You are on page 1of 21

F Filipino

sa
Piling
Larang
(Akademik)
Pananaliksik
sa Akademikong Pagsulat
Unang Markahan- Modyul 3
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
CS_FA11/12EP-0a-c-39
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

BAHAGI NG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
Inaasahan
pag-aaral1.gamit ang modyul– itonaang
ito. mga
Basahinkasanayang dapat mong
ang mga simpleng panuto matutuhan
na
nasa ibaba para makamitmakompleto
pagkatapos ang layuninangsa paggamit
mga aralin nito.
sa modyul na ito.
1. Sundin ang lahat
2. Unang ng panutong
Pagsubok – ito angnakasaad sa bawat sukatan
bahaging magiging pahina ngng modyul
mga bagong
na ito.kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
2. Isulat ang mahahalagang
3. Balik-tanaw impormasyon
– ang bahaging ito ang tungkol
magigingsa aralin ng
sukatan sa mga
inyong
dating
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman
kaalaman at kasanayang nalinang na. ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan
4. Maikling ang mga araling
Pagpapakilala nalinang.
ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
3. Gawinideya
ang lahat ng mga
ng aralin. pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong
5. Gawain tagapagdaloy
– dito makikita ang angmgamagsuri sa iyong
pagsasanay na mga kasagutan.
gagawin mo ng may
5. Pag-aralang mabuti
kapareha. ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas
6. Tandaan- ng iyong
dito binubuo angpagkatuto.
paglalahatItong ang magiging batayan
aralin.
kung may kakailanganin
7. Pag-alam ka pang dagdag
sa mga Natutuhan na pagsasanay na
– dito mapatutunayan para lalong mo
natutuhan
malinang ang aralin.
ang bagong aralin.Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na gawain.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
6. Nawa’y maging masaya
pagkatuto sa bagongka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.
aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin Panimulang Pananaliksik sa
3 Iba’t Ibang Anyo
ng Akademikong Pagsulat
Inaasahan

Kumusta ka na? Nakatutuwang malamang nagkaroon ka na nang malalim


na kabatiran sa iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin! Nasisiguro kong hindi na
bago sa iyo ang mga anyo ng sulating akademiko at sa tulong ng modyul 2,
nagkaroon ka ng malinaw na ideya sa mga anyo ng sulating iyo nang nabasa sa
nakalipas na mga baitang. Sa modyul namang ito, mauunawaan mong may iba’t
ibang pamamaraan at pananaliksik sa akademikong sulatin.
Sa pagkatapos sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko.

Unang Pagsubok

Panuto: Bago mo pa simulan ang mga gawain sa modyul na ito, susubukin muna
ang iyong kaalaman sa paksa. Basahin at sagutin ang sumusunod na
mga katanungan, isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Isa sa maituturing na malaking kasalanan sa anumang anyo ng sulatin ay


ang pangongopya at walang pormal na pagkilala sa tunay na awtor ng mga
konseptong iyong kinuha. Dahil dito, maaari kang patawan ng parusang:
A. Libelo
B. Slander
C. Forgery
D. Plagiarism

2. Para maiwasan ang anumang uri ng kasalanan sa hindi pagkilala sa tunay


na awtor o may ideya sa orihinal na konsepto, alin sa mga anyo ng sulatin
ang dapat na isaalang-alang?
A. Teknikal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat
D. Reperensiyal na Pagsulat

3
3. Kung nais gamitin ang mga direktang pahayag o mismong mga
pangungusap (verbatim) ng hanguang detalye, nararapat lamang na
A. Isama ang awtor at petsa ng sulatin.
B. Lagyan lamang ng panipi (quotaion mark) ang siping pahayag.
C. magkaltas ng ilang hindi mahahalagang salita.
D. sikaping baguhin ang mga salita sa orihinal na teksto.

4. Hindi mo sinusukuan ang paghahanap ng mahahalagang


impormasyon para lamang maibilang mo ito sa iyong akademikong
pagsulat. Taglay mo ang katangiang
A. kritikal.
B. matapat.
C. matiyaga.
D. sistematiko.

5. Walang paglalangkap ng anumang damdamin sa iyong isinusulat,


may pagtitimbang o walang biased, at obhetibo sa lahat ng
pagkakataon. Taglay mo ang katangiang
A. maingat.
B. kritikal.
C. matiyaga.
D. sistematiko.

Balik-Tanaw (Pagkamalikhain)

Panuto: Magtala sa kwaderno ng mga pamamaraan ng isang indibiduwal sa


paghahanda niya ng kaniyang mga sulatin, lalo pa’t nabibilang siya
sa isang larang/disiplina (halimbawa: reporter, field researcher,
awtor ng editoryal, manunulat ng blog, atb.)

ILAN SA MGA PAGHAHANDA SA AKADEMIKONG PAGSULAT

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa nakaraang modyul ay nabatid mo na ang iba’t ibang anyo ng akademikong pagsulat. Ngayon naman,
mababatid at maisasaalang-alang mo ang iba’t ibang pamamaraan at paghahanda ng pananaliksik ng
sinumang nagsasagawa ng akademikong pagsulat.

Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda at Pananaliksik ng Akademikong Pagsulat


Katangian ng Mananalilsik/Manunulat
Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik/Manunulat
Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa Akademikong Pagsulat

Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda ng Akademikong Pagsulat

1. Katangian ng Mananaliksik/Manunulat
Marapat lamang na angkinin ng kahit sinumang manunulat o
mananaliksik ang sumusunod na mga katangian, lalo sa paghahanda
ng kritikal na mga dokumento at artikulo:
a. Matiyaga – walang katapusan ang paghahanap ng
mahahalagang mga datos na makatutulong sa kaniyang sulatin,
ito man ay sa lehitimong mga personalidad, institusyon at mga
nakalimbag na materyal.
b. Sistematiko – may tamang pag-iiskedyul at pagsasaayos ng mga
appointment sa kakapanayamin at/o pupuntahang mga lugar.
Mahalaga ang tamang pagbabalangkas ng oras sa pananaliksik.
c. Maingat – mahigpit na isinasaalang-alang ang balidasyon ng
facts o datos ng pananaliksik, kredibilidad ng mga
pinaghanguan ng detalye (kung ito ba ay mapagkakatiwalaan at
eksperto na sa partikular na larang/disiplina), may
pagtitimbang sa mga panig ng pagsisiyasat o walang biased
pagdating sa paglalahad ng detalye, higit sa lahat ay ang
malinaw na paglalahad ng motibo, kongklusyon, puna,
rekomendasyon sa isinagawang pananaliksik.
d. Kritikal – hindi lahat ng nakalap na datos ay isinasama sa
pananaliksik. Mainam na maging mapanuri ang mananaliksik
kung ang nakuhang datos ba ay napapanahon, may relevance o
kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik, may kabuluhan sa
susunod pang mga mananaliksik, at higit sa lahat
mapakikinabangan ng sinumang nag-aaral ng partikular na
larang. Hindi lamang basta-basta tumatanggap ng mga datos,
5
manapa’y sinusuri, sinisiyasat, at pinaglilimiang mabuti ang
kabuluhan ng mga nakalap na datos. Mahusay siya sa pag-
aayaw-ayaw ng mga detalye.
e. Matapat – walang itinatagong pagkilala sa mga orihinal na ideya
mula sa pinaghanguang mga datos. Hindi inaangkin ng
manunulat na ang kaniyang mga nakuhang datos ay
pagmamay- ari niya at may iba nang personalidad/institusyon
ang nagmamay-ari na nito.

2. Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik/Manunulat


Sa kahit na anong sitwasyon, marapat lamang na isaalang-alang ng
kahit na sinuman ang “kagandahang-asal” at “wastong pag-iral” sa
pakikitungo sa kapwa. Ganito rin sa pagsulat at pananaliksik. Narito
ang mga etika at responsibilidad ng mananaliksik/manunulat:
a. Kilalanin na ang mga ideyang inilagay sa pananaliksik/pagsulat
ay hindi nanggaling sa iyo o may orihinal ng nagmamay-ari ng
mga ito.
b. Huwag basta-basta kumuha ng mga datos ng walang permiso sa
mga mapagkakatiwalaang tao/institusyon. Lumiham, tumawag
sa telepono o mobile, mag-email at ayusin ang iskedyul bago ang
itinakdang panayam.
c. Magpokus lamang sa paksa ng interbyu. Iwasang langkapan ng
personal at negatibong pagsipat ang mga obserbasyon.
d. Pagtiyagaang daanan ang proseso ng pagsulat. Huwag
manipulahin ang mga datos at pagsikapang kunin ang mga
detalye sa tamang panahon at pagkakataon.
e. Huwag na huwag dayain ang mga impormasyon. Masusukat
dito ang integridad at kredibilidad ng mismong gumagawa ng
pananaliksik. Maging obhetibo sa lahat ng pagkakataon.

3. Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa Akademikong Pagsulat


Isang kalapastanganan sa akademikong pagsulat ang pagkopya
ng mga konsepto at ideya, pagsipi ng mga orihinal na gawa nang
walang pagkilala at/o paghingi ng pahintulot sa tunay na mga may-
akda. Plagiarism ang tawag dito. Paano maiiwasan ang plagiarism?
a. Lagi’t lagi, isama ang pangalan ng awtor/institusyon at petsa
ng pagkakasulat ng mga dokumento.
b. Iwasan ang maya’t mayang pagsipi sa mismong pahayag
(verbatim). May iba’t ibang uri ng pagtatala (buod o presi,
halaw, mula active patungong passive voice, at marami pang
iba). Muli, kilalanin at isama ang pangalan ng awtor at petsa ng
pagkakasulat/pagkakalathala ng datos o ideya.

6
Gawain 1

(MapanuringPag-iisip, Pagtutulungan, Pakikipagtalastasan )

Panuto: Ngayong nalaman mong may mga dapat na isaalang-alang sa


pananaliksik at paghahanda ng akademikong sulatin, muling balikan
ang inyong nakalipas na mga pamamaraan sa pagkalap ng datos na
sa tingin mo’y dapat nang baguhin at palitan. Talakayin ito sa
pamamagitan ng malayang diskusyon kasama ang kapartner na
kamag-aral na pinili mo sa tulong ng messenger o text. Gawing
batayan sa pagsagot at pagtalakay ang talahanayan sa ibaba.

SA PAGHAHANDA NG AMING PANANALIKSIK AT PAGKALAP NG DATOS

KUNG DATI’Y . . . NGAYON NAMAN,


SISIKAPIN NAMING…

RUBRIK SA PAGMAMARKA

20 15 10 5

Makatotohanan Kumpleto sa Bahagyang Hindi nakasunod


ang makabuluhan pagpapaliwanag ang impormasyon lamang sa hinihinging
ang pagtalakay. naging pagtalakay. ang inilahok sa impormasyon ang
pagtalakay. talakay.

Gawain 2 (Pagbuo ng Katauhan)

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong maipapayo sa iyong kamag-aaral na


nagsasagawa ng pamantayan sa pananaliksik at akademikong
pagsulat?
7
Ilahad mo rin kung paanomo sila mahihikayat na maging
responsable sa pagsulat ng pananaliksik at iba pang mahahalagang
dokumento?

Tandaan

Lagi nating isasaalang-alang na ang epektibong mga sulatin gaya ng pananaliksik at iba
pang akademikong pagsulat ay nakasalalay sa
magagandang katangianngmismongmanunulatatangkaniyang
malawak na kasanayansapagsulat.Huwagdingkaliligtaanna
mahalagang salik ang pagsangguni sa mapagkakatiwalaang
tao/eksperto/institusyon sa piling mga larang at disiplina, na siyang magsisilbing giya at
gabay sa mabisa at episyenteng pagsulat.

Pag-alam sa Natutuhan

(Pakikipagtalastasan, Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong natutuhan tungkol sa


paghahanda at panimulang pananaliksik sa akademikong
pagsulat.

Mahalagang matutuhan ang mga paghahanda at pananaliksik sa iba’t


ibang anyo ng akademikong pagsulat sapagkat

8
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.
1. Regular na tinitiyak ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga wikang
kailangang sagipin sa iba’t ibang panig ng arkipelago. Kaya naman,
nagsasagawa sila ng pananaliksik sa pamamagitan ng personal na
pagtungo sa mga lalawigan at liblib na pook upang kumustahin ang
native speaker ng partikular na wika. Taglay nila ang katangiang
A. maingat
B. matapat
C. matiyaga
D. sistematiko
2. Walang sinasayang na panahon si Sandra Aguinaldo, reporter ng
GMA- 7 sa pagkalap ng mga datos at impormasyon sa tiyak na
panahon at pagkakataon. Alin sa mga sumusunod na katangian ng
mananaliksik ang ipinamalas ni Sandra Aguinaldo?
A. Maingat
B. Matapat
C. Matiyaga
D. Sistematiko
3. Sa tuwing magsasagawa ng live webinar si Prop. David San Juan ng
De La Salle University, lagi niyang binabanggit ang orihinal na mga
awtor at manunulat ng isang partikular na konsepto o ideya. Anong
katangian ng mananaliksik ang taglay ni Prop. San Juan?
A. Maingat
B. Matapat
C. Matiyaga
D. Sistematiko
4. Upang hindi makasuhan ng plagiarism, laging isaalang-alang sa
pagsipi ng mga tala ang
A. hindi pagkopya ng tuwirang sabi sa lahat ng pagkakataon.
B. pangalan at petsa ng orihinal na awtor.
C. wastong pagbubuod/rephrasing ng mga tala.
D. lahat ng nabanggit
5. Ang sumusunod ay maituturing na mabuting etika sa pananaliksik at
pagsulat ng mga akademikong tala maliban sa .
A. bigyang-pansin ang datos sa halip na personal na pananaw.
B. magsumikap sa pagkalap ng datos gaano man ito kahirap.
C. kilalanin sa tuwina ang ideya ng mga orihinal na awtor.
D. sadyain ang mga kapapanayamin kahit na walang abiso.

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Ano ang kapakinabangan sa iyo ng mga nabanggit na etika sa pagsulat bilang mag-
aaral ng pananaliksik at akademikong sulatin? Sagutin ito sa iyong kwaderno.
9
Sanggunian
Garcia, F. C. at Servillano, M. T. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Quezon City: SIBS Publishing House, Inc.
Julian, A. Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
San Juan, D. M. M. at Briones, J. K. R. (2017). SALIMBAY: Filipino sa Larangang
Akademiko. Makati City: Salesiana Books Don Bosco Press.
Santos, C. L. at Corazon, G. P. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik.
Pasig City: DepEd Bureau of Learning Resources

Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang
(Akademik) Unang Markahan-
Ikatlong Linggo Modyul 3

Gawain 1 :
Unang Pagsubok Pangwakas na
Maaaring magkaiba-iba Pagsusulit
1. D
ng sagot. Sumangguni
2. D
sa Pamantayan sa 1. C
3. A
4. C Pagmamarka 2. D
3. B
5. A
4. D
Gawain 2/Papel sa 5. D
Replektibong
Pagkatuto

Maaaring magkaiba-iba
ang sagot ng mga mag-
aaral.

10
F
Filipino
sa
Piling Larang
(Akademik)
Unang Markahan-Ikaapat na Linggo
Modyul 4
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng
Paglalagom
Kasanayang Pampagkatuto:
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FAPU-0d-f-93

11
Para Saan ang Modyul Na Ito

Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin: Uri ng paglalagom na


inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang.
Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating
lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na
pagsusulat sa piniling larangan.

Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom at ang kahulugan
katangian, layunin at gamit ng bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng iba’t ibang
akademikong sulatin sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga panuntunan
upang matamo ang mga kasanayang hinahangad.

Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa


kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan,
napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip.

Paano Mo Matututunan

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:


• Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa, pag-unawa at
pagsusuri sa nilalaman ng mga aralin.
• Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap.
• Manaliksik sa iba pang sanggunian sa loob ng mga aklatan at websites ukol sa
aralin upang maragdagan ang kaalaman.
• Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang
akma at tumpak na sagot..
• Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay, pagtataya at pagsusulit.

12
Panahong
Aralin Uri ng Paglalagom:
4 Abstrak

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.CS_FAPU-0d-


f-93

Subukin
Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA kung ito ay
nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.

________1. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob
sa paksang nilalaman sng sulatin o akda.

________2.Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan ang pagtitimbang-


timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang
pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan.

________3.Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng


Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon.

________4.Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat


ito ay nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

________5.Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik.

Balikan

Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.

Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa teksto. Sa puntong ito, isulat
ang buong pangungusap sa bawat kaisipan. (Ang pangunahing kaisipan ay ang punong ideya
na makikita sa unahan, gitna at hulihan ng talata. Ang pantulong naman na kaisipan ay ang
13
sumusuporta sa Punong ideya)

Ang mga coronavirus ay iniisip na kumakalat sa hangin sa pag- ubo/pagbahing


at malapit na personal na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga kontaminadong
bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o mata.

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring


magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad
ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory
Syndrome (SARS-CoV).

Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakikilala sa mga
tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang
ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. (https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-
tl.aspx)

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pangunahing kaisipan

14
Tuklasin
Pagsulat ng Abstrak
Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang
paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang kabuuang kaisipang nakapaloob
sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang mga kasanayang
maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan
ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom. Una, natututunan ang
pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang
pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan.

Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa


ng akda o teksto. Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang binabasa.
Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na
pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante. Pangatlo,
nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular na ideya at ang tamang
paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay
mailahad nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin ay nakatutulong sa
pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng
makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay


nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis
na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali sa mga gawaing
dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maiikling sulatin na
kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto o pag-aaral.
Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutunan
mo ang paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at
sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa arling ito ay lubos mong matututunan ang
pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod – ang abstrak, synopsis o buod at bionote.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang
akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract(1997), bagama’t
ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon, resulta at
konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat
bahagi ng sulatin o ulat.

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.


2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa
mambabasa at sa manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng
malinaw na kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na
mag-iiwan ng pala-isipan kaugnay sa paksa.

15
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga
detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin, hindi
maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag- aaral o
sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya naman,
nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na maaaring
gamitin sa pagsulat ng Abstrak.

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.


2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon ,kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng
sulatin.Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung
sagyang kinakailangan .
5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang
dapat isama rito mabuti ang abstrak.
Isulat ang pinal na sipi nito.

Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa, sagutin ang
mga katanungan ukol dito.
1. Ano ang kahulugan ng lagom?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang


nagsasagawa ng paglalagom?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat
ang isang Abstrak ?

5. Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga

16
paraan sa pagsulat nito?

Pagyamanin
Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin
natin ang elemento nito.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK


Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung
ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal,
espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik
ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom
convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay
tatlumpo‟t lima
(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na
naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang
pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-
pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito
ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean
score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September
2015

Narito ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay


Luntian: Rasyunal
Asul : Metodolohiya
Itim : Saklaw at Delimitasyon
Pula : Resulta ng Pananaliksik

Isaisip

Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN:


Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang pangungusap na magbubuod
sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang
pangunahing kaisipan.

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

17
Isagawa
Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang elemento
nito gamit ang matrix.
Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon
Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng
mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at
talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng
antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang
diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa
pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global
Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang
tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa
pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa
pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na
kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

1. Introduksyon/Rasyunal 2. Saklaw At Delimitasyon

Kasanayan sa Pagsasalita ng
mga Mag- aaral sa Ikaapat na
Tao

4.Resulta
3.Metodolohiya

Tayahin
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang
kahulugan, kalikasan , mga katangian , layunin , gamit ,
anyo (porma) ng Abstrak . Isulat ito sa tasrt.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90
18
Abstrak
Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit
Anyo(porma)

Karagdagang Gawain

Panuto: PAGSULAT NG ABSTRAK: Sumulat ng abstrak sa isang bondpaper mula


sa iyong sariling pananaliksik noong ikalawang semestre sa nagdaang taong-
panuruan bilang tugon sa pangangailangan ng asignaturang “Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”. Sundin ang mga
panuntunan sa pagbuo nito.

Susi ng Pagwawasto
Unang Markahan-Modyul 4

SUBUKIN :

1.TAMA
2.TAMA
3. MALI
4. MALI
5. MALI

BALIKAN :

Pangunahing kaisipan -.
Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit
mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory
Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV).
Pantulong na Kaisipan _
***Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na
personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at
pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.
***Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao.
***Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay

19
maaari ring makahawa sa mga tao.

SURIIN – Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

ISAISIP - Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

ISAGAWA :

Rasyunal -Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa


ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa
pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga
sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at
ekstemporenyo.
Saklaw at Delimitasyon-Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na
mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa
pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating
impromptu,ekstomperenyo.
Metodolohiya-Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita
ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang
Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa
impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya
sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng
datos.
Resulta-Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga
mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na
kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

Mga Sanggunian
Aklat

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )


Phoenix Publishing 2016

Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016
Edition

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral


Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

20
21

You might also like