You are on page 1of 1

Pangalan: __________________________________________________ Petsa:____________________

FILIPINO V - GAWAIN SA PAGKATUTO


Wastong Gamit ng Pangngalan at Panghalip
Gawain 1 Panuto: Pag-aralan at kilalanin ang mga salitang may salungguhit. Isulat sa patlang kung ito ay
panghalip o pangngalan.
____________1. Hinabol ni Geremy ang kanilang alagang baka na tumakbo patungo sa may kakahuyan.
____________2. Wow! Napakagaling namang umakyat sa puno ng niyog ang lalaki.
____________3. Bumili siya ng isang tumpok ng sibuyas sa tindahan ni Patrick.
____________4. Ipinagbili ni Ama ang manok sa palengke kahapon.
____________5. Ako ay nakikinig ng kuntento sa mga sinasabi ng aking guro.
____________6. Sa panahon ngayon, dapat ay nagtutulangan tayo at nagkakaisa para sa kabutihan ng lahat.
____________7. Nag-uwi ng pasalubong si Risa para sa kanyang mga batang pamangkin.
____________8. Mainam kung sumali ka sa kanilang organisasyon
____________9. Ang aming tagumpay ay bunga ng pagsisikap.
____________10. Ang malinis na silid-aralan ay amin.
____________11. Ipinagtanggol ng mga kabataan ang inaaping pulubi.
____________12. Pulutin mo ang pera at ibalik mo sa may-ari.
____________13. Si Jose Rizal ay pambansang bayani ng Pilipinas.
____________14. Igalang mo ang tungkol sa relihiyon.
____________15. Makikinig kami sa iyong paliwanag.
Gawain 2 Panuto: Palitan ng angkop na panghalip ang bawat pangngalan na makikita sa bawat panaklong upang
mabuo ang diwa ng kuwento. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Batang Maaasahan Mula sa LRMDS
Sabado ng umaga, maagang lumabas si Roland para maglaro. Tumatakbo (si Roland) (1)_______
patungo sa labas ng kanilang bahay. Sa tarangkahan ay nabungaran (ni Roland)_(2)______ ang isang
matandang nakahandusay. “Totoy, Totoy! Ako’y nadulas, tulungan mo naman (ang matanda) (3)_______
makatayo rito,” pagmamakaawa ng matanda kay Roland. Nilapitan ni Roland ang matanda at inalalayan (ni
Roland) (4)_______ ito. Nakita (ni Roland) (5)_______ dumurugo ang tuhod ng matanda. “Inay! Inay!” ang
palahaw ni Roland. Napatakbong lumabas ng bahay si Aling Ason at dinaluhan ang matanda. “Naku,
ipagpaumanhin (ni Roland at Aling Ason) (6)_______ at ako’y nadulas at napatama ang (matanda) (7)_______
tuhod sa matutulis na bato,” paliwanag ng matandang babae. Iniupo (ni Roland at Aling Ason) (8) _______ ang
matanda at ipinatong ang dalawang paa nito sa mesitang nasa kanyang harapan. Note: Practice Personal
Hygiene protocols at all times. 14 Ginamot ng mag-ina ang matanda at hinatid (ni Roland at Aling Ason) (9)
_______ ito sa kanyang paroroonan. “Maraming salamat sa inyo,” sabi ng matanda. “Wala pong anuman,” sabi
naman nila. Nakangiting umuwi si Lando at (Aling Ason) (10)_______ ina.
Isulat sa kuwaderno: Pahina 6-9 (Pangangalan-Panghalip)
Isulat ang sagot sa long pad: Pagyamanin Gawain A at B. Sagot lamang ang isusulat.

You might also like