You are on page 1of 6

Learning Area Grade Level

W2-3
Araling Panlipunan 4
Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Balangkas o Istruktura ng Pamahalaan ng Pilipinas


II. MOST ESSENTIAL LEARNING
Nasusuri ang balangkas o istruktura ng Pamahalaan ng Pilipinas
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natatalakay ang antas ng pamahalaan (pambansa at lokal)

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Sa araling ito ay iyong matutuklasan ang mga detalye tungkol sa balangkas o
Panimula istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas.

Kaya bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang:


1. Natatalakay mo ang dalawang antas ng pamahalaan at saklaw nito
2. Natutukoy mo ang mga pinuno sa dalawang antas ng pamahalaan at
saklaw nito
3. Naihahambing ang katangian ng dalawang antas ng pamahalaan
4. Naipapaliwanag ang kahalagahan na ginagampanan ng dalawang
antas ng pamahalaan sa ating bansa
5. Napapahalagahan ang mga ginagampanang tungkulin ng bawat antas
ng pamahalaan sa ating bansa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Loop-A-Word


Panuto: Hanapin at bilugan ang pangalan ng pangulo ng bansa sa puzzle.

N U O D D O O T
U T D D U G A T
D R R R T H T D
U E I O E H I R
T R O D R I G O
R T G R T N O P
T E O G E T D O

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang pangalan ng pangulo ng ating bansa?
2. Bago siya naging pangulo ng bansa saan muna siya nanunungkulan?

Ngayon, basahin mo ang teksto para alamin kung saang antas ng pamahalaan
napapabilang ang pagiging Pangulo at Alkalde.

Mga Antas ng Pamahalaan


Ang pamahalaan ng Pilipinas ay maaaring hatiin ayon sa kung gaano kalawak
ang sakop ng pangasiwaan ng mga namumuno. Kung ang sakop nito ay mga
lalawigan, lungsod, bayan, at barangay, ito ay nasa antas na lokal na
pamahalaan. Ang buong bansa naman ay nasa antas na pambansa.
Sakop ng antas na pambansang pamahalaan ang tatlong sangay na tinalakay
sa nakaraang aralin—ang mga sangay na tagapagbatas, tagapagpaganap, at
tagapaghukom.
Ang pamahalaang lokal ayon sa itinatadhana ng Batas Republika Blg. 7160 ay
binubuo ng mga lalawigan, lungsod, bayan, at barangay. Ang mga lalawigan ay
nasa ilalim ng pamumuno ng Gobernador katulong ang Bise Gobernador na
inihalal ng mga tao at ilang opisyal na hinirang ng Gobernador ayon sa
itinatadhana ng serbisyo sibil.
Ang Alkalde at Bise Alkalde ang namumuno sa lungsod o bayan katulong ang
mga empleyado na hinirang ng alkalde. Ang barangay ay nasa pamumuno ng
Kapitan ng barangay.
Ang Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Panlungsod, Sangguniang
Pambayan, at Sangguniang Pambarangay ay mga sangay na lehislatibo sa lokal
na antas ng pamahalaan. Gawain ng mga ito ang pagbuo ng mga ordinansa
para sa nasasakupan.
Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga pamahalaang
lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan o
Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sangay na Tagapagpaganap
Ang Sangay na Tagapagpaganap ay binubuo ng Pangulo, Pangalawang
Pangulo, at Gabinete ng bansa. Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na ito.
Bilang Pangulo, siya ang tumatayong pinuno ng estado, pinuno ng pamahalaan,
at punong kumander ng Sandatahang Lakas. Bilang puno naman ng estado,
kinakatawan niya ang bansa sa iba pang mga bansa sa daigdig. Ang opisyal na
tanggapan ng Pangulo ay sa Malacañang.
Ang pangalawang pangulo naman ay maaaring pumalit sa Pangulo kung ito
ay mamatay o hindi na karapat-dapat sa kaniyang tungkulin.
Sa ilalim ng Sangay na Tagapagpaganap na pinamumunuan ng Pangulo ay
ang gabinete na binubuo ng iba’t ibang ahensiya o kagawaran. Ang bawat
kagawaran ay pinamumunuan ng isang Kalihim na katulong ng Pangulo sa
pagpapatupad ng mga pambansang programa at proyekto.

Sangay na Tagapagbatas
May dalawang kapulungan ang sangay na tagapagbatas ng bansa. Ito ang
Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Binubuo ang Senado ng 24 na senador.
Pinamumunuan ang Senado ng pangulo ng Senado na kadalasang nanggagaling
sa mayorya o partido ng nakararaming miyembro sa Senado.
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay binubuo naman ng mga kinatawan ng
mga distrito sa buong bansa at ng mga miyembro ng partylist ng iba’t ibang sektor.
Ang mga kinatawan ay pinamumunuan ng isang Ispiker na inihalal din ng mga
kinatawan.

Sangay na Tagapaghukom
Ang sangay na tagapaghukom ay pinamumunuan ng Korte Suprema o Kataas-
taasang Hukuman. Binubuo ito ng isang Punong Mahistrado at 14 na katulong na
mahistrado.

Sanggunian:
Batayang aklat sa Araling Panlipunan 4 - Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 237 – 248

Mga gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang dalawang antas ng pamahalaan?
2. Ano-ano ang saklaw o sakop ng bawat antas ng pamahalaan?
3. Sino-sino ang mga pinuno sa mga sinasakupan ng bawat antas ng
pamahalaan?
4. Paano mo pahalagahan ang mga ginagampanang tungkulin ng
dalawang antas ng pamahalaan sa ating bansa?
B. Development Ayon sa pagtatalakay, magkakaroon ka ng kaalaman sa mga antas ng
Pagpapaunlad pamahalaan. Para mas lubos mong maunawaan, gawin mo ang mga sumusunod
na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Suriin ng mabuti ang balangkas ng antas ng pamahalaan. Punan ang
patlang sa graphic organizer.

ANTAS NG PAMAHALAAN

Pambansang Pamahalaan Pamahalaang Lokal

Sangay Sangay 4.________


na Sangay na -Lungsod
na
Tagapagh
Tagapag 1.______ 5.________
ukom
batas -Barangay

-Pangulo Korte
Senado -Pangala Soprema o
at wang Kataas-
2._____ Pangulo taasang
3._____ Hukuman

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Lagyan ng markang tsek (✓) ang mga namumuno sa bansa at ekis (X)
naman kung hindi. Ihanay ang mga may markang tsek (✓) ayon sa antas ng
pamahalaan.

__1. Alkalde __6. Kalihim


__2. Reyna __7. Kapitan ng Barangay
__3. Gobernador __8. Bise Gobernador
__4. Punong Mahistrado __9. Pangulo ng Senado
__5. Ispiker sa Kapulungan ng mga Kinatawan __10. Prinsipe

Pamahalaang Lokal Pambansang Pamahalaan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa malinis na papel.
Hanay A Hanay B
1. Tawag sa lehislatibong sangay A. Kapitan
ng lalawigan B. Pangulo
2. Pinuno sa barangay C. Sangguniang Panlunsod
3. Namumuno sa lungsod o bayan D. Alkalde
4. Ahensiyang nangangasiwa sa E. Sangguniang Panlalawigan
mga lokal na pamahalaan F. Kagawaran ng Interyor at Lokal
5. Lehislatibong sangay sa na Pamahalaan
lungsod G. Kapulungan ng mga Kinatawan
6. Namumuno sa Lalawigan H. Sangay ng Tagapaghukom
I. Sangay ng Tagapagbatas
J. Gobernador
7. May pangkalahatang K. Sangguniang Pambayan
pangangasiwa sa mga
pamahalaang lokal
8. Binubuo ng mga kinatawan ng
distrito sa buong bansa at ng mga
miyembro ng party list ng iba’t
ibang sektor
9. Pinamumunuan ng Korte
Suprema o Kataas-taasang
Hukuman
10. Tumatayong pinuno ng estado,
pinuno ng pamahalaan at punong
kumander ng Sandatahang Lakas

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Panuto: Isulat sa malinis na papel ang iyong paliwanag sa bawat pahayag.

1. Ang bawat saklaw o sakop ng antas ng pamahalaan ay may mahahalagang


ginagampanan na tungkulin sa ating bansa.
___________________________________________________________________________
2. Kailangan mong pahalagahan ang mga magagandang programa o proyekto
ng dalawang antas ng pamahalaan.
___________________________________________________________________________

C. Engagement Pagkatapos natin suriin ang balangkas o istruktura ng pamahalaan, ating


Pakikipagpalihan isasagawa ang mga natutunan natin sa araling ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6


Panuto: Isulat ang pangalan ng mga pinunong namumuno sa bansa batay sa
dalawang antas ng pamahalaan. Magpatulong sa iyong magulang o sinumang
nakakaalam tungkol dito.
ANTAS NG PAMAHALAAN
Pambansang Pamahalaan Lokal na Pamahalaan
Pangulo ng Governador: ___________________
Piipinas: ______________________
Ikalawang Pangulo ng Bise Gobernador: _______________
Pilipinas: ______________________
Alkalde: ________________________
Senador: _____________________
Kinatawan ng inyong Distrito Bise Alkalde: ____________________
sa kapulungan: _______________
Kapitan: ________________________
Punong Hukom: _______________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7


Panuto: Tukuyin kung pambansa o lokal na antas ng pamahalaan ang may saklaw
ng sumusunod na mga sitwasyon.
_____________1. ugnayang panlabas
_____________2. koleksiyon ng basura
_____________3. mga asong pagala-gala
_____________4. pagtatayo ng mga paaralan
_____________5. pagpapataw ng parusa sa taong nagkasala
_____________6. kaayusan at kaligtasan ng buong bansa
_____________7. Libreng uniporme at kagamitan sa pag-aaral
_____________8. Maayos na daan at tulay sa mga pangunahing lansangan sa
Bansa
_____________9. Paggawa ng ordinansa para sa ikaaayos ng iyong barangay
_____________10. Pangangalaga sa kapakanan ng mga mangagawa sa loob at
labas ng bansa

Sanggunian: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 4 - Kagamitan ng Mag-aaral


pahina 240

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8


Panuto: Iguhit ang Venn Diagram sa malinis na papel at punan ito.

Katangian ng Pagkakatulad ng mga gawain Katangian ng


Lokal na ng lokal at Pambansang Pambansang
Pamahalaan Pamahalaan Pamahalaan
___________________ ___________________ ________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ _____________________________ ______________________
_________ ________________
___________________
___________________

D. Assimilation Nasuri ko ng mabuti ang balangkas o istruktura ng pamahalaan. Ito ay may


Paglalapat dalawang antas, ang Lokal at Pambansang Pamahalaan. Bawat saklaw ng antas
ng pamahalaan ay may mga gimagampanang tungkulin para sa ikakabuti ng
ating bansa kaya bilang mag-aaral, pihahalagahan ko ang mga ginagawang
programa o proyekto ng lokal at pambansang pamahalaan.
V. ASSESSMENT Sa bahaging ito ay masusukat mo ang iyong kaalaman tungkol sa balangkas o
(Learning Activity Sheets for istruktura ng pamahalaan.
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
3 and 6) Gawain sa Pagkatuto Bilang 9
Panuto: Suriin ng mabuti ang mga pahayag. Iguhit sa patlang ang puso ( ) kung
ang pahayag ay tumutukoy sa istruktura o balangkas ng pamahalaan ng Pilipinas
at bilog (O) naman kung hindi.

______1. Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na


pinamumunuan ng Pangulo ng bansa.
______2. Ang antas ng pamahalaan ay nahahati sa tatlo lamang.
______3. Ang sangay ng tagapagbatas ay binubuo ng dalawang
kapulungan. Ito ay ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan
______4. Tungkulin ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng kabuhayan
bansa.
______5. Mahalaga ang ginagampanan ng dalawang antas ng
pamahalaan dahil ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga
programa para sa nasasakupan.
VI. REFLECTION Pag-isipan ang iyong natutuhan sa araling ito at buuin ang mga pangungusap sa
ibaba.
Sa araling ito, ang tatlong bagay na natutuhan ko
● __________________________________________________________________
● ______________________________________________________________________
● ______________________________________________________________________
Dalawang tanong ko
● ________________________________________________________________________
● ________________________________________________________________________
Isang planong nais kong isagawa
● ________________________________________________________________________
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay
sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito.
Nakatulong ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan
ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang
magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 4 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 5 Bilang 8
Bilang 3 Bilang 6 Bilang 9

You might also like