Professional Documents
Culture Documents
Apan q2 Wk1 Weekly-Learning-Plan
Apan q2 Wk1 Weekly-Learning-Plan
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MALABON CITY
Plano ng Pag-aaral sa Araling Panlipunan
BAITANG:2
MARKAHAN: 2
Gabay sa Tagapagdaloy:
Ang planong ito ay binuo para sa iyo bilang tagapagdaloy upang gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng SO-MALABON CITY SUPPLEMENTARY
LEARNING MATERIALS na pinamagatang ANG AKING KOMUNIDAD NOON AT NGAYON. Kayo ang inaasahang magwawasto ng kanilang mga
gawain at matiyak na pangangalagaan ninyo nang buong katapatan ang mga susi sa pagwawasto.
Kayo ang gagabay sa mga mag-aaral upang makamit ang sumusunod na layunin na tumutugon sa mga kasanayang pang intelektwal, pisikal at
pandamdamin.
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kwento ng pinagmulan ng sariling komunidad batay sa konsepto ng
pagbabago at pagpapahalaga sa kulturang nabuo ng komunidad.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nauunawaan ang pinagmulan at kasaysayan ng komunidad at nabubugyang halaga ang mga bagay na
nagbago at nananatili sa pamumuhay komunidad.
Nakapokus na Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling komunidad batay sa mga pananaliksik,
pakikinig sa kwento ng mga nakatatanda sa komunidad at iba pa.(AP2KNNIIa-1).