You are on page 1of 2

JOEL DESOLOC JR.

04-06-21
BSED FIL 2B GINANG BABYLN CONTI

BAGYUHANG-ISIP
Panimulang Gawain:

A. Mula sa karanasan sa panahon ng pandemya hanggang sa kasalukuyan, maglista ng limang


(5) paksang pumatok sa panahong ito.

1. KAWALAN NG KAAYUSAN SA GOBYERNO


2. PAGDAMI NG COVID-19 CASES
3. KAWALAN NG TRABAHO
4. ELEKSYON
5. ONLINE CLASS

B. Pagkatapos na makapagbigay ng mga paksang pumatok sa panahong ito, pumili ng isa at


sumulat ng limang pangungusap bilang panimula.

KAWALAN NG KAAYUSAN SA GOBYERNO

Sa pagpasok ng pandemya at naglipanang problema dahil dito, lumutang lalo ang

pagiging iresponsable ng mga tao sa gobyerno dahilan para sa lalong pagkasadlak ng marami

nating kababayan at isa na ang aming pamilya sa naapektuhan natin dahil sa pagkawala ng

trabaho ng aking mga kamag-anak ay nahirapan sila lalong maghanapbuhay. Hindi ko sinisisi sa

gobyerno ang pagkawala ng trabaho ng maraming tao kahit pa may paraan naman sila para

makatulong ay hindi nila ginawa, kundi nais kong iparating na walang ibang may kakayahan at

kapangyarihan sa bansa upang isaayos ang gulo na dulot ng pandemya kundi sila lamang. Hindi
man nila nagawan ng paraan ang pagtaas pa rin ng numero ng mga kaso ng birus, maari nilang

tulungan ang mga pamilya pagdating sa mga pangangailangang pinansyal at kalusugan. Sila

lamang ang maaring unti-unting bawasan ang mga may sakit sa pamamagitan ng pag-aaral sa

mga sitwasyon at pagbibigay halaga at importansya sa mga bagay na dapat inuuna at inaasikaso.

Ang masakit na parte rito ay wala na magawaang mga tao kung hindi ang magsalit sa sitwasyon

at punahin ang mga tingin nilang maling gawi ng ating gobyerno, wala na silang kapangyarihan

dahil tapos na ito matapos ang eleksyon at binoto nila ang mga maling tao na humalili sa mga

posisyong importante at napakahalaga para sa bansa. Kaya sa pagtatapos, nais kong tapusin ito sa

pagbabahagi ng mensaheng tingin ko magiging epektibo at susi para makamtan natin ang

masaganang pagbabago, ito ay mangyayari sa susunod na eleksyon. Matapos ang mga

pangyayari noong simula ang pandemya at mga naranasan natin sa pait ng panunungkulan ng

gobyerno ay siguro nama‟y sapat na ito upang pairalin ang pagiging matalino ng mga tao para sa

pagboto ng tama at huwag magpadala sa mga suhol ng mga pulpol at walang silbing tumatakbo

sa halalan. Dahil kung ako ang tatanungin, ako ay parang muslim at wala na kong

mapagkatiwalaan „pagkat puro “baboy” ang nakikita ko sa “halalan”.

You might also like