You are on page 1of 1

SA NGALAN NG PAG-IBIG by December Avenue

Lyrics
Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala nang papalit sa 'yo?
Nasa'n ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon, woah-oh
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa 'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali
Ng kahapong 'di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo?
Nasa'n ka man, sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo, woah-oh
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa 'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali
Ng kahapong 'di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan pa ba magtitiis? Nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka'y sa aking panaginip
Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang maramdaman
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig mo
Source: Musixmatch
Songwriters: December Avenue

You might also like