You are on page 1of 3

ALEXANDRA ALLYSA BELMONTE GRADE 12 STEM 1

HIMAMAYLAN NATINAL HIGH SCHOOL


WEEK 1
KUWARTER 2 – PILILING LARANG
MELC 1 – PAGTUKOY SA MAHAHALAGANG IMPORMASYON
PARA SA ISANG MAKABULUHANG PULONG

PAGSASANAY 1

GIL MONTILLA NATIONAL HIGH SCHOOL


Brgy. GIL MONTILLA, Sipalay City, Negros Occidental

ADYENDA
PAGDIRIWANG SA TAUNANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA
Petsa ng Pagpupulong: Ika-27 ng Hulyo 2020
Oras ng pagpupulong: mula ika-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali
Lugar ng Pulong: Sa Silid Pulungan ng Mancom Bldg.
Tagapangasiwa: Edna T. Arbon (Kawaksing Punong Guro)
Mga Dadalo: Mga Guro sa Filipino

PAKSANG TATALAKAYIN
Layunin: Upang maging organisado ang pagdiriwang ng paaralan sa darating na
Buwan ng Wika sa petsa ng Agosto 1 hanggang Agosto 30, 2020.
1.) Layunin ng Pagdiriwang
Oras ng Pagtatalakay: 1 oras
Layunin: Upang mailahad ang layunin ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Taong tatalakay: Febien Constantino (Guro sa Filipino- SHS)
Gawain:
a.) Paglahad ng mga layunin ng pagdiriwang.

2.) Lingguhang Paksa ng isang buwang pagdiriwang


Oras ng Pagtalakay: 1 oras at 30 minuto
Layunin: Pagtatala ng lingguhang paksa sa isang buwang pagdiriwang ng Buwan
ng Wika.
Taong tatalakay: Ceferina A. Aplaon (Guro sa Filipino-SHS)
Gawain:
a.) Pagtala ng mga paksa para sa isang buwang pagdiriwang.
3.) Gawaing isasagawa sa isang buwang pagdiriwang
Oras ng Pagtalakay: 1 oras at 30 minuto
Layunin: Pagtatala ng mga gawaing isasagawa para sa isang buwang pagdiriwang.

Taong tatalakay :Allea S. Mercado (Guro sa Filipino-SHS)


Gawain:
a.) Pagtala ng mga gawain na isasagawa para sa Buwan ng Wika.

b.) Pagtukoy ng mga aktibidad na isasagawa para sa isang buwang


pagdiriwang upang maging mas masaya pa ang pagdiriwang.

4.)Paglalagom ng Pulong
LAYUNIN:PAGPAPASIYA
a.) Ano-ano ang mga bagay na natutunan sa pulong?
b.) Paano mas mapapadali at kapaki-pakinabang ang susunod na pulong?

PAG AANALISA:
Batay sa ginawa kong adyenda sa itaas , ang pulong ay tungkol sa pagdiriwang sa
taunang buwan ng wikang pambansa.Ito ay magaganap sa ika-27 ng Hulyo, 2020.
Magsisimula ang pulong sa ika-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.Mangyayari
ang pulong sa silid pulungan ng Mancom Bldg. Pangangasiwaan ito ni Gng. Edna T.
Arbon at ang mga dadalo ay ang mga guro sa filipino.
Ang mga paksang tatalakayin ay:
 LAYUNIN NG PAGDIRIWANG
 LINGGUHANG PAKSA NG ISANG BUWANG PAGDIRIWANG
 GAWAING ISASAGAWA SA ISANG BUWANG PAGDIRIWANG
Ang layunin ng pulong ay upang maging organisado ang pagdiriwang ng paaralan sa
darating na Buwan ng Wika.

3. Mga batayang tanong:


1. Ano ang adyenda?
~ ang adyenda ang pagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.Ang
pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay
na pulong.
2.Bakit mahalaga ang kaalaman saa pagsulat o pagbuo ng adyenda sa isasagawang
pulong?
~ mahalaga na magkaroon tayo ng kaalaman sa pagbuo ng adyenda sa isasagawang
pulong upang maisasayos nating mapabatid ang mga tatalakayin sa pulong sa mga
taong dadalo nito.Halimbawa nalang kung wala tayong kaalaman sa pagbuo ng
adyenda, hindi magiging organisado ang ating adyenda at mas-lalo ng hindi
maiintidihan ng mga dadalo ang ating layunin sa oras ng pagpupulong.
3.Paano nakatutulong ang bahagi ng adyenda sa isang pagpupulong?
~Nakakatulong ang bahagi ng adyenda sa isang pagpupulong dahil ito ay nagsisilbing
balangkas ng pulong katulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin. Ito
ang nagsisilbing talaan o tseklist ng mga mahahalagang impormasyong tatalakayin sa
pulong.Nakatulong ito nang malaki dahil kundi dahil sa adyenda hindi mananatiling
nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong ang mga tao.

5. Repleksiyon
Ang adyenda ang nagsasaad ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa paksa.Ito
ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.Kaya napakahalagang
makagawa tayo ng maayos na adyenda dahil pagkakaroon ng maayos at
sistematikong adyenda ay susi ng matagumpay na pulong. Malaking bahagi ng
adyenda ang naitutulong nito sa mga taong kabahagi o mga taong dadalo, pati narin
sa mga kasapi ng pulong dahil maayos nitong naipapabatid ang impormasyon sa
pulong. Ang adyenda ang nagsisilbing tseklist o talaan ng mga tatalakayin sa pulong.
Nagbibigay rin ito ng pagkakataon sa mga dadalo na maging handa sa paksang
tatalakayin at pati narin sa mga pagdedesisyon. Kundi dahil sa adyenda hindi
maiintindihan ng mga taong dadalo kung ano ang nais na ipahiwatig sa kanila ng
nagpupulong. Nang dahil sa adyenda, mananatiling nakapokus ang mga tao sa
paksang tatalakayin sa pulong.

You might also like