You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Bulacan State University


Hagonoy Campus
Iba-Carillo, Hagonoy, Bulacan

Banghay ng Aralin sa Araling Panlipunan IV

I. Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas gamit ang pangunahin at
pangalawang direksyon.
2. Mailahad ang kinalalagyan ng bansang Pilipinas sa rehiyong Asya at sa
mundo.
3. Makilala ang mga bansang nakapalibot sa bansang Pilipinas
II. Paksa
A. Pangunahing Paksa: Ang aking Bansa
:Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

B. Mga pinagkunan ng paksa:


Araling Panlipunan-Ikaapat na Baitang Kagamitan sa Pag-aaral Unang Edisyon 2015
p. 8-14

III. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Panalangin
“Mga bata magsitayo muna tayo para sa pambungad na panalangin, _________
maaari mo bang pangunahan ang ating pambunagd na panalangin?”

“Isang magandang araw sa inyong lahat”

“Bago umupo ay pulutin muna ang mga kalat na inyong makikita”

2. Pagtatala ng Lumiban
(Ang guro ay tatawagin isa-isa ang bawat mag-aaral)

3. Pagbabalik-aral
“Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin, nais ko munang magbalik aral
tayo sa paksang ating tinalakay kahapon tungkol sa iba’t ibang element o
katangian ng pagkabansa”
4. Pagsasanay
Isulat sa patlang ang Pilipinas kung ang pangungusap ay tama at Asya kung ang
pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

_________1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya.


_________2. Ang Asya ay pinaka maliit na kalupaan sa buong daigdig.
_________3. Ang globo ay isang representasyon ng mundo na makatutulong sa
paghahanp ng lokasyon ng isang bansa.
_________4. Ang rehiyong Timog-silangang Asya ay matatagpuaan sag awing
itaas ng ekwador.
_________5. Matatagpuan sag awing kaliwa ng Pilipinas ang Karagatang
Pasipiko.

5. Pangganyak

Bilugan ang mga salitang makikita sa kahon na maaaring makatulong sa iyo upang
magkarron ng ideya patungkol sa ating aralin ngayong araw.

K G A L X O E J G L N S A Q D W S A Q E
M I S V C B D W O O A S X S F D V E C V
K B C K W V H S Y P S B C D V B D C J N
P T V A E C K I E N S N T G G J V V V O
X F H N D X S I L A N G A N J M M G R Y
Z C N L F K M K D A S L J W N G N B T S
G N V U E S J L G S C N V S K N F E H A
D M B R G C L O B V V H D B S M B S N K
W L I A J W M P J L A A V S E V H D B O
C D J N K A F W J B V E S Y V A E F S L
B Z W B L W S X N H I L A G A P F G R G
Q X V E S D D B C E V O F I T A B Y T N
V F D D C G W J S F S N S G F B N N I O
M H E V V K X U C G C M D O N H U K O B
R I R K F M Z A P A M P V P J M E M P I
E L B P R N Q J A V D E N Q E G D Q L T
B O O I V B A W W B E D L Z P H V X V A
O E L A B A H D C D H V M X U L B V V L
P O G O M I T P C V D R V E Q S G D X E
L J K Y D F V Q S A R O B E B Y I P Q R

Ipakita ang isang Mapa o Globo.


“Maaari nyo bang ituro kung nasaan ang bansang Pilipinas?”
“Maaari bang tukuyin nyo kung saang kontinente nabibilang ang bansang
Pilipinas?”

6. Paghahawan ng balakid
1. Ano-ano ang nakapaligid sa Pilipinas kung pagbabatayan ang
mga pangunahing direksiyon?
2. Ano-ano ang pumapalibot sa Pilipinas kung pagbabatayan ang
pangalawang direksiyon?
3. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang pilipinas?
B. Paglalahad

“Ang araling ating tatalakayin ngayong araw ay ang Kinalalagyan ng Pilipinas, kung
saan itong kontinente nabibilang at kung ano-ano ang mga nakapalibot dito. Halina’t
simulan na natin an gating talakayan”

Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na mahalaga sa pagtugon ng pamahalaan sa


mga pangangailangan ng mga tao at pagpapanatili ng kalayaan ng bansa.
Isa sa mga bagay na maaaring makatulong sa pagtukoy ng kinalalagyan ng Pilipinas
ay ang Globo.
Ang Globo ay representasyon o modelo ng mundo kung saan mayroong imaginary
lines na makatutulong sa paghahanap ng lokasyon ng isang lugar.

Gamit ang globo at ipahanap ang kinaroroonan ng kontinente ng Asya at ang bansang
Pilipinas.

Ang Pilipinas ay ang ikalawang pinakamalaking kapuluan na matatagpuan sa Timog-


silangang Asya sa gawing itaas ng ekwador. Tinaguriang ang Pilipinas ay “Pintuan ng
Asya dahil sa kinalalagyan nito malapit sa karagatang pasipiko.
Nasa pagitan ng latitude na 4-21 degree hilagang latitude at 116-127 degree silangang
longhitud.

Mga katabing bansa ng Pilipinas:


Hilaga- Taiwan, China at Japan
Silangan- Micronesia at Marianas
Timog- Brunei at Indonesia
Kanluran- Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand.

Maaaring matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas batay sa kaugnay na kinalalagyan


nito, ito ang tinatawag na relatibong lokasyon. Ang relatibong lokasyon ng bansa ay
ang lokasyon ng isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabing bansa nito.

Kung ang pangunahing direksiyon ang pagbabatayan, ang Pilipinas ay napapaligiran


ng mga sumusunod:

Pangunahing Direksiyon Anyong Lupa Anyong Tubig


Hilaga Taiwan Bashi Channel
Silangan Karagartang Pasipiko
Timog Indonesia Dagat ng Celebes at Dagat
ng Sulu
Kanluran Vietnam Dagat Kanlurang Pilipinas
o dating Timog China.

Kung pagbabatayan naman ang pangalawang direksiyon


Pangalawang Direksiyon Matatagpuan ang:
Hilagang-silangan Dagat ng Pilipinas
Timog-silangan Mga Isla ng Palau
Hilagang-kanluran Mga Isla ng Parcel
Timog-kanluran Borneo

C. Paglalahat
 Ang relatibong lokasyon ay ang direksiyon o lokasyon ng isang lugar batay
sa kinalalagyan ng mga kalapit bansa nitong lugar.
 Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-silangan ng kontinente ng Asya.
 Kung gagamitin ang pangunahing direksiyon, ang Pilipinas ay napapaligiran
ng bansang Taiwan at Bashi Channel sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa
Silangan, mga bansang Brunei at Indonesia at mga dagat ng Celebes at sulu
sa Timog, at bansang Vietnam at Dagat Kanlurang Pilipinas sa Kanluran.
 Kuyng ang pangalawang direksiyon naman ang poagbabasehan,
napapaligiran ang Pilipinas ng Dagat ng Pilipinas sa Hilagang-silangan, mga
isla ng Palau sa Timog-silangan, mga isla ng Parcel sa hilagang kanluran at
Borneo sa Timog-silangan.
D. Paglalapat
Gawain A
Pag-aralan ang mapa. Ano-ano ang makikita sa paligid ng Pilipinas ayon sa
pangunahin at pangalawang direksiyion? Kopyahin ang dayagam sa kuwaderno at
isulat ditto ang iyong mga sagot.

Mga Pangunahing Direksiyon

Mga Pangalawang Direksiyon

E. Pagpapahalaga

Bakit mahalagang matukoy ang mga kalapit na lugar para matukoy ang eksaktong
kinaroroonan ng isang bansa? Makatutulong ba ang pagtukoy sa mga katabing lugar
para mapuntahan mo o malaman mo ang eksaktong kinaroroonan ng isang lugar?

IV. Pagtataya

Isulat ang H kung ito ay matatagpuan sag awing hilaga, S naman kung sa silangan,
T kung sa timog, at K kung sa kanluran ng Pilipinas ito matatagpuan. Gawin ito sa
sgutang papel.
________1. Dagat Celebes __________5. Indonesia
________2. Vietnam __________6. Karagatang Pasipiko
________3. Brunei ___________7. Dagat Sulu
________4. Bashi Channel ___________8. Taiwan

V. Takdang Aralin
Sa isang long bondpaper, Iguhit ang mapa ng Pilipinas kalakip ang mga bansa o
lugar na matatagpuan sa mga pangunahing direksiyon.
Kulayan ng Asul kung ito ay matatagpuan sa Hilaga, Pula naman sa Timog,
Luntian naman kung sa Kanluran at Dilaw sa Silangan.

You might also like