You are on page 1of 9

Banghay Aralinsa MUSIC

Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakikilala ang mga iba’t ibang nota.
Naiguguhit ang nota sa staff nang wasto.
Nakikilala ang pamilya ng mga nota.

II. Paksa: Ang Nota

Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4


Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano natin iginuguhit ang nota?
Anu-ano ang mga bahagi ng nota?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Sa musika may mga simbulong iginuguhit o isinusulat sa loob ng staff.
Ang mga nota ay nabibilang sa isang malaking pamilya tulad natin. Sama-sama sila at
nagtutulungan upang makabuo ng isang magandang tunog tulad ng musika.
Ipakita ang larawan’ilustrasyon ng Note’s Family
Lolo Do, Lola Re , Nanay Mi, Tatay Fa
Kuya So , Ate La , at Baby Ti

2. Pagtalakay:
Saan isinusulat ang mga nota?
Ano ang ipinahihiwatig ng mga nota?
Ilan lahat ang mga nota?
Anu-ano ang mga pangalan ng mga nota?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: Ang mga nota ay mga simbulo na inilalagay sa staff at nagpapahiwatig ng tunog/tono.
Ang Pamilya ng mga Nota ay:
Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do

2. Pagsasanay:
Sabihin ang pangalan ng nota batay sa larawang ipapakita.
IV. Pagtataya:
Pagtambalin ang ngalan ng nota sa larawan.

V. Kasunduan:
Iguhit ang mga natutuhang uri ng mga nota sa music notebook.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakikilala ang mga notes syllables.

II. Paksa: 7 Note Syllables


Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ilan ang bumubuo sa pamilya ng nota?
Sinu-sino ang mga ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ipakilala ang 7 Notes Syllables
Sabihin: DO, RE, MI, FA, SO, LA, TI, DO
Ay tinatawag na 7 note syllables.
Ating alamin ang kanilang kinalalagyan sa staff.
Ipakita ang 7 note syllables sa loob ng staff.

2. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga 7 note syllables?
Saan guhit nakalagay si Fa?Re?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: DO, RE, MI, FA, SO, LA, TI, DO
Ay tinatawag na 7 note syllables.

D. Pagsasanay:
Magpakita ng staff. Ipaguhit sa loob ang nota sa tamang lalagyan.

IV. Pagtataya:
Iguhit ang G-clef at 7 notes sa loob ng staff.

V. Kasunduan:
Isulat ang syllable names ng mga notang ito. (tingnan sa pisara ang staff na may nota)

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
Naikikilos nang sabay ang paa at kamay.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


Aralin: Mga Kilos na Gumagamit ng Antas
Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20
Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pp. 37-41
Kagamitan: larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang lugar.
Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ipagawa nang pangkatan:
1. Pagdya-jogging
2. Lakad patingkayad sa mataas na lugar
3. Lakad patiyad sa mataas na lugar
4. Karaniwang lakad sa katamtamang lugar
5. Lakad patakbo sa mataas na lugar
6. Lakad patingkayad sa mababang lugar

2. Pagganyak
Awit: Tayo’y Sumakay sa Kabayo
(Bigyan ng angkop na galaw o kilos)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Naiikot mo ba ang kanang kamay mo?
Naitataas mo ba ang kaliwang kamay mo?
Ikaw ba ay nakakapadyak na sa kaliwang paa?
Alam mo ba ang pagsipa sa kaliwang paa?

2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)


1. Pagpapaikot ng kanang kamay sabay padyak sa kaliwang paa.
Panimulang Ayos:
Tumayo nang tuwid.
Iikot ang kanag kamay.Ipadyak ang kaliwang paa.
Itaas ang kaliwang kamay.Isipa ang kanang paa.

3. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?

Tandaan:
Ang pag-ikot ng kanang kamay at pagpadyak ng isang paa ay naisasagawa.Ang pagtaas ng
kaliwang kamay at pagsipa ng kanang paa ay naisasagawa rin. Ang ganitong ehersisyo ay
nagpapalakas rin ng mga binti at pati na rin mga tuhod. Ang mga kamay at mga paa ay naikikilos
nang paikot at pataas.

4. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos
IV. Pagtataya
Kilalanin ang mga kilos ng mga batang nasa larawan.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. A. iniikot ang kanang kamay
B. nakabaluktot ang kanang kamay
2. A. nakapadyak ang kaliwang paa
B. nakaunat ang kaliwang paa

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
Nakikilala ang mga pangunahin
at pangalawang kulay.

II. Paksang Aralin: Panimulang Aralin sa Kulay:


Pangunahing Kulay
A. Talasalitaan
Primary Colors: Red , blue, Yellow
Secondary Colors; green. Violet, orange
B. Elemento at Prinsipyo Shape, line
C. Kagamitan
Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide pp. 29-30
Pupils; Activity Sheet pp. 14-15
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang ibig sabihin ng bawat titik sa ROYGBIV?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga pangunahing kulay?
Pagbigayin ang mga bata ng mga bagay sa paligid na may mga kulay na dilaw, pula at asul.
Paano naman nabubuo ang mga panagalawang kulay?

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Pagkulayin ang mga bata ng mga larawang ginagamitan ng pangunahin at pangalawang kulay.

IV. Pagtataya:
Sagutin nang wasto.
1. Alin ang pangunahing kulay?
Pula lila asul dalandan dilaw berde
2. Ikahon ang pangalawang kulay
Berde dilaw asul
Dalandan lila pula
3. Pula + dilaw = _____
4. Dilaw + ____= berde
5. Anu-ano ang mga kulay ng watawat ng Pilipinas__________________

V. Kasunduan:
Gumuhit ng mga bagay na may pangunahing kulay at pangalawang kulay sa isang puting papel.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa HEALTH
Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Naipakikita ang wastong paghuhugas ng mga kamay :
- Pagkatapos pakainin ang alagang hayop tulad ng tuta

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Kamay


A. Malinis na Kamay
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide
page 17
Modyul 1, Aralin 1 pah 3-4
Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Laro: Ituro Mo (Touch Me) Game
Humarap sa kapareha. Sa hudyat ng guro ituturo ang bahagi ng katawan ng kapareha.

2. Pagganyak:
Awit: I Have Two Hands
B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang germs o mikrobyo?
Alam ninyo ba kung saan ito galing at paano ito nakukuha?
Paano ito naisasalin?
Paano ito maiiwasan?

2. Iparinig ang awit na


“Ako ay May Mga Kamay”
(Tono: Maliliit na gagamba)
Ako’y may mga kamay
Na kaliwa at kanan
Itaas mo man ito’y
Malinis naman
Ipalakpak, ipalakpak
Itong mga kamay
Ipalakpak, ipalakpak
itong mga kamay.

3. Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay.


Kapag naghuhugas ng ating mga kamay tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

4. Paglalahat
Tandaan: Maghugas ng kamay pagkatapos pakainin ang alagang hayop upang maiwasan ang
pagkalat ng mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit.

5. Pagsasanay:
Awit: I Have Two Hands

IV. Pagtataya:
Pangkatang Pagpapakitang Kilos ng wastong paghuhugas ng kamay.

V. Kasunduan:
Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos pakainin ang alagang hayop.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

You might also like