang na pinaligiran nila si Hansel at may dala silang iba't-
ibang patalim
Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makita kong walang armas si Hansel. Kaya niya
bang talunin ang mga 'yan.
May mga Sanguinarian na sinasaksak nila sa mga kasamahan nila ang patalim na hawak
nila at doon ko na-realize na ginagamit ni Hansel ang kanyang ability para makapag
control ng isip.
I was in awe while watching him fight when I felt a hand on my arms. It was Drake
at pinipilit niya akong lumabas ng barn.
"Let go of me, Drake! Hansel needs me!" Pinipilit kong tanggalin ang braso ko sa
kamay niya pero mas lalo lang niya 'tong hinihigpitan.
"Mapapahamak ka diyan, Ingrid. Tayo nang lumayo!"
"No! Hindi ko iiwan si Hansel."
Ginamit ko ang buong lakas ko at para makawala sa pagkakahawak niya. Tumakbo ako
palapit kay Hansel pero hinarangan naman ako ng isang guwardiya.
"Padaanin mo ko!" Sigaw ko.
Nakikita kong nakikipaglaban si Hansel at may hawak na siyang espada na nakuha niya
sa Sanguinarian. Sinipa ko ang guwardiya pero hindi siya nasaktan. Tinulak ko siya
at saka ako tumakbo palapit kay Hansel.
"Hansel!" Tawag ko sa kanya kaya napalingon siya.
"Huwag kang lalapit, Ingrid!" he said while still fighting.
Kahit ayaw ko siyang sundin ay sumunod na lang ako. Gumilid ako at lumayo sa mga
Sanguinarian.
"Ate Ingrid!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
"Erina!" Patakbo akong lumapit sa kanila.
Kasama niya sina Cris at Tom. Tinulungan ng dalawa si Hansel sa pakikipaglaban.
"Ayos ka lang ba, Ate Inrid?" puno ng pag-aalala na tanong ni Erina.
"Okay lang ako," sabi ko sa kanya.
Bigla na lang na lumitaw si Devant sa harap namin at nakangisi ito.
"Nandito pala ang mahal na Prinsesa."
"Huwag kang lalapit sa amin!" sigaw ko.
"Don't worry, Ate Ingrid. Ako na ang bahala dito."
Alam kong maloko at makulit si Erina pero ibang-iba pala ang personality niya kapag
nakikipaglaban. Sobrang seryoso niya at parang hindi ko na siya makilala. Mas lalo
akong humanga sa kanya nang makita ko kung paano niya i-repel ang mga patalim ba
ibinabato sa kanya ni Devant. Hindi ko pa talaga lubos kilala sina Hansel at Erina.
Hinanap ng mga mata ko si Hansel at nakita kong si Drake na ang kalaban niya.
Pareho silang may hawak na espada at ang sama ng tingin nila sa isa't-isa. Ang
bilis ng mga galaw nila at halos hindi makahabol ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ang strength ni Drake pero nararamdaman kong kasing lakas
niya si Hansel. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Hansel kay Drake. Napatumba ni
Hansel si Drake pero agad itong laglahong parang bula.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa matagpuan niya ang mga titig ko. Gusto
kong tumakbo at yakapin siya at sabihing miss na miss ko na siya pero halos mamilog
ang mga mata ko nang biglang sumulpot sa likod niya si Devant at itinarak nito ang
espada sa likod ng dibdib niya.
"HANSEL!" Sigaw ko.
Pakiramdam ko ang hina ng boses ko. Nakita kong naglaho lahat ng Sangunarians
kasama si Devant. Patakbo akong lumapit sa kanya. Pakiramdam ko ang bumagal ang
oras.
Lumuhod ako saka siya pinaharap sa akin.
"Hansel!" umiiyak kong sabi. Hinawakan ko ang pisngi niya at kasing lamig na niya
ang yelo.
Narinig ko ang pagtawag ni Erina, Cris at Tom sa pangalan ni Hansel at pinalibutan
nila kami. Niyugyug ko ang balikat niya pero hindi siya gumagalaw.
Ramdam ko ang panlalabo ng mga mata ko dahil sa luhang nag-uunahan na lumabas sa
mata ko. Nag-angat ako ng tingin at tiningnan si Erina.
"E-Eri..na. Bakit hindi siya gumigising?" humihikbi kong sabi. Pati siya ay
umiiyak na rin at niyakap niya ang balikat ko.
"Isang silver sword ang ginamit ni Devant," wika ni Cris habang sinusuri ang
espada.
"A-anong ibig sabihin no'n?" naguguluhan kong tanong.
"Silver can kill a vampire," mahinang sagot ni Erina.
"N-no! Hindi siya mamamatay! Hansel is strong! He won't leave me!" Iyak lang ako
nang iyak habang yakap-yakap ko siya. "Please, don't leave me." I whispered at him.
"Ate Ingrid, dalhin natin si Kuya sa palace." sabi ni Erina.
Napatango na lang ako. Hindi ko mapapatawad si Devant dahil sa ginawa niya kay
Hansel.
* * *
DINALA si Hansel sa infirmary sa loob ng palasyo. Doon siya gagamutin ng mga
vampire doctor para raw mawala ang silver residue sa katawan niya.
"I'm glad you're back, Ingrid. Sobrang nag-alala sa'yo ang anak namin." Queen
Veruca said.
"Kasalanan ko po kung bakit nasa piligro ang buhay ni Hansel. Hindi po ba kayo
galit sa akin?" nagtatakang tanong ko.
Kung sa iba siguro 'to nangyari, malamang sisisihin nila ako. Pero sila Queen
Veruca at King Vladimir ay sa akin pa nag-aalala. Kaya nahihiya rin ako. Ang bubuti
nila sa akin.
"You are part of the family, Ingrid. At mahal ka ng anak ko. Mas matatakot ako
kung ang ikakamatay niya ay ang pagkadismaya niyang hindi ka mabawi kay Dev." Sabi
ng Reyna.
"Dev po?"
"Yeah. Devant. We are friends before. But-"
"I don't want to hear that monster's name again, Veruca! He's the reason behind
everything!" galit na sabi ni King Vladimir.
Nagtaka lang ako sa sinabi ng hari. He's the reason behind everything? Everything
like what?
"Honey naman. Galit ka kaagad."
Hinagod ng reyna ang likod ng Hari. They look so sweet.
"Huwag kang mag-alala, Hija. Magigising din si Hansel. Matapang ata 'yon kagaya
ko." pagmamalaki ng Hari.
Nagtawanan kami nang kontrahin ni Queen Veruca ang sinabi ng kanyang Hari.
Napatingin naman ako nang magbukas ang pinto ng infirmary at niluwa si Erina.
"Ate, gising na si Kuya!"

Chapter 18 - I love you

Chapter 18
Ingrid's POV
"TALAGA? Gising na siya?" Halos ang lawak ng ngiti ko nang marinig ko ang
magandang balita ni Erina.
"Oo ate. But there's just one problem," Bigla na lang naglaho ang mga ngiti sa
labi ko. May kakaibang kabang tumubo sa dibdib ko.
"A-ano 'yon?" nag-aalangan kong tanong. Hindi ko alam kung gusto ko bang malaman
ang sasabihin ni Erina, but I'll take my chances.
"Hindi ka maalala ni Kuya. Naaalala niya kami expect you," Malungkot niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Bakit parang ang unfair naman? Naaalala niya
lahat maliban sa akin? May selective amnesia siya?!
Lumingon ako sa likod ko para tingnan ang reaksyon ng mga magulang nila pero wala
na 'to sa likod ko.
"Pupuntahan ko siya. Where's Hansel?" I said and Erina just nodded.
Giniya niya ako sa north wing ng palasyo kung saan ang Infirmary. Nadaanan namin
'yong library, pati na rin 'yong portrait room. Kung hindi na niya ko naaalala,
ibig sabihin nakalimutan na rin niya 'yong mga magagandang alaala namin sa mga
silid na 'yon.
Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Gusto kong umiyak pero hindi naman 'yon
makakatulong. Hindi naman maibabalik ng mga luha ko ang alala niya sa akin. Kung
nakalimutan na talaga niya ko, siguro babalik na lang ako sa amin and live my old
life. Tutal napatawad na naman ako ni Daddy.
Habang papalapit kami sa kwartong kinalalagyan ni Hansel ay siya namang lakas ng
kabog ng dibdib ko. Excited akong makita siya. Miss na miss na miss ko na siya. The
only problem is that he doesn't remember me anymore.
Pagbukas ni Erina ng pinto ay nakita kong nakahiga si Hansel. His eyes are close
and it seems that he's resting.
Si Tom at Cris ay nasa kabilang bahagi ng kuwarto at naglalaro ng Game of the
Generals. Gusto kong tumakbo at salubungin si Hansel ng yakap pero hindi na maari
kaya pinigilan ko ang sarili ko. Baka nagpapahinga siya kaya pinikit niya ulit mga
mata niya.
Dahan-dahan akong lumapit hanggang sa makita ko ang gwapo niyang mukha. Hinawakan
ko ang noo niya at hindi ko mapigilang hindi mapaluha.
"H-hindi mo na ba talaga ko naalala?" Halos anas ko lang na sambit. Agad kong
pinapalis ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.
"Ang daya mo naman Hansel, eh! Marami pa nga akong hindi nasasabi sa'yo tapos heto
ka kinalimutan na ako!"
Narinig kong nagtatawanan sina Cris at Tom pati na rin si Erina. Mukhang nag-e-
enjoy talaga sila sa paglalaro ng board games. Mabuti pa sila may dahilan para
magsaya. Samantalang ako parang nagluluksa. Hindi naman ako namatayan. Pero parang
gano'n na rin ang ginawa sa akin ni Hansel. He forget about me!
"Dapat pala hindi mo na lang ako niligtas. Dapat hinayaan mo na lang ako kay
Drake. Magpapakasal kami alam mo ba 'yon? Kahit hindi ko siya mahal papakasalan ko
siya para hindi ka saktan ni Devant," Lahat ng sama ng loob ko nilalabas ko. Wala
na akong pakialam kung naririnig niya. Tutal hindi na naman niya naalala diba?
Hihintayin ko na lang na magising siya tapos babalik na ako sa amin. Napatawad na
ako ni Daddy kaya tatanggapin na nila ako.
Hinawakan ko kamay niya at pinisil pisil 'yon.
"Pero bago ako umalis may gusto lang akong sabihin sa'yo na importante. Ito 'yong
isang bagay na baka pagsisihan ko kapag hindi ko pa nasabi sa'yo. Para atleast
kahit hindi mo na ko naaalala, wala akong pagsisisi na mararamdaman,"
"Madaya ka Tom!" Malakas na bulalas ni Erina at sabay pa silang tumawa ng malakas
ni Cris. Nilingon ko ang tatlo. Kainis! Hindii man lang sila makiramdam na may
nagda-drama rito! Buti sila at naalala nitong sungit na Hansel na 'to!
"Hansel, no'ng mga panahon na tinatawag mo kong retarded, alam mo bang crush na
kita no'n? Mahirap aminin pero oo. At nakakapagtaka nga kasi kahit gano'n trato mo
sa akin noon, I still find you attractive and handsome," Tinitigan ko naman ang
mukha niya. Napaka-amo pala niya kapag tulog?
"Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula itong nararamdaman ko. But all I know is,
I fell in love with you. You made me realize that love is a sacrifice. I'm even
willing to marry Drake just to keep you safe. Gano'n kita kamahal, Hansel. Mahal na
mahal," Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba 'to sinasabi sa lalaking walang malay
at walang alaala tungkol sa akin?
Wala na akong luhang iiiyak pa. Lahat ng lungkot na nararamdaman ko ay nakabaon na
sa dibdib ko na dadalhin ko bahang-buhay. Dahan-dahan kong dinampi ang labi ko sa
noo niya saka sinabi ang mga katagang noon ko pa gustong sabihin.
"I love you, Hansel," I whispered. Tumayo ako saka ako tumalikod. Hindi naman ako
pinansin ng tatlo.
Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang biglang narinig ko ang boses na
matagal kong kinasabikan.
"Aalis kang wala man lang I love you, too galing sa akin?"
Agad akong napalingon. Nakatayo siya at halos isang metro lang ang layo niya sa
akin pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Hansel, a-ano ba'ng pinagsasabi mo?"
"I love you more, Ingrid. Mahal din kita," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Naalala mo na ko?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Ha?" Napakunot noo niyang sabi at parang hindi niya alam kung ano'ng ibig kong
sabihin.
"Sabi ni Erina-" Hindi ko na tinapos sasabihin ko dahil ang bilis na nag sink-in
sa utak ko kung anong nangyari. "Ugh! Erina! Hindi totoong nakalimutan niya 'ko?!"
"Idea kasi ni Cris, eh. Peace, Ate," she said pouting.
"Ano na naman ba'ng mga kalokohan ang sinabi niyo kay Ingrid?" Hansel looks
irritated. Napangiti na lang ako. Bakit ako maiinis? Hindi naman totoo, eh.
"Pasensya na, Bro. Ginawa lang namin 'yon para mapaamin si Ingrid. Effective naman
'di ba?" Kinindatan naman ako ni Cris at hindi 'yon nakaligtas kay Hansel.
"Hey, you filthy Vampire! Don't you dare wink at my girl!" naramdaman ko na lang
na hinapit niya ang bewan ko palapit sa kanya.
"Possesive much, Kuya?" Nang-aasar na sabi ni Erina pero sinamaan lang siya ng
tingin ni Hansel.
"Give us a moment, please? Alone," he ordered kaya agad namang lumabas ang tatlo
pero bago 'yon ay nang-asar muna sila kaya isang nakaka-matay na death glare ang
binigay niya sa tatlo. Napailing na lang ako sa kanila.
"Akala ko talaga nakalimutan mo na 'ko," I said. He beamed at me as he cupped both
of my cheeks.
"Hindi ko magagawa ang kalimutan ka. Mahal na mahal kita para gawin ko 'yon," He
said and I felt fireworks around me. Ganito pala 'yong feeling na in love? Para
kang henehele papuntang langit.
"Hansel, kinikilig ako," I whispered and giggled.
"Silly girl," he chuckled and pinched my nose.
"I love you, Hansel," sabi ko at deretsong nakatingin sa mga mata niya.
"I love you more, Ingrid," He closed the gap between our lips and sealed our I
love youse with a kiss. It felt brand new. Pakiramdam ko ay nabuo ang isang gitak
sa puso ko.
* * *
Ilang araw na ang nakalipas simula nang lumabas si Hansel si Infirmary. Dito pa rin
ako sa penthouse niya nakatira.
Nakahiga na ako sa kama at hinihintay ko na lang na antukin ako nang makarinig ako
ng mahinang katok.
"Ingrid, gising ka pa?" It was Hansel kaya agad kong akong bumangon at binuksan ko
ang pinto.
"Hansel, may kailangan ka?" I asked when I opened the door.
"Puwede ba kong pumasok?" Parang nahihiya niyang tanong. Agad ko namang niluwangan
ang pagbukas at pinapasok siya.
Dumeretso siya papunta sa kama ko at naupo sa gilid ng paanan. Nasa likod naman ang
dalawa kong kamay at pinalalaruan ang mga daliri. The last time he was here, we did
something... Uhh. Well, never mind.
"M-may itatanong lang sana ko sa'yo, Ingrid," Napatingin ako sa kanya. Ako lang ba
ang nakakaramdam ng awkwardness?
"Ano 'yon?" Kabado kong tanong.
"Kasi ano, eh..."
"Yes?"
"Puwede bang- kasi ano, eh,"
"Ano ba 'yon?" naiinip kong sabi. Bakit ba siya nauutal? May sinabi siya pero
halos parang sarili niya lang ang nakakarinig.
"Ha?"
Then he said things that are unaudible.
"Ano?!"
"Sabi ko pwedebakitangmaginggirlfriend?" Kung gaano kahina ang boses niya, gano'n
din kabilis ang pagsalita niya. Ano ba'ng problema ni Hansel?
"Pakiulit nga?" I said, this time patiently.
"Hindi na! Hindi ko na uulitin! Retarded ka talaga kahit kailan!" Tinalikuran niya
ako at parang galit.
Ano raw? Ako ang retarded?! Aba't!
"Hoy, Hansel! Saan ka pupunta? Ano ba kasi 'yong sasabihin mo?!" Sigaw ko kahit
wala na siya sa kuwarto. Lumabas ako at nadatnan ko siya sa living room.
"Uy! Ano ba 'yon? Puwede mo naman sigurong ulitin 'di ba?"
"Ewan ko sa'yo! Retarded na nga bingi pa," sabi niya dahilan para mapasimangot
ako. Bakit ba siya nagkaka-ganyan?
"Kung ayaw mong sabihin eh, 'di 'wag! Tatawagin mo pa 'kong kung ano-anu!" Padabog
akong umalis sa living room saka pumasok sa kuwarto.
Nakakainis siya. Naapektuhan ba no'ng silver nails 'yong ugali niya? O baka naman
ayaw na niya agad sa akin kaya balik siya sa dating pakikitungo sa akin?
Nahiga na lang ako at pinikit mata ko. Baka trip niyang ibalik ang dati niyang
ugali?
Sabi ko pwedebakitangmaginggirlfriend?
Paulit-ulit kong inaalala 'yong sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy hindi ako
dadalawin ng antok kaka-isip sa mga sinabi niya. Para ba akong nagde-decipher ng
napaka-hirap ng code.
I grunt hopelessly then a like a bulb tinged on my head. 'Yon ba ang ibig niyang
sabihin? Kaya ba siya parang nabubulol kasi hindi niya masabi at nahihiya siya?
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Hay naku, Hansel. You act cool but in reality, isa ka ring torpe.
Bumangon ako at lumabas muli sa kuwarto. Nakita ko siya sa harap ng TV pacing back
and forth.
"Hansel!" tawag ko sa kanya. Nakakunot siyang lumingon sa akin. "Gets ko na!" Sabi
kong nakangiti.
"Huh?"
"Retarted na nga bingi pa!" Sabi ko sa kanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Ano'ng sabi mo?!"
"I can be your girlfriend," nakangiti kong sabi na ikinalaki ng singkit niyang
mata.
"What did you just say?" Halata sa mukha niyang hindi makapaniwala.
"You're the one I should be calling retarded. I said I can be your-" I was cut of
when he abruptly hugged me tightly.
Dahan-dahan niya akong binitawan at iniharap sa kanya. He stare at me intently as
his hands brushed on my cheeks. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin
hanggang sa maramdaman kong dumampi ang malamig niyang labi sa akin.
Being kissed by him always felt like this. My heart is thumping eratically like it
wanted to get out on my rib cage.
Habol ko ang hininga ko nang putulin niya ang paghalik sa akin. Tiningnan niya ako
na puno ng pagmamahal. God, his love overwhelms me.
Pinagdikit niya ang noo namin at pareho kaming napangiti. Hindi ko maipaliwanag ang
sayang nararamdaman ko.
"Mahal na mahal kita, Ingrid. Wala akong ipapangako sa'yo, pero makaka-sigurado ka
na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko,"
"Mahal na mahal din kita," I said and hugged him.

Chapter 19 - Pop pop

Chapter 19
Ingrid's POV
"MATAGAL ka pa ba d'yan?" I heard Hansel's voice outside my room. Katatapos ko lang
kasing maligo at nagbibihis na ako.
"Yeah. 15 minutes!" Malakas kong sigaw. Sabi kasi ni Hansel mamamasyal kami sa
plaza. Huwag daw akong mag-alala kasi tinutugis na ng mga royal guards ang
Sanguinarians.
Sinuot ko lang 'yong sleeveless black and white dress ko at doll shoes. Napatingin
ako sa tuhod ko. Magaling na 'yong sugat ko.
Paglabas ko ng kuwarto, I saw Hansel standing while crossed arms. Seryoso lang
siyang nakatingin sa akin na para bang hindi niya gusto ang suot ko.
"What are you wearing?" He said calmly but I don't like the tone of his voice.
"Dress. Ang cute 'no?" I said para mas lalo siyang inisin. Umikot pa ako para
ipakita ang ribbon sa likod ko.
"It's not!" walang kagatol-gatol niyang sabi dahilan para mapasimangot ako.
"Ano'ng problema mo sa damit ko? Maganda naman, ah?," I said trying to hide the
irritation on my voice. Nakakapikon siya sa totoo lang. Nagpa-ganda ako para sa
kanya tapos hindi man lang niya na-appreciate.
"You're exposing too much skin," sabi niya at hindi ko mapigilang hindi mapataas
ng kilay. As if naman kita ang dibdib ko eh braso at legs ko lang naman ang kita
which is normal naman sa lahat ng babaeng kilala ko. ang OA lang nito ni Hansel.
"So, magpapalit ulit ako?"
"No. Huwag na. That would be another 15 minutes for you. You girls waste so much
time in front of your mirror," napapailing niyang sabi.
I just roll my eyes at him. Ang sungit na naman niya. Akala mo laging may dalaw.
Pasalamat siya mahal ko siya. Hindi man lang sweet, naturingan pang boyfriend.
Naglakad lang kami papuntang Plaza. Malapit lang naman kasi. Nararamdaman kong
lahat ng mata ay sa amin nakatingin. 'Yong iba ay talagang sinusundan kami ng
tingin. Nakakahiya naman 'to. Are they staring kasi Prinsepe nila ang kasama ko?
Pinauna kong naglakad sa akin si Hansel at ako naman ay nakayuko lang. Hindi ata
magandang lumabas kaming dalawa na magkasama.
Nasa gitna kami ng park naglalakad nang biglang may sumipol sa akin.
"What the fuck! Who's that?!" Galit na sabi ni Hansel. Napalingon-lingon pa talaga
siya at hinahanap 'yong sumipol.
"Hayaan mo na lang Hansel," Mahina kong sabi. Inakay ko siya palayo sa lugar na
'yon para hindi na niya pansinin kung sino mang sumipol.
"'Yan! Kaya ayaw kong magsuot ka ng maikli at labas legs! Hindi lang tao ang may
ugaling bastos, Vampire rin!" He said like he was blaming me for being perverted by
those ummannered Vampire! Eh, kasalanan ko ba kung bastos sila at hindi marunong
rumespeto? At kasalanan ko rin ba kung maganda legs ko?
"Oo na! Sorry na! Magbibihis kasi ako tapos pinigilan mo 'ko!" Inis kong sabi.
"Kung magpapalit ka ng damit another 15 minutes na naman 'yon! Ang tagal mo pa
naman magbihis!"
"Siyempre! Kasi pumipili ako ng damit na magiging pleasing sa mata mo! Sorry, ha!
Gusto ko kasi maging maganda sa paningin mo! Gusto ko kasi kapag lumabas tayo sa
akin lang attensyon mo! Gusto ko ako lang makikita mong maganda! Wala ng iba! Kaya
sorry, ah! Sorry!" Sabi ko sabay walk out.
Nakaka-beast mode si Hansel. Kahit pinipilit kong habaan ang pasensya sa kanya,
minsan talagang bigla na lang akong sumasabog sa inis. Hindi ko kayang I-predict
ang pag-uugali niya.
Medyo malayo na ako habang nakasimangot na naglalakas nang maramdaman kong may
yumakap sa beywang ko. I know it was him. Amoy pa lang niya kilala ko. I hissed at
him.
"Ano ba! Let go of me!" nagpumislag ako pero mas lalo lang humigpit ang pagyakap
niya sa akin.
"Ayoko nga. Baka may kumuha na naman sa'yo. Dito ka lang. Dito lang tayo," he
rested his chin on my shoulder and I could feel his cold breathing on my neck.
"Hindi mo naman kailangan magdamit ng maganda para magustuhan kita. You're
beautiful kaya hindi mo na kailangan mag-effort. Kahit ano pang suot mo, kahit
tago pa ang legs, para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo. At
sa'yo lang lahat attensyon ko. Hindi mo na siya kailangan hingiin sa akin dahil
noon ko pa ito binigay sa'yo,"
I tried to suppressed my smile but I failed. What will I do to this man? I am
helplessly falling in love with him, over and over and over again.
"Kainis ka. Bitawan mo na nga ako," Niluwangan niya na ang pagkakayakap niya sa
akin at pinaharap ako sa kanya.
"Are you still mad?" nag-aalala niyang tanong.
"I'm not mad. But please lang, Hansel. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang in
a most natural way. Baka mamaya magkasakit ako sa puso sa sobrang kilig ko sa'yo,"
"Kaya mahal na mahal kita eh." Ginulo niya buhok ko na ikinainis ko lalo.
"Hansel! Guluhin mo na ang buhay ko, huwag lang ang buhok ko!" Inayos ko ulit
'yong bangs ko. Narinig ko naman ang malakas niyang tawa.
"Tula ba 'yon? Bakit parang may rhyme?"
"Ewan ko sa'yo. Tara na nga," Hinila ko rin siya kahit hindi ko naman alam kung
saan kami pupunta. Tumigil ako at humarap ulit sa kanya. "Saan ba tayo pupunta?"
Tanong ko.
"There," Tinuro niya 'yong gitna ng plaza.
"Eh?" May malaking white board at may nagpe-play na movie roon.
"Gusto ko kasing mag-enjoy din ang kapwa ko vampire kaya nagpalagay ako ng
projector. Everynight may movie na ipa-palabas. Pero siyempre ipapalabas lang namin
ay 'yong mga movie na kilala namin ang artista,"
"What do you mean?"
"May mga artista rin kasi sa mundo ng tao na mga vampire. Lalo na sa Hollywood,
marami roon," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Is he serious? Sabagay, kung
totoo nga sila, bakit hindi sa mga artista 'di ba?
"Ano ba ang palabas?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa gitna ng plaza.
"Di ko alam, eh. Basta ang genre ngayon is action," Napatango lang ako.
Umupo kami sa carpeted grass. Sabi ko nga dapat hindi na ako nag dress.
"Sorry walang pagkain. Hindi ba 'yon 'yong ginagawa niyong mga tao? Kumakain ng
pop-pop habang nanunuod ng movie?"
"Pfffft, anong pop-pop?" Natatawa ako kaso baka supladuhan na naman ako ni Hansel
kaya pinipigilan ko.
"'Di ba 'yon 'yong kinakain na color white? Nabasa ko 'yon sa libro, eh," Tinigna
ko muna mukha niya. Sobrang seryoso talaga.
"Pfft," hindi ko na napigilan sarili ko at napahagalpak na lang ako sa tawa.
Nakita kong napakunot siya ng noo kaya mas lalo pa akong natawa. Hawak-hawak ko na
ang tiyan ko sa kakatawa. Pop-pop! Hahaha.
"Stop laughing! Walang nakakatawa!" singhal niya.
"Yes, there is! Hahaha. You mean to say Pop corn. Not Pop-pop,"
"Stop it! It's not even funny!" Kita kong inis na siya.
"Hahaha. Sorry. Hahaha. Can't help it. Hahaha. Pop-pop! Hahaha!"
"Tumigil ka sabi, eh!" I heard him growl kaya tumigil na ko sa kakatawa. Kahit
mahirap pigilan ang tawa kahit tawang-tawa ka na talaga.
"Basta Hansel, it's not Pop-pop. It's Pop Corn," Sabi kong tinuturuan siya.
"Eh, malay ko ba sa kung ano'ng tawag do'n!"
Napatingin kami sa unahan ng magsimula na ang palabas. Ang saya pala kapag ganito.
"Where's Erina?" I asked.
"Nasa unahan," sabi niya. Napangiti lang ako. Lagi talagang bida sa kahit na anong
bagay ang vampirette na 'yon.
Habang nagpe-play ang movie ay marami namang katanungan ang pumapasok sa isipan ko.
Ang dami kong tanong tungkol sa uri nila.
"Hansel, I have a question,"
"Shoot,"
"May ibang vampire city din ba sa ibang bansa? Or dito lang?"
"Hindi lahat ng bansa ay may vampire's lair. But to answer your question, yeah, may
mga vampire city din sa ibang bansa. At kagaya rito, they are ruled by Kings and
Queens,"
"What happened if you eat human's food?"
"We don't have problem eating your food. Hindi lang akma sa taste palet namin at
mas tumataas ang craving namin sa blood,"
"Parang ang saya maging vampire, 'no?"
"Hindi masayang maging vampire, Ingrid. Nakakapagod mabuhay ng matagal. Lalo na
kung wala kang dahilan para mabuhay. Pero nagbago na 'yon simula no'ng makilala
kita. 'Gaya ngayon, I have all the reason to live, as long as you're with me."
Napangiti lang ako sa kanya. Tama rin naman siya. Nakakapagod sigurong mabuhay ng
matagal.
* * *
After ng film showing ay nilapitan kami ni Erina at nagtaka pa ako kasi gusto niya
raw akong makausap nang masinsinan. Kinabahan tuloy ako bigla. Hinila niya pa ako
palayo kay Hansel.
"Ano ba'ng sasabihin mo, Erina?" kabado kong sabi.
"Ate, takas tayo?" sabi niya. Tiningnan ko lang siyang nagtataka
"Anong takas? Bakit?"
"Gusto ko sanang lumabas ng portal. Sige na, Ate, please?" she pleaded with
matching puppy eyes. Bakit ba ang hilig niya magpa-cute kapag may hinihiling siya?
"Bakit kailangan tumakas? Hindi ba puwedeng magpaalam kay Hansel?" I said.
"Di 'yon papayag 'no! Alam mo naman na over protective siya ngayon sa'yo dahil sa
kidnapping incident,"
"Magagalit siya," pagdadahilan ko.
"Eh, ano naman- wait nga. Kayo na ba?" She gave me this suspicious loos at nang
hindi ako makasagot ay bigla na lang nanlaki ang mga mata niya. "Oh, gee! Kayo na
nga!" she said shrieking.
"Huwag ka ngang maingay. Oo, kami na nga," ramdam ko ang pamumula sa pisngi ko.
"We need to celebrate. Kaya kailangan nating tumuloy, game?"
"Okay, okay. Para matigil ka na. Pero hindi tayo magtatagal do'n," sabi ko. Para
naman siyang bata na tumalon-talon pa talaga.
"Excited na 'ko. Umaga tayo pumunta, ah. Magsusuot na lang ako ng shades at jacket
para hindi ako mahalata,"
"Saan mo ba balak pumunta?" tanong ko pero hindi na niya sinagot dahil biglang
lumapit sa amin si Hansel. Sana lang hindi siya masyadong magtanong.
"Basta ate, punta ka sa kuwarto ko bukas at mag-girl bonding tayo," bigla na lang
niyang sinabi. She secretly winked at me.
"Girl bonding?" tanong ni Hansel.
"Kuya, ipapagpaalam ko sa'yo si Ate Ingrid bukas ng umaga, ha. Magbo-bonding kami.
Girls only! Okay?"
"Alright, just take good care of her. No monkey business," sabi niya. I really
have a bad feeling about this. Lagot talaga kapag nahuli kami ni Hansel na lumabas
ng portal.
"Oo naman, Kuya. She's very much safe with me," she grinned playfully. Tumingin
naman siya sa akin with a knowing smile.
No'ng mga alas singko na ng umaga at pataas na ang araw, lahat ng bampira nagsi-
uwian na sa kanya-kanyang bahay. Kami naman ni Hansel ay umakyat na sa penthouse.
Sabi kasi sa akin ni Erina susunduin niya 'kong mga alas nuwebe ng umaga.
Sabi nga ni Hansel mabuti raw na makapag-bonding kami ni Erina kasi hindi raw niya
'ko masyadong maasikaso kasi may gagawin siya. Bibisita raw ang isang Clan sa
palasyo nila kaya kailangan nilang maghanda.
Third Person's POV
"Welcome back, Princess Maxhene!" bati ng royal butler na ipinagmameho siya papasok
sa Vampire City. Umibis siya sa limousine at nilanghap ang simoy ng paligid.
"Thank you. Ang daming nagbago dito, ah. Anyway, where's my Prince?" Mataray
nitong tanong.
"Nasa penthouse niya po, Princess Maxhene. But I suggest na saka mo na siya
puntahan kasi-"
"Who are you?!"
"Just your butler Princess," Nagbow pa ang ito.
"Yeah, exactly. Just my butler, so don't tell me what to do! Capisci?!" Galit na
sininghalan ng Prinsesa ang kawawang butler.
"Y-ye...yes your highness,"
"Good! Now where's Hansel again?"
>|

Chapter 20 - Bitch Please!

Chapter 20
Ingrid's POV
Ngayon ang araw na kakatagpuin ko si Erina. Sabi niya naghihintay na siya sa labas.
Nagdala lang ako ng backpack with emergency kit. Nagsuot lang din ako ng simpleng
blouse, maong pants, and chucks. Gusto kong maging kumportable kung saan man balak
ni Erina na pumunta.
Palabas na akong elevator nang mabangga ako ng isang mestisang vampirette. I was
about to say sorry kahit parang sinadya niya naman ang pagbangga sa akin nang
tingnan niya ako ng masama.
"Watch where you're going, bitch!" matalas na sabi nito. Halos napamaang ako sa
sinabi niya. Kahit kailan hindi pa ako natawag na bitch.
"What did you just call me?!" I said trying to control my temper.
Imbes na mag sorry siya at mas lalo niya akong tinaasan ng kilay. Aba't porket ang
ganda niya ganyan siya makaasta? Siguro kung alam ko lang na isa lamang siyang tao
kagaya ko ay kanina ko pa 'to pinatulan. But I need to act cool dahil baka ako ang
maging hapunan dito.
Hindi ko na lang siya pinan at iritado akong lumabas ng hotel. Nakita ko si Erina
sa loob ng kanyang sasakyan naghihintay sa akin.
"Ang tagal mo naman, Ste." sabi ni Erina nang makasakay ako sa kotse.
"Pasensya na," nasabi ko na lang. Hindi na ako nag-kwento na may maldita akong
nakasalubong kanina. Baka mas lalong masira ang araw ko.
"Excited na ako, Ate." She said giggling. Nagsimula siyang mag drive habang nagpe-
play ang Bossa nova music.
Malapit na kami sa intersection kung saan pa-exit na kami sa vampire city nang
makita ko na naman 'yong biglang kumislap.
"Erina ano 'yon?" Naturo ko pa sa windshield.
"Ah, 'yon? It's an indication na nakalabas na tayo sa amin and welcome to your
world. 'Yon ang portal na invisible sa paningin ng mga mortal," Nakangiting
paliwanag ni Erina. Napatango ako. Now I know.
"Buksan natin Ate 'yong window?" Erina asked without looking at me.
"Huh? Bakit?"
"Para ma-feel natin ang simoy ng mundo niyo," Masaya niyang pahayag.
"You mean the pollution?" I said with sarcasm pero parang hindi naman niya
nahalata.
Ilang oras pa siyang nag drive at nang mapagtanto ko kung saan kami pupunta ay agad
akong napangiwi.
"Sa mall? Seryoso ka?" dismayado kong sabi. Akala ko pa naman kung saan. May mall
din kaya sa vampire city. Bakit dito pa?
"Grabe, excited na kong mag-shopping. Ako ate pipili ng gown mo." Napalingon naman
ako kay Erina. Nandito kami para mag-shopping lang? Aba naman. Tsaka gown para
saan?
"Gown? For what?" hindi ko mapigilang hindi magtanong.
"Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sa'yo. May royal ball kasi bukas. Bibisita kasi
ulit 'yong Donagon Clans, this year, sila ang bisita ng kaharian. Every year kasi
iba-ibang clan ang guests namin. Alam mo ba ate na ang Royal Ball ang pinaka
anticipated na event ng mga Vampires? Nando'n kasi lahat ng mga high class na
vampires sa city,"
"Eh, why do I need gown? I'm not even invited. I'm not a vampire,"
"You need to attend. Ah, basta you need to attend," Kahit gusto kong umangal wala
na akong magawa kasi hinila na ako ni Erina papasok sa isang boutique.
"Do'n Ate, magaganda ang damit," Hinila na naman niya ako at ako naman ay
sumusunod lang sa kanya.
Actually, nakikita ko ang sarili ko ngayon kay Erina. Ganito rin ako no'n. Spoiled
sa lahat ng mga bagay lalo na sa shopping. Kahit 'di ko naman kailangan ng bagong
damit, bumibili talaga ako. Stress reliever ko ang pamimili at masaya ako kapag
marami akong bitbit na paperbags. Since wala naman ako no'ng totoong kaibigan, ito
'yong libangan ko noon every saturday.
Tumingin-tingin pa kami sa ibang boutique hanggang sa makarating kami sa sang
specialty shop na para sa mga night gowns.
Agad kaming in-entertain ng mga saleslady nang pumasok kami. We are guided to a VIP
section kung saan may maliit na room at puwede ko roon mag fit ng kahit ilang
gowns.
Sinabi namin sa sales lady na isang ball ang pupuntahan namin kaya binigay nila sa
amin 'yong mga gown na appropriate para sa okasyon na 'yon. May dalawang fitting
room dito sa silid at sabay kaming lumalabas ni Erina kapag ipapakita namin 'yong
sinukat namin.
Sabay kaming humaharap sa salamin at napansin kong blurred ang reflection ni Erina
sa salamin. I wanted to asked her about it but I decided to keep mum.
"Alam ko ang iniisip mo. Why am Iblurred in front of the mirror?" Sabi niya.
Napatango lang ako. Bakit ba niya lagi na lang binabasa ang isip ko. "Usually
Vampires don't have a reflection in mirror, only shadow in the dark. But since
we're not a bad vampire, our blood is somewhat clean. Pero dito lang naman 'yon sa
mundo ng tao. Sa vampire city, we have a mirror designed for us," she explained.
"At least may reflection kayo. And you can see how beautiful you are. Not just
physically but also in the inside," I honestly said. Maganda talaga si Erina. Lahat
naman ng vampires na nakikita ko sa Vampire City ay magaganda talaga.
"Thank you ate,"
Bigla namang pumasok 'yong sales lady dala 'yong ibang mga gowns kaya agad na
umalis si Erina si mirror.
Nag-sukat ulit kami ng mga gowns dahil wala naman kaming natipuhan sa mga nauna.
"Ito na talaga, Ate. Ang ganda. Bibilhin ko siya," sabi niyang nakaharap sa
salamin. Purple tube dress in medusa cut ang napili niya. It has small sequin on
the bust a silk texture. She look so sexy and daring. The dress becomes her.
"Bagay sa'yo, Erina. Puwede siyang ternuhan black fur shawl." Suggest ko sa kanya.
"Talaga? I have one in my closet. Vintage siya kaya hindi ko ginagamit,"
No'ng ako naman nagsukat, pareho naming hindi nagugustuhan lahat ng sinusukat ko.
Karamihan kasi sa mga ibinigay sa akin no'ng sales lady ay may ruffles. Nagmumukha
akong ewan.
"Try mo kaya 'tong ball gown?" ipinakita ni Erina ang naka-hanger na dress sa
sabitan. Tumango ako saka ko ito sinukat. It has a combination of gold and dirty
white satin. It has gold sequins on the sleeves which is off shoulder. The skirt
was a satin that was covered with a lace. It was heavier that I thought
Paglabas ko ng fitting room ay nakatingin lang sa akin si Erina. Hindi ko tuloy
alam kong bagay sa akin o hindi.
"You look like a Queen, Ate." Sabi niya at kita ko ang sincerity sa mukha niya.
"S-salamat," nahihiya kong sabi
"Tingnan natin ang reaction ni Kuya kapag nakita ka niya sa damit na 'yan," sabi
niyang nakabungisngis. Natawa naman ako sa sinabi niya. Para tuloy akong excited
na.
"We'll buy this two," Inabot ko sa sales lady 'yong parehong napili namin ni Erina.
No'ng nakapagbayad na kami, napatingin ako sa wrist watch ko. It was lunch time at
nakakaramdam na rin ako ng gutom.
"Kain kana Ate sa resto. Sasamahan kita," Napangiti lang ako sa kanya kasi alam
kong binasa na naman niya 'yong iniisip ko. May advantage rin naman kapag
nakakabasa ng isip ang kasama mo kasi hindi mo na kailangan mag-explain.
Pumunta kami sa isang Pizza parlor. This is my all time favorite food at hindi ako
magsasawa kung ito ang lagi kong kakainin.
I ordered a family sized pizza and a strawberry smoothie. Okay na ako sa ganito.
"Kaya mo 'yang ubusin, Ate?" Hindi makapaniwalang sabi ni Erina nang dumating ang
order ko. Nakakatuwa 'yong panlalaki ng singkit niyang mata. Parang kagaya lang kay
Hansel.
"Yup! Walang diet-diet sa taong gutom!"
"Masarap ba?" tanong niya. Feeling ko natatakam na rin si siya sa kinakain ko.
"Oh yes! Wanna try?" Inabot ko sa kanya 'yong isang slice. Laking iling naman niya
rito.
"Hindi puwede, Ate," May panghihinayang niyang sabi.
* * *
Hansel's POV
I was taking a bathe when I heard Ingrid's voice outside, "Hansel, aalis na ko.
Nasa baba na si Erina. Okay?" Sigaw niya sa labas ng kuwarto ko. Lalabas sana ako
at magbibihis para maihatid siya kaso narinig kong nagsarado na 'yong pinto. I
cleared my mind at pinilit na hindi mag-alala. I trust my sister. Hindi niya
ipapahamak si Ingrid.
Matapo akong maligo, agad akong nagbihis at dumeretso sa living room. Naupo ako sa
single couch at kinuha ang librong hindi ko pa natatapos nang makarinig ako ng
doorbell. May nakalimutan kaya si Ingrid.
I opened the door expecting Ingrid pero iba ang nakita ko. Halos mapakunot noo ako
sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
"What are you doing here?!" walang emosyon kong sabi sa kanya.
"Is that how you treat your Princess, my Prince?" She walks through me at pumasok
sa loob.
"Puwede ba, Maxhene! Umalis ka rito. Bumalik ka na sa Palasyo," Pinipilit kong
maging kalmado sa harap niya.
"Hansel, hindi ka ba masaya na makita ako? Matagal na rin no'ng huli tayong
nagkita. And now, we can plan our wedding," Malambing na tono niyang sabi. Halos
mapapikit ako sa sinabi niya. Lihim na lang akong nagpapasalamat na wala ngayon si
Ingrid dito.
"I'm not going to marry you, Maxhene. Ilang beses ko na ba 'yang sinabi sa'yo?"
naiinis kong sabi.
"Damn it, Hansel! Bakit ka ba ganyan sa akin? Ano ba'ng ayaw mo sa akin? Kaya kong
baguhin ang sarili ko para sa'yo,"
Maxhene's family is a family friend. She's the current Princess of Donagon Clan in
Hampshire, England. Ang mother niya ang dating naka-tira rito sa vampire city kaya
noong mga bata pa kami ay madalas siyang magbakasyon dito. She's been very
persistent on marrying me. And very vocal about her feelings towards me pero hindi
ko talaga siya kayang gustuhin. She's just a friend to me.
"You don't have to change yourself, Maxhene. I don't love you like that,"
"Why? Why can't you love me? As far as I can remember, wala naman akong karibal
sa'yo. Wala ka naman ibang mahal," she said but I smirked. Siguro noon 'yon. Not
until I met Ingrid.
"I love someone, Maxhene. She's not like us but I'm very proud of her," Napasingot
siya sa akin.
"What do you mean she's not like us? Isa bang low-class vampire ang nagugustuhan
mo Hansel?!"
"No!"
"Then what? Tell me?!"
"I can't tell you!"
"Why?!"
"Because I don't trust you!"
"Very well. See you at the ball,Prince Hansel," Pagkasabi niya no'n ay bigla na
lang siyang naglaho sa hangin. I just hoped na hindi na siya muling pumunta rito. I
don't want her to meet Ingrid.
* * *
Ingrid's POV
Nakabalik na kami ni Erina sa Vampire City. Nandoon sa kotse niya 'yong pinamili
namin at mamaya niya na lang daw dadalhin sa penthouse kapag wala si Hansel.
I went to Scarlett book store. Dito ako nagpaiwan kay Erina. Bibili kasi ko ng
libro about vampires. Kailangan ko kasing malaman ang cultures nila since marami pa
kong hindi alam tungkol sa uri nila.
I bought two books at agad ko itong binasa sa may park. Naupo lang ako sa bench.
Malakas ang loob kong mag-isa kasi suot ko ang kwintas.
I was scanning the book when I heard someone ranting about her feelings. Lumingon
ako at nasa likod lang pala ng bench na inuupuan ko, nakaupo rin siya.
"Miss, okay ka lang?" nag-aalala kong tanong. Lumingon siya sa akin at pareho
kaming nagulat sa isa't-isa.
"You!" Sabay pa naming sabi.
Tumayo siya kaya napatayo na rin ako. Maamo ang mukha niya kaso masyadong mataray
ang kilay niya. She looks like a goddess. Her hair was naturally brown and
straight. Mas nakadagdag sa fierce niyang hitsura ang kanyang bangs.
"Ikaw 'yong sa elevator kanina!" Mataray niyang sabi.
"Pasensya ka na kanina. Hindi kasi kita nakita napansin," Nakangiti kong sabi.
"Whatever! Napaka stupid mo naman para hindi ako makita! Sa ganda kong 'to?"
itinuro niya pa sarili niya. Okay, she's pretty but she has attitude issues.
"Sa palagay mo ikaw lang ang maganda? Matangkad ka lang 'no!" inismiran ko siya.
Hindi lang siya ang marunong mag-taray 'no.
"Masyado naman atang mataas ang pagtingin mo sa sarili mo," nakataas kilay niyang
sabi.
"Because I can. At hindi ako magpapatalo sa isang katulad mo lang!"
"Matapang ka! Let's see kung hanggang saan ang tapang na 'yan!" Tinignan niya ko
baba taas kaya napaarko ang kilay ko.
"You sure are rude," I commented.
"I know!" She smiled.
"I'm Ingrid, by the way." I extend my arms to her.
"Maxhene, and I like you,"
I grinned at her widely. They say to win someone's trust is to show who you really
are. And I guess being a frank and blunt to this vampirette is not bad after all.
She might be very bitchy, but I know magkakasundo kami.

Chapter 21

Chapter 21
Maxhene's POV
I am walking- I mean we are walking at the park while chatting with this vampirette
named Ingrid. I admit, I don't like her. But there's something about her na gusto
ko rin at the same time. Maybe because she'straight forward.
Ewan ko rin. I hate her at the same time likes her. Puwede pala 'yong gano'n.
"So hanggang kailan ka dito?" She asked me.
"I don't know. Until the ball I think. Or until he learns to love me," I said
bitterly. Hansel and I were know each other since we were born. The moment na
magkaisip kami, nagsimula na ang feelings ko para sa kanya. Alam kong siya ang
lalaki para sa akin.
Matalik na kaibigan ni Queen Veruca ang Mommy ko at sabay din kaming nag-aral ni
Hansel sa Italy. Kaya hindi ko matanggap na may mahal siyang iba. Ano ba ang wala
sa akin? I mean, I'm perfect. Ano pa ba ang hinahanap niya?
"Learn to love you? Sino naman? Hitsurang mong 'yan maghahabol ka?" she said
bluntly. Kahit nakakainis talaga 'tong babaeng 'to may pakinabang din naman.
"Masama ba maghabol sa mahal mo?" Mataray ko ring tanong.
"Hindi naman. Pero kung may mahal nang iba ang mahal mo, hayaan mo na lang!
Aagawin mo? Bitch ka talaga!" Inirapan ko siya. The nerve of this girl!
"Alam mo ba kung naririnig ka ng mga nakakakilala sa akin at nakitang ganyan ka
makipag-usap sa akin, siguro ngayon nasa kulungan ka na!" Inis kong sabi. I saw her
smirked. Lakas talaga ng loob ng vampirette na 'to.
"At bakit naman ako makukulong?! Ano ka ba?" Kapag sinabi ko kayang Prinsesa ako,
ano kayang magiging reaksyon niya. I would love to see that priceless reaction on
her face but not right now. Mas nag-e-enjoy ako sa ganito.
"Wala! Tsk, pasalamat ka kaibigan na tingin ko sa'yo!"
"Ganyan ka pala magturing sa kaibigan?" She said full of sarcasm.
"Yeah. So just be thankful."
Marami pa kaming pinagkwentuhan. We don't have that much in commom but she's
entertaining to be with. Napag-alaman ko rin na may kasintahan na siya. Kaya pala
ang lakas ng loob. Pero aaminin ko, maganda kasi talaga siya. Lagi nga lang akong
binabara. Pero 'yon ang gusto ko sa kanya. I can say na nakahanap ako ng katapat
ko.
Ingrid's POV
"Saan ka galing?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko nag boses
ni Hansel. Nakaupo siya sa single couch at hawak-hawak ang isang libro. Naka off
din ang ilaw sa living room kaya talagang halos gulat na gulat ako.
"Nandiyan ka pala, Hansel," Kabado kong tanong. Binuksan niya ang ilaw ng lampshade
kaya lumiwanag sa loob ng living room.
"Nagpunta dito si Erina at hinahanap ka. Where've you been?" he said with a
doubting look. He closed the book and walk towards me.
"A-ah... kasi... ano,"
"Are you cheating on me?"
"No! Why would I?" I abruptly answered.
"Then tell me. Saan ka galing?"
"May nakilala lang akong kaibigan,"
"Kaibigan? What's his name?" Nakakainis naman 'to si Hansel. Kung makapag-
interogate akala mo may gagawin akong masama. Do I really have to tell him
everything?
"She. So don't worry,"
"Eh, ano kung babae? Malay mo kung pinadala 'yon ng Sanguinarians para kaibiganin
ka?" Napaisip naman ako. Hindi friendly si Maxhene. And I think kaya kami
nagkasundo kasi we both hate each other. There's something about her kasi na parang
ang sarap niyang kaibiganin at the same time sarap barahin.
"I don't think so. Maxhene is so bitchy but-"
"Maxhene?" Nahalata kong gulat na gulat siya ng marinig ang pangalan na binanggit
ko.
"Yeah, you know her? I met her kanina- well not in a right way. She called me
bitch. Ang taray nga niya tapos-"
"What? She called you bitch?!"
"Ano ka ba! Huwag ka ngang OA! Anyway, she's okay naman at nagkakasundo kami
tapos-"
"Stay away from her. I don't want you to befriend her," seryoso niyang sabi kaya
tinaasan ko siya ng kilay.
"And why?" naiinis kong sabi.
"She's not what you think she is,"
"Hansel, I know you just want to protect me but really, I can handle her. She
can't hurt me kaya please lang stop overreacting,"
Marami pang sinabi si Hansel pero hindi ko na pinansin. Pumasok na lang ako sa
kuwarto ko. Nadatnan ko 'yong mga damit na pinamili namin ni Erina kanina.
Napangiti lang ako. Nilagay ko siya sa closet pati 'yong gown. Naghalughog ako sa
cabinet ko para maghanap ng kwintas na puwedeng ipares sa gown pero wala akong
mahanap. Ipinagbili ko pala lahat ng alahas ko no'ng tumakas ako.
Inaayos ko ang mga gamit ko nang makarinig ako ng mahinang katok sa pintuan. Tumayo
ako saka ko tinungo ang pinto.
"It's me," sabi niya pa bago ko buksan ang pintuan.
"Pasok ka," niluwangan ko ang pinto at pumasok naman siya. "You need something?" I
asked.
"May sasabihin lang sana ako," seryoso niyang sabi. I stared at him. He seems
nervous.
"Ano 'yon?"
"Can you... Uhh... Can you," What's with him?
"Can I... What?" mahinahon kong sabi.
"Can you be my date tomorrow at the Royal ball? I know Erina told you about it,"
Is that the reason why he is stuttering? Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya.
Actually, I am observing his actions.
"So?" Parang naiinip niyang sabi.
"Yes," I simply said.
"Talaga?" biglang lumapag ang mga ngiti sa labi niya and my heart almost melted.
"Yup,"
"Do you have something to wear? For the party?" He asked.
"Don't worry about it," ani ko.
"Good,"
* * *
"Ate!" Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang boses ni Erina.
"Erina! Bakit?!" Inis kong sabi. Napakusot-kusot pa ako ng mata. Nananaginip pa
ako, eh.
"Bangon na! Tanghali na kaya!" she said pouting and my eyes widened when I saw the
clock. It's Twelve noon. Napasarap masyado tulog ko.
"I'll do your make-up and hair, okay?"
"Sige, maliligo lang ako tapos kakain then we can start preparing," Tumango si
Erina kaya pinalabas ko muna siya. Maliligo muna ko.
Mga dalawang oras naman tinagal ko sa CR. Nagbabad ako sa bath tub, eh. Pakatapos
kong magpatuyo ng katawan, saka ako nagsimulang maglagay ng lotion at facial cream.
God, I missed this. Matagal-tagal ko rin itong hindi nagawa. Parang napabayaan ko
ang sarili ko.
Naglagay ako ng facial mask at humiga sa kama. Pinatong ko rin 'yong cucumber sa
mata ko.
"Ate pahiram ako ng- Ahhhhhh!" napabalikwas ako sa kama nang marinig kong sumigaw
si Erina.
"Ano 'yon? Ano'ng meron?" nalaglag 'yong cucumber sa mata ko at nakita ko ang
gulat at takot na mukha ni Erina.
"Ano ba'ng nangyari sa'yo?!" Nag-aalala kong tanong.
"Akala ko kasi kung sino nang nakahigang multo sa kama mo. Ikaw lang pala,"
"You scared the shit out of me. Aatakehin ako sa'yo sa puso, eh. Balak mo bang
patayin ako?" Inis kong sabi.
"Relax. Ano ba 'yang sa mukha mo?" lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang
mukha ko.
"It's a facial mask," Tipid kong tugon.
"What's its use? Can I try one?"
"No,"
"Why?"
"Maganda na ang mukha mo, Erina. You don't need one,"
"Eh, maganda ka rin naman, ah?" nagtataka niyang sabi.
"Iba kasi ako sa'yo," paliwanag ko sa kanya.
Alas syete ng gabi nang magsimula kaming mag ayos. She curled my hair and I up-do
her hair. Nilagyan niya ko ng make up at saka niya tinanggal ang curler set sa
buhok ko.
"Ang ganda mo talaga, Ate. Mas lalo na kung isusuot mo na 'yong gown. Baka
maglaway na si Kuya niyan.," pang-aasar niya kaya napailing na lang ako.
"Ikaw talaga. Puro ka kalokohan,"
* * *
It was 11:45 PM nang matapos kaming mag-ayos ng sarili. Nilabas ko pa nga phone ko
para mag picture kami ni Erina. Ang ganda talaga ng gown ko.
"Mauna na ako Ate sa loob ng grand hall palace. My personal guard will escort you
after. Okay?" Sabi ni Erina sa labas ng kotse. Napatango lang ako.
Kinakabahan ako. Sanay ako sa mga social gatherings, pero iba ito. Nandito ang
mahal ko. At hindi pangkaraniwang tao ang mga makakasama ko.
Hindi ko nga suot 'yong kwintas kasi raw makikita 'yon. Ibinulsa ko lang 'yong
necklace. Effective pa rin naman daw 'yon sabi ni Erina.
"Miss Ingrid, may I escort you inside the Palace?" Binuksan ng royal guard ang
pinto ng kotse saka ako umibis.
Nakapasok kami sa foyer sa labas ng hall. Ramdam ko ang kaba ko nang makita kong
ang daming bampira na nakapaligid sa akin. Pakiramdam ko isa akong prey na papasok
sa den ng isang predator.
The giant two door opens and I was greeted by hall full of vampires. Okay, I should
relax. Breath in, breath out. I can do this.
Pumasok ako at pumagitna ako sa stair way pababa sa palace grand hall. May
mangilan-ilan na napapatingin sa akin and I've never been so proud. I saw Erina at
the middle of the hall, grinning.
Nakita ko rin ang Hari at Reyna. Nilapitan ko silang dalawa at nagbigay galang.
"You look lovely, Ingrid," sabi ni Queen Veruca. Nagbeso-beso kami and I can't
help myself to admire the sophistication of the Queen. Her beauty is timeless.
"Please enjoy the part, okay, hija?" sabi ni King Vladimir.
"I will, Sir," Nakangiti kong sabi.
"Mix in, Ingrid. They won't find out that you're human," Queen Veruca said and
winks after they left. Naiwan ako sa gitna. Nilibot ko paningin ko para hanapin si
Hansel o kahit si Erina. Pero hindi ko man lang sila nakita.
"Mag-isa ka ata?" I abruptly turn around only to see Maxhene.
"You're here," Nakasuot siya ng red gown na may elbow length red hand gloves.
"You look like a Princess, my dear," Nagbeso-beso kami.
"So do you. You look so... intimidating!" Tumawa siya sa compliment ko.
"Why thank you!"
"Sino kasama mo?" I asked.
"Oh, my father," She simply said. "How about you?" Tanong din niya.
"I'm with my boyfriend," Nakangiti kong sabi.
"You have to introduce him to me," aniya.
"Ayoko nga. Baka agawin mo pa! Bitch ka pa naman!" Biro ko sa kanya.
"Kung type ko siya baka nga agawin ko siya sa'yo!" Nag-evil laugh pa siya.
"Bitch!" Nagtawanan kaming dalawa. Somehow, sanay na kami sa isa't-isa kahit hindi
pa kami lubos na magkakilala.
"Iwan muna kita. I'm looking for my love,"
It was one AM nang I-announce ng emcee ang royal dance. I decided na maupo sa empty
table habang pinagmamasdan ang mga sumasayaw.
"Ate Ingrid," it was Erina.
"Oh, bakit?"
"Kuya has been looking all over for you. Bakit ka ba nagmumukmuk dito?"
"Hindi ko naman kasi kayo makita kanina. Ang sakit na kasi ng legs ko, eh,"
paliwanag ko sa kanya.
"Pareho kasi kayong naghahanapan. Tumayo ka na diyan at isasayaw ka na ni Kuya,"
hinigit niya ang kga kamay ko at giniya ako papuntang dance floor. Nakita ko si
Hansel na naghihintay sa akin. He's beaming at me and he's wearing white tuxedo
with red rose at the side of his chest. He look so handsome and clean.
Medyo natagalan bago niya ako nilapitan. Lahat ng mga nandito ay nakatingin sa
amin. Hindi ko mapigilang mas lalong humanga sa kanya. Nilibot ko tingin ko at
nakita ko si Maxhene, seryosong nakatingin sa akin.
"Can I dance with the most georgeous lady inside?" inilahad niya ang kanyang kamay
and I giggled at him.
"Why of course, my prince," Kinukaha ko ang kamay niya at sabay kaming pumagitna.
"You're so beautiful, Ingrid," He whispered that earned him a chuckle from me.
"Thank you. And so do you. You look dashing,"" Napangiti rin siya sa sinabi ko.
"You're not wearing the necklace," sabi niya nang tumingin siya sa leeg ko.
"Pinatago kasi ni Erina 'yong kwintas. Don't worry nasa bulsa ko siya," Sabi ko.
Huminto kami sa pagsasayaw at pumunta siya patalikod sa akin. What is he doing?
Nagulat ako nang may isinuot siyang gold necklace sa leeg ko. It has an oblong
pendant with an ancient writings engraved in it.
"Anong-"
"This is the symbol of my love. Huwag mong wawalain. I love you, Ingrid," pumunta
siya sa harap ko at puno ng pagmamahal na tumingin sa mga mata ko.
"I love you too, Hansel,"
* * *
Matapos kaming magsayaw ni Hansel ay ipinakilala niya ko sa mga kaibigan niya
bilang kasintahan niya. Akala ko tuluyan na akong maa-out of place but it seems
that they're nice naman.
"Hansel, puntahan mo muna ang mga bisita mo. Okay lang ako rito, promise."
Nakangiti kong sabi sa kanya.
"But I want to be with you,"
"Balikan mo na lang ako mamaya. Don't worry about me," I assured him. He gave me a
peck on the cheeks bago umalis.
Nang ma-bored ako ay pumunta ako sa labas ng palasyo. Sa garden kung saan kami
pumunta noon ni Hansel. Ang lamig ng panahon kaya halos napayakap ako sa sarili ko.
"So it was you," I turned around only to see Maxhene. Ang seryoso ng mukha niya.
"What are you, following me?" biro ko sa kanya pero mas lalong dumilim ang mukha
niya.
"Ikaw pala ang mahal ni Hansel," She said with so much coldness.
"Yes, he's my boyfriend. Aagawin mo pa rin ba?" biro ko sa kanya.
"Yes!" walang kagatol-gatol niyang sabi. Nawala 'yong mga ngiti sa labi ko dahil
sa sinabi niya.
"What did you say?"
"You heard me. Aagawin ko siya sa'yo," She crossed her arms and eyed me with so
much hatred.
"Bitch! Eh, akala ko ba may hinihintay kang vampire para mahalin ka?" Nakataas na
'yong kilay ko.
"Oo nga. At 'yong hinihintay kong mahalin ako at ang mahal mo ay iisa!" singhal
niya dahilan para matigilan ako. Pakiramdam ko may bombang sumabog sa harapan ko.
Gusto kong tumawa at hintayin na sabihin niyang joke 'yon pero kita ko sa mukha
niya na seryoso siya.
"Maxhene..."
"Hansel is mine, Ingrid. Mahal ko siya!" Deretsa niyang sabi. Hindi ako makaimik.
Lagi kong binabara ang babaeng 'to pero sa ngayon wala akong masabi.
"Kami ang nababagay para sa isa't-isa! Kasi pareho kaming royal blood. Prinsesa
ako. Prinsipe siya!" Kahit alam kong dapat lumaban ako 'di pa rin ako makaimik.
Nanlalamig ang katawan ko hindi dahil sa panahon kundi dahil sa mga sinasabi ng
kaharap ko.
"Puwede ba, Maxhene! If this is part of you bitching me, pwes tumigil ka na!
You're not funny anymore!" galit kong sabi sa kanya.
"Sana nga nagbibiro lang ako. But not this time. Hindi tungkol sa pagmamahal ko
kay Hansel. I have been loving him for a very long time. Eh, ikaw? Ilang buwan mo
pa lang siyang mahal?"
"Wala sa haba ng panahon ang pagmamahal, Maxhene. Minahal ko siya sa maikling
panahon at mananatili 'yon sa pang habang panahon," lumapit siya sa akin at
napatingin sa suot kong kwintas.
"That necklace," She said while staring at my necklace. "That's Queen Dowager's
necklace. Hansel's grandmother." Sabi niyang parang 'hindi makapaniwala.
"He gave it to me," pagmamalaki ko.
Now I know why Hansel doesn't want me to befriend her. Kasi matagal na niya 'tong
kilala.
"Hiwalayan mo si Hansel." She ordered kaya mas lalo akong nainis.
"Huwag mo akong uutusan!" I burst out in anger. I cannot believe her. I wanted to
strangle her but god knows what will happen to me if I do that.
"Alam kong hindi ka papayag. So I'm competing with you,"
"What d'you mean?"
"Ipaglalaban ko si Hansel kahit alam kong ikaw ang mahal niya. And you can still
be my frenemy, how's that sound? May the best vampirette win?" She extended her
arms pero tiningnan ko lang ang kamay niya.
"Confident ka naman atang masyado na maagaw mo siya?" tinaasan ko lang siya ng
kilay.
"I am Maxhene Donagon. And what Maxhene wants, Maxhene gets!"
"You know what? I pity you. Why do you have to beg for someone's love? Kung may
aagawin kang isang bagay, siguraduhin mo lang na gusto ring magpaagaw nito. You
don't have to lower your standards and be desperate!" Mataray kong sabi.
"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sa'yo ni Hansel. You are just a plain
vampire with nothing to offer!" She even eyed me from head to toe.
"Really? Are you sure?" Gusto kong isigaw sa kanya na may maipagmamalaki ako at
'yon ang pagiging tao ko. Gusto kong sabihin na 'yon ang isang bagay na hindi siya
magkakaroon pero mas pinili kong manahimik. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko petty
things.
Nakipagsukatan ng tingin sa akin si Maxhene and neither one of us want to give up.
Kung malakas ang loob siyang agawin sa akin si Hansel, malakas din ang loob ko na
hindi 'yon mangyayari kasi may tiwala ako sa pagmamahal ni Hansel sa akin. At hindi
'yon masisira ng isang delusional bitch.
* * *
Maxhene's POV
Walang hiya talagang Ingrid na 'yon! Gusto kong pilipitin leeg niya! Ughh! Umalis
na lang ako sa ball. Hindi ko kasi alam ang mangyayari kapag nagpadala ako sa
emosyon ko. Papalipasin ko muna inis ko. Saka na kami magtutuos ng Ingrid na 'yon.
Pumunta ako sa Scarlett Bar. Isa sa pag-aari ng pamilya Kang. Pumasok ako at
dumeretso sa bar counter. Maglalasing ako at walang makikialam. Broken hearted ako.
"Bloody Tequila please! Make it double!" Utos ko sa bartender.
"Right away ma'am."
"Oh, make it a bottle!"
Ibinigay sa akin ng bartender ang isang bote ng tequila at shot glass. Umiinom ako
kapag masama loob ko. Kahit masama ugali ko, nasasaktan din naman ako.
That Ingrid has done it. I thought she would be different from other vampires and
we could be friends. But life's a bitch. Bakit kailangan siya pa ang maging
girlfriend ni Hansel? Akala ko magiging madali lang sa akin 'to. Pero kahit halos
insultuhin ko na siya kanina, ramdam kong may kakaiba sa kanya.
Nakakalahati ko na ang bote nang may lumapit sa akin.
"Ano'ng ginagawa ng Prinsesa sa loob ng bar na 'to?" tamad na nilingon ko ang
nagsalita at tinaasan ko lang 'to ng kilay.
"At sino ka naman?!" singhal ko sa lapastangan na umistorbo sa paglalasing ko.
"Denver, your future husband," napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Yabang naman
ng kumag na 'to! Husband his face!
"Umalis ka nga sa paningin ko!" Dinuro-duro ko siya para umalis pero hindi man
lang natinag. Uminom ulit ako which is a bad move dahil pakiramdam ko umikot ang
paningin ko. Shit! Not right now.
"Ang taray mo talaga kahit kailan, Maxhene," naiiling nitong sabi. I shot him a
glare.
"You know what? You are so pakialamero! Please evaporate and go back to hell! And
why are you calling me Maxhene? Close tayo? I'm a princess you dimwit!" naiirita
kong sabi.
"No. I'm not leaving you. You're drunk." tumabi siya sa isang stool. Hindi ko na
lang siya pinansin dahil talagang ramdam kong bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
"Makikita ng Ingrid na 'yon! Hindi niya kilala ang kinakalaban niya!" I mutter to
myself.
"Lasing ka na, Maxhene," sabi ng pakialamero sa tabi ko. Sinubukan niyang agawin
ang baso sa akin pero hinablot ko ulit 'to.
"Hindi ako lasing! Alam mo ba... 'Yong tinuring kong kaibigan... Mahal pala ng
mahal ko," I laugh with so much hatred. "How ironic ano? Akala ko pa naman-ugh
never mind" nilagok ko 'yong last shot. Bigla na lang na nanghina ang mga tuhod.
Nanlalabo rin paningin ko Did I tell you bloody wines can make vampires vulnerable?

"Tama na sa inom. Naubos mo na 'yong isang bote, oh," sabi niya. Tumayo ako pero
nahulog ako sa upuan.
"How stupid of me,"I said laughing. Damn it hurts. Why is it so easy to show
everyone you're happy but in reality you're already dying. God, I hate this!
Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko at pinunasan ang ilalim ng mata ko. May
dumi ba sa mukha ko?
"The Maxhene I knew was a strong woman. Bakit ka ba nagkakaganito?" I heard him
whispered pero iniwas ko mukha ko. "Tama na, lasing ka na. Come on. You should
rest," Nagulat ako nang buhatin niya akong parang bagong kasal kaya hindi na ko
umangal.
"Ang ganda mo pa naman sa gown mo tapos iiyak ka lang," sabi niya pa habang
palabas kaming bar.
Pinilit kong tignan ang mukha ng lalaki. Gwapo siya at ang amo ng mukha niya. Medyo
nanlabo ang mata ko. Parang nahihilo akong ewan. Iba talaga ang epekto sa aming mga
vampires ang alak. Hindi na ako iinom ulit.
Napayakap ako sa leeg niya at inihiga ang ulo ko sa dibdib niya. Mapagkakatiwalaan
ko naman siguro 'tong lalaking 'to, 'di ba?
next please>>

Please proceed to next page.

Chapter 22 - Endearnment, Love, and Jealousy

Chapter 22
Maxhene's POV
NAPAUNAT ako ng katawan pag-gising ko. Matagal ata akong na-knock out no'ng alak,
ah.
"Ouch!" nasapo ko ang ulo. Ang sakit ng ulo ko, shit! Ano ba'ng nangyari?!
Babangon na sana ko ng maramdaman kong malamig.
Sobrang nanlaki ang mata ko nang makita kong kumot lang ang nakatakip sa katawan
ko.
"Where the hell is my clothes?! Ahhhhhhhh!" Naghehysterical akong tumayo at
tinakpan ang katawan ko gamit ang kumot.
Isip, Maxhene! Isip! Ano ba'ng huling nangyari? Ang naalala ko, naglasing ako tapos
may epal na dumating. Inalalayan ako ng isang gwapong bampira.
Oh my god! Did he? Did he take advantage of me?! Shit! I'm gonna kill that bastard
kung mapatunayan kong may ginawa siya sa akin!
Ipapabitay ko siya! Ipapasunog ko siya! Argggh!
"Gising ka na pala, Maxhene," napalingon ako sa lalaking pumasok sa kuwarto.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Who are you?!" galit kong sabi. Medyo namumukhaan ko siya.
"I'm Denver. 'Yong kasama mo kagabi?" Napahawak ako sa ulo ko at pilit inaalala
ang nangyari.
Denver. As far as I can remember...
"Denver what?" I asked to be sure.
"Denver Paxton," Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"You're Prince Denver?!"
"Uh, yeah. What's so big deal about it?" Parang wala lang sa kanya. Like hello!
He's the crown prince of vampire city in Germany, so that's a big deal. But I don't
care if he's a Prince because right now I want to behead him!
"Ikaw! May ginawa ka bang masama sa akin?! Bakit wala akong damit?! Prinsipe ka ng
kamanyakan!" I angrily shout at his face.
"Woah! First of all wala akong ginagawa sa'yo. Second, ikaw ang naghubad ng sarili
mong gown sa harapan ko," my eyes widened. Ako ang naghubad?
"Liar! A-anong ako ang naghubad? Ano ako baliw? Why will I do that?!"
"Alalahanin mo kaya,"
Napaisip naman ako...
Nagising ako nang paakyat na kami sa hotel, nasa loob kami ng kuwarto nang
sinabihan niya kong magpahinga.
"Ang init!" pagrereklam ko.
"Naka-on na ang aircon, eh," the man said.
"What? Eh, mainit pa rin talaga, eh,"
"Buksan ko na lang ang bintana," nakita ko siyang hinawi ang kurtina at binuksan
ang bintana.
Dahan-dahan ko namang tinanggal ang zipper sa likod ko pati ang strap ng gown ko.
"A-anong ginagawa mo?" nauutal niyang sabi nang humarap siya sa akin.
"Mainit nga kasi..."
Nanlaki ang mga mata ko sa naalala. For the love of holiness! Did I really undress
myself?! In front of him?!
"No! Nililinlang lang ako ng mga alaala ko! Hindi 'yon maaari!" Sigaw ko sa kanya.
But I saw him smirked.
"Bahala ka. Ipagpalagay na nating may nangyari nga, so ibig sabihin kailangan
kitang panagutan," he said grinning.
"What?! Are you kidding me?! My god!! My father the King will surely hear about
this! At sisiguraduhin kong makukulong ka!"
Wala akong pakialam kung siya ang tagapag-mana ng Paxton clan basta makulong siya
sa ginawa niya sa akin! I cannot believe this!
"Are you sure, sweetheart? Baka naman ikatuwa 'yon ng Daddy mo. You know how he
and my father the King of Paxton Clan are close to each other."
"How dare you!"
"Yeah,"
"You're not gentleman after all, Prince Denver!"
"I know," lumapit siya sa akin and give me a peck on my lips.
"PERVERT!"
"I like you, too, Maxhene!" Sabi niya bago lumabas sa kuwarto.
* * *
Erina's POV
Bakit ba gano'n? Kagabi sa ball masaya naman kami. Pero no'ng may iba siyang
kasayaw, nagseselos ako. Parang gusto kong pumatay ng vampirang babae. Ang hindi ko
pa matanggap ay pinagtutuunan siya ng pansin ni Cris. Oo, si Cris nga. At
naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Papunta ko ngayon sa penthouse nila Kuya at ate Ingrid. I need someone to talk to.
Hindi ko kasi alam kung ano ang nararamdaman ko.
Nadatnan kong magkayakap ang dalawa. Tsk! Wala na ba silang alam kundi magyakapan?
Hindi kaya magkaroon na ako ng pamangkin nito? Napailing ako. Hindi dapat ako nag-
iisip ng ganyan. May tiwala ako sakanilang dalawa na hindi sila gagawa ng baby- I
mean milagro.
"Ehem, ehem," sabay silang napabitaw. Para silang magnet na nag repel. Kita ko ang
iritasyon sa mukha ni Kuya at namumula naman ang mukha ni Ate Ingrid.
"What are you doing here?!" inis na sabi ni Kuya. Sabi ko nga naistorbo ko sila.
Galit agad!
"May itatanong lang ako kay Ate Ing," sabi ko.
"Ano 'yon? At bakit kay Ingrid? Hindi ba ako puwedeng tanungin din?" sabi ni Kuya.
Laking iling ko naman. Never akong mag-o-open ng nararamdaman ko kay Kuya 'no! Lalo
na kung tungkol kay Cris. Magkaibigan sila at baka mamaya magsumbong pa siya.
"Girl thing," simple kong sabi.
"Hayaan mo na nga, Hansel. Ang sungit mo talaga kay Erina," pagtatanggol ni Ate
Ingrid sa akin. Mabuti pa siya.
"Fine. I'll be at my room," umalis si Kuya at naiwan kami ni Ate sa living room.
"Tara ate sa kuwarto mo. May importante ako sa'yong sasabihin, eh,"
"Oh sige."
Sabay kaming pumasok ni Ate Ingrid sa kuwarto niya at nag-injan sit ako sa gitna ng
kama niya.
"Ano ba 'yong sasabihin mo? Don't tell me lalabas na naman tayo?" sabi niya pero
umiling ako. Lumapit ako sa kanya para tumabi.
"Ano kasi, eh," Paano ko ba 'to sasabihin.
"Spill it out. Makikinig ako," Ani niya.
"May tampuhan kami ni Cris kagabi, eh. I mean ako lang ata nagtatampo, hindi ko
alam kung pati siya. Basta!" 'kita ko naman na naguguluhan ang mukha ni Ate kaya
napabangon siya at nilagay 'yong unan sa lap niya.
"Ano? Hindi ko ata gets?" nakakunot noo niyang sabi.
"Before kasi no'ng ball, niyaya niya ko para maging date niya sa ball. Well,
friendly date lang naman. Pero kasi 'di ba hindi tama 'yong ako ang ka-date niya
tapos porque't nakakita siya ng bago sa paningin niyang vampirette kakalimutan na
niya ko. I feel so abandoned kaya kagabi. Tapos when I approached him, nainis pa
siya. He said why I am acting wierd. Ate, ano ba 'tong nararamdaman ko!"
niyuyogyug ko pa siya. 'Yong mukha naman ni Ate Ing parang nag-iisip.
"You're undeniably obviously in love with him. What you are feeling right now is
jealousy," she said concluding.
"What? In love with him? Hindi, ah! Naku! Hindi ako magkakagusto sa player na
'yon!" Si ate Ingrid talaga! Maling-mali ang conclusion niya 'no! Bakit ako
magkakagusto sa isang kagaya ni Cris?
"Oh. 'Yan din ang sinasabi ng in love. Deny nang deny. Kagaya mo. Pero try to
evaluate your feelings. Gaya no'ng ginawa mo sakin para ma-realize kong mahal ko
talaga si Hansel," Napatango ako. Naalala ko no'ng ine-evaluate ko 'yong feelings
ni Ate for Kuya. But this time is way different. Hindi ako puwedeng mag-assume kasi
feelings ko ang nakasalalay dito. Mas mabuti nang maging denial kesa sa masaktan
lalo.
"Ang hirap pala Ate kapag ikaw na mismo ang nasa situation. If I'm really inlove
with him, then congratulations to me because I'm gonna experience an unrequited
love,"
"Huwag ka ngang nega. Malay mo may gusto rin sa'yo si Cris," pang-e-encourage
niya. Nag-pout lang ako. Hindi ko na lang I-eentertain ang nararamdaman ko para no
hard feelings. Imposible naman kasing magkagusto si Cris sa akin. Kapatid lang ata
tingin niya sa akin.
* * *
Maxhene's POV
"Dad naman, eh! Hindi ako papayag!" I stomped my feet to show my disagreement.
"It settles. Sinabi sa akin ni Prince Denver na may nangyari sa inyo. Kaya
magpapakasal kayo sa ayaw at sa gusto mo," Daddy said with full of authority. I
can't believe this! Am I going to experience an arrange marriage here?! This can't
be! Si Hansel ang mahal ko at siya lang ang gusto kong pakasalan!
"Walang nangyari sa amin Dad, okay?! Pinalalabas lang niya na may nangyari sa amin
para makasal kami! Hindi ko alam kung ano'ng rason niya pero 'yon ang totoo! And
besides, I don't love him! I love Prince Hansel. Alam mo naman 'yon Dad, 'di ba?"
"May mahal ng iba si Prince Hansel, Maxhene. At sa nasaksihan ko kagabi,
nagmamahalan sila. Hindi ko gugustuhin na sirain mo ang relasyon ni Prince Hansel
at ni Ingrid. They are good together. Gusto ko man si Prince Hansel para sa'yo,
hindi na puwede. Kay Prince Denver, walang sabit kaya puwede kayo. Plus the fact na
magkaibigan ang clan natin at clan nila."
"Ewan ko sa'yo, Daddy! Nakakainis naman, eh! Kung nandito lang si Mommy hindi siya
papayag! Ako na nga ang napagsamantalahan ako pa ang mapaparusahan!"
"Oh, there! You admitted na may nangyari nga!"
"Wala ngang nangyari! Argh!!" Nag-walk out ako sa kuwarto ni Daddy. Nakakainis
siya, eh!
Naka-stay kasi kami ngayon sa guest house ng palace. Sa next week ang balik namin
sa Hampshire at wala man lang akong nagawang move para maagaw si Hansel sa Ingrid
na 'yon. Bwesit kasing Prinsipeng manyak 'yon! May problema pa tuloy ako! Imbes na
ang pang-aagaw ko kay Hansel ang iisipin ko ay mahahati pa ang iniisip ko. Makikita
talaga ng manyak na 'yon at mapapatay ko siya!
Lumabas akong guest house at dumeretso sa Park. Hapon pa lang pero ang dilim na n
kalangitan. Parang uulan pa ata.
Bakit ba ako nagkaro'n ng ganitong problema? Is this my karma for trying to get my
way? Ang gusto ko lang naman ay magustuhan din ako ng Prinsipeng mahal ko.
"Maxhene," napalingon ako sa tumawag sa akin at halos tumambol ng triple ang puso
ko nang makita ko si Hansel na naglalakad papunta sa akin. Agad akong napangisi.
This is my moment. Luck is on my side right now.
"Hansel, what brings you here?" malambing na tono kong sabi sa kanya. Ang gwapo
niya talaga kahit kailan. Kaya nga bagay kami, eh.
"Wala naman. Nakita kasi kita from my room kaya nilapitan na kita. Ingrid is busy
with Erina," he said. Mabuti naman at busy si Ingrid. Nang maagaw na kita.
"Baka naman magselos si Ingrid niyan? You know she's my friend, right?" concern
kong sabi kahit ang totoo ay wala naman akong pakialam kung magselos si Ingrid. And
she's my frenemy from now on.
"Hindi naman. Babalik din ako maya-maya. So, how are you?"
Heto, mahal na mahal ka. 'Yon sana ang gusto kong sabihin pero siyempre baka iwan
ako nito so I have to take this slow. Patience is a virtue, ika nga. Saka gusto ko
ring tumagal ang converation namin. Kahit anong topic huwag lang ma-spoil ang
usapan namin.
"Okay naman ako. How about you?" I said.
Hindi ako okay! Ipapakasal ako ni Daddy sa isang manyak na bampira! Gusto kong
ipagsigawan sa kanya.
"I'm perfectly fine. Especially now that I'm happy with Ingrid." I stared at Hansel
at kita ko ang saya sa mga mata niya. Gano'n niya ba talaga ka-mahal si Ingrid?
Wala na ba talaga akong pag-asa sa kanya?
"May boyfriend ka na ba, Maxhene?" tanong niya. Gusto ko rin 'tong batukan si
Hansel, eh. Alam naman niyang siya ang mahal ko tapos tinatanong niya 'yan.
"Wa-"
"Meron na," napalingon kami ni Hansel sa nagsalita.
"Prince Denver?" ani Hansel.
"Nice seeing you again, Prince Hansel. Hindi kita nakita sa royal ball, ah."
Tinignan ko ng masama si Manyak. Paano niya makikita si Hansel kung kasam ko siya?!
"Busy kasi ako, eh. Hindi ko alam na kasama ka pala sa mga bumisita. Did you come
here with Maxhene?" tanong ni Hansel tapos bumaaling sa akin ni Hansel.
"Of course n-"
"Yes. This is actually our first travel together as fiancé and fiancée, right
sweetheart?" he even winks at me. How dare you, Denver! Ipapapatay talaga kita!
"Sweetheart mo mukha mo!" pag-tataray ko sa kanya.
"Ang sweet talaga ng sweetheart ko. Gano'n talaga kami maglambingan, Prince
Hansel, eh," tiningnan ko naman mukha ni Hansel at ang lapad ng ngiti niyo.
Naniwala ba siya sa manyak na 'yan?! Please Hansel, don't believe him! He's a
maniac!
"Masaya ako at nakahanap ka ng totoong mamahalin Maxhene," masayang sambit ni
Hansel.
"Hindi totoo-"
"Masaya talaga 'yan si Maxhene. Umiyak pa nga siya no'ng nag-propose ako,"
mayabang na sabi ni Denver. What the hell? Wala akong magawa kundi ang tingnan lang
siya ng masama. Sinisira niya ang chance na mayro'n ako kay Hansel. I hate him to
death!
"Best wishes to both of you. Baka mauna pa kayong ikasal, ah. Basta ba imbitado
kami," pagbibiro pa ni Hansel. Hindi man lang ba niya napapansin na
nagsisinungaling si Denver?
"Oo naman. Kayo ang una sa listahan," confident na sabi ni Denver. I wanna punch
his face! Grabe na talaga ang paninira niya sa buhay ko! I regret saying that I
trust him! It was totally the opposite of it. I hate him! I really totally super
over hate him! Ughh!

Chapter 23 - My Persistent Soon to be Pervert Husband

Chapter 23
Ingrid's POV
HINDI ko alam kung matatawag kong anghel si Denver. Because everytime Maxhene tries
to seduce Hansel, dumadating siya at sinasabing fiancée niya 'to.
Nakikita ko naman na inis na inis dito sa Maxhene pero somehow natutuwa ako para sa
kanila. Halata naman kasing hindi gusto ni Maxhene si Denver, eh.
"Ingrid..." tawag sa akin ni Hansel.
"Bakit?" I said without looking at him. Nagbabasa kasi ko ng cookbook. Gusto ko
kasing matutong magluto. Napansin ko kasing nangangayayat ako. Siguro kasi puro
instant foods ang kinakain ko.
"Matagal ka pa ba diyan magbasa?" he asked. Tumango lang ako.
"Pupunta tayo ngayon sa plaza, eh. May movie marathon na naman doon," sabi niya
pero hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood ngayon para lumabas. Ang lamig na rin
kasi rito since malapit na ang Ber months.
"Ingrid..."
"Hmm,"
"Pansinin mo kasi ko,"
"Busy ko. Mamaya na lang. Or better yet, bukas na lang. Matutulog ako after nito.
Gusto kong bumalik sa dating oras ng pagtulog. Hindi mo ba napapansin ang payat ko
na."
"Maganda ka pa naman eh,"
"Kahit na. Gusto mo ba ng girlfriend na buto't balat?"
"Haay naku. Hindi naman kita nagustuhan dahil sa katawan mo, eh," may iritasyon sa
boses niya kaya nag-angat ako ng tingin.
"Health ko ang pinag-uusapan dito, Hansel. Sana maintindihan mo ako," paliwanag ko
sa kanya pero hindi siya umimik. Napansin niya atang hindi niya ako mapapapayag na
lumabas kaya tumango na lang siya at pumasok sa kuwarto niya. Mabuti naman. Kasi
wala rin ako sa mood makipag-talo pa sa kanya.
Pinagpatuloy ko ang pagbaba ng mga basic terminology sa pagluluto.
"Ano ba'ng difference ng chop and minced?" tanong ko sa sarili ko. Napabuntong
hininga ako at nilapag ko ang libro sa lamesa.
Ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. Parang gusto ko lang mahiga magdamag.
* * *
Hansel's POV
HINDI ko maintindihan ang kinikilos ngayon ni Ingrid. Pinag-bigyan ko na lang siya
kasi kalusugan niya ang pinaglalaban niya.
Lumabas akong kuwarto para puntahan sana si Ingrid pero nadatnan ko siyang nakahiga
sa couch. Nilapitan ko siya. Nakatitig lang ako sa kanya. Kahit pa pumayat siya o
tumaba, mamahalin ko pa rin siya. Nakita kong gumalaw siya at tumalikod sa akin.
Napakunot noo ako nang makita kong may kakaibang dumi sa shorts niya. Nilapitan ko
'yon para tingnan at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito.
"Blood? Why is there a blood on her shorts?" I asked myself. Bigla akong
kinabahan. May nakapasok bang Sanguinarian dito? May kumagat ba sa kanya? Tiningnan
ko ang balikat niya at nagtaas baba ito. Okay, she's breathing.
"Ingrid, gising!" niyuyogyug ko ang balikat niya pero umungol lang siya.
"Ingrid, gumising ka nga! Ano'ng nangyari sa'yo?" gumalaw siya at humarap sa akin.
Antok na antok pa ang hitsura niya at parang wala man lang ideya sa kung ano ang
mayro'n sa shorts niya.
"Bakit ba Hansel? Nakita ng natutulog 'yong tao, eh!" Naupo siya at tiningnan ako
ng masama. Bakit ba ang sungit niya ngayon?
"Ingrid, bakit may dugo ka sa shorts mo? May sugat ka ba?" tanong ko. Namilog
naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Agad siyang napatayo at pilit tinitingnan ang
likod ng shorts niya.
"Oh, my god!" she shrieked in horror. "Ahhhhhh!"
"Tell me what's happening, Ingrid! Bakit ka may dugo diyan!" Sobra na akong nag-
aalala. Gusto ko mang isipin na kinagat siya ng bampira ay hindi naman puwede.
Dapat wala na siyang malay ngayon.
"Kaya pala masama ang pakiramdam ko," sabi niya. Hindi ko alam ang nangyayari sa
kanya at ang weird ng kinikilos niya.
"Are you hurt? Dapat na ba akong mag-alala?" kunot noo kong sabi sa kanya.
"Hansel..." she said in a whinny tone. Her face looks embarrassed and flushed.
"Ingrid, pinag-aalala mo ako,"
"Hansel, it's a girl thing!" she said exclaimed. "You won't understand me.
Dysmenorrhea is a freaking girl's worst enemy!"
"Dysme-what?" Who is Dysme-whatever-it is? Is she her worst enemy? Bakit ngayon ko
lang 'to nalaman?
Tinalikuran naman niya ako at nagmamadaling pumasok sa kuwarto niya. Sinundan ko
siya but she locked herself inside her room.
"Ingrid, talk to me. Who is Dysme?" seryoso kong sabi sa kanya. Gusto ko mang
magteleport papasok sa kuwarto niya ay hindi ko puwedeng gawin dahil nire-respeto
ko ang private space niya.
"Just... just don't mind me, Hansel. Please. I want to be alone. At times like
this... you don't want to talk to me when red days. I have mood swings and you will
not understand me kapag susungitan kita." Napakunot lang ako ng noo. Ano bang
pinagsasabi niya. Tsaka ano ba'ng red days?
"But, Ingrid-"
"Leave me alone, Hansel!" she yelled kaya napamaang ako. She's acting... strange.
"I'll be in my room if you need me," sabi ko saka ako tumalikod palayo sa silid
niya.
* * *
Ingrid's POV
Bakit ngayon pa? Mabuti na lang may pad ako sa bag ko in cases like this. Pero ang
sakit talaga. Kapag dine-dysmenorrhea ako noon, si Mommy ang nag-aalaga sa akin.
Pinagtitimpla niya ako ng milk at pinapakain ng home made cookies niya. Sobra niya
ako noong bine-baby kaya hindi ako sanay na mag-isa ganito. Ayaw ko namang kasama
si Hansel dahil nahihiya ako.
Magdamag nakahiga lang ako sa kama at yakap ang unan. Ganito talaga ako kapag
meron. Emotional, masungit at iyakin.
Nahihiya nga ako kanina at nakita pa ni Hansel ang red mark ko. Though hindi naman
niya alam kung ano 'yon, siyempre nakakahiya pa rin sa part ko. Saka na lang ako
sa kanya magso-sorry sa inasal ko. Hindi ko lang feel na makipag-usap sa kanya
ngayon.
Narinig ko namang may kumakatok sa pinto ko. Alam kong si Hansel na naman 'yan kaya
kahit ayaw ko muna siyang makita ay pinapasok ko siya.
"Come in," mahina kong sabi.
Pumasok naman si Hansel at napakaseryoso ng mukha. Siguro galit siya sa akin
ngayon. Alam ko naman na hindi niya ako maiintindihan, eh.
"What are you doing here?" I said almost audible. Tumikhim muna siya bago
nagsalita.
"Dysmenorrhea is a medical condition of pain during menstruation that interferes
with daily activities; dysmenorrhea is often defined simply as menstrual pain, or
at least menstrual pain that is excessive. Red day is a slang term if a girl in
your age is suffering from menstruation. Mestruation happens every months and last
for 3 to 5 days."
Napatulala ako kay Hansel. Anong pinagsasabi niya? Did he really research about it?
Ahhhh! Nakakahiya! And talagang minemorize niya pa.
"Pasensya na. Nag-research talaga ko. Hindi ko kasi kayang nakita kang
nagkakaganyan," sabi niyang napakamot sa batok. I tried to suppress my smile but I
failed. What did I ever do to deserve this man?
"Mahirap pa lang maging babae, ano?" rinig kong sabi niya.
"Yeah. Sometimes I hate it," sabi ko.
"Na maging babae?"
"No, silly." Natatawa kong sabi.
"Masakit ba masyado?"
"I can handle it," nakangiti kong sabi sa kanya.
"I wish I could take the pain away," sabi niya. "Puwede ba kitang tabihan?" tanong
niya at hindiagad ako nakasagot.
"H-ha?"
"Wala akong gagawin, promise." Tinaas niya pa ang right hand niya kaya tumango ako.
Umusog ako ng konti at binigyan siya ng space. Nahiga siya sa tabi ko at ginawa
niyang unan ang braso niya para doon ko isandal ang ulo ko. Tahimik lang kami
pareho ang rinig na rinig ko ang malakas na tambol ng puso ko.
"Hansel..." I whispered.
"Hmm?"
"I have something to tell you," I tilt my head and stared at his amber eyes.
"Ano 'yon?"
"I think napatawad na ako ni Daddy," sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Gusto mo na bang bumalik sakanila?" ramdam ko
ang lungkot sa boses niya. Alam kong alam niya na bihira na kaming magkikita kapag
bumalik na ako sa amin.
Pero miss na miss ko na kasi sila Mommy at Daddy, eh. Gusto kong mag sorry sa
nagawa ko. Alam kong mali 'yong tumakas ako at hindi ko inisip na mag-aalala sila
sa akin. Kaya kahit napatawad na nila ako, gusto ko pa ring humingi ng tawad
personally.
"Okay lang ba sa'yo kung babalik na ako sa amin?" tanong ko sa kanya.
"Okay lang. Puwede naman kitang dalawin do'n, eh," sabi niya kaya napangiti ako ng
maluwang.
"Gusto ko araw-araw," I said pouting.
"Gabi-gabi," he corrected me kaya natawa ako.
"Sige, gabi-gabi."
Haay. Sayang, magtatampo sana ko sa kanya ngayon araw. Pero grabe lang. Isang yakap
lang pala katapat ko eh. Minsan talaga kapag nagtampo ako 'di ko na siya
papansinin. Kahit isang oras lang.
* * *
Maxhene's POV
"Sweetheart, pasyal tayo," halos mapapikit ako ng mariin nang marinig ko na naman
ang boses ni Denver. Kailan ba ako lulubayan ng vampirang 'to? He is a pain in the
ass!
"Sweetheart your face! Puwede ba umalis ka sa harapan ko! Nakaka peste ka ng
araw!" Singhal ko sa kanya. Akala niya ata okay kami pagkatapos niyang I-sabotage
ang plano kong pang-aagaw kay Hansel.
Naiinis din ako kasi kanina pa siya dito sa guest house at nakikipagsipsipan kay
Daddy kasama ang Daddy niya. They're discussing our wedding! My god! Kapag pinilit
talaga nila 'kong ipakasal sa manyak na 'yan ay runaway bride ang labas ko nito!
"Ang sweet mo talaga sweetheart. Kaya mas nai-in love ako sa'yo, eh," He said so
loud then he smirked. Halata naman na nilakasan niya ang pagkakasabi no'n para
marinig ni Daddy. This bastard!
"Yuck! Hindi ka ba nasusuka sa mga pinagsasabi mo? Nakakadiri ka, ah!" Umalis ako
sa harap niya at baka kung ano pang marinig kong kabaduyan. Mabuti sana kong si
Prince Hansel ang nagsabi no'n at baka matuwa pa ako.
"Sweetyheart! Saan ka pupunta? Mamamasyal na ba tayo?" Rinig kong sigaw niya.
Ughh! Someone please stop me because I swear to all the holly gods I will kill this
Prince and I don't care kung makulong ako. He's worth the crime!
Huminto ako sa paglalakad at matalim na mga matang hinarap siya.
"Hindi ka talaga titigil, 'no?! Gusto mo talagang sirain ang buhay ko!" nang-gigil
na singhal ko sa kanya.
"Why are you like that, Maxhene?" Nag-iba 'yong expression niya. Naging seryoso.
Hindi ko alam pero parang ang lungkot-lungkot ng mga mata niya.
"Anong why I am like this? I'm the one should be asking that. Why are you like
that? And why are you doing this to me? Alam mong alam kong walang nangyari sa atin
pero ini-insist mo pa rin na ipakasal tayo. What are you up to? Huh?!"
"You don't know anything, Maxhene. Someday malalaman mo rin ang reason ko. Pero
kasi hindi pa 'to ang tamang panahon para malaman mo ang lahat," Seryoso niyang
sabi.
"Ano namang pakialam ko sa rason mo?! Ang gusto ko lang ay lubayan mo dahil kung
hindi kita matantiya baka-" I controlled my anger at napapikit ng mariin. I opened
my eyes and stare at him blankly. "You'll give me so much favor if you stop
whatever plan you have." I was about to turn my back and walk away when he grabs my
hand.
"Ich liebe dich, Maxhene. Bitte liebe mich. Gefallen."
"H-hoy! Ano ba'ng pinagsasabi mo?! Alam kong may lahi kang German pero h'wag mo
akong mumurahin! Bwesit 'to!" padabog akong umalis sa harap niya. Nakakainis.
"Ich liebe dich?! Baka bad word 'yon sa Germany?!" I mumbled to myself.
Lumabas akong guest house at dumeretso muli sa Plaza. Baka sakaling makita ulit ako
ni Hansel. I really want to talk to him at ipaliwanag sa kanya na hindi totoo ang
mga pinagsasabi ni Denver.
Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng may naring akong nagtatalo. Hmm. They sound
familiar.
"Bakit ka ba kasi nagkakaganyan?! Ano ba'ng probema mo?!" rinig kong sabi ng boses
lalaki.
"You! You are the problem, Cris! I really don't understand why you have to be with
her all day long! Umamin ka nga. Type mo siya ano?!" sabi naman ng babae.
"Bakit ka ba nagagalit? At ano naman kung gusto ko siya? Ano ba kita?"
Hindi na ako nakinig pa at umalis na ako. I may be a bitch or something pero hindi
ko ugali mag eavesdrop sa usapan ng iba. I know Cris pa naman. He's the bestfriend
of Hansel. At sa nabobosesan ko, mukhang si Erina 'yong kausap niya. So Erina's in
love with Cris?
Nang medyo madilim na ay bumalik ako sa guest house. Sana lang wala na si Denver
do'n. At mukha namang dininig ang hiling ko dahil hindi ko siya nakita sa loob
pagpasok ko.
"Hija, mabuti at nandito ka na. Nagkasundo kami ni Haring-"
"Dad! Please? Huwag mo akong kakausapin kung about 'yan sa kasal! Hindi ako
interesado," Itinapat ko pa 'yong palad ko sa mukha ni Daddy.
"Hay, naku anak. Bahala ka. Basta tuloy ang kasal niyo. Mag-isip ka nga. Paano
kung magbunga ang nangyari sa inyo ni Prince Denver?" Para naman akong mabilaukan
sa sinabi ni Daddy.
"What?! Dad naman, eh! Wala ngang nangyari sa amin, Okay?!" I said exasperatedly.
"Sabi sa akin ni Prince Denver meron daw. Sa tingin mo bakit siya
magsisinungaling?"
Oo nga! Bakit nga ba? Tanong ko rin sa sarili ko.
"Ah, ewan! Basta! Kung alam kong ganito ang mangyayari sana hindi na lang ako
nagpumulit na bumisita rito sa Vampire City! Isa pa lang kamalasan ang mangyayari
sakin!" Winalk-out-an ko si Daddy. Sanay na 'yan sa akin. Solo kasi akong anak kaya
spoiled ako sa kanya.
Pagpasok ko sa kuwarto ay nagulat ako nang may maraming bulaklak na nakalagay sa
kuwarto.
"Kanino naman 'to galing?" tanong ko sa sarili ko. May nakaipit na card kaya
binasa ko.
Servus, Du machst mich so glücklich.
Ohne dich kann ich nicht leben. Ich liebe dich.
Kahit hindi ko maintindihan ay alam kong galing 'to kay Denver. Siya lang naman
naringgan ko ng mga ganyang salita. That bastard! He's really testing my temper.
"Ang sweet naman hija ng magiging asawa mo," napalingon ako sa nagsalita. Ang
nagpalaki sa akin. Ang malapit naming tagapag-silbi.
"Yaya! Hindi ko 'yon magiging asawa 'no!" tinapon ko 'yong card sa sahig at naupo
sa kama.
"Ang sabi ng Hari ikakasal daw kayo,"
"Naniwala ka naman! Sa akin ka Yaya maniwala! Hindi kami ikakasal! Mukha niya!"
"Kung mukha lang naman ang hanap mo ay kay Pince Denver na ako. Mabait na, gwapo
pa!" sabi ni Yaya na kinikilig pa. Seriously?!
"Ew! Yaya! Mas lamang pa rin si Hansel!" pagmamalaki ko. Kaya nga siya lang ang
gusto ko, eh.
"Hanggang ngayon ba hija si Prince Hansel pa rin? Kailan ka ba mag-mo-move on? May
iba na ngang sinisinta ang Prinsipe mo," napasimangot lalo ako. Naalala ko na naman
si Ingrid.
"Eh, ano naman. Aagawin ko si Hansel kay Ingrid!"
"Jusmiyo, hija! Saan mo ba natutunan 'yan?' 'Yan ba ang pagpapalaki ko sa'yo?"
sabi ni Yaya na nakahawak pa sa dibdib niya. So dramatic!
"Yaya, gano'n talaga kapag mahal mo ang isang bampira. Ipaglalaban mo," sabi ko.
"Pero hindi pang-aagaw ang solusyon, hija. Ang totoong nagmamahal, hahayaan mo ang
mahal mo kung saan siya masaya. Alam mo naman 'yon 'di ba? Gano'n ang ginawa ng
Daddy mo," Para naman akong tinamaan ng konsensya.
My Dad is a martyr. Arrange marriage kasi sila ng Mommy ko. Si Mommy ay may ibang
mahal, pero dahil sa Prinsipe no'n ang Daddy, walang nagawa si Mommy kaya pumayag
siya kasi utos ng magulang ni Mommy.
I was in highschool nang maghiwalay sila at pinalaya ni Daddy si Mommy para
makasama ang totoo nitong minamahal. Sa ngayon ay nasa Italy si Mommy kasama ang
asawa niya at inaalagaan ang anak nito.
"Iwan mo muna ko, Yaya." nakayuko kong sabi. Tumango naman si Yaya at lumabas ng
kuwarto.
Nahiga ako sa kama at napaisip. Mahal ko si Hansel. At hindi ko gustong makitang
malungkot siya. Pero paano naman ako? Hindi ko rin kayang tuluyan siyang mawala sa
akin.
"Kainis naman si Yaya! Nakokonsensya tuloy ako!" sabi ko sa sarili ko.
Pero hindi ko naman kasi mapipilit ang sarili kong kalimutan si Hansel. It's a long
process.
Pero puwede mong pag-aralang mahalin si Prince Denver. Sabi naman ng kabila kong
utak.
Eh, ayoko ngang pag-aralan. Gusto ko kusa! Sagot din ng kabila ko pang utak.
Haay naku! Pati utak ko hindi nagkakasundo!
Ano kaya kung subukan kong kaibiganin ang manyak na 'yon? Tutal nice naman siya.
Kahit nakakainis siya.
Lumabas akong kuwarto at nakita kong nakasandal si Denver sa pader sa labas ng
kuwarto ko.
"Hi," kumaway siya.
"Anong ginagawa mo diyan?" wala sa mood kong tanong. Pasalamat siya wala ako sa
mood magtaray.
"Hinihintay kang lumabas. Nagustuhan mo ba?"
"Alin?"
"'Yong bulaklak. Binili ko pa 'yon sa labas ng portal," pagmamalaki niya.
"Gano'n ba? Salamat," sabi ko saka tuluyang lumabas ng kuwarto.
"Sandali lang. Saan ka pupunta?" tanong niya habang nakasunod sa akin. Hindi ako
umimik pero ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. "Samahan na kita," tumango na lang
ako.
* * *
"Himala ata at ang tahimik mo?" tanong niya nang nasa labas na kami.
"Nag-iisip lang ako," sabi ko. Humangin naman ng malakas kaya napunta 'yong iba
kong buhok sa mukha ko.
Nagulat ako nang hinawi niya 'yon ng dahan-dahan at inipit sa gilid ng tainga ko
ang ilang hibla ng buhok ko. Ang lamig ng kamay niya at parang may kuryente.
"Ano naman iniisip mo?" tanong niya pa.
"Mga bagay-bagay,"
"Tulad ng?"
"Kung hahayaan ko na lang ba si Hansel kay Ingrid. O kung ipaglalaban ko pa siya,"
"Hmm. Pwedeng mag-advice?" sabi niya. Tumango naman ako para sa pagsang-ayon.
"Alam mo kasi, once na ipinaglaban mo ang mahal mo, you have to make sure na gusto
rin niyang ipaglaban mo siya. Kasi kung ikaw lang ang lumalaban, matatalo at
matatalo ka. Sa situation niyo ni Hansel, ikaw lang ang may gusto. At hindi mo
pinaglalaban ang pagmamahal mo sa kanya kundi ipinaglalaban mo ay ang kagustuhan
mo. In short, selfishness ang pinapairal mo. Dapat selfless ka kapag nagmamahal ka.
Uunahin mo ang kapakanan ng mahal mo kesa sa pansarili mong kasiyahan. Kasi in the
end, ikaw lang naman ang masasaktan."
Napatulala ako sa sinabi niya. May alam naman pala 'tong bampira na 'to.
"Ano 'yon? Word of wisdom? Mukhang may pinagdadaanan ka, ah." I said chuckling.
"Medyo," he said beaming.
"Puwede bang magtanong?"
"Sure,"
"Bakit ba gusto mong ipilit na ikasal tayo? Ano ba'ng motibo mo?"
"Ngayon ko na ba sasagutin?" napapakamot niyang sabi. Gusto ko naman matawa.
Kabobohan talaga ng manyak na 'to!
"Natural! Ngayon ako nagtanong so obviously I want your answer now!" Irap ko sa
kanya.
"Weil ich liebe dich," Narinig ko na naman 'yong katagang 'yon.
"Ano ba kasi 'yang ich liebe dich na 'yan?!"
"It's a secret you have to find out," He winked and chuckled. Ang carefree lang ng
tawa niya at ngayon ko lang napansin na may mababaw siyang dimple sa magkabilang
pisngi.
"Kainis ka talaga!" umiirap kong sabi sa kanya.
"Ich liebe dich. Ich liebe dich. Ich liebe dich,"
Siguro talaga bad word 'yan sa Germany?Makita nitong Denver na 'to at kapag nalaman
kong bad word 'yon makakatikim siya sa akin!
y
Chapter 24 - Dancing in the Rain

Chapter 24
Ingrid's POV
"HANSEL, where are we going?" I asked Hansel. Nasa kotse kasi kami at nagda-drive
siya. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta.
"Basta,"
"Saan nga kasi? Alam mong mas kukulitin lang kita," Sabi ko pa.
"Hindi na 'yon surprise kapag sinabi ko sa'yo," He said while his eyes fixed in
the road.
"Fine!" Umayos ako sa pagkakaupo ko tsaka binaling na lang ang tingin sa daan.
Nakaka-miss magdrive ng car. Kumusta na kaya 'yong kotse ko? Ano kaya kung tumakas
ulit kami ni Erina papunta sa mundo namin tapos ako magda-drive.
Sinandal ko muna 'yong ulo ko sa bintana no'ng kotse. Hindi ko kasi alam kung saan
ako dadalhin ni Hansel, eh.
Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa akin.
"Ingrid, we're here. Gising na," Dinilata ko mata ko at natagpuan ko na naka-park
ang kotse sa lilim ng isang malaking kahoy. Inilibot ko ang pangingin ko at nasa
isang malawak na rice field kami at sa gilid ng daanan may isang maliit na kubo na
napapaligiran ng bulaklak at puno.
"Ang ganda!" I mutter to myself. Umibis ako sa kotse at tinignan ang kalawakan.
Grabe lang talaga. Mabuti na lang at pababa na ang araw kaya hindi na kailangan
magsuot ng shades ni Hansel.
"Saan ba 'to? Ang ganda naman dito," hindi ko mapigilang hindi humanga.
"Dito sa lugar na 'to nagpropose si Daddy kay Mommy,"
"Talaga? Wow!" Speachless ako sa lugar na 'to. Eh, kasi naman, ang gandang
combination ng green rice field and orangey sunset.
"I'm glad na nagustuhan mo," Sabi niyang nakangiti.
"Bakit mo nga pala 'ko dinala dito?" Tanong ko.
"Noon ko pa talaga 'to planong puntahan sana natin and I thought, why not visit it
now," sabi niya.
Nilapitan ko 'yong kubo. Napapaligiran siya ng daisies at tulips. Gustong-gusto ko
talaga 'yong ganito. Para sa isang katulad ko na lumaking kinagisnan ang mga
matataas na buildings ay sobrang ma-appreciate ang ganda ng lugar na 'to.
"Kahit ganitong bahay lang, kung ganito kaganda ang paligid mo okay na ako," Sabi
ko sa kanya.
"Let's go inside," Tumango naman ako.
Kinatok niya ng mahina 'yong gilid ng pinto saka nagsarili itong nagbukas.
"Automated ang kubo," Paliwanag niya. Sosyal naman na kubo 'to.
Sobra akong namangha nang makapasok kami sa loob. Maliit siyang tingnan sa labas
pero napaka spacious sa loob. Akala ko nga mga kahoy ang kagamitan sa loob pero
wala siyang pinagkaiba sa penthouse ni Hansel. Medyo dim lang ang ilaw. May mga
vases, paintings, and appliances.
"Not your ordinary kubo, ha," sabi kong natatawa.
"Yeah. Halika, may ipapakita ako sa'yo," Hinila niya ko papunta sa kung saan.
Isang maliit na pinto pababa sa kubo. Parang basement. Nang buksan ni Hansel ang
ilaw ay isang white spacious room ang tumambad sa amin.
"What's this?" Wala kasing laman ang kuwarto.
"Close your eyes," Sabi niya. Sumunod naman ako at pinikit ang mata.
"Now open it," dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Medyo mahina ang
pagprocess ng utak ko kaya hindi ko agad napansin kung ano ang nasa harapan ko.
'Yong puting kuwarto ay parang naging isang country club. The sky was clear at may
mga naglalaro ng golf. Teka, totoo ba 'to? Pati itong inaapakan namin ay naging
grass na.
"It's 5D screen," He said. Namangha naman ako.
"Can I touch it? Napaka modern naman dito,"
"Of course you can. But first we have to play golf," He said. Napangiti naman ako.
Golf. My favorite.
"Sige. Sige." Kinuha niya yung mga golf apparatus. Tig-isa kami ng gold club.
"Game?" he said.
"Game." Sabi ko.
Talagang na-aamaze ako kapag pinapalo ko 'yong golf ball. Sabi ni Hansel, hologram
daw 'yong ball kaya hindi sa amin babalik ang bola. Automatic din na mag-a-adjust
ang room kung saan napunta ang ball mo.
Sobra kaming nag-enjoy sa paglalaro lalo na ako. Hindi lang golf nilaro namin.
Sumakay din kami sa golf cart at feel na feel ko talaga ang hangin. Para siyang
totoo.
"Are you tired?" Tanong niya nang umupo kami sa bench.
"Nakakatawang isipin na ang dami nating ginawa dito sa four cornered room na 'to."
sabi ko sa kanya.
"Ako ang nagpagawa nito noon para sa amin ni Erina. Dito kami madalas nagre-relax
kapag na-s-stress kami sa palasyo." Sabi naman niya.
Nahiga siya sa bench at ginawang unan ang legs ko. Pareho kaming nakatingin lang sa
kalangitan. May kinuha naman siya sa bulsa niya at isa itong remote. Pinalitan niya
ang scenery at nasa isang dapat na kami. Mahina lang ang hampas ng alon at pababa
na rin ang araw. Wala akong ibang naririnig kundi ang mahihinang huni ng mga ibon
na lumilipad.
"Ang saya-saya ko, Ingrid. At natatakot ako na baka may kapalit itong nararamdaman
ko," sabi niya sa akin kaya natingin ako sa kanya.
"Ano ba'ng ibig mong sabihin, Hansel?"
"I just have this phobia about being happy. Paano kung sa sobrang saya ko, may
kapalit pala 'yon? Hindi ko kakayanin kung ikaw ang kapalit no'n, Ingrid." Hindi
ako nakaimik sa sinabi ni Hansel. Kaya ba napaka seryoso niya noong una ko siyang
makilala kasi ayaw niyang maging masaya?
"Hansel, all your life, you restrained yourself to be happy at ito na 'yong kapalit
na 'yon. Just enjoy the moment at huwag mo munang isipin ang future kasi kung ano
man 'yon, you're not going to fight it alone. Nandito ako para sa'yo," seryoso kong
sabi sa kanya.
Bumangon naman siya at lumapit sa akin. Pinagdikit niya ang noo namin at napapikit
lang ako.
"I love you, Ingrid. I'm just afraid to lose you." He said. I slowly opened my eyes
and stare at him with so much love.
"Hindi ako mawawala sa'yo," I whispered to him. Then he smiled at me.
Hansel told me na sa kubo kami magpapalipas ng gabi dahil sobrang lakas ng ulan at
parang may bagyo pa raw. Dahil sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog sa kama.
* * *
I woke up when I felt my stomach was grumbling with hunger. Bumangon ako at wala na
si Hansel sa tabi ko. Sinuot ko lang 'yong tsinelas ko saka ako lumabas ng kuwarto.
I went to the dining room and living room pero wala rin siya.
"Where did he go?" I asked myself. Napatingin ako sa wallclock at alas kwatro ng
madaling araw. Saan naman kaya 'yon pupunta sa ganitong oras?
Lumabas ako at halos mayakap ko ang sarili ko dahil sa malakas na ulan at hangin.
Hindi pa rin pala hmuhupa ang bagyo. Kinabahan ako nang hindi ko makita ang kotse
niya sa may puno kung saan niya 'yon pi-nark kahapon.
Bakit naman niya ako iniwan?!
Sinuong ko ang ulan para libutin ang kubo pero wala talaga 'yong sasakyan o maging
si Hansel. Kung aalis siya, sana man lang nag iwan siya ng note.
Pumunta ako sa may malaking puno kahit malakas ang ulan. Pinagti-tripan ba ako ng
lalaking 'yon? Well, effective siya kasi naiinis na ako.
Naupo ako sa may swing na yari sa goma at napasimangot. Aawayin ko talaga siya
kapag hindi siya bumalik. Balak niya lang ata talaga akong idespatsa kaya niya ako
dinala dito tapos-
Hindi ko na natapos ang pagmo-monologue ko nang makita kong may ilaw na tumama
papasok sa bakod nitong farm. Agad akong napatayo nang makita kong si Hansel 'yon.
Nakahinga ako ng maluwang.
Sa harap siya ng kubo nag park at hindi niya ata napansin na nandito ako sa may
puno kaya dere-deretso siya sa loob. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko
siyang lumabas ng kubo. Takot na takot 'yong expression ng mukha niya.
"Ingrid! Ingrid!" kagaya ng ginawa ko kanina ay inikot niya rin ang buong kubo
hanggang sa mapatingin siya rito sa puno kung saan ako nakatayo.
"Ingrid!" tumakbo siya papunta sa akin. He looks so worried and... furious.
"Hansel..." I said almost unaudible. Hindi ko alam na gano'n siya katakot na mawala
ako.
"You made me worried sick! Bakit ka ba nandiyan?!" halata sa boses niya ang galit
pero alam ko naman na nag-aalala lang siya, eh.
"Nagising kasi ako kanina tapos wala ka na sa tabi ko. Akala ko iniwan mo na ako,"
paliwanag ko sa kanya.
"I left you sleeping because I bought you foods. Tara na at baka magkasakit ka pa,"
hinila niya ako pabalik sa kubo pero agad ko siyang pinigilan. Nagtatakang
tiningnan niya ako.
"What now?"
"Hansel, can I have a wish?" I said. Nakakunot man ang noo ay tumango siya.
"Ano 'yon?"
"Can I dance with you under the rain?" I said. His creased forehead slowly
disappeared.
"Are you sure?" malumanay niyang sabi. Okay, he's not angry anymore.
"Yes." Sagot ko naman.
"But we don't have music,"
"I can sing," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Okay, we'll dance." Sabi niya. Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay sa batok
niya. Hinapit naman niya ang bewang ko and I can see he's very much amused.
"Huwag mong pagtatawanan ang boses ko, ah?" sabi ko sa kanya.
"Never," he said grinning. Then I started singing.
"I can feel the magic floating in the air,
Being with you gets me that way.
I watch the sunlight dance across your face and I've
Never been this swept away..."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang kumakanta. Hansel keeps on grinning.
Alam kong inaasar niya ako. Nakakainis.
"All my thoughts just seem to settle on the breeze.
When I'm lying wrapped up in your arms,
The whole world just fades away
The only thing I hear
Is the beating of your heart..."
This was always my dream to dance under the rain. Though ang pagkanta sa harap niya
ay hindi kasama do'n, still, masaya pa rin ako kasi nagawa namin 'to.
"'Cause I can feel you breathe
It's washing over me
Suddenly I'm melting into you
There's nothing left to prove
Baby all we need is just to be
Caught up in the touch
The slow and steady rush
Baby, isn't that the way that love's supposed to be
I can feel you breathe
Just breathe..."
Mas nilapit niya katawan niya sa akin para mas mayakap niya pa ako. I love staring
on his eyes. Napaka-misteryoso at hindi mo alam kung ano ang iniisip niya but if
you get to know him, malalaman mong kagaya rin siya ng iba, matapang pero natatakot
din.
"In a way I know my heart is waking up
As all the walls come tumbling down
I'm closer than I've ever felt before
And I know
And you know
There's no need for words right now..."
"You have an angelic voice, Ingrid," sabi niya nang matapos ko ang kanta. Nahiya
naman ako sa sinabi niya kaya isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Huwag mo na akong asarin, Hansel." Sabi ko sa kanya at narinig ko ang tawa niya.
"I'm telling the truth," sabi niya. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya.
"You're just saying that because you don't want to upset me. Alam ko naman na hindi
kagandahan ang boses ko," I said pouting pero nagulat ako nang halikan niya ang
labi ko.
"I love everything about you at kahit na mas lumalakas ang ulan dahil sa pagkanta
mo, mamahalin pa rin kita," he said grinning and I scowled at him.
"I knew it was horrible!" tawa pa rin siya ng tawa at sinamaan ko lang siya ng
tingin. Pero hindi nagtagal ay natawa na rin ako.
"It's not. Let's just say that you have the talent to make the rain stronger?"
"Hansel!" I scowled at him and he laugh wholeheartedly. Ang sarap-sarap pakinggan
ng mga tawa niya.
"Tara na nga," inakay niya ako papunta sa kubo.
Magkahawak kamay kami nang pumasok sa loob hanggang sa kuwarto. Agad niya akong
binigyan ng tuwalya at iniwan niya ako sa kuwarto. May CR pa raw sa kabilang
kuwarto at doon na lang siya maliligo.
Paglabas ko ng CR ay may bathrobe ng nakahanda pati 'yong iba kong damit. Wala
akong naalala na nagdala ako ng damit? Siguro kinuha niya sa cabinet ko kanina bago
kami umalis. Sinuot ko na lang 'yong maluwang na blouse at blue short.
Umupo ako sa tukador at tiningnan ang sarili ko. Maputla at basa ang buhok ko.
Kinuha ko ang suklay at dahan-dahang pinadaan 'yon sa mahaba kong buhok.
Pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower nang kumatok si Hansel.
"Pasok," Sabi ko. Pinatay ko ang blower at tiningnan siya.
"Hindi tayo makakaalis ngayon. Mas lalong lumakas 'yong bagyo, eh," sabi niya. If
I'd know kanina niya pa gustong tumawa. Dapat talaga hindi na lang ako kumanta.
Inaasar niya tuloy ako.
"Next time hindi na ako kakanta," sabi ko at natawa na naman siya.
"Nagugutom ka na ba? Inihanda ko na 'yong pagkain sa dining table," pag-iiba niya
sa usapan.
"Sige," tumayo ako at sumunod sa kanya.
* * *
Erina's POV
"Princess Erina. Please po lumabas na kayo ng silid niyo," Pakiusap sa akin no'ng
isa sa mga taga-pagsilbi namin.
"Ayoko!" Sigaw ko. Kahapon pa ako nagkukulong sa kuwarto at walang kinakausap
kahit na sino. Ayokong makita nila kong umiiyak. Umiiyak dahil sa walang kwentang
Cris na 'yon!
"Mag-aalala po ang mahal na Reyna kapag nalaman niya 'to!"
"Eh 'di huwag kang magsumbong!" I retorted.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumungaw sa malaking bintana. Ang lakas kasi ng ulan
sa labas at nakakaakit ito. Parang gusto kong maligo sa ulan at umiyak nang umiyak.
Kasi kapag umiyak ako sa ilalim ng ulan, may makakita man sa akin hindi nila
iisipin na umiiyak ako.
Dumiretso ako sa pintuan ng kuwarto ko at binuksan ito.
"Mabuti naman po at binuksan niyo-"
"Aalis ako, don't tell anyone!" Tinarayan ko 'yong taga-pagsilbi. Nakakarindi na
kasi 'yong boses niya.
Patakbo akong lumabas ng palasyo. Pinuntahan ko 'yong puno kung saan kami nag-away
ni Cris. Kung saan binitawan niya ang mga katagang hindi ko inakalang sasabihin
niya. Katagang dahilan para mawasak ang puso.
"Bakit ka ba nagagalit? At ano naman kung gusto ko siya? Ano ba kita?"
Parang sinasaksak ang puso ko nang sabihin niya 'yon. Kasalanan ko rin, eh. Kasi
hindi ako umaamin. Ayoko kasing malaman niya tapos wala naman pala siyang pakialam
sa nararamdaman ko.
"Bakit ka ba umiiyak?" Napalingon ako. Si Tom.
"Ha? Sino nagsabi sayong umiiyak ako?" I smile bitterly.
"Huwag ka ngang mag-deny. Si Cris ano?" Nagulat ako sa sinabi niya. How did he
know about it? Sinabi ba ni Cris?
"P-paano mo nalaman?"
"Obvious naman, eh. Kilala ko na kayo. Kapatid na ang turing ko sa'yo, pati kay
Cris,"
"Mahal niya ang hipon, eh," Sabi ko kaya natawa naman si Tom.
"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita kay Cris," Sabi niya dahilan para mamilog
ang mga mata ko.
"Paanong tutulungan?" tanong ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya kong niyakap
ng mahigpit.
"T-Tom..."
"Basta tutulungan kita. Ayokong nakikitang nasasaktan ang little sister ko."
Hinagod niya likod ko.
20

Chapter 25 - Proclaiming her Defeat

Chapter 25
Hansel's POV
MEDYO malakas pa ang ulan pero binaybay na namin ni Ingrid ang daan pabalik sa
penthouse. Tulog pa nga siya kaya kinarga ko na lang siya papasok sa kotse. Kanina
ko pa kasi siya ginigising pero hindi niya ako pinapansin kaya hinayaan ko na lang.
Napapangiti na lang ako kapag sumusulyap ako sa maamo niyang mukha. She's so
peaceful when sleeping. Bakit ba ang ganda niya kahit tulog?
Hindi siya nakakasawang tingnan. Mas lalo ko siyang mamimiss kapag bumalik na siya
sakanila. Nasanay na rin kasi akong lagi siyang nandiyan. Sanay na akong kapag uuwi
ako galing school naghihintay siya sa penthouse.
Nasa parking lot na kami nang gumalaw siya. Hinaplos ko pisngei niya at napakunot
ang noo ako.
She's burning hot! Literally mainit ang balat niya. Sinalat ko ang leeg niya at
naramdaman kong mainit din ito. Ano bang nangyayari sa kanya?!
Medyo nagpapanic akong binuhat siya palabas ng kotse. Hindi ko na nga pinansin ang
mga bumati sa akin sa hallway. Hindi na ako makatiis at sa lobby pa lang ay
nagteleport na ako para agad makapunta sa penthouse.
Inihiga ko siya sa kama niya at kita kong namamawis ang noo niya.
"Ingrid what is happening to you?!" Pinipilit ko siyang gisingin pero umuungol
lang siya. Naisipan ko namang tawagan si Erina gamit ang isip niya pero nagtataka
ako kung bakit ito nakasarado.
Ayaw ko namang istorbuhin sila Mommy at Daddy dahil nga sa maraming bisita sa
palasyo.
Agad akong tumakbo papuntang kuwarto ko kung saan may telepono at tinawagan si
Cris. But to no avail walang sumasagot. Si Tom naman wala raw sa bahay nila.
"Shit!" Napamura na lang ako kasi pakiramdam ko wala akong magagawa.
I feel so helpless nang biglang pumasok sa isipan ko ang pangalan ni Maxhene.
Should I call her? Pero magagalit si Ingrid at magseselos na naman. Pero para naman
'to sa kanya. Nagtatalo na ang utak ko at hindi ko na lang namalayan ay dinial ko
na ang number ni Maxhene sa guest house.
"Who's this?"Mataray na sabi sa kabilang linya.
"Maxhene, it's me."
"Oh, Hi Hansel. I'm glad napatawag ka, alam mo bang-"
"I need your help." Putol ko sa kanya.
"Ohh. Sige ano 'yon?"
"Hindi ko alam ang nangyayari kay Ingrid. Puwede ka bang pumunta rito? Nag-aalala
ako sa kanya, eh." Matagal bago siya sumagot.
"S-sige. I'll be there." Then she cut the line. Napahinga ako ng maluwang. Bumalik
ako sa kuwarto ni Ingrid at nakita kong nahihirapan siyang humangos. Napatakbo ako
sa kanya.
"Ingrid, wake up!" Napamulat siya ng kaunti pero nahihirapan siyang huminga.
"Han...Hansel. H-hindi...ako m-maka..hinga." nahihirapan niyang sambit. Halos
mapapikit ako sa nakikita ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.
Ilang minuto lang ay dumating si Maxhene at kasama niya si Denver. Pinapasok ko
silang dalawa papunta sa kuwarto ni Ingrid.
"Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya," sabi ko. Nakita kong gulat din si Maxhene
sa nakikita. Sinalat niya ang noo nito.
"H-Hansel? Bakit..." Naguguluhan 'yong mukha ni Maxhene. Alam kong nagtataka siya
kung bakit mainit si Ingrid.
"Mamaya ko na ipapaliwanag," Sabi ko sa kanya.
"Bring her to hospital. Human's hospital." Sabi ni Denver. Alam kong alam agad ni
Denver nang makita niya ang kalagayan ni Ingrid.
"Oh, my god! She's a human?!" Maxhene shrieked.
"I'll explain later okay? Let's bring her to the hospital."
Kinarga ko na si Ingrid palabas ng kuwarto. We teleport papuntang baba. Nag
volunter naman si Denver na siya na raw magda-drive ng kotse ko since wala silang
dalang sasakyan no'ng pumunta sa penthouse.
Nasa back seat kami pareho ni Ingrid at nasa passenger seat naman si Maxhene.
Mabilis na pinapaandar ni Denver ang sasakyan. Nararamdaman ko naman ang mabigat na
paghinga ni Ingrid. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit siya nagkakaganyan?
Sa isang malaking hospital namin dinala si Ingrid. Agad din naman kaming sinalubong
ng mga nurse.
Dinala siya sa isang kuwarto na napakaraming aparatus na hindi ko alam. Nasa
waiting area lang kami at hindi ako mapakali sa nangyayari.
"So she's a human, huh?" Basag ni Maxhene sa katahimikan.
"Yeah. Sorry for keeping it a secret. I just wanted to protect her from
everybody," I said. She smile bitterly.
"Kaya pala ang lakas ng loob ng babaeng 'yon awayin ako kasi may pinagmamalaki.
Anyway, she's still my frenemy and nag-aalala rin ako sa kanya kahit papano."
Napangiti lang ako sa sinabi ni Maxhene.
"She's the chosen one, Hansel?" Tanong din ni Denver. Few knows about it at isa si
Denver do'n.
"Yeah. Kaya gano'n ko na lang siya protektahan."
"You know what? This place makes me sick! Ang daming dugo akong naamoy!" Sabi ni
Maxhene na nakatakip ng ilong.
"Can't you control it, sweetheart?" malambing na sabi ni Denver sa kanya.
"Tsk! Sweetheart mo!" Lihim lang akong napangiti sakanilang dalawa. Bagay sila.
Nagbabangayan ang dalawa nang lumabas ang babaeng nakasuot ng white suit. Maybe
she's the doctor.
"Sino sainyo ang kamag-anak?" Bungad ng doctor.
"Ako po ang boyfriend."
"Mabuti at nasugod niyo siya agad sa hospital. May mataas siyang lagnat plus
asthmatic pala siya. Ano bang ginawa niya recently at inatake siya ng asthma niya?"
"Kahapon kasi naulanan siya ng matagal."
"I suggest na huwag na sana 'yon mauulit. Her asthma is mild pero puwede 'yon
maging deadly kung hindi maagapan. As of now kinabitan namin siya ng oxygen since
nahihirapan siyang huminga. Alam ba ito ng parents niya?"
"Ah. Yes." I know I have to lie right now.
"Very well. Puwede niyo na siyang bisitahin sa loob." Tumango ako saka umalis ang
doctor.
Pagpasok namin sa kuwarto may kung anong nakakabit sa katawan niya. May malaking
tangke sa gilid ng kama niya at may nakalagay sa ilong niya. Pati sa kaliwang braso
niya may nakatusok.
"I'm sorry for not taking care of you. I'm sorry Ingrid." Mahina kong sabi. Hawak-
hawak ko ang kamay niya.
* * *
Maxhene's POV
"I'M SORRY for not taking care of you. I'm sorry Ingrid." Mahina ngunit sapat para
marinig ko. Medyo nasasaktan ako pero mas nangingibabaw kasi ngayon ang awa ko kay
Ingrid.
I can see how he loves Ingrid at sa palagay ko wala akong magagawa para pantayan
ang pagmamahal ni Ingrid kay Hansel. I envy her. Hindi dahil sa mahal siya ni
Hansel because now I know she is a human. Kaya pala. When I told her na wala siyang
pinagmamalaki, mali ako. She's a human at sapat na 'yon para ipagmalaki niya 'to sa
akin.
"Lalabas lang ako for fresh air." Paalam ko kay Hansel. Sumunod naman sa akin si
Denver. Nasa labas kami ng hospital nang magsalita siya.
"Mahal talaga ni Hansel si Ingrid ano? Vampire and human. How cool." Inirapan ko
lang siya. Bakit ko ba kasi ito sinama pa?
"Shut up nga, puwede?" I snapped at him.
"Aagawin mo pa rin ba si Hansel kay Ingrid?" Bwesit na lalaking ito ayaw tumigil!
"Ano ba'ng pakialam mo?"
"May pakialam ako. Huwag mong sirain ang maganda nilang relasyon. Nandito naman
ako 'di ba?"
"Yeah, right."
"I hope you find it in your heart to realize that I, only I will make you happy.
Na 'yong Denver na kumukulit sa'yo ang totoo mo pala talagang mahal." Sobrang
seryoso ng mukha niya. Bakit ba siya ganyan? Hindi ako sanay na seryoso siya. Mas
gusto ko 'yong makulit na Denver kahit nakakainis.
"Are you drugged? Bakit ba napakaseryoso mo ngayon? Tigilan mo nga ako, ah,"
"Kasi seryoso ko sa'yo,"
"Stop it, okay?"
"I don't want to stop from loving you. I can't do that," Napaubo naman ako sa
sinabi niya.
"What did you say?"
"Wala! Ang bingi mo talaga!"
"Hindi, eh! May sinabi ka! Hindi ko lang naintindihan. Ulitin mo," utos ko sa
kanya.
"A-ayoko! Tsk. Diyan ka na nga!" Umalis siya bigla. Problema no'n? Napailing na
lang ako. Moody!
"H-hoy! Denver, wait!" Hinabol ko siya.Hindi ako papayag na walk-out-an niya lang
ako 'no! Ang isang diyosang vampirette na tulad ko ay hindi makakapayag na ma-walk
out-an ng isang Prinsepe ng kamanyakan!
"Denver! Den- Ah!"
"Maxhene!"
* * *
Denver's POV
TWO WEEKS ago nang makatanggap ang kaharian namin ng telegrama galing sa kaibigan
naming kaharian, ang familia Kang.
After Ten long years makakabisita na ulit ako sa kaharian kung saan nagsimula ang
lahat. Kung saan una ko siyang nakilala. Si Maxhene Donagon. Una ko pa lang siyang
nakita alam ko siya na ang vampirette na mamahalin ko.
Pero kahit kailan hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makausap siya o
mapansin niya. Lagi kasi siya noon na nakabuntot kay Hansel na kababata niya. Dahil
sa sobrang gusto ko siya ay nag-aral pa akong ng kanilang kakaibang salita para
makausap ko siya.
Pero ngayon determinado ako na makuha ang loob niya. No'ng gabi ng Royal ball, wala
akong ibang tiningnan kundi si Maxhene lamang. Nasaksihan ko ang lahat. Kaya no'ng
naglasing siya agad ko siyang tinulungan. Wala naman talaga sa aming nangyari.
Hinayaan ko lang siyang 'yon ang paniwalaan niya.
Hindi ko naman ine-expect na ipapakasal kami. In favor din naman 'yon sa akin. Pero
kung gaano siya kataray ay gano'n din siya kamanhid. Hindi niya maintindihan yung
sinabi ko. Ich liebe dich means I love you. Sa language namin 'yon ang sinasabi
kapag mahal mo isang tao o bampira.
Nagpapakita na ako ng motibo na mahal ko siya pero grabe lang siya sa kamanhidan.
Nang tawagan siya kanina ni Hansel at humihingi ng tulong tungkol kay Ingrid nakita
kong nalungkot siya. Pero bilib din ako sa fighting spirit niya.
"I don't want to stop from loving you. I can't do that," Nasamid siya sa sinabi
ko. Pati ako nagulat din sa sinabi ko. Hindi ko akalain na masasabi ko 'yon.
"What did you say?"
"Wala! Ang bingi mo talaga!" Inis kong sabi.
"Hindi, eh! May sinabi ka! Hindi ko lang naintindihan. Ulitin mo," Kahit kalian
napaka-bossy niya talaga.
"A-ayoko! Tsk. Diyan ka na nga!" Ayoko ng ulitin. Ang bingi-bingi niya, eh! Nag
walk out na lang ako para itago ang hiya sa sarili.
"H-hoy! Denver, wait!" Rinig ko tawag niya sa akin. Hindi ako lumilingon. Bahala
siya! Alam ko naman na hahabulin niya ako kasi ayaw niya ng nilalayasan siya.
"Denver! Den- Ahh!"
Huh? Nanlaki mata ko nang makita siyang nakaluhod sa daan. Nadapa siya. Tsk! Weak-
"Maxhene!" Agad akong napatakbo at inilayo siya sa paparating na truck.
Nasalo ko ang ulo niya. Nakadagan siya sa akin. Parehong nanlaki mata namin sa
aming posisyon.
Dali-dali kaming tumayo at pinagpag ang sarili. 'Buti na lang at walang gaanong tao
kundi magtataka lang sila kung bakit ang bilis naming gumalaw.
"S-salamat." Sabi niya.
"Sa susunod nga mag-iingat ka!" Pagalit kong sabi sa kanya.
"S-sorry," Medyo nagulat ako nang magsorry siya. Epekto ba 'yon nang pagkatumba
niya?
"Pasok na ulit tayo. Baka gising na si Ingrid," Sabi ko.
"No. Wait," Pigil niya sa braso ko.
"Hmm?"
"Kanina habang tinitingnan ko si Hansel at Ingrid naramdaman ko 'yong pagmamahalan
nila sa isa't-isa." Bakit naman niya 'yon sinasabi sa akin? "Napakasama kong
Prinsesa kapag sinira ko ang maganda nilang relasyon." Hindi ako kumikibo.
Nakatingin lang ako sa mata niya. "Isa pa, tao si Ingrid. She is destined to be
with Hansel."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Napatanong na 'ko dahil talagang curious na ako sa mga
lumalabas sa bibig niya. Nakakapanibago.
"I'm letting him go. I'm letting Hansel go if you'll help me," tiningnan niya ako.
Hindi ko mabasa ang nais niyang iparating. Nabagok kaya ang ulo ni Maxhene? She's
acting weird.
"Help? What kind of help?"
"Help me forget my feelings for him. Please. 'Di ba mahal mo ako? That's Ich liebe
dich means, right?" Nanlaki mata ko sa sinabi niya.
"You knew?" Tumango siya.
"Yeah. I've researched about it. No'ng una nagulat ako sa ibig sabihin. Akala ko
kasi you're cussing me." Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Is this Maxhene? Baka
naman hindi 'to ang totoong sweetheart ko?
"Maxhene..."
"Denver, okay lang. Magsisimula ulit tayo. Medyo hindi kasi maganda ang
pagkakakilala natin no'ng una, eh."
"So fiancée na talaga kita?" Masaya kong tanong.
"Ano ka sineswerte?" Sabay batok sakin.
"Kung makabatok ka naman! Gano'n ba talaga ang lambing mo sa akin sweetheart?" she
just glared at me. Ang ganda niya talaga kapag nagagalit.
"Ligawan mo muna ko! Stupido!"
"Okay. Basta tuloy ang kasal, ah. Liligawan naman kita araw-araw kahit mag-asawa
na tayo- Aray! Bakit ka ba nambabatok?"
"Wala lang trip ko!" Tapos umalis siya. Ano'ng nanyare do'n? Makulit talaga!
"Uyy. Sweetheart, wait!" Habulin ko nga 'yon. Baka mamaya maupog 'yon at matauhan
ulit.
* * *
Ingrid's POV
"ANO KA ba baka magising,"
"Wait lang. Tinitignan ko lang paa niya. Ang linis grabe!"
Huh? Anong naririnig ko na 'yan? Dahan-dahan kong minulat mata ko.
"Aahhhhh!" Nagulat ako sa nakita ko. Si Maxhene kasama si Denver at pareho nilang
tinitignan paa ko. Agad ko itong binawi dahil sa gulat. Ano ba'ng ginagawa nila?!
"Ang OA mo naman Ingrid. You know kasi this is the first time na naging malapit
ako sa tao. Parang wala namang pinag-iba ang kutis mo sakin. Kutis diyosa talaga
tayo." Tapos humagikhik siya.
Eh? Ano'ng nangyari sa mataray na Maxhene? Tsaka wait- did she just say tao?
"Paano mong nalaman na tao ako?!" Agad kong tanong.
"Duh? Nandito ka kaya sa hospital! Sinugod ka namin ni Hansel dito kasi inatake ka
raw ng asthma." Hospital?! Napalinga naman ako sa loob ng kuwarto. Hospital nga!
"Where's Hansel?"
"Nasa nurse station may pinipirmahan. Haay naku, I really can't believe na tao
ka!" Ani Maxhene. Napataas naman ako ng kilay. Ano'ng problema kung tao ako. Pero
ang mas ikinataas ng kilay ko ng makita kong magkahawak sila ng kamay ni Denver.
Alam kong sila pero totoo naman kaya ang relasyon nila?
Nahalat siguro ni Denver na nakatingin ako sa kamay nila kaya ngumiti siya.
"Sinagot ko na si sweetheart. Pinahirapan ko nga ng kaunti, eh," Sabi ni Denver na
ikinalaki ng mata ni Maxhene.
"How dare you! Anong pinapalabas mo? That I courted you?!" Natawa lang ako sa
dalawa. Ang kulit nila. Hindi ko alam na may ganito pa lang side si Maxhene.
"Sweety naman eh,"
"Umalis ka muna nga. Mag uusap muna kami ni Ingrid," utos nit okay Denver.
"Ayoko,"
"Tsk. Usapang diyosa 'to! Diyosa ka ba?"
"Sabi ko nga lalabas na ako," Napailing akong lumabas si Denver. Ang ingay nilang
dalawa.
"So Ingrid. Kumusta ka naman?" Mataray niyang sabi. Bipolar ata 'to si Maxhene,
eh. Pabago-bago ng mood.
"Okay lang ako. Still alive," I smiled.
"Good. May gusto lang sana akong sabihin. And take note dahil hindi na 'to mauulit
pa!" she hissed.
"Okay," nagtataka kong sabi.
"I want you to take care of Hansel. I am now claiming my defeat. Isusuko ko siya
sa isang kondisyon. Don't hurt him, cause if you do babawiin ko siya sa'yo at
sisiguraduhin kong hindi mo na siya mababawi pa." pagbabanta niya.
"So natanggap mo na rin na mas maganda talaga ko sa'yo," I said and smirked.
"Only because you're human. Anyway, friends?" She extede her arms to me.
"Friends." Imbes na magkamay kami ay niyakap ko siya.
"I wanted to thank you, Ingrid. Kasi you made me realize na hindi lahat ng gusto
ng diyosang katulad ko ay makukuha ko. Just promise me na mamahalin mo ng buong
puso si Hansel." Ngumiti ako sa kanya.
"I promise," itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko na may dextrose.
"Diyosang promise?"
"Diyosang promise." Nagtawanan kami pareho.

Chapter 26 - Home

Chapter 26
Ingrid's POV
"WALA ka na bang nakalimutan?"
"Wala na," Malungkot kong sabi.
"Are you sure?" Paninigurado niya.
"Wala na. Aalis ako ritong dala ang lahat," paninigurado kong sabi sa kanya.
"No you're not,"
"Huh?"
"Aalis ka rito pero hindi mo lahat madadala," Hindi ko maintindihan ang sinabi
niya kaya napakunot noo ako.
"What do you mean?"
"Maiiwan ako rito," Malungkot iniyang sabi.
"Hansel naman, eh. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong umalis," Sa totoo lang ayaw
kong umalis. Mamimiss ko sila sobra. Si Erina, si Cris, Tom and of course Hansel.
And speaking of Erina- Aalis akong hindi siya nakikita.
"May cellphone naman, eh. We can call each other everyday. Then kapag gabi
bibisita ko sa'yo," He zipped my travelling bag and place it on the floor.
"Just promise me to visit everynight. Walang palya!" I said pouting.
"I promise." He raiseed his right hand and swore. Napangiti na lang ako.
Ngayon na ako uuwi sa bahay. I'm excited and nervous. Alam kong napatawad na ako ni
Daddy pero hindi ko mapigilang hindi kabahan at matakot.
"Tara na, Ingrid."
"S-sige," Sabay kaming bumaba sa penthouse. Dala niya 'yong dalawa kong maleta.
Lahat nakatingin sa amin. Wondering why I'm leaving.
"Have a safe trip mo, Ma'am Ingrid." Nagbow sa akin ang mga staff ng hotel. Kahit
kasi papaano alam nilang girlfriend ako ni Hansel.
"Salamat," Simple kong tugon.
Papunta na kami sa parking area nang mahagip ng mata ko ang kotse ko. I miss my
baby!
"I'm gonna drive my car," Sabi ko kay Hansel.
"Ha? At sino maghahatid sa'yo? Solo ka?"
"Okay lang naman sa akin," Sabi ko.
"No. I won't allow that. Malapit ng magdilim, baka kung ano'ng mangyari sa'yo."
"Hansel, I won't leave my car here. Besides, I missed my baby." Pagmamakaawa ko.
"Okay, pero ako magda-drive."
"Eh, paano ka kapag uuwi ka na?"
"I'll just teleport,"
"Okay, okay." Nakangiti kong sabi.
Hinintay ko si Hansel sa harap ng hotel kasi siya magda-drive ng kotse ko. No'ng
pumarada siya sa harap ko bigla na lang parang naalala ko ang lahat ng nangyari sa
akin simula nang tumuntong ako sa Vampire City. Parang gusto ko tuloy maiyak. Ang
bilis lang ng panahon.
"Hop in," He said from the window. Pasakay na sana ako nang marinig ko ang boses
ni Erina.
"Ate Ingrid!" Nilingon ko siya at pakiramdam ko maiiyak ako. Erina is like my baby
sister. Kahit alam namin parehong mas matanda siya sa akin ay tinuturing niya akong
Ate.
"Erina! Bakit ngayon lang kita nakita?" Nangingilid na ang luha ko. Nalulungkot
kasi akong mahihiwalay na 'ko sa kapatid ni Hansel.
"Sorry, Ate Ing. Marami lang kasing nangyari. Nabalitaan kong na-hospital ka.
Pasensya na at hindi ako nakadalaw." Ngumiti siya sa akin pero ramdam ko ang bigat
na dinadala niya.
"May problema ka ba Erina? Do you want me to extend my stay here?"
"Huwag na ate. Okay lang ako. I came here to say goodbye. Sana dalawin mo ulit
kami."
"Oo naman." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ingrid. What's taking you so long?" Sabi ni Hansel. Nakalimutan ko tuloy siya.
"Sige Ate sakay ka na. Naiinip na si Kuya," Nginitian ko siya bago sumakay sa
sasakyan. Ito namang si Hansel hindi pa nga ako nakakadungaw sa bintana para
kumaway ulit kay Erina ay pinaharurot agad ang sasakyan.
"Ano ba. Ang bilis mo naman mag-drive," Saway ko sa kanya.
"Para makauwi ka agad," he said.
Kainis naman 'to si Hansel. Masyado naman siyang excited na palayasin ako sa
kaharian nila. Nakakatampo.
"Besides, hindi tayo pwedeng magpagabi sa daan," halos pabulong niya lang na sabi.
"Ano naman problema kung magagabihan tayo?" Curious kong tanong.
"Hindi mo ba nararamdaman?" Para naman akong nagka-goosebumps sa sinabi niya.
"A-anong hindi ko ko nararamdaman?" Nakakapangilabot 'yong way nang pagsabi ni
Hansel no'ng 'Hindi mo ba nararamdaman'. Nagtaasan balahibo ko.
"May mga ligaw na kaluluwa sa paligid natin." Mas lalo akong kinilabutan. Siguro
may nakatira ng ligaw na kaluluwa sa kotse ko kasi matagal ko itong hindi nagamit.
"N-nakikita mo ba sila?" kinakabahan kong sabi. Kung totoo ngang may bampira,
multo pa kaya?
"Sa likod mo."
"Ahhhhhh!" Nayakap ko siya ng wala sa oras. "Hanseeeeeeel..." Sobrang higpit ng
pagkakayakap ko sa kanya.
"Uyy-!! A-ano ba!! Bitawan mo nga ako!" tinutulak-tulak niya ako pabalik sa upuan
ko pero para akong linta na bumabalik sa kanya. Wahhhh! Takot ako sa multo!
"Patayin mo ang mumu! Waaaah! Hansel, kill it! I'm scared!" pinagpapalo ko ang
braso niya at nakasunsob din ako sa dibdib niya. Ayaw kong makita kung sino mang
ghost na 'yan.
"God! Gusto mo bang maaksidente tayo, babae?!" Alam kong galit na si Hansel sa
inaasal ko pero takot talaga ako!
"Paalisin mo muna ang mumu!" I whined.
"Tumigil ka na nga diyan! I was just joking okay?!" singhal niya pero umiling
naman ako.
"No you're not!" Ayaw kong maniwala. Baka sinasabi niya lang 'yon para tumigil
ako.
"Bitawan mo 'ko!"
"Ayaw!"
"Gusto mo ba 'kong magalit sa'yo?!"
"Okay lang, nakachansi- I mean takot talaga ako! Ahhhhh!"
"Haaay! Bahala ka nga!" He said exasperatedly. Napabitaw na lang ako kahit ayoko
pa. Inayos ko upo ko at tumingin na lang sa daan. Bakit ba ang sungit ni Hansel
ngayon?
Iidlip na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang familyar na pigura. Kahit
mabilis ang pagdrive ni Hansel sigurado akong siya 'yon. Hindi ako puwedeng
magkamali.
Si Drake 'yon!
* * *
Erina's POV
PAKATAPOS kong mag-paalam kay Ate Ingrid ay dumeretso agad ako sa palasyo. Naabutan
ko si Tom at Cris naglalaro ng board hames pero nilagpasan ko lang sila.
"Hon," napalingon ako kay Tom para tingnan kung sino ang tinatawag niyang Hon at
nagtaka pa ako kasi sa akin siya nakatingin. Kailan pa naging Hon ang pangalan ko?
"Who are you calling Hon?" Tanong ni Cris. Hanggang ngayon hindi pa rin kami
nagpapansinan. Bahala siya sa buhay niya! Kahit mahal ko siya hindi ako tanga para
tanggapin ang masasakit niyang salita. At hanggang ngayon tagos pa rin sa akin ang
lahat ng sinabi niya.
"Ah, si Erina. Hon ang tawagan namin, eh. Medyo may pagkaka-unawaan na kasi
kami." Masayang pahayag ni Tom.
"Ah, gano'n ba?" Walang ganang sabi ni Cris. Tsk. Wala man lang talaga siyang
pakialam sa akin.
"Sige Tom- I mean Hon, punta lang ako sa taas," I awkwardly smile at him.
"Sige, Hon."
No'ng isang araw sabi sa akin ni Tom ay kailangan ipakita ko raw kay Cris na hindi
ako epektado sa mga nangyayari. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya sinabing may
pagkakaunawaan na kami pero may tiwala ako kay Tom.
Nagulat na lang ako nang pagpasok ko sa kuwarto ay nandoon na sa loob si Cris
nakaupo sa gilid ng kama ko.
"Why are you here?!" Inis kong sabi.
"Well, dati ko naman itong ginagawa 'di ba?" Oo nga! Pero hindi mo na 'yon
puwedeng gawin ngayon! Hindi na puwede. Iba na ngayon!
"Umalis ka na! We have nothing to talk about anyway so please lang. Go!" I pointed
out the door.
"Aalis naman talaga ako agad, gusto ko lang sanang magtanong kong anong magandang
panregalo sa vampirette? May date kasi kami mamaya ni Meisha." Nag-init bigla ulo
ko sa narinig. Nagpunta siya rito para itanong 'yon?! Eh kung sipain ko siya
palabas sa bintana?!
"Pakasalan mo na kaya para matapos na ang lahat?" I said and silently praying na
sana hindi niya mapansin na ang bitter ko.
"Daraating din tayo diyan." Nakangisi niyang sabi. Nakakainis! Nakakapagselos!
"Puwede ba umalis ka na?! Magpapahinga ako!"
"Sige na nga. Sungit."
Bigla na lang siyang naglaho sa kuwarto ko. Agad akong napatakbo sa kama at doon
nilabas ang sama ng loob ko.
I hate you, Cris! Bakit mo ba 'ko ginaganito? Ang sama mo!
"Erina..."
Huh?
"Erina..."
"Tom?" Ano naman ginagawa nito rito?
"Magbihis ka. 'Yong maganda."
"Huh? Anong-"
"Sabi nang magbihis ka. 'Yong maayos."
"Sa harap mo? No way!"
"Baliw ka talaga. Basta magbihis ka tapos may pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Basta."
Nagbihis na lang ako kaysa makipagkulitan kay Tom. Pero siyempre pinalabas ko muna
siya 'no!
Nagsuot lang ako ng floral red dress and a slingback shoe. Pagbaba ko ng kuwarto
sinabihan ako ng mga katulong na nasa labas si Tom at naghihintay.
"Ang tagal mo naman. Tara na nga." Sabi niya habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Where are we going?" I asked habang naglalakad kami.
"Sa plaza, may mini concert doon." Napatango ako.
Habang naglalakad kami ni Tom, siya naman pakanta-kanta lang. I don't know Tom can
sing.
"Masaya ka ata?" Ani ko.
"Excited lang ako sa magiging reaction ni Cris." Sabi niya pang nakangiti.
"Ano ba talagang plano mo?" Curious kong tanong.
"Simple. Pagseselosin natin siya. We're gonna pretend that we're in a
relationship," Then he winked.
"That's a great idea, Tom," I said with sarcasm. "But the question is, magselos
din kaya 'yon? Eh, may Meisha na raw siya!" I rolled my eyes when I mentioned her
name.
"Magseselos 'yon. Matagal ko na kayong kilala, lalo na si Cris. Basta akong bahala
sa love life mo," he confidently said.
"Ewan ko lang, but there's no harm on trying right?" Sabi ko.
"Right," He said.
Hindi na ako nagulat nang makita kong madaming bampira sa plaza, ganito naman
talaga rito.
"Hayun sila, oh. Tara," Hindi na ako nakaangal dahil hinila na ako ni Tom
papalapit sa dalawa.
"Cris! Mei!" Sabay pa silang napalingon. Tahimik lang ako at ikinawit ko ang kamay
ko kay Tom. Pakiramdam ko kailangan ko ng suporta. Parang anytime matutumba ako.
Ang sakit-sakit na makita siyang may kasamang iba.
Tom, akala ko hindi ka pupunta?" sabi ni Cris. Akala mo hindi ako nakikita. Sige
pa. Deadmahin mo pa ako.
"Hi, Tommy!" Malambing na sabi no'ng Meisha! Nakakabingi boses niya sa sobrang
tinis!
Kahit na naiinis at nasasaktan ay pinilit ko pa ring ngumiti. This is not the right
time to act bitter. Tama si Tom. Hindi ko dapat ipakita kay Cris na apektado ko.
"You must be Princess Erina. Ang ganda mo pala sa personal," ang lambing talaga ng
boses niya! Mas matangkad lang ako sa kanya ng konti at mas petite siya. Naka messy
bun ang buhok niya and I have to admit, everything abour her screams cuteness.
Maliit lang na babae pero ma-appeal. Ito ba talaga ang mga tipo ni Cris? Hindi
naman nalalayo ang height namin, ah. Cute nga siya pero maganda ako. Ano ba'ng
nakita niya sa babaeng 'yan?
"Thank you! And you are?" sinadya kong itinaas ang kilay ko para malaman niyang
hindi ako interesado sa kanya at wala akong balak makipag-plastikan sa kanya.
"I'm Meisha Candelaria, your highness." Nagbow pa siya. Kahit gusto kong magalit
sa kanya ay hindi ko magawa. Alam kong mali na tarayan ko siya kasi wala naman
siyang alam sa nararamdaman ko pero hindi ko talaga mapigilan. Pinipilit ko ring
hanapan siya ng mali pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil sa alam
kong mabait siya.
"Nice to meet you, Meisha." Seryoso ko lang na sabi. Pinipilit ko namang ngumiti
pero napapangiwi lang ako.
"Lagi ka pong ikine-kwento sa akin ni Cris kaya feeling ko po kilalang-kilala ko
na talaga kayo," nakangiti niyang sabi. Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya.
Bakit naman ako ikine-kwento ni Cris sa kanya?
"For sure hindi magagandang bagay ang nalaman mo sa akin," I deadpanned pero agad
naman siyang umiling.
"Kung hindi ko nga po siya boyfriend iisipin ko-"
"Meisha!" napasimangot ako nang tawagin siya ni Cris. Ayaw niya bang malaman ko
kung ano ang pinagsasabi niya tungkol sa akin?
Inakbayan ni Cris si Meisha at niyakap pa 'to sa harap ko. Sa harap ko! Mga walang
delekadesa!
"Tom," tawag ko kay Tom.
"Ano 'yon?"
"May kukunin lang ako sa palasyo. Babalik na lang ako," sabi ko. Akma akong aalis
pero agad siyang sumunod sa akin.
"Sasamahan na kita,"
"H-huwag na. Madali lang ako," Ngumiti ako ng pilit ng pilit sa kanya. Nagmamadali
akong tumakbo palayo sakanila dahil ang traydor kong luha ay malapit ng tumulo.
Napasandal ako sa likod ng puno at doon binuhos ang lahat. Sana kasi pinipigilan ko
'to noon pa. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.
Ang sakit na kasi, eh. Bakit kasi siya pa ang minahal ko? Bakit bigla ko na lang
'to naramdaman? Mahal na mahal ko siya, eh! Ano ba ang kulang sa akin at hindi niya
ako nagustuhan?
I know I'm such a cry baby but I can't help but cry. Kahit naman sino kapag nalaman
na hindi siya gusto ng mahal niya malulungkot din, 'di ba?
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi at nagrelax. Hindi ako puwede do'n bumalik na
namamaga ang mata. Inayos ko ang tayo saka huminga ng malalim. I was about to go
back at the park when I saw Cris already standing in front of me.
"Why are you crying?" his forehead creased with puzzle.
"Ano naman sa'yo?!" I retorted.
"Answer me!"
"Ayoko!"
"Tsk! Nagseselos ka 'no?" He smirked.
"N-no, I'm not!" I said defensively.
"Bakit namumula mga mata mo?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Wala ka na do'n! Alis ka nga!" nilagpasan ko siya pero agad niyang napigilan ang
braso ko.
"Umamin ka nga. Paanong naging kayo ni Tom?" Nakakunot niyang tanong. Ano naman
bang klaseng tanong 'yan?!
"Kagaya kung paano naging kayo ni Meisha. He courted me. Sinagot ko siya."
Pabalang kong sagot kaya hinigpitan niya pagkakahawak sa akin.
"Mahal mo siya?" pinaningkitan niya ako ng mata.
"B-bakit mo ba ko tinatanong?! Pakialam mo ba?!" Inis kong sabi.
"May pakialam ako!" Sigaw niya.
"Huwag mo akong pakialaman!" Sigaw ko rin sa kanya.
"Eh, sa gusto kitang pakialaman!"
"Do'n ka na nga sa Meisha mo! At huwag mo kong kukulitin! Ano ba kita?!" Binalik ko
sa kanya ang mga katagang binitawan niya rin noon. 'Ano ba kita?' Simple pero
sobrang sakit.
Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig at niluwangan niya ang pagkakahawak
sa akin at dahan-dahang binitawan ang braso ko.
"Pasensya na. Pasensya na talaga," pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ko.
Now we're even! Now you know the feeling of being asked with that kind of question!

Gustong-gusto kong basahin kung ano man ang iniisip niya at kung ano ang
nararamdaman niya pero natatakot ako sa mababasa ko. Ayaw kong mas lalong saktan
ang sarili ko.
* * *
Ingrid's POV
NAPATULALA lang ako nang makita ko ang harap ng gate namin. Ito na ba 'to? Papasok
ako at makikita ko ulit sila Mommy at Daddy? Ilang buwan na rin simula nang
naglayas ako. Nakakamiss din.
Dala-dala ko ang dalawa kong bagahe. Si Hansel nasa malayo lang. Ayaw niya pa
kasing humarap kela Mommy at Daddy. Naiintindihan ko naman siya.
Nagdoorbell ako at hindi nagtagal ay may lumabas na maid. Alam kong nakilala niya
ko dahil sobrang nanlaki ang mata niya.
"Young Lady?" Hindi makapaniwalang sambit ng maid. Nakangiti lang ako sa kanya.
"Guard pakiluwangan ang pagbukas ng gate! Nandito na ang young lady!" Sigaw niya
sa lahat.
Biglang nagbukas ang authomatic gate namin at tumambad sa akin ang mga maid,
personal security guard at iba pang tauhan nila Daddy at Mommy.
Dumeretso lang ako at kinuha ng dalawang maid ang mga bagahe ko. Lahat sila tahimik
at nakatingin lang sakin. Puno ng ngiti ang mga labi nila. Mga pamilyar na mukha
ang nakikita ko.
"Where's Mom and Dad?" I asked our butler Eman.
"They're at the study room, young lady. " Nagbow pa siya sa akin.
Nagbukas bigla ang pinto kaya pumasok na ako. Nilibot ko ang paningin ko. Dati pa
rin pero nakakapanibago. Naabutan ko ang salas namin na walang tao.
Agad akong naglakad patungo sa study room. Isang malaking office na pinaghahatian
nila para kahit nagtatrabaho sila dito sa mansion ay puwede pa rin silang mag-usap.
Nandoon sila nag-uusap. Si Daddy nakaupo sa malaking solo couch nagbabasa ng forbes
magazine at si Mommy nakaupo sa gilid ng hawakan ng couch at nakikibasa rin sa
binabasa ni Daddy.
"Ito Dad, oh. Number one ka na sa richest business man in the Philippines." Sabi
ni Mommy at tinuro 'yong isang page ng magazine.
"Wala naman sa akin kung ako pa ang maging number zero richest man in the
Philippines or in the world. What's important is our daughter Ingrid." Kita ko ang
malungkot na mukha ni Daddy. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko na 'to kaya.
Naka-side view sila sa akin kaya hindi nila ko makita.
"Mommy... Daddy..." Naluluha kong tawag sa kanila. May interval na 5 seconds bago
sila lumingon. Na para bang nakarinig sila ng boses ng isang multo.
"Baby? Baby is that really you?" Napatayo si Mommy at agad na lumapit sa akin.
"Yes Mommy, it's me." Tuluyan na akong naluha nang haplusin ni Mommy ang pisngi
ko.
"My princess," Sinugod ako ng yakap ni Daddy.
"I miss you, Mom, Dad." Humagulhol na ako. Pati si Mommy niyakap na rin ako. Kay
tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to at heto nga ay dumating na. Sobra ko
silang na-miss.
"Princess sana mapatawad mo ang Daddy. Pinagsisisihan ko ang pilit kang ipakasal
sa manlolokong Boris na 'yon," Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap kay Daddy
at Mommy at nginitian sila.
"Naiintindihan ko po kayo, Daddy. You only want what's best for me. Sorry po kung
naglayas ako. Natakot lang po kasi ako, eh," paliwanag ko sakanila.
"Baby, saan ka ba nag-stay. Kwentuhan mo si Mommy,"
"Opo, Mommy."
"Why don't we celebrate, my princess? Pumunnta tayo sa isang restaurant tapos
kumain tayo roon. Tapos bukas I will throw a party for you. Para sa pagbabalik mo."
Sabi ni Daddy.
"Huwag na dad. Ang gusto ko lang ay makasama kayo."
"Non sense. Magpapa-party tayo bukas. Kaya invite your friends. Okay?"
"Sige po tuloy Daddy." Nakangiti kong sabi.
Ganito pala ang pakiramdam na nagkapatawaran na kayo ng taong mahal mo. Para kang
nabunutan ng tinik. Hinding-hindi na ulit ako maglalayas. At alam ko naman na hindi
na uulitin ni Daddy ang ginawa niya dati.
nacb ?

Chapter 27 - Boybawang

Chapter 27
Ingrid's POV
ONE week. One week na akong nandito sa mansion. At one week na rin akong hindi
binibisita ni Hansel. Nang dahil sa boybawang na 'yon nagkatampuhan kami. Nang
dahil sa simpleng bagay hindi niya ko binibisita. 'Di ba nag-promise pa siya na
gabi-gabi niya 'ko pupuntahan?
One week ago...
Matapos ng reunion namin nila Mommy at Daddy bumalik agad ako sa kuwarto ko.
Nakakatuwa lang at parang wala man lang nabago kahit isang gamit. Well except sa
empty cabinet ko.
Nag-aayos ako ng gamit ng humangin nang malakas. Kahit hindi niya sabihin ramdam ko
ang presensya niya.
"Hansel..." Mahinang sambit ko. Nakatayo siya sa labas ng aking maliit na
balkonahe sa kuwarto. Natatakpan siya ng see through curtain pero naaninag ko pa
rin ang kanyang mukha.
"Kanina pa kita inaabangan dito. Tama ang hula ko, ito nga ang kuwarto mo," sabi
niyang papalapit sa akin.
"Oo nga, eh. Maganda ba? Mas malaki siya kesa doon sa kuwarto ko sa penthouse,
ano?"
"Yeah," Tipid niyang sabi saka tumingin sa akin na parang binabasa ang mata ko.
"Hansel, heto nga pala, oh, paborito ko to. Lagi kasi 'ko nitong pinapakin ni Yaya
Adele dati." pinakita ko sa kanya 'yong pakete ng junk food.
"What's that?" Curious niyang tanong.
"Boybawang!" Agad siyang nakalayo nang sabihin ko ang word na bawang. Alam kong
cheap and boybawang pero kasi paborito ko 'to eh. No'ng high school ako ito 'yong
lagi kong binibili sa tindahan. Kahit pinagbabawalan ako ni Mommy na kumain ng
ganito, still bumibili pa rin ako.
"Ilayo mo 'yan sa akin!"
"E! Amoyin mo nga. Mabango siya promise,"
"Sabi nang ilayo mo 'yan sa akin!" natatakot na sambit ni Hansel.
"Masarap 'to. Boy bawang. Sige na tikman mo na, please?" Nagpuppy eyes pa ako sa
kanya pero mukhang hindi effective dahil tinignan niya ako nang matalim.
"Are you stupid or what?!Bampira nga ako! Bampira!" Nakita kong nangislap na naman
ang mata niya. From brown naging red bigla. Hala! Ginagalit ko na naman ang bampira
kong boyfriend.
"Hmmm. Oo na, sorry." Inilagay ko na sa aking bulsa ang boy bawang.
"Next time na magdala ka pa ng ano mang anti-Vampire food, talagang kakagatin na
kita!" sabi niya at bumalik na ang kulay brown na mga mata niya.
"Opo, my Vampire boy!" Itinaas ko pa ang kanan kong kamay saka sumaludo sa kanya.
"Tsk. Oh, sige, tulog ka na. Babalik ako bukas." pumunta siya sa bintana ng
kuwarto ko.
"Aalis ka na agad? Hindi mo pa nga ako naki-kiss, eh!" I pouted.
"Grr! Do I need to? Baka 'di ko mapigilan sarili ko." sabi niya.
"Si Edward Cullen nga kiniss si Bella pero napigilan niya pa din sarili niya." I
said pouting.
"Tsk! Edward Cullen is a lover boy! He's gay!" Napanganga naman ako sa sinabi
niya.
"You know Edward Cullen?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Uh, yeah. Why? Respetado silang bampira at legend ang pamilya niya. Kung
nagbabasa ka sa History of Vampire sila ang nakatalo sa volturi." He explained.
Napakamot lang ako ng ulo. Totoo palang may Edward Cullen sa mundo ng bampira.
Hindi ko kasi pinag-aksayahan na pag aralan yung V101 na subject sa Scarlett Moon
University.
"Sikat kaya si Edward Cullen sa mundo ng tao," Pag-bibida ko sa kanya.
"It's because Stephenie Meyer is the great, great, great grand daughter of
Edward."
"Talaga?"
"Oo."
"So vampire rin siya?"
"No."
"Eh?"
"Half Vampire-half human ang anak nina Edward at Bella. 'Yong anak nila, nakapag-
asawa ng werewolf. Ang mga naging anak naman no'n, nakapangasawa ng pure human and
the rest gano'n din. So parang nawala na ang genes nila as vampires." napatango
lang ako.
"Ang galing naman."
"Tsk! Dapat kasi nakinig ka sa lesson natin noon." lumapit siya saka niyakap ako
sa balakang ko. Napangiti ako dahil sa ginawa niya.
"Eh, tao po kaya ako kaya 'di ako interesado."
"Sabagay." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
Ayiee! Hahalikan na niya ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko and got ready to meet his lips. Wala pang one second
nang makalapit na ang mga labi niya sa akin pero bigla siyang parang si Flash na
nakalayo kaagad sa akin ay napunta sa bintana. Hinihingal siya at parang
nanghihina.
"Hans?
Kumain ka ng Boy Bawang mo?! Sigaw na naman niya habang nangingislap ang mga mata.
"Oo, kaninang wala ka pa."
"Damn! Tsk. Aalis na nga ako. 'Kainis ka!"Bigla na lang siyang naglaho pagkasabi
niya no'n.
So 'yon nga ang nangyari. Nagpa-welcome party nga sila Mommy sa akin pero hindi man
lang siya nag-attend. Nakakatampo talaga. Gusto ko na ngang maiyak sa sobrang sama
ng loob, eh! Buti nga kahapon tinawagan ako ni Erina. Kapag tinatanong ko naman
kung saan si Hansel sabi niya busy raw. Pero alam ko naman na pinagtatakpan niya
lang ang kapatid niya.
Pagbaba ko sa kuwarto ay agad akong sinalubong ng isang maid at sinabing may bisita
ako. Sino naman kaya 'yan?
Pagpasok kong living room ay laking gulat ko na lang kung sino ang kampanteng
nakaupo sa paboritong pwesto ni Daddy. The nerve!
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong.
"Ganyan ka ba bumati sa bff mo?" Mapang-asar niyang sabi.
"Tssk. Why are you here? Tsaka paano mo nalaman na dito 'ko nakatira?"
"Relax. Ingrid talaga. Akala ko ba friends na tayo?" Nag-pout pa siya. Eh? Bago
ata 'yon?
"Puwede ba, Maxhene. Wala ako sa mood ngayon." Patamad akong umupo sa single
couch.
"Grabe ka naman. Binisita ka na nga ikaw pa galit. Alam mo bang nag pa-extend ako
kay Daddy ng one month dito sa sa Pilipinas para mas makasama pa kayo?"
"Ha? Bakit?"
"Wala naman. Gusto ko lang kasing maranasan mamuhay nilang tao," kibit balikat
niyang sabi.
"Hay naku, Maxhene. Nagsasayang ka lang ng panahon. Bumalik ka na sa inyo at baka
maupog 'yang ulo mo at agawin mo ulit si Hansel." Biro ko sa kanya.
"Don't worry girl, wala akong balak. Tsaka masaya ako kapag kasama si Denver.
Though wala pa akong feelings para sa kanya. Napag-aaralan naman 'yon 'di ba?"
Ngumiti siya ng maluwang.
"Hmm," Walang gana kong sabi.
"So?"
"Anong so?" Tanong ko.
"Hindi ka ba lalabas dito sa malaki niyong bahay?"
"Hindi." Simple kong sagot.
"Ang boring mo naman maging kaibigan. Shopping na lang tayo, you want?" Parang
nabuhayan ang sistema ko sa sinabi niya.
SHOPPING.
"Magbibiihis lang ako." Masaya naman siyang tumango. Dahil depressed ako kay
Hansel, sa shopping na lang ako babawi.
* * *
NAG-IIKOT na kami ni Maxhene sa mall and imagine kung ilan na ang dala naming
shoping bags. Buti na lang hindi ako nawawalan ng bodyguards.
"Ohh! Shoes!" Sabi niyang parang nagkikinang pa ang mata. "Tara pasok tayo."
Hinila na niya ko papasok sa boutique.
Derederetso lang si Maxhene sa paglalakad at parang na-trance na nakatingin sa
isang pares ng killer high heels.
"Oh gosh! Voglio che questo!" sambit niyang hindi ko maintindihan. Alien ba 'to si
Maxhene? "What I mean is I want this." napatango naman ako. Marunong pala magsalita
ng Italian si Maxhene. Sabagay, doon sila nag-aral ni Hansel, eh.
Nakakatawang pagmasdan si Maxhene. Ilang beses ko sa kanyang narinig ang Voglio che
questo! Lahat ata ng shoes dito sa boutique ay gusto niya.
"Wala ka bang nagugustuhan dito, Ingrid?" tanong niya sa akin.
"Paano naman ako makakapili, nakikita ko pa lang kinukuha mo agad at binibili." I
deadpanned.
"Sorry. Ang gaganda kasi, eh! Tapos ang mura-mura pa." masaya niyang pahayag
"Yeah. Mura na pala sa'yo ang P10,000?" Sarcastic kong sabi. Mas malala pa sa akin
si Maxhene, grabe.
"Huwag ka ngang kill joy. Mag-enjoy na lang kaya tayo." Sabi niya lang. I agree.
Kailangan ko talagang mag-enjoy lalo na't puro si Hansel ang naiisip ko. Bwesit
kasing bampirang 'yon bakit ba hindi nagpapakita sa akin?
"Oo na." Pinilit kong ngumiti. Nang naikot namin ang buong boutique ay saka lang
kami lumabas.
"Pa-parlor tayo?" pagyaya ko sa kanya.
"Ay, sige, gusto ko 'yan." Sabi niya. Tiningnan ko siya at napaarko lang ang kilay
niya.
"May problema ba Ingrid?" Takang tanong niya sakin.
"Curious lang, kapag nagpa manicure ka kaya malalaman nilang vampire ka?" pabulong
na tanong ko sa kanya.
"Ha? Hindi naman siguro. Bakit mo natanong?"
"Because you're a vampire. Meaning you have no life same with your finger nails.
Iisipin nilang patay lahat ng kuko mo." Naningkit naman ang mga mata niya dahil sa
sinabi ko.
"My goodness gracious, Ingrid! Hindi patay ang kuko ko! Look, oh, ang linis kaya!
Hmp!" bulalas niya kaya natawa ako ng malakas.
"Nagtatanong lang naman. Malay ko ba." Natatawa ko pa ring sabi. Ako na mismo
humila sa kanya papasok sa isang beauty parlor. Dito ako madalas noon magpagupit ng
buhol.
"Hair spa and hair dye sa akin, ikaw Ingrid?"
"Same lang. Gusto ko 'yong light auburn color. Sa'yo?" sabi ko.
"I want dark copper golden blonde." Sabi niya habang nakatingin sa hair dye
palette. Tapos tumingin siya sa beautician. "Ayaw kong nakaharap sa salamin. I want
a surprise. Okay?" she ordered tapos umupo sa pivot chair. Alam ko naman kung bakit
ayaw niyang humarap sa salamin, eh.
Nagtagal kami ng mga tatlong oras sa loob ng parlor. Ang dami nga naming napag-
usapan ni Maxhene, eh. At sa totoo lang, nag-eenjoy akong kasama siya. Alam mo
'yon, na kahit naging karibal ko siya kay Hansel pero panatag ako kahit may history
kami. Alam kong mapagkakatiwalaan siya. At kung papipiliin ako kung taong
bestfriend o vampirang bestfriend, mas pipiliin ko si Maxhene. Napaka totoo niya sa
sarili niya.
"Ano bang strength mo, Maxhene?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas sa mall.
"Hmm? Uh, I can manipulate people and vampires action," she said casually.
"Really? 'Di ba si Hansel, he can manipulate people and vampires mind?" sabi ko.
"Yup."
"Ano pa bang strength mo?" tanong ko pa.
"I can heal myself and others," Nanlaki naman mga mata ko sa sinabi niya.
"Talaga? Wow!"
"I know. Pero may limitations." Sabi niya. Halos lahat naman ata may limitations,
eh.
Sumakay na kami sa sasakyan. Nakaramdam ako ng pagod. Ang sakit lang ng talampakan
ko kakaikot sa mall.
"Ibaba mo na lang ako sa labas ng subdivision niyo, Ingrid."
"Ha?"
"Ang bingi. Doon mo ako ibaba kasi uuwi na ako," Napatango ako.
"How about your shopping bags?"
"Dadalhin ko."
Malapit na kami sa subdividion nang ipahinto ko sa driver ang sasakyan. Nagpaalam
lang sa akin si Maxhene hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
No'ng nasa loob na ako ng mansion ay agad kong nakita si Mommy at Daddy na masayang
nag-uusap. Five-thirty pa lang ng hapon at ang aga naman nilang umuwi? Usually kasi
gabi sila umuuwi.
"Nandito na pala ang Prinsesa ko." niyakap ako ni Daddy at k-in-iss ko naman si
Mommy sa cheeks.
"Where've you been, baby? Sabi ng maid kasama mo raw kaibigan mo. Sino ba 'yon,
baby?" malambing na tanong ni Mommy.
"Oh, it's Maxhene Donagon. New friend ko."
"Really? Taga saan siya?" tanong ni Mommy.
"From Hampshire, Europe. She's a prin- I mean anak siya ng isang mayaman na
Americano." pagsisinungaling ko.
"Good to hear na mayroon kang bagong kaibigan. No'ng nawala ka wala man lang na
nag-alalang kaibigan mo." sabi ni Mommy. Yeah. Because all my friends before is
definitely plastics!
"Huwag na natin 'yon pag-usapan, Rida. Let's have a little chitchat habang
nagluluto pa ang maids ng paboritong pagkain ng ating Prinsesa." Nakangiting sabi
ni Daddy.
"Steak Barbeque po, Daddy?" masaya kong tanong.
"Yup."
"Yey!"
Nagkwentuhan lang kami sa salas. Naikwento ko na kela Mommy sila Erina, Maxhene,
Cris, Tom at si Hansel. Pero siyempre hindi ko sinabi kung anong klaseng nilalang
sila.
"May boyfriend na ba ang prinsesa namin?" tanong ni Daddy.
"Why! My baby is blushing." Mommy said, teasing me.
"Mommy naman eh! W-wala pa po akong boyfriend." Vampire boyfriend meron.
"Basta anak kapag meron na sabihin mo agad. Kahit na sino pa 'yan hindi kami
tututol." sabi ni Daddy. Paano kung malaman nilang bampira ang boyfriend ko?
Tututol kaya sila?
"P-promise po, Mommy, ipapakilala ko siya sa'yo kung may boyfriend na 'ko."
Hindi ko nga alam kung paano ko siya mapapakilala sa kanila, eh. Hindi na
nagpaparamdam ang vampirang 'yon. Nakakainis!
* * *
DAHIL sa October na at malapit ng mag second sem, napag-desisyunan ko na I-enroll
ulit ang sarili ko sa dati kong school. 3 weeks staying at the mansion is kind of
boring na. Kahit tinatawagan ako ni Erina at Maxhene nabo-bored pa rin ako. At
least sila naalala ako. Si Hansel hindi, as in hindi! Imagine three weeks, ah!
Mababatukan ko 'yon kapag nagkita kami.
Nasa St. Louisia International school ako ngayon para mag-enroll. Ito ang dati kong
school bago ako naglayas. Napapatingin nga sakin mga studyanteng nakakakilala sa
akin, eh.
Naghihintay akong tawagin ang pangalan ko ng registrars office nang magvibrate
phone ko. Pagtingin ko, si Maxhene.
"Hello. Bakit?" sagot ko
"Ingrid, nasaan ka?" tanong niya sa kabilang linya.
"Nasa school, mag-e-enroll ulit ako, eh." sabi ko.
"Talaga? Wow! Gusto ko rin!"
"Ha?"
" Sige bye- ah, wait. Ano'ng school 'yan?"
"St. Louisia International School."
"Okay. Thank you!"
Tumawag siya para tanungin lang 'yon? But at least she has time to call me unlike
Hansel, na hindi man lang nagpaparamdam. Dahil lang sa boy bawang hindi na siya
nagpapakita?

Chapter 28 - Surprise

Chapter 28
Ingrid's POV
"Miss Sy." tawag sa akin ng babae sa registrars office. Agad naman akong tumayo at
lumapit
"Heto na 'yong schedule mo. Wala ka namang back subject pero irregular student ka
since hindi mo tinapos 'yong first sem. Ti-take-up-an mo 'yong mga walang pre-
requisite subjects." Napatango lang ako sa sinabi ng babae.
"Thank you po,"
"Go to dean's office para ma-validate na 'yang schedules mo." Sabi niya sa akin.
Pagpunta ko ng dean's office napansin kong medyo mahaba na ang pila. Wala akong
choice kundi ang magtiis sa mainit na araw since hindi naman aircon ang corridor.
Nasanay kasi ako sa malamig na klima sa vampire city.
Nasa pangatlong studyante na 'yong tinawag nang may tumapik sa balikat ko. Nilingon
ko 'to at literal na namilog ang mga mata ko.
"Maxhene?!"
"Oh, hi, Ingrid. Fancy meeting you here." Painosente niyang sabi.
"Fancy meeting your face! Ano'ng ginagawa mo rito?" nakapameywang kong tanong.
"I'm here to enroll," Pinakita niya 'yong form.
"You what?!"
"I told Daddy yesterday that I want to experience your world. He agreed naman.
Well, kasama si Denver pero okay lang." kibit balikat niyang sabi.
"Anong course naman kukunin mo?" nakataas kilay kong sabi. Nakakagulat lang talaga
na mag-aaral siya rito.
"I wish to take up medicine. You know, because of my healing ability." She
shrugged.
"Oh." Nasabi ko lang.
"Nasa canteen nga pala si Denver, gusto mo bang sumama sa akin?"
"Ah, after na lang siguro kapag natapos ko na 'to." Pinakita ko sa kanya 'yong
enrollment form ko.
"Ah,sige. Itetext na lang kita, bye." Kumaway siya sa akin bago nag-paalam.
Napailing na lang ako sa kanya. Sana kagaya rin ni Maxhene mag-isip si Hansel.
* * *
Pasukan na for second sem at ready na ako. Sinuot ko ang new dress ko. Isang floral
pencil cut skirt na 5 inch above the knee and navy blue longsleeve with yellow
neckline. Gano'n kasi rito, walang uniform kahit international school, College eh.
Wala na sina Mommy at Daddy pagbaba ko ng living. Sabagay, nine AM kasi ang pasok
ko kaya nauna na sila. Hinatid ako ng driver sa school at may mga bodyguards na
naka-sunod sa akin. Though hindi naman sila masyadong malapit sa akin, nakakairita
pa rin kasi nasa paligid mo lang. Ito kasi ang gusto ni Daddy, eh.
Pumunta agad ako sa Art's Building dahil doon ang un akong klase. Fifteen minutes
pa before class kaya alam kong hindi pa ako late.
Nakakatuwa na kahit matagal akong nawala ay may mga taong genuine pa rin talaga ang
pagbabati sa akin. Naupo lang ako sa unahan malapit sa pintuan. Ayoko kasing
masyadong sa gitna at mas lalong ayaw ko sa likod.
"Good morning, class." Bati ng isang babae na sa palagay ko ay nasa mid 30's na.
She's wearing a black long sleeves with square neckline and was tucked in with her
skinny jeans and a brown fedora hat. She looks so chic.
"Today, ang ide-design niyo ay ang inyong inspiration. I-apply niyo ang
imagination niyo sa sketch niyo. Mapa dress or clothes. Okay class?" Walang sumagot
pero lahat naman tumango.
Inspiration. Marami akong inspiration at hindi ko alam kung paano ko sila pag-
iisahin. Hindi ko namamalayan na gumagawa na pala ako ng sketch nang wala sa
sarili.
"Miss Sy, alam kong sinabi kong inspirasyon ang iguhit, pero wala akong sinabing
lalaki ang iguhit mo sa sketch pad." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am.
Hala? Bakit si Hansel ang nasa drawing?!
"E-eh kasi ma'am, model muna bago 'yong damit?" nahihiya kong sabi. Oh, my god!
Ingrid, get a grip of yourself. Nagsisimula pa lang ang klase pinapahiya mo na
sarili mo.
"Very well. As long as you pass the design, okay lang kahit ilang model ang I-draw
mo." Nakangiting sabi ni ma'am.
After ng class ay nagligpit na ako ng gamit at naghanda for the next subject.
Palabas na sana akong room nang mapansin kong may pinagkakaguluhan ang mga tao lalo
na ang mga babae. Anong mayro'n? May artista?
Mabuti na lang at dalawa ang pinto kaya do'n ako sa kabila lumabas. Hindi ko na
pinansin kung ano man ang pinagkakaguluhan nila dahil malayo-layo pa ang building
na pupuntahan ko. French class ang next subject ko at nasa lecture building pa
'yon.
Tahimik lang akong naglalakad nang maramdamam kong nag-iba ang simoy ng hanging. It
was cold and its breeze seems familiar.
"Ingrid."
Pakiramdam ko na hindi ako makagalaw dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.
Parang may malamig na gumuhit sa batok ko.
"Ingrid," Parang slow motion lahat ng pangyayari. Dahan-dahan akong lumingon sa
boses na pinanggalingan.
"Hansel?" I said almost unaudible. Para akong maiiyak nang makita ko siyang
nakatayo sa hindi kalayuan at nakangiti. God, I missed him!
Kahit alam kong madaming taong nakatingin sa akin ay agad ko siyang nilapitan at...
PAK!
"Aww! What was that for?" He said while holding his left cheeks.
"Anong what was that for?! Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin, ha?! Alam mo ba
kung ano nang iniisip ko sayo? Bwesit ka! Na-miss kitang gago ka! Siguro nam-ba-
babae ka do'n 'no?! Umamin ka!" Sigaw ko sa kanya at hindi alintana ang mga taong
nakatingn sa amin.
"I'm so sorry. May inasikaso lang kasi ako, eh." sabi niya at ramdam ko ang
sincerity sa boses niya. Para naman tuloy akong na-guilty lalo na't sinampal ko
siya at pinahiya sa harap ng marami.
"You should have told me. Puwede ka namang mag-text sa akin, 'di ba?" sabi ko sa
kanya. Napabuntong hininga ako at umalis sa kinatatayuan ko. naramdaman ko naman na
sumunod siya sa akin.
"Sorry na, Ingrid. 'Yon kasi ang kondisyun ni Daddy bago niya ako payagan." Sabi
niya habang hinahabol ako. Napatigil ako sa paglalakad.
"Payagan sa ano?" Hindi ko mapigilang itanong.
"Na dito sa mundo niyo manirahan. May mga importanteng bagay lang akong tinapos.
Then, kahapon lang ako nakalipat sa bago kong bahay." Sabi niya na ikinagulat ko.
"Dito ka na titira?" sabi ko at hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"Oo. At kahit tapos na akong mag-aral ay nag-enrol pa rin ako para lagi kitang
makasama,"
"Talaga?" excited kong sabi. Siguro kung nakikita ko lang ang sarili ko ngayon sa
salamin siguro kumikinang na sa sobrang galak ang mga mata ko.
"Na-miss mo ako 'no?" He teasingly said kaya agad akong napasimangot.
"Hindi, ah." I said and avert my gaze.
"Halika nga," Hinigit niya braso ko at para akong manika na hinihila niya dahil sa
sobra niyang bilis maglakad.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa bago kong bahay." Simple niyang sagot.
"Ha? May klase pa ako,"
"Mag cutting ka,"
"Hala! Ayoko. First day of class kaya."
"Sige na. Kahit ngayon lang."
"Hindi ako puwede mag-absent,"
"Are you sure?"
"Yes."
"Then you leave me with no choice,"
Nagtaka pa ako kung ano ang ibig niyang sabihin kaya nagulat na lang ako nang
buhatin niya ako na parang isang sakong bigas.
"Ibaba mo ko!" mariin kong sigaw.
"I love you." He said instead.
"Ibaba mo sabi ko, eh!" naiinis ko ng sabi.
"I love you." Pag-uulit niya
"I said put me down, Hansel!" ma-awtoridad kong sabi sa kanya but he didn't even
budge.
"I said I love you and you're not answering back, Ingrid!" he counter.
"Oo na! I love you, too."
"Good. I love you more." Ibinaba niya ako na parang walang nangyari at magkahawak
kamay kaming naglalakad pababa ng building.
Napailing na lang ako sa inasal ni Hansel.
LG{"J

Chapter 29 - Confessions

Chapter 29
Ingrid's POV
"NGAYONG second semester, hindi lang puro sketch and dress making ang gagawin
niyo, you'll have to learn on how to choose the right garments in your designs..."
Tahimik lang ako nakikinig sa discussion ng isa sa professor namin. Mas enjoy 'tong
class na 'to kesa sa class nila Hansel sa SMU. Ang boring kaya do'n tapos
nakakaantok pa.
Nagpa-recitation lang si ma'am and luckily ay nakasagot naman ako.
Nang matapos ang klase ko buong maghapon, tinext ko si Hansel. Nag-aaral na din
siya rito. He took up International Studies. Hindi ko kasi kabisado schedule niya
kaya tatanungin ko na lang muna siya. Naupo lang ako sa isang bench at doon
nagtext.
To: Hansel
Dismiss na kami, what time is your out?
From: Hansel
Malapit na.
Nilapag ko ang shoulder bag ko sa tabi ko at nagmasid sa paligid. Labasan na rin
ang ibang klase. Nahagip naman ng mata ko si Maxhene at Denver na nagbabasa pareho
ng libro at tumatawa. Ang cute nilang dalawa tingnan. Sana magkagusto na talaga si
Maxhene kay Denver. Halata naman kasi sa kilos ni Denver na mahal niya talaga si
Maxhene.
* * *
Erina's POV
"Mommy, please?"
"No, Erina. Go back to your room."
"Daddy?"
"Anak, hindi puwede. Ayaw ka naming malayo ng Mommy mo rito. And besides hindi mo
pa kayang mamuhay sa labas. Pinayagan ko ang Kuya mo kasi alam kong kaya niya ang
sarili niya. At kailangan niya 'yon in the near future to rule our clan." Daddy
explained to me.
Naiwan ako rito sa boring na kaharian! Si Kuya nasa mundo ng tao at alam ko naman
na masaya siya do'n kasi kasama niya si ate Ingrid. Hindi man lang nga siya
nagpaalam sa akin, eh. Basta na lang umalis. Anong klaseng kapatid kaya siya?
"Ang boring dito, Mommy! Sinong makakasama ko?" I whined with frustration.
"Nandiyan naman si Cris at Tom 'di ba?" Sabi pa ni Mommy. 'Yon na nga eh. Gusto
kong malayo sa dalawa. Nakakainis sila! Pakiramdam ko pinaglalaruan nila 'ko.
"Papasok na lang po ako sa kuwarto," Walang gana kong sabi. Alam ko naman na kahit
ipagpilitan ko ay hindi nila ako pagbibigyan. Palighasa kasi hindi nila
naiintindihan ang nararamdaman ko.
Umalis ako sa bulwagan at dumeretso sa kuwarto ko. I feel like so alone. Iniwan
nila ako. Si ate Ingrid tapos si Kuya. 'Yong dalawang kaibigan ko naman hindi ko na
alam ang ginagawa. Pakiramdam ko tuloy ang daming nagbago simula nang magkaroon ako
ng feelings para kay Cris.
Nahiga na lang ako sa kama. Bakit kasi ganito? Bakit ako na-fall sa isang 'tulad ni
Cris? I know from myself naman na player siya. Every vampirette likes to be with
him. And lucky for Meisha kasi hindi na niya kailanga mag-effort kasi halatang
gusto siya ni Cris.
"Prinsesa Erina nasa labas po si Master Cris." Rinig kong sabi ng katulong sa
kabilang pinto. Ano naman kaya ginagawa ni Cris dito?
Agad akong lumabas ng kuwarto at lumabas ng palasyo, Nadatnan ko si Cris na
nakatalikod at ang mukhang ang lalim ng iniisip. Gustong-gusto kong basahin ang
iniisip niya pero natatakot ako sa malalaman ko. Ako na ang duwag pero mas mabuti
ng wala akong alam.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Agad siyang napalingon. Kita ko sa
mukha niya ang pagiging seryosong. Ano na naman kaya problema nito?
"Kapag pupunta ba 'ko rito dapat may kailangan?" Puno ng hinanakit na sabi niya.
"Akala ko kasi... So bakit ka nandito?" Tanong ko.
"May gusto lang akong linawin. Hindi ko kasi maipaliwanag, eh. Naguguluhan ako. I
just want to ask something." He said with a serious tone. Ano naman kaya 'yon?
"What is it?"
"Do you like me, Erina?" Deretsa niyang tanong. I was dumbfounded by his question.
Alam na niya? Maybe he's asking me and if ever na malaman niyang oo, he's gonna
tell me not to expect from him kasi never siyang magkakagusto sa akin. I knew it!
'Yon ang mangyayari.
Yumuko ako para itago ang sakit saka sinabi ang isang kataga ng kasinungalingan.
"No, Cris. I don't like you." I said looking at the grass. I put at least ten
seconds interval before looking at him. Baka kasi mabuko niya akong
nagsisinungaling.
"A-ah. G-gano'n ba? Mabuti naman," tapos tumawa siya. "I don't like you, too." He
said while half lauging. I feel so shit! Masochist Erina!
"Baliw ka talaga. Bakit mo naman kasi 'yan tinatanong." I said trying to hide the
pain inside me.
"Hindi ko nga rin alam, eh. How stupid of me to ask that kind of question.
Pasensya na talaga," Sabi niya.
"'Yon lang ba ipinunta mo rito?" Tanong ko.
"Hindi naman. Sige, mauna na ako,"
"Ha-" may sasabihin pa sana ko nang bigla na lang siyang naglaho sa harapan ko.
"I don't like you, Cris. I love you," Bulong ko sa hangin.
Disappointed na pumasok ako pabalik sa palasyo. Hindi pa ako nakakapasok nang
tinawag ako ni Tom. Oh, siya naman, ano kailangan niya?
"Oh, bakit?" Walang gana kong sabi.
"Nagpunta ba rito si Cris?" Tanong niya.
"Oo,"
"Anong sabi?"
"He asked me if I like him."
"Really? Anong sabi mo?"
"I said no." Simple kong sagot.
"What?!" Nagulat naman ako sa reaksyon niya.
"Totoo naman, eh. I don't like him. Tom, I love Cris." Sabi ko. Tama naman 'di ba?
He only asked me if I like him. He didn't asked if I love him. Like is different
from love.
"You're crazy! He's asking you because he wanted to confirm things."
"Confirm things? Like what?" I asked puzzled.
"Kagabi nag-usap kami. I mean... Okay Erina, I think I shouldn't be telling you
this pero pakiramdam ko kailangan mo talagang malaman," Napakunot noo ako sa
pinagsasabi ni Tom.
"Puwede deretsahin mo ako? Hindi kita magets." Inip kong sabi.
"Ayaw kong maging spoiler, Erina. Gusto ko ikaw ang makatuklas. Go ahead at
puntahan mo si Cris sa Park. He's there. Ang mali mo, you didn't ask him if he have
feelings for you." Nakakainis naman si Tom. Bakit kasi hindi na lang niya sabihin.
Parang tuloy akong kinakabahan.
"A-ano ba ang pinagsasasabi mo?"
"Puntahan mo na siya, dali!" pinagtutulak niya pa ako palayo at dahil nataranta
ako sa ikinikilos niya ay napatango na lang ako.
Nagteleport ako papuntang Park at nadatnan ko si Cris, nakikipag-kwentuhan sa mga
bata. Napangiti lang ako. Paano ko ba siya tatanungin?
"Kuya Cris, siya po ba tinutukoy niyong maganda?" Tinuro ako no'ng batang lalaki.
Napatingin sa akin si Cris.
"Siya? Maganda ba 'yan?" tanong niya sa mga bata.
"Opo." Chorus ng apat na bata. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"Close ka pala sa mga batang ito?" Sabi ko.
"Hindi naman. Ngayon lang. Bakit ka nga pala nandito?" Tanong niya sa akin.
"May itatanong lang sana ko sa'yo, Cris." Seryoso kong sabi.
"Ano 'yon? Ah, mga bata maglaro muna kayo do'n sa swing, oh." Tinuro ni Cris 'yong
playground hindi kalayuan sa amin. Agad namang nagsitakbuhan ang mga bata kaya
naiwan kami ni Cris. Pareho lang kaming tahimik.
"Ano 'yong itatanong mo, Erina?"
"Ah, kasi. Ano, eh... Itatanong ko sana kung..." Gosh! This is so hard!
"Yes?" Naghihintay lang si Cris sa itatanong ko. Tumayo ako at tumalikod sa kanya.
Naramdaman kong tumayo rin siya.
"Cris, do you like me?" Deretsa kong tanong. Nakatalikod ako sakaya para if ever
na negative ang sagot niya puwede kong maitago ang sakit.
* * *
Cris's POV
"Cris, do you like me?" Nagulantang ako sa tanong ni Erina. Bakit niya tinatanong
'yan? Sinabi na ba ni Tom? Langya talaga! Sabi nang h'wag akong pangungunahan!
"Why are you asking me that, Erina?"
"Just answer me, Cris."
"I don't like you, Erina." Seryoso kong sagot sa kanya.
"Sabi na, eh." I heard her voice cracked. I thought she was crying pero narinig ko
ang malakas niyang tawa. Bakit ba kasi siya nakatalikod sa akin?
"Erina..."
"H'wag mong dibdibin ang tinanong ko, ah. Trip ko lang ibalik 'yong tanong mo
sakin kanina," Tumawa siya.
"Erina, ano kasi eh..."
"S-sige, Cris, alis na ko," akma siyang aalis kaya pinangunahan ako ng takot.
"Wait!" Agad kong hinigit braso niya. "Erina, look at me," iniharap ko siya sa
akin at pinipilit kong tingnan mukha niya pero umiiwas siya.
"Ano ba'ng problema mo? Mauuna na ako,"
"Damn it! Erina, can you please look at me?!" Natigilan siya sa pagsigaw ko.
Nagkatinginan kami. I can see a pain in her eyes.
"Oh, hayan. Nakatingin na. May problema ba?" Sabi niyang nakangiti.
"Erina I don't like you-"
"Paulit-ulit? Kailangan ulitin Cris?" Umirap siya sa kin.
"The truth is, Meisha-"
"I know,"
"Alam mo?" nagtataka kong tanong.
"Yeah. Mahal mo si Meisha kaya hindi mo ko gusto. Don't worry, the feeling is
mutual." Ngumiti siya sa akin. Bakit ba siya laging ngumingiti kahit alam ko naman
na hindi 'yon totoo?
"Will you please shut up and let me finish here?!" singhal ko sa kanya. Lagi niya
kasing pinuputol ang sasabihin ko. Natameme siya.
"Meisha and I, hindi totoong kami," Nanlaki mata niya pero agad siyang
napasimangot.
"So? Ano naman 'yon sa akin?" Mataray niyang sabi.
"She volunteered to be my girlfriend, to help."
"Oh, tapos?"
Aamin ba na ko? Nakakainis naman kasi ang reaction ni Erina, eh. Parang wala man
lang siyang pakialam.
"Sabi niya sa akin, gamitin ko siya para mapaselos ko ang vampirette na napupusuan
ko. Dati ayaw ko, pero pumayag din ako. No'ng royal ball, no'ng magkasayaw kami,
wala kaming ibang pinag-uusapan kundi 'yong vampirette na mahal ko."
Hindi siya umiimik. Pero mabuti na rin 'yon.
"Sabi sa akin ni Meisha, effective raw 'yong plano niya. Natuwa naman ako. Kaso
the next day nalaman ko may boyfriend na pala 'yong mahal ko. Alam mo ba kung gaano
'yon kasakit?" Naningkit mata niya at tinignan ako ng masama.
"Bakit sa akin mo 'yan sinasabi? Sabihin mo 'yan do'n sa tinutukoy mong
vampirette,"
"You're right. Sa kanya ko nga dapat sabihin. That's why I'm telling it to you."
Agad siyang napatingin sakin at naguguluhan ang mukha.
"Cris..."
"I talked to Tom yesterday. Tinanong ko siya kung totoong may relasyon kayo.
Sinabi niyang wala. Para raw mapaselos ako. Pero no'ng tinanong kita kanina kung
gusto mo 'ko sabi mo hindi, kaya akala ko pinagtitripan na naman ako ni Tom."
"What do you mean, Cris?"
"I am asking you again, Erina. Do you like me?"
"No,"
* * *
Erina's POV
"I am asking you again, Erina. Do you like me?"
"No," Deretsa kong sabi. Hindi siya nagsalita. Tinignan niya lang ako. Binatukan
ko nga.
"Bakit nambabatok ka?!"
"I don't like you! You stupid numb! I don't like you because I love you! Can you
hear me?! I love you!" I almost shout at him. Ang manhid kasi, eh.
"You what?"
"Now Cris, Tatanungin kita. Gusto mo ba ko? Kasi kung hindi, okay lang. Atleast
kahit ni-reject mo ako amphhhhhhh..."
Nanlaki na lang mata ko nang bigla niya kong halikan sa labi. It was just a smack
kiss pero pakiramdam ko nanghihina ako Gulong-gulo ko siyang tinignan.
"Mahal din kita, Erina. Sana mapatawad mo 'ko. I'm such a jerk. Napagsalitaan kita
ng masasama noon." hawak-hawak niya mukha ko at magkadikit ang mga noo namin.
"You have lots of explaining thing to do, Cris." I said to him.
"I know, I know. Habang naglalakad tayo papunta sa palasyo saka ko sa'yo
ipapaliwanag ang lahat." Sabi niya kaya napasimangot ako.
"Bakit kailangan pang maglakad papunta do'n? Hindi ba pwedeng dito mo na sabihin?"
Tanong ko naman.
"Kailangan ko kasing humingi ng pahintulot sa Hari at Rreyna na ligawan ka."
Liligawan niya ko? Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at lihim lang na napangiti.
Ganito pala ang pakiramdam. Ngayon naiintindihan ko na ang sinabi sa akin no'n ni
Ate Ingrid.
Sinabi sa akin ni Cris, na magkatulong daw si Meisha at Tom para mapaamin kaming
dalawa. Magkaibigan pala ang dalawa. No'ng nasa park daw kaming apat, pakana 'yon
ng dalawa. Feeling ko tuloy cupid silang dalawa.
* * *
"King Vladimir. Queen Veruca." Nagbigay pugay si Cris kela Mommy at Daddy.
"Sabi sa akin ni Erina may sasabihin ka raw na importate?" Tanong ni Mommy.
"Gusto ko po sana humingi ng permiso na ligawan ang inyong nag-iisang prinsesa.
Kung inyo lamang pong mamarapatin."
Lihim akong napangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na kiligin ka. Napaka bago sa
feeling.
"Oh, Cris, hijo. Alam mo bang noon pa ako boto sa'yo, 'di ba?" masayang pahayag ni
Mommy. Bakit hindi man lang niya sinabi na gusto niya si Cris para sa akin?
"Payag po kayo mahal na Reyna?" Masayang sabi ni Cris.
"Oo-"
Isang malakas na tikhim ang pumigil kay Mommy. Si Daddy na seryoso lamang na
nakatingin kay Cris.
"Mahal na hari," sambit ni Cris na akala mo ay na-tame ng isang dragon.
"Dahil nag-iisang Prinsesa ko si Erina, kailangan mong paghirapan at kumbinsihin
ako na karapatdapat ka para sa mahal kong Prinsesa. Mahal na mahal ko 'yan. At
hindi ako papayag na may mangangahas na bampira na manliligaw sa kanya."
"Darling, hayaan mo na."
"Ah, basta. Bukas na bukas. May ipapagawa ako sa'yo," Sabi ni Daddy saka umalis.
Alam ko naman na ginagawa lang 'to ni Daddy kasi nag-iisa niya akong anak na babae
at mahal niya ako kaya naiintindihan ko siya. Sana lang hindi niya pahirapan si
Cris.
m 1f

Chapter 30 - Meet the Parents

Chapter 30
Ingrid's POV
"Pasensya na, Ingrid. Nasa field kami, eh," Sabi ni Hansel sa kabilang linya.
Naghihintay kasi 'ko ngayon sa dating place namin. May usapan kasi kami dapat
ngayon, eh.
"O-okay lang," Malungkot kong sabi.
"Babawi ako, Ingrid -Hansel tara na?-Tawag na ko ng mga ka-blockmates ko," Then he
hang up. Kahit nakakainis ay pinilit ko siyang intindihin. Kailangan kong itatak sa
isip ko na hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya.
Sumakay ako sa kotse saka pina-andar ang sasakyan. Pupunta na lang ako sa bahay
nila Maxhene. Tutal wala naman siyang pasok every Saturday. Medyo malayo ang bahay
nila sa lugar kung nasaan ako kaya mahaba-habang byahe pa 'to.
Nasa may intersection na ako at papasok sa village nila Maxhene nang biglang
huminto ang makina ng kotse. Nagmamadaling umibis ako at binuksan ang hood ng
kotse. Napaubo ako nang malanghap ko ang usok na lamabas.
"Shit!" napamura na lang ako. Una, hindi ako marunong mag-kalikot ng kotse,
pangalawa, walang gaanong tao dito sa lugar kung saan nasiraan ako.
"Argh! Paano ba 'to?" Tanghaling tapat at pawis na pawis na 'ko! Pagtingin ko sa
cellphone ko, dead batt! Ahhhh! This is like, the worst day of my life!
"Need help?" para akong na-estatuwa nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. I
slowly turn around to see if my hunch was right. Nanlaki ang mga mata ko nang
makita ko kung sino 'yon. Para akong nanlamig at hindi makagalaw sa kinatatayuan
ko.
"D-Drake!" Nauutal kong sabi. Natatakot ako. Gusto kong tumakbo pero hindi ko
magawa. Pakiramdam ko nakapako ako sa kinatatayuan ko.
"Ingrid.." Sambit niya sa pangalan ko. Oh, god! Hansel, where are you?
"S-stay away from me!" I angrily warned him. Ilang metro lang ang layo niya sa
akin at dahil sa isa siyang bampira alam kong nararamdaman niya ang takot ko.
"Please don't be scared, Ingrid. Hindi naman kita sasaktan." Hahawakan niya sana
ang braso ko pero agad akong nakalayo at napunta sa gitna ng kalye.
Nagbabakasakaling safe dahil takot sila sa araw.
Pero mali ako. Dahil sumunod siya sa akin kahit walang proteksyon sa katawan. What
the-Great! Just great! Nakalimutan kong half vampire half human siya. He can do
things pure vampire cannot.
"Stay away from me! Or else... Or else sisigaw ako!" I treathened him.
"Ingrid, let's talk. Please," 'Yong mga mata niya sobrang nangungusap at
nagmamakaawa. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"What do you want?"
"Mag-usap tayo,"
"Wala tayong pag-uusapan! So please go away kung ayaw mong isumbong kita kay
Hansel!" pananakot ko sa kanya pero hindi man lang siya natinag.
"Lahat nang nangyari, Ingrid. Gusto kong pag-usapan natin 'yon. Hindi ako
matatahimik hanggang sa hindi mo ko napapatawad,"
"No. And you think mapapatawad kita nang gano'n lang? Just forgive and forget,
after what your evil father did to me and to Hansel?! Oh, maybe this is another
part of your scheme, kukunin mo ulit loob ko then you'll gonna use me again to get
even with Hansel." I said accusingly.
"Naiintindihan kita Ingrid. Alam ko naman talagang hindi mo ako mapapatawad dahil
sa ginawa ko sa inyo ni Hansel. Pero hindi ako titigil hanggang sa hindi mo ako
napapatawad. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. Pero huwag kang mag-alala,
wala na akong ipagpilitan pa ang sarili ko sa'yo. Tanggap ko ng hindi ako para
sa'yo. Pero sana maging mag-kaibigan ulit tayo. Kahit 'yon lang, Ingrid. Please."
I narrowed my eyes on him weighing every words he said. Dapat ko ba siyang
patawarin? Pero hindi naman 'yon basta-bastang ibinibigay 'di ba? At hindi mo
mapipilit ang isang tao na magpatawad kung hindi pa siya handa.
"Kung gusto mo ng kapatawaran ko, you have to earn it." Seryosong sabi ko. Nakita
kong nagliwanag ang mukha niya. Yayakapin niya sana ko pero agad akong napalayo sa
kanya.
"Diyan ka lang!" I said, pointing my index finger towards him.
"S-sorry. And thank you for giving me a chance to prove myself. That's all I need.
Don't worry, gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako," Masaya niyang pahayag.
Tumango lang ako sa sinabi niya saka ko tinungo ang kotse ko na umuusok ang makina.
"Siguro naman wala kang kinalaman sa pagkasira ng kotse ko, 'no?" Sabi ko habang
tinitignan ang makina kahit wala naman akong alam talaga kung ano sira nito.
"I was following you when your car stops-luckily," He said, beaming. Napailing na
lang ako. "Hindi mo ba chini-check kotse mo bago umalis? Kaya siya umusok kasi
kulang sa tubig. Tignan mo, oh, na over heat," Sabi niya. Tinignan ko naman 'to
kahit hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
"Aba malay ko diyan," Sabi ko lang.
"May water ka ba?" He asked. Napaisip naman ako.
"Puwede na ba ang mineral water?"
"Sure," Agad kong kinuha ang mineral water sa headboard ng sasakyan.
"Here," Inabot ko 'yong one liter bottled water.
"Puwede na 'to," May kung ano-anu siyang kinalikot saka binuhos 'yong tubig sa
parang tube ng makina.
"Start the engine if okay na," Tumango ako at sumakay sa sasakyan.
No'ng okay na ang kotse ay sinarado na niya ang hood. Hindi na ako nag-abalang
lumabas.
"Ingat, Ingrid," He said.
"Thank you," Sabi ko.
"No, thank you." Sinarhan ko na 'yong bintana at pinaandar ang kotse. Kahit malayo
na ako, nakikita ko pa rin si Drake sa side mirror na nakatayo. Napailing na lang
ako. Tama ba ang ginawa ko? Ang bigyan siya ng chance para makuha ang kapatawaran
ko?
* * *
"Ate!" Nailayo ko ang phone sa tainga ko. Si Erina kasi nagsisisigaw sa kabilang
linya. Ang hyper na naman.
"Do you plan to break my eardrum? God, Erina!" I hissed.
"Oh, my bad. May sasabihin lang kasi ako sa'yo," she sounds excited about
something.
"Ano ba 'yon?"
"Nanliligaw na sa akin si Cris!" agad kong nailayo ang phone sa tainga ko sa
sobrang tinis ng tili niya. Gosh! Iba pala si Erina kiligin. Mas malala sa akin.
"Talaga? Ang bilis naman. Kwento ka nga,"
"Ganito kasi 'yon..."
Every sentence ata ni Erina may kasamang tili kaya napapapikit na lang ako. Akala
mo laging kinikiliti.
"Ano'ng sabi ng Hari?" Tanong ko.
"Nililigawan muna ni Cris si Daddy, kinukuha ba 'yong loob. Nakakakilig nga, eh."
"I'm happy for you, Erina." Sincere kong sabi sa kanya.
"Kumusta naman kayo ni Kuya? Kasama mo ba siya ngayon?" she asked.
"Hindi, eh. Kagagaling ko lang kanina sa bahay nina Maxhene at Denver. May school
activity kasi si Hansel, eh." sabi ko sa kanya.
"Don't tell me wala siyang oras para sa'yo?" tanong nito.
"Nagkikita naman kami araw-araw," pagsisinungaling ko.
"Basta Ate, I promise to always get in touch. Hindi kasi ko pinapayagan na umalis
nila Daddy, eh. Ipasara ba naman ang portal." Ramdam ko sa boses niya ang lungkot
at pagtatampo. Kung ipinasara ang portal, paano pa makakabalik papasok si Drake?
Ah! Why am I thinking about him?
"Ate Ing? Ate are you still there?"
"Uh, yeah,"
"Sige Ate, gotta go na. Ingat kayo diyan ni Kuya, ah. And regards mo na rin ako
kay Ate Max and Kuya Denver."
"Sige. Sige. Ingat din." Sabay kaming nagbaba ng phone.
Inilapag ko lang ang phone sa bedside table tapos nahiga na ako. Nakatulala lang
ako sa ceiling nang makarinig ako ng mahinang katok. Hindi ko alam kung sa pintuan
o sa balcony. Binuksan ko naman ang pintuan pero wala namang tao.
Pagbalik ko sa higaan nakarinig na naman ako ng katok. Napalingon ako sa balcony ng
kuwarto ko. Agad ko itong binuksan at laking gulat ko nang makita ko si Hansel at
seryosong nakatingin sa akin.
"Why are you here? I mean- hindi mo ba kayang normal na pumasok sa kuwarto ko?"
Hindi niya ata nagustohan sinabi ko dahil napakunot noo siya.
"You don't want me here?" Seryoso niyang sabi.
"It's not that. Puwede ka naman kasing kumatok sa gate, ask the security gu-"
Bigla na lang naglaho si Hansel sa harap ko. Galit ba siya sa akin? Napaupo na lang
ako sa stool ng tukador ko. Ang moody niya naman. Siya na nga 'tong walang oras sa
akin, siya pa may ganang mag-sungit.
Napatayo ako sa stool nang may kumatok sa pintuan, "Young lady tawag po kayo ni
Senyora." Rinig kong sabi no'ng maid bago ko pa buksan ang pinto.
"Okay. I'll be right there," Sagot ko.
Lumabas ako sa kuwarto at dumeretso sa living room. Nakita ko si Mommy nakaharap sa
gawi ko at may kausap na lalaki. Hindi ko lang makita kasi nakatalikod siya sa
akin.
"Mom," masigla kong tawag kay Mommy. 'Yong mukha niya napaka seryoso. May problema
ba? Lumapit ako kay Mommy at no'ng hinarap ko 'yong bisita niya ay halos mamilog
ang mga mata ko. Pakiramdam ko biglang tumigil ang tibok ng puso ko sa sobrang
kaba.
"H-Hansel?" gulat na gulat kong sambit sa pangalan niya.
Ano bang ginagawa niya rito? At bakit kausap niya si Mommy?!
"I am so disappointed on you, Ingrid." puno ng hinanakit ang boses ni Mommy. Oh,
god!
"M-Mommy..."
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa Mommy na may boyfriend ka na?" Pagalit na sabi
ni Mommy. Sabi na, eh. Alam kong magagalit siya.
"Mommy, I can explain." Nakayuko kong sabi.
"Kung hindi pa pumunta dito si Hansel para personal na magpakilala hindi ko pa
malalaman na ang guwapo pala ng boyfriend ng anak ko?" Napaangat ako ng tingin
dahil sa sinabi ni Mommy.
"Po?" nakatulala lang ako sakanilang dalawa at unti-unting pina-process ng utak ko
ang nangyayari.
"Nahihiya lang po siguro si Ingrid, Ma'am." Nagbow ng kaunti si Hansel.
"Don't call me ma'am. Call me Tita Rida." Nakangiting sabi ni Mommy.
"Sige po," Hansel answered beaming.
"Dito ka na mag-dinner hijo, masarap akong magluto ng Chicken pastel." Sabi ni
Mommy.
Bigla naman akong nataranta sa sinabi ni Mommy. Hala. Lagot na. Hindi puwedeng
kumain dito si Hansel.Tumingin ako sa kanya para sana humingi ng tulong sa kung ano
ang idadahilan ko kay Mommy pero nakangiti lang siya.
Think, Ingrid. Think!
"Mommy allergic po si Hansel sa chicken!" I bruptly said at pareho pa silang
napalingon sa akin.
"Gano'n ba? Sayang naman. Gusto ko kasi sanang sabay-sabay tayong mag dinner
pagdating ng Daddy ni Ingrid." Medyo malumbay 'yong boses ni Mommy.
"Okay lang po. Kahit ano na lang," Nakangiting sabi ni Hansel. Is he crazy?
Pinagtatakpan ko na nga siya, eh! This is not the right time para magpa good points
kay Mommy.
"Hintayin lang natin si Ington. Magpapahanda ako sa mga katulong. Feel at home,
Hansel. Ingrid, entertain him." Nag-aalangan na napatango ako. Agad naman akong
napatingin kay Hansel nang mawala sa paningin ko si Mommy.
"Baliw ka ba? Hindi ka kumakain 'di ba? Dapat sana humindi ka na lang." halos
pabulong ko lang na sabi sa kanya
"I don't want to make a bad impression on your Mom, Ingrid. Besides, ang hirap
niyang I-turn down. How can I say no to a dead ringer of my girlfriend?" Sabi niya
at napanguso na lang ako.
"Paano na 'to?" Tanong ko sa kanya. Ginulo naman niya buhok ko at tumawa lang.
"Relax. Bakit ba pino-problema mo 'yon? Hindi naman nila malalaman na isa akong
vampire. Remember my active strength?" Napakunot noo naman ako.
"Anong konek no'n? Wala ka namang magic!"
"Wala nga pero may speed ako. Puwede kong itapon ang pagkain nang hindi man lang
nila napapansin na umalis ako sa kinauupuan ko," Napatango ako. Oo nga pala. Pero
itatapon niya 'yong pagkain? Sayang!
"Huwag mong itatapon ang pagkain. Sayang 'yon!" Pagalit kong sabi sa kanya.
"Silly! Siyempre not literally na itatapon. Puwede ko siyang ilagay sa isang sulok
ng bahay niyo, tapos ipakain niyo na lang sa alaga niyo. 'Di ba may aso naman
kayo?" Napatango ulit ako. Bakit ba hindi ko 'yon naisip?
Napatayo kami pareho ni Hansel nang bumukas ang pinto. Niluwal nito si Daddy na
nakasuot ng black suit at dala-dala ang suit case at sa kaliwang kamay ay phone at
may kausap ito. Nagulat ata siyang makitang may kasama ako kaya dali-dali siyang
nagpaalam sa kausap niya sa phone.
"Daddy," lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"My princess. May bisita pala tayo," Sabi ni Daddy. Gosh! He's like an x-ray
machine examining Hansel from head to toe.
"Daddy, si Hansel nga po pala. B-boyfriend ko," I said biting the inside of my
lips. Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Daddy.
"Introduce your self, young man." Sabi ni Daddy kay Hansel. I tried to smile pero
agad din naman akong napapangiwi. Ang awkward lang.
"I'm Hansel Kang, Sir. And I'm in love with your daughter," Napaangat ako ng
tingin dahil sa sinabi ni Hansel.
What the hell, Hansel? Alam kong malakas ang kumpiyansa niya sa sarili pero hindi
ko alam na ganito siya ka-confident, sa harap pa ni Daddy.
"You love my princess, huh?" Sabi ni Daddy. Deretsong nakatingin si Daddy sa mga
mata ni Hansel at gano'n din si Hansel sa kanya.
"Yes, Sir." Sagot agad ni Hansel. Lihim akong napapangiti at nagbubunyi sa loob
ko.
"Very well, does my daughter loves you?" Dad asked.
"I believe Ingrid loves me too." Confident na sagot niya. Sabay silang
napangtingin sa akin.
"Is that true, my princess?"
"Yes, Dad." Sagot ko agad.
"Matagal na kayo?" tanong niya pa pero biglang pumasok si Mommy.
"Honey, mamaya mo na interview-in si Hansel. Let's eat dinner first and you change
your clothes na." Sabi ni Mommy.
* * *
"Who are your parents?" Nagsisimula na si Daddy magtanong. Nasa hapagkainan kami
at nakikita ko namang nagbabawas ang pagkain ni Hansel. Ngumunguya pa nga siya, eh.
Ang galing din nito umarte. Maiintindihan ko naman si Hansel kung magsisinungaling
siya kela Daddy para maitago ang identity niya.
"My Daddy is the King of our clan. King Vladi-"
"Ack-" napaubo ako nang sinubo ko 'yong kanin. Hindi ko kasi ine-expect na
sasabihin 'yon ni Hansel. Is he crazy? Aamin ba siya?!
"Are you okay, Ingrid?" Hinagod niya ako likod. Uminom ako ng tubig saka tumango.
"I'm fine," sabi ko.
"Dahan-dahan ka nga lang sa pagkain ,my princess." Sabi ni Daddy. Ngumiti lang
ako.
"You were saying, Hansel?" Sabi ni Mommy.
"As I've said, my Dad is the king of our clan. King Vladimir and my Mom, Queen
Veruca." Sabi ni Hansel.
Tiningnan ko ang mukha ni Daddy at wala siyang reaction. Pero halata ko ang pagka-
disgusto niya sa sinabi ni Hansel. Nagulat na lang kami nang bigla siyang tumayo.
"Please excuse me, everyone. I think I'm full," pagkasabi niya noon ay umalis siya.
Nagkatinginan lang kaming tatlo.
"Mommy, ano'ng nanyari kay Daddy?" Nag-aalala kong tanong.
"Hindi ko alam, hija. Teka lang at pupuntahan ko lang siya." Umalis din si Mommy
sa mesa. Napatingin ako kay Hansel.
"Bakit mo 'yon sinabi?"
"I want to be honest with your parents," Simpleng sagot niya.
"By telling them you're a vampire?"
"No. I am not planning to tell them what kind of creature I am. I was just about
to tell them what kind of family we are." He explained.
"You should have atleast told me about your plans. Hindi 'yong pabigla-bigla ka."
sabi ko.
"I'm sorry, okay?"
Napatango lang ako sa kanya. Dad's reaction is very weird. Hindi niya ugaling mag
walk unless may hindi siya nagustuhan sa mga sinabi mo.
?

Chapter 31 - First month of Love

Chapter 31
Ingrid's POV
"HIWALAYAN mo siya Ingrid." Ang bungad sa akin ni Dady nang makapasok ako sa study
room niya. After umalis ni Hansel ay pinatawag niya ako.
"Ha? Ington, bakit? Mabait na bata si Hansel." Pagtatanggol ni Mommy kay Hansel.
"Daddy, don't do this, please. I love Hansel." Naiiyak kong sabi. Nakatayo lang si
Daddy sa may bintana at nakatanaw sa malayo.
"Akala ko ba Ington nagkasundo na tayo na tatanggapin natin kung sino man ang
mamahalin ng anak natin?!" Galit na sabi ni Mommy kay Daddy.
"Hindi kayo puwede ng Hansel na 'yon. Ngayon pa lang itigil mo na 'yan Ingrid.
Kapahamakan ang dulot sa'yo ng nilalang na 'yon!" Galit na sabi ni Daddy.
"Ano ba'ng alam mo sa kanya, Ington?! You didn't even give him a chance to explain.
Hansel is a nice boy,"
"Wala kang alam Rida! At ikaw Ingrid, sundin mo ang Daddy. Maniwala ka sa akin,
please." Tinignan ako ni Daddy sa mata at nakikiusap ito. Napailing naman ako.
"No, Daddy. The last time I did that, I almost marry a crook! What made you think
Dad, na tama ka this time? Akala ko nagbago ka na. Hindi pa pala." Patuloy ang
pagdaloy ng luha ko sa pisngi. Kahit ano'ng sabihin ni Daddy hindi ko hihiwalayan
si Hansel. Mahal na mahal ko siya.
"Listen to me, my Princess. He's not what you think he is. He will bring chaos to
your life, Ingrid." Malumanay na sabi ni Daddy sa akin.
"You don't know him enough, Daddy. Stop judging people by your perspective. He was
always there for me noong mga panahon na wala ako rito."
* * *
This feeling is like a de javu. Ganito rin 'yong naramdaman ko no'ng nagdesisyon si
Daddy na ipakasal ako sa lalaking hindi ko mahal. But today is much worst kasi
gusto niya akong palayuin sa lalaking mahal na mahal ko.
Kahit namamaga ang mga mata ko ay pinilit kong pumasok sa school. Naglagay na lang
ako ng bb cream para hindi halata.
Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kay Hansel ang sinabi ni Daddy. Ang hirap
kapag ganito ang sitwasyon.
Pumasok ako sa klase ko at nagulat ako nang may nag-abot sa akin ng isang piraso ng
pulang rosas. May maliit na note na nakasabit kaya agad ko itong binasa.
To my lovely friend, Ingrid. Have a nice day. Keep smiling.
--Drake.
"Galing kay Drake?" I muttered. Paano niya nalaman na dito ang room ko? At paano
niya nalaman na dito ang school ko? Great! He follows me everywhere.
Inipit ko ang red rose sa libro ko kasama ng card nito. Sana lang hindi 'to makita
ni Hansel. Mamaya pag-awayan pa namin. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na
kinausap ako ni Drake, eh.
Kahit occupied ang isipan ko dahil sa problema ay sinubukan ko ring maging active
sa klase. Nag participate ako para lang makalimutan sandali ang problema.
After ng last subject ko sa umaga ay pinuntahan ko si Hansel sa building nila.
Naabutan ko siyang nakasandal sa may railing ng corridor habang bumu-buo ng Rubik's
cube.
"Hansel!" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang napangiti nang makita ako.
"Tapos na klase mo?" tanong niya nang makalapit ako.
"Oo. Half day lang ako. Ikaw?" tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa Rubik's cube
at ang bilis ng mga kamay niyang gumalaw kahit hindi tumitingin.
"May hinihintay pa kaming subject," sagot niya. Mukhang hook na hook siya sa
nilalaro niya.
Tumahimik ako at pinagmasdan lang siya. Ang bilis ng kamay niya at tanging ang mga
cubes lang ang naririnig ko.
"Ang galing!" I exclaimed nang mabuo niya ang puzzle.
"This is my first time to play this," nakangiti niyang sabi.
"Sino nagturo sa'yo?" tanong ko.
"Si Denver. Binili raw nila ni Maxhene sa mall kaso nakita niya raw na kinalas ni
Maxhene ang mga cubes kasi akala raw nito ay kung ano lang," sabi niya dahilan para
matawa ako ng malakas.
Hindi ko ma-imagine na gagawin 'yon ni Maxhene. For I thought she's a smart bitch.
Her ignorance amuses me.
"Sobrang nauso 'yan no'ng high school ako pero never akong nag try kasi alam kong
hindi ko 'yan mabubuo," sabi ko sa kanya.
"How will you know if you won't try it?" sabi niya. Ibinigay niya sa akin ang cube
pero umiling ako.
"No, thanks." Nakangiti kong sabi.
"Come on, I'll teach you." Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya.
Tahimik lang ako habang pinapanuod siyang mag-explain. Sabi niya first time niyang
magbuo ng Rubik's cube pero akala mo napaka expert na. Wala talaga ako sa
kalingkingan ng bampirang 'to.
Kung puwede ko lang isa-isahin kay Daddy ang mga dahilan para mapatunayan sa kanya
na mabuting siyang nilalang ay ginawa ko na. Kung ano man ang dahilan niya kung
bakit ayaw niya kay Hansel para sa akin ay hinding-hindi ko 'yon matatanggap.
"Ehem! Ehem!"
Sabay kaming napalingon ni Hansel sa tumikhim. It was Maxhene. Kasama niya si
Denver.
"Kanina pa ako nagte-text sa'yo. Kaya naman pala kasi kasama mo si Hansel,"
nakasimangot na sabi sa akin ni Maxhene.
"Pasensya na. Hindi ko napansin," sabi ko lang.
"Ano ba'ng gina-Hansel, bakit nasa sa'yo ang cubes ko?" nakataas kilay niyang sabi.
"Ah, ibinigay sa akin ni Denver kasi sini-sira mo lang daw," kibit balikat na sabi
ni Hansel. Pinigilan ko naman ang matawa dahil nakita kong nanlaki ang mga ni
Maxhene. Then she threw daggers to Denver.
"You told them?!" Maxhene exclaimed incredulously to Denver.
"W-well..."
"Binu-buo ang Rubik's cube, hindi sinisira," I said smirking.
"I know that!" she scowled.
"'Di ba hindi 'to ang department mo, Maxhene? Sinusundo mo si Denver?" nang-aasar
kong sabi sa kanya. Magkapareho kasi ng course si Hansel at Denver at magkasama sa
ilang subjects.
"H-hindi, ah!" pagkaka-ila nito. Natawa lang ako sa reaction niya.
"Okay lang ba na may ibang magustuhan si Denver?" tanong naman ni Hansel.
"Ano?! Hindi puwede! I mean... bahala siya!" natawa kaming tatlo sa inakto ni
Maxhene.
"Okay lang sweetheart na maghanap ako ng iba?" dagdag din ni Denver
"Do that and I'll behead you," she warned. Denial queen.
Tinawag naman si Hansel ng classmate niya at dumating na raw ang professor nila.
Tinanong niya pa ako kung gusto niya raw na mag cut class siya at samahan na lang
ako pero hindi ako pumayag. Ayaw ko siyang pinipigilan sa mga bagay. Si Maxhene
naman ay may emergency meeting daw at sumama naman sa kanya si Denver.
Dahil sa naiwan akong mag-isa ay pumunta akong club house ng department namin.
Pagpasok ko sa loob ay konti lang ang tao. 'Yong iba nag-I-sketch sa pad, 'yong iba
naman nakiki-wifi lang. Umupo ako sa may balcony at inilabas ko rin ang sketch pad
ko.
"Ingrid, may naghahanap sa'yo kanina. Gwapong lalaki," sabi no'ng isa kong ka-
blockmate.
"Si Hansel?" tanong ko.
"Iba, eh. Kilala ko si Hansel. Ngayon ko nga lang 'yon nakita," sabi niya pa.
Napaisip naman ako. Sino kaya 'yon? Wala naman akong ibang kilalang lalaki na close
ko. Si Hansel at Denver lang.
Nginitian ko na siya saka ko ibinalik ang tingin ko sa sketch pad. I was about to
draw a line when my phone vibrated from my bag. Agad ko 'tong binuksan at text
galing kay Hansel ang natanggap ko.
From: Hansel
Ingrid, huwag mo na 'kong hintayin. May make up class daw kami, eh.
Sorry! :(
I rolled my eyes upon reading Hansel's text. Nag-reply ako sa kanya na okay lang.
'Pag dating kay Hansel nagiging understanding ako. Mas hinahabaan ko ang pasensya
ko at pang-uunawa ko kasi may tiwala ako sa kanya.
'Pag labas ko ng club house ay nakita kong nakaabang na 'yong mga sundo ko sa labas
ng gate. Simula no'ng sinabihan ako ni Daddy na hiwalayan si Hansel naging mahigpit
na naman si Daddy sa mga bodyguards na bantayan ako ng maayos. Nakakainis! Parang
kagaya lang siya no'ng mga panahon na gusto niya akong ipakasal sa crook kong ex-
fiancé
Sa likod ako ng school dumaan. Ayokong sumabay sa sundo ko. Patakbo kong pinuntahan
ang back gate ng school. Nakita kong naka-kandado ang gate kaya napahinto ako.
Paano ako makakalabas? Naka dress pa naman ako. No choice kundi akyatin ang bakod
na tatlong beses na mataas sa akin.
Pabalik na sana 'ko at aalis sa back gate nang humangin ng malakas. Parang pamilyar
'yong hangin. Paglingon ko, nakita ko si Drake na nakangiti sa akin.
"You need help, Ingrid?"
"What are you doing here?" Nakapameywang kong tanong. Bakit ba nandito na naman
siya?
"To ask forgiveness," he shrugs.
"'Di ba I told you, you have to earn it?" nakapameywang ko pa ring sabi sa kanya.
"I know. That's why I'm here. You want some help?" tinuro niya 'yong back gate.
"Naka-lock," sabi ko.
"Let's see what I can do," sabi niya. Nilapitan niya 'yong gate kaya sumunod ako.
Hinawakan niya bigla 'yong lock no'ng gate tapos bigla na lang itong natunaw.
"Hala! Paano mo 'yon nagawa?" namamangha kong tanong sa kanya.
"Damphyrs," simple niyang sabi. Dahil sa kanya, nakalabas ako sa back gate ng
walang kahirap-hirap.
"Salamat," sabi ko habang naglalakad kami palabas sa isang maliit na iskinita.
Doon kasi sa back gate ng school, may mga bahay-bahay sa likod at doon ang shortcut
para makapunta ka agad sa main road.
"Walang ano man," simpleng tugon niya.
Nasa isolated na iskinita kami nang may sumalubong sa amin na tatlong lalaki na
mukhang goons. At mukhang nakainom pa sila.
"Pare, ang gandang dilag ng kasama mo, ah." pasuray-suray na lumapit sa amin 'yong
tatlo. Mahigpit na napahawak ako sa braso ni Drake. Hala! Nakakatakot ang
pagmumukha nila!
"Ingrid, diyan ka lang sa likod ko," sabi niya. Tumango ako at nagtago sa likod ni
Drake. Napahawak ako sa jacket niya.
"Pare, balato mo na lang sa amin 'yang kasama mo." sabi pa no'ng isa. Parehas
kaming hindi makagalaw ni Drake. Una, dahil sa sobrang sikip ng ginagalawan namin
at pangalawa, habang umaatras kami na-corner kami sa isang pader kaya napasandal
ako rito habang si Drake nasa unahan ko at pilit akong tinatago sa tatlong lasing.
Pinilit lumapit sa akin ng tatlo kaya mas lalo akong itinago sa likod ni Drake.
"Don't you even dare! Magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makuha!" he said
growling. Please Drake, don't fight them. Let's just escape. I wanted to say to
him.
"Matapang ka, ha?" tinulak no'ng isang lasing si Drake pero imbes na siya ang
matumba ay ang lalaki ang napaupo sa lupa. Masyadong relax si Drake. Alam ko naman
na malakas siya, eh. Kaya siguro hindi man lang siya kinakabahan.
Nanlaki mata ko nang hindi lang tatlong lasing ang lumapit sa amin kundi pito na.
Waahhh! Makakaya pa kaya 'to ni Drake? Naglabas sila ng kutsilyo at yung isa ay
mahabang kahoy.
"Whatever happens, diyan ka lang. Huwag kang lalapit sa amin, lalabanan ko sila.
Don't worry, they won't lay a finger on you," bulong niya sa kin. Natatakot na
tumango ako.
Lumapit silang lahat kay Drake and the next thing I knew ay naglalabanan na sila.
Napatakip ako ng mata gamit ang dalawa kong kamay. Puro suntukan ang naririnig ko
at paluan. Waahhh! Ano na kayang nangyari kay Drake? Baka natalo siya tapos kukunin
talaga ko ng mga lasingero na 'yon!
Napaigtad ako nang may humawak sa braso ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko
sa mata ko at sumilip.
"Ingrid, you're safe now. Wala na sila,"
"N-natalo mo sila?" inilibot ko ang paningin ko at wala na 'yong pitong lalaki.
"Pinaalis ko na," nakangiti niyang sabi.
"Baka kinagat mo?"
"Hindi, ah. Grabe ka naman. Ano'ng akala mo sa akin? Walang taste?" sobrang
seryoso niya kaya natawa ako.
"Ano pala'ng taste mo?" Choosy din 'tong si Drake.
"Mga kagaya mo." He said and I grimaced.
"Umalis na nga tayo rito. Baka kung ano na naman ang makasalubong natin,"
"Don'y worry, kahit ilang lasing ang makasalubong natin, titiyakin kong hindi ka
nila masasaktan." Sabi niya pa.
"Bumabanat ka pa diyan,"
"Oo naman. Gusto ko kasi talagang makuha ang kapatawaran mo," napatingin ako sa
kanya at nginitian siya.
"Don't worry. You're getting there. Malapit na kitang mapatawad," sabi ko.
Inalalayan niya ako palabas ng iskinita hanggang sa marating namin ang main road.
"So, is this goodbye?" he said beaming.
"Yes," sagot ko. Nakita kong tumingin siya sa likod ko at ngumisi ng nakakaloko.
"Gusto ko pa sana na makasama ka ng matagal kaso ang sama na nang tingin sa akin
ni Hansel, eh."
"Ha?" gulat kong bulalas.
Dahan-dahan akong napatingin sa likod ko. Nanlaki mga mata ko nang makita ko kung
sino 'yong seryosong nakatayo sa gilid ng isang poste. 'Yong mata niya ay kulay
pula na at parang ano mang oras ay mangangagat.
"H-Hansel." mahinang sambit ko sa pangalan niya.
Hala! Galit nga siya. Wahhhh!
Nilingon ko si Drake pero wala na siya. Madaya si Drake! Kapag nahuhuli kami ni
Hansel na magkasama ni Drake lagi na lang tumatakas 'yong isa! Matinding
paliwanagan na naman 'to!
"Come," mahina ngunit sapat para kilabutan ako sa kanya.
Lumapit ako ng kaunti. "Nearer," utos niya. Apat na lakad ang ginawa ko palapit sa
kanya. Mga half meter na lang layo ko sa kanya.
"I said nearer, my unfaithful girlfriend!" napa-kislot ako sa matalim niyang
salita.
"H-Hansel, I'm sorry," nakayuko kong sabi.
"You took advantage because I have make-up class? You should be punished!" mariin
niyang sabi.
"A-anong punishement?" nauutal kong sabi.
"Basta!" bigla na lang niya kong hinila at pinasok sa kotse niya. Gaya ng dati,
mabilis siya nakasakay sa kotse at mabilis ding nagdrive.
"Hansel, I'm not cheating, okay?" humarap ko sa kanya. Hindi niya ko pinansin.
Napakaseryoso ng mukha niya.
"Hans, talk to me. I'm not doing anything bad. Please?" pakiusap ko sa kanya.
Huminto ang kotse sa harap ng isang malaking bahay.
"Where are we?"
"Bahay ko. Bumaba ka." He commanded. Wala akong magawa kundi sundin ang utos niya.

"Ang laki naman," sabi ko sa sarili ko.


"Go inside. Ipasok ko lang 'tong kotse sa garage," he said void with any emotion.
Mukhang galit nga ata siya.
Pag-apak ko sa front door ay nagsariling nagbukas 'yong door ng bahay niya. Mukhang
automated dahil biglang bumukas ang ilaw pagpasok ko sa loob. Napansin kong halos
fifty percent ng bahay ay yari sa fiber glass.
"You like it?" nagulat ako nang biglang nagsalita sa likod ko si Hansel.
"Y-yeah,"
"Halika sa rooftop." Pumasok kami sa isang mini elevator at pinindot niya ang R.
Ilang segundo lang ay nasa rooftop na kami.
Pero nagulat ako nang makita ko ang view. Nasa mataas na bahagi ng subdivision ang
bahay niya at sa likod ng bahay niya ay nakikita ko ang buong cuidad. Siguro mas
maganda rito kung gabi kasi makikita mo ang city lights.
I flinch when I felt his arms snaked from my waist. He hugged me tightly and I
could smell his masculine scent. Nilapit niya mukha niya sa tainga ko at bumulong.
"Happy first monthsary."
My eyes literaly widened. Ngayon 'yon? Bakit hindi ko naalala? Mabuti na lang at
nakatalikod ako kaya hindi niya pansin ang pagkabigla ko.
"H-happy first monthsary din, Hansel." sabi ko. Sana hindi niya mahalatang
nakalimutan ko.
"You forgot, didn't you?" he said accusingly.
"No, I didn't!" palusot ko. Iniharap niya ko sa kanya at tiningnan ang mukha ko.
"Why are you with that Drake? Explain!" he demanded. Akala ko pa naman nakalimutan
na niya.
"Long story, eh." I said to tease him more.
"I have all day to hear your explanation. Now, talk!"
"Kasi ganito 'yon..." sinabi so sa kanya ang lahat-lahat. Pati 'yong naka-
encounter naming mga lasing.
"Are you telling the truth? You're not cheating?" nakataas 'yong kanan niyang
kilay.
"I'm not cheating, okay?" naiinis kasi ko kapag sinabi niya 'yon. Nasasaktan ang
damdamin ko.
"Aren't you going to ask me how the hell I found out?"
"Paano nga ba?" tanong ko.
"Naramdaman kong nasa panganib ka. Pumunta ako sa iskinita na sinasabi mo, and was
so damned to see you with that blood sucking guy! Susuntukin ko sana siya, eh. Pero
na-realize ko na ako pala ang mahal mo. Kaya wala ng dahilan para magselos. I trust
you so much, Ingrid." he said looking to my eyes. Nararamdaman kong sincere siya.
"Thanks for trusting me, Hansel." sabi ko then give him a small peck on his
cheeks.
"I wish to celebrate our first month together at the beach. Gusto mo ba?" he
asked. Agad akong tumango pero naalala ko agad si Daddy.
"Hansel... May sasabihin sana ako," I bit my lower lip.
"Ano 'yon? Just make sure na hindi 'yan makakasira sa celebration natin ah."
nakangiti niyang sabi.
'Hansel, hindi ka gusto ni Daddy for me.' Duh! Hindi ko 'yon pwedeng sabihin 'no!
It'll break his heart.
"W-wala. Mahal kita. 'yon ang gusto kong sabihin." I faked a smile and gladly, he
bought it.
"Alam ko naman 'yon, eh. Gusto mo bang ipagpaalam kita kay Tita para payagan ka?"
"N! I mean, huwag na." napakunot ng noo si Hansel. Siguro nagtataka siya sa
kinikilos ko.
"Okay. Four PM pa lang naman. May time ka pa para magpaalam kela Tita,"
"Sige."
* * *
Ington's POV
"What is your problem, Ington! Bakit ba ayaw mong maging masaya ang anak mo? Gusto
mo bang maglayas siya ulit?!" My wife is yelling at my office. A while ago,
nagpaalam ang aking anak para raw mag beach kasama ang boyfriend niya. O matatawag
ba itong boyfriend? Kahit ayaw ko, wala akong nagawa kundi payagan ito.
"You don't understand, Rida. Kung sa matinong lalaki lang sana nagkagusto si
Ingrid ay 'di sana walang problema!" galit kong sabi sa kanya. Kagabi niya pa ko
kinukulit tungkol dito.
"Then tell me para maintindihan ko!" I took out a stick of tabaco and puff a smoke.
Bihira akong mag sigarilyo. Kapag nate-tense lang.
"Hindi mo maiintindihan." sabi ko saka hinithit ang tabaco.
"Hopeless case ka, Ington! Hindi ko alam kung ano'ng problema mo! Hansel is so
perfect for Ingrid. Have you seen the way he looks at our daughter? It's full of
love. At masaya ang anak natin!"
"Alam ko 'yon. Alam kong mahal ni Hansel ang anak natin. But compare to Boris'
issue, mas complicated 'to. Please trust me on this, Rida." nakikiusap ako. Kung
pwedeng itago ko ang isang secreto, itatago ko ito. Hindi ako papayag na mabunyag
ito.
"Give me one valid reason, Ington! Then and only then, ako mismo ang magsasabi kay
Ingrid na hiwalayan si Hansel." she angirily stormed out of the room. Napailing na
lang ako.
You'll surely freak out kapag nalaman mo ang totoo, my wife.
µ

next please>>

Please proceed to next page...

Chapter 32 - A Daughter's Cry

Chapter 32
Ingrid's POV
"Bukas na bukas ay dadalhin kita sa states!"
Naalala ko na naman ang sinabi kanina ni Daddy sa akin. Pagdating ko galing beach
ay 'yon agad ang salubong sa akin ni Daddy.
"Itigil mo na 'yang kahibangan mo sa Hansel na 'yan!"
I can't even get out on my own room. May naka-bantay na bodyguards sa labas ng
kwarto ko maging sa baba ng balcony ng kwarto ko. He's no different from Devant.
Locking me inside to keep me away from Hansel.
"Please talk to him, Mom. Please tell him not to do this. I love Hansel so much at
ikamamatay ko kung mawawala siya sa akin." I beggingly said.
Tears pooling my eyes and I felt a tight knot on my chest. Niyakap lang ako ni
Mommy habang umiiyak.
"M-Mom, where's Dad? I want to talk to him. Please, Mom." Pinalis ko ang luha sa
na nagkalat sa pisngi ko at inayos ang sarili ko.
"Nasa study room ang Daddy, baby. Pero hindi mo siya makakausap ngayon." Sabi ni
Mommy. Tinignan ko siya.
"How could you, Mom. I'm your daughter yet wala ka man lang magagawa para pigilan
si Daddy? Nagtataka na talaga ako kung mahal niyo ako, eh! Palalayuin niyo ako sa
mahal ko na hindi niyo man lang pinapaliwanag kung bakit!"
"Baby, Daddy didn't tell me his reasons. But I'm sure valid naman 'yon, eh. Baby,
understand Daddy." Pakiusap sa akin ni Mommy pero napailing lang ako.
"N-no! I can't do that! Kung ipipilit niyo sa akin nakalimutan si Hansel. Pwes,
kakalimutan ko rin na magulang ko kayo!" Malakas kong sigaw.
Napahawak na lang ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang malutong na sampal ni
Mommy sa pisngi ko. Kahit kailan ay hindi pa ako nasampal ni Mommy. Ngayon lang!
Napuno ng galit ang dibdib ko at marahas kong pinalis ko ang luha ko sa mukha.
"I hate yo and I hate dad!" I said full of rage.
"B-baby... I-I'm sorry..." Pilit na lumalapit sa akin si Mommy pero nilalayuan ko
siya.
"GET OUT OF MY ROOM, MOM!"
"Baby..."
"I SAID GET OUT!" I angrily pointed the door. Nakatungong lumabas si Mommy sa
kuwarto ko. Tinakbo ko ang pinto at ni-lock sa loob. If they don't want me outside,
then no one can get in my room.
"Hansel, I wish you knew what is happening," I said teary.
* * *
Hansel's POV
"WALA, EH. Hindi pumasok," sabi ng isa sa blockmate ni Ingrid. Kanina ko pa siya
tinatawagan pero cannot be reached ang phone niya.
Umalis na lang ako sa room nila. Bakit kaya siya hindi pumasok? May sakit kaya
siya? Hindi ko maipaliwanag pero may kung ano akong nararamdaman. I wish Erina was
here. Siya sana makakaalam kung ano'ng nangyayari kay Ingrid.
Pababa na akong building ng department nila Ingrid nang mahagip ng paningin ko si
Drake. Ano na naman ginagawa niya dito? At bakit may dala pa siyang bulaklak? Agad
ko siyang nilapitan. Hindi naman siya nagulat na makita ako sa harap niya.
"Ano na naman ginagawa mo dito?!" I glared at him. Sarap suntukin.
"Si Ingrid?" tanong nito at para bang wala man lang siyang pakialam na ang kausap
niya ay ang boyfriend ng babaeng pino-pormahan niya.
"Wala. Hindi pumasok," seryoso kong sagot.
"Ahh. Pakibigay na lang 'to." Inabot niya ang bulaklak pero hindi ko ito kinuha. I
just glared at him.
"Nananadya ka ba? Gusto mo na ba talagang mamatay?!" Ang sama ng tingin ko sa
kanya. At kung puwede lang na makapatay ang mga titig ko kanina pa siya naging abo!
"Relax. Hindi ko naman aagawin si Ingrid sa'yo, eh. Mahal ka no'n kaya huwag kang
mag-alala. Gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya at pati na rin sa'yo.
Pagpasensyahan mo na ang mga ginawa ko noon. Masyado ko lang talagang mahal si
Ingrid, eh. Pero 'di mo 'ko masisisi, hindi siya mahirap mahalin. Alam mo 'yan kasi
mahal mo siya." Wala akong masabi sa tula niya. Hindi ko magawang magalit o mainis
kasi totoo lahat ng sinabi niya.
"Sige dre, alis na 'ko. Hindi ko kasi alam kung saan si Ingrid, eh. Hindi ko siya
maamoy." He patted me on the back tapos umalis.
Bakit ba ako natameme sa sinabi niya?
Biglang lumakas ang pandama ko kay Ingrid. Why do I feel like she's suffering?
Damn! Kung puntahan ko kaya siya sakanila?
* * *
HINANAP ko sina Maxhene at Denver sa loob ng campus. I found them at the academic
building at busy si Denver sa kanyang phone.
"Hindi talaga sumasagot, sweetheart, eh," rinig kong sabi nito.
"Call her again," utos pa ni Maxhene.
"Hey! Have you seen Ingrid?" I asked them pero tiningnan lang ako ni Maxhene. She
was worried.
"Kanina ko pa siya pinapatawagan kay Denver pero hindi siya sumasagot. Akala ko nga
kasama mo siya," sagot naman ni Maxhene.
Kinakabahan na ako. Alam kong may maling nangyayari.
"Puntahan kaya natin siya?" I said at agad naman na tumango si Maxhene.
Nagdrive kami papunta sa subdivision nila Ingrid. The moment we set foot on their
vicinity ay may naramdaman akong malakas na hatak ng kapangyarihan.
"Did you feel that?" Sabi agad ni Denver.
"Yeah,"
Hindi ko maipaliwanag ang malakas ng aurang nararamdaman ko. Basta ang alam ko,
hindi siya ordinaryong kapangyarihan.
"Ako rin," Pagsesegunda ni Maxhene.
"Hansel, huwag tayong papasok sa bahay nila Ingrid. Magmanman muna kaya tayo? Iba
talaga nararamdaman ko, eh," sabi ni Denver.
Tinanguan ko siya kaya nagtago kami sa isang puno na medyo malayo sa bahay nila
pero natatanaw pa rin naman.
"Tell me I'm wrong, Hansel. Bakit pakiramdam ko may ibang vampire na nakatira sa
loob ng bahay nila Ingrid?" Sabi ni Maxhene.
I focused my attention on Ingrid's house. Maxhene was right. Its power wasn't
ordinary and it feels old and ancient. Parang isang kapangyarihan na matagal na
itinago.
"A Sanguinarian," I utter.
Pero sino? Kasi sigurado ako na hindi si Drake o si Devant ang nasa loob ng bahay
nila. The scent is someone I know to be dead.
"Does that mean, Ingrid is in grave danger?" Maxhene said in didbelief.
Was it possible? Pero iba ang nararamdaman ko, eh.
* * *
Ington's POV
NI-LOCK ko ang study room at saka ko binuksan ang isang secret room. Sa likod ito
ng family portrait. Doon ang lagusan para makarating sa secret room. Matagal na rin
simula nang huli akong pasokok dito. At kung ako ang masusunod ay gusto ko nang
ibaon sa limot ang nakaraan. Pero para itong multo na bumabalik sa akin.
Binuksan ko ang isang lumang baol na naglalaman ng nakaraan ko. A Pandora box of my
past. Alam kong sa oras na binuksan ko 'tong baol, malalaman ng mga vampire na may
nabubuhay pang isang Supremo na akala nila patay ay na. Isang dating Supremo ng
Sanguinarian.
Let me tell you a story 300 years ago...
My name si Van Drey. I was the current leader of Sanguinarian tribe. A ruthless
leader na walang ibang alam kundi ang pumatay ng mga tao. Dahil sa aking
pamamalakad ay hindi nagustuhan ng mga Kang ang ginagawa ko. So we became their
enemy.
Ang tanging gusto ko noon ay masakop ng buo ang vampire city.I want power and
supremacy.
Pero nagbago 'yon. Binago lahat nang 'yon nang isang mortal na nag-ngangalang
Vivian. Nakilala ko siya sa gitna ng daan at nagtitinda ng mga amulets. Hindi ako
noon makalapit sa kanya dahil may isang amulet siya na anti-vampire.
Ginawa ko ang lahat para makalapit sa kanya. Nag-utos pa ako ng mga tauhan para
nakawin ang mga tinda niyang amulet. Napaka-bango niyang dalaga kaya talagang
naaakit ako sa kanya.
Pero nang mahawakan ko siya, iba na agad naramdaman ko. At doon ko natukoy na mahal
ko siya. Isang imposibleng pangyayari sa buhay ko ang magkagusto lalo na sa tao.
Pero binago 'yon ni Vivian.
To make the story short, naging mag-asawa kami. Dahil sa nalaman ng mga kaaway ko
na may kahinaan na ako, pinatay nila si Vivian habang nasa paglalakbay ako.
Binitawan ko ang pwesto bilang Supremo at binigay ito kay Devant. Ipinaalam ko sa
lahat na patay na ako para hindi na ako hanapin pa.
Hindi ko matanggap ang nangyari. Pumunta akong Italy para maghanap ng magaling na
babaylan na makakapagbuhay uli sa asawa ko. Ginawa iyon ng babaylan. Pero
kailangang ako daw humanap ulit kay Vivian.
Ilang daang taon ko siya hinanap at nang makita ko siya, nasa ibang katauhan na
siya. Siya si Rida. Ang ina ng nag-iisa kong Prinsesa, si Ingrid.
Hindi man ako maalala ni Rida, alam kong sa panahon ko, siya si Vivian. Handa ako
noon magpakasal ulit. Dahil wala na naman na nakakaalam na buhay pa ako, ginawa ko
ang bagay na isa sa pinakamahirap. Ang maging tao. Bumalik akong Italy at pumunta
sa Abbey. Nagpabasbas ako sa isang pari.. Halos ikamatay ko ang pagiging tao. Halos
mawalan ako ng lakas pero tinatagan ko ang sarili ko. Ginawa ko ito para sa mahal
ko.
Doon nagsimula ang buhay ni Ington Sy. Nagpayaman ako at pinakasalan si Rida. At
nangakong ibabaon sa hukay ang sikreto ko.
Pero hanggang kailan ko maitatago ang sikretong ito? Lalo na at nagkakagusto ang
anak ko sa isang bampira. Nalaman kong bampira si Hansel nang banggitin niya si
Vladimir. Ang ama ni Vladimir ay isa sa mga mahigpit kong katunggali.
Hindi naman ako against kay Hansel. Mabuti ang loob niya. Pero ayokong mangyari kay
Ingrid ang nangyari kay Vivian. Hindi ko 'yon matatanggap. At lalong hindi ako
papayag na maging vampirette siya para sa pagmamahal kay Hansel. Isa siyang tao.
Hanggang doon lang 'yon.
:

Chapter 33 - Leaving

Chapter 33
Ingrid's POV
NASA harap kami ng hapagkainan at walang imik na kumakain. Well, sila lang pala
kumakain kasi 'di ko man lang ginagalaw ang pagkain ko.
"Baby, eat your food. Gusto mo bang magkasakit?" sabi ni Mommy pero hindi ko siya
pinansin.
"Ingrid! Listen to your mom! Eat then go back to your room!" Maawtoridad na utos ni
Daddy.
"Babalik na lang po ako sa kuwarto." Malumbay kong sabi.
I was about to stoop up when dad stopmed his fist to the table. Nagulat ako at
halos mapatalon sa kinauupuan ko.
"Huwag matigas ang ulo, baby. Magagalit na naman ang Daddy." Mahinang sabi ni
Mommy.
Tumango na lang ako at kumain. Kumuha ako ng pagkain sa kutsara at subo lang nang
subo. Kahit puno pa ang bigbig ko ay sinusubo ko na uli ang sunod. Nahuhulog na ang
ibang kanin sa bibig ko pero wala akong pakialam.
"Watch your manner, Ingrid!" Sigaw na naman ni Daddy. Napainom muna ko ng tubig
saka nilunon ang pagkain.
"You told me to eat! You didn't say to eat with manners, dad!" Sagot ko sa kanya.
"Ganyan na naman ba, Ingrid? Babalik ka na naman sa dati mong pag-uugali?!"
"Ganyan na naman ba, dad? Babalik ka na naman sa dati mong ugali?!" I said with
mockery.
"Damn it!"
"Ington, relax. Your blood pressure."
Agad akong tumayo at tumakbo pabalik sa kuwarto. Hindi ko na hinintay na magsalita
pa si Daddy at alam kong sisigawan na naman niya ako. Ni-lock ko ang pinto at saka
humiga sa kama. Hindi ko na naman mapigilang umiyak. Naiiyak na naman ako sa
sitwasyon. Bakit ba kasi nangyayari ito?
"Ate Ingrid. Ate, can you hear me?" Napabangon ako nang makarinig ako ng boses sa
utak ko.
'Ate, don't be scared. It's just me, Erina. Dumungaw ka sa bintana.' Nagmamadali
kong tinungo ang bintana at tinanaw si Erina. Hindi ako tumuntong sa terrace at
baka makita ako ng mga guard.
I saw Erina and Maxhene sa harap ng mansion pero nagtatago sila sa bushes. Sila
lang ba? Wala ba si Hansel? Kumaway ako sa kanila at gano'n din sila. She mouthed
me some words pero hindi ko maintindihan. Narinig ko na lang bigla ang doorbell na
tumunog. Hindi ko naman makita kung sino ang pumasok kasi natatakpan ito ng
malaking puno.
"Ate, sila Kuya ang nagdoorbell. Bakit ka ba diyan? Hindi ka ba pinapalabas?"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Erina bagkus, agad akong lumabas sa kuwarto at
bumaba. Nadatnan kong magkaharap sina Hansel at Daddy. Ang seryoso ng tinginan nila
sa isa't-isa.
"H-Hansel..." I mutter.
Napatingin silang dalawa sa akin. Si Mommy ay nasa gilid lang katabi nina Cris at
Tom. Ano'ng ginagawa nila dito?
"Go back to your room, Ingrid!" Dad commanded me.
"But-"
"No buts! Go back and I'm going to talk to him." dad said. Tiningnan naman ako ni
Mommy at parang sinasabi na sundin ko na lang siya.
Nakayukong umalis ako sa living room at bumalik sa kuwarto. Kinakabahan ako. Alam
ba ni Hansel na ayaw sa kanya ni Daddy? Mag-uusap ba sila dahil do'n?
* * *
Ington's POV
"I KNOW who you are, Hansel Kang." I said right after kaming makapasok sa library.
Hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya sa akin.
"Alam ko rin kung sino kayo. At kung ano kayo dati." Mariin niyang sabi. Hindi na
ako nagulat kung malalaman niya. The moment I opened the box containing my secret,
malalaman ng mga vampire (within the vicinity) na may supremo pa na nabubuhay.
"Kung gano'n huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Layuan mo ang anak ko. 'Yon lang
ang hihilingin ko sa'yo. Nananahimik na ako. Huwag niyo nang guluhin ang pamily
ko." I puffed my tobacco cigarette. By the looks of Hansel, he's a kind of vampire
that won't take no for an answer. He's just like his grandfather.
"I can't do that, Mr. Sy. I love your daughter so much. At kaya kong ipaglaban
'yon kung ipipilit niyo ang gusto niyo."
"Hindi sana ako tututol kung isa kang tao. But you are a vampire. You'll bring
chaos to my daughter's life and I don't want that to happen. As much as possible
gusto kong maging normal ang buhay niya. Hindi mo alam kung ano ang sinakripisyo ko
para mamuhay bilang tao. Nakikiusap ako sa'yo, Prince Hansel. Leave my daughter
alone."
"Ano ba'ng puwede kong gawin para pumayag ka sa relasyon namin?" He asked.
Agad naman akong umiling. "Wala. Iwan mo siya. 'Yon lang ang gusto ko."
"May kailangan kang malaman." Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano 'yon?"
"Ingrid is the chosen one." Sabi niya na ikinagulat ko.
"What did you say?"
"You heard me. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nakapasok si Ingrid sa
portal? Alam mo na walang tao na nakakapasok sa vampire city. Except, kung ikaw ang
nakatakda. Kapag pinigilan mo 'to-"
"Stop it! Stop! How did this happen?! How come my daughter is the chosen one?"
Naguguluhan kong tanong.
"Hindi ko rin alam. Kung magiging open ka sana, puwede mong tanungin si Ingrid
kung ano ang naging adventure niya sa vampire city. Don't worry, alam niya kung
anong klaseng nilalang kami." Napatiimbagang ako. I am protecting my daughter from
him iyon pala may alam naman ang anak ko? "I didn't mean to be very disrespectful
to you, sir. Pero anak mo si Ingrid. Hindi ata tama napanghimasukan mo ang buhay
lovelife niya." Sabi pa niya."Can't you trust me? Can't you trust us?"
This time hindi na ako makatingin sa kanya.
"Ayoko lang na mangyari sa anak ko ang nangyari sa akin noon."
"Hindi mangyayari kay Ingrid ang nangyari sa'yo. Sinisiguro ko 'yan sa'yo, sir."
Matagal na katahimikan. Madaming bumabagabag sa isipan ko. Alam kong kaya niyang
protektahan ang anak ko. Pero hindi pa rin mawawala sa akin ang mag-alala.
"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, sir. Mahal na mahal ko ang anak mo." Deretso niyang sabi sa akin. No
hesitations. No doubts.
"Gagawin mo ba ang kundisyon ko para sa anak ko?" Tanong ko pa sa kanya.
"Para kay Ingrid, oo."
"Very well. Layuan mo siya. 'Yan ang gusto ko..."
* * *
Ingrid's POV
Nakatayo ako sa balkonahe at pinagmamasdan ang langit. Hindi ko na makita sila
Erina at Maxhene sa labas. Hindi ko rin alam kung lumabas na si Hansel sa bahay.
Ano kayang pinag-usapan nila ni Daddy?
"Ingrid..." I turned around and saw Hansel inside my room. Masayang lumapit ako sa
kanya at nayakap siya. God, I missed him so much!
"Hansel... I'm glad you're here. Ano'ng pinag-usapan niyo ni Daddy?" Sabi ko at
saka bumitaw sa kanya.
Tiningnan ko ang mukha niya pero blanko lamang ito. Walang bakas ng ano mang
emosyon. Halatang may gusto siyang sabihin pero parang pinipigilan niya.
"Hansel, say something. Galit ba si Daddy sa'yo?" Nagtataka kong tanong.
"Ingrid, I have to go." Napakaseryoso niyang sabi. Nawala ang mga ngiti sa labi
ko.
"Ha? Uhh, oh sige. Pero bumalik ka bukas, ah." Sabi kong pinipilit na pasiglahin
ang boses. Bakit ba aalis agad siya? Hindi niya ba ako namiss? Ayaw niya ba akong
makasama nang mas matagal?
"I-I'm not coming back, Ingrid. H-hindi mo na ako makikita pa,"he said.
I counfusely gaped at him. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko dahil sa
sinabi niya. Pakiramdam ko may mali na ang pandinig ko.
"W-why? A-ano'ng pinagsasabi mo? Joke ba 'to?" I said trying to laugh but end up
griming.
Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko lang 'to. Kung isa
itong joke, well hindi nakakatuwa! Mag-joke na siya nang lahat huwag lang tungkol
sa mga ganitong bagay!
"I'm afraid I'm not joking, Ingrid. You won't see me anymore. I'm sorry." Sabi
niya.
So gano'n-gano'n lang 'yon? Iiwan niya ako? Aalis sana siya pero pinigilan ko ang
braso niya.
"Did my father tell you that? Siya ang nag-utos sa'yo, 'no?"
Tuluyan nang pumatak ang luha sa aking mga mata na kanina ko pa pilit na
pinipigilan.
"Your father has nothing to do with my decision. I've realized that we are really
in a complicated situation. Bawal ang pag-ibig natin. Kahit sabihin na ikaw ang
para sa akin, hindi pa rin puwede."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. 'Pagkatapos ng mga pinagdaanan namin
tapos isusuko niya ako nang ganito lang? Hindi niya ba ako ipaglalaban?
"Y-you love me, right? 'Di ba nag-promise ka na hindi mo ko iiwan? Hansel naman,
eh! If this is one of your jokes, please stop it. Hindi na ako natutuwa!" galit
kong sabi sa kanya.
"I'm sorry, Ingrid." nakayuko niyang sabi.
Tumalikod siya at naglakad papunta sa may balkonahe.
"Hansel..." nagmamakaawa kong sambit sa pangalan niya pero hindi niya ako nilingon.
"Goodbye, Ingrid." He said and slowly dissolving into thin air.
I run to him pero wala na siya. No! This is not happening! Panaginip lang ito!
Hindi ito totoo! Kasi ang Hansel na nakilala ko ay hindi ako iiwan nang basta-
basta!
"HANSEL!" Napaluhod na lang ako habang humahagulhul. Hindi ko matatanggap. Siya
ang unang sumuko. All his promises were gone, just like him. Bakit niya ito nagawa
sa akin? Hindi niya ako pinaglaban. Ang bilis niyang sumuko.
Mahal na mahal ko siya at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya pero hindi niya
'yon kayang gawin para sa akin. Mahal na mahal ko siya kahit masakit na.
P

Chapter 34 - Again

Chapter 34
Erina's POV
"WHY are you here, son? Bakit dala-dala mo ang mga gamit mo?" tanong ni dad kay
Kuya nang makita niya itong papasok sa kaharian at dala-dala ang mga bagahe niya.
"Not now dad. I'm not in the mood to talk about it." Sagot lang ni Kuya saka tumaas
sa room niya.
"Ano'ng nangyari sa Kuya mo?" Baling ni Daddy sa akin. Nagkibit balikat lang ako.
Hindi ko mabasa ang iniisip ngayon ni Kuya, eh. He's blocking me from reading him.
"I don't know, dad. Kuya's been acting strange after we left Ate Ingrid at the
sub." Sabi ko.
Paglabas kasi ni Kuya kasama si Cris at Tom sa bahay nila Ate Ingrid at hindi ko na
mabasa ang iniisip niya. Hindi ko nga alam ang pinag-usapan nila sa loob, eh.
"I'm sensing something. Better figure it out, Erina." Sabi ni Daddy at saka iniwan
ako. Papasok sana akong kuwarto ko nang makarinig ako ng nabasag sa loob ng kuwarto
ni Kuya. Nilapitan ko ito at nilapit ang tainga sa pinto. Wala na ang ingay.
"Kuya? Kuya, can I come in?" Hindi ako kumakatok kasi alam ko naman na naririnig
niya ako. "Kuya papasok ako diyan ah." hindi ko na hinintay na sumagot si Kuya kaya
pumasok ako sa kuwarto niya without opening the door.
"Eh?"
Nakita kong basag ang bintana ni Kuya. Malaki ang basag nito at kasing laki ng tao.
Hindi ko rin nakita si Kuya sa loob.
Umalis ba siya at sa bintana dumaan? Ano naman kaya 'yon? Puwede naman siyang
dumaan sa main door, eh. Ano na naman kaya ang trip niyon?
May naapakan akong papel kaya tinapon ko lang ito sa gilid. Ang kalat talaga ni
Kuya. Lumabas na lang ako sa kuwarto niya.
"Erina!"
"Ay butiki! Ugh! Cris! Ano ba!"
"Tss. Bakit ba parang ang wierd mo? Nasa loob na si Hansel?" Tanong niya sa akin.
"Aba malay ko! Kanina nasa loob siya tapos pagpasok ko 'ayun basag na ang salamin
ng bintana niya. Doon ata siya lumabas. Ang wierd ni Kuya lang." Sabi ko.
"ANO?! Fuck! He really did it! Bakit hindi mo pinigilan?!" Sigaw niya sa akin.
Napamaang naman ako.
"Pigilan?! Eh, nagkataon lang ngang dumaan ako sa kuwarto niya, eh! Ano ba kasing
problema ni Kuya?!" Nakapameywang kong sabi.
"Hindi ko puwedeng sabihin sa'yo. Nag-promise ako sa kanya na wala akong
sasabihin." Sabi niya. Agad ko naman siyang binatukan. So nag-si-sikreto na siya sa
akin ngayon?
"Ano ba! Erina bakit ka ba nambabatok?!" singhal niya sa akin.
"Makakatikim ka pa sa akin ng isang pagbabatok kung hindi mo sasabihin ang
problema ni Kuya!"
"Nag-promise nga ako sa'yo sa Kuya mo!"
"Kapag hindi mo sinabi ba-bastedin talaga kita!"
"Eh 'di bastedin mo!"
"Ah gano'n?! Sige! Basted ka na! Wag ka nang magpapakita sa akin!" singhal ko sa
kanya at saka tinalikuran siya. Buwisit na 'yan! Bakit hindi ko puwedeng malaman?
Kaibigan din naman niya ako, ah. Wala namang nagbago do'n kahit nililigawan na niya
ako.
Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang yakap niya sa likod ko.
"Erina naman, eh. Sorry na. Joke lang 'yon. Bati na tayo, ah?"
"Ewan ko sa'yo! Bitawan mo nga ako! Hmp!" Kumawala ako sa kanya pero agad din naman
niya akong nayakap.
"Sorry na, please? Sige na sasabihin ko na sa'yo. Huwag mo lang akong bastedin,"
lihim naman akong napangiti.
"Sige, sabihin mo n,." sabi ko at saka hinarap siya.
"Uhh, huwag dito. Dapat 'yong walang makakarinig." Sabi niya.
"Sige-sige. Sa tower tayo."
Agad naman kaming nakapunta sa tower. Ang tower ay may malaking clock. Walang
pumupunta dito dahil isa 'to sa mga restricted area ng Palasyo.
"So Cris, tell me. Tell me everything." Seryosong kong sabi.
"Tell you what?" Painosente niyang sabi.
"For blood sake! Sasabihin mo ba o hindi?!" nanggigil kong sabi.
"Oo na. Sasabihin na," he pause. "Hansel's going to Italy."
"Lika a vacation?" Tanong ko.
"No. He said doon na muna siya. Like forever."
"Like forever, forever?!"
"Yup."
"Bakit daw? Paano si Ate Ingrid? Paano ang kaharian? Alam ba nila Mommy at Daddy?"
Sunod sunod kong tanong.
"Actually, Hansel broke up with Ingrid. Hindi niya sinabi ang buong detalye pero
sabi niya gusto niya nang lumayo."
"WHAT?!" I said incredulously. "Is he serious? Sino'ng magiging succesor ng
kaharian? Alangan ako? Ayoko 'no! Hanggang pagiging prinsesa lang ako."
"Wala akong alam, Erina. Iyon lang sinabi niya sa akin. Hindi ko nga alam kung ano
ang pinag-usapan nila ng father ni Ingrid, eh. At ang nakakapagtaka pa, bigla na
lang nawala ang malakas ng pwersa na nakapaligid sa bahay nila Ingrid. Ah basta.
Pati nga ako napapaisip din."
"Hala. Paano na 'to? Sasabihin ko ba kay Mommy at Daddy?"
"Siyempre," Sabi niya habang nakatingin sa akin with obvious-ba-look.
"Waah! Cris, help me. Naku, kumusta na kaya si Ate Ingrid? For sure malungkot
'yon. Eeee! Ano ba naman kasi ang dahilan ni Kuya, eh!"
Ang daming gumugulo sa isipan ko. Mahal na mahal ni Kuya si Ate Ingrid kaya
imposibleng hinwalayan niya 'to. Ano bang tumatakbo sa isip niya?
"Hey. Don't worry about it. I know Hansel has his reasons. Pero sa ngayon ang
gagawin lang natin ay sabihin sa hari at reyna ang nalalaman natin."
Pumunta kami ni Cris sa bulwagan kung saan naroon sila Mommy at Daddy. Nadatnan
namin sila na kausap ang mga elders. Hindi pa kami nakakalapit nang marinig na
namin ang usapan nila. Nagtago kami ni Cris sa pillar dahil sa tingin namin ay
napakaseryoso ng pinag-uusapan nila.
"Hindi 'yon maari mahal na hari. Siya ang successor ng throne. Alam niyo naman po
na hindi puwede si Princess Erina kasi wala siyang asawa." Sabi no'ng isa.
"But my daughter is too young to marry. And too young to handle the palace. Kaya
pa naman namin ni Vladimir hanggang sa maging mature si Erina." Mommy said.
Why are they talking about me?
"Cris, nage-gets mo ba ang pinagsasabi nila?" bulong ko sa kanya.
"Ssshhh. Huwag kang maingay. Maririnig ka nila,"
"If Prince Hansel wants to be-" hindi ko na narinig ang sinabi no'ng isang elders
kasi nadistract ako sa mukha ni Cris na sobrang lapit sa akin.
"Ano ba! Cris, ang lapit ng mukha mo sa akin!"
"Ang ingay mo! Hindi ko tuloy narinig!" Inis niyang sabi sa akin.
"Ikaw kasi! Puwede ka naman do'n sa kabilang pillar dito ka pa sa akin
nagsisisiksik!"
"Wala na tayong magagawa. Dati pa 'eto na ang vision ko. Hindi ko lang ine-expect
na ngayon. Pero kung 'yon ang gusto ng anak ko, wala tayong magagawa." Sabi ni
Daddy.
Swear! Wala akong maintindihan ni isa! Para akong nakikinig sa usapan ng mga alien.
"Cris, tara na. Hindi tayo kailangan dito." Agad kaming nagtrasport from one place
to another.
* * *
Ingrid's POV
KINAUSAP ako ni Daddy at Mommy kanina. Sabi nila desisyon daw talaga ni Hansel ang
umalis. Ayaw kong maniwala pero 'yon ang totoo. Hindi ko magawang magalit ngayon
kina Mommy at Daddy kasi sila lang ang masasandalan ko ngayon.
"Mommy... Daddy... Payag na po ako mag-stay muna sa states." I said while we're
eating our lunch.
"Are you sure, baby?" She said while gently wiping her mouth.
"Sure na po," Gusto ko kasi munang makalimot. Panay nga ang tawag sa akin ni
Maxhene pero hindi ko 'yon sinasagot. Wala akong gana makipag-usap sa kahit
kaninong bampira ngayon. Maaalala ko lang si Hansel.
"Sige. Bukas puwede ka agad umalis. Handa na rin naman ang lahat ng iyong
papeles." Sabi ni Daddy. Napatango na lang ako.
Actually, sa New York ang punta ko. Best place daw ang lugar na 'yon kung gusto
mong mag move on. The City that never sleep. Sana mag-enjoy ako doon. Ayoko lang
ipakita kina Mommy na apektado ako. Tuyong-tuyo na ang mata ko sa kakaiyak.
Kahit nasa NY na ako, ipagpapatuloy ko pa rin pag-aaral ko. Maraming mas
magagandang fashion design schools doon.
Pumanhik ako sa kuwarto at nag-ayos ng gamit. Konting damit lang dadalhin ko. Doon
na lang ako mamimili ng iba kong gagamitin. Hindi na naman bago sa akin ang New
York, eh. Lagi kaming pumupunta doon.
Kinabukasan, alas kwatro y media pa lang ready na ako papuntang airport. Sa private
plane ako sasakay dahil ayaw na ayaw ni Daddy na sumasakay ako sa commercial
flight. Hindi na ako nagpahatid kina Mommy kasi baka magbago isip ko. Driver lang
ang kasama ko tapos isang convoy ng bodyguards.
"Ma'am mag-so-shortcut po tayo sa diversion road. May naaksidente raw po kasi sa
main road kaya sinarado muna ang daan," sabi sa akin ng driver. Tumango lang ako
bilang sagot.
Nasa isolated area na kami nang biglang huminto ang sasakyan. Madilim pa at malamig
kaya mahamog sa labas.
"Uhh, manong may problema ba?" Tanong ko.
"Tumirik po ang sasakyan, eh." Pakamot-kamot niyang sabi.
"Dito lang po kay, Ma'am. Kapag hindi po naayos ang sasakyan lilipat po tayo sa
convoy." Sabi ng driver ko.
"Okay," tangi kong sagot.
Naiwan ako sa loob ng kotse at busy ako sa paglalaro sa tablet ko. Sampung minuto
na ang nagdaan at hindi pa rin bumabalik ang driver. Lalabas sana ko ng makarinig
ako ng kalabog sa likod ng van. Sinilip ko sa likod at nakita kong nakadapa na ang
anim kong PSG kasama na ang driver ko. Parang nagtayuan ang balahibo ko sa sobrang
takot. Para silang naligo sa sarili nilang dugo. Pagtingin ko sa harapan ng van
nakita ko na may naglalakad sa hamog. Hindi ko ito makita kasi nakasuot sila ng
hoodie. Ang isang lalaki ay naging dalawa. Naging tatlo hanggang sa hindi ko na
sila mabilang.
Nanginginig na ako sa takot dahil pakiramdam ko oras ko na. Takot na takot ako
dahil parang ganitong eksena ang mga nakikita ko sa TV kapag nasisiraan ang
sasakyan sa isang isolated na daan? Oh, God.
Pinaligiran ng mga lalaki ang van at isa-isa nilang binasag ang salamin nito. Bigla
ko na lang nayakap ang sarili ko. Naramdaman ko ang lamig sa labas. Naramdaman ko
ang lamig na tanging sa vampire city ko lang nararamdaman.
May isang lalaking nakayuko at papalapit sa akin. Inutusan niya ang mga tauhan niya
para ibaba ako. Hindi na ako nagmatigas nang kunin ako no'ng isang lalaki. Dahan-
dahan tinanggal no'ng leader nila ang hoodie at laking gulat ko kung sino ito.
"Devant..." mahina kong sabi.
"Ingrid, we meet again. Himala 'ata wala ang Prinsipe mo?" he said grinning.
"Hiwalay na kami! Ano pa bang kailangan mo sa akin?!" Tinignan ko siya ng masama.
Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya nagsasawa? Sumuko na nga sa akin si Hansel
tapos siya hindi pa? Aba matindi!
"Wala na pala kayo? Sayang naman. Ikaw pa naman ang pain ko sa kanya." Sabi niya.
Hinanap ko sa paligid si Drake pero wala siya. "Wala si Drake, Ingrid. Wala nga
siyang alam na kikidnapin uli kita, eh."
"Patayin mo ako kung gusto mo! Kahit ano'ng gawin mo ay hindi na ako ililigtas ni
Hansel! Siya na mismo ang nakipaghiwalay sa akin!" Mapait kong sabi. Nasasaktan ako
habang binibitawan ang bawat salita.
"Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa!" Ngumiti siya sa akin nang
nakakapang-insulto. "Dalhin niyo siya! Babalik na tayo!" He snaps his finger at
agad akong hinawakan ng dalawang utusan niya sa braso. Nagpupumiglas ako pero
masyado silang malakas.
In just a second ay nasa ibang lugar na kami. It's was like an old mansion. May
lumang piano sa gilid. May mga sira ding upuan. Ang dami ring alikabok at mga sapot
sa dingding.
"You know this place, Ingrid?" He asked me.
I never bothered looking at him neither answering his question.
"This is the place where Veruca turned me down. This was supposed to be our house.
And that piano? It's hers," He said with so much pain and hatred.
"You wanna know my motive why I kidnapped you, again?" he asked and I shook my
heard.
"If you're going to kill me, just make it quick. Okay? Ang dami mo pang sinasabi
papatayin mo lang naman ako!"
"If I'm going to do that, mawawalan ako ng alas sa Prinsipe. Alam mo ba kung gaano
ko hinintay ang makapaghiganti sa pamilya nila?"
"At sa palagay mo matatalo mo sila? And what made you think na ililigtas nila ko?!
Their son abandoned me! Hindi nila isa-sacrifice ang sarili nila just to save a
damsel in distress!"
"No. No, no, my dear. They won't let you die. Because you are the chosen one."
Sabi niya.
Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Anong chosen one? Minsan na siyang may
nabanggit na gano'n at tungkol daw sa propesiya. Iyon ba 'yon?
"What do you mean?"
"Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin sinasabi ng iyong mahal na prinsipe ang tungkol
sa propesiya?"
"Anong propesiya?!"
"You are the chosen one. Ever wondered why he always protect you? Why he says he
loves you?" Nagpabalik-balik siya sa harapan ko.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo?!"
"Hindi ka totoong mahal ng Prinsipe, Ingrid." Seryoso niyang sabi na para bang
gusto niya akong maniwala sa kanya.
I laughed bitterly. Hindi ako makapaniwala kay Devant. He's so desperate!
"Hindi ko alam kung maaawa ako sa'yo o ano. Gano'n ka na ba talaga kadesperado? Sa
tingin mo maniniwala ako sa'yo? Gusto mong magalit ako kay Hansel?" I asked
exasperately.
"Haay, naku, Ingrid. Hindi ka talaga nag-iisip, ano? Noong una kitang kinidnap,
gusto kitang ipakasal sa anak ko. Para magkaroon kayo ng anak na damphyr. Kasi
kapag nangyari 'yon, magiging makapangyarihan ako. Magagamit ko ang anak niyo."
"Drake is a damphyr, too. Bakit mo pa kakailanganin ng isa pang Damphyr?" I asked.
"Useless Damphyr! Wala siyang kapangyarihan gaya ng isisilang mo. Her mother was
not the chosen one kaya he doesn't have that kind of power. That's why her mother
dies. But you... you are an exemption because you are the mortal that was written
in the prophecy."
Tiningnan ko lang siya. Dapat pala noon ko pa tinanong si Hansel o Erina tungkol
do'n. Pero kung may alam sila tungkol sa prophecy, bakit nila hindi sinabi sa akin?
Bakit nila tinago sa akin?
I have all the reason to believe that Hansel did not love me because, for one, he
left me. And I deserve an explanation which he didn't give me. Second, if the
prophecy was real, he should have told me. He promised he won't keep secrets from
me anymore. I trusted him.
Pero kahit iniwan niya ako, hindi ko pa rin siya kayang kamuhian. I still love him.
At hindi agad 'yon mawawala.
"I don't believe you." I said in a stern, low voice.
I'll take my chances. Mas gugustuhin ko pang maniwala sa kung ano mang rason ni
Hansel kaysa maniwala sa pinuno ng Sanguinarian.
"Okay. Don't believe me, for all I care. Pero 'eto ang tatandaan mo, kapag hindi
ka niya niligtas ngayon, sa amin ka na sasapi." He said.
I scowled at him. "You're impossible. Hindi ako sasapi sa inyo! I'm not that
stupid!" I retorted.
I gave him a disgusting look. Napaka-ambisyosong bampira! Ako sasapi sa kanila?!
Sorry pero hindi ko type ang wardrobe nila, 'no!
"Kahit idamay ko parents mo?" He smiled mischievously. My eyes widened.
"Huwag mong idadamay ang magulang ko!" mariin kong sigaw sa kanya
"Oh, yeah?! Watch me," may kinuha siyang phone sa gilid ng mesa.
"That's mine!" angil ko.
"I know... What if, I will call your Mom and Dad. Then I'll kill them in front of
you."
"You're a monster!" I cried with so much anger.
"I know that already, sweetheart." He gave me a saccharine smile.
God, I hate him to death! That loathsome creature should die! He doesn't deserve to
live.
* * *
Erina's POV
NAGLALAKAD ako papuntang bulwagan nang makita kong kausap ni Daddy ang mga royal
guards. At parang nakapa-busy nila which is unusual lalo na't wala namang gulo.
"Daddy," lumapit ako sa kanya.
"The Sanguinarians declared war, Erina. They got Ingrid. Prepare yourself." Daddy
said so calm.
War? WAR?! Bakit relax lang si Daddy?
"Oh, my God! Alam ba 'to ni Kuya?!" naghe-hysterical kong sabi.
"Erina, calm down. You're the Princess, samahan mo ang Mommy mo. Your brother is
on his own right now. Hayaan na muna natin siya. Sige na, go to your mother." Daddy
patted me on the back.
Tahimik akong umakyat papuntang silid ko. I'm going to communicate with Kuya.
Ipapaalam ko sa kanya ang nangyayari. Hindi puwedeng wala siyang gawin. Kawawa
naman si Ate Ingrid. At alam kong ano man ang ginagawa niya ngayon ay ititigil niya
para lang iligtas si Ate Ingrid.
Umupo ako sa gitna ng kama at hinawakan ang tig-kabila kong sintido. Kakausapin ko
si Kuya sa ayaw at sa gusto niya. Hindi ko pa nagagawa ang ganitong bagay pero
susubukan ko pa rin.
"Kuya, I know you can hear me. The Sanguinarians kidnapped Ate Ingrid. Please
naman, bumalik ka na."
Naramdaman kong parang tumalksik ang memory niya sa akin kaya alam kong narinig
niya 'yon. I secretly smile. Ang galing ko. Puwede na pala, eh.
Don't worry Ate Ingrid. Help will come.
* * *
Ington's POV
I WAS horrified with the news that my pilots had given me. Akala ko tumakas na
naman si Ingrid but a news came to me that my men was ambushed in the diversion
road.
But where is Ingrid? I asked myself.
"My God, Ington! Baka kidnapper ang mga 'yon! Pero bakit hindi pa sila tumatawag
for ransom money?!" Naghe-hysterical na naman ang asawa ko. "Let's seek help to
General. 'Di ba, kaibigan mo 'yon?!"
"Iniimbistahan na ng mga pulis. Don't worry, Ingrid will be safe." I hugged her.
I already have my hunch pero ayaw kong magpadalos-dalos. Masamang magbintang pero
'yon ang kutob ko.
"Senyor, may mga bisita po kayo," sabi sa akin ng mga maid.
"Papuntahin mo sila sa study room," utos ko at saka ako pumuntang study room.
Naupo ako sa aking swivel chair and lit my tobacco. Pumasok ang ang asawa ko at
kasunod niya ay ang mga pulis. Pero agad din naman akong natigilan nang makita ko
kung sino siya.
They're not what I am expecting for.
"Wife, lumabas ka muna. May importante lang kaming pag-uusapan ng mga bisita
natin," sabi ko habang hindi bumibitiw ang mga tingin sa isang pamilyar na lalaki
na kay tagal ko nang hindi nakikita.
"Sila ba ang tutulong sa atin?"
"Oo. Kaya sige na." Tumango siya at lumakad palabas. Sumunod sa kanya ang mga
kasama niya.
Nang mapag-isa kami ay saka ako tumayo at hinarap siya.
"King Vladimir," nagbigay pugay ako.
Hindi ko alam na pupunta sila dito. May kinalaman nga ba ang mga bampira sa
pagkawala ng anak ko?
"Very long time no see, Van Drey." Seryoso niyang sabi.
Hindi na ako nagtaka na kilala niya ko. Huling pagkikita namin ay isang prinsipe pa
lamang siya at buhay pa ang kanyang ama na isa sa mahigpit kong katunggali.
"It's Ington Sy, for the record. Have a sit." I motioned him the seat on the mini
sala inside the study room. I offered him tobacco but he declined it.
"May kinalaman ba kayong mga bampira sa pagkawala ng anak ko?" Tanong ko agad nang
makaupo ako.
I didn't show any emotion. Siguro nga isa na akong mortal at marami na ang nagbago
sa akin. Pero isa sa mga hindi ko mabago-bago ay ang pagiging seryoso ko. Natural
na siguro ito sa akin.
"Sanguinarian, to be specific," he corrected me.
I was shocked pero hindi ko pinahalata. I tilted my chin and showed nothing but
dead face.
"Why?" Matigas kong tanong.
"Devant wants war. He used Ingrid to defeat us. Maybe because he knew that Ingrid
was the chosen one."
"Bakit ang anak ko? Sa dinami-rami ng mortal na babae, bakit ang anak ko pa ang
naka-sulat sa propesiya?"
"The Deity in Nirvana just don't choose randomly from the mortal world, Van Drey.
The oracle is just the sender of a prophecy to be fulfilled, and only the Deity
knows the reason why he'd choose Ingrid." he explained.
Napangisi na lang ako sa loob ko. The Deity. Maybe this was His punishment for
converting myself into a mortal? Maybe to remind me that I can't outrun my past.
"What's your plan then? Are you going to save my daughter?"
"Don't worry, we will save your daughter at ibabalik namin siyang buhay." Seryoso
niyang sabi.
I can't believe na ang dati kong lahi na aking pinamumunuan ay ang magiging dahilan
para mapahamak ang anak ko. Devant was blinded by his anger with the royal family.
Hindi ko dapat sa kanya ipinasa ang pamamahala sa mga Sanguinarian.
"Alam ba ng prinsipe ang nangyari kay Ingrid?" I asked.
"No. But I assure you na kahit wala si Hansel ay ililigtas namin si Ingrid.
Besides, Ingrid will be a family soon," he smiled knowingly.
"Not yet. Hindi pa nagagawa ni Hansel ang kundisyon ko," I snapped.
"I know." Tumayo siya. "Babalitaan na lang kita." Sabi niya pa.
Tumango ako. Gustong-gusto kong sumama s akanya para iligtas ang anak ko. Pero
hindi na ako puwedeng makapasok sa portal.
Inihatid ko siya hanggang sa labas ng bahay. Marami pala siyang kasama.
"Hanggang sa muling pagkikita, Van Drey." Sabi ni Vladimir bago sumakay ng kotse.
Bumalik ako sa loob at nakita ko si Rida na seryosong nakatingin sa akin.
"Umamin ka nga, Ington. May tinatago ka ba sa akin?" her voice sounds dangerous
just like when she's interrogating me about getting home late.
"What are you talking wife? Napa-paranoid ka na naman." Napapailing kong sabi. I
was about to walk pass her pero hinarangan niya ako.
"I heard everything, Ington! Just tell me the truth! What kind of creature are
you?!" Nagulat ako sa sinabi niya. Paanong- Nakikinig siya kanina?
"Eavesdropping is a bad attitude, wife." I said nonchalantly.
"Bad attitude is when you're keeping secrets from your wife, Ington! Just tell me
the truth! How did Ingrid get involved with this?!" Her face was like begging me to
tell the truth.
I sighed. Keeping secrets from my wife wasn't easy. Kapag sinabi ko ba sa kanya na
hawak ng bampira ang anak namin magiging okay siya? Mas magpa-panic 'yan. Better
tell her half the truth.
"It's a big secret, wife. And I need your full understanding if I'm going to tell
you."
"Matagal na kitang iniintindi. I guess It won't hurt kung mas iintindihin pa kita.
That's how love works. Understanding, right?" I smiled and nod.
"Then come with me to my secret room. I'll tell you everything."

Chapter 35 - For her happiness

Chapter 35
Third Person POV
IT WAS before midnight when Drake helped Ingrid escaped from his father. Whatever
his father was planning, he's against it. Hindi na siya papayag na mapahamak pa ang
babaeng minamahal.
"Huwag kang mag-alala, Ingrid. Po-protektahan kita sa maabot ng aking makakaya." He
sincerely said to her. Kahit kabado ay pinilit ng dalaga na ngumiti.. Nagtitiwala
siya kay Drake. Dahil sa panahon ngayon, si Drake lang ang may kakayanang mailayo
siya sa kapahamakan.
"I trust you, Drake." Mahina ngunit sapat upang marinig niya 'yon. He was happy
hearing it from her. 'Yon lang ang gusto niya, ang pagkatiwalaan ulit ng babaeng
minamahal niya. "At napatawad na kita, Drake." Ingrid continued.
"Thank you, Ingrid." Niyakap ni Drake si Ingrid. Nang pakawalan niya ito ay bigla
na lang na may tumambad na dalawang bantay sa harap nila.
"Master Drake. Bakit niyo po pinakawalan ang babae?!" Galit na sambit ng bantay.
"Paraanin niyo kami."
"Pero master Drake, mahigpit pong pinag-utos ng Master Devant na h'wag pong
palalabasin ang babaeng bihag lalo na't magsisimula na ang labanan." Paliwanag ng
isa.
"Wala akong pakialam." Sagot ni Drake. Binalingan niya si Ingrid. "Hold my hand,
Ing." Kahit hindi alam ni Ingrid kung bakit gusto niyang pahawakan kamay niya dito
ay ginawa din niya. Nakita na lang niya sarili niya sa ibang lugar. Sa makahoy na
lugar. Tanaw nila ang dalawang grupo na handa na sa pakikipaglaban.
Pana at espada ang gamit nila habang naglalaban. King Vladimir aims his bow to the
Sanguinarian's heart. Marami siyang napapatay na kalaban pero 'di niya matamaan si
Devant. Masyado itong mailap.
Tumakbo si Cris sa dulo ng kakahuyan, kanyang kalaban ang kanang kamay ni Devant na
si Aethan. Parehong nakatutuk ang espada nila sa isa't-isa
"Ito na ang katapusan mo, Cris!" Nakangising sabi ni Aethan.
Bago pa man malaslas ni Aethan ang leeg ni Cris, bigla na lang itong lumuhod at
napahawak sa gitna ng dibdib at tumumba. Pinana siya ni Tom.
"What will you do without me?" Pagyayabang ni Tom. Cris just smirked. Kahit 'di
niya sabihin, nagpapasalamat siya kay Tom.
On the other hand, itatakas sana ni Drake si Ingrid sa kakahuyan kung saan
nagaganap ang labanan ng may humarang sakanilang limang Sanguinarian. Itinutok nito
ang mga espada nila sa dalawa.
"Ibigay mo sa amin ang babae, Master Drake." Sabi ng isang Sanguinarian.
Alam ni Drake na papatayin siya ng mga ito kahit anak siya ng Master nila. Malamang
'yon ang utos ng ama niya.
"Ingrid, tumakbo ka na. Ako na ang bahala dito." Mahinang sambit ni Drake kay
Ingrid.
"H-ha? H-hindi. Hindi kita iiwan dito, Drake." Mas lalong hinigpitan ni Ingrid ang
pagkakahawak niya sa braso ni Drake. Hindi niya gustong iwan si Drake habang alam
niyang maaring mapatay 'to ng mga kauri niya.
"Sige na, Ingrid. I'll find you after I fight them." Nakikiusap na wika ni Drake.
Walang nagawa si Ingrid kundi sundin si Drake. Tumakbo siya palayo sa kinaroroonan.
Dahil sa madilim at 'di niya kabisado ang lugar, alam niyang nawawala siya.
Naramdaman niyang may sumusunod sa kanya kaya napalingon-lingon siya sa gitna ng
gubat. Takot na takot. Kahit hinang-hina ay pinipilit niya pa ring tumakbo.
"Where are you going, miss?" Rinig niyang sabi ng isang Sanguinarian kaya
napalinga-linga siya. Parang nag-e-echo ang boses nito sa tainga niya. Wala sa
sariling tumatakbo siya. Hindi na niya alintana ang mga luhang nagraragasa sa
pisnge niya. Halos hindi na niya pinapansin ang mga sanga ng kahoy na tumatama sa
braso niya at sa mukha niya. Pakiramdam niya pinabayaan siya.
Napahinto siya nang makarating siya sa dulo ng gubat. Isang napakataas na bangin
ang naabutan niya. Dahan-dahan namang lumalapit sa kanya ang Sanguinarian.
Nakangisi ito. Ngising tagumpay at na-corner niya ang bihag niya.
"Wala ka ng matatakbuhan, babae." Palapit ito nang palapit. Pinikit na lamang ni
Ingrid ang mga mata. Kung lalapit pa ang bampirang ito, wala siyang choice kundi
ang magpahulog sa bangin. Tubig ang baba nito kaya hindi siya natatakot. Ang
inaalala niya lang ay kung tumama siya sa bato.
"Please. H'wag mo kong papatayin." Umiiyak niyang pakiusap.
Pilit niyang inaalala kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya. Ah, oo nga pala.
Dahil hinayaan niyang pumasok sa buhay niya ang mga bampira. Hindi sa nagsisisi
siya. Masama lang ang loob niya dahil ang lalaking nangako na ililigtas siya sa ano
mang kapahamakan ay wala sa tabi niya. Mag-isa siya. At mas lalo siyang natatakot.
Hinintay ni Ingrid na hawakan siya ng Sanguinarian pero isang malakas na hangin at
'rawr' lamang ang narinig niya. Isang pamilyar na hangin na naging dahilan para
magtaasan ang balahibo niya sa braso. Alam niya, kahit nakapikit siya ay kilala
niya ang presensya niya. Dahan-dahan niyang minulat ang mata at nakita 'to.
"H-hansel," biglang tumulo ang mga luha sa mata niya. Sinugod niya 'to ng yakap at
ikinawit ang mga braso sa leeg nito
"H-Hanseel. A-akala ko... A-akala ko..."
"Sshh.. I'm here now. You're safe," bulong nito sa kanya at mas lalo niyang
hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Sobra niya 'tong na-miss at hindi na siya
papayag na malayo rito. Papatawarin niya 'to sa pang-iiwan sa kanya basta huwag
lang itong aalis muli.
Matapos matalo ni Drake ang limang Sanguinarian, nakita niyang papunta ang ama sa
tinakbuhan ni Ingrid. Sinundan niya ito. Sa pagkaka-alam niya, naubos nang hari at
nila ang Cris ang Sanguinarians.
Sinundan niya ang ama at dinala siya nito sa dulo ng gubat kung saan ang bangin.
Nagulat pa siya nang maabutan si Hansel at yakap nito si Ingrid.
"Sumuko ka na, Devant! Ikaw na lang ang natitira!" Sigaw ni Haring Vladimir.
"Hindi! Kahit ikamatay ko pa, hinding-hindi ako susuko!" mariing wika ni Devant.
* * *
Ingrid's POV
NAKITA kong inilabas ni Devant ang pana niya. Tinutok niya 'to sa amin ni Hansel.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Hansel at iniharang pa nito ang
katawan niya sa akin.
Inilipat ni Devant ang aim sa akin. Si king Vladimir ay nakatutok ang pana sa kanya
pati si Cris at Tom. Kung papanain niya ako, mapapatay din siya nila Cris at Haring
Vladimir.
Nakita kong pinakawalan niya ang arrow sa bow. Naipikit ko ang aking mga mata nang
itulak ako palayo ni Hansel sa puwesto. Napaupo ako sa lupa at iniharang niya ang
sarili niya sa akin. I wanted to scream pero nanunuyo na ang lalamunan ko. Wala na
akong lakas para magsalita.
Gusto kong itulak si Hansel palayo sa akin pero nagulat ako nang biglang may
bumagsak sa likod niya. Agad ko itong tiningnan at halos mamilog ang aking mga mata
nang makita ko si Drake na nakahandusay. Nasa gitna nang kanyang dibdib ang pana.
"DRAKE!" rinig kong sigaw ni Devant. Lalapit sana siya nang panaain siya sabay-
sabay nila Cris, Tom at King Vladimir.
Agad kong nilapitan ko si Drake at halos mapaluhod ako sa gilid niya.
"D-Drake."Naluluhang hinaplos ko ang mukha niya. Iminulat niya ang kanyang mga
mata at pinilit niyang ngumiti. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginagawa niya.
"Bakit mo 'yon ginawa?" Sabi ni Hansel sa tabi ko.
Natutup ko ang bibig ko nang may lumabas na dugo sa bibig. Nagkalat na rin ang dugo
sa dibdib niya. He may be a son of a Sanguinarian but for me, he will always be a
nice vampire and a human.
"H-hu...wag k-kang mag-alala, P-prince H-Hansel.. H-hindi ko 'yon g-ginawa para
sa'yo," nahihirapan niyang sabi. May lumabas na luha sa gilid ng mata niya. Gusto
ko na lamang siyang yakapin at iparamdam sa kanya na pinagsisisihan ko ang mga
masasamang bagay na sinabi ko sa kanya noon. Gusto kong mag-sorry sa kanya dahil
hindi ko maibigay sa kanya ang pagmamahal na hinahangad niya.
"Drake, h'wag ka nang magsalita. Mas manghihina ka," mahina kong sabi sa kanya.
Hinaplos ko ang noo niya at nginitian na naman niya ako. Matalim man ang mga mata
ni Drake pero napakabait niyang tingnan kapag ngumingiti. Pinilit kong ngumiti para
sa kanya pero mas lalo lang akong naiyak.
"I-Ingrid... H-h'wag ka nang umiyak. G-gusto ko... lagi kang masaya. I will do
anything for you, just to see you happy."
"Drake..." I whispered. It doesn't have to be this way. Drake was a good man.
Isang mabuting kaibigan na kahit minsan niya akong nagawan ng pagkakamali.
Pagkakamali na hindi naman niya ginusto dahil nagmamahal lamang siya.
"P-Prince H-hansel, alagaan mo si Ingrid. Mahal na mahal ko 'yan," tumango lamang
si Hansel bilang tugon.
"Ingrid... S-salamat at napatawad mo na ako," umubo na naman siya at mas maraming
dugo ang lumabas.
"Don't talk please... Dadalhin ka namin sa mang-gagamot," nag-aalala kong sabi sa
kanya pero umiling siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"No. H-hindi na rin naman ako magtatagal. M-may isang kahilingan lang s-sana akong
gustong sabihin sa inyong dalawa," napatango kami ni Hansel. "K-kapag nagkaanak
kayo, puwede ipangalan niyo sa akin? Bayad niyo na lang sa pagsagip ko sa kasiyahan
niyo." Tumawa pa siya kahit nahihirapan na. Nagkatinginan kami ni Hansel.
"Oo naman. Pangako," sagot ko.
"S-salamat," Pinikit niya mata niya.
"Drake?" Niyugyog ko balikat niya. Pero wala nang reaksyon mula sa kanya.
"Ingrid... H-he's gone." Sabi ni Hansel.
Tahimik lang ako umiyak. Itinayo ako ni Hansel at nakaalalay siya sa bewang ko.
Patuloy akong umiiyak habang nakikita kung paano maging abo si Drake. Unti-unting
dinala ng hangin ang katawan niya. Napayakap ako kay Hansel habang umiiyak.
"Thank you, Drake." I mutter.
Chapter 36 - Mourning

Chapter 36
Ingrid's POV
HINATID ako nila Cris at Erina sa bahay kinabukasan. After nang nangyari sa may
gubat ay sabay-sabay kaming pumunta sa palasyo pero hindi ko na nakita si Hansel.
Hindi ko alam pero parang ako lang 'ata ang nakakakita kay Hansel. Pakatapos ng
laban kagabi, panay sabi sa akin ni King Vladimir na wala si Hansel. Pati si Cris,
sabi niya 'di niya nakita si Hansel. Pero imposible, nakita ko siya. Niligtas niya
ko. Niligtas siya ni Drake. Hindi ko maintindihan kung bakit nila 'yon sinasabi sa
akin.
Sinalubong naman ako ni Mommy at Daddy ng mahigpit na yakap nang makauwi ako.
Nagtaka pa ako kasi alam nila ang nangyari sa akin. At kung inaakala ko na magiging
normal na ang lahat ay doon naman umamin si Daddy. Isa siyang dating bampira and
worst, dati siyang pinuno ng mga Sanguinarian. Dahil daw kay Mommy kaya mas pinili
niyang maging mortal.
Masaya akong tanggap ni Mommy ang nakaraan ni Daddy. May isang bagay akong gustong
itanong kay Daddy pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Naduduwag ako na malaman ang
totoo.
* * *
Erina's POV
"WHY did you lie to Ate Ingrid?" tanong ko kay Cris nang makauwi kaming palasyo
after naming maihatid si Ate Ing.
"Para hindi na siya umasa," tipid niyang sabi.
"Umasa sa ano? Alam mo naman na si Kuya ang nagligtas sa kanya 'di ba? Dumating si
Kuya kaya bakit pinaniwala niyo siya na guni-guni 'yon ni ate where in fact hindi
naman," sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi, eh. Tapos ngayon wala na naman si Kuya.
"Look, sa palagay mo ano ang mararamdaman ni Ingrid kapag nalaman niyang bumalik
si Hansel para iligtas siya tapos aalis din naman? Mas masasaktan siya. Kasalanan
mo rin ito. Kasi sinabi-sabi mo pa sa kanya. Naudlot tuloy ang balak niya," sabi ni
Cris.
Anong balak? Bakit parang may alam na si Cris at ako wala?
"Ako pa ang may kasalanan?! Nakakainis ka! Why are you blaming me? My point is,
you lied to her! Liar ka! At puwedeng mangyari na magsinungaling ka rin sa akin
balang araw!" I crossed my arms.
"Paanong nadamay ang relasyon natin dito? Sinunod ko lang yung bilin ni Hansel,
okay? Because I am a good friend. I don't break promises. And when I promise
something, gagawin ko 'yon. So kapag nangako ako na I'll love you forever, it'll be
forever!" Natameme ako sa sinabi niya.
"Ewan ko sa'yo, Cris!" Padabog akong umalis.
Nakaka-imbiyerna siya. Ako pa ang nasisi? Concern lang naman kasi ako kay Ate
Ingrid! Naaawa ako sa kanya. Alam kong marami siyang tanong sa isip niya, gano'n
din naman ako. We're clueless here.
Napalingon ako nang dumaan ako sa kuwarto ni Kuya. Nakaawang ito kaya pumasok ako.
Nilibot ko paningin ko. Ano ba talaga ang dahilan mo, Kuya? Bakit hindi kita
mabasa? Nagpaikot-ikot lang ako sa kuwarto niya ng mapansin ko ang isang papel na
nadumihan. Teka, ito 'yong inapakan ko lang noon, ah. Binuksan ko ito at binasa.
Natigilan ako nang mabasa ko kung ano ang nakasulat.
"Kuya, what have you done?"
* * *
Ingrid's POV
TATLONG linggo na ang nakalipas simula nang mailigtas ako. Kahapon nakausap ko si
Maxhene, babalik na siya sa Hampshire at si Denver naman sa Germany. Sabi niya
ipagpapatuloy niya ang medecine sa New York. I tried to contact Erina pero wala
siyang sagot. Ayaw naman akong payagan ni Daddy na bumalik sa Vampire City dahil
hanggang ngayon natatakot pa rin siya sa kaligtasan ko.
Nag-iimpake ako ng ilang gamit ko nang biglang umulan nang malakas. Sa tuwing
umuulan pakiramdam ko nakikisama sa akin ang panahon. Ang langit ang gustong umiyak
para sa akin dahil tuyo na ang mata ko at wala nang ilalabas pang iyak. Naalala ko
no'ng sumayaw kami ni Hansel sa ilalim ng ulan. Napangiti lang ako nang maalala ko
'yon. I miss our moments, I miss Hansel. I miss his warm embrace, I miss us. I miss
his cheezy lines. I miss him.
Kahit wala akong idea kung bakit niya ako iniwan, maghihintay pa rin ako.
Maghihintay ako sa pagbabalik niya. Sana lang, hindi pa siya sawa sa pagmamahal sa
akin.
* * *
"DADDY, hindi ko na kailangan ng maraming bodyguards para ihatid ako sa Airport.
Wala na naman si Devant 'di ba?" I said pouting.
Imagine ha, sampung convoy ang susunod sa akin para sigurado raw na safe ako.
"Gusto ko lang makasigurado, hija. Alam mo naman na may trauma pa ako sa nangyari.
Ayaw ko nang maulit pa ang dati," sabi ni Daddy.
"Sige na nga. Basta kapag nasa New York na ako, wala ng bodyguards, ah?"
"Okay, my Princess."
Pupunta ako sa New York para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Para makalimot na rin.
Habang nagbabiyahe, hindi ko mapigilan na isipin ang mga nangyari. Kung paano ko
siya unang nakilala. Kapag sinu-sungitan niya ako. No'ng nagtapat siya sa akin.
Even when he saves me from Sanguinarians. Kailangan pa ba na may mangyaring masama
sa akin para makita ko siya? Aalis akong Pilipinas at iiwan ko ang lahat, pero
hindi ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung makaka-move on pa ako,
eh.
Bago ako pumasok sa private jet, nilingon ko muna ang paligid, umaasang makikita ko
siya. But to my disappointment, wala siya. Malakas ang ihip nang hangin kaya
nililipad ang buhok ko pati ang scarf ko.
"Goodbye, Hansel." Hinawi ko ang buhok ko sa mukha ko. Pinikit ko sandali mga mata
ko saka ko inalala ang mukha niya sa isipan ko.
"I love you," I whispered.
l

Chapter 37 - Her life after

Chapter 37
5 YEARS LATER
Ingrid's POV
"GOD! What did you do to your hair?!" Maxhene exclaimed. I just gave her my
innocent look.
"Did what?" I asked like I don't know what's her talking about.
"Your hair! Why did you change the color?" She is almost yelling.
Well, she has the right to lecture me, first because she is my bestfriend-
unbelievable, right?And second because I change my hair color from brunette to
blonde. Yeah, like Barbie doll blonde. Yesterday, I visited my favorite parlor at
nagdye ako at nagpalagay din ng bangs. Pinaiksian ko rin ang buhok ko hanggang
shoulder.
"You're over reacting, Max. Just want to change my image. I'm a fashion designer,
duh?!" I rolled my eyes.
Nakakapagtaka rin na naging bestfriend ko siya. Well, unfortunately pinagtagpo kami
sa NY. Since then, naging inseperable na kami. Dahil sa kanya mas naging madali
para sa akin ang makapag-adopt sa culture dito.
"Whatever! You look like a barbie wannabe!" she said in crossed arms. I gasped.
"You did not just said that!"
"I just did!"
Ganyan kami magbangayan ni Maxhene. Pero gano'n talaga kapag bestfriends kayo,
naglalaitan kayo pero at the end of the day, bestfriends pa rin kayo.
"Anyway, aalis pala ako ngayon. Ikaw na ang bahala sa condo," I said. Share kasi
kami ni Maxhene ng condo. Sobrang lungkot din kasi kapag mag-isa lang.
"Ha? Sabi mo you will sketch me a new design of dress?" she said pouting.
"I said that?"
"Hey! Don't tell me you forgot?" nagtatampo niyang sabi.
"Of course I don't. Nakalagay 'yon sa portfolio ko, kunin mo na lang."
"Thank you!" she squeals then pinches my cheeks and run up to my room. Napailing
na lang ako.
Maxhene isn't the same Maxhene anymore. It's because Denver change her. Malaki
talaga ang nagagawa ng love. Speaking of, may blind date ako mamaya at balak kong
injanin ang kadate ko. It was arranged by my gayfriend, Greg. Wala na akong balak
sumipot sa mga blind date na ina-arrange niya para sa akin. Iyong last na ipin-
adate niya sa akin was a big EPIC FAIL! Guwapo sana si British guy pero mahilig
mangalikot ng ilong! Like eww! So gross!
Kinuha ko lang ang duffle bag ko at saka ako nagdrive papunta sa office. Pagdating
ko, everybody told me na kanina pa ako hinahanap ni bigboss, so I quickly run to
his office. Nadatnan ko siyang may hawak na map.
"Good morning, Sir." Magalang kong sabi.
Mr. Mckinley is a well-known fashion designer, and I work for him as his designer.
I idolized him kaya sa kanya ako nagtrabaho. I know I can put up my own business,
pero gusto ko muna maging empleyado bago hawakan ang business ni Mommy.
"Sit down, Ingrid." He said in a gay tone. Did I tell you he's gay? Well, he is.
"I was looking at this map. Recognize what country is this?" He showed it to me.
"'My country, sir," I answered.
"Yeah. I was planning to branch out McKinley Fashion House there and I want you to
manage it since you are the only one that I can trust with this project." My eyes
widened.
"Are you sure, sir? I mean- Oh, my God. This is a great oppurtunity." Hindi ako
makapaniwala sa sinabi ni Sir. Ipinagkakatiwala niya sa akin ang ganitong project
"Tomorrow you will fly back to Philippines. You will have one week vacation then
after that, you can start working."
Para akong mabaliw na nakangiti nang makalabas akong office ni Mr. McKinley. Agad
akong umuwi at ibinalita kay Maxhene ang good news. Medyo nalungkot siya kasi iiwan
ko siya sa condo.
"Susunod ako after ng aking residency," she said.
"Oo naman," sabi ko habang nag-iimpake ng gamit.
"Alam mo, nakakahiya kang uuwi."
"Ha? Bakit naman?"
"Wala ka man lang boyfriend! Eww!" Pang-aasar niya.
"OA, ah. Loyal kasi ako!"
"Loyal kanino?" mapang-asar niyang sabi.
"Wala!"
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-iimpake. Ayaw ko na siyang isipin. Pero hindi ko
maiwasan na ma-curious kung kumusta na siya.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maaga ang flight ko. Daddy and Mommy don't
know na uuwi ako. It would be a great surprise to them na uuwi na ako. Limang taon
ko na silang hindi nakikita.
* * *
Napabuntong hininga lang ako nang makababa akong eroplano. Mukhang wala namang
pinagbago dito, eh. Same crowd. Same system. Excited na akong makita sila Mommy.
Never kasi akong umuwi neither they visited me. Kahit mga especial occations.
Hinihintay ko ang luggage ko nang mapansin kong may nagkakagulo sa arrival are.
Napansin kong may mga tao, mostly teenagers at may dala-dala silang placard. May
artista siguro.
Nang makuha ko ang luggage ko ay inilagay ko 'to sa stroller ko kasama ng ilang
gamit ko. May mga teenagers na tumatakbo at parang may sinusundan. Pinipigilan sila
ng mga securities dahil bawal sila doon pero hindi nagpapaawat ang mga babae.
"WE LOVE YOU, HARIKO! KYAAH!" Sigaw ng mga babae.
Napapangiting napailing na lang ako. Mga kabataan talaga ngayon.
Sumakay lang ako sa taxi at nagpahatid sa mansion. Nang makababa ako agad kong
tinakbo ang gate at nag-doorbell.
"Young lady?" Agad akong nakilala ng maid. Nginitian ko siya ng matamis.
"Ang young lady, nandito ang young lady." Malakas niyang sabi. Sinalubong ako ng
mga maid, bodyguards at ng butler.
"Welcome home, Young lady." Lahat sila nagbow sa akin. Dinala nang butler ang
luggage ko at saka ako iginiya sa kuwarto ko.
"Mamamaya pa po uuwi ang Senyor at Senyora. Gusto niyo po bang tawagan ko sila
para ipaalam na nandito ka na?" Sabi ng maid.
"Nasaan ba sila?" I asked.
"Nasa board meeting po ngayon ang Senyor. Ang Senyora naman ay nasa shop niya."
"Ah, okay. Sige magpapahinga muna ako," tumango ang maid at umalis na.
Walang nagbago sa kuwarto ko. Kung ano siya no'ng iniwan ko ito, gano'n pa rin
hanggang ngayon. Binuksan ko ang pinto ng balkonahe para pumasok ang liwanag. Bigla
ko na lang naalala no'ng una siyang pumasok dito.
Napapangiti lang ako kapag naaalala ko 'yon. Boy bawang ang dahilan kung bakit kami
nagkaroon ng tampuhan no'n. Nawala pa siya no'n ng matagal kasi sinurpresa niya
ako. Isang napakagandang alaala na pinapahalagahan ko sa puso at isip ko.
Napatingin ako sa dako kung saan ko siya huling nakita at nakausap. Kung saan siya
huling nagpaalam sa akin.
I thought I have moved on. Pero ngayong nagbalik ako. Para bang sariwa pa sa akin
ang lahat. Ang bigat-bigat pa rin sa puso.
Iniling ko ulo ko. Hindi ko na dapat 'yon iniisip. It's all in the past now. Past
that still hurts me everytime I think about it. Pero kahit kailan hindi ako
nakaramdam ng galit sa kanya. Maybe noong una, pero mas nangingibabaw pa rin ang
pagmamahal ko sa kanya.
* * *
"Is that really her, Ington?" I heard someone mumbling from my sleep.
Ang ingay ni Maxhene, ah. Tumalikod ako at tinakpan ng unan ang mukha ko.
"Sshh. Quiet, you'll wake her up," another voice said.
Ugh. Bakit si Denver at Maxhene nag-uusap dito sa loob ng luwarto ko? Pero bakit
kaboses sila nina Mommy at Daddy? Wait- Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang
maalala ko kung saan ako.
"Mommy!" tinakbo ko ang kama at lumundag palapit sakanila. "Daddy!" niyakap ko
silang dalawa gamit dalawa kong braso. Namiss ko talaga sila.
"My Princess..." Daddy said and kissed my forehead.
"Baby, bakit hindi mo man lang sinabi na uuwi ka?" nagtatampong sabi ni Mommy.
"Biglaan din po kasi, eh. At saka my boss grant me a one week vacation,"
"One week lang?" Mommy said in dismay.
"Eh, kasi po after niyan sisimulan ko ng gawin ng project na pinagkatiwala sa akin
ni Mr. Mckinley," I explained.
"Project?" They chorused.
Pinaliwanag ko kay Mommy at Daddy ang sinabi sa akin ni Mr. Mckinley bago ako
umalis sa NY. When I told them na matatagalan ako dito sa Pilipinas ay natuwa naman
sila. Righ now, sa labas kami kakain para sa little reunion namin.
Nasa restaurant na kami at iginigiya kami ng waiter sa table.
"Non-smoking," ang tanging narinig ko na sinabi ni Daddy.
We are in a Korean restaurant at napatingin ako sa flat screen LED na nagpapalabas
ng advertisement. Isang "Frozen Kimchi" ang pinapalabas at kumakain ang isang
lalaki. I narrowed my eyes on the TV dahil feeling ko pamilyar ang mukha ng model
pero agad naman akong hinila ni Mommy paupo. Tiningnan ko ulit ang TV pero nasa
ibang commercial naman ang pinapalabas.
"May boyfriend ka na ba, my princess?" tanong ni Daddy nang makaupo kami.
"'May nanligaw ba sa'yo do'n?" tanong naman ni Mommy.
"May nagustuhan ka naman ba do'n?"
"Eh, crush?"
"Love kaya?"
I gave them poker face. Wala akong masagot sa tanong nila, since lahat ng sagot
dapat sa tanong nila ay HINDI at WALA.
"Answer us, baby. Wala kaming balita sa lovelife mo," makulit na sabi ni Mommy. I
blew my bangs kaya napunta siya sa gilid ng noo ko. Gosh, I love my hair.
"Mom, alam niyo naman ang sagot dyan," I said.
"Oh," nasabi lang nila.
Malamang alam nila kung bakit. Are they disappointed na siya pa rin? Good thing na-
divert ang usapan namin tungkol sa lifestyle ko sa NY. Kunuwento ko sakanila ang
pagpunta ko ng beverly hills na halos ikaubos ng kayamanan ko dahil sa shopping.
Alam na rin nila na kasama ko sa condo sa Maxhene. Sa limang taon kasi na nasa NY
ako madalang akong magkuwento kela Mommy kasi hindi ako tumatawag sakanila.

Chapter 38 - Reunion with Erina

Chapter 38
Ingrid's POV
"MA'AM, ready na po ang lahat," sabi sa akin ng secretary ko sa pag organize ng
Mckinley fashion house gala. Para siyang opening party that we organized nang ma-
settle namin ang lahat. Naisip ko kasing magkaroon ng party para mas makilala ang
MFH sa Pilipinas.
"Very good. Sino nga pala iyong models natin?" I asked while scanning my portfolio
design na susuotin ng mga models ko.
"Nilagay ko po iyong mga profiles nila sa desk niyo," sabi niya.
"Ah, okay," tumayo ako at pumasok sa office ko. Nandoon nga sa desk ko 'yong
yellow folder.
Ang un akong nabasa ay ang pangalang Hariko. Ah! Pamilyar sa akin ang pangalan
niya. Saan ko ba 'to narinig o nakita?
May whole body picture na naka-attach sa likod ng profile at halos manlamig ang
buong katawan ko nang makita ko kung sino ito.
"H-Hansel?" I murmur.
Is it possible? No. He can't be. Malamang kahawig niya lang 'to. He has a dirty
blonde hair and it is said that he is twenty-seven years old. Binasa ko nang maigi
ang kanyang profile. He was a model and an endorser. He was half Filipino and half
Korean. Magkasing height sila ni Hansel at halos magkapareho rin ng built ng
katawan.
Nanginginig ang mga kamay kong in-on ang aking desktop. Agad kong binuksan ang
google browser at sinearch ang "Hariko".
Halos mapapikit ako nang makita ko ang result. Para silang pinagbiyak na prutas.
His name is Hariko Choi and was born in South Korea and is currently residing in
China. He can speak English, Mandarin, Korean, and Filipino.
I clicked the videos and I saw a lot of fancams, TV commercials, and TV guestings.
Siya 'yong nasa commercial sa frozen kimchi. Siya rin 'yong pinagkakaguluhan sa
airport noon.
Pero alam ko. Hindi siya ang Hansel. He has fair complexion but a little bit
flushed. At wala siyang aura na kagaya sa kanya.
"Gean!" tawag ko sa secretrya ko. Hindi ako bumibitaw sa titig ang picture nitong
si Hariko. Pilit kong tinitingnan kung ano ang pagkakaiba nila ni Hansel.
"Yes po, ma'am?"
"Kilala mo ba itong si Hariko Choi?" I asked. Nakita kong bigla siyang napangiti
and I can see her eyes twinkled.
"Sikat po siyang model sa South Korea at unti-unti na po siyang sumisikat sa buong
mundo," sabi nito na halatang kinikilig.
"Matagal na ba siyang model?"
"Ang alam ko po ay matagal-tagal na rin siya sa pagmo-model." Sagot nito. That
answers my question. Hindi nga siya si Hansel. Kamukha lang niya talaga.
"Sige, you can go back to what you're doing," I said then closed my browser.
Lumabas akong office at pumunta sa pantry. I made myself a coffee. Doon ko napansin
na may mga dinidikit ang mga empleyado ko na posters sa bawat wall ng department.
It was a poster of that Hariko at may kasama pa siyang dalawang lalaki.
Nilapitan ko ang poster at sa kanya lang nakatingin.
"Ma'am nasa baba na raw po ang mga models," biglang sabi sa akin ni Gean kaya bigla
akong kinabahan.
"Papuntahin mo sila sa greenroom. Susunod ako," I said trying to keep my cool.
Halos maubos ko na ang kape sa isang lagukan lang. Shit! Why am I nervous? Epekto
ba 'to ng 3 in 1 coffee? Sanay na akong makakita ng artista, hollywood pa nga, eh.
Stress lang ata ako. Oo 'yon lang 'yon.
Nagpabalik-balik ako sa loob ng office ko habang nakahalukipkip. I am not like
this. Kahit kailan hindi ko 'to naramdaman kahit noong baguhan pa ako sa work. Lagi
akong confident, at ngayon lang ako hindi makapag concentrate sa trabaho dahil sa
model na 'yon.
I decided na bumaba at pumuntang greenroom. Busy ang lahat sa loob. Nakita ko ang
mga models na naka-upo at inaayusan na. Si Gean naman ay busy sa pagche-check ng
mga susuotin sa photoshoot.
"Miss Sy!" napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Simone, our photographer.
"Is everything okay?"
"Yes. Except, 'yong isang model ay medyo ang hirap pakisamahan," nakanguso niyang
sabi. Napangiti lang ako kay Simone. I have known her for quite some time and she
doesn't like a diva.
Lumapit naman sa akin si Gean and she look so relieved seeing me. May katabi siyang
lalaki na nasa thirties na.
"Ma'am, this is manager Hyun. He's handling our models. Sir, this is our head
designer, Miss Ingrid Sy," pagpapakilala ni Gean sa amin kaya agad akong ngumiti.
"Nice to meet you, Miss Sy. Mr. McKinley told me so much about you. Come, I'll
introduce you to our models," nakangiti niyang sabi. His accent sounded more like
Koreanish though he is fluent in English.
Nilapitan namin ang tatlong lalaki na mukhang Koreano. They're all smiles except
from him. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Miss Sy, this is my talent. Kio, Sai, and Hariko," lahat sila ay nag bow sa akin
at hindi ko alam kung gagayahin ko ba sila o ano.
"Anyeonghaseyo," Kio and Sai said with a cheerful face.
"Hi," tipid ko lang na sabi. Eh, wala naman akong alam na salita nila, eh. Nakita
kong pasimpleng siniko no'ng Sai si Hariko kaya napilitan itong nag bow sa akin.
"Hello," he said in a low voice.
I met his gaze. He has a dark chocolate eyes and I was waiting for it to change
from brown to red pero hindi 'yon nangyari. Of course because he is not Hansel and
he's not a vampire.
No'ng nagsisimula na ang shooting, napansin kong napaka-jolly nilang lahat. Lahat
masaya except sa isa. That Hariko guy. Katabi ko si manager Hyun at sa tingin ko ay
napansin niyang kay Hariko ako nakatingin.
"He's a snob one," manager commented. "He never smile except if it's necessary.
But that attitude makes more mysterious and girls falls for it." He continued.
I nodded. Just like my Hansel. Ugh! I should stop comparing him to my Hansel.
Because if it's him, he'll never ignored me.
Nag-ring naman ang phone ko so I excused myself to answer the call. Unknown number
siya. Lumabas ako ng room at pumunta sa balkonahe ng office.
"Who's this?"
"Ateeee!"
Agad kong nailayo ang phone sa tainga ko. What the hell!
"SINO KA BA-"
"Ako 'to, Erina."
Parang nagprocess sa utak ko kung sino ang kausap ko. At halos manlaki ang mga mata
ko nang ma-realize kong si Erina nga ang kausap ko.
"Erina? As in, Princess Erina Kang?" paninigurado ko pa.
"Yup. Can we meet? Nasa mundo niyo ko. Maxhene told me na umuwi ka na raw so I'm
really excited. Kyaah! So, let's meet. I'm here at Cafe Linei."
"Sige-sige. Tapusi-"
"NOW NA ATE!" then she hang up.
Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang choice ko kapag si Erina ang humiling.
Besides, I really missed her. I told my secretary na aalis lang muna ko, tumango
lang siya. Masyado siyang name-mesmerize sa kaguwapuhan ng mga models.
Nagmamadali akong tumakbo pababa ng building nang may humila sa akin.
"Aww!" Nagulat ako sa sobrang lakas ng hatak niya na halos mapalapit na ako sa
kanya. Natural na nanlaki ang mata ko kung sino 'yon.
"What are you doing?" pataray kong tanong.
May shooting pa siya, 'di ba? Then this Hariko guy just pulled out of nowhere at
ngayon ang sama ng tingin niya sa akin as if may ginawa akong mali sa kanya. Dahil
sa sobrang lapit niya sa akin ay natitigan ko ang mukha niya. Ang init din ng kamay
niya na nakahawak sa braso ko.
"Who are you?" he asked.
Blanko ang expression niya at 'di ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Hindi niya
ba narinig na ipinakilala ako ni manager Hyun?
"Huh? I'm your client. I manage-"
"I'm not asking for your position. I wanted to know your name. Who are you?"
kunot-noo pa rin niyang tanong pero medyo maluwang na ang hawak niya sa braso ko.
"Ingrid. Ingrid Sy," seryoso kong sabi.
Bigla niya akong nabitawan at dahan-dahang napahawak sa ulo niya. It looks like he
has headache or something.
"Are you okay?" nag-aalala kong tanong. Lalapitan ko sana siya pero nasigawan lang
ako.
"Don't come near me!" he shouted like he was in severe pain.
"But-"
"I said don't come near me!" Naglakad siya paakyat habang sapo pa rin ang ulo. Ano
ba'ng nangyayari sa kanya? Parang baliw.
* * *
"ATE!"
Papasok pa lang ako sa Cafe ay sumisigaw na si Erina. She looks a little matured at
may something nagbago sa kanya, 'di ko lang mawari kung ano.
"Kyaah! Namiss kita, Erina." Tumayo siya tapos niyakap namin ang isa't-isa. Dahil
hyper siya at tumatalon habang yakap ako. Napatalon na rin tuloy ako.
"Agad akong lumabas nang nalaman kong umuwi ka. Grabe! Kailangan ko pang tumakas.
May queen's lesson kasi ako ngayon," humagikhik siya. Pag-upo ko sa table namin,
may nakaready ng frappuccino. "Inorder ko 'yan para sa'yo ate. Para kunwari sa
akin," Sabi niya pa.
"Bakita ka pala may Queen lesson?" curious kong tanong.
"Sa next Eclipse kasi kokoronahan na akong Reyna.," kibit balikat niyang sabi.
Nanlaki naman mga mata ko. What? Siya na ang papalit kela King Vladimir at Queen
Veruca?
"Sino'ng King mo? May asawa ka na?"
"Ikakasal ako sa Eclipse. S-si Cris, Ate, ang mapapangasawa ko," she said
giggling.
"Omg! Talaga? Wow!"
"Hanggang ngayon kasi, Ate, nawawala pa rin si Kuya. Pakatapos niyang... Basta
wala na kaming balita sa kanya," nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Hindi ko
mapigilang malungkot din.
"Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit niya ako iniwan. Nakakatampo talaga
siya. Pero kahit gano'n pa man, mahal na mahal ko pa rin siya,"
Nararamdaman ko na naman ang sakit. Parang tinutusok ang puso ko. Hinawakan ni
Erina ang kamay ko at piniga 'yon. Naramdaman ko ang lamig nito. Kagaya ng lamig ng
balat ni Hansel. Kailan ko kaya ulit mararamdaman ang yakap niya? Ang malamig
niyang balat? Ang mga ngiti niya. Ang mga corny niyang jokes at cheezy lines niya.
"Ate, may kailangan kang malaman," seryoso niyang sabi. Napatingin lang ako kay
Erina at hinihintay ang sasabihin nito. "Ate,"
"B-bakit?"
"Si Kuya..."she paused. "Si Kuya wala na!" then she started crying.
Chapter 39 - Arrogant Guy

Chapter 39
Ingrid's POV
HINDI ko alam ang mararamdaman ko dahil sa sinabi ni Erina. Hindi ko kayang
tanggapin na ginawa niya 'yon. At ang hindi ko matanggap ay dahil sa akin kaya siya
nagdesisyon na gawin 'yon. And now he's missing.
"Si Kuya wala na!" she started crying.
"W-what do you mean na wala na?" kabado kong tanong.
"H-he went to... He went to Italy for conversion. That's also the reason why I am
going to get the crown," malungkot niyang sabi.
"Wait. Hindi ko maintindihan. Anong conversion?" gulong-gulo kong tanong.
"Conversion. He converted his self into a human. He's now a mortal."
Parang nag process ang sinabi ni Erina sa akin. He turned to what?
"Hindi sa akin sinasabi nina Mommy at Daddy. Nabasa ko sa sulat niya,"inabot niya
sa akin ang luma at medyo maduming papel.
To my Family,
This decision I made has nothing to do with anyone. I am fully responsible for my
decision and please don't blame Ingrid. Turning into a human will be hard but this
is all I can think whenever I think of her. I love her so much that I am willing to
give up my immortality and throne. I'll be back as soon as I can.
-Hansel
A tear fell on the paper. Him turning a human is not what I wanted. Sobra-sobrang
pag sasakripisyo 'yon kapalit sa pagmamahalan namin.
"W-where is he then?" I asked.
"We don't know, Ate. After hearing the news na converted na siya, wala na kaming
narinig tungkol sa kanya. He can always contact us pero matagal kaming naghintay at
hindi siya dumating. Even Daddy checked on him in Italy but he's not there. Wala na
kaming alam tungkol sa kanya ngayon," malungkot niyang sabi.
"This is all my fault. Dahil sa akin kaya niya 'to ginawa. Galit ba sa akin si
King Vladimir at Queen Veruca?"
"Oh no. Don't think that way, Ate. Hindi sila galit sa'yo. Nag-aalala pa nga sila
kasi alam naming miss mo na si Kuya."
He's now a mortal. Pero bakit hindi na siya nagpakita sa akin? Hindi kaya nakatagpo
siya nang ibang babae na mas maganda at nagustuhan niya agad. Baka Italyana pa.
Pero atleast sana naman nagpakita siya. Formal break up man lang sana. He should
atleast say goodbye and-
"Woman!"
Napahinto ako sa paglalakad. Sino ang tumatawag sa akin? Hindi ko na lang pinansin
at nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Hey!"
Napahinto na naman ako at lumingon. I saw someone running towards me with his
prominent poker face.
"W-what are you doing here? Did you follow me?" nakataas kilay kong sabi kay
Hariko. Nakakapagtaka na nandito siya. Hindi ba siya takot sa mga paparazzi?
"Mr. Mckinley wants to see you," walang emosyon niyang sabi.
Ah si Mr. McKinley-
"WHAT? OMG! I have to go,"
Iniwan ko na siya at tumakbo pabalik sa opisina. Hindi pa ako nakakakalahati sa
takbo ko nang may humigit sa braso ko.
"What?" naiirita kong sabi.
"Don't run. You should walk," he said.
"But Mr. McKinley-"
"It's a joke,"
"Huh?"
"Mr. Mckinley just called through skype, he's not really looking for you," he said
and smirked.
"What?! Ikaw na lalaki ka, pinagtitripan mo ba ako, ha? Kung hindi ka lang guwapo
kanina pa kita sinapok!" naiinis kong sabi. Pinagloloko lang pala ako ng buwesit na
'to.
"So guwapo ako?" he said grinning.
Nanlaki naman mga mata ko. Ugh! Bakit ko ba nakalimutan na marunong siya
magtagalog?!
"Wala akong sinabing guwapo ka! Tse!" Inismiran ko siya tapos naglakad palayo.
Bakit ba ako pinansin ng hilaw na Koreanong 'yon?! Nasaan na 'yong sinabi ni
manager na 'the snob one'?
"Hey, Miss! Wait up!" I heard him shout from afar pero hindi ko siya pinansin.
Bahala siya. "Retarded! I said wait!" Sigaw niya.
Natigilan naman ako. Nakakunot na nilingon ko siya.
"A-anong sabi mo?"
"I said, you're a retard," he smirked.
"Where did you get that word?"
Gusto kong matawa sa tanong ko. Stupid Ingrid! Everybody knows that word!
"From dictionary, stupid." Umiiling-ling pa siya. Nilapitan ko siya. Nakatuon ang
mga mata ko sa mukha niya. Pakiramdam ko kami lang ang tao sa paligid. I slowly
lift up my hand and touch his cheeks.
"H-Hansel," A tear fell down my cheeks.
"Huh?" Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa. Nagulat ata siya sa ginawa ko.
"You're my Hansel," tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha sa mata ko. I saw him
frowned. "Yyou came back," I almost whispered then closed my eyes.
Flick! Flick!
Pareho kaming natauhan nang may mga camera flashes na umilaw sa amin.
"Shit!" bulalas niya. Hinigit niya ang braso ko at hinila ako patakbo palayo sa
mga media.
"Where are we going?!" I asked while running. Oh geez! Seriously? They're chasing
us!
"Anywhere!" he shouted.
I feel like a criminal running for our lives. Napapatingin sa amin ang mga
madadaanan namin and everyone is gasping seeing me and Hariko running.
Nagtago kami sa gilid ng isang boutique at hingal na hingal na sumandan sa pader.
"Haah... What... Haaah... Is that... Haaah..." I said while chasing my breath.
"The... media," hinihingal niya ding sabi. Napapikit ako at pinilit gawing normal
ang paghinga. Ang hirap. Nahihirapan ako.
"H-hindi... A-ako... M-makahinga," hawak-hawak ko ang dibdib ko habang humihinga
nang malalim. Malamang inaatake na naman ako ng asthma.
"What? Do you want me to bring you to hospital?" I saw a concern expression on his
face.
"N-no. I'm fine," I lied.
"No, you're not!"
"I-I'm fi-" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong binuhat na parang
pangkasal. Lumabas kami sa tinataguan namin at naglakad siya pabalik sa office na
parang walang nangyari. Pinilit kong bumaba sa pagkakabuhat niya pero ang higpit
nang pagkakahawak niya sa akin.
May mga kumukuha nang picture sa amin at karamihan ay nasa media. Itong lalaking
bumubuhat sa akin ay parang wala man lang pakialam na maaring ma-issue kami.
"I-I'm okay now. You can put me down," I whispered.
"No," he said without looking at me. Mas matigas ang ulo nito kesa kay Hansel.
Err, I should stop comparing him to my Hansel. Hansel is different. Way different.
Nakita kong malapit na ang building ng office ko kaya medyo nakahinga na ako nang
maluwag. Akala ko dadalhin niya akong hospital. Baka magfreak out pa sila Mommy
kapag nalaman nila. Maingat niya akong ibinaba sa loob ng building. Since nandoon
iyong ilang media para sa fashion week na gaganapin bukas, nakuhanan nila kami ng
litrato. Napabuntong hininga ako. Ayokong sumikat dahil sa intrigang mangyayari.
Gusto kong sumikat bilang fashion designer. Pati mga empleyado ko at receptionist
sa baba ay sa amin nakatingin.
"There's no show here so stop staring," Hariko said while walking to the elevator
and his two hands inside his pocket. I must admit, he look so cool there.
Nagmamadali akong bumalik sa office ko. Napadaan ako sa greenroom na ino-occupy ng
mga talent ni manager Hyun at narinig kong pinapagalitan niya si Hariko.
"I told you not to make scene! You hard headed little brat! What should I do to
you? This issue will surely reach Korea. Have you ever think that Miss Sy might get
in big trouble? Your fans might bash her!" I overheard manager lecturing him.
"Are you done with the homily? I really don't care about her. It's so happen that-
Ugh! Never mind!" Hariko said.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto and Hariko saw me eavesdropping. Oh no! Tinignan
niya lang ako ng masama at saka ako hinarap.
"Don't flatter yourself to much, Miss. On the other side, I am actually used here.
I am giving you the previledge to get exposure to be known to fashion world," he
said and give me a smirk. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Why is he so mean
to me? Ang sama ng ugali niya.
"Huwag kang feeling! Buwesit ka! Ugh!" padabog akong umalis doon at pumunta sa
opisina ko. My day is perfectly ruined by that arrogant Hariko. I am now wondering
why girls loved him. He has the most nastiest and ugliest attitude I have ever
known.
{{?Al

Chapter 40 - Let us love

Chapter 40
Ingrid's POV
INILAPAG ko ang sulat sa harapan ni Daddy na busy sa pagbabasa ng reports. Nasa
opisina niya ako ngayon at sinadya ko talagang pumunta sa kumpanya niya. Binasa
niya ang sulat. Halatang nagulat siya kaya tumikhim siya bago nagsalita.
"So, he really did it," he seriously said.
"At may kinalaman talaga kayo dito?!" hindi ko makapaniwalang bintang sa Daddy ko.
"It was his choice. I just gave him an option. I never thought na gagawin niya
talaga. Since it was 5 years ago, akala ko nagtago na lang siya kasi hindi na siya
nagpakita pa sa'yo,"
"What option? To be a human? God! I don't want him to be a human. I love him the
way he is. I love the creature you despise so much! At ngayon nawawala si Hansel.
Pati pamilya niya walang alam kung nasaan siya!" Gusto kong sigawan si Daddy pero
hindi ko magawa. Nanghihina pa ako sa sobrang dami ko na namang nalaman. After all,
Daddy ko pa rin siya. Kaya kahit madami na siyang kasalanang nagawa sa akin, I can
still find it in my heart to forgive him.
"It doesn't mean na nagpakatao ka para kay Mommy ay gagawin mo na rin kay Hansel.
Alam mo naman na Prinsipe siya, 'di ba? Alam niyo bang ayaw ni Erina na maging
Reyna ng Vampire City? Pero wala rin siyang choice kasi nga tao na ang dapat
magmana ng korona! Haven't you even though about that?" I continued.
"Ginawa ko 'yon kasi gusto kong maging masaya ka. He convinced me na tanggapin ko
siya. That day na pumunta siya sa mansion to confront me. Before he broke up with
you-nagmakaawa siya na hayaan ko kayong dalawa na magmahalan. Pero ayaw kong
pumayag dahil natatakot ako na mapahamak ka,"
Ington's flashback
"MAHAL mo ba talaga ang anak ko?" tanong ko sa kanya.
"Yes, sir. Mahal na mahal ko ang anak mo," he answered without hesitations.
"Gagawin mo ba ang kundisyon ko para sa anak ko?" Tanong ko pa sa kanya.
"Para kay Ingrid, oo."
"Very well. Layuan mo siya. 'Yan ang gusto ko..." Tumayo ako at lalabas sana sa
study room pero hinarang niya ko.
"Hindi 'yan ang gusto ko. Bakit ko siya lalayuan kung mahal ko siya? Bakit ko siya
lalayuan kung alam kong kakamuhian ako ni Ingrid. Please sir, nagmamakaawa ako.
Please let us love," bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nakita kong may tumulog luha
sa sahig. "Please let us love," he whispered but enough for me to hear his sobbing
voice.
"Stand up," I said.
"N-no. Hindi ako tatayo rito hanggang sa hindi ka pumapayag," he said with so much
determination.
"Bahala ka."
Tinalikuran ko siya. Akma akong lalabas ng study room nang bigla siyang magsalita.
"Tatanggapin mo na ba ako kapag tao na ako?" nagulat ako sa sinabi niya. Tinignan
ko siya. Nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sagot. "If I'm going to convert
myself, will you let me be with my Ingrid?"
Matagal bago ako sumagot. Tiningnan ko lang siya at hinihintay na bawiin niya ang
sinabi niya.
"You're willing to do it?"
"I am."
"We'll see about that. Kapag nagawa mo na, saka kita tatanggapin. Ang gusto ko
ngayon ay hiwalayan mo ang anak ko. Saka mo patunayan na mahal mo siya."
Ingrid's POV
"NAISIP mo ba ako Daddy? Kung ano mararamdaman ko? You provoked him! Ikaw nagtulak
sa kanya na gawin 'yon. Hindi niya maiisip ang bagay na 'yon kung hindi ka naging
mahigpit sa kanya!" I said almost crying.
"I'm sorry, my princess."
"Please, don't be sorry. You might as well enjoy seeing me miserable with my life
without him."
With that, I left. I really can't accept the fact that Daddy was behind all this.
I left Daddy's company. Madilim na at gusto ko na ring magpahinga. Pumasok ako sa
kotse ko at nagdrive pabalik sa sub. Wala sa sariling pumasok ako sa mansion.
Nakita ko si Mommy na nasa sala at may hawak na tablet.
"Baby, check this out," I kissed her cheeks at saka niya sa akin ipinakita ang
screen ng tablet niya. My eyes widened reading the news.
'Well known fashion designer, Ingrid Sy, from New York City was caught being
carried by Korean Model Hariko Choi. After being seen by many, every witness said
that Hariko hold Miss Sy's hands and runaway. Fans all over the world starting to
hate her and starting making a social media riot. (source nonokpop.com)'
"I cannot believe it!" I exclaimed after reading the news. May picture rin na
karga-karga ako ng yabang na 'yon.
"Nagkita na pala kayo ulit ni Hansel, hija? Bakit pala Model na siya?" tanong ni
Mommy.
"Mom, he's not Hansel. Kamukha lang po. Believe me, akala ko rin siya yan," sabi
ko at saka pabagsak na umupo sa couch.
"Talaga? Wierd. They really are alike. Anyway, bakit ka naman nali-link dito sa
Korean Model na 'to? Don't tell me siya na ang ipapalit mo kay Hansel porke't
kamukha niya?" Mom gave me a wierd look. I rolled my eyes heavenwards.
"Ugh! Mom, hindi, 'no. Nag-uusap lang kami diyan tapos binigyan na nila ng
meaning. We're not even in good terms you know. That guy is an arrogant jerk,"
nakasimangot kong sabi. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya kanina.
Nakakainis siya. Akala mo kung sinong sikat.
"Oh. Pero kung kayo ang magkakatuluyan-"
"Mom! Stop it will you?!"
"Okay. Okay. Ikaw naman. Hindi ka na mabiro," sabi ni Mommy. Napailing na lang ako.

Naiinis ako. Nakakainis talaga!


Pumasok ako sa kuwarto ko at nahiga. Such a long day. In just one day and dami kong
malaman. Ayoko na! I wanna go back to New York. I wanna live free. I wanna shop
kasama si Maxhene. I miss my bestfriend. Kung tawagan ko kaya? Ah huwag na. Umaga
ngayon sa new york at baka nasa hospital siya ngayon. Minsan nawiwierduhan ako sa
vampirette 'yon. Buti nga immuned na siya ng dugo ng tao.
I opened my drawer para kunin ang multi vitamins ko nang makita ko ang pahabang red
velvet box. Kinuha ko 'yon at dahan-dahang binuksan. Tumambad sa akin ang kwintas
na binigay niya sa akin noong royal ball. Napangiti ako. 'Yon 'yong moment na
feeling ko Princesa ako.
Pumunta ako sa tukador at tiningnan ang sarili sa salamin. Isinuot ko ang kuwintas
at pinagmasdan ito. I closed my eyes and imagining it was Hansel behind me wearing
the necklace for me.
"I missed you so much, Hansel," I whispered while my eyes closed.
When will I see you again, Hansel? When we will be happy again? Another tear fell.
I opened my eyes and slowly wiped my fallen tears on my cheeks.
"Hihintayin kita, Hansel. No matter how long it takes me to wait. I'll wait for
you," I said while looking at his mirage. He gave me a sweet smile before fading
away in the mirror. I extend my arms para abutin siya but he was gone. Isang
illusion. Napayuko ako at napahagulhul. You'll always in my heart, Hansel.

Chapter 41 - Signs, Dream & Flashback

Chapter 41
Ingrid's POV
I TRACED my fingers on my silky ankle-length black tube dress that was bare at my
back. My hair was in a tight bun, emphasizing my emerald green earrings.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Mas tumangkad ako ng konti dahil
sa aking five inches stiletto. Isinuot ko ang kuwintas na bigay ni Hansel noon.
Lagi ko itong isinusuot everytime na may party akong pinupuntahan dahil pakiramdam
ko kasama ko siya.
Sumakay ako sa aking red porsche at agad na pinaharurot 'yon. Yes, wala akong
driver. I think woman wearing a gown while driving is sexy. Ewan ko kung saan ko
nakukuha ang self-confidence kong ito pero kanina pag gising ko, I felt someone
new. Parang ibang Ingrid ang sumanib sa akin. Pakatapos kong umiyak kagabi, parang
na revitalize ang feeling ko.
I parked my car in front of the hotel. Tonight's the night. The big launching of my
own designs. Mr. McKinley will be there. My parents will be there. Everyone on the
fashion world will be there.
As expected, camera flashes was on me the moment I'm out of the car. Inabot ko sa
valet ang susi ng kotse ko at naglakad sa gitna. How I love walking at the red
carpet. Every attention is on me.
"Miss Sy, how is it true that you and Hariko is in a secret relationship?" the
reporter asked me. I just gave him a smile. Kahit nairita ako sa unang bungad sa
akin ay nakangiti pa rin ako.
"How do you handle bashers online?"
"Miss Sy, how did you and Hariko met?"
"Are there sparks?"
Parang gusto kong matawa sa mga tanong nila. Sparks? The only spark I am seeing is
the camera flashing at my right side. Kinukuhanan nila ng pictures ang aroganteng
si Hariko. Our gazes met. He winked at me at hindi 'yon nakaligtas sa mata ng
media. I can hear murmurs.
I sighed when I entered the great hall. I can see all my designes being criticized
by fashion critics. Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa braso ko. Napatingin
ako sa kanya.
"What are you doing?" I said annoyed but still smiling.
"I am giving you the fame you needed," he shrugged.
"Jerk! I don't need you! Besides-"
"So here's the hot topic," Mr. Mckinley said walking towards us.
"I'm glad you made it, sir." I said feigning a smile. Hindi nawawala ang
makahulugang ngiti sa labi niya.
"Of course. I wouldn't miss it for the world. Specially if the humors I am hearing
were true. So you two are really going out?" Mr. Mckinley looking at us very
amused.
"N-no-"
"Yes, we are." Putol sa akin ng aroganteng katabi ko. Doon ko lang narealize ang
sinabi niya.
"We are?" I asked.
Pinandilatan ko siya na parang sinasabing bawiin-mo-ang-sinabi-mo-or-you'll-be-
dead-meat pero hindi siya natinag.
"Cute innocent Ingrid. Don't play around, missy. You don't have to deny. Anyway,
you gotta enjoy this event since this is yours. And by the way, I am impressed by
your work." Mr. Mckinley winked at us and leave.
"Why did you say that?!" baling ko sa kanya nang nakaalis na si Mr. Mckinley.
"Aren't you enjoying this, Ingrid? Sticking up with me will make you famous," he
said and smirked.
"I'm famous already! I don't need you!" singhal ko sa kanya. Napansin kong
nakatingin siya sa dibdib ko. I mean sa upper chest ko. What is he staring at?
He groaned inwardly and cupped his head like he is in pain or something. Nagulat
ako nang bigla siyang na-out balance. Mabuti na lang at agad ko siyang naalalayan.
"H-hey." Nakahawak ako sa dalawa niyang balikat habang nasa balikat ko ang ulo
niya.
"Are you okay?" inangat niya ng konti mukha niya kaya nakita ko sa expression
niya. Masakit kaya ulo niya? Sinalat ko ang leeg niya pero normal naman ang
temperature niya. Pangalawang beses na 'tong nangyari sa kanya na kasama ako.
"Hariko, you okay bro?" tanong sa kanya ni Sai nang makita kami.
"What's with him? He always do that whenever he's around me," I said to Sai.
"We are used to it. He always complain about his headache," pinaupo namin si
Hariko sa isang stool at pinainum siya ng tubig ni Sai.
"Have he consulted a doctor?" I asked.
"Nah. He don't like doctors," tumango na lang ako.
"I'm fine," he said when he recovered. Nakita kong namumula ang kanyang tainga.
Hindi kaya may sakit ang lalaking 'to?
Sinamahan na siya ni Sai sa backstage para sa peparation for runway. Hindi na ako
sumama sa kanila kasi aasikasuhin ko pa ang mga VIP's. Mga empleyado ko na ang
bahala sa backstage. Alam na nila ang gagawin nila. And they will only call me kung
may problema.
Handa na ang runway stage. Lahat kami nakaupo sa gilid at hinihintay na lumabas ang
mga model. The stage was U shaped that allows two models to walk at the same time.
The theme of my design was the four elements of the earth.
The music blasted from the four corners of the hall and the models started to walk
on the runway stage. Ang unang lumabas ay ang mga local models at ang huli ay ang
mga foreign at isa na doon si Hariko. Maging sa runway stage ang seryoso niya. Kaya
pala kahit ganyan siya ay madaming babae ang nagkakagusto sa kanya. His mysterious
aura can make people drawn in him. Kahit nakikita ko sa kanya si Hansel, tanggap ko
na sa sarili ko na hindi siya 'yon. Okay, may pagkakapareho sila ng ugali minsan.
Pero ayaw ko nang bigyan ng dahilan ang sarili ko na umasa pang muli. Masasaktan
lang ako.
"And let's give a round of applause for the lady who's behind all these genius
creation, Miss Ingrid Sy," the emcee announced.
Confident na umakyat akong stage. They gave me bouquet of flowers and all I can
hear is a loud applause. I saw my parents and I know they are very proud of me. One
last bow ang binigay ko at saka ako bumaba sa stage at dumeretso sa back stage.
Nandoon silang lahat at nagbibihis na.
Ano pa bang most anticipated event after ng runway, eh, 'di ang party. They all
congratulated me for the success of the fashion gala.
"Congratulations," a voice behind me said. I turned around and saw him with his
left hand on his pocket.
"Thanks," sabi ko.
Nilapitan niya ako. He's now wearing a black tux and his hair was neatly brushed up
and he looks so handsome.
"Tomorrow we'll be leaving," he said.
"Ah," simple kong tugon.
"Before I leave, there's just one thing I wanted to ask you," seryoso niyang sabi.
"What's that?" medyo kinakabahan kong tanong.
"What's your waistline? You look huge," he said and smirked. Napasimangot ako.
Napakawalang kuwenta talaga ng lalaking 'to!
"Buwesit ka! Wala ka na bang alam kundi bwesitin ako?! Peste ka! Ugh!" naiinis
kong sabi. Narinig ko naman ang malakas niyang tawa kaya bahagya akong natigilan.
"You know I can understand tagalog so don't say those terrible things to me. Hindi
ako peste,"
"Whatever! Jerk!" singhal ko at saka siya iniwan. Kung wala siyang ibang gagawin
kundi ang bwesitin ako, ako na lang lalayo para hindi masira gabi ko.
"Wait. Hey, Ingrid. Wait,"
Hindi ko siya pinansin at derederetso lang akong lumabas sa hotel at narrating ko
ang isang malawak na carpeted grass na may mga puno sa gilid at may landscape sa
unahan at sa gitna nito ay malaking old well.
"Hey, wait for me. Ingrid!"
Huminto ako at saka ko siya hinarap nang nakasimangot.
"What do you want?!" I hissed.
"Can you talk to me in tagalog?"
"Why?" I asked with doubt. Baka mamaya kung ano na naman ang binabalak nito.
"I don't know. Maybe I just want to know if I can still speak fluently in
tagalog," he shrugged. I rolled my eyes heavenwards.
"Puwede ba, h'wag mo nga akong kausapin?!" I snapped at him.
"You have a beautiful necklace," sabi niyang nakatingin sa kuwintas ko. Nahawakan
ko ito bigla saka napatingin sa kanya. "Who gave it to you?" he asked.
"M-my... My b-boyfriend," sagot ko.
Nagbago bigla ang hitsura niya. His aura darkened. Parang hindi niya nagustuhan ang
sagot ko. Or hindi siya naniniwala na may boyfriend ako. Eh, ayaw ko namang sabihin
na bigay 'to ng ex ko. Hindi kami close para magkuwento ako sa kanya sa nakaraan
ko.
"So you already have a boyfriend. What's his name?" he asked.
This is getting awkward. You were being asked by the look alike of your boyfriend.
Then what's next? I'm telling him that 'Hey, you actually look like him' No. I
can't do that. That will be perfectly awkward.
"H-hansel," I answered. Bigla siyang nagulat at nanlaki ang mata. Gaya kanina,
nakita kong napapikit siya. Masakit na naman ba ulo niya?
"Are you okay?" nag-aalala kong tanong. Tumango siya at tumalikod. Iniwan niya ako
sa garden habang tinatanaw siya palayo. Ang weird naman.
* * *
Hariko's POV
SHE has a boyfriend named Hansel? Seriously, I really don't understand why I don't
like the idea of her having a boyfriend. I arrived at my hotel safe and sound.
Manager Hyun didn't even know I'm here. Alam kong magagalit siya kapag nalaman
niyang nagtaxi lang ako pabalik sa hotel na tinutuluyan namin.
Nang makapasok ako sa room ay agad kong binuksan ang maleta ko at inilabas ang red
velvet box. Inside was a ring same as the ring I am currently wearing. Eunice told
me that it was from my friend. A guy named Hansel gave it to me. He was suppose to
give it to his girlfriend named Ingrid.
Coincidence lang ba na ang pangalan ng boyfriend ni Ingrid ay Hansel? Sila ba ang
kaibigan na sinasabi ni Eunice? Hindi ko rin maalala. I removed my ring from my
finger and read the engraved letter inside the it.
Hanse & Ingrid
Sila kaya 'yon? Pero kung pag-aari ni Hansel ang singsing na ito, bakit gusto ko
siyang isuot lagi? Bakit pakiramdam ko akin talaga ito? Bakit wala akong maalala na
Hansel? Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Eunice noon...
"You have amnesia, Hariko. You tend to forget things once in a while." She always
said.
Eunice is my secret girlfriend in China. No one knows na may girlfriend ako. Bawal
kasi nasa kontrata pa ako. Naintindihan naman 'yon ni Eunice, she said she's
willing to wait. Eunice helped me since I am an orphan.
Hindi ko alam kung paano kami nagkakilala pero isang araw nagising ako sa hospital
sabi niya girlfriend ko siya. Kahit wala akong maalala, pinaniwalaan ko siya dahil
wala akong choice.
Nahiga ako sa kama at ipinkit ang mga mata. Ingrid's frowning face appear in my
head. Napangiti ako. Bakit ba ang dali niyang mainis sa akin? Inaasar ko lang naman
siya, eh.
"Hello, Maxhene? Maxhene nagawa ko. Nagawa ko na," I saw the man with blurred face
said on the other line.
"Really? That's good. Nandito siya sa New York. I'll wait for you here. Bilisan
mo," sabi ng babae sa kabilang linya. Weird, but I can hear their conversation on
the phone.
Pababa ang lalaki sa abbey at inabot niya ang kamay niya sa mainit na parte ng
daan. Rinig ko ang mahinang tawa niya na para bang tuwang-tuwa siya na nasinagan ng
araw ang kamay niya. Tapos biglang hinawakan niya ang dibdib niya. Mas lalo itong
napatalon sa tuwa.
"It pounds,"masaya niyang sigaw. "Ganap na akong tao," Napakunot-noo naman ako.
"Wait for me, Ingrid. Magkikita na rin tayo ulit,"
Pumasok siya sa sasakyan at nagdrive. Hindi ko alam pero para bang nararamdaman ko
rin ang excitement na nararamdaman niya. May inilabas siyang red velvet box at
tingnan niya 'to ng mabuti. Nakita ko ang nakaukit sa loob ng singsing.
Hansel & Ingrid
"If only I can teleport." I heard him say. Isinuot niya ang singsing na kapareho ng
singsing na nasa loob ng box. Ibinulsa niya 'to at tumingin sa daan. Pero nagulat
ako nang biglang may malakas na impact na tumama sa kotse.
Napabalikwas ako dahil sa aking panaginip. Recently lagi iyong pumapasok sa
panaginip ko. Bakit nakasama ang pangalan ni Ingrid? At bakit pakiramdam ko ako
'yong lalaki? Napahawak na naman ako sa ulo ko. Bakit ba wala akong naaalala? I
also have this feeling of missing someone. Na para bang may kulang sa buhay ko. I
can feel the emptiness inside me. But the question is, how can I fill those
emptiness if I don't know who will complete me.
Sino ka? Mababaliw na ako kakaisip sa'yo.
JCQ

Chapter 42 - The Same or Different Person

Chapter 42
Ingrid's POV
MAAGA akong pumasok sa opisina kahit halos hilain ko na ang aking sarili sa kama
para bumangon. Hindi ko alam kung bakit ba tamad na tamad ako ngayon. Para bang
gusto ko lang humilata sa kama buong araw.
Mabuti na lang ay mayroon akong maasahan na secretarya katulad ni Gean dahil handa
na ang coffee sa table ko. May sinasabi siya tungkol sa mga appointments ko ngayon
pero halos hindi rin naman ako nakikinig. Ah! Gusto kong matulog.
"Ma'am," Gean snapped at me kaya nagtatakang tiningnan ko siya.
"Huh?"
"Nasa labas po si Mr. Hariko. Papapasukin ko po ba?"
"Ah, yeah," I answered nonchalantly. Agad namang lumabas si Gean and it was too
late for me to realize kung sino ang nasa labas.
I thought they already left yesterday? Bakit nandito pa siya? Ang alam ko, babalik
sila next month for another photoshoot.
"Good morning," he greeted me once he entered.
"What are you still doing here? I thought-"
"I take that as you are not pleased to see me," he said with a grin on his face.
I throw daggers at him. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil bigla niya akong winalk
out-an sa garden last, last night sa party. And now he has the guts to come here.
What an asshole.
"Ano nga ang ginagawa mo rito?"
"Well, for starters, I don't really want to come here. So don't flatter yourself,"
he smirked.
Gustong-gusto ko siyang batuhin nitong snow globe dito sa table ko. Ang sama talaga
ng ugali ng lalaking 'to. Sagad sa buto. Kung puwede ko lang ipagsigawan sa mundo
na ang ini-idolo nila ay ang gaspang ng ugali.
"Bibigyan mo ako ng malaking pabor kung aalis ka na sa harapan ko! God, you're
annoying!"
Narinig ko naman ang mahinang tawa niya as if he was really amused.
"Manager Hyun sent me here to tell you that he wanted you to come with us on our
little trip to an island. He said and quote: a little gratitude for your
hospitality,"
Tiningnan ko lang siya nang seryoso. Trying to see kung seryoso ba siya o hindi.
Mamaya najo-joke na naman pala 'to. Pero kung totoo man, hindi rin ako makakasama
dahil marami pa akong gagawin. Kailangan kong i-maintain ang publicity na sinimulan
namin noong party.
"No, I can't go," I answered not breaking an eye contact with him.
"Manager also told me that should not accept a no for an answer. So you're going
with us, whether you like it or not,"
"Excuse me! Hindi mo ako mapipilit, okay? Maraming akong gagawin at wala sa
schedule ko ang pumunta sa isla-kung saan man 'yan!" I retorted.
I heard his sigh of resignation. I thought he gave up. But the next thing he did
alarmed me. He walk towards me and effortlessly carried me like a sack of rice.
"Ano ba!" sigaw ko at pakiramdam ko bumaliktad ang utak ko. Nakaharap ako sa likod
niya pabaliktad at pinagpapalo ko ang katawan niya.
"Behave, Ingrid," he said and I can feel his evil grin.
Lumabas kaming office ko at ang aking maingay na empleyado ay biglang natahimik.
Buwesit! Pinapahiya niya ako sa mga empleyado ko!
"Put me down, this instant!" I ordered pero hindi siya nakinig.
Sumakay kaming elevator at biglang nagsilabasan ang ibang nakasakay. Pinilit kong
pumislag sa kanya pero ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa akin.
I heard the elevator opened at nasa ground floor na kami. Ramdam ko ang nagtatakang
tingin ng mga tao sa paligid.
"Your butt looks fluffy," he said and I can feel my cheeks burning.
"Subukan mong hawakan at mapapatay talaga kita!"
"Are you suggesting me to touch your butt?" he feign an incredulous tone.
"Ibaba mo ako!" sigaw ko sa kanya.
"No," he said firmly.
"You'll pay for this, Hariko! Mark my word!" galit kong sigaw sa kanya.
Nakalabas kaming buiding at dinala niya akong parking lot. Lagot talaga siya sa
akin kapag may nakakita sa amin na press. Dahil sa kanya kaya nagkakaroon ako ng
haters sa social media!
Nagmamadaling binuksan niya ang passenger seat at bigla na lang akong isinalya sa
loob. Inayos ko ang sarili ko. Gusto ko mang lumabas agad ay hindi ko magawa dahil
biglang sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko umakyat lahat nang dugo sa ulo ko.
Hinihimas ko ang ulo ko nang maramdaman kong lumulan siya sa driver's seat. Nagulat
pa ako nang lumapit siya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya at pakiramdam ko
naduduling na ako. Akala ko yayakapin niya ako pero bigla niyang kinuha ang seat
belt at ni-lock yon.
"Lumayo ka nga! Naiirita pa rin ako sa'yo!" itinulak ko siya pabalik sa upuan niya.
Narinig ko lang ang mahinang tawa niya. Hindi ko alam kung bakit lagi niya akong
pinagti-tripan. Nakakainis!
Mabilis na pinaharurot niya ang kotse. Mas lalo akong nahihilo dahil sa kaka-over
take niya. Balak niya talaga akong patayin! Hindi nagtagal ay nakarating kami sa
hotel na tinutuluyan nila. Hinihintay ko siyang bumaba pero nanatili lang siya sa
loob. Nagtatakang tiningnan ko siya.
"You're mystery I can't decipher, Ingrid," he said under his breath.
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong.
"I don't know either," seryoso niyang sabi.
Bumaba siya nang kotse at sumunod ako sa kanya. Nasa likod niya lang ako at mabagal
siyang naglalakad papasok sa hotel. Why a sudden change of mood?
Nasa gitna kami ng lobby nang humarap siya sa akin. Tiningnan niya ako sa aking mga
mata at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
"M-may problema ba?" tanong ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na parang ine-
examine ang kaloob-looban ng mata ko. "H-hey, Hariko do I have something on my
face?" naiilang kong sabi.
His reply was to pull me roughly against his body. Then he lowered his head and
claimed my lips. Naramdaman ko bigla ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
OH MY GOD! WE'RE KISSING AT THE LOBBY! Sigaw ng utak ko. Kahit nanghihina, pinilit
kong itulak siya. Marahas na tulak na ikinagulat niya.
PAK!
"Hindi ako kaladkaring babae kung 'yon ang iniisip mo!" I said full of anger then
left.
o

Chapter 43 - The Island

Chapter 43
Ingrid's POV
SOBRA-SOBRANG pakikiusap ang ginawa sa akin ni Manager makasama lang ako sa isla na
pupuntahan nila. Matagal bago niya ako nakumbinsi pero ano'ng ginagawa ko ngayon
dito at masayang nakikipag-usap kay Kio, isa rin na model. Siya ang kinakausap ko
sa kanila since siya ang magaling mag-english sa grupo. Hindi ko naman makausap si
Hariko dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Palaging may awkward feeling kapag
malapit siya sa akin. Pasalamat na lang ako at walang issue na kumakalat sa scene
kahapon.
Si Sai at Hariko ay nag-iihaw ng isda samantalang si manager ay kumukuha ng picture
sa dagat. Kami naman ni Kio ay naglalakad-lakad. Itong Isla pala ay pag-aari ng
kaibigan ni manager. Private island daw 'to kaya walang ibang tao maliban sa care-
taker.
Nagpaturo rin sa akin ng ilang Filipino words si Kio. Hindi raw kasi siya
tinuturuan ni Hariko. Madalas, kapag galit lamang daw ito magsalita ng Filipino.
Kahit nangangawit na ang leeg ko ay okay lang. Sa kanilang tatlo, si Kio ang
sobrang tangkad. Medyo maliit lang ang katawan at may boy-next-door-vibe. Si Sai
naman ang medyo hunk. Parang laging puputok ang suot dahil sa muscles niya. Si
Hariko, well-nevermind. Guwapo siya pero ang sama ng ugali niya.
"식사 시간" (Ya! Eoseo Deuseyo!) Malakas na sigaw ni Hariko. He sounded like
shouting on us angrily. Or imagination ko na naman 'yon.
"What did he say?" I asked Kio.
"He said we have to eat. Maybe lunch is ready," he said, I nodded. Alam ko naman
na hindi 'yon ang eksaktong sinabi ni Hariko. But never mind, gutom na rin ako.
Pumasok na kami sa Villa at nandoon sa balkonahe nakahanda ang maraming seafoods.
"우와 "(u-wa) Kio exclaimed. I bet he says wow. 'Yon ang nababasa ko sa expression
niya, eh.
"Let's eat, Noona," Sai said to me. I just slightly bow my head.
Lahat kami nagkamay lang. Napansin kong may bandaid ang kamay ni Hariko. Siya kasi
ang nagprepare ng pagkain kanina at tinulungan lang siya ni Sai magluto. Magaling
kaya siya kusina? Naalala ko tuloy noong nasa vampire city pa ako, hindi kumakain
si Hansel kaya hindi rin siya marunong magluto.
After ng lunch ay naligo kami sa dagat. Pakiramdam ko nasa paraiso ako dahil sa
sobrang ganda ng lugar. Mabuti na lang at hindi nila naisipan na mag topless.
Nakakahiya naman sa akin, 'di ba. Sumakay pa kaming jetski at nagpaunahan.
It was already dark nang gumawa kaming bonfire. Tinulungan ko si Kio at Hariko na
kumuha ng mga nahulog na sanga sa paligid. Napansin kong parang gusto akong
kausapin ni Hariko pero agad akong umiiwas. Nagtago ako sa gilid ng puno at
sumandal sa kahoy.
"Why are you avoiding me?"
"Ay kabayo!" napatalon ako sa kinatatayuan ko at nahulog ko ang mga sanga na hawak-
hawak ko. "Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal ko sa kanya.
"You know you can't avoid me, right? We are in this little island with less that
ten population." He said. Kahit medyo madilim at tanging buwan lang ang nagbibigay
ng ilaw sa amin, ay kita ko ang guwapo niyang mukha. Namumula ang kanyang mukha
dahil sa pagbibilad namin kanina at medyo naging tan ang kulay niya.
"I'm not avoiding you," I lied. "I just don't want to talk to you," I said. Pinulot
ko ang mga sanga at tinulungan naman niya ako.
"Is it about the kiss? Well, sorry. But I'm not sorry that I kissed you," he said
bluntly.
Halos mapasinghap ako sa sinabi niya. Wow, ah. Kahit naman tumira ako sa America
nang limang taon, hindi ako liberated na okay lang na mahalikan ng mga random na
tao. At lalong hindi sa akin okay na halikan ako nang lalaki na hindi ko naman
boyfriend!
"You're an asshole!" I yelled at him angrily.
"Your lips look tempting. And to tell you honestly, I really wanna do it again," he
smiled defiantly. My instinct was to walk backwards but he was so fast he caught my
waist. He roughly pulled me against him.
"Don't you dare! Or else- or else ipagkakalat ko sa media how pervert you are!" I
said trying to sound unaffected. God, why is he doing this to me?
"You can't do that," he smirk.
"Yes I can." I said firmly. Marahas ko siyang itinulak palayo sa akin. Magsasalita
pa sana ako nang humangin ng malakas. His plain white t-shirt blew with the wind
kaya medyo tumaas ang hem ng shirt niya and I was able to see his abs.
"Like what you see?" mapang-asar niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi! Umalis ka nga! You're ruining the night!" muli ko siyang itinulak at saka
tumakbo palapit kela manager. Nakakainis talaga siya. Ang manyak! Pakiramdam ko
tuloy nagtaksil ako kay Hansel.
* * *
Hariko's POV
PINAGMASDAN ko siyang tumatakbo palapit kay manager. I smile formed my lips. Ingrid
is really something. Kaya ang sarap niyang asarin, eh. Nakita ko siyang binigyan ni
Sai ng marshmallow. Tumabi siya kay Kio at may sinabi ito sa kanya dahilan para
matawa siya ng malakas. Hindi ko maintindihan kung bakit parang musika ang tawa
niya sa pandinig ko. Ang ngiti niya na parang laging may pinapaalala sa akin. Bakit
gano'n?
Kahapon no'ng hinalikan ko siya, pakiramdam ko hindi ako ang humahalik sa kanya. I
feel like a different person kissing her. Na para bang may alaalang pilit
kumakawala pero nagtago ulit nang itinulak niya ko. Kisses can't lie, can they? I
really can't understand my feelings.
Ako rin ang nag suggest kay manager na mag extend ng stay. Para kasing ayaw ko pang
umalis. Para akong teenager na nakaroong ng crush.
Mataman ko lang siyang pinagmamasdan ang bawat galaw niya nang mag ring ang
cellphone ko. I fished my hand on my pocket. Sandaling nag lag ang utak ko nang
makita ko kung sino ang tumatawag.
It was Eunice!
How can I forgot about her? I felt like cheating on her. Thinking about Ingrid.
Kissing her. Trying to flirt on her. God, what am I thinking?
"Hello,"
"I missed you, bǎo bèi," she said on the other line. Bǎo bèi ang tawag niya sa
akin. At hindi ko mapigilang hindi ma-guilty.
"I miss you too, Eunice," matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita dahil sa
trabaho ko. Madalas nagfe-facetime lang kami at natigil lang 'yon nang makilala ko
si Ingrid.
"I'm here at Manila airport. Can you fetch me here?" nagulat ako sa sinabi niya.
Ano'ng ginagawa niya dito? Akala ko nasa China siya?
"Sorry, Eunice. I'm on an excursion with manager Hyun, Kio and Sai. How about you
wait for me there?" I heard her sigh.
"Good thing I already have a hotel to stay in. You take care out there, Okay? I
love you, bǎo bèi."
"I-I love you, too."
Agad ko ng in-off phone ang ko. Bakit kaya ako sinundan ni Eunice? Hindi naman niya
gawain ang sundan ako sa kung saan ako pumunta. Alam din niyang secreto ang
relasyon namin kasi nasa kontrata pa ako.
***
Ingrid's POV
LAST day na namin dito sa Island at mamaya ang biyahe namin pabalik ng Manila.
Habang ine-enjoy nila ang huling araw sa beach, heto naman ako at busy sa kuwarto
na nagsesend ng emails sa clients. Hindi ako lumalabas sa kuwarto dahil sa work.
Alam kong tambak ang trabaho ko pagdating sa office. Haaay. Bakit pa kasi ko
napilit na sumama dito.
Natatanaw ko lang sila sa labas ng bintana at napapangiti ako sa galaw nila. Napaka
jolly nilang lahat. Nakita kong nag-unahan pa silang tumakbo papasok sa Villa.
Tumayo ako para salubungin sila. At ayun, nag-unahan na naman sila sa pag-gamit ng
shower room. Nakita ko si Hariko na mapula ang batok at sobrang nangangati.
"You can use my shower room," sabi ko dahil naaawa ako sa lagay ng batok niya.
"Really? Thanks," agad itong pumasok sa kuwarto na ginagamit ko at dumeretso sa
CR.
Pinagpatuloy ko ang trabaho ko pero kalahati ng utak ko ay na kay Hariko. Halos
isang oras na siya sa loob hindi pa rin lumalabas. Tumayo ako para sana katukin
siya nang magbukas ang pinto. Lumabas siyang naka topless. Nakatapis ang puting
tuwalya sa bewang niya at kita ko ang hip bone niya. Pakiramdam ko hindi ako
makalunok. Nahigit ko rin ang hininga ko habang nakatingin sa abs niya.
"Baka matunaw ako niyan?" nakangisi niyang sabi.
"Tse! B-bakit ba ang tagal mo?!" Iniba ko tingin ko. Naka on naman ang aircon pero
parang ang init-init.
"Oh that. Matagal talaga akong maligo. Anyway, I noticed that you like strawberry,
huh. Strawberry shower gel, strawberry fem wash, and strawberry toothpaste,"
nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Aangal sana ko kaso mabilis siyang nakaalis
sa kuwarto.
"Bastos!" sigaw ko. Ughh! Nakakainis talaga siya! Ugh!
Pumasok ako sa CR para tingnan kung ano pa ang mga nakita niya sa loob nang makita
kong may singsing sa sink. Napakunot noo ako kasi hindi naman 'yon sa akin. Isang
plain gold ring. Kay Hariko 'ata 'to, eh. Tiningnan ko ang singsing. Simple lang
pero maganda. Napansin ko rin na may nakaukit na pangalan sa loob ng singsing kaya
binasa ko 'to.
Naningkit ang mga mata ko habang binabasa ang naka-engraved. Pakiramdam ko biglang
nanghina ang tuhod ko dahil sa nabasa. May namumuong luha sa mga mata ko habang
nanginginig na nakatingin sa singsing.
Hansel & Ingrid
Bakit mayroon siya nito? Bakit kung kailan na naniniwala na ako na hindi siya si
Hansel? If it's him? Bakit hindi niya ako naaalala?
Naninikip ang dibdib ko sa nalaman ko. It was him all along. Erina was right, isa
na siyang ganap na tao. Pero bakit hindi niya ako kilala?
aren3

Chapter 44 - Return to Vampire City

Chapter 44
Ingrid's POV
HINDI ko maintindihan kung bakit ako iniiwasan ni Hariko o Hansel. Magkahiwalay
kami ngayon ng upuan sa eroplano kaya hindi ako mabigyan ng chance para makausap
siya. Oo, alam ko nang siya si Hansel. Ang hindi ko maintindihan, kung bakit hindi
niya ko maalala? Inisip ko na ibang tao siya kaya accepted ko na hindi niya ko
kilala. Pero alam ko, siya si Hansel. Patunay ang singsing na 'yon. Sa kanya 'yon.
Pero bakit? Bakit hindi niya 'ko nakikilala? Epekto ba 'yon ng pagiging tao niya?
Ugh! Hindi na ako makapaghintay na mag landing ang eroplano sa airport!
Nang I-announce ng stewardess na puwede ng tumayo at bumaba. Agad din akong tumayo
pero kagaya ko, kasabay ko ang pasahero na nagsisiksikan. Nakita ko si Hansel pero
para rin itong naglaho dahil natatakpan na siya ng mga tao at sa height kong 5'5"
ay hindi sapat para hanapin siya. Nakalabas na kami sa departure area at malayo pa
rin siya sa akin. Mabuti nga hindi sila pansin ng tao dahil busy ang lahat at
siguro dahil na rin sa suot nilang hoody at shades kaya hindi sila gaanong
nakikilala. Pati si Manager nagtataka kay Hariko o Hansel kung bakit malayo siya sa
amin at tila may hinihintay o hinahanap.
Nakahanap ako ng tyempo para lapitan siya kaya dali-dali akong tumakbo palapit sa
kanya. Kung hindi niya ako maalala, pwes ipapaalala ko sa kanya. Ilang metro na
lang ang layo namin at tatawagin ko na sana siya pero naunahan ako ng isang
malambing na boses.
"Hariko..."
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Kita
ko ang galak sa mukha ni Hansel na makita ang babae. Niyakap nila ang isa't-isa na
mas ikigulat ko. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
"I miss you so much!" I heard the girl said. May sinabi sila sa isa't-isa na hindi
ko na narinig. Puno ng pagmamahal na tiningnan niya ang babae. Hindi ko mapigilang
masaktan. Ako dapat 'yon, eh. Sa akin lang dapat siya tumitingin nang ganyan.
Halos nabagsak ko ang dala kong handbag sa sahig. Para akong binuhusan ng malamig
na tubig. Nanlalamig katawan ko at pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. Gusto
kong umiyak pero parang naging bato ang luha ko. Ayaw nitong lumabas. Naramdaman
kong lumapit sa akin sina Kio, Sai at si manager. At gaya nila, gulat din sila na
makita si Hansel o Hariko na may kasamang babae.
"Hariko! What's the meaning of this?!" galit na hasik ni manager. Kung tutuusin,
ako dapat ang magsabi no'n.
"Manager," sabi lang ni Hansel. The girl and Hansel just looked at each other.
Nakita kong pinisil ni Hansel ang kamay niya.
"This is Eunice, guys. She's my girlfriend." Casual na sabi ni Hansel.
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig. Iba pala iyong nakita mo sa
narinig at nakumpirma pa. Masakit. Sobrang masakit!
"We'll talk about this later, young man! You have so much explaining thing to do!"
I can feel the cold treatment manager is giving to Hansel.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung susunod ba ako sakanila para magkaroon
din ako ng chance para malaman ang totoo o babalik na ako sa opisina at magsimula
ng magtrabaho.
I decided na umalis. Gusto ko mang kausapin si Hansel, or Hariko, ay hindi ko
magawa. Para bang bigla siyang naging malayo sa akin.
Nagpara akong taxi at nagpahatid sa bahay. Ipinaakyat ko ang mga gamit ko sa maids
at saka ko kinuha ang susi ng kotse ko. May kailangan akong puntahan. At hindi ako
papayag na papanuorin ko lang ang babaeng 'yon tuluyang agawin sa akin si Hansel.
Hindi ko alam ang totoong nangyari kaya magbabakasakali akong bumalik sa vampire
city para malaman ko ang totoo.
* * *
MASAYA akong hanggang ngayon ay puwede pa rin akong pumasok sa Vampire City.
Maraming nagbago dito. Mas gumanda ang plaza. Pati ang hotel naging mas magarbo.
Napahinto ako sa harap ng school kung saan kami unang nagkita. Hindi ko mapigilan
na maging emotional.
Dumeretso ako papasok sa palasyo. 'Buti nga at kilala pa ako ng mga kawal kaya
hindi ako nahirapang pumasok. Nang umibis akong sasakyan ay may nakita akong
pamilyar na bampira.
"Denver?" mahina kong sambit. Bakit nandito siya? Kasama niya kaya si Maxhene?
Bakit hindi ko alam na nandito sila? Nakumpirma ang mga tanong ko nang lumabas
galing sa loob si Maxhene.
Agad ko silang nilapitan at kit akong nagulat si Maxhene na makita ako.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" sabay pa naming tanong sa isa't-isa.
"Ako dapat nagtatanong niyan. Akala ko ba may internship ka pa?" tanong ko.
"Tapos na po. At saka may right akong pumunta dito since vampire ako. Eh, ikaw,
bakit ka nandito?" nakapameywang niyang sabi.
"Nasaan si Erina?" tanong ko nang hindi man lang sinasagot ang tanong niya.
"Ang sama mo. Nandito ako pero si Erina ang hinahanap mo," she said pouting.
"Aba siyempre hahanapin ko ang wala. Tss," pagtataray ko.
"Oh, relax. Galit agad? Nasa loob si Erina. Pero hindi pa puwedeng istorbohin.
Nagsasanay para sa wedding ritual,"
"Gano'n?" nalungkot ako bigla. Haay. Paano na 'to.
"Teka, may problema ka ba Ingrid?" tanong ni Maxhene. She must have noticed my
dreadful face.
"W-wala," nag-iba ako ng tingin.
"H'wag ka ngang magsinungaling sa akin. Alam ko kung may problema ka! Com'on, tell
me,"
Napabuntong hininga lang ako.
"Alam ko na kung nasaan si Hansel,"
"Talaga? Oh, eh, bakit ka malungkot diyan?"
"H-he doesn't remember me. A-and she already have a girlfriend,"
Hindi ko na napigilan ang luha ko. Niyakap ako ni Maxhene at pilit na pinapatahan
pero hindi ko magawa. Nakakainis kasi parang nawala 'yong tapang ko noon. Para bang
naduduwag na ako ngayon.
"Sshh. Don't cry. That's why I'm here to help. Is Hariko and Hansel are the same?"
she said. Bahagya akong lumayo sa kanya at nagtatakang tingingnan siya. Paano niya
nalaman na si Hariko ang tinutukoy ko?
"Paanong-"
"Alam ko. Pero nagdududa pa ako no'ng una. After mong umalis ay sumunod ako sa'yo,
then nakita ko itong lalaki na kamukhang-kamukha ni Hansel. Ayaw ko lang mag jump
into conclusion dahil wala akong pruweba. Then I read an article about you and him.
Nagtaka lang ako hindi mo ako tinawagan para ibalita na kasama mo si Hansel. May
amnesia ba siya?"
"Hindi ko alam. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na magkamukha lang sila.
Pero no'ng nakita ko yung singsing na may naka engrave na pangalan namin, alam ko
na siya 'yon. Ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya 'ko kilala tapos
suot-suot niya ang singsing," I said.
"Nasa sa'yo ba ang sing-sing?" she asked.
"Yes. Hindi ko na kasi nasauli sa kanya kasi hindi na kami nakapag-usap pa," sabi
ko at saka inilabas sa bag ko ang sing-sing. Kinuha 'yon ni Maxhene at saka
pinakiramdaman.
"Hindi kita matutulungan dito. But the Queen can help us. She can see the past,"
parang nabuhayan ako sa sinabi ni Maxhene.
Pumasok kami sa bulwagan at halos tumalon sa tuwa si Queen Veruca na makita ako.
Wala pa rin siyang pinagbago, maganda pa rin. At gano'n din ang Hari.
"I didn't see you coming, Ingrid. I am so glad to see you again," sabi ni King
Vladimir.
"Ako din po. Masaya kong makabalik ulit," pinilit kong ngumiti sa kanila.
"Payakap nga ako, Ingrid. Namiss kita," Queen Veruca said and hugged me tightly.
"Oh, you're mourning," malungkot niyang sabi.
"Ingrid knows where Hansel is," Maxhene said. I heard them gasped.
"Really? So he's really human now?" I can see glow in King's eyes. Masaya ba siya
na tao na si Hansel? Hindi ba siya nanghihinayang na ang tagapagmana niya ay mas
pinili ang maging mortal?
"He is," si Maxhene ang sumagot. Inabot ni Maxhene ang sing-sing kay Queen Veruca.
The Queen examined the ring at saka pumikit.
It took her 5 minutes bago niya minulat mata niya. Alam na kaya niya?
"Kay Hansel nga 'eto," she said. "It seems that he has amnesia,"
"Bakit po? Akala ko ba hindi niya ako makakalimutan kahit maging tao siya?" tanong
ko.
"He met an accident. 5 years ago," hinawakan ako ni Queen Veruca sa kamay at bigla
na lang naging blurred ang paligid ko. Unti-unti nagliwanag ang paligid pero hindi
ko na sila nakikita. Para bang nakapunta ako sa ibang lugar.
I turn around and saw Hansel. Pababa siya sa isang abbey at kita ko sa mukha niya
ang saya na kahit kailan hindi ko pa nakita sa kanya. Wala na ang flame sa mga mata
niya kapag naarawan siya.
"Hansel!" malakas na tawag ko sa kanya pero hindi niya ako naririnig.
Lalapitan ko sana siya pero biglang napunta ako sa ibang lugar. Nasa gilid na ako
ng highway. Mabibilis na sasakyan ang nakikita ko. Pero napukaw ng attention sa
isang black BMW na familiar sa paningin ko. Hansel was driving.
Before I could react, nakita ko na lang na lumiko ang sasakyan niya dahil iniwasan
niyang banggain ang babae sa gitna ng kalsada. Nabanggo ang sasakyan niya sa poste
pero dahil sa may kasunod siyang isa pang sasakyan, nawalan din ito ng preno at
tumama ito sa kotse ni Hansel. Halos mapatakip ako ng bibig sa nasaksihan. I was on
verge on crying when I saw the girl running towards Hansel's car. Siya 'yong
babaeng iniwasan niyang masagasaan. Siya ang dahilan kung bakit naaksidente si
Hansel.
Si Eunice.
Gaya kanina, nasa ibang lugar na naman ako napunta. It was all white. All I can
hear is a beep sound coming from a hospital apparatus. I saw Hansel lying on the
hospital bed. Nakabenda ang paa nito pati ang ulo. Naiyak ako dahil sa nakita.
Naghirap ang mahal ko samantalagang ako walang nagawa.
Nakita kong pumasok sa kuwarto si Eunice. May dala itong bulaklak. Kinakausap niya
si Hansel pero hindi ko maitindihan ang salitang ginagamit niya.
The next thing I know, gising na si Hansel. Nasapo niya ulo niya. At 'gaya sa
pelikula 'yon ang una niyang litanya.
"Where am I?" tanong niya. Kasunod ng...
"Who are you? Who am I?" nakatingin lang ako sakanila. Hinihintay kung ano ang
sasabihin ng babae.
"D-don't be like that, H-Hariko. It's me, Eunice. Your girlfriend."
* * *
"GUSTO mo bang sabunutan natin ang Eunice na 'yon? Naku! The nerve of her, ah! Si
Hansel ngang hindi ko man lang naagaw sa'yo, siya pa? Aba ipaglaban mo kung ano ang
dapat sa'yo!"
Maxhene has been lecturing me, again. Nasa cafe kami ngayon at ikuwenento ko sa
kanya ang nakita ko sa past. Hindi na nga kami naabutan ni Erina, eh.
"Wala akong karapatan kay Hansel. Isa na akong ex girlfriend. At saka malay natin
kung talagang mahal na niya si Eunice." I said even though para akong sinasaksak ng
kutsilyo sa dibdib.
"Tanga ka ba?! So itatapon mo na lang si Hansel, gano'n? Pakatapos kong magparaya
sa inyo? Ang akin lang, h'wag mong hayaan na malunod si Hansel sa kasinungalingan
ng Eunice na 'yon! Sapakin ko kayang chinitang 'yon! Maganda siya pero mas maganda
pa rin tayo," sabi niya with matching flips of hair. Natawa na lang ako. Pasalamat
na lang ako at nandito si Maxhene para palakasin loob ko.
"So ano gagawin ko?"
"Steal the Prince. Make him remember na ikaw talaga ang totoo niyang mahal," she
said encouraging me.
"Steal the Prince?" I formed a playful smile. So be it. Babawiin ko kung ano ang
dapat sa akin.

Chapter 45 - Breath

Chapter 45
Ingrid's POV
WEEKS had passed at hindi na ako na ako nabigyan ng chance makausap pa si Hansel
dahil bumalik na silang South Korea. Pinilit ko na lang na mag concentrate sa
trabaho. Ginawa kong busy ang sarili ko. Pinapagod ko ang sarili ko para pag umuuwi
akong bahay ay matutulog na lang ako.
Halos buong araw nakatutok ako sa monitor ko dahil sa madami akong design na
kailangan approve-an na gawa ng mga designer ng company. Nangangawit na nga batok
ko. I also have to wear reading glass to protect my eyes from radiation. Dinalhan
lang nga ako ng secretarya ko ng pagkain for lunch kasi hindi ako makalabas.
"Your office is nice," nag-angat ako ng tingin at nagulat ako na makita si Kio. He
was leaning against the wall near the door. Akala ko nasa Seoul na sila?
"Why are you here?" tumayo ako at nagbow sa kanya.
"We have another photoshoot for a magazine. We have arrived last night and I
thought of visiting you," nakangiti niyang sabi. Ang charming talaga nito ni Kio.
"That's so nice of you," sabi ko. Gusto sanang itanong kung kasama si Hansel pero
nahihiya naman ako. "Are you with Sai?" I asked safely.
"Yup. And Hariko and manager," he answered. I smiled inwardly. Kasama si Hansel.
May chance na ako para makausap siya. "Oh, and Hariko's girlfriend," dagdag niya
pa.
Pakiramdam ko may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko. Baka mahirapan akong
kausapin siya
"Oh," was all I could muster. Hindi ko pa rin matanggap na may iba na siyang
girlfriend. Ako dapat 'yon, eh.
"Actually, I'm here because I wanted to invite you to have coffee with me. Is that
okay with you?"
"Aren't you busy?" I asked. Hindi naman sa ayaw ko. Natatakot lang akong baka may
makakita sa amin. After all, kasing sikat ni Kio si Hariko. Mamaya kung ano na
naman ang kumalat na issue.
" Actually, we're not. Tomorrow will be the start of our shooting,"
"Ah," tangi kong reply.
"Please have a coffee with me. I can wear disguise," he said beaming. Natawa lang
ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang tanggihan ang cute na mukha ni Kio.
"Your treat?" I said jokingly.
"Of course!"
* * *
Nag-order kami ng iced coffee and muffins. Tinotoo nga ni Kio na magdi-disguise
siya. He wore a brown wig, a nerdy spectacles, and a jacket with hoody. He's looks
kinda creepy kaya pinagtitinginan siya ng ibang customer sa coffee shop. Kaya umupo
kami sa pinakadulo ng shop at tumalikod siya sa may entrance ng door.
"I have something to ask," he said while munching his muffin.
"What is it?" I asked as I sipped the iced coffee.
"What's with you and Hariko?" casual niyang tanong.
"What do you mean?" patay malisya kong sabi.
"I saw the two of you at the Island. Like he was flirting you or something." kibit
balikat niyang sabi.
"I don't know what you are talking about," I said innocently. He just gave me a
knowing look. Mabuti na lang nga at 'yon lang ang nakita niya. Paano pa kaya kung
malaman niyang hinalikan ako ng kaibigan niya sa lobby ng hotel.
"What do you know about Hariko?" natanong ko na lang bigla kay Kio. Gusto ko kasing
malaman kung paano naging model si Hansel bilang Hariko.
"Hmm, we all know he grew up from an ophanage. He told us that Eunice is the only
family he got. He insisted not breaking up with her when manager asked him to,"
Hindi ko alam kung anong mga kasinungalingan ang sinabi sa kanya ni Eunice. At
dahil sa ginawa niya, inilayo niya si Hansel sa totoo nitong pamilya. God, he was
away from them for five years. Hindi man lang ba siya naku-konsensya?
Umalis kami sa coffee shop at inimbitahan ako ni Kio sa mamasyal. Inabutan na kami
ng lunch kaya kumain pa kami sa mall. Panay naman ang text sa akin ni Gean kung na
saan daw ako pero hindi ako nagrereply. I am enjoying Kio's company.
Kung saan-saan kami pumunta. Tuwang-tuwa pa siyang makita ang malaking poster niya
sa isang shop sa mall at nagpa-picture siya habang suot ang disguise.
Hanggang sa inabot na kami ng dilim. Niyaya niya akong pumunta sa hotel kung saan
sila naka check-in. Nagtext daw si manager at nagkakatuwaan daw sila doon. Kahit
ayaw ko ay pumayag ako. Gustong-gusto ko talagang makita si Hansel at kung bibigyan
ng pagkataon ay makausap na rin.
Nadatnan namin silang naglalaro ng spin the bottle while drinking soju.
"Where've you been, Kio?" tanong ni Sai at inakbayan niya ako. Tinanggal naman ni
Kio ang braso ni Sai sa akin at para bang pino-protektahan niya ako kay Sai.
Nahagip ng mata ko sina Hansel at Eunice at katabi sila ni manager.
"I am so glad to see you again, Miss Sy," sabi ni manager.
"Me, too, Hyun," I slightly bowed my head.
Binigyan ako ni Kio ng isang bote ng soju. First time kong iinom ng soju kaya hindi
ko alam ang lasa nito. Hindi rin naman kasi ako umiinom, eh.
"Gonbae!" sabay-sabay nilang sabi. Cheers pala ang ibig sabihin no'n kaya itinaas
ko rin ang bote na hawak ko. I took a small sip on the bottle. Halos mapapikit ako
nang maramdaman ko ang init na dumaloy sa lalamunan ko papunta sa kaibuturan ko.
"Are you okay?" Kio asked me.
"Yeah," I simply said.
Naglaro ulit silang spin the bottle and this time isinama nila ako. Gusto ko na
sanang umuwi dahil hindi ko kayang makita si Hansel na may kasamang iba. Nakakainis
kasi wala akong magawa. Gusto kong ilayo si Hansel kay Eunice pero natatakot ako na
baka ipagtabuyan niya ako.
"Truth or dare," tanong sa akin ni manager. Hala? Bakit sa akin nakatapat ang
bote?
"You are spacing out," natatawang sabi ni Kio.
"Dare," matapang na sabi ko. Uminom uli ako ng soju para paghandaan ang kund anong
dare ang ipapagawa nila.
"Whoooaa!" komento nilang lahat. Pati si Hansel at Eunice nakikitawa rin.
Ako lang ba talaga ang bitter dito? Nakakainis!
"What's her dare, manager?" excited na tanong ni Sai.
"You-"
"Sing for us," putol ni Hansel kay manager.
"Yeah, yeah. I have guitar here," inilabas ni Sai ang gitara sa likod niya.
"No problem," sabi ko pa. Pakiramdam ko lumakas ang loob ko dahil sa ininom ko.
Tumikhim pa ako bago nagsimulang mag strum.
"Itong kantang ito ay para sa taong mahal na mahal ko hanggang ngayon pero hindi
na ako maalala. Alalahanin mo ako, please. Kinanta ko 'to sa'yo no'ng sumayaw tayo
sa ilalim ng ulan," I said while staring at Hansel.
Alam kong siya lang ang nakakaintindi ng sinabi ko kaya lihim akong nagdadasal na
sana ay makuha niya ang mensahe ko. Nagpasalamat naman ako nang tumayo si Eunice
kaya may sasagutin daw siyang tawag. Thank you lord. I owe you this one.
"I can feel the magic floating in the air
Being with you gets me that way
I watch the sunlight dance across your face and I've
Never been this swept away"
Kay Hansel lang ako nakatingin habang kumakanta. Pakiramdam ko gusto ko na lang
sumigaw sa harap niya at sabihing hindi siya si Hariko. Na ang babaeng sinasabi
niyang girlfriend ay peke. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi siya isang modelo
kundi isang prinsipe. At gusto kong ipagsigawan sa kanya na ako ang babaeng mahal
niya at hindi si Eunice.
"All my thoughts just seem to settle on the breeze
When I'm lying wrapped up in your arms
The whole world just fades away
The only thing I hear
Is the beating of your heart"
Ipinikit ko ang aking mga mata habang kumakanta. I can feel the burden inside me.
Naniniwala ako na ang nakalimot ang utak niya pero hindi ang puso niya. Hindi ako
susuko hanggang sa hindi niya naalala na ako ang totoo niyang mahal.
When I opened my eyes, I saw Hansel's frowning face. Hindi ko alam pero bakit ba
nakalukot ang mukha niya. Mas gusto ko siyang nakangiti. O baka hindi na niya 'yon
magawa dahil kay Eunice na lang niya naibibigay ang ngiting inaasam asam ko.
Ngayong nagkita na kami pagkatapos ng limang taon, I felt like I can always touch
him pero siya ang magkukusang lumalayo. He's so near. Yet, so far.
"Cause I can feel you breathe
It's washing over me
Suddenly I'm melting into you
There's nothing left to prove
Baby all we need is just to be
Caught up in the touch
The slow and steady rush
Baby, isn't that the way that love's supposed to be
I can feel you breathe
Just breathe"
Hindi ko namamalayan na may tumulong luha sa kaliwang pisngi ko. Parang naninikip
ang dibdib ko habang kumakanta ako. Nahihirapan akong kumanta.
Kahit mahirapan akong huminga tatapusin ko ang kantang ito. Alalahanin mo ako
Hansel. Remember me with this song. Halos paanas ko na lang na kinakanta ang huling
verse ng kanta dahil pakiramdam ko kinakapos na ako ng hangin sa baga ko.
"I can feel the magic floating in the air
Being with you gets me that way"
Para kong hinabol ang aking hininga at nabitawan ang gitara. Tumayo ako at
napahawak sa dibdib ko. Shit. Bakit ngayon pa ako inatake ng asthma ko. Naninikip
ito at parang may bumabara sa esophagus ko.
Next thing I know, bigla na lang akong nahilo at nanlabo ang paningin ko. Then I
pass out.
* * *
Hariko's POV
HINDI ko alam kung paano pero agad ko siyang nasalo bago pa siya bumagsak sa
sahig. I was caught by her voice na parang siya lang nakikita ko habang kumakanta
siya. Ngayon ko lang narinig ang kanta pero nasasabayan ko siya sa utak ko. Para
bang minsan ko na siyang narinig noon.
Agad namin siyang itinakbo sa hospital. Si manager ang nagdrive ng van habang nasa
tabi ko si Ingrid at walang malay. Pagpasok namin sa hospital ay agad naman siyang
in-assist ng mga nurse. Bakit feeling ko nangyari na 'to? Nasapo ko ulo ko ng
maramdaman kong kumikirot na naman ito. Parang may gustong pumasok na alaala na
hindi ko maintindihan.
"Are you okay, Hariko?" napalingon ako at nakita ko ang mukha ni Eunice na nag-
aalala.
"I-I'm fine," tipid kong sagot.
"How about Miss Sy, is she okay?" nag-aalala niya ring sabi.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na dapat ako nag-iisip nang kung ano-anu.
Eunice is my girlfriend at hindi maganda kung pinagdududahan ko ang nararamdaman ko
para sa kanya.
"The doctor's still examining her. She will be fine," I said to her. Hinaplos ko
ang buhok niya na dahilan para ngumiti siya.
"Hariko!" napalingon kaming dalawa sa galit na boses.
"No PDA, please!" mariing sabi ni manager. Ramdam ko ang lungkot sa mukha ni
Eunice. Mahigpit na ipinagbabawal ni manager na malaman ng lahat na may girlfriend
na ako.
"S-sorry," pareho naming sabi.
Hindi nagtagal lumabas din naman iyong doctor at sinabing inatake siya ng asthma
because of emotional stress at kung puwede daw na kahit idischarge siya sa hospital
ay pagpahingahin siya. Meaning wala munang work.
Nasa loob kami lahat at binabantayan siya. Si Eunice naman 'eto at tulog sa couch.
Mabuti na lang at malaking kuwarto itong kinuha ni manager.
"Baby!" napatingin kami sa pintuan kung saan iniluwal nito ang magandang ginang na
sa palagay ko ay nasa mid forty's na. I bet she's Ingrid's mother dahil sa
similarity ng mata nila.
"What happened to my daughter?" nag-aalalang tanong nito.
"Inatake po siya ng asthma," ako ang sumagot na ikinabigla niya. Napatingin siya sa
akin ng mataman. Pero binawi rin niya naman agad.
"Kamukhang kamukha mo talaga siya," mahinang sambit niya na hindi ko gaanong
naintindihan.
Naguluhan ako sa sinabi ng ginang. Lumabas ako ng kuwarto ni Ingrid na hindi
nagpapasama kahit kanino. Nagsuot lang ako ng cap at saka jacket para hindi
makilala. Ano ba'ng nangyayari sa akin? Sana may taong mag explain sa akin sa mga
nararamdaman ko. Iyong taong nakakaalam ng totoo.

Chapter 46 - She's Psycho

Chapter 46
Ingrid's POV
NAGULAT ako nang magising akong may nakakabit na dextrose sa kamay ko. Ano ang
ginagawa ko dito sa hospital?!
"Inatake ka ng asthma,"
"Erina?!" halos mahulog ako sa hospital bed nang marinig ang boses niya. Katabi
niya si Maxhene na busy sa pagtetext.
"Ate Ing!" niyakap niya ako ng mahigpit. Si Maxhene hindi ako pinapansin. Galit ba
siya sa akin?
"Aren't you gonna hug me?" I asked Maxhene while pouting.
"Mamaya ka na. Kanina ko pa kasi tinetext si Denver hindi sumasagot. Makikita sa
akin ng bampirang 'yon at makakatikim na naman siya sa akin!" parang nakikita ko na
ang invisible sungay ni Maxhene. Poor Denver.
"Ate, nakita ko na iyong Eunice. Pati si Kuya Hansel. Nilagpasan lang nila kami ni
Maxhene. Hindi niya kami nakilala," malungkot na sabi ni Erina. Alam kong masakit
din ito para kay Erina. Kapatid niya si Hansel at ngayon isa na lamang kaming
estranghero sa buhay niya.
"May amnesia nga kuno, 'di ba?" Maxhene hissed, still texting.
"Tell me, Erina. Mas maganda ba sa akin ang Eunice na 'yon? Mas mabait bang
tignan? Mas sexy?" Tinignan naman ako ni Erina na parang nanunuri.
"Pereho kayong maganda, Ate, eh. Pero mas baby face ka," sabi niya.
"Hindi! Pumili ka lang ng isa!" naiinis kong sabi.
"Ayokong maging bias, ah. Maganda ka, Ate. Pero maganda rin kasi iyong si Eunice,"

Parang gusto kong maiyak sa sinabi ni Erina. Naagaw na sa akin nang Eunice na 'yon
si Hansel, pati ba naman si Erina? Huhuhu. Sino na lang ba kakampi ko? Bakit ba
pakiramdam ko inaapi ako sa mundong 'to? Nakakainis!
"Joke lang, Ate! Ano ka ba. Mas maganda ka do'n. At saka feeling ko ang plastik
niya. Ewan ko. Basta. You know, vampire instinc," sabi ni Erina.
"Tama ka diyan," segunda ni Maxhene.
"Eh, akala ko ba kasi aagawin mo si Kuya?"
"Correction mahal na prinsesa, babawiin ko lang!" sabi ko.
"Oo nga pala. So ano ang plano mo, Ate?"
"Mag pagaling ka muna kaya diyan. Paano mo siya mababawi kung nakaratay ka diyan?"
sabi ni Maxhene. This time, hindi na siya nagtetext.
"What will I do?" tanong ko.
"Kailangan natin ng checklist. Ikaw na kaya Max gumawa no'n? Ikaw expert diyan,"
nang-aasar na sabi ni Erina.
"Kaibiganin mo muna kaya?" suggest ni Maxhene.
"Ay oo nga, Ate. Tapos kapag nakuha mo na ang loob ni Kuya siraan mo na si
Eunice," sabay nag evil laugh ang dalawa. Sabi na, eh. Wala silang maitutulong.
"Ayoko nga. Hindi ako naninira ng tao. Kahit nga karibal kita noon kay Hansel
hindi ko nagawang siraan ka," sabi ko kay Maxhene.
"Aww. Talaga? You're such a good bestfriend," she said pouting.
"OA mo, ah."
"Wait nga. May naalala pala ko," sabi ni Erina.
"Ano 'yon?" sabay naming sabi ni Max.
"'Di ba, healing ang strength mo, Maxhene? Bakit hindi mo 'yon gawin kay Kuya?"
para akong nabuhayan sa sinabi ni Erina.
"I can't do that," she said. Para ang bilis na lumubog no'ng pag-asang naramdaman
ko.
"Why?"
"Amnesia ang mayro'n siya. Nasa utak 'yon. At kung kokontrolin ko naman si Hansel
sa control ability ko, hindi rin naman magtatagal 'yon. Naisip ko na 'yan dati pero
hindi talaga puwede. We're not allowed to interfere human's mind," paliwanag niya.
Akala ko may pag-asa na, wala pa pala.
* * *
Hariko's POV
KINAUMAGAHAN ay bumalik akong hospital pero nai-discharge na raw si Ingrid. May
photoshoot ako ngayon pero mas pinili kong puntahan siya. Hindi ko alam kung bakit
nagiging ganito ako sa kanya.
Pumunta ako sa office niya pero nanatili lang ako sa loob ng kotse. Sa tingin ko ay
hindi naman siya pumasok dahil nirekomenda ng doctor na magpahinga siya.
Napatingin ako sa phone ko na nagba-vibrate. Eunice is calling again. She's acting
weird lately lalo na no'ng bumalik kaming Korea. Pakiramdam ko masyado na niya
akong sinasakal. Gusto niya lahat ng galaw ko alam niya.
A message popped on the screen and I knew it was from her. I don't need to read it.
Alam kong gusto niya lang ako pabalikin. Instead of texting her back ay dumeretso
ako sa photoshoot.
* * *
"WHERE have you been? Why aren't you answering my calls?! I told you not to go
outside without me!" salubong sa akin ni Eunice nang makabalik akong hotel. Kakauwi
lang namin nina manager galing sa photoshoot and her rants is the last thing I want
to hear from her.
"Eunice, will you stop it! I'm tired and I want some rest. I just came here to say
goodnight. I gotta go," tinalikuran ko siya pero agad niyang hinigit ang braso ko.
"What?!" Iritado kong sigaw sa kanya. Nakita kong naamaang siya.
"Why are you acting different, Hariko? Is this because of Miss Sy?" naluluha niyang
sabi.
"How the hell Ingrid get involved in this?! She has nothing to do with me or with
us, you understand?! So stop acting like a paranoid girlfriend!" nahalata kong
nanlaki ang mga mata niya pero agad na nagseryoso ito.
"W-what did you say?"
"You want me to-"
"What's her name? What's Miss Sy's name?"
"Ingrid," nakiita kong namutla siya. "Are you okay?" tanong ko sa kanya. I heard
she mumbled something pero hindi ko marinig. Then she eyes me angrily.
"I want you to stay away from her!"
"You can't tell me what to do, Eunice!"
"Oh, really?! I'm your girlfriend, Hariko! So you better obey me or else.. Or else
I'll kill myself!"
"You're crazy!" I utter with disbelief.
"I am really crazy, Hariko! I'm doing this because I love you."
"I don't know, Eunice. But it seems you're hiding something from me," I said.
Natahimik siya sa sinabi ko. Hindi na siya ulit nagsalita kaya lumabas na akong
kuwarto niya.
Pagpasok kong kuwarto namin, nadatnan ko silang kumakain.
"Hey dude, let's eat," imbita sa akin ni Kio.
"Who cooked?" I asked.
"Oh, it's a room service don't worry," he said kaya narinig 'yon ni Sai
"What do you mean by don't worry?" Singhal ni Sai kay Kio. Pareho lang kaming
natawa. I know what he meant. Sawa na kami sa scrambled egg niya.
"Someone is looking for you by the way," sabi ni Kio.
"Huh? Who?"
"Two pale girls. They're really beautiful, but... pale,"
Pale? Baka may sakit.
"Fans maybe?" I said.
"I don't think so. They are with Ingrid,"
"Really?" I smiled inwardly when Kio mentioned her name. Para bang lumukso sa tuwa
ang puso ko.
"You're blushing," Sai commented.
"I-I'm not!" Iniba ko ang tingin ko.
"Yes, you are. Hey manager, Hariko is blushing when Kio mentioned Ingrid's name,"
malakas na sigaw ni Sai kaya pinuntahan kami ni manager na busy sa laptop niya.
"You have a crush on her?" tanong ni manager at halos matawa lang ako.
"You like her?" exaggerated naman na sabi ni Kio.
"She's a cutie, ayt?" komento naman ni Sai.
"I like her more than Eunice," seryosong sabi ni manager.
"W-what are you talking about guys? Stop inventing things! You started this Sai,
tell them you're lying." singhal ko kay Sai.
Itinaas nito ang dalawang kamay at parang sinasabi na wala siyang alam.
"Guilty as charge," they chorused sabay nagtawanan.
"Aigoo!" Tinalikuran ko sila.
Inaasar lang nila ako pero bakit parang kinikilig ako? First time ko itong
maramdaman but the feeling is very familiar.
* * *
Ingrid's POV
ISANG araw pa lang ako dito sa bahay ay pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang
boredom. Nadischarge ako kahapon sa hospital at pinagbawalan ako ng doctor na ma-
stress. Magpahinga muna raw ako. Ayaw ko sanang makinig pero si Mommy ay talagang
pinabantayan ako sa mga maid.
Sinilip ko muna ang mga maid kung ano ang ginagawa nila at nakita kong busy sila sa
paghanda ng tanghalian. Bumalik ako sa kuwarto at naligo. Matapos ay nagsuot lang
ako ng tight jeans and white tank top. Isinuot ko rin ang kuwintas na binigay sa
akin ni Hansel. Ngayon na alam ko na na si Hariko at Hansel ay iisa, nabigyan ako
ng idea na gamitin ang lahat ng bagay na makakapag-paalala sa kanya.
Mabuti na lang at sa mga maids lang nagbilin si Mommy na huwag akong palabasin kaya
nakalusot ako sa mga guard nang ilabas ko ang kotse.
Pumunta ako sa coffee shop malapit lang office ko. Nagce-crave ako ng French
macaron. Kanina kasi fruits and cereals lang ang pinakain sa akin ni Mommy. Ako pa
naman 'yong tipo ng babae na matakaw kumain ng breakfast.
Nasa counter ako para magbayad nang may bumangga sa akin. Napasimangot ako.
"Excuse me-"
"Oh, Hi, Ingrid," napakurap ako para tingnan kung sino ang nasa harap ko. He was
wearing a baseball cap and a sunglass but I manage to recognize him. Ibinaba niya
ang kanyang shades hanggang sa ilong niya at ngumiti nang nakakaasar.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" I asked while trying to suppress my smile with the
thought na baka sinadya niyang banggain ako.
"Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng pumunta rito?" he said with playful grin.
Pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin siya. God, nasa harap ko na siya pero hindi
ko pa masabi sa kanya ang totoo.
Inirapan ko na lang siya kunwari at saka ko ibinigay ang card ko sa cashier. Kinuha
ko lang order ko at saka ako pumunta sa may gilid ng café kung saan nakikita ko ang
nasa labas.
"Share na lang tayo ng table," sabi niya at kahit wala pa akong sinasabi ay
inilapag na niya ang order niya.
"Ang daming bakante, oh," casual kong sabi kahit ang totoo ay nagbubunyi ang puso
ko.
"Nah. I love the view here," makahulugan niyang sabi.
"B-bahala ka," sabi ko na lang.
Ah! Thank you, Lord, for this moment.
Tahimik lang ako habang kumakain. Gusto ko man siyang tingnan ay hindi ko magawa
dahil sa suot niyang shades. Mamaya mahuli niya akong nakatingin sa kanya tapos
aasarin na naman niya ako.
Akala ko nga magiging awkward ako sa kanya. Pero parang natural na talaga sa amin
ang magbangayan. Panay kasi ang kuha niya sa French macaron ko. First time raw
kumain no'n.
"Hariko, naniniwala ka ba sa mga bampira?" bigla na lang lumabas sa bibig ko.
Huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Nakita kong nagseryoso ang mukha at tinanggal
niya ang shades niya. Kinakabahan ako. Did I trigger his memory? Oh, I hope.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at umatras naman ako. Hanggang sa sobrang
lapit na nang mukha niya sa akin kaya napapikit na lang ako.
Iminulat ko ang mata ko nang marinig ko ang malakas niyang tawa. Napasimangot ako
sa kanya. Nakahawak pa siya sa tiyan niya na para bang mamamatay na siya sa
kakatawa.
"I can't believe you just asked me that," then he laugh again. Nagpunas pa siya ng
luha sa gilid ng mata niya. Napahalukipkip lang ako. Pinagtatawanan niya ako dahil
lang sa tinanong ko 'yon.
"Walang nakakatawa!" I deadpanned.
"I'm sorry. Hahaha. I just can't... hahaha,"
"Ewan ko sa'yo!" inirapan ko siya. Tumikhim naman siya at tumigil sa kakatawa.
"To answer your question, Ingrid. No, I don't believe that shit," seryoso niyang
sabi. Napatango lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ang shit na sinasabi niya
ay mga dati niyang kauri.
"Naisip ko kasing vampire ang theme ng next fashion show kaya kita tinanong,"
palusot ko na lang.
Mukhang wala na talagang chance para maalala niya kung ano siya dati. Hindi ko
mapigilang hindi mapangiti ng mapait. Ang hirap tanggapin na ginawa niya ang lahat
para matanggap siya ni Daddy at ito ang kinahinatnan niya. Kahit sabihin nilang
wala akong kasalanan sa nangyari, alam kong hindi ito lahat mangyayari kung hindi
sa akin. He gave up everything just to be with me and now he can't remember me. And
the worst thing is, wala akong magawa para masuklian ang ginawa niya.
Lumabas kaming coffee shop at napagalaman kong nagtaxi lang siya kaya pinasakay ko
siya sa kotse. Pumayag naman ako nang mag volunteer siyang magdrive. Ayaw ko pa
siyang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal.
Inihinto niya ang kotse sa isang park. Napangiti ako kasi ito 'yong park na
pinuntahan namin noong binigyan niya ako ng balloons.
Sabay kaming umibis ng kotse at pumunta sa isang bench. Dumaan kami sa pathway na
napapaligiran ng bushes. Napansin kong tinanggal na niya ang kanyang cap at shades.
"This place is nice. Noon ko pa 'to laging nadadaanan at ngayon lang ako nagkaroon
ng chance na nakapunta. Para nga siyang pamilyar, eh," sabi niya. Nakita kong
nangunot ang noo niya at lihim akong nagdadasal na sana kahit konti ay may maalala
siya.
"Dito kami noon pumunta ng boyfriend ko. Nanliligaw pa lang siya noon," sabi ko
naman. Tumingin naman ako kay Hansel at kit akong nagbuka ang bibig niya at para
siyang may sasabihin pero agad din naman niyang tinikom.
Minsan, gusto ko na lang siyang sigawan at sabihin sa kanya ang lahat. Pero alam
kong kapag ginawa ko 'yon ay mas lalo siyang mapapalayo sa akin. Kaya nakuntento na
lang ako sa ganito.
"Ingrid-"
"Kayo pa pala?"
Sabay kaming napalingon ni Hansel sa nagsalita. Isang binata na sa tingin ko ay
nasa 16 years old pa lang.
"Who are you?" nakakunot noong tanong ni Hansel.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin natututo, Kuya, eh, 'no?" sabi ng binata kaya
nagtatakang tiningnan ko lang 'to. Sino ba 'to?
"Kilala ka ba namin?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay may
inilabas siyang tatlong piraso ng bulaklak sa likod niya.
"Oh, 'yan. Tatlo dalawang daan. Mahal na ngayon kaysa noong una," pagkasabi niya
noon ay biglang nanlaki ang mga mata ko.
Oh, my God! Siya 'yong bata na pinilit si Hansel na ibili ako ng rosas. I can't
believe it. Malaki na siya!
"Ano pa'ng tinutunganga mo diyan, Kuya? Wala ka talagang kuwentang boypren. Hindi
ko alam kung bakit kayo nagtagal ni Ate," sabi pa nito.
"What the hell is this kid talking about?" nakakunot noo nang sabi ni Hansel. Hindi
ko mapigilang hindi mapangiti. Nagkaroon man siya ng amnesia, hanggang ngayon ay
naasar pa rin siya sa bata.
"Do not English me, Kuya. Akin na ang dalawang-daan at ibigay mo na 'tong bulaklak
sa gelpren mo," inabot nito ang tatlong rosas kay Hansel at walang siyang nagawa
kundi ang kumuha ng pera sa wallet niya.
"I can't believe this," rinig kong bulong ni Hansel. "Here," ibinigay niya ang
pera kasabay ng bulaklak.
"Salamat!" nagpaalam na ang bata at tumakbo palayo sa amin. Napailing na lang ako
habang nakangiti. Limang taon na rin pala ang lumipas.
"For you," nagulat ako nang ibigay sa akin ni Hansel ang tatlong piraso ng rosas.
"Kay Eunice mo dapat 'yan ibigay," I said trying to sound casual.
"She's allergic to flowers," kibit balikat niyang sabi.
"Oh," was all I could say.
Nakakaselos. Ngayon alam ko na ang nararamdaman noon ni Maxhene no'ng time na may
gusto pa siya kay Hansel. Parang gusto mo na lang umiyak sa sobrang sakit na
nararamdaman.
"Are you okay?" tanong niya. Hindi ko kasi kinuha ang bulaklak at nakatingin lang
ako sa roses na hawak niya.
"I'm perfect!" I said feigning a huge smile. Kinuha ko ang bulaklak sa kanya.
Naglalakad kami papunta sa gitna ng park kung saan ang malaking pond nang biglang
dumilim at pumatak ang malakas na ulan. Nakita kong nagsitakbuhan ang ilang
namamasyal kaya hinigit ko ang braso ni Hansel para umalis na kami.
"Basa na tayo. Tara!" hinila ko siya pero hindi siya gumagalaw. Seryoso lang siyang
nakatingin sa akin at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
"Let's enjoy the rain," he said.
"Ha? Pero kasi..."
"Please? Stay with me. I want to enjoy the rain with you," nagsusumamo niyang
sabi.
Okay, I know kagagaling ko lang sa hospital at makakasama sa akin ang magpaulan
pero hindi ko siya kayang tangihan. How can I say no kung siya na mismo ang
nakikiusap na samahan ko siya.
"Sige,"
Basang-basa na kami pareho. Nagsisisi tuloy akong puting damit ang sinuot ko.
"Alam mo ba-" natigilan ako nang makita kong nakatingin lang siya sa akin. Bigla
niyang inangat kamay niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nagkalat sa
pisngi ko. he caress my cheeks kaya napapikit ako.
"I am attracted to you, Ingrid," sabi niya at nanlaki ang mga mata ko. Alam kong
ito ang gusto kong mangyari pero hindi ko mapigilang magulat.
"Gusto kitang layuan pero hindi ko kaya. What did you do to me," he cupped my face.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at konti na lang ang layo ng mga labi namin.
Nahigit ko ang hininga ko nang dumampi ang labi niya sa akin. Gustong gusto kong
banggitin ang pangalan niya pero natatakot ako. Baka bigla akong magising. Baka isa
lamang itong magandang panaginip.
I felt his warm lips planted on mine. Kusang gumalaw ang labi ko para sagutin ang
mga halik niya. Naging banayad siya sa paghalik. Doon ko binuhos lahat ng
pagmamahal ko sa kanya. Ipinaramdam ko sa bawat halik ko ang natatagong pagmamahal
sa kanya.
Parehong habol namin ang hininga. Nakadikit pa rin ang noo niya sa akin. Then he
flashes a warm smile.
"I've never been so sure about my life. But you, there's something about you that
made me feels like everything is in the right place. I am myself whenever I am with
you."
Napakurap lang ako sa sinabi niya. Does that mean he remembered his feelings for
me?
"Saranghae, Ingrid." He whispered.
Tuluyan na akong naiyak. Wala akong alam na salitang Korean pero alam ko ang ibig
niyang sabihin. Mahal niya ako. At sapat na 'to para sa akin. Hindi niya ako
maalala pero naalala niya ang nararamdaman niya para sa akin.
* * *
PINILIT ako ni Hansel na magpatuyo ng damit sa hotel room nila. Magkahawak kami ng
kamay habang naglalakad sa lobby at pareho kaming walang pakialam kung may
makakita. Wala akong sinabi no'ng nagtapat siya sa akin. Para bang may
pagkakaunawaan na ang puso namin kahit wala pang kasiguraduhan.
Nasa hallway na kami papunta sa room nang biglang lumabas si Eunice sa kabilang
elevator. Sinugod niya kami at nagulat ako nang sampalin niya ako sa aking
magkabilang pisngi. Nabitawan ko ang kamay ni Hansel at napahawak ako sa pisngi ko.
I can feel the sting on it.
"What the fuck! Eunice, why did you slap her?!" galit na sigaw ni Hansel kay
Eunice.
"She's flirting you! I told you to stay away from her!" she yelled back. Sinubukan
niyang sugurin uli ako pero agad na humarang si Hansel para protektahan ako.
"She's not flirting me so stop whatever you're doing!" nanlilisik ang mata niya ng
tumingin sa akin. Nawala iyong mala anghel niyang mukha. Na para bang ipinakita na
niya ang totoo niyang mukha sa likod ng maamong mascara.
Nagulat na lang ako nang sumigaw siya at sinugod ulit ako. Naramdaman ko na lang na
nasa ibabaw ko na siya at paulit-ulit akong sinampal.
She strangled my hair at kinalmot kalmot niya ang leeg ko pati ang mukha ko. Nakita
kong pilit siyang inilalayo ni Hansel sa akin pero para siyang amazona. Kinubawan
niya ako hanggang sa maramdam ko ang dalawang kamay niya sa leeg ko.
Naririnig ko ang boses nina Kio, Sai, at manager Hyun. May tumulong sa aking tumayo
habang nakahawak ako sa leeg ko. God, pakiramdam ko hindi ako makakalunon kahit
tubig.
Inalalayan ako ni Kio na pumasok sa kuwarto nila. Pinaupo nila ako sa sofa at
pinatungan ako ni manager Hyun ng dry towel.
"Are you okay? Oh God, you have bruises," Kio said. Nakita ko ang reflection ko sa
salaming, para akong basang sisiw na sinabunutan. I look like a mess. May mga
kalmot din ako sa leeg at sa pisngi.
"Here, drink this," Inabot ni manager ang isang mug na may tea bag. Lihim lang
akong nagpasalamat dahil nang abutin ko ang mug. Pakiramdam ko hindi ako
makapagsalita.
"Eunice had gone mad," sabi naman ni Sai.
Nagbaba lang ako ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Nalalamigan
na ako sa aking suot at ang lamig pa dito sa kuwarto nila.
Pinagpalit ako ni manager ng damit na rush niyang pinabili sa butler service ng
hotel. Pinagamit nila sa akin ang extrang higaan na katabi lang ng higaan ni
Hansel. Nanghihinang nahiga ako sa kama. Wala sa sariling kinapa ko ang leeg ko at
doon ko lang na-realize na nawawala ang kuwintas ko.

Chapter 47 - Remembering

Chapter 47
Hansel's POV
"WE need to end this, Eunice," I said to her. Nasa kuwarto niya kami at medyo
kalmado na kaming pareho. Hindi siya sumagot. Nakita kong may tumulong luha sa
gilid ng mga mata niya.
Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mukha at kita ko ang pamumugto ng mga mata
niya.
"A-are you breaking up with me because of Ingrid?" she said sobbing.
"No. Please Eunice, stop thinking that Ingrid has something to do with this. She
didn't flirt or seduced me if that's what you wanted to say."
"Please don't leave me. I'll do anything for you just... just don't break up with
me," pagmamakaawa niya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko pero agad ko
itong binawi.
"I admit, I fell out of love on you a very long time ago. I just can't love a
person who keep secrets from me. Then Ingrid came into the picture. And for the
first time in my life, It feels like I am the right place. It was like, she knew me
well more than myself... more than you."
"I can't let you go, Hariko. You are mine and no one can take you away from me!"
she said angrily and I can see her raging eyes.
"Eunice..."
"But if you take back your words and ask forgiveness, I will still accept you and
pretend that nothing happened," ngumiti siya sa akin at ngayon ko lang nakita ang
totoong Eunice.
I have always doubted her pero mas pinili kong huwag 'yong pansinin dahil sa pag-
aakalang siya lang ang nakakakilala sa akin ng lubusan. But seeing her right now
with her sinister smile, I was certain that she was hiding something from me.
Something about my real identity.
"I won't take back my words, Eunice. And whatever you're hiding from me, I intend
to find it out." I said looking directly to her eyes.
Nag-iwas siya ng tingin at saka ako tumayo. Lumabas akong kuwarto niya. Halos
mapahilamos ako sa aking mukha. I was grateful with Eunice because she was always
by my side when I need her most. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanya
kapag nalaman ko na ang totoo.
Pupunta na sana ako sa kuwarto namin para matingnan ko rin si Ingrid pero nahagip
ng tingin ko ang kumikinang na pendant. Nangunot ang noo ko na nilapitan 'to.
"Kay Ingrid 'to, ah," I said to myself. It was her necklace. Kinuha ko 'to at
tiningnan.
"I love you, Ingrid."
"I love you, too, Hansel."
Nasapo ko ang ulo ko at napasandal sa pader. Pakiramdam ko may mga alaalang
pumapasok sa utak ko.Ang sakit-sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak. Napahawak ako
ng mabuti sa kuwintas. Parang nagdidilim ang paligid ko. Unti-unti naramdaman kong
bumagsak ako sa sahig.
* * *

"ANO?!"
I winced when Maxhene shrieked angrily. Pinapunta ko siya dito sa bahay at sinabi
ko sa kanya ang nangyari. Hinatid ako kanina nina Kio dito sa bahay at mabuti na
lang wala pa sina Mommy at Daddy kung hindi magagalit 'yon lalo na kapag nakita
nila ang nangyari sa mukha ko.
"Makasigaw ka naman," I said pouting.
"Aba! Sino'ng hindi mapapasigaw?! Sinabunutan ka ng Eunice na 'yon at hindi ka man
lang naglaban?! Quota na siya, ah! Wala siyang karapatan na saktan ang bestfriend
ko! Ano, gusto mo gantihan ko siya? I could easily feed her to blood suckers!"
Kahit masakit ang anit ko dahil sa lakas ng sabunot sa akin ni Eunice, nagawa ko pa
ring mapangiti sa sinabi ni Maxhene. Minsan lang niyang aminin na bestfriend kami
kaya natutuwa ako. Parang hinahaplos ang puso ko.
"Okay na ako. At saka may magandang nangyari kasi kaya hindi ako nakapaglaban.
Masyado akong na-overwhelm sa nangyari kanina sa park. Hanggang ngayon nga ramdam
ko pa rin ang labi niya sa akin," I said dreamily. I saw her disgusted look kaya
natawa ako.
"You two kissed? Gross!" she said cringing her nose.
"As if naman na hindi niyo 'yon ginagawa ni Denver," I said grinning.
Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Noong nasa New York pa kasi kami, kakauwi ko
lang noon galing school tapos nagulat ako nang makita ko silang naghahalikan sa may
balcony ng condo.
"Psh! Anyways, I have news,"
"Ano 'yon?"
"Hindi na tuloy ang coronation ni Erina pati ang kasal,"
"Ha? Bakit?"
"Ang alam ko, King Vladimir had a vision. Hindi nila sinabi kung ano pero feeling
ko may kinalaman 'yon kay Hansel at sa'yo,"
Napaisip naman ako. Tungkol saan naman kaya 'yon? Sana naman positive ang visions
ni King Vladimir.
"Alam ba ni Tita Rida at Tito Ington na may amnesia si Hansel?" Tanong ni Maxhene
at agad naman akong umiling.
"Hindi ko sa kanila sinasabi,"
"Sabihin mo kaya. Para mabawasan 'yang problema mo. Ikaw naman kasi kung bakit
ayaw mong tulungan ka namin ni Erina kay Hansel. Puwede naming iuntog ang ulo niya
para-"
"Maxhene!" saway ko sa kanya habang natatawa. Humalakhak naman siya ng malakas.
"Haay. Ang lakas talaga ng tama mo sa lalaking 'yon. Well, hindi naman kita
masisisi. Even me, falls for his charm once. Guwapo niya kasi, 'no?" she said
grinning. Inirapan ko na lang siya.
"Alam kong maaalala rin ako ni Hansel. Sa ngayon, kuntento na muna akong malaman
na mahal niya ako,"
* * *
NAPABALIKWAS ako sa kama nang marinig ko ang phone ko na nagri-ring. I groaned when
I glanced at my clock. At sino naman ang tatawag sa akin nang alas dos y media nang
madaling araw? Unregistered number siya kaya imposibleng si Mr. McKinley 'to.
"Hello? Who's thi-"
"Ingrid? It's Kio. I'm sorry for calling you this late. It's about Hariko. I think
Hariko needs you!" pakiramdam ko nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni Kio.
"What happened to Hans-I mean Hariko?" nag-aalala kong sabi. Bumaba ako sa kama at
isinuot ko ang slippers ko at in-on ang ilaw.
"After I brought you home, I found Hariko at the hallway pass out. We brought him
to the hospital and now he's awake but he was screaming your name like he he was in
pain. Please come here. The doctors gave him a tranquilizer and-"
"I'll be there. What hospital?" I abruptly asked.
"I'll text you the address," he said.
Agad kong ibinaba ang phone ko at pumunta sa walk-in closet ko para magbihis.
Kinuha ko ang susi ng aking kotse at patakbong bumaba ng kuwarto. Pumunta ako sa
garahe at nagdrive palabas.
Ano kayang nangyari kay Hansel? Sana naman hindi 'to kagagawan ni Eunice at baka
pumayaw na talaga ako sa gustong mangyari ni Maxhene. I received a text from Kio
and it was the address of the hospital. Malapit lang sa hotel na tinutuluyan nila.
Agad akong umibis sa akin sasakyan nang makapag park ako. Hinihingal akong
nakapasok sa lobby ng hospital at nakita ko si Kio sa reception area. Agad naman
niya akong nakita kaya lumapit na ako sa kanya.
"What happened?!" nag-aalala kong tanong. Naglakad kami papunta sa elevator.
"The doctors said it was about the condition of his head. We didn't even know he
has amnesia!" sabi ni Kio kaya bahagya akong natigilan. Is it possible na may
naaalala na siya? Huminto kami sa seventh floor. At dumeretso sa kuwarto ni Hansel.
Pagpasok namin ay nakita kong napapaligiran siya nina manager, Sai, kasama si
Eunice. Tiningnan ko siya ng masama.
"Manager, what happened to Hariko?" tanong ko kay manager. Pumunta ako sa gilid ng
kama at hinimas ko ang kamay niya na may dextrose.
"We found him-"
"You shouldn't have come here. This is all your fault!" galit na sambit ni Eunice.

"Enough, Eunice!" nagtitimping sabi ni manager Hyun.


Napansin kong nakakumos ang kamay ni Hansel. May nakalabas na necklace dito kaya
binuksan ko 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang aking kuwintas sa
kamay. Ibig bang sabihin no'n ay naalala na niya ako?
"Ingrid," I heard him mumbled under his breath. Tuluyan na akong napangiti. Unti-
unti nang bumabalik ang alaala niya.
* * *
HINDI ako umalis sa tabi ni Hansel hanggang sa mag-umaga. Ako ang nagbantay sa
kanya habang si manager, Sai at Kio ay tulog sa may couch na nagiging higaan kapag
hinila mo ang baba. Hindi ko rin alam kung nasaan si Eunice dahil pinaalis siya ni
manager kagabi.
Nakita kong pupungas-pungas na nagising ang tatlo. Ang cute-cute nilang tingnan. Si
manager kahit mas matanda sa kanila ay parang ka-edad lang nila. Iba talaga kapag
mga Koreano, parang hindi tumatanda.
"You're still up," manager said. Tumayo siya at kumuha ng maiinom sa fridge.
"It's okay," nakangiti kong sabi.
"You've done so much for us, Ingrid. Ang I don't know how to thank you,"
"I wish I could tell you everything, Hyun." I beamed at him.
"You don't have to tell me everything if you don't feel like sharing. But I know
Eunice made up lies on Hariko. The doctor told us that he was suffering from
amnesia that's why he always complains about his migraine."
Napatango lang ako. Tiningnan ko si Hansel na payapang natutulog. Hindi na ako
makapaghintay na magising siya. Kung hindi niya agad maalala ang lahat, willing
akong maghintay. Kung puwedeng ako ang lagi niyang kasama sa therapy niya ay
gagawin ko bumalik lang ang alaala niya.
Tanghali na nang pinilit ako ni manager na umuwi muna para makapagpahinga.
Tatawagan niya raw ako kapag nagising na si Hansel.
Bumaba akong hospital at pumuntang parking lot. Kahit tanghali pa lang ay medyo
madilim na ang paligid. Madilim ang kalangitan at para bang uulan. I was walking
towards my car when I heard a screech of brake from my back. Agad akong lumingon
pero nagulat ako nang makita kong nasa harapan ko na ang isang ambulansya.
Ga

Chapter 48 - Truth be told

Chapter 48
Erina's POV
NAKAAKBAY sa akin si Cris habang pinagmamasdam namin si Ate Ingrid sa labas ng ICU.
Nakadungaw lang kami sa bintana na salamin dahil bawal kaming pumasok sa loob. Ang
daming nakakabit na apparatus sa katawan niya maging sa bibig niya. Mayroon din mga
monitors para sa obserbahan ang paghinga niya.
Kanina lang nang mabalitaan namin na sinadyang sagasaan ni Eunice si Ate Ingrid
gamit ang embulance ng hospital. Nakita sa CCTV ang ginawa niya at matapos niya
'tong sagasaan ay pinagpapalo niya 'to ng isang mahabang bakal. I could just
imagine everything at hindi ko mapigilang maawa kay Ate Ingrid. Napahamak na naman
siya. At wala kaming nagawa para protektahan siya.
Nakita kong dumating si Tom kasama si Maxhene at Denver. Pasimple kong tiningnan si
Maxhene at kita ko ang pamumugto ng mga mata niya. Alam kong galit na galit siya sa
nangyari kay Ate Ingrid. Siya rin ang humuli kay Eunice para ibigay ito sa mga
pulis.
"I wanted to kill her! God, I wanted to make her suffer!" she angrily said.
"Magiging okay din siya," pang-aalo ni Denver kay Max.
"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw ni King Vladimir na pagalingin ko si
Ingrid. I could always heal her!" umiiyak niyang sabi.
Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ni Daddy na hayaan si Maxhene na pagalingin si
Ate Ingrid. Nagkaroon uli siya ng visions pero hindi niya sa amin sinasabi.
"I wanted to see her!"
"But Hariko-"
Napalingon kaming lahat sa entrance ng ICU. Nakita ko si Kuya na nakasuot pa ng
hospital gown. Tiningnan ko lang siya. The last time I saw him, he just ignored me
kaya ang sama ng loob ko.
Sa akin nabaling ang tingin at kita kong nanlambot ang expresyon ng mukha niya.
"Erina," sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Patakbo siyang sumugod sa akin
at bigla na lamang niya akong niyakap.
"K-Kuya?"
"I missed you, Erina!" he said. Hindi ko na napigilan ang luhang lumabas sa mga
mata ko. Naaalala na niya ako. Bumitaw siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi
ko.
"Naaalala mo na ba ang lahat, Kuya?" tanong ko at tumango siya.
"Welcome back, bro," sabi ni Cris.
"Sinabi sa akin ni manager ang nangyari kay Ingrid. Okay lang ba siya?" tanong ni
Kuya. Lumapit naman si Maxhene at tiningnan niya ng masama si Kuya.
"If it wasn't with your crazy girlfriend, hindi magkakaganito si Ingrid! She's
brain-dead, asshole!" galit na singhal ni Maxhene.
"I'm sorry. Kasalanan ko," nagbaba ng tingin si Kuya. Lumapit siya sa may window at
pinagmasdan si Ate Ingrid. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Nagtatagis ang
bagang niya at nakakumos ang kamay niya.
"Ibabalik ko dapat 'to sa kanya," rinig kong bulong niya sa kanyang sarili. Nakita
ko ang kuwintas na hawak niya.
Dumating naman ang parents ni Ate Ingrid at kasama ng mga 'to ang doctor. Maraming
ine-explain ang doctor sa kanilang dalawa at panay lang ang tango ni Tita Rida
habang seryoso lang si Tito Ington.
* * *
Hansel's POV
"DO you want me to come with you?" tanong sa akin ni manager Hyun.
"I'm fine," tipid kong sagot.
Naaalala ko na ang lahat at sinabi ko rink ay manager ang totoo maliban sa dati
kong katauhan. Hindi na nila 'yon kailangan pang malaman. Sabi niya ay saka na lang
namin pag-usapan ang tungkol sa kontrata ko kung gusto ko pa itong ipagpatuloy o
hindi na.
Nagdrive ako papunta sa police station kung saan pansamantalang nakakulong si
Eunice. Hindi pa nagsisimula ang hearing kaya wala pang desisyon ang korte kung
makukulong ba siya dito sa Pilipinas o ibabalik siya sa China at doon ikukulong.
"Oh, Hariko. I know you'll come," masaya niyang sabi. Nasa visitors area kami. She
was wearing a yellow shirt. Pinigilan ko ang sarili ko na saktan siya. Inilayo niya
ako sa babaeng mahal ko. Nagsinungaling siya sa akin at limang taon niya akong
pinaniwala sa isang kasinungalingan.
"Why did you lie to me?" kalmado kong tanong. Nawala ang mga ngiti niya sa labi.
"H-Hariko..."
"Damn it! Don't call me Hariko!" I stomped my fist on the table.
"Y-you're still my Hariko," naiiyak niyang sabi. Kinalma ko ang sarili ko. Gusto
kong isipin 'yong magagandang bagay na ginawa niya para sa akin pero hindi ko
magawa. Nananaig ang galit ko sa kanya. At nasasaktan ako dahil naging parte siya
ng buhay ko. Pinagkatiwalaan ko siya.
"I can remember everything, Eunice. So you don't have to pretend anymore," seryoso
kong sabi sa kanya.
"I only did that because I love you!" hinawakan niya ang braso ko pero agad ko
itong binawi.
"You have deceived me!"
"And I'm sorry! But I didn't regret it. Lying to you is the best thing that had
happened to me,"
"I want to know everything. Why did you do it?"
"Hariko was the name of my ex- fiancé," she started. Pinahid niya ang kanyang
kamay niya sa pisngi niya. "He died in plane crash two weeks before I met you. That
day, when I saw you, I planned to kill my self. I was ready to be crashed by your
car but you change your route. I was so shocked to witness an accident caused by
me," she paused.
"When I helped you, I was stunned to see you. You just look like my fiancé, every
part of your face. That day, I though he was you. That God sent you to be his
replacement. Then it was like a blessing in disguise when you said you can't
remember anything. I told you lies. I named you Hariko." Hindi ako nakapagsalita sa
mga sinabi niya.
"You are so sweet so it was easy for me to fall for you. I fell in love with the
new Hariko not because you are a look a like of my fiancé."
"When I saw your ring, I discovered that your real name was Hansel and that you
have a girlfriend named Ingrid. Remember when I told you that Hansel and Ingrid was
your friend? Another lie, I know. I'm sorry."
"But believe me, I wanted to tell you the truth. But I am scared. I was afraid
that you will hate me."
"I loathe you," mariin kong sabi.
"I'm sorry," nakayuko niyang sabi.
"Sorry won't take back Ingrid's life!" galit kong sabi sa kanya.
"W-what do you mean?"
"She was almost dead. Brain-dead!" napatakip siya ng bibig at saka humagulhol.
"I-I'm... I-I'm sorry. I was eaten by my jealousy. I'm really really sorry,"
Tumayo ako at iniwan ko siya. Gusto ko maawa sa kanya pero wala akong makapa ni
katiting na awa sa kanya. Ang dami niyang ginawang panloloko sa akin at ngayon ay
maaring mawala sa akin ang babaeng mahal ko.
* * *
One week later...
"INGRID, nandito lang ako. Hihintayin kitang magising," bulong ko sa kanya.
"Kuya, hindi ka naman maririnig ni Ate Ing, eh," sabi ni Erina. Kasama namin siya
dito sa kuwarto ni Ingrid. Nakaalis na sina Hyun, Kio at Sai sa Pilipinas.
Pinakiusapan ko si Hyun na siya na ang bahala sa pag-asikaso ng kontrata ko sa
management. Kung kailangan magbayad ako for breach of contract makaalis lang ako
management. Mas importante ngayon sa akin ang bantayan si Ingrid. Natatakot akong
baka may masamang mangyari sa kanya kapag wala ako.
From time to time, kinekwentuhan ko si Ingrid sa mga nangyayari sa paligid. Sabi
kasi ng doctor, naririnig pa rin naman daw 'yan ng pasyente. Hindi ako nawawalan ng
pag-asa ng isang araw ay gigising siya at ako agad ang hahanapin niya.
Isang pag-asa na biglang maglalaho dahil sa isang balita.
"We can't keep her alive anymore," sabi nang doctor.
"'Di ba po humihinga pa naman siya? Buhay pa naman ang anak ko," sabi ni Tita
Rida. Nangingilid na naman ang luha sa mata niya. Tahimik lang ako sa gilid at
hinahaplos ang kamay ni Ingid.
"Life support na lang ang bumubuhay sa kanya, Misis Sy. Kung tutuusin, parang
patay na rin naman siya,"
Anger rose inside me. Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Tita Rida.
"Kami ang magulang! Kami ang magdedesisyun kung bubuhayin namin ang anak namin o
hindi! Wala kayong karapatan para sabihin na patay na ang anak!" naiiyak na sabi ni
Tita Rida. Nasa likod niya si Tito Ington at tahimik din. Sina Erina at Maxhene
nasa sulok at halatang nalulungkot din.
"It will be considered as mercy killing, Misis Sy. Baka hindi natin alam gusto na
rin ng anak niyong bumitaw kayo. Nahihirapan na siya. Wala na siyang sign of
progress."
Nagulat kaming lahat nang biglang sinampal ni Tita ang doctor.
"You don't tell us what to do, Doc! I am the mother! You don't know how it feels
to see my daughter lying on that bed lifeless! If I have to spend all my money and
fortune just to keep her alive, I will do that! And I am willing to sell my soul to
the devil himself just to see her alive!"
Lumabas ang doctor sa kuwarto. Napayakap si Tita Rida kay Tito Ington habang
umiiyak. Mahigpit na napahawak ako sa kamay ni Ingrid. I will believe in her.
Naniniwala akong gigising siya.
"Hindi tayo bibitaw kay Ingrid. B-baka... Baka nagpapahinga lang siya kasi napagod
siya. Gigising din siya," sabi ni Tita sa amin.
Another days had passed. Days, weeks, hanggang sa umabot sa isang buwan. Pati ako
nawawalan na rin ng pag-asa. Magkatulong si Erina at Maxhene para panatiliing
malinis ang katawan ni Ingrid. Lagi rin siyang sinusuklayan ni Maxhene.
Dahil isa na akong tao ay may kakayanan na akong magkaroon ng panaginip. Kaya
minsan dinadalaw niya ako sa panaginip ko. Hindi siya nagsasalita pero sapat na
para sa akin para makita kong nakangiti siya sa akin.
Hanggang sa lumipas ang inim na buwan. Wala pa ring progress. Ramdam kong nawawalan
na nang pag-asa si Tita Rida lalo na sa sinabi niya.
"I have decided, Hansel. Pakawalan na natin siya," naiiyak niyang sabi.
"Pero Tita..."
"Hijo, hindi ko na kaya. Nararamdaman kong nahihirapan na ang anak namin.
Pakawalan na natin siya." Tita said. I am grateful on her because she is
considering my approval pero ito ang klase ng bagay na hindi ko siya mapagbibigyan.
"Anything but letting her go, Tita. Hindi ko kayang mawala siya sa akin," I said.
She heaved a heavy sigh and stared at Ingrid. Humaba na ang buhok niya kaya
kalahati na nang kanyang buhok ay bumalik na sa pagiging itim. Maputla na rin siya
at wala nang buhay ang mukha niya. It was like we are preserving a lifeless body.
Tumayo naman si Tito Ington sa pagkakaupo. I barely noticed his presence dahil
tahimik lang siya palagi.
"No. Don't unplug the life support," he said in a low, calm voice.
"Ington, akala ko ba nagkasundo na tayo?" sabi naman ni Tita Rida.
"May isa pang solusyon."
rIubK)Ta

Chapter 49 - Turning

Chapter 49
Hansel's POV
I HAVE received a text from manager Hyun na naayos niya na raw ang contract ko.
Siya na raw ang bahala sa ibang commitments ko. Napalapit na rin silang tatlo sa
akin kaya mabigat sa loob ko na iwan sila. They have become my second family.
"Kuya, nasa palasyo na ang katawan ni Ate Ingrid," sabi ni Erina nang makapasok
siya sa silid ko rito sa palasyo. Tumango lang ako sa kanya.
Hindi ko akalain na makakabalik ako muli dito sa kaharian. Dahil isa na akong
mortal ay pinagsuot nila ako ng kuwintas para makapasok ako sa portal.
Nakakapanibago nga, eh.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Erina at pinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Ang daming nangyari, 'no, Kuya?" she said. We are both staring at the whole
downtown of vampire city.
"Everything will be alright, Erina," paninigurado ko sa kanya.
"Alam ko. Pero hindi lang ako makapaniwala na ang dami niyong pinagdaanan para lang
magkasama kayo. You did everything to protect her. Kahit nagkaroon ng war between
Sanguinarians and the Royals ay naging matatag kayo. Then you left para makasama na
siya nang tuluyan pero naaksidente ka at pinaglayo kayo ng panahon. Pero kung
iisipin mo, parang tadhana rin ang gumawa ng paraan para mapaglapit ulit kayo. Nasa
South Korea ka tapos nasa New York siya then it happened. Pinagtagpo kayo muli sa
Pilipinas. Hindi ka ba naa-amaze sa mga nangyari, Kuya?"
Tumawa lang ako dahil sa mga sinabi ni Erina. She was right though. Naniniwala rin
ako na kahit ilang beses kaming paglayuin ay pagatatagpuin pa rin kami ng tadhana.
Hindi mo kailangang matakot na malayo sa minamahal mo kung naniniwala kang kayo ang
para sa isa't-isa.
"How about you, okay lang ba sa'yo na hindi natuloy ang kasal niyo ni Cris?" tanong
ko sa kanya.
"Siyempre okay lang. Hindi naman kasi kami nagmamadali ni Cris, eh. And need I
remind you that you are older than me. You are ought to marry before me,"
"You're right," I said beaming.
"Prince Hansel, Princess Erina, kailangan na po kayo sa bulwagan," sabi ng isa sa
mga tagapagsilbi.
Nagkatinginan lang kami ni Erina at saka tumango. Kinuha ko ang aking red cape at
sabay kaming bumaba ni Erina papunta sa bulwagan. Nandoon sila Mommy at Daddy at
ilan sa mga elders.
I'll be turning into a vampire again. I need to because I have to save Ingrid.
"No. Don't unplug the life support," he said in a low, calm voice.
"Ington, akala ko ba nagkasundo na tayo?" sabi naman ni Tita Rida.
"May isa pang solusyon."
"A-ano pong solusyon?" I said with hopes up.
"Turn her into a vampire. I want my daughter to live. I beg you. Please, convert
her," nakita ko ang pagsusumamo sa mga mata ni Tito Ington. Bahagya pa akong
nagulat dahil hindi ko inaasahan na sa kanya manggagaling ang bagay na 'yon.
"I believe I can't do that, Sir," nakayuko kong sabi.
I am now a mortal. I won't allow to convert her with someone else's fangs. Hindi ko
gugustuhin na maging malapit si Ingrid sa kung sino ang nagconvert sa kanya.
"Yes, you can. Turn yourself into a vampire again, then convert my daughter. I am
giving you my full blessing,"
Going back into a vampire is a different process. I will drink my own venom that
was saved when I was converted as a mortal. And to convert Ingrid, I will have to
bite her and share my venom on her. In that way, she will be attached to me. Ito
ang unang beses na may ico-convert akong tao kaya kinabahan ako.
"Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Daddy.
"Yes," sabi ko. Napapalibutan ako ng mga elders at ng mga Royals.
"Matutupad pa ba ang propesiya kahit gawin ko siyang kauri natin?" I asked while
waiting for the ritual.
"May mga bagay na kailangan buwagin para sa pagbabago. Hindi ibig sabihin na
nakatakda ay kailangang sundin talaga. Hindi man matupad ang propesiya ay hindi
ibig sabihin na hindi kayo ang para sa isa't-isa,"
Tahimik lang ako napatango sa sinabi ni Daddy. I know he was referring to his
visions. Erina told me he had one pero hindi niya sinasabi kung ano 'to. Ayaw ko
namang pilitin si Daddy na sabihin sa akin dahil alam kong may dahilan siya kung
bakit niya 'to tinatago.
The ritual has started and they gave me a book to read. Nasa gitna ako ng isang
pentagram at may mga nasulat na iba't-ibang symbols sa paligid nito. I read the
ritual book as the elders gave me a signal to start.
"Crimson blood, pale skin.
Moonlight draw me in.
Quench my thirst, coarsing veins.
Let my body feel no pain."
Pagkasabi ko noon ay may binigay sa akin si Daddy na kulay pulang likido na
nakalagay sa isang vial. It was my venom. Kinuha ko 'yon at agad na nilagok. Halos
mapapikit ako nang gumihit ang likido sa lalamunan ko. Pakiramdam ko sinasakal ako
sa sobrang sakit. I can feel my venom running on my veins. I clasp my chest. The
pain was excruciating. Para bang nilalason ng venom ang buong katawan ko. I groaned
loudly when I felt my fangs showing. I opened my eyes widely and I can feel its
changes from brown to burgundy.
"Welcome back, Prince Hansel." Sabay-sabay nilang sabi.
* * *
3 months later...
IT'S been three months since I converted her pero hanggang ngayon ay hindi pa rin
siya gumigising. Ang sabi sa akin ng mga elders ay converted na siya pero hindi ko
maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.
Napansin ko rin na nag-iba ang kutis niya. Her pale skin complements her cherry
lips. Gustong-gusto kong makita ang mga mata niya.
Nag-aalala na nga ako kung tama ba ang ginawa ko. Normally kasi within a week a
nagigising na ang isang converted vampire. Matagal na ang isang buwan. Pero tatlong
buwan na. Maraming naghihintay na magising siya. Her parents was waiting for her.
At hindi ko kayang biguin si Tito Ingrid at Tita Rida.
"Kuya, pinapatawag ka nila ng mga elders," bungad sa akin ni Erina sa loob ng
chamber.
"Susunod ako," sabi ko lang at saka siya umalis.
Muli kong tiningnan si Ingrid at hinawakan ko ang kamay niya.
"Hihintayin kita, Ingrid. Kahit gaano pa katagal basta gumising ka lang," I said as
I kissed her cold hand.
>X

Chapter 50 - Forever and Eternity

Chapter 50
Ingrid's POV
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko.
"Where am I?" I asked myself. Nasa isang silid ako pero alam kong wala ako sa bahay
namin. The place looks vintage. May isang malaking bintana na natatakpan ng makapal
na kurtina. Hindi ko tuloy alam kung umaga na o gabi.
Bumangon ako at maingat na inapak ang aking mga paa sa sahig. Ramdam ko ang malamig
na hatid ng sahig sa talampakan ko. Napatingin ako sa aking sarili at nakasuot ako
ng isang puting bestida. Mahaba na ang aking buhok hanggang dibdib ko at hindi na
siya blonde. Bumalik na sa dating kulay ang buhok ko.
Lumapit ako sa bintana at marahas kong binuksan ang kurtina.
"Ahhhh!" halos mapasingaw ako sa sakit.
What the hell? Ang init naman! Agad kong sinara ang kurtina dahil pakiramdam ko
nasusunog ang balat ko.
Wala sa sariling napaupo ako sa kama. Ano bang nangyayari? Pinilit kong inaalala
kung ano ang huling nangyari sa akin pero hindi malinaw sa utak ko.
Naghanap ako ng tsinelas sa loob ng silid pero wala akong mahanap.
Lumabas ako sa silid kahit nakapaa at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto
ko kung na saan ako.
Bakit ako nandito sa palasyo ng vampire city?
Wait. Oh my, God! Si Hansel. Gising na kaya siya? Ang huli kong naaalala ay nasa
hospital siya tapos si Eunice-holy shiz! Eunice tried to kill me! Ugh! That bitch!
Tuluyan akong lumabas at bumaba. Kailangan ko sabihin kay Hansel ang lahat.
Kailangan kong sabihin sa kanya na hindi siya si Hariko.
Napansin kong ang tahimik sa loob ng palasyo kaya nakalabas akong wala man lang
nakakapansin sa akin. Err, nakapaa lang ako.
Tumakbo ako palabas ng palasyo nang biglang umulan. Kahit gusto kong sumilong ay
hindi ko magawa. Para bang gumaan ang pakiramdam ko nang mabasa ako ng ulan.
Pakiramdam ko kaya ko itong kontrolin.
* * *
Hansel's POV
"WHAT do you mean she's missing?! 'Di ba sabi ko bantayan niyo siya dahil
kailangan kong lumabas ng portal?!"
"P-patawarin niyo po kami, Prince Hansel. Nalingat lang po kasi kami nitong kasama
ko tapos pagbalik namin wala na siya sa kuwarto niya," nakayukong sabi nang
tagapaglingkod.
"Kuya, relax ka lang, okay? Baka gising na si Ate Ingrid kaya nag-ikot lang siya
sa palasyo. You should feel her presence. You created her, remember?" sabi sa akin
ni Erina.
"I can't locate her," sabi ko lang. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang
natatakpan siya ng isang malakas na kapangyarihan.
"Because it's raining," sabi lang ni Daddy.
"Why?" naguguluhan kong tanong. Ano naman kung umuulan?
"Just like what was in my vision, Ingrid turned out to be an Elemental vampire. The
musk of her scent was being hidden by her strength." He explained.
"But she doesn't know that she's now a vampire," nag-aalala kong sabi.
"Son, Ingrid is a smart lady. She'll figure it out,"
Hindi na lang ako umimik. Ang daming tumatakbo sa utak ko paano kung hindi niya
matanggap na isa na siyang bampira? Paano kung mas gusto niyang manatiling brain-
dead hanggang sa mamatay?
Nagpabalik-balik lang akong naglalakad nang biglang may malakas na puwersang
bumukas sa pinto nang bulwagan. Lahat kami ay napalingon at maging ang mga kawal ay
inihanda ang kanilang sarili.
Halos manlaki ang aking mga mata nang pumasok si Ingrid na parang basang sisiw.
Napapatingin siya sa kamay niya at parang naguguluhan. Nag-angat siya nang tingin
and her face soften.
"Naaalala mo na ba ako?" her eyes are watering.
"Yes," I said as I held her hand.
"There's a weird thing going on with my body, Hansel. Napaso ako nang masinagan ako
ng araw. Tapos no'ng biglang umuulan inisip ko lang na sana ay huminto ito, then it
stopped. Like magic! And now, I blasted the door using my hands! What the hell is
happening to me?!"
Nagkatinginan lang kami nina Daddy at Erina. So she already used her power without
her knowing.
"Ingrid, listen to me. Your father asked me to convert you because we don't want
you to die. Matagal kang nakaratay sa hospital at hindi na nagrerespond ang katawan
mo. The doctors said that you have no chance to survive. That you're already brain-
dead."
Napakurap naman siya sa sinabi ko. Her innocent eyes was gaping at me. Then I heard
her heaved a sigh of relief.
"I'm a vampire, am I?"
"Yes,"
"But how about you? Vampire ka na ba ulit?" tanong naman niya.
"Oo."
"And where is Eunice?" nakasimangot niyang tanong.
"Jail," nakangiti kong sabi. She may be a vampire now, but she will always be my
feisty Ingrid.
* * *
Ingrid's POV
I WAS back to my old life. Hansel wants me to live like a normal person. It's been
three months since I was converted. Tumira ako sa bahay namin. My parents are very
grateful with Hansel. Masaya akong tanggap na siya ni Daddy. Ilang beses din siyang
nagsorry sa akin. Wala na naman sa akin ang nakaraan, eh. Ang mahalaga ay
magkakasama kami.
Last week lang nang dinalaw ko si Eunice sa kulungan. Pinaurong ko ang kaso laban
sa kanya kahit labag silang lahat lalo na si Maxhene. Pinabalik na siya sa China
pero hindi na siya puwedeng bumalik ulit sa Pilipinas.
Balak ko na ring magresign kay Mr. McKinley this month. Gusto ko kasing maging
maingat tungkol sa katauhan ko. Ayaw kong pagdudahan nila ang edad ko. Madalas na
rin akong bumisita sa vampire city. Nakakatuwa kasi marunong na ako magteleport.
Ang bilis-bilis lang makapunta sa ibang lugar.
Si Maxhene at Denver ay ikinasal na last month. Ang alam ko ay buntis na siya.
Nakakatuwa nga ang dalawang 'yon. Si Erina at Cris naman ay matatag pa rin ang
relasyon. Si Tom naman ay laging nasa labas ng portal. Minsan nga binibiro namin
siya na baka naghahanap din ng mortal.
Kami naman ni Hansel ay kagaya pa rin ng dati. Lagi niya akong dinadalaw sa gabi at
magdamag kaming nag-uusap. Minsan pumupunta kami sa iba't-ibang lugar.
Pinagmamalaki ko rin sa kanya ang kapangyarihan ko.
Kagaya na lang ngayon, nandito ako sa park kung saan una naming pinuntahan noong at
noong may amnesia pa siya. Sabi niya hintayin ko siya rito kasi may babalikan lang
siya sa kotse niya. As much as we wanted to use our teleporting ability ay kino-
control namin 'to lalo na kung nasa labas kami ng portal.
Nakaupo lang ako sa bench at pinagmamasdan ko ang mga taong sa park nang may
kumalabit sa akin.
"Ate," tambad sa akin ng nakangiting binata. Agad naman akong napangiti nang
maalala ko siya.
"Oh, ikaw pala. Walang bibili ng rosas sa'yo ngayon, eh," nakangiti kong sabi.
Natatawa talaga ako kapag naaalala ko kung paano niya utuin noon si Hansel.
"Nagbago na nga ang boypren mo, Ate. Natuto na sa akin," nakangisi nitong sabi.
Tatanungin ko sana siya kung ano ang ibig niyang sabihin nang may inabot siya sa
aking tatlong rosas. "Para raw sa'yo. Sige, enjoyin niyo ang date niyo!"
Tumakbo siya palayo at ako naman ay naiwan na naguguluhan. Pati ba ako nauto na rin
ng batang 'yon? Pero hindi naman niya ako hiningan ng pera, eh. Napatingin lang ako
sa tatlong rosas na hawak ko. Bigay ba talaga 'to ni Hansel? Teka, saan na ba ang
lalaking 'yon?
Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko siyang naglalakad palapit sa akin. May dala-
dala siyang bouquet of roses.
"For you," inabot niya ang bulaklak nang makalapit siya sa akin.
"Salamat. Pero binigyan mo na ako nito, eh," pinakita ko sa kanya ang tatlong
tangkay ng rosas. Ngumiti lang siya sa akin.
"Yes. Because I wanted you to remember our first date. This park is very especial
to me. So I decided to do this here," may kinuha siya sa bulsa niya. His hands was
trembling at parang kabado pa siya.
"What are you-" nagulat ako nang may inilabas siyang red box. "H-Hansel..."
"Marami na tayong pinagdaanan, Ingrid. At lahat 'yon ay nalagpasan natin. Oo
nakalimutan kita noon pero hindi ka nalimot ng puso ko. Mahal na mahal kita at wala
nang ibang babae ang maaring magparamdam sa akin ng ganito. Sobra akong
nagpapasalamat dahil dumating ka sa buhay ko,"
Lumuhod siya sa harap ko at natutup ko ang kamay ko sa bibig ko. My eyes were
watering with joy. He slowly opened the box and I saw a princess-cut gold ring with
a diamond on top.
"Please marry me, Ingrid, and be my Queen,"
Hindi ko mapigilang hindi maiyak. No'ng ikinasal sina Maxhene at Denver, tinanong
ko rin ang sarili ko noon kung paano siya magpo-propose sa akin. Lihim akong
nagdadasal no'n na sana maging pribado lang at simple. I was raised in granduer and
lavish life kaya gusto ko simple lang. And he did.
"I will marry you, Hansel." Natatawa at naiiyak kong sabi. Panay ang pahid ko sa
luhang pumapatak sa mga mata ko. Isinuot naman niya ang sing-sing sa kaliwa kong
daliri and it perfectly fits.
He stared at me with love while caressing my cheeks. Kahit wala siyang sabihin ay
nararamdaman ko ang gusto niyang iparating. We are bonded so we don't need words.
Just by the look of him, alam ko na ang gusto niyang iparating.
"God, I love you!" bulalas niya kaya natawa ako.
"I love you, too," I replied and he pulled me towards him and hugged me tightly.
;WƸv

Epilogue

Epilogue
3 YEARS LATER...
Ingrid's POV
"HANSEL!" Malakas kong sigaw habang hinahawakan ang naglobo ko ng tiyan. Naghihilab
na siya at sobrang sakit nito na parang gusto nang magsariling lumabas sa
sinapupunan ko.
Agad akong binuhat ni Hansel nang walang pag-aalinlangan papunta sa Infirmary sa
loob ng palasyo.
Akala ko hindi ako makakaramdam ng sakit dahil sa isa na akong bampira, pero totoo
pala ang sabi ni Queen Veruca na masakit para sa mga babaeng bampira ang manganak.
Tila uubusin nito ang lakas mo dahil aagawin ng anak mo ang lakas mo.
"Ahhhh! H-Hansel, ang... ang sakit na!" sigaw ko kahit nanghihina na ako. Parang
gusto ko na lang na ipikit ang mga mata ko.
Inilapag nila ako sa higaan at pinalibutan ako nang mga manggagamot. I can hear
distinct voices but the pain was unbearable to even recognize their voices.
"Prince Hansel, hindi pa naman po siya 9 months, 'di ba?" I heard someone say.
"Hindi ko alam! Just deliver the baby safetly. It pains me seeing her in pain!" I
heard Hansel pero hindi ko na 'yon pinansin dahil mas lalong humihilab ang tiyan
ko. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya at mahigpit akong napahawak sa
higaan.
Hindi ko na alam kung ano pang sunod na mangyari nang dumoble ang sakit sa
sinapupunan ko. Hindi na ako makasigaw dahil sa sobrang panghihina. Naramdaman ko
na lang na may lumabas na luha sa gilid ng mata ko.
No, hindi ako puwedeng sumuko. I have to deliver the baby alive. Kung kailangan ko
ubusin ang lakas ko mailabas ko lang nang ligtas ang bata ay gagawin ko.
* * *
Hansel's POV
WAITING for the doctor to come out inside the infirmary was like forever. I can
hear her struggle and pain. Parang unti-unting pinipiga ang puso ko dahil wala
akong magawa para pawiin ang sakit na nararamdaman niya. My wife was alone with
this and all I could do was wait.
Halos mapatuwid ako nang makita kong lumabas ang doctor na nakangiti. Medyo gumaan
ang pakiramdam ko dahil sa aura niya.
"Congratulations, Prince Hansel. Your wife delivered a healthy twin. A boy and a
girl,"
"Oh my God. Talaga?" bulalas ni Erina na halos makalimutan ko nang kasama ko pala.
Napatingin naman ako kay Daddy dahil ang sabi niya noon ay lalaki ang magiging anak
namin. Siguro isa 'yon sa patunay na hindi lahat ng visions niya ay nagkakatotoo.
Katulad na lang nang propesiya. Hindi namin alam kung matutupad pa ba 'yon ngayon
na hindi na isang mortal si Ingrid.
Pumasok ako sa delivery room at nakita ko si Ingid na nakahiga at walang malay.
Ramdam ko ang pagod niya. Hindi lang isa kundi dalawa ang pinanganak niya at hindi
ko maimagine kung anong hirap ang dinanas niya mailabas lang ang anak namin.
Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ko ang mukha niya. Bakas dito ang pagod kaya
niyakap ko siya. If only I could ease the pain.
"I'm sorry wife, this time I cannot save you from this pain. I'm so sorry," bulong
ko sa kanya.
"Don't say that," she said with a very weak voice. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko
sa kanya at napakalamlam ng mga mata niya pero nakangiti pa rin.
"I have good news," sabi ko sa kanya. Tinulungan ko siyang maupo sa kinahihigaan
niya.
"Ano 'yon?" she flashes a smile. She's still the most beautiful vampress for me.
Hindi kumupas ang ganda niya.
"Kambal daw ang anak natin," I said at parang hindi na siya nasurpresa sa sinabi
ko.
"Kaya pala ang sakit ng sobra," she said pouting kaya natawa lang ako sa kanya.
"Nasaan na ang babies ko? I want to see them," she said. I can still feel the
weary on her voice.
Bigla namang pumasok ang dalawang nurse at karga nila ang anak namin. Nakabalot na
sila ng puting tela na may embroid ng official emblem ng kaharian. Unang ibinigay
nila kay Ingrid ang baby boy namin at sa akin naman ang baby girl. Ito na 'ata ang
pinakamagandang regalo na natanggap ko.
Ipinagtabi namin ang dalawa habang karga namin 'to. Hindi ko pa makita kung sino
ang kamukha nila lalo na't nakapikit pa ang mukha niya. Halos wala akong
mapagsidlan ng kasiyahan ko ngayon. Gusto ko na lang tingnan ang mag-ina ko at
kuntento na ako.
"Ang gaganda nila," rinig kong bulong ni Ingrid. Humikab naman ang baby boy namin
at nag stretch ng braso ang baby girl. Nakakagigil silang tingnan.
Napatingin ako kay Ingrid at umiiyak na naman siya. Lagi na lang siyang umiiyak
kapag masaya. Parang kagaya lang no'ng nagpropose ako sa kanya.
Pumasok naman sa loob si Erina kasama sina Mommy at Daddy. Excited na nilapitan
nila ang kambal. Si Erina akala mo nakakita ng cute na manika.
"Grabe! Ang cute!" she said with a squeal.
"Ano'ng ipapangalan niyo sakanila, anak?" masayang tanong ni Mommy.
Nagkatinginan kami ni Ingrid at pareho kaming may naalala tungkol sa pangalan ng
bata.
"K-kapag nagkaanak kayo, puwede ipangalan niyo sa akin? Bayad niyo na lang sa
pagsagip ko sa kasiyahan niyo."
"Aric Drake and Avia Dysis." sabay naming sabi ni Ingrid.
Alam kong nagtataka sila kung bakit 'yon ang ipinangalan namin sa anak naming
lalaki. Hindi naman sila nagtanong. Alam kong maiintindihan din nila kami.
Ibinigay naman namin kay Daddy si Aric Drake. Maingat niya 'tong kinarga
"Aba, nakikitaan na kita ng korona sa ulo, ah. Sigurado ikaw na ang magmamana ng
korona ng Daddy mo," masayang sabi ni Daddy. Ibinigay niya sa akin si baby Aric at
sunod na kinarga si baby Avia. Natigilan siya nang mahawakan niya ito.
"Bakit po? M-may problema ba?" nagtatakang tanong ni Ingrid.
"T-this baby... She's not a pureblood. She's a... She's a damphyr," sabi ni Daddy
na ikinagulat naming lahat.
"Kung gano'n, natupad ang propesiya."
-THE END-

TAKE TIME TO READ (Thank you message, FAQ's, Announcement, etc)

Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng nagbasa at tumangkilik ng VCNYOVS. Hindi niyo


po alam kung gaano ako kasaya simula nung sinimulan ko ang storyang to. Dahil dito
nagkaroon ako ng mga wattpad friends. Hindi rin maiiwasan ang mga haters, pero ok
lang kasi alam kong mas marami ang nagmamahal sa storyang ito kesa sa naghehate.

Una kong pasasalamatan si @redprincess16, @silent_reader22, at @chubbyheart. Kayo


po ang unang nagbasa ng Vampire City. Shock nga ako ng makita kong may read na siya
at comment. Kahit hindi ako nagdedicate, nagawa ko dahil sa inyo.

Natatawa talaga ako kapag may nagsasabing cute daw ang Prologue. Sa totoo lang
kasi, wala naman talagang maayos na plot ang kwentong ito. Joke joke ko lang ito sa
kapatid kong mahilig sa Vampire lalo na kay Edward Cullen. -_- Wierd pero, hindi
talaga ako fan ng vampires. Sorry naman, masyado kasing too good to be true si
Edward Cullen noh.So ayun, gumawa ako. Kung napansin niyo sa una, nasabi ni Hansel
dun na gay vampire si Edward, kasi nga nababaklaan ako sakanya (noon yun). Nabago
ang aking pananaw dahil sa sarili kong kwento. Bwahaha.

Ang ikinawindang ko pa, agad na nakasali sa what's hot ang story na to na 1K lang
ang reads, at ang kakumpetensya niya ay yung Loki na may marami ng reads that time.
Kaya naisip ko, sinungaling din si wattpad. Hindi accurate. Hahaha Pero wag ka,
dahil dun, nakaisip ako ng magandang plot. Dapat talaga ang story si Devant at
Drake ay iisa at magpapanggap siyang Drake at papaibigin niya si Ingrid tapos
magkakagusto si Ingz sakanya, then dahil sa uso ang love triangle makikiaagaw si
Hansel lalo na ng malaman niya na isang sanguinarian si Drake. Inlove na siya kay
Ingrid nun tapos ayaw sakanya ni Ingz dahil hulog na siya kay Drake at doon na
magsisimula ang agawan between human na parang vampire diaries kaya binago ko.
Ayoko nga sa cliche. Kaya pinush ko ang ibang plot. Magulo talaga author nito.
Halata naman sa kwento. (_._")
At dahil natamaan ang author niyo sa mga rants, tinanggal niya ang emoticons.
Wahaha. Really guys, nasaktan ako sa mga rants na nababasa ko. Shunga din kasi ako
nagbabasa ako ng mga ganun. In my personal opinion, walang masama sa emoticons,
porke may emoticons hindi na professional? Eh nakalimutan ata nilang online book
community to hindi hardcopy. (Sorry nagrarant din ako!)

Pasensya pala doon sa isa, dalawa, o tatlo or more na reader na inaway ko ng


slightly bit. Paperpek kasi masyado. Kesyo hindi ako gumagamit ng tamang bantas ng
pagsusulat. Pake nila! Hanggang sa naiintindihan pa ng reader. fH4sH47mhat n6a 8y4
h!nd! 6h4n!t0 nb2xha n!y4! (Pasensya na po kung trying hard jejegerl ako. Hinde ako
merunong ey! >_<"

Ang daldal ko ba? Ganun talaga ako. Kaya sa mga hindi pa sa akin nakakakilala i-add
niyo na ako sa facebook. kekeke~ Magdamag tayong mag-usap sa facebook at 24/7 akong
online. Eh bakit ba?! Mabait ang kapitbahay ko at walang password ang wifi. Kaya
pasalamatin natin ang MALCO FAMILY dahil sila ang nagsusupply ng internet
connection sa akin para makapag UD ako.

Hi kay Jhenny Marie Gumata, siya yung naging close ko sa wattpad pati sa facebook.
Lagi kaming nagchachat at dumating sa puntong mas inuuna ko siyang replyan kesa sa
hubby ko. ^0^ *kaway kay hubby ko!* Eh paano ba naman, topic namin lagi si Luhan.
Nekekeleg tuloy ako. mehehe. Tapos yung mga classmate niya slash bestfriend niya na
naging close ko din. Hi kay Elle at yung, uhh. WAAAH~ Nakalimutan ko name niya.
TT__TT"

Hello kay Chezka Fineza, isa sa naging close ko gaya kay Jhenny. Admin ko yan sa
page. Mabait na, sweet pa. Ang nakakalungkot lang at hindi na kami gaanong
nakakapag usap. Busy sila sa school na naiintindihan ko naman. ^___^

May isa pa akong naging friend dito sa wattpad eh, si @sweet_aria wahahaha secret
ang name niya kasi dyosa daw siya, baka pabalikin siya sa paraiso. lalala~~ Ang
ganda ng story niyang Don't make the badboy mad. Intense at hot. Hahaha. Shrek
alert! xD JK! Labyu, to tell you this pero magaan talaga loob ko sayo.. Update ka
agad. ^___^v

Kay @saranghaexo at @noobaadii (?) sila yung nangulit na gawin kong dp ang totoo
kong mukha, pumayag naman ako pero 2 days lang yun. Hi sainyo.

Wait lang, medyo naluluha ako. Emotional talaga ako dahil tapos na ang kwento ni
Hansel at Ingrid. Sa apat na buwan ko kayong nakasama, naging masaya ako. Dahil sa
wattpad madaming nagbago sa buhay ko. Lagi na akong puyat dahil sa gumagawa ng
chapters. haha. Lagi din akong napapagalitan nila mommy na laging babad sa laptop.
Pati sa school kapag wala akong ginagawa nag-aupdate ko. Kaya ganun ko kamahal ang
VCNYOVS. Actually, ang pagiging writer ko sa wattpad ay isang malaking secreto,
dati. Ako lang nakakaalam. Pero dahil sa likas na addict din sa wattpad ang mga
classmate ko, nakita daw nila sa what's new and title ng story ko kasama ang
pangalan ko.

Salamat din sayo @freak_doll18 isa ka sa favorite reader ko dahil pati yung UYS at
WTF binabasa mo. kay @1331MAGNET salamat girl for supporting this story. Salamat
talaga, isa ka sa active likers ng page. :)

Sino pa ba? AHHH~ Madami talaga akong gustong pasalamatan. Teka lang, tignan ko
lang sa ilalim ng mesa. Naisulat ko na yun eh. AHA~ Eto, mehehehe.

@Noobaadii, @Chrisa_kathniellover, @silent_reader22, @iamacrammer, @phoebesherlyn,


@moonstarZERO, @jamesobrero, @MariaFaeCorporal, @icravekimchi, @gesvilla19,
@sappy_21, @claireann21, @jastinemelos_, @ohsehun19, @AdikKayLUHAN20,
@xxx_animefreya_xxx, @EmiajNoiramMaj, @Jenny_Maiven09, @YourOnlyGirl_17,
@mariepardz, @KrisYle, Manz, @DMa9rie, @NixterLove, @sappy_21, @exquisitewriter,
@ChezkaFineza, @shaannmonster, @PrettyNhikkie, @eurikallana, @rien22, @freakdoll18,
@Geninekristel, @DemonPrincess02, @aizkie_04, @AHLIAlovesyouuu, @iamcharity11,
@IAMGENINE, @1331magnet, @lykacullo, @SimpleGhirl, @Pia_ako, @Infinilyno4.
@Stranger_Lover28, @yaneechan, @kcpampanga, @chelshi, @lovelyevilprincess,
@loveejem, @JUSTINESIGRID, @herayoshi, @cutieprincess_09

SO HETO NA. ANG MGA NAGTATANONG SA AKIN.

FAQ's..

1. May especial chapters po ba?

-Meron, pwedeng side story nila Erina & Cris and Maxhene & Denver.

2. Pwede po bang makarequest ng BS sa especial chapter?

-Meron na. Pabasa na lang!

3. Ano ang nangyari kay Eunice?

-Namatay sa kulungan?
4. Wala po kayong balak buhayin si Drake?

-Wala.

5. Ano ang inspirasyon mo sa pag-gawa ng kwentong ito?

-Kayo, kayo ang inspirasyon ko. Mas nagaganahan ako mag-isip na UD lalo na at
nandyan lang kayo at sumusuporta.

6. Bakit si Luhan ang bida?

-Kasi mahal ko siya. Dapat talaga si Kris kaso wala siyang MV na gaya kay Luhan.

7. Bakit si Chorong? Pwede naman si YoonA.

-Ang alam ko lang, hindi bagay si YoonA sa character na Ingrid.

8. May book 2 po ba?

Sa totoo lang, wala akong balak gumawa dati ng book 2. Pero dahil ang daming
pumipilit sa akin at yung utak ko eto at nakakaisip nanaman ng bagong plot, ayun
may book 2. I'M HAPPY TO ANNOUNCE NA MAY BOOK 2 PO. ^__^ Expect niyo po na ibang-
iba ang plot niya sa book 1. At gaya ng title niya, sana mapanindigan pa din niya
ang pagiging NOT YOUR ORDINARY VAMPIRE STORY. :))

9. Kailan po sisimulan ang BOOK II?

-On Going na po :)

10. Hindi ko po nagustuhan yung last part kasi nakasama ang EXO.

-Not my problem anymore. Taste mo 'yan eh. Hindi ko mapipigilan.

11. Bakit kasi nasali ang EXO?

-Una sa lahat, i didn't plan it. Pasensya na at masyado lang ako na-overwhelemed sa
pagmamahal ko sa EXO kaya ko sila nasali. Ayaw ko kasing lumayo pa at mag imbento
ng another boy band group. Pangalawa, hindi dapat boy band ang nasalihan ni Hansel,
isang modeling company sana at dun sila magkikita muli ni Ingrid. Pero nagbago isip
ko.
Marami pa po akong gustong sabihin pero hindi ko na alam kong paano siya ittype.
Baka nga wala nitong magbasa eh.

Sa mga gusto akong makausap, may facebook account ako na pwede niyo akong makausap.
www.facebook.com/Thyriza

You can follow me on twitter @theRealThyriza

Yung link ng book 2 nasa external link lang po. Paclick na lang. :))

Hindi ak mag-sasawang mag THANK YOU sainyo. ^___^

PS: KUNG MERON MAN AKONG HINDI NAPASALAMATAN, I-PM niyo ko at magreklamo kayo. :3

PSS: AT THE RIGHT SIDE PO YUNG BOOK COVER NG BOOK 2. Magkita-kita po tayo sa
VAMPIRE CITY: DEFINITELY NOT YOUR ORDINARY VAMPIRE STORY.

PSSS: Ang kapal ko para kalimutan kong magpasalamat sakanya. I wanted to thank the
lord almighty for giving me such ideas. Kung hindi dahil sakanya, hindi ko to
matatapos. Ginawa niya lang akong instrumento pera ishare sainyo ang story na to.
^3^

Very truly yours,

Thyriza <3
This Chapter was Deleted! Proceed to next.

CONTENTS HAS BEEN REMOVED DUE TO PERSONAL REASONS! THANK YOU!

HONEYMOON - Special Chapter

At dahil sa sobrang dami talagang nangungulit sa akin ng ganitong special chapter,


heto na at pagbibigyan ko kayo. Just stop blowing off my inbox. Seriously guys.
There are group of watty users here na nangungulit gawan ko daw ng love scene si
Hansel at Ingrid. Nonetheless, nangingibabaw pa din ang pagmamahal ko sainyo kaya,
sige na, Gagawa ako ng love scene nila pero wag kayong mag expect na wild 'to ah.
Pure love to. They're making love not having fvcking up.

WARNING: Sa mga medyo hindi pa handa sa ganitong scene lalo na yung mga hindi open
minded please lang, wag niyo ng ipagpatuloy pa ang pagbabasa. K guys? Hindi ko siya
ipprivate kasi alam kong may magagalit din sa inyo. Just don't report the story
please para hindi mismo ang wattpad ang magprivate sakanya. Arasso? So heto na,
push na natin 'to to the limit. xD

(Please play the song Adore you para mas feels natin ang scene. Hohoho.)

The scene happened right after the wedding.

Ingrid's POV

"Wife.." tawag sa akin ni Hansel. His voice gives me perfect shivers through my
spine. Kinakabahan ako. This is our first night as husband and wife at sa totoo
lang, hindi ko alam ang gagawin ko.
"B-bakit?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok. Nasa harap ako ng tukador at
katatapos ko lang maligo. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salaming, i look pale,
thank ghad! Because if not, i may be red as tomatoe right now lalo na nakikita ko
si Hansel na papalapit sa akin na suot lang ang bathroab.

"What are you wearing?" he asked. Pinagpatuloy ko ang pagsusuklay na parang hindi
kinakabahan. I am wearing my pink silky night gown. What? Is he expecting me to
wear seductive lingerie and such? Well yes i am wearing one, inside.

"What's wrong?" dahan dahan akong humarap sakanya. My knees almost melt seeing his
wet look hair. Ugh! I felt hot! Buti na lang nakaupo pa ako kundi magtataka ito
kung bakit ako mapapaluhod ng bigla.

"Come here.." inilahad niya ang kamay niya sa akin. It took me 5 seconds bago ko
abutin ang kamay niya. Hinila niya ako palapit sa kanya at halos magdikit ang
katawan ko sa katawan niya.

Pinagmasdan niya mata ko saka hinaplos ang pisngi ko. Hinawi niya ang buhok na
nagdikit sa mukha ko.

"Do you know how beautiful you are?" tumirik ang mata ko.

"Mambobola ka nanaman ba?" sabi ko.

"You have the most expressive eyes i've ever seen. The first time i saw those eyes,
i know already that you belong with me." i can see the honesty on his face. There
is a certain look in his eyes that seemed to affect me in a way that make me more
nervous.

"Hansel.." anas ko. Unti-unting lumapit ang labi niya labi ko. I closed my eyes as
i felt his lips on mine. It was gentle and it feels so good. His soft lips, i
wanted it only mine.

Napakislot ako sa magkasabay na sensasyong naramdaman ko. May kung anong heat na
mayroon sa loob ko na hindi ko mawari kung saan. The sensual excitement na
nararamdaman kong gumagapang sa aking balat tuwing magkakalapit kami nang ganito.

I moaned ng maramdaman kong ang malamig niyang palad ay hinihimas ang aking malamig
na balat. He started nuzzling my cheeks, to my earlobe and my neck.

Raising the hem of my night gown, dinama niya ang aking tiyan, pataas.

Napasinghap na lang ako ng madama ko na ang isang palad niya, gently cupping one of
breast. I couldn't protest, this is it. This is the night. We will do it, with
love. And i am ready to give my whole to him. I felt so curious about the new
sensation, Hansel is giving me. I let him explore my body.

He was touching a very private part of me, hesitantly doing it. I moaned, again.
Umangat ang mga labi nito at naging magkalevel na lang kami.

"Ingrid.. I love you, so much." he whispered near my ear. Then he started kissing
every inch of my face hanggang sa maabot niya ang labi ko. We are kissing like
hungry children.
Dahan-dahan niya akong binuhat at inihiga sa kama. He was on top of me. I can't
feel his weight. All i can feel is heat beneat us.

He then again, do it. He leave a little kisses to my cheeks, my neck and my chest.
Bumangon siya at dahan-dahan niyan hinubad ang kanyang bathroab leaving no clothes.
As in wala! Iniwas ko tingin ko. Hindi ko akalain na ganun siya.. uhh, kalaki?

I saw him grinned. Pumatong ulit siya sa akin. Dahan-dahan niyang itinaas ang damit
ko. Hanggang sa mawala to ng tuluyan, leaving only mu undies. He started at my body
like worshiping it. Gusto kong takpan ang katawan ko pero pinigilan niya ako.

"Please, don't." he said in a husky voice. Oh god!

He caress my skin. Then he gently massage my front. I gasped.

"H-hansel.." bulong ko. Naramdaman ko na lang na tinatanggal niya ang hook ng bra
ko. I helped him remove it. Then i was exposed. In an instant, he was like a baby
kissing my breast while his left hand massaging the other.

Binaba niya ang kamay while still kissing my front. He was asking permission and i
freely open my legs. Damang dama ko ang kamay niya sa pinakaiingatang yaman ko. He
slip his hands inside my undies then he started massaging it. Oh ghad! It feel so
good. I never felt this way before. I felt my bosom tightening.

Tinanggal niya na ng tuluyan ang undies ko. Nahihiyang hinubad ko yun sa tulong
niya. Nakita ko na lang siyang unti-unting bumaba and he slightly opened my legs.
He stared at my treasure.
Napaigtad ako ng maramdaman kong hinaikan niya yun. Gusto ko siyang hilain pabalik
at the same time ayoko. Gusto ko yung nararamdaman ko. I felt his tongue played
with it. I almost cried for pleasure. I never stop screaming for his name. I want
him. I want him inside. I wanted to feel him.

I felt something explode inside me. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Bumalik
ulit siya sa akin at pumatong. Skin to skin, i felt like burning.

"Ingrid.. I want you.. I want you so bad." he whispered. I nodded to him. I know
where this will lead us.

"I want you too." i answered.

"I promised i'll be gentle." he said. He positioned him self. He parted my legs and
slowly putting his inside me.

"AHHH!" i screamed. Ghad! That hurts.

"Wife, i'm sorry." puno ng pagpapaumanhin ang mata niya.

"J-just.. please be gentle." nahihirapan kong sabi.

Nung una, dahan-dahan siyang gumalaw. Napapaaray ako pero hindi nagtagal nag-iba na
yung nararamdaman ko. It was pleasure. Pleasure na ngayon ko lang naramdaman.
Hindi ko namamalayan na sumusunod na ako sa saliw ng kanyang galaw.

Pabilis ng pabilis na halos maibaon ko na ang kuku ko sa likod niya.

We both scream for our names until we reach our climax.

"HAH!" we screamed out.

Pinahiga niya ako sa braso niya at niyakap ko naman siya. I don't know i was
capable of doing this. But i felt no guilt. Kasal na kami. And this is normal to
newly wed.

I felt his kisses on my head.

"I love you, Ingrid." he whispered.

"I love you too." i said.

After 5 minutes..
"KYAAHA~" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Hindi ko alam pero nahihiya ako kay
Hansel. Hahaha.

"Oh, bakit? Ano'ng nangyari sayo?" napaupo siya. Wala pa siyang saplot. Ako lang
yung nakakumot. He's too proud of his sword. Lols.

"I'm embarrased." i said while still covering my face.

"Oh wifey, there's nothing to be embarrased about. We made love and that is normal.
Gusto mo bang ulitin natin para masanay ka?" natanggal ko bigla yung unan sa mukha
ko saka siya pinandilatan.

"Ang pervert mo!" sigaw ko.

"Asawa mo na naman ako kaya ok lang kung aaraw-arawin natin." he said and winked.

"Grabe ka! Lolosyangin mo ba ako?!" he chuckled.

"Hindi noh! Tss. Halika nga." hinila niya ako kaya napahiga ako tapos pumatong
nanaman siya. Though my kumot ako, nafefeel ko ang sandata niyang nakatayo. AHHH~
Ano ba to!

"You're mine now!" then he started kissing me, again.


________________

Wag kayong magalit sa akin kung pangit. Please? Hindi talaga ako magaling gumawa ng
ganitong scene. Huhuhu.

Tsaka masakit sa part ko na ginagawan ko ng sariling make love scene ang Luhan ko
sa ibang babae. huhubells. TT___TT Hindi ko kasi maimagine na gumagawa siya ng
ganito.

Sa mga hindi pa nakakaalam, may Book II po ito. Pkitignan na lang sa profile ko


entitled: VAMPIRE CITY: DEFINITELY NOT YOUR ODINARY VAMPIRE STORY.

PS: Napapaaray din daw kasi ang vampire kahit virgin pa. :D

Hugs and kisses everyone. :))

~Thyriza

Paranoid Wife (Special Chapter)

Life after Marriage

3 months after Kasal

Pagkatapos ng mahabang Honeymoon namin ni Hansel all around the World, nakauwi din
kami sa wakas. I visited my parents kasi miss na miss ko na sila. Dahil sa may 2
years contract pa ako kay Mr. McKinley, i still need to work my ass out. Tutal
naman isa na akong walang kapagurang nilalang, might as well put all my time to
this.

All was excited to see me. Syempre, isang buwan akong nawala kaya wala silang
katuwang sa pagmanage ng Fashion House.

Hansel and I decided na dito muna sa mundo ng tao manirahan dahil na din sa work
ko, habang siya pabalik-balik muna sa Vampire City. Ok naman sa amin. We both have
time for each other.

Minsan, kapag nagkakaroon ng problema sa kaharian, hindi siya nakakuwi sa bahay


namin malapit lang sa Mansion nila daddy at mommy. I never complain kasi part 'yun
ng pagiging Prinsipe niya. Though minsan isang buong araw siyang hindi nakakauwi,
still, i understand him. Ganun talaga eh. Kapag may asawa ka na, iintindihin mo
siya. Mahal mo eh.

Then one day, I received a long distance call from Maxhene. Bibisitahin niya daw
ako. Um-Oo naman ako since miss ko na din nag bestfriend ko.

Timing dumating siya wala si Hansel kaya nagkaroon kami ng time para magka chika-
chika. Nakita kong lobo na ang tiyan which is 5 to 6 months pregnant na. Sabi niya
manganganak muna siya bago magpakasal.

"Kumusta kayo ni Hansel?" Tanong niya habang pinapanuod akong mag-sketch ng new
designs.

"We're fine."Simple kong sagot.

"Ah." Napatingin siya sa cellphone niya. "Ugh! Ang kulit ni Denver. Sabi ng ok lang
ako." Sabi niya habang nagta-type.

"Kasama mo ba siya?" I queried.

"Iniwan ko siya sa Vampire City. Tuwang tuwa nga ang gago. Porket bisita ngayon ng
VC ang mga Concubines from London." She smirked.

That caught my attention. Concubines? Mga paupahan na vampiress!

"Are you ok, Ingrid?" Nag-aalalang tanong ni Maxhene.

"O-ok lang ako." Pinilit kong ngumiti kahit iba pakiramdam ko.

Nabasa ko sa Vampire Culture na para mapatunayan ng isang crown prince na


karapatdapat siyang maging Hari, kailangan may isa siyang piliin na matitipuhan
niyang concubine para maisiping at... at.

"May occasion ngang magaganap doon eh. Para sa mga bisitang Prinsipe. Kainis nga
hindi ako makapunta. Bawal ang babae eh." Nakangusong sabi ni Maxhene.

Bakit ba napakapanatag lang ng isang 'to? Dati rati magfefreak out na 'yan kapag
nalaman niyang may kasamang babae si Denver. Siguro kasi buntis siya at panatag na
siyang sila ni Denver. Haaay. Pa'no naman ako? Wala pa kaming anak ni Hansel. Hindi
ko nga alam kung magkakanak kami eh.

Dahil sa buntis si Maxhene, lagi lang siyang nakaupo at ayaw tumayo kaya hinayaan
ko lang siyang mamahinga sa guest room.

Ako naman pumunta sa kwarto namin ni Hansel saka naligo at nagpalit ng pantulog.
Tatapusin ko na lang ngayon lahat ng designs ko para naman may pagkaabalahan ako.
Tinignan ko ang wall clock at pasado alas dose na. Hindi ba uuwi si Hansel? Aba
magdadalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam ah!

Balisa akong tumayo sa kinauupuan ko. Paranoid kung paranoid. Perp pa'no kung
nilandi siya ng isang Concubine? Pa'no kung ang kapangyarihan ng Concubine na
makatipo sakanya ay hypnotism? Pa'no kung sumunod sa tradisyon si Hansel at pumili
siya ng magugustuhang Concubine? Pa'no kung...

"AAAAHHH~ Hindi ko na kaya!" I stormed out in my room saka pumasok sa kwarto ni


Maxhene. Nadatnan ko siyang kinakantahan ang anak niya sa loob ng tiyan.
Nagdalawang isip tuloy ako kung kakausapin ko siya o hindi.

Lalabas sana ako sa kwarto niya ng magsalita siya.

"Gusto mong pumunta do'n noh?" Sabi niyang nakatingin sa lobo niyang tyan.

"H-ha? E-eh..." Napakamot lang ako sa batok ko. Masyado ba akong obvious?

"Sa palagay mo ba magagawa 'yun sayo ni Hansel?" Tumingin siya sa akin.

"A-ah..."

"Noong inaagaw ko pa si Hansel sayo, nagpaagaw ba siya? Diba I failed. So sa


palagay mo ba papatol si Hansel sa isang Concubine?"

Hindi ako nakaamik. Tama naman si Maxhene eh. Hindi naman sa wala akong tiwala kay
Hansel. Part lang siguro 'to ng pagiging asawa ko. Inasahan ko na ang ganito, since
isang crown prince ang asawa ko at bunos pa ang gwapo.

Nakita ko nanamang nagsscan ng phone niya si Maxhene saka ito napakunot.

"Baliw! Ayoko nga!" She murmured.

"Ano 'yan?"

"Si Denver. Gusto akong pumuntang VC."

"Aalis ka na?" Tanong ko nang makita ko siyang tumayo.

"Oo eh. Ang kulit ng lahi ni Denver eh. Tinatadtad ako ng text. Leche talaga 'yun!"

"Samahan na kita. Buntis ka kaya, oy!"

"Weh? Gusto mo lang manmanan si Hansel eh." Sabi niya saka tumawa.

"Hindi ah! Psh! Bahala ka nga!" Padabog akong umalis sa kwarto kaya narinig ko ang
malditang tawa ni Maxhene.

"Bitch talaga." Bulong ko na lang.

"Sige na, sama ka na. Ikaw magdrive ah." Nakangiti niyang sabi.

Habang nagdadrive ako papuntang VC, hindi ko mapigilan ang hindi kabahan.

Kaba o kutob?

Ay leche! Lakas makasipsip ng kabila kong utak ah!


"Makakarating naman tayo sa VC ng hindi nagmamadali." Puna ni Maxhene. Napatingin
ako sa speedometer ko at nasa 80 tpo 120 ang speed ko.

"Wala ka ba talagang tiwala sa asawa mo?" Halata na ang iritasyon sa boses ni


Maxhene.

"I trust him, ok? It's them that I don't. I know concubines at alam kong gagawin
nila ang lahat para mapansin ni Hansel." I heard Maxhene hissed.

"Masyado kang mahal ni Hansel para magloko pa siya. Besides, bago pa lang kayong
kasal. H'wag kang mag-isip ng Nega at baka masagip ng anak ko." Sabi niyang
nakangiti.

I gave her a glance and her bloated tummy. Nakakainggit naman siya. Kalian kaya ako
mabubuntis?

"Ano ang ipapangalan mo sa anak mo?" I asked.

"H'wag mo ng ipaalala sa akin. Kasi pinu-push talaga ni Denver ang Prokopio!" inis
nyang sabi. Natawa naman ako. 'Yun din ang dahilan kung bakit sila muntikan'g
maghiwalay.

"Diba matigas ang ulo mo? Eh di ipilit mo sakanyang ayaw mo." Natatawa ko pa din'g
sabi.

"Ay talaga! 'Yung lalaki'ng pati 'yun mukhang wala ng katakutan sa akin!
Nakakabwesit alam mo 'yun?! Kailangan ko pa'ng mag-inarte para masunod. Hindi
kagaya no'n na isang tingin ko lang sunod agad siya."

"Eh ikaw naman kasi. H'wag mong under-in 'yang si Denver. Nakakalimutan mo atang
Prinsipe siya. May ego din 'yun noh!"

"Ah basta! Hindi ako papaya sa gusto niyang ipangalan sa anak ko. Panganay ko 'to
at gusto ko maganda ang pangalan."

"Lalaki 'yan diba?"

"Oo."

"Wow. Gusto ko din lalaki panganay ko." Nakangti kong sabi. Iniisip ko pa lang na-
eexcite na ako. Gusto ko talagang magkaanak na kami ni Hansel.

"Ay hindi pwede! Dapat babae ang anak niyo para sila magpatuloy ng nasira naming
relasyon ni Hansel."

"Ay Oo nga 'no?" Masaya kong sabi.

Nakapasok kami sa portal at entrance pa lang ng VC ay halata'ng may mga bisita nga.
Nagkakasiyahan sa Plaza at maraming sasakyan sa harap ng Scarlett Hotel. Napadaan
kami sa Scarlett Moon Academy at marami pa din'g studyante sa labas na natambay.

Sabi kasi ni Hansel kung kailan ako handa ng tumira sa Palasyo, saka kami lilipat.
Sa ngayon kasi gusto ko laging nakikita sila Mommy at Daddy. Nakakamiss pa din kasi
talaga ang pagbe-baby sa akin ni Mommy at Daddy.

Pinark ko 'tong sasakyan sa harap ng palasyo. Agad namin'g nakita si Erina na


nakahalukipkip at mukhang badtrip. Baka nag-away nanaman sila ni Cris?

"Erina!" Tawag ni Maxhene. Napalingon naman siya at biglang napangiti ng makita


kami.

"Mabuti naman at may karamay ako ngayon. Huhuhu." I gave her a quick hug.

"Bakit? Ano'ng me'ron?" tanong ko.

"Bawal magpapasok ngayon sa Bulwagan kasi nando'n yung mga Concubines." Sabi ni
Erina.

Ayan nanaman. Bigla nanaman akong nakaramdam ng inis. Siguro nag-eenjoy sila do'n!
WAAAAH~ Ano'ng gagawin ko? Pa'no kung makita ko si Hansel na may ka-flirt na
Concubine?

Imagination:

"Taksil ka!" Nanlilisik ang mga matang tinignan ko ang dalawa. Nakakandong 'yung
haliparot at si Hansel nakahawak sa bewang niya.

"W-wife... Wife what are you doing here?"

"I'm here to kill you!" Lumapit ako sakanila at nilabas ko ang Samurai.

*shiiing* (tunog no'ng samurai pagkalabas)

"Puputulin ko ang lahi mo!" Sinugod ko siya hawak ang samurai.

"AAHHH~ W-wife... Wife... Nooooo~"

Napailing ako. Ano ba 'yan! H'wag kang magpapadala sa mga imagination mo Ingrid.
Mahal ka ni Hansel. Sumumpa siya na ikaw lang ang mamahalin niya. Pero diba hindi
nawawala ang tukso? Ay parte 'yan ng pag-aasawa. Masanay ka na.

Masanay?!

Imagination:

"H-hansel... Sa'n ka pupunta?" Tanong ko habang nanunuod kami ng Movie sa bahay.

"Sa palasyo." Malamig niyang sagot.

"Ha? Eee! H'wag kang pupunta do'n! Nando'n pa 'yung mga Concubines eh!"

"Masanay ka na! Masanay ka ng paminsan-minsan hahanapin ko sila."

"N-no! H-hansel h'wag kang pumunta, please?" nagmamakaawa kong sabi.

"Ano ba Ingrid! Nakakasawa ka na ah!"

Hala! Pa'no nga kung sawa na siya sa akin? Hindi ko ata kakayanin ang may kahati
kay Hansel. Pero mahal ko siya. Uso pa ba ang martir ngayon?

Imagination:

Umuwi si Hansel na may kasamang Concubine sa bahay. Pareho silang nagtatawanan at


mukhang ang saya nila. Ni hindi man lang nila ako napansin na nasa living room lang
naghihintay sa pagdating niya.

"H-hansel-"
"Sa guest room ka mag-stay ngayon! Kami muna sa kwarto natin." Sabi sa akin ni
Hansel tapos umakyat ng kawarto naming.

"NOOOOO!" Napahawak ako sa ulo ko at nakahawak sa tenga ko. Nababaliw na ako. Sobra
na akong napaparanoid!

"Ate Ingrid, are you ok?" Nag-aalalang tanong ni Erina. Napatingin ako sa paligid.
Nasa labas pa din kami ng palasyo.

"Nasa'n ang kuya mo?! Kailangan ko siyang makita, ngayon din!" Nagagalit na ako.
Una, dalawang gabi na siyang hind umuuwi. Pangalawa, hindi man lang siya nag-
abalang i-text ako kung kalian siya uuwi. Pangatlo, bakit hindi niya mabanggit na
may Concubines sa palasyo? Kung hindi pa dumating si Maxhene hindi ko pa malalaman!

"Ah, eh Ate bawal kasing pumasok sa bulwagan ang mga Vampirette kasi-"

"I don't care! I need to see Hansel, right now!" Sabi ko saka pumasok na sa
palasyo.

Parang nagdidilim ang paningin ko ngayon at parang ano man'g oras makakapatay ako
ng vampire lalo na mukhang hipon at Higad!

Papasok na ako sa bulwagan ng harangin ako ng mga Royal Guards.

"Bawal po ang babae sa loob, Prinsesa Ingrid." Sabi no'ng isa. Nag-smirk lang ako.

"Ano ako dito?" Nagbabanta kong tanong.

"Asawa po ng crown Prince." Mababang sabi niya.

"Right! So I have to get inside!"

"Bawal po talaga eh!"

"Papasukin niyo siya!" Sabi din ni Erina sa likod ko. Napahalukipkip na ako.

"Prinsesa Erina bawal din po kayo dito."

"Papapasukin mo ba kami o isusumbong kita sa asawa mo na may-"

"Sige po, pasok na kayo."

"Bilib na talaga ko sayo, Erina." Natatawang sabi ni Maxhene.

Pagpasok namin sa Bulwagan, nakagawa kami ng ingay dahil sa pagbukas ng pinto kaya
napatingin sa amin ang lahat. Awkward!

"W-wife?" Parang nagulat si Hansel. Ginala ko ang tingin ko at wala akong


nakikitang ni isang Vampirette Concubine.

Si Cris at Denver na magkatabi ay nagulat din sa pagsulpot naming tatlo.


Samantalang si Tom pilit tinatago ang tawa.

"A-ah... e-eh... Hehehehe." Nag-peace sign ako. " Wrong room. Sorry." Sabi ko sabay
talikod.

WAAAAH~ Nakakahiya! Please let me die this instant! Huhuhu. Nakita ko din ang
awkward smile ni Erina at Maxhene. Sinarado namin ulit 'yung pinto at mabilis na
lumisan papuntang labas ng palasyo.
"Wala namang Concubines ah!" Sabi ko.

"Ewan ko din. Ang alam ko dapat nando'n sila! Nakita ko silang pumasok kanina!"
Nag-swear pa si Erina.

"Baka naman tinago nila? Malalagot sa akin ang Denver na 'yun!"

Nakita naming nagsilabasan na ang mga Vampire sa loob ng bulwagan. Tinignan nila
kami ng masama at parang kakainin kami. Waaaah~

"Princess Ingrid, pinapatawag po kayo ni Prince Hansel." Sabi no'ng Royal Guard
kanina. Napatingin ako sa dalawa pero iniwas nila tingin nila. Wow ah! Kahit moral
support man lang.

Mabigat ang mga paa'ng nilakad ko ang loob ng Palasyo. Dinala ako ng Guard papunta
sa silid ni Hansel. Baka galit siya sa akin?

"Lock the door." Sabi niya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Ako naman
nakatayo sa malapit sa pinto niya habang inaabot ang dulo ng aking buhok sa likod.

"H-hansel... 'Yung kanina... K-kasi-"

Nagulat na lang ako ng makita ang sarili kong yakap siya.

"H-hansel..."

"Na-miss kita. Bakit ngayon ka lang pumunta dito?" Napakunot naman ako. Kumalas ako
sa yakap niya at nagtatakang tinignan siya.

"You're supposed to be home. In our house. Pa'no mo naisip na ako ang pupunta
dito?" nakakunot kong sabi.

"Hindi ako makaalis dito sa palasyo dahil dumating ang mga Ministro at Prinsepe sa
ibang Clan. At dahil alam kong hihintayin mo lang ako sa bahay natin'g umuwi,
naisipan kong paniwalain kang may Concubine sa palasyo." He grinned. Matagal bago
nag-sink in sa utak ko ang sinabi n'ya.

"You mean, talagang pumunta si Maxhene sa bahay para sabihin 'yun?!" Tumango naman
siya. Aba naman! Pwede naman niya akong itext eh! So walang kwenta pala 'yung mga
imagination na nagawa ng utak ko kanina?!

"Eh 'yung bawal daw magpapasok sa bulwagan?! Ano 'yun?!"

"Ah bawal naman kasi talaga. Pinag-uusapan namin ang Economiya sa VC."

"So walang concubine?" Paninigurado ko. Malay ko kung nagpapalusot lang siya.

"Wala talaga. At kung me'ron man. Wala akong pakialam. Alam mo naman na ikaw lang
ang mahal ko di'ba?" napangiti na ako sakanya.

All my worries, fears and doubt, washed away when he brushed his fingers through my
jaw line. Naramdaman ko ang kiliti kaya napapikit ako. I still can't get enough of
him.

"Dalawang araw." He said.


"Ha?"

"Dalawang araw kitang namiss." Nakangiti siya ng makahulugan. Napataas naman ako ng
kilay.

"Oh ano ngayon? Kasalanan ko?" Asar kong sabi sakanya. I heard him chuckled.

Naramdaman kong dahan-dahan niyang nilalapit ang katawan niya sa akin. Ano nanaman
ba 'tong asawa ko.

"Can we?" Pakiusap niya. His eyes were full of love and need.

"Can we, what?"

"You know." He grinned. 'Yung boses niya parang sini-seduce ako. Nakakainis talaga
'tong si Hansel.

"Ay ayo'ko! Wala tayo sa bahay!"

"Magiging bahay na naman natin 'to soon eh!" Nakangisi pa din siya.

"Kahit na. Hindi ako komportable!" Lumayo ako sakanya. Nakita ko namang nalungkot
siya. Para tuloy akong kinain ng konsensya ko. Asawa ka Ingrid! Hindi mo dapat
tinatanggihan kung ayaw mo'ng maghanap 'yan ng Concubine!

Ay Leche! Bakit ba napaka-traydor ng kabila kong utak!

"Hansel?"

"Hmm." Halata pa din sa boses niya ang pagtatampo. Lumapit ako sakanya at niyakap
siya ng mahigpit. Pakipot ka pa! Miss mo din naman! Oo na! Miss ko na! Bwesit!

"I love you." I said then I encircle my arms in his neck. Napatingin siya sa akin
at napangiti.

"I love you, more."

Sealed with a kiss...

**********************************************************

A/N: Late ang pag-upload ko nito, sarreh! No'ng feb 14 pa sana dapat 'to eh. Ni-
revise ko lang kasi ulit.

Hindi ko po alam kung may susunod pang Special chapter, kung me'ron man, baka last
na 'yun.

PS: MS word ko 'to ginawa kaya marami typo kasi nag a-authororrect. J

XOXO

©Thyriza

All rights reserved. 2014


Published!

ATTENTION!!!
Maganda ako. De joke! Sa mga konting nakakaalam at sa mga walang pakialam, ang
Vampire City: Not Your Ordinary Vampire Story ay nasa paboritong bookstores niyo na
like Precious Pages, National bookstore sa selected SM.
Hinati po ba ang book?
-Yes. Hinati siya sa tatlo.
Magkano po?
-Php 119.75 only ^____^
Saan po mabibili?
-Bagong labas lang po siya kaya sa Precious pages daw pa lang mayro'n then after a
week saka siya magiging available sa National bookstore, booksale, pandayan etc.
Marami po bang nabago sa book?
-Madami. For a good reason. May changes sa names for copyright purpose. WALA PONG
EXO SA BOOK VERSION KAYA PO SA MGA NAGREREKLAMO NA NAKASAMA ANG EXO, INALIS KO NA
SILA SA BOOK. ISANG DRASTIC CHANGE ANG NAGANAP. HANSEL IS NO LONGER A BOYBAND
MEMBER. KUNG ANO SIYA DUN, MALALAMAN NIYO RIN KAPAG NABASA NIYO SA BOOK 3 (kapag
released na.)
Kung may mga tanong po kayo, just comment here. H'wag sa MB ko at nakakabanas ang
wattpad. Pinalitan nila profile ko nang sapilitan :(
Anyways, salamat po sa supporta. Kung hindi dahil sa inyo hindi mapa-publish ang
VCNYOVS.
Sunod naman nating hintayin ang VCDNYOVS (story of Aric)
Salamat po sa pagsubaybay sa adventures ng mga Prinsepe ng Vampire City :)
Thank you. from the bottom of my heart. Love you, guys! Muwaaaah~
Love,

EDIT: (11/18/2015)
Hi, guys! Alam kong ang iba sa inyo nabitin sa book version ng Vampire City kasi
nga hinati nila sa tatlo. So para ilabas na nila ang 2nd part and 3rd part, kindly
message the LIB page na ilabas na nila. Sorry kung hindi ko narereply-an kayo sa
tanong niyo kasi maski ako hindi ko rin alam. Mag-fullforce na tayo para makulitan
silang ilabas ang part 2. Okay? Salamat. Kung puwede tadtarin niyo ang inbox nila
pati sa wall. Isang taon na rin kasi ang nakalipas, eh. Nalulungkot ako para sa mga
hindi pa nababasa ang part 2 and 3 lalo na't maraming binago dun. Their facebook
page is LIBOfficial. Thank you!!

You might also like