You are on page 1of 5

Ang kabuuang pangalan ni Dr. Jose P. Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.

Siya ay isa sa labing-isang anak nina Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Alonso
Realonda y Quintos. Dalawa lang silang magkapatid na lalaki ng kanyang Kuya Paciano.

Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong June 19,1861. Bukod sa Jose,
tinatawag rin siyang ‘Pepe’ sa bahay at lugar nila. Siya ay isang matalinong bata.

Ang Pambansang Bayani ay ipinadala ng kanyang mga magulang sa ibang lugar upang mag-aral.
Naging isang doktor siya sa mata at sumusulat rin siya – siya ay may-akda ng tanyag na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.

Ang kaibahan ni Dr. Jose Rizal sa iba pang mga bayani ay ang kanyang pamamaraan sa
pagtatanggol sa bansang Pilipinas. Idinadaan niya ito sa kanyang mga panulat. Inaresto siya at
hinatulan ng kamatayan.

Namatay si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan sa Manila. Sa kasalukuyan,
mayroon siyang mga monumento sa Luneta Park, Manila, Calamba, Laguna, at Camarines Norte.

You might also like