You are on page 1of 2

JALENE L.

MASAGCA
TALIPUSNGO ELEMENTARY SCHOOL
MARAGONDON DISTRICT

Gawain I

Modular Learning sa panuruang 2020-2021 sa Talipusngo Elementary School,


pahirapan, mga guro at magulang nagsanib pwersa.

Gawain II

SULONG EDUKALIDAD; DIPLOMA SA PANDEMYA

Sa ikalawang pagkakataon, ang inaasam na pagmartsa para sa diploma ng


mga mag-aaral at mga magulang ay naudlot muli dahil sa pandemya.

Muli na naman nagpatupad ang Department of Education ng “no face-to-face


graduation ceremony”.

Bilang pag-iingat sa Covid-19 virus na kinakaharap ng ating bansa, naglabas


ng DepEd Memorandum No. 027, series 2021 ang Department of Education para sa
muling pagtatapos ng panuruang 2020-2021. Laman ng Memorandum na ito ang
kautusan na hindi pa rin pinapayagan ang pagkakaroon ng ‘face-to-face graduation
ceremony’ sa taong ito.

Ayon sa DepEd, ang mga magtatapos sa Kinder, Grade 6, Grade 10 at Grade


12 ay magakakaroon ng pagatatapos na programa sa pamamagitan ng virtual o
online graduation bilang kapalit sa face-to-face alinsunod sa guideline and health
protocols ng Department of Health at Inter-Agency Task Force.

Ang nasabing virtual graduation ay kailangang maikli at hindi dapat lalagpas


sa dalawang oras para rin isaalang-alang ang mga may limitadong koneksyon sa
internet.

Karamihan sa mga kaguruuan ay sang-ayon sa panukala ng DepEd.

“Okay lang na magkaroon ng virtual graduation dahil nga sa pandemya at


para hindi malagay sa risk ang mga bata at magulang pati DepEd personnel”, ani
Eden Rose M. Mendoza, punong-guro ng Talipusngo Elementary School.

Ilang magulang din ang nagpakita ng suporta at pagsa-ayon sa panukala.

“As a first time mom na makakaexperience sana ng graduation na tinatawag


para sa anak, honestly speaking excited po ako na mag march with my son. But
since in our days right now cause of pandemic, I totally understand the situation and
I agree na iyong magiging rites would be virtual”, Nick Torres, PTA President,
Talipusngo Elementary School.

“In our time right now we must think what will happen to us (just in case)
especially to us na mga mag-aaral. Marami pa po kaming graduation na maattend.
Cheers to us and keep safe everyone”. Job Balala, SPG President, Talipusngo
Elementary School.

You might also like