You are on page 1of 3

Pangako,

Pinaako,
Pinako
Ito na lang ba? ang solusyon na nakikita niyo upang hindi na gumawa ng krimen ang mga tao?
Teka sandali hindi ba’t naipatupad na ito sa bansa natin noon? Kaso ano?
Ibinasura dahil labag sa karapatang pantao.
Patuloy na dumarami ang krimen sa ating bansa dahil sa
laganap na paggamit at pagtutulak droga, pangagahasa,
kidnapping, pagnanakaw, pag patay at iba pang mga karumal dumal na krimen.

Ito na lang ba ang tanging solusyon?


Dahil lahat ng tao ay may karapatan sa
pangalawang pagkakataon para magbago.
Sinasabi niyong may pagkakataong makapag bagong buhay
kung sa bawat paglingon nila, lapida ang naghihintay?

Hindi ito ang solusyon sa patuloy na paglobo ng mga krimen.


Hindi mababayaran ng isang krimen ang isa pang krimen.

Lahat naman tayo nagkakasala.


Ikaw. Ako. Tayo.
Kaya huwag kayong magmagaling at umaktong hawak niyo ang buhay nila

Kriminal ka man o inosente


Tandaan mo
Hindi ako singkwenta, hindi ka rin bente.

Ano / sa tingin mo ang mas totoo?


Lahat ng tao ay mahalaga.
O lahat ng tao, may halaga.
Kasi ganun naman diba?
Kapag butas ang bulsa, dehado ka.

Wala silang pakialam kung inosente ka, Ang mahalaga mataba ang kanilang bulsa.

Tamo nga naman ang hustisya,


May sini-sino pala?!
Basta walang pera ang akusado,
Panigurado, sa kulungan ang diretso.
Ha? Inosente? Sinong inosente?

Hindi ka nila pakikinggan.

Bakit yung bayad ba kaya mong itriple?

Kahirapan. Kagutuman. Paulit-ulit na lang.

Wala na bang ibang ulam dyan?

Lagi na lang bang naka-asin hanggang sa hapunan?

Tapos sasabihan ka ng puro ka reklamo lang

Oops, teka lang

Shhhhh

:Pabili po.....

:ng ano?

:Hustisya nga po

:Para saan?

:Hindi po para saan. Para kanino?

:Para kanino ba?!

Hustisya. Hustisya para sa..

Nasakdal pero hindi nagkasala

Mga inapi na ginawang pipi

Mga gusto ng patas na laban pero pinilayan..

pinilayan ng sariling kababayan.

Hindi naman makatarungan, yinurakan.

Hustisya para sa milyon milyong Pilipino na naghahangad ng

maayos na buhay pero pagkitil ng buhay ang ibinigay.

Hindi porket kapag nasa laylayan, tinatapakan.

Ang dapat sa kanila tinutulungan.

Oo, may kakulangan sila.


Pero naisip niyo ba na may pagkukulang din tayo?

Sila yung maraming pangako

Kapag nagkagipitan, tayo yung pinaaako.

Tayo yung binigo, pero tayo yung nakapako.

Kasi sa totoo lang, Pilipino lang tayo kapag may nananalong boksingero

Pagkatapos ng hiyawan at katuwaan

Mapapatanong ka na lang..

Ha? Ano nga ba tayo?

Ahhh, oo nga pala

Bihag ng sariling gobyerno.

Alipin ng sistemang magulo.

Parang nakarehas, pero wala naman sa presinto.

Sila yung maraming pangako

Kapag nagkagipitan, tayo yung pinaaako.

Tayo yung binigo, pero tayo yung nakapako.

isinulat ni
Cathleen Joyce Rampas

isinalita ni
Mary Angelica Macalindong

You might also like