You are on page 1of 1

“ PAGBANGON ”

by: Savior Allen M. Tipan

Nababalot ang mundo ng takot at pangamba dahil sa covid-19


na hindi mawala wala, ang sakit na nakakahawa
ay mas lalo pang lumalala
kung kayat tayo ngayon ay nagtitiis at nagluluksa.

Ang oras at panahon ay laging mahalaga


na sa aksyon at plano ng gobyerno tayo ay umaasa
Na baba ang kaso dito sa pilipinas
ng covid-19, na ngayon ay mapanganib na.

Mahirap mang isipin ngunit kailangang gawin


ang mga bagong patakaran na dapat nating sundin
itoy para sa kaligtasan ng nakararami
at magbalik na muli ang buhay sa dati.

Sa panahong natapos na ang pandemiya


huwag kakalimutan magpasalamat kay kristong ating gabay
sa buhay na kaniyang ibinigay, siyay ating kasama
sa anumang hamon sa buhay.

You might also like