You are on page 1of 2

KWENTONG NAKARAAN, INSPIRASYON NG KABATAAN

Justin S. Jordan, Grade 5

Nagtatakbuhang bata’t matanda,


Isang bahagi ng nakaraang pagdurusa.
Magtago, umiyak, mamatay,
Ito muna ang sinapit bago magtagumpay.

Kalayaan ay karangalan,
Kasiyahan at Karapatan;
Ito ay biyaya ng mga katipunero,
Silang nagbuwis buhay para sa kapareho.

Ako’y isang estudyante,


Tanging pasasalamat ang maiganti,
Sa mga bayaning naging inspirasyon,
Ako’y magtatapos ng edukasyon.

Mamuhay nang malaya,


Mamuhay nang payapa.
Malayang tumatawa’t naglalaro,
Sa kalsada binabato ang tanso.

Mapayapang kapiling ang ina’t itay,


Sa ilalim ng bubong ng aming bahay.
Walang away, walang gyera,
Masaya kahit di gaanong malaki man ang pera.
Ako’y isang estudyante,
Buhay ay importante.
Kalayaan at kapayapaan,
Aking pinapahalagahan.

You might also like