You are on page 1of 4

ACS Balita (DZRH) – April 26, 2021

Interview with Lieutenant General Antonio Parlade, Jr.

(Starts at 17:35)

Angelo Palmones: Samantala, kasama na natin si Lieutenant General Antonio Parlade, ang
commander ng Southern Luzon Command at Spokesperson ng National Task Force to End
Local Communist Armed Conflict. General, magandang umaga po sa inyo!

Antonio Parlade, Jr.: Magandang Umaga, Angelo!

Palmones: Eh, headline po ng Inquirer, tinawag daw po ninyong estupido ‘yung mga
senador.

Parlade: Hindi ko naman nilalahat! Alam mo naman ang Inquirer minsan eh. Gusto nilang
maging controversial lalo kaya ganyan. Medyo may slant ‘yung kanilang mga headline.

Palmones: Pero did you really utter the word “stupid?”

Parlade: Ganito ‘yung sinabi ko. Tinawag nila akong estupido, stupid, imbecilic. ‘Yun yung
mga term na ginamit nila dahil doon sa ginagawa namin sa NTF-ELCAC. Tapos sinabi,
specifically si Senator Gordon, sinabi niya na tatanggalan niya, nila ng pondo ang NTF-
ELCAC dahil dito, dahil hindi raw kami karapat-dapat na tumatanggap at pinapasweldo ng
NTF-ELCAC. So, tatanggalin niya ‘yung pondo ng NTF-ELCAC. Eh ano naman ang kinalaman
n’un sa performance o kung ano mang ginagawa ng mga spokesperson ng NTF-ELCAC?
Kaya’t sabi ko sa ating interview, gagamitin ko ‘yung term na ginamit niya kasi hindi niya
naiintindihan kung ano ‘yung sinabi niya na pinapasweldo niya kami from NTF-ELCAC.
Doon ba nanggagaling ang sweldo ko? Hindi! Sabi ko nga, kahit isang pisong duling, hindi
ako tumatanggap d’yan. So, apparently, itong mga komentaryo nila, nababasa nila du’n sa
mha kung ano lang naipa-publish ng mga dyaryo. So, sabi ko, unfair ‘yun. Bakit naman
ganito ang trato nila sa amin? Estupido, tawagin nila kaming estupido? So, sabi ko sa
interview, I’m going to use that word that they used sa amin. So, ‘yun. Sinabi ko ‘yun. Pero
hindi ko nilalahat. Hindi ko nilalahat.

Palmones: Oo. Anyway! Ang hindi ko lang din maintindihan, kung meron man silang puna
sa inyo ni Usec. Badoy, eh bakit pondo, bakit pondo kaagad ang pag-iinitan?

Parlade: Exactly, Angelo! Exactly! Alam niyo ba ‘yung pondo na ‘yan, inaasahan ‘yan ng
ating mahihirap na communities na dati impluwensyado nitong mga NPA na ito dahil sa
kapabayaan ng gobyerno. So ngayon, pinuntahan natin sila. Nagkaroon tayo ng mga SOP pa
noon, then nagkaroon tayo ng community support program and then ngayon, ini-introduce
natin itong mga issues, mga programa na hiniling nila sa gobyerno nila. So, can you
imagine? Ngayon, ita-take back natin itong mga pinangako natin na ito na sana, parating na
dahil pinundahan na nga. So, paano natin ide-describe ito? Anong sasabihin natin sa ating
taumbayan?

Palmones: Oo. Hindi, tsaka mag-eeleksyon ho sa mga senador ah. Kayo rin ang
peperwisyuhin nito pong mga teroristang mga NPA na ito. Hihingan nanaman kayo ng
permit to campaign kapag hindi ho natigil ‘tong mga bwisit na ‘to.

Parlade: Exactly! At tsaka ano ba ‘yung NTF-ELCAC? It’s ending local communist armed
conflict. Essentially, what they are saying is tanggalan na ng pondo ‘yang ELCAC na ‘yan.
Ipagpatuloy na lang natin itong insurgency na ito. ‘Yung problema na ‘yan, harapin na lang
natin ‘yan. Patuloy magkakaroon tayo ng insurgency. Ganito ba ang gusto nating mangyari
d’yan?

Palmones: Balikan ko lang ho ‘yung ano, anong tawag dito, number po ng mga nakumbinsi
na ng NTF-ELCAC na magbalik-loob sa pamahalaan. Gaano na po sila karami, general?

Parlade: Fourteen thousand na ‘yan, Angelo.

Palmones: Ilan?
Parlade: Fourteen thousand.

Palmones: Fourteen thousand.

Parlade: Fourteen thousand three hundred. I don’t know the exact number now but n’ung
isang araw, d’un sa Baras, Rizal, merong nanamang nag-surrender kung maaalala niyo
‘yung eighty-seven na nag-surrender d’un. Actually, one hundred plus na ‘yun dahil lang sa
pandemya kaya nili-limit natin ‘yung mga tao na dumadagsa doon sa kampo ng ATIFD. So,
napakadami n’yan kasi nakikita nila na effective ‘yung ginagawa ng NTF-ELCAC including
‘yung ginagawa siguro ng NTF-ELCAC spokesperson na ie-expose itong mga organisasyon
na ito tsaka ‘yung mga above ground tsaka ‘yung mga connection nila sa underground mass
organization. So, ito ba ay ino-oppose nitong mga senador o iilang senador dahil d’un sa
community pantry na totoo naman na dapat lang na bantayan ng ating gobyerno? Hindi
natin pinoprogandize. So, anyway, ayoko nang pag-usapan ‘yung community pantry kasi
sabi you put the message across, we agree with that and in fact, sabi ko nga,
sinusuportahan natin ‘yung mga community pantries and we continuously support these
community pantries.

Palmones: Anyway, papaalam ko lang sa inyo. Umiinit ulo ni Councilor Ludovica dahil
dami nang pasaway d’un ho sa community pantry d’yan sa may Maginhawa. So, general,
may ni-reach-out na ba kayo dito sa mga senador or are you going to reach them out?

Parlade: Yes, I’d like to reach out to our senators. Huwag namang ganyanin nila ang armed
forces. Huwag naman nilang ganyanin ang mga spokesperson ng (NTF-ELCAC). Alam mo ba
na libre itong ginagawa namin sa NTF-ELCAC? Wala kaming pisong duling na natatanggap
sa NTF-ELCAC. Halos hindi na ‘ko makatulog sa kasasagot sa mga tanong sa atin.
Pinagtitiyagaan na natin ito tapos tatawagan tayong estupido. Huwag naman. At I’m sorry
d’un kung nasaktan natin ‘yung ibang senador na wala namang kaalam-alam dito dahil
nilahat ni Inquirer, parang sinasabi niya na. Hindi, we’re just referring to a few na grabe
kung kutsyain nila ‘yung NTF-ELCAC. Palagay ko, it’s not fair. At sabi ko nga, sana kung ang
basis nila ay maganda d’un at totoo ang basis nila sa pagtawag nila sa amin sa NTF-ELCAC
katulad n’ung sinabi nila. Kung totoo na pinapaswelduhan kami ng NTF-ELCAC, ako,
personally, kung totoo ‘yun, ako’y magso-sorry pa kung mayroon akong nagawa na mali.
Pero alam mo, tao lang rin tayo eh minsan. Uminit talaga ang ulo ko, sa totoo lang. Sabi ko,
sa dami ng hirap na ginagawa natin, sa pagtitiyaga natin dito sa trabahong ito, tapos tayo’y
matuturingan pa na mga estupido. Medyo masakit naman ‘yun.
Palmones: General, siguro just to talk about your record. Ilang giyera na ba ang sinubo ho
ninyo?

Parlade: Mga dise-sais na giyera na po at ako’y natutuwa dahil sa lahat ng giyera na


hinarap ko, wala po akong casualty na isa na sundalo. Kahit isa na wounded o patay. ‘Yan
lang ang pinagmamalaki ko at ako’y natutuwa, of course, na nakapagsilbi sa bayan bilang
isang sundalo at kami ay sumusunod, mga sundalo kami, sumusunod kami kung ano ang
utos sa amin. Kung kami ay inutusan na tumigil magsalita, tigil kami. Kung kami inutusan
na sugod, sugod kami. So, gan’un lang ‘yun.

Palmones: General, maraming salamat. Ingat po kayo. Thank you.

Parlade: Maraming salamat, Angelo!

(Ends at 25:06)

You might also like