Fil

You might also like

You are on page 1of 1

Sa lahat ng aspeto ng usaping pangwika, isa sa hindi dapat natin ipagsawalang-bahala

ay ang tungkol sa kaugnayan nito sa usaping politikal. Ito ay sapagkat may kakayahan
ang wika na baguhin ang pananaw ng isang indibidwal at sa pagtatatagtag ng mga
batas, dito natutukoy ang wikang ating gagamitin. Kaugnay nito, sa pamamagitan ng
batas, kumikilos ang pamahalaan. Sa pahayag ni G. Paz na kanyang pinamagatang
“Wika ng Naghaharing Uri”, nabanggit nya na hindi pa ganoong nabibigyan ng
nararapat na atensyon ang usapin tungkol sa relasyon ng politika at wika. At bilang
isang multlingwal na bansa, kailangan natin itong pag-usapan. Isa sa patunay kung
gaanong may kapangyarihan ang pamahalaan tungkol sa usaping ito ay ang pagturo sa
atin ng wikang Ingles. Ito ay hindi dahil sa kagustuhan o dahil kinailangan natin kung
hindi dahil ito ay batas na ipinatupad ng gobyernong Amerika. Sa halip na mas
pagyabungin natin ang ating sariling wika at mga wikang katutubo, napilit tayong m-ag-
aral ng wikang banyagang kinilala ng nakararami bilang wikang tanyag. Dahil dito,
namulat tayo sa ideya na tanging may kaya o mga edukadong tao lamang ang
nakakapagsalita ng Ingles. Ang hindi natin alam, tayo’y nalalamangan na pala ng ibang
tao lalo na ng pamahalaan sapagkat ang ilang mga batas, mga kontrata’t kondisyones
ay nakasulat sa wikang hindi sanay ang nakararami. Dahil dito, nawalan din tayo ng
kakahayang lumahok sa mga usaping politikal at mapagtanggol ang mga karapatan
bilang mga mamamayan. Ang gustong iparating ni G. Paz ay ang wika ang tulay sa
pamahalaan at mamamayan kaya’t nararapat lamang na may iisang wika tayong
nauunawaan nang nakararami. Marami tayong wika at diyalekto dito sa ating bansa
ngunit kung ating mapapansin, ang ating mga batas ay nakasaad pa rin sa wikang
Ingles. Nararapat lamang na kilalanin ang wikang ginagamit sa buong kapuluan bilang
wikang pangkomunikasyon, at iyon ay ang Wikang Filipino.

You might also like