You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Baitang 10
Ikapitong Linggo / Ikatlong Markahan
Mayo 03 - 07, 2021

ARAW AT ASIGNATURA PINAKAMAHALAGANG MGA GAWAIN MODE of


ORAS PAMANTAYAN SA DELIVERY
PAGKATUTO (Modular Modality)
Filipino MELC: Panimula: Sagutan ang mga
Basahin ang maikling impormasyon tungkol sa aralin. Gawain sa hiwalay
na papel. Tiyakin na
Natutukoy ang Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan. Sa kumpletong
tradisyong kinamulatan kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat sa Ingles dahil na masagutan ang mga
ng Africa at/o Persia rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran. gawain
batay sa napakinggang Kabilang ang nobela sa genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman, ang tuon ng
diyalogo kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay
sa Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan. Inaasahan na ang
mga gawain ay
Nasusuri ang binasang Ang nobela ay isang mahabang kathang panitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring matatapos ng mga
kabanata ng nobela pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang mag-aaral sa loob
batay sa pananaw / pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na ng isang linggo
teoryang pampanitikan pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga
na angkop dito pangyayaring ito ay may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay
at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. Sundin ang
Ang nobela ni Chinua Achebe na pinamagatang Things Fall Apart, ang isa sa tanyag na itinakdang araw at
Nasusuri ang napanood nobela ng Nigeria. Makikita rito ang ilan sa mga tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia. oras ng pasahan ng
na excerpt ng isang Ginawa ni Achinebe ang nobela upang mapabatid na hindi barbaro ang mga Africano tulad ng awtput. Dalhin ng
isinapelikulang nobela pagkakakilala sa kanila ng Europeo. magulang ang
awtput sa paaralan
Samantala, litaw na litaw sa nobelang ito ang paggamit ng iba’t ibang teoryang at ibigay sa
pampanitikan. Ilan sa mga lumutang na teoryang pampanitikan ay ang mga sumusunod: guro/kinauukulan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

 Teoryang Formalismo – pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo


kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga
bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
 Teoryang Sosyolohikal – mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha
ang panitikan
 Teoryang Humanismo – ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan
o katangian ng tao sa maraming bagay
 Teoryang Realismo – ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang
tunay na buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon,
katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at
gobyerno
 Teoryang Moralistiko – sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit
pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda

Sa kasalukuyan, ang mga nobela ay isinasabuhay sa pamamagitan ng


pagsasapelikula. Malaking bahagi ang iskrip sa pagbibigay buhay sa panitikan.
Ang iskrip ay ginagamit na gabay sa mga taong kabilang sa magtatanghal tulad ng
mga artista, direktor, cinematographer, tagalapat ng tunog, taga-disenyo ng produksyon,
tagapag edit at iba pa. Dito inilalarawan ang kabuuang takbo ng produksyon, ang pag uusap
ng mga tauhan, kilos ng katawan at ekspresyon ng mukha, posisyon ng kamera ,oras at
lugar na kinalalagyan ng tauhan.
Sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga dapat bigyan
ng pansin ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To Quiapo Scriptwriting Manual. Ito
ay ang mga sumusunod:
1. Kailangang malinaw ang konsepto ng pinag-uusapan
2. Alam ang major concepts ng material
3. Dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat at kung tungkol saan ba
talaga ang istorya.
4. Masusing bibigyang tuon ang pagbuo ng diyalogo
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

Sa pagsusuri naman ng pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais


na bigyang pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa iskrip at/o sa pelikulang
pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang
pinanood. Ang tawag sa pagsusuring ito ay tinatawag na Suring Pelikula. Sa pagsasagawa nito
maaaring gumamit ng isang balangkas o pormat ng suring pelikula tulad ng sumusunod:
I. Pamagat
II. Mga Tauhan
a. Protagonista
b. Antagonista
c. Katuwang na mga tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Suliranin
c. Mga Kaugnay na Pangyayari o mga Pagsubok sa paglutas ng suliranin
d. Mga ibinunga/Resulta
V. Uri ng Genre
VI. Paksa o Tema
VII. Mga Aspetong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika/Paglalapat ng tunog
c. Visual Effects/Editing
d. Set Design/Production Design
VIII. Direksyon
IX. Kabuuang Mensahe ng Pelikula/Aral
X. Kongklusyon at Rekomendasyon
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

Pagpapaunlad:
Basahin at unawaing mabuti ang buod ng nobelang mula sa Nigeria upang lubos mong maunawaan ang
pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura ng bansang Africa lalo na sa Nigeria.

Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia,


isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria. 
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si
Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang
Mbaino.  Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang
mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin
ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang
katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng
maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging
buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama.
Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At
siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na
nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at
makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang
ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa
pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng
Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang
dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang. 
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-Umuofia, ang
planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si
Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang
ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa
ng paraan si Okonkwo. 
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata
kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga
kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa
kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang
ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa
itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si
Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman
iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin
makapag-isip nang maayos.  Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang
may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na
isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at
nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na
babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng
kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan
siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng
malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang
maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.  Kagimbal-gimbal na trahedya ang
bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim
na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang
kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang
pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at
mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina dala ang
kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni
Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang
tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na
makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng
kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang
tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula. 
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon
matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia.


Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng
pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga
Umuofia. 
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta.  Sa tulong ng isang interpreter na si G.
Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang
pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap
sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay
naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa
iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at
hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at
bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang
taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha
ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng
Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.
                Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa
kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa
pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng
pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.
 Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang tumiwalag.
Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete
pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng
tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang
kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa isang
pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si
Okonkwo.  Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang
nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod
dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa
buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing
naaso.”Gawain
Sabi nisaObierika,
PagkatutoangBilang 1 (Guro
kaniyang ang magwawasto ng gawaing ito) Isulat sa yellow pad
kaibigan.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite
2. Anu-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo ng
pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuma? Patunayan.
4. Batay sa ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang magiting na
mandirigma? Bakit?
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala at
panindigan?
6. Sa paanong paraan ipinakita ng akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang pagkatalo at
muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang sagot.
8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, anu-anong bahagi ang iyong bibigyang buhay?
Bakit?

Pakikipagpalihan:
 Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 (Guro ang magwawasto ng gawaing ito) Isulat sa yellow pad
Binanggit sa naunang pahayag na ang nobelang “Paglisan” ay kakikitaan ng iba’t ibang teoryang
pampanitikan. Magbigay ng mga patunay na sitwasyon/pangyayari mula sa nobela tungkol sa mga
sumusunod na teoryang pampanitikan. Punan ang kolum ng mga patunay.

TEORYANG PAMPANITIKAN PATUNAY

A. Teoryang Realismo (Anong


konkretong sitwasyon sa tunay na buhay
o sa lipunan ang ipinakikita sa nobela?)

B. Teoryang Moralistiko (Anu-ano ang


pinahahalagang moralidad at disiplina
ang ipinamalas ng tauhan?)

C. Teoryang Humanismo (Anu-ano ang


kalakasan at mabuting katangian ng
pangunahing tauhan?)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

D. Teoryang Sosyolohikal (Anong


kalagayan at estado ng lipunan ang
masasalamin sa nobela?)

Paglalapat:
 Maikling Pagsusulit Bilang 5 (Guro ang magwawasto ng gawaing ito) Isulat sa yellow pad.
I. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at


magkakaugnay.
a. sanaysay c. tula
b. nobela d. epiko

2. Ito ay isang pagsusuri na naglalayong bigyang puna at ipaliwanag ang magandang nakita sa
iskrip at/o sa pelikulang pinanood gayundin ang kahinaan nito.
a. Suring Basa c. Suring Pantanghalan
b. Suring Pelikula d. Suring Pantelebisyon

3. Isa sa pangunahing pangangailan ng isang pelikula na naglalaman ng kabuuang takbo ng


produksyon.
a. Journal c. Iskrip
b. Magasin d. Diyalogo

Para sa bilang 4 – 5
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iniwawaksi ang tumatak
na pagkatao ng kanyang ama na si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang,
mahina at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang ama. Mag-
isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap na maiangat ang buhay,
nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa labanan, at
higit sa lahat
Pagkilala mula sa mga katribo.
4. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa mga desisyon niya sa buhay?
a. mapaghiganti c. puno ng hinanakit
b. may iisang salita d. may determinasyon sa buhay

5. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?


a. mahina ang kaniyang ama
b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
d. gusto niya ng karangalan, pangalan at katanyagan

 Karagdagang Gawain 1: (Performans Awtput 6 – 20pts.) (Guro ang magwawasto ng gawaing ito)
Isulat sa bond paper.

Gumawa ng panunuring pampelikula o suring pelikula ng isang nobela na binigyang buhay sa


pelikula. Gamitin ang balangkas o pormat ng suring pelikula na tinalakay sa aralin sa
pagsasagawa nito.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SURING PELIKULA


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

Mga pamantayan Puntos

a. Kabuluhan ng Nilalaman at lalim ng mga pananaw

b. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan

c. Pagsasaalang-alang ng mga elemento at panunuring pampanitikan

d. Makabuluhang presentasiyon at pagsunod sa pormat

20 Napakahusay 9–5 Di Mahusay


19 – 15 Mahusay 4–0 Maraming kakulangan
14 – 10 Katamtaman

You might also like