You are on page 1of 16

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 17: May Pagtutulungan sa Aking Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.


Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Marissa D. Angeles
Editor: Lilia Perez
Tagasuri:
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisor

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Araling
Panlipunan
2
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 17
May Pagtutulungan sa Aking Komunidad
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 2 ng Modyul 17
para sa araling May Pagtutulungan sa Aking Komunidad!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 2) Modyul 17 ukol sa (May
Pagtutulungan sa Aking Komunidad!)

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na magbigay ng suplementaryong


kagamitan sa mga mag-aaral bilang gabay sa pag-aaral
ng paksa sa Araling Panlipunan.
Ang pagtutulungan ay nagbubuklod sa mga tao sa
komunidad. Nagiging daan ito tungo sa pagkakaisa. Ang
pagtutulungan ay lubhang mahalaga sa panahon ng
kagipitan at kalamidad. Dapat nauunawaan ng bawat
kasapi ng komunidad ang kahalagahan nito.
Sa araling ito, inaasahang makatutulong ang modyul
na ito upang pagaanin at gawing malikhain ang pag-
aaral sa araling ito.
Ito ay binubuo ng isang aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng 1 araw. Ang mag –aaral ay
inaasahang :

1. Naipakikita ang iba’t – ibang paraan ng


pagtutulungan ng mga kasapi ng komunidad sa
pagbibigay solusyon sa mga problema sa
komunidad.

Sa lahat ng ito, una ang magandang saloobin at


pagpapaunlad ng Araling Panlipunan, kayang kaya
nating harapin ang modernong pagbabago at tunguhin
ang NEW Normal.
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang Tama kung nagpapakita ng
pagtutulungan sa komunidad at Mali kung hindi.
_____1.Pagbibigay ng mga pagkain, mga damit at
tulong pinansyal para sa mga taong nasalanta ng
bagyo.
_____2. Sama – samang paglilinis ng mga tao sa mga
baradong kanal at estero.
_____3. Pagtapon ng basura sa gabi dahil wala naman
nakakakita sa akin.
_____4. Pagsunod ng mga tao sa utos ng pamahalaan na
manatili sa loob ng bahay upang maiwasang
magkahawaan ng sakit na COVID19.
_____5. Hayaan na lamang ang iba na tumulong sa
pagpapanatili sa kalinisan ng kapaligiran dahil bata pa
ako para sa mga bagay na ganito.

BALIK-ARAL
Tanong:
“ Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng mga tao sa
paglutas sa mga suliranin ng komunidad?
Maaari mong umpisahan ang sagot nang ganito:
Mahalaga ang pagtutulugan ng mga tao sa
paglutas sa mga suliranin ng komunidad dahil ___________
_______________________________________________________.
ARALIN

Tanong: Ano ang kasalukuyang suliranin na kinahaharap


ng ating komunidad pati nang buong mundo?

Basahin ang seleksiyon:

Panahon ngayong ng
Pandemyang Covid 19.
Napakaraming naapektuhan
dahil sa pandemyang ito.
Maraming tao ang nahirapan,
nawalan ng hanapbuhay,
marami ang tinamaan ng sakit na ito. Ang ilan ay nasawi,
bagamat marami rin naman ang gumaling. Balot na
balot sa takot ang ating komunidad. An gating mga
pinuno ay abalang – abala kung paano mabibigyan ng
solusyon ang problemang ito, na ating kinahaharap. At
ito ang naisip nilang mga hakbang upang ang sakit na
ito ay mapigilan ang pagkalat.
1. Nagpatupad ng 2. Mahigpit na itinagubilin
Total Lock Down ang Stay at Home

3. Isinagawa ang 4. Pagsusuot ng mask sa mga


Social Distancing pampublikong lugar

5. Palagiang paghuhugas
ng kamay
Bukod diyan ay namahagi ang pamahalaan ng mga
pagkain at tulong pinansiyal upang hindi magutom ang
mga tao.

At ito nga, matapos ang mahigit dalawang buwan,


unti – unti nang bumabalik sa dati ang lahat. Ang ilan ay
nakalalabas na para maghanapbuhay. At ngayon
pinaghahandaan narin ng maraming guro ang
pagbabakil eskuwelasa paraang Online Classes. Ang
lahat nang ito ay dahil sa sama – sama nating
pagtutulungan at pagkakaisa upang mabigyan ng
solusyon ang problemang ito ng ating komunidad. Higit
sa lahat sa “Awa at tulong ng ating Panginoon”,
Umaasa tayong lahat, na hindi magtatagal ay
malalagpasan din natin ang suliraning ito.
Batid natin, marami pang mga problema sa ating
komunidad ang dapat nating lutasin.

Sagutin:

1. Ano ang kasalukuyang suliranin na kinahaharap n


gating komunidad pati nang buong mundo?
2. Paano ipinakita ng mga tao ang kanilang
pagtutulungan upang masolusyunan ang
problemang ito ng ating komunidad?
3. Ano – ano ang iba pang mga problema sa ating
komuniudad na ating kinahaharap?
4. Sa iyong palagay kaya ba nating bigyan ng
solusyon ang mga problemang ito?
5. Anong mga paraan ng pagtutulungan ang dapat
nating gawin upang mabigyan ng solusyon ang
mga problema sa ating komunidad?

MGA PAGSASANAY
Gawin 1
Panuto :Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagtutulungan sa komunidad. Bilugan ang titik
nang tamang sagot.
1. Ang inyong komunidad ay nasalanta ng bagyo.
Nagkataon na hindi kayo gaanong naapektuhan
dahil nasa mataas na lugar kayo. Ano ang gagawin
mo?
A. Magbibigay kami ng aking pamilya ng mga
pagkain para sa mga nasalanta.
B. Pababayaan ko na lamang ang mga mayayaman
ang magbigay ng tulong sa kanila.
C. Ipamimigay ko ang mga damit namin.

2. Nasunugan ang isa ninyong kapitbahay. Halos wala


silang naisalbang gamit. Ano ang iyong gagawin?
A. Bata pa ako kaya wala pa akong magagawang
pagtulong sa kanila.
B. Mamamahagi kami ng aking pamilya ng mga
kasuotan gamit ang naipon ko sa aking alkansya.
C. Saka nalang ako tutulong kung mayaman na kami.

3. Napansin mo na bumilis ang daloy ng trapiko. Ano sa


palagay mo ang dahilan nito?
A. Dahil sumunod ang mga drayber sa mga pulis
sa kung saan sila magbababa at magsasakay ng
mga pasahero.
B. Dahil madaming hinuli ang mga pulis na drayber.
C. Dahil pinagbawalan ang mga drayber na
mamasada.

4. Bakit kaya luminis at gumanda ang komunidad nina


Ramon?
A. Dahil nagbayad sila ng maglilinis sa kanilang lugar.
B. Dahil nilinis at inayos ng mga mamamayan ang
Kanilang komunidad.
C. Dahil pinagalitan sila ng kanilang kapitan.
5. Tambak ang basura sa inyong paligid ano ang dapat
gawin ng mga tao sa inyong komunidad?

A. Hayaan nalang muna ang tambak ng basura


hanggang walang sumisita
B. Ipahakot ang mga basura sa mga basurero.
C. Magsagawa ng pag – aalis sa mga basura at
pagbawal na muling matambakan ng basura ito sa
pangunguna ni Kapitan.
Gawin 2
Panuto: Ang mga nasa Hanay A ay mga problema sa
ating komunidad. Hanapin sa Hanay B ang
angkop na solusyon nito. Isulat ang titik nang
tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_____1. tambak na basura A.


_____2. buhul – buhol na
trapiko
_____3. nakakalbong B.
gubat
_____4. nalululong sa bisyo C.
ang mga kabataan
_____5. magdadaos ng
pista ang komunidad D.

E.

Gawain 3
Panuto: Iguhit sa kahon ang nakikita mong
pagtutulungan sa iyong komunidad. Lagyan ng
angkop na kulay. Sumulat ng 1 pangungusap
na naglalarawan sa iyong iginuhit.
_____________________________________________________________.

PAGLALAHAT
Panuto:Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag.
Piliin ang sagot sa kahon.

komunidad pagtutulungan problema


“ Ang pagpapakita ng iba’t – ibang paraan ng
_______________ ng mga kasapi ng ________________
ang kailangan upang mabigyan ng solusyon ang mga
_____________________ sa komunidad.

PAGPAPAHALAGA
Paano mo ipakikita ang iyong pakikipagtulungan sa
iyong komunidad? Isulat mo ang iyong sagot sa isang
pangungusap.
1. Marumi at magulo ang inyong paligid. Tambak ang
mga basura sa gilid ng daan at barado ang mga
kanal. Ano ang magagawa ninyo ng iyong pamilya?
__________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Lagyan ng / ( tsek ) kung nagpapakita
pagtutulungan sa komunidad at X ( ekis )kung
hindi.
_____1. Nagtutulungan ang mga kabataan sa
pagdidilig ng mga halaman sa plasa.
_____ 2. Nagsasagawa ng bayanihan ang mga tao sa
pamamahagi ng pagkain sa mga biktima ng
lindol.
_____ 3. Isinara ko ang gripo pagkatapos kong maligo.
_____ 4. Ang mga batang babae at lalaki ay naglilinis
ng silid-aralan.
_____5. Si ate at kuya ay naglalaba sa ilog.

SUSI SA PAGWAWASTO
5. Mali 5. x
4. Tama 5. C 5. E 4. /
3. Mali 4. B 4. D 3. /
2. Tama 3. A 3. A 2. /
1. Tama 2. B 2. B 1. /
Pagsasanay 1. A 1. C Pagsasanay
Paunang Gawain 1 Gawain 2 Panapos na
Sanggunian
Araling Panlipunan 2, Kagamitan ng Mag – aaral pp. 253 – 260
Gabay ng Guro sa Araling Panlipunan 2 pp. 82 – 84
MELC - BOW Araling Panlipunan
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.fda.gov%2Ffood%2Ffood-safety-
during-emergencies%2Ffood-safety-and-coronavirus-disease-2019-covid-19

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fnews.abs-
cbn.com%2Fnews%2F03%2F28%2F20%2Ftotal-lockdown-ipinatupad-sa-isang-barangay-sa-
tuguegarao-dahil-sa-covid-19

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.shutterstock.com%2Fsearch%2Fstay
%2Bhome

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftimesofindia.indiatimes.com%2Flife-
style%2Fparenting%2Ftoddler-year-and-beyond%2Fuse-this-heartwarming-story-to-make-your-kid-
understand-social-distancing

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fregion5.dilg.gov.ph

%2Fdilg-mc-no-2020-071-mandatory-wearing-of-face-masks-or-other-protective-equipment-in-
public-areas

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.kidscanhavef

un.com%2Fblog%2Fproper-hand-washing-posters

https://web.facebook.com/VicoSotto/photos/a.984954758229869/2952486154810043

Ang iba pang larawan ay kinuha sa Google

You might also like