You are on page 1of 3

Kung ako ay magkakaroon ng oportunidad na maging isang "soundtrack producer" at

ihahambing ko ang mga kantang inilatag sa "Panitikan Fiction Soundtrack", ang mga

kantang aking pipiliin ay ang mga sumusunod; Sakyan ng Sandwich, Save me ni Aimee

Mann, at Say what you want ng Texas. Sa kabilang banda, ang istorya na aking napili

at nakapagpukaw ng aking pansin ay "Why the English Teacher Died at Christmas" na

inilathala ni Myra Mauriel Go. Ang istorya ay patungkol sa guro na si Helen. Siya apat

napung taong gulang at nagtuturo ng asignaturang Ingles sa loob ng dalawampung

taon. Sa palagay niya ang lahat ng kanyang pagsisikap ay naglaho na parang bula dahil

nakatatanggap siya ng maling pangungusap na gramatiko at hindi tamang diksyon ng

Ingles mula sa kanyang mga mag-aaral. Ito ang dahilan kung bakit sa nagdaang limang

taon, si Helen higit na nabigo at hindi nasisiyahan dahil iniisip niya na hindi siya

epektibo bilang isang guro. Ang kanyang mga kasamahan at kapwa guro ay hindi

gaanong tumutulong sapagkat ang mga ito ay nagkakamali rin pagdating sa gramatiko

at diksyon. Sa araw ng programa na naganp noong kapaskuhan, hindi maganda ang

pakiramdam ni Helen. Nagpasya siyang pumunta sa ospital kung saan nakilala niya ang

resepsyonista sa sentro ng medikal na espesyalista. Habang nag-uusap ang dalawang

babae, nalaman ni Helen na ang resepsyonista ay dating guro ng Ingles at ayon sa

kanya, nakaranas siya ng isang malaking pagsubok sa pagtuturo ng Ingles at ang

pagtigil ay ang pinakamatalinong bagay na nagawa niya sa kanyang buhay. Ang guro

na si Helen ay napaisip sa kanyang sinabi. Sinuri ng doctor ang kalagayan ni Helen at

ang stress ay nagdulot sa kanya upang sumakit ang kanyang dibdib at pakiramdam

dahil sa pagmamalabis na seryoso sa kanyang trabaho. Bumalik siya sa paaralan at

naglakad patungo sa awditoryum kung saan magsisimula na ang komposisyon na


inilathala ng guro ng Musika. Sa sandaling marinig niya ang maling pagsasalita ng mga

liriko ng kantang "Deck the Halls", bumagsak siya sa entablado at namatay na

mayroong ngiti sa labi. Kung susuriin ang nasabing kwento, ang guro na si Helen ay

isang sigurista at pekpektoista. Bilang isang guro ng Ingles na asignatura, hangad niya

na ang mga taong nakapaligid sakanya lalo na ang kanyang mga mag-aaral ay dapat

maging bihasa sa pagsasalita ng Ingles. Ang unang kanta na aking napili ay ang “Save

me” ni Aimee Mann. Sa unang pangungusap ng kanta, nabanggit niya ang salitang

“tourniquet” na sa aking paagay ay maihahambing niya pagputol ng sirkulasyon.

Masyadong nilulunod ni Helen ang kanyang pag-iisip sa mga kamalian ng mga taong

nakapaligid sa kanya at umabot s apunto na hindi na niya naiisip na iligtas ang kanyang

sarili. Para sa akin, ang kantang ito ay ipinapahayag na niya upang humingi ng tulong.

Nais niya ng taong handang humakbang sa kanyang buhay at iayos ang magulo niyang

mundo. Ang pangalawang kanta na aking napili ay “Sakyan” ng Sandwich. Ang kanta

ay sumisimbolo sa isang tao na kung saan balisa at pagod na sa kaganapan at galaw

ng kanyang buhay. Nais niyang ng masasakyan na kung sana ipupunta siya sa lugar na

kung saan payapa at panatag ang kanyang loob. Ngunit kahit ilang beses siyang

umalis, lumayo, at pumunta hindi pa rin niya matagpuang ang luagr na ito. Wala siyang

magawa kung hindi umiyak na lamang. Maihahambing ito sa nararamdaman ni Helen

na kung saan kahit sa tagal niyang pagtuturo, umabot siya sa punto na napagod at

nanghina. Ang huling kantang aking napili ay ang Say What You Want ng Texas. Aking

itong maihahambing kay Helen sapagkat sa kantang ito mayroong mag liny ana “I can

no longer hide”, at “I can no longer run”. Hindi na maitago at matakbuhan ni Helen ang
kanyang nararamdaman sa walang humpay nap ag-iisip sa kung saan siya nagkulang

bilang isang epektibong guro.

You might also like