You are on page 1of 1

Maraming problema ang kasalukuyang kinakaharap ng bansang Pilipinas kung saan kailangan

gumawa ng mga desisyong gagamitin upang masolusyonan ang mga problemang kinakaharap sa
kasalukuyan. Ang pagpapatupad ng mga desisyong tama na magbibigay ng benepisyo sa ekonomiya at sa
estado ng bansa ay mas makakapag-dulot ng mas malaking progreso na higit sa kayang maibigay ng mga
mabuting desisyon. Marami ang posibleng maging magandang dulot ng pagpapatupad ng mga tamang
desisyon ng bansa kagaya ng, pagunlad ng ekonomiya, progreso, modernisasyon at ng iba pang sektor
dahil mabibigyang pokus ang mga totoong problema ng bansa at mabibigyan eo ng solusyon.

Isang halimbawa ng tamang desisyon ay ang Sin tax, isa itong uri ng buwis na ipinapatong sa mga
produktong maaring magdulot ng kasamaan o kapahamakan sa publiko kagaya ng, alak, sigarilyo, at iba
pang hindi masusustansiyang pagkain. Tamang desisyon ito dahil nakatuon ito na magdulot ng mabuti sa
bawat mamamayan ng bansa.

Mapapataas ng pagpapatupad ng Sin tax ang estado ng pagiging malusog ng mga mamamayan
ng bansa, ngunit marami ang gumigiit at mapupuruhan sa pagpapatupad nito dahil marami ang walang
kakayahan na maglaan pa ng dagdag na gastos para lamang sa makakain sa araw-araw, maraming tao
ang nakadepende sa mga pagkain na maapektuhan ng sin tax kagaya ng tsitsirya, at mga mumurahing
pagkain sa makikita sa tindahan. Ang mga taong mahirap ang estado ng buhay ay tila nagsisislbing kuneho
na nagpaparami na lamang at pagdadamutan pa ng makakain sa araw-araw sa pamamagitan ng pagtaas
ng mga presyo.

Maaring gawin ng gobyerno upang mabawasan ang epekto ng sin tax sa publiko ay mag labas ng
mga alternatibong pagkain na matuturing na masustansiya at ibenta ito sa publiko sa mababang presyo
lamang, sa ganong paraan ay mapapanatili ang pamumuhay ng mga nasa laylayan at sila ay magiging
malusog dahil masustansiya na ang kanilang mga kakainin.

Ang paggawa ng isang tamang desisyon ay dapat na isaalang-alang ang kalagayan ng


nakakarami at makikita sa isyu ng malnutrisyon nag-ugat ang pag-usbong ng sin tax, marami sa mga taong
nasa laylayan ang dumaranas ng hindi masustansiyang pamumuhay dahil ang mga itinitinda sa publiko ay
ang mga mumurahin at hindi masustansiyang pagkain. Ang sin tax ay magsisilbing matagalang solusyon
kung saan parehas ang mga mayayaman at mahihirap na magkakaroon ng benepisyo rito dahil sa
pagkakaroon ng masustansiyang pamumuhay na malayo sa anumang bisyo.

You might also like