You are on page 1of 2

2021 ANNUAL BUDGET NG ORIENTAL MINDORO, PASADO NA

COVID-19 VACCINE, SEKTOR NG AGRIKULTURA AT KALUSUGAN, IPINIPILIT SANA


NG SP NA DAGDAGAN AT LAGYAN NG SAPAT NA PONDO

February 8, 2021

Ipinasa ng SP ang 2021 Annual Budget matapos ang masusing paghimay at maingat na pag-aaral sa
panukalang pondo na inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa 18 na Departamento, kasama ang 5
mga Ospital na pinamamahalaan nito, gayundin ang pondo na inilaan para sa pangangailangan ng
bawat sector sa lalawigan.

Sa loob ng mga panahong iyon, nagsagawa ng serye ng budget hearing ang SP Committee on
Planning and Budgeting na pinangunahan ni Bokal Raf Infantado.

Dito, isa-isang inimbitahan ang bawat Departamento ng PGOM upang usisain kung naaayon sa
kanilang pangangailangan ang pondong nakalaan sa 2021 Proposed Annual Budget. Sa
komprehensibong pagtatalakay, sinuri rin ng SP ang kaangkupan ng mga inilaang pondo sa higit na
kailangan ng mga mamamayan sa kasalukuyang krisis at pandemya.

Natapos ang budget hearings noong January 11, 2021. Kasunod nito, nagkaroon ng deliberasyon ang
SP noong January 22 at 27 upang analisahin at i-finalize ang 2021 Annual Budget base sa naging
resulta ng mga naganap na talakayan.

Sapagkat, nakita ng SP na kulang ang pondo na inilaan para sa PAGBILI NG COVID-19 VACCINE,
at para sa SEKTOR NG KALUSUGAN AT AGRIKULTURA, ipinipilit sana ng SP na lagyan ang
mga ito ng dagdag at sapat na pondo. Kinailangan rin ng SP na humingi ng karagdagang mga
dokumento at magtakda ng ilang kondisyon upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga
probisyon ng 2021 Annual Budget.

Sa kabila ng mariing pagpupumilit ng SP na madagdagan ang pondo para sa Covid-19 vaccine at sa


sektor ng kalusugan at agrikultura, hindi ito pinagbigyan ng Executive Department. Gayunpaman,
ipinasa ng SP, sa magkaibang araw ng sesyon ang 2021 Annual Budget sa Second Reading (February
1) at Third and Final Reading (February 8), sa pangakong ang karagdagang pondo na ipinipilit sana
ng SP ay ilalagay sa Supplemental Budget.

Hindi pamumulitika at panggigipit, kundi pagpupumilit ng SP na lagyan ng sapat na pondo ang higit
na pangangailangan ng mga mamamayan sa kasalukuyang sitwasyon, ang naging dahilan sa hindi
agad pagpasa ng 2021 Annual Budget.

Hindi rin ang pagpapasa ng budget ang dahilan sa sinasabing pagre-resign ng mga hindi nakakasahod
na empleyadong Job Order/Casual/Contractual. KUNG TOTOO MAN NA MAY NAGRESIGN
NGA??? Sapagkat taun-taon ay nauunawaan naman nila na dahil sa transisyon ng pondo at proseso
ng contract renewal sa pagpasok ng bagong taon ay natatanggap nila ang kanilang sahod sa 2nd o 3rd
week ng Pebrero.
Hindi natakot o napressure ang SP sa anumang mga klase ng post sa social media o fake news, mga
paninira at tsismis na inilabas para ipasa ang Budget dahil ginagawa lang ng SP ang kanilang trabaho
para sa kapakanan ng mas nakakarami.

You might also like