You are on page 1of 2

(Hinaing)

REQUIREMENTS

R – requirements dose letrang nagpahirap sa aking puso’t isipan


Naranasang gising sa gitna ng kadiliman
Inabutan ng deadline sa kahahabol ng 11:59
Napaisip at humiyaw saan ako nagkulang?

E- everybody ought to know na kami mandi’y nahihihirapan


Mga pighati’t kahirapan pano namin malalampasan?
Requirements na Kaliwa’t kanan pano sisimulan?
Kung ika’y Magtanong agad ika’y pagagalitan.

Q- Q and A portion agad sa pdf o module na kabibigay lamang


Pababasahin, tatanungin sa araling dimo nasilip man lamang
Sadyang mapapahiya ka kapag di mo nasagot ang mga katanungan
Dahil ang labanan dito, mapapahiya ka muna bago ka tuturuan.

U- understanding salitang inaasam at hinahanap ng karamihan


kahit kunting konsiderasyon, pag-extend ng time sa amin ay ibigay
umaasa na kami ay pagbigyan, ngunit malaking NO ang iyong kasagutan
pano namin maihahabol sa deadline ang sangkatutak mong aktibidad na bigay

I – Ikaw? Oo ikaw nga, nagtapos at nanggaling sa mataas na paaralan


Degree holder kang naturingan, ngunit bakit kami di’mo maintindihan
Mas lamang ang takot, phobia namin keysa sa natutunan
Dahil pabulyaw kang magturo sa klase at laging may dahilan

R- Respeto ang nais ng karamihan ito’y pampatibay sana sa’ting samahan


Nguni’t ang batch na’to parang laging pinag-iinitan
Kami ay handang matuto’t magbago kung kami tuturuan
nang magagandang asal na ikaw ang pinagmulan

E-everyone of us ay maraming dinaranas


Kaliwa’t kanang pagsubok ika’y di makaiiwas
Pag-join mo sa meet ikaw ay di makakatakas
Sa sari-saring bintang at sermon na di ginawa ang iyong mamamalas
M- Mr. MMMM umpisa pa lng ng iyong class, sermon na ang panghimagas
Sakit na sa ulo paulit – ulit mong dinidiscuss
Kailan kaya tayo makaka-move on sa topic mong wagas
Ubos na ang time at panahon sa ahh, ehhh ihhh mong bigkas

E- everyone of us ay may mga pangarap na nais kamtin


pangarap na nais marating para sa mga mahal sa buhay na ating kapiling
Pangarap ko sa sana’y huwag mong laitin
dahil sakripisyo’t paghihirap ko’y dimo napapansin

N- night class ang offer mong madalas


Kapag ika’y di nakapag-turo sa itinakdang oras
Nagagalit agad kapag di kami nakajoin sa class
Sa kahahabol mo sa oras kami ang natudas

T- teacher, teacher sayo sana kami kukuha ng lakas


Ngunit sa ipinapakita mo, kami na lang ang iiwas
Nais sana naming makita mo aming dinaranas
Sa sangkatutak na requirements buhok ko’y nalalagas.

S- Subrang Hirap na po aming nararanasan


Panay padin ang gawa at habol sa deadline mong inilaan
Dahil sa subrang pagod, at puyat na aking nararanasan
Heto ako… nakagawa ng tula ng diko inaasahan..

(Ermz)

You might also like