You are on page 1of 3

LESSON PLAN

IGNACIO TAN MEM.INTEGRATED SCHOOL


MARIA CHARIBEL P. TAMPARONG
MARCH 25, 2020
FILIPINO VI 3RD QUARTER

I. LAYUNIN
 Nakabubuo ng bagong salita gamit ang panlapi at salitang ugat.
F6PT-IIIj-19
II. NILALAMAN
 Pagbubuo ng Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang Ugat.
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
 MELC
 Landas ng Wika Pahina 60, 115, 150
 Power Point Presentation
IV. PAMARAAN
A. Balik Aral sa Nakaraang Aralin.
Kailan natin gagamitin ang pang-angkop na ng at na?
Magbibigay ng mga halimbawa:
 Bata__ mabait. (ng, na)
 Masarap__ pagkain. (ng, na)
 Mabait___ aso. (ng, na)
 Mataba___ baboy. (ng, na)
B. Ipabasa ang maikling tula.
Masdan Mo ang mga Puno
Masdan mo ang puno sa iyong harapan,
Pagkalalaki-laki ng kaniyang katawan;
At ang taas nito’y abot na kung saan,
Waring nagsasayaw kung pinagmamasdan.

Masdan mo ang puno, hayun naroroon,


Na pinagaganda ng maraming dahon;
Masinsi’t malabay-waring walang tutol,
Na duyan-duyan ng hanging may sipol.

Masdan mo ang puno, naku, may bunga na!


Isa, dalawa…aba, di na mabilang pa;
Kung pahihinugin, ikaw ay magsaya,
Malalasahan mo ang tamis ng bunga.

Ano-ano ang bumubuo sa tula?

C. Pag uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


 Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-
ugat.
Salitang-ugat –ay isang salita na walang dagdag, makatuwid, ito ay salitang buo
ang kilos.
Halimbawa: bango, luto, sayaw, amoy, alis, sulit, hango, tango
Panlapi – ay titik o mga titik na ikinakabit sa salitang – ugat upang makabuo ng
isang salita.

Uri ng Panlapi
1. Unlapi – ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang madalas na ginagamit
ng mga unlapi ay ma, mag, nag, pag, pala, atbp.
Halimbawa:
Salitang – ugat Panlapi Bagong salita
tanim mag magtanim
husay ma mahusay
2. Gitlapi – ginagamit sa gitna ng salitang-ugat. Ang madalas ginagamit na
gitlapi ay um at in.
Halimbawa:
Salitang – ugat Panlapi Bagong Salita
pasok in pinaskok
sagot in sinagot
3. Hulapi – nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay
an, han, in, at hin.
Halimbawa:
Salitang – ugat Panlapi Bagong Salita
palit an palitan
basa han basahan

D. Pagtatalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan.

Panuto: Suriin ang salitang-ugat at ang panlaping ginagamit sa bawat salita.


Salitang – ugat Panlapi Bagong Salita
1. gising _______ gumising
2. _____ ma- maliit
E. Paglinang sa Kabihasaan (tungo sa pormatibong pagtataya)
Panuto: Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. (pangkatang gawain)
1. __alis ang aking Tito papuntang Singapore.
2. Ang mga bata ay __aaral para sa pagsusulit.
Basahin ulit ang tula upang makahanap ng limang salitang binubuo ng panlapi
at salitang-ugat.
F. Paglalahat (Generalization)
Ano –ano ang napag aralan natin sa umagang ito?
V. Pagtataya:
Panuto: Isulat ang salitang – ugat na may salungguhit batay sa nabuong bagong
salita gamit ang panlapi sa inyong sagutang papel o notbuk. (1-5)
____1. Mahiyain ang kaibigan kung si Anna.
____2. Nakita kung nagdilig ng halaman ang nanay ko kaninang umaga.
____3. Ang mga bata ay masayang naligo sa ilog.

You might also like