You are on page 1of 2

RESULTA

Sa resulta ng pananaliksik ni Alimen, halos kalahati na nakipagpanayam na mga pinoy na


tinedyer ay hindi nakakaalam kung ano ang salitang “sexting”. Lumabas din na ang dahilan
kung bakit nila ito alam ay dahil sa mga materyales na pangbasa at sa kanilang mga kaklase. Sabi
din nila na sa panayam nil, ang “sexting” ay paraan para makapagpadala ng mga larawan na
hubad o malapit nang hubad. Ikinakahiya rin nila ito sa kanilang pamilya kapag kumalat ang
balita o larawan nila.

KONCEPTO
Sexting
Ang “sexting” ay ang pagbibigay ng mga larawan, video, o teksto sa paraan na
nagbibigay ito ng malaswang vibe. Ito rin ay ginagamit para pukawin ng tao ang isa’t isa sa
pamamagitan ng larawan, video, o teksto.
Short Messaging Service
Dahil sa pagkaimbento ng mga cellphone, sumikat din ang paggamit ng SMS o Short
Messaging Service. Ito ang pamamaraan ng pagpapadala ng mga tekstong mensahe sa ibang
taong may cellphone din. Ayon sa Bellis na ibinangit ni Alimen, dito nagsimula ang “sexting”.
Ang dahilan niya dito ay, dahil may madali nang paraan para magusap, ginagamit nila ito para
pukawin ang tao sa kabilang linya.
Multimedia Messaging Services
Ito ang pagpapadala ng mensahe (larawan, video, o teksto) sa pamamagitan ng mga
cellular network. Dito rin nagsimula ang pagdami sa pagkahilig ng mga tinedyer sa pagpapadala
ng maluluswang mensahe sa iba’t ibang tao.

TEORYA
“The Medium is the Message”
Ito ang kasabihan na sinabi ni McLuhan na ibinangit ni Alimen. Ang ibig niyang sabihin
dito ay, hindi dapat ang pagaralan ay hindi ang nilalaman ng isang bagay ay ang dapat pagaralan
kundi ang paraan kung paano natin nakuha yung nilalaman o yung media.
Kung nilalagay natin dito sa koncepto ng “sexting”, hindi lang dapat natin pagaralang
ang mga larawan, video, o teksto na kumakalat dahil sa “sexting” kundi pagaralan dapat natin
kung bakit ito ang dinulot ng teknolohiya satin. Kung bakit ito ang dinulot ng paguulad natin.
SANGGUNIAN
Alimen, R. A. (2011). Sexting And The Filipino Youth. Lumina, 22(2), 1-8. Retrieved March 25,
2019, from http://lumina.hnu.edu.ph/articles/(16)alimen.alimenOct11.pdf?fbclid=IwAR1-
Rxa-bGMIkpJiP47gOccvwQy93nIm3c1ExKYsnThSgPcdW12oa8eU750

ANG NATUTUNAN KO SA ARTIKULO NA ITO


Ang naunawaan ko sa artikulo na ito ay, ang “sexting” ay isang paraan para maging
matalik sa isang tao. Pero, naiiba rin ang pagtingin natin saganito dahil kung minsan iniiba ito ng
social media o kaya, ginagamit ang “sexting” sa iskandaloso na paramamaraan. Isang halimbawa
nito ay kay Hayden Kho at ang skandalo niya. Dahil iba ang kanyang intensyon sa paggamit ng
teknolohiya, umiba ang tingin ng mga tao sakanya. Nagdulot lang din siya ng kahihiyan sakanya
at sa kanyang pamilya.
Tama rin ang teorya ni McLuhan na The Medium is the Message. Dahil sa pagangat at
pagbilis sa pagsulong ng teknolohiya, may mga nangyayari na malaswa sa mga tao. Ginagamit
nila ang taknolohiya na ito sa masasamang paraan at hindi sa maganda. Kaya umiiba ang tingin
ng mga tao sa teknolohiya kapag may lumalabas na ganito. Para saakin, hindi kasalanan ng
media ang dumadaming skandalo. Dahil sa ebolusyon ng ating utak at ng ating kultura, umiiba
na ang pagiisip natin. Umiiba ang mga pakay natin, kagaya sa mga ibang lalaki, ang pakay
lamang nila sa mga babae ay makakuha ng malalaswang larawan at pagkatapos ay ibabale wala
na ang respeto sakanya ng babae. Kung minsan pa ay ikinakalat niya pa ito sa kanyang mga tropa
hangat mkarating na iyan sa mga malalaking social media platforms.
Lahat lahat, sa tingin ko, dapat hindi natin gawin ang “sexting” dahil ito ay hindi kaaya-
aya. Na dahil dito, pumapangit ang tingin ng tao sa social media at may nadadamay pa na hindi
dapat madamay. Na dapat, hindi lang natin pagaralan o tignan ang mga larawan, video, o teksto
na mga ito kundi pagaralan natin kung paano ito nangyari at kung bakit.

You might also like