You are on page 1of 1

2021 ANNUAL BUDGET, DININIG SA SP

Sa pangunguna ni Vice Gov. Atty. CA Jojo Perez, na siyang Chairperson ng Joint Committee of the
Whole at Bokal Raf Infantado na Chaiperson ng Committee on Planning and Budgeting, sinimulan
ng mga Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan noong November 23, 2020 ang serye ng BUDGET
HEARING upang himayin at pag-aralan ang AIP at ANNUAL BUDGET na isinumite ng
EXECUTIVE DEPARTMENT kaugnay ng pagpapasa ng FY 2021 General Fund Annual Budget.

Nakapaloob sa 2021 AIP ang mga gawain, proyekto, at programang pangkaularan ng Lalawigan ng
Oriental Mindoro sa taong 2021.

Ang 2021 Annual Budget naman ay naglalaan ng pondo para sa mga gawain, proyekto at programa
ng Pamahalaang Panlalawigan.

Alinsunod sa batas at sa tiwalang ipinagkaloob ng mga Oriental Mindoreño, sinisigurado ng


Sangguniang Panlalawigan ang komprehensibong pagtatalakay sa laang-gugulin, at ang kanilang
mariing pagsuporta sa mga programa para sa kaunlaran, pagpapalakas sa HEALTH and
AGRICULTURE sectors, pagtitiyak sa recovery ng lalawigan at mga mamamayan sa COVID-19
PANDEMIC at sa hagupit ng mga nagdaang bagyo.

Ang pagpapatuloy ng Budget Hearing para sa pagpapasa ng 2021 Annual Budget ay isasagawa ng
Sangguniang Panlalawigan sa January 2021.

You might also like